Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Sixteen [flashback]

3.2K 67 6
By krizemman

Nakakapanibago ang katahimikan ng buong kabahayan. Umalis na din sila Aling Katring bilang kasambahay. Maghahanap na daw sila ng bagong mapapasukan. Si Aling Bebang naman ay nasa Maynila pa din kasama ng pamilya nila Madam Rosa.

Dalawa na lang kami ni Tiyo Sandy ang nakatira ngayon dito malaking bahay.

Dahil pati yung ibang naninilbihan dito ay nagsialisan na din. Wala na din naman daw sila Madam pati ang mga bata kaya wala na din daw dahilan para manilbihan sila dito. Kaya naman, bilang punong tagapangasiwa. Pumayag na si Tiyo Sandy na umalis sila.

Gabi na naman. Hindi ako dalawin ng antok, kahit pagod sa trabaho, hindi ko magawang makatulog agad. Tulad ng madalas kong ginagawa kapag hindi agad maatulog. Lumabas ako ng aking silid at naglakad lakad sa may hardin.

Sa di kalayuan natanaw ko si Shamy sa malaking puno na nakatayo. 'Anong ginagawa nya dun? Imposibleng hindi nya pa alam yung nangyari kay Van?'

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Shamy" Mahinang pagtawag ko. Pero sapat na para marinig niya.

"Ikaw pala Jess. Anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nya na may pagtataka. 'Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo, hindi ikaw.'

"Nagpapaantok. Nakita kita ditong nakatayo." Sagot ko.

"Ganun ba" sagot niya. Bakas ang lungkot sa tinig niya.

"Bakit ka nandito ng ganitong oras? Gabing gabi na"

"Hinihintay ko si Van. Kanina pa ako dito. Ilang linggo na din akong pabalik balik. Naghihintay buksan yung bintana para makita nya akong naghihintay sa kanya." Maluha luhang saad niya. Nagtaka naman sa sinabi niya. 'Kung ganun, hindi pa niya alam na wala na si Van'

"S-Shamy, h-hindi mo pa..." Pagtatapat ko na sana yung nangyari kay Van. Pero hindi pa man ako tapos magsalita ng bigla siyang sumigaw.

"Hindi pa siya patay! Hindi pa siya patay, nangako siyang babalikan niya ako dito. Kaya dito lang ako para hintayin siya!" Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

Wala sa sarili kong hinila siya palapit sakin, at yakapin ng mahigpit.

"Wala na siya Shamy, hindi na siya babalik dito" bulong ko sa  kanya habang yakap siya.

Naramdaman ko naman unti unti siyang nalayo sa akin.

"Nangako siya. Nangakong dito kami magkikita tuwing gabi" umiiyak na saad niya. "Dyan" Turo nya sa bintana na katapat ng malaking puno. "Dyan siya dudungaw para makita niyang nandito na ako." Parang baliw na usal niya pa.

Naglabas ako ng bimpo para sana ipamunas sa mukha niya na basang basa ng luha. Pero hindi niya ito kinuha. Naglabas siya ng sarili niyang panyo. Dahil medyo maliwanag naman, naagaw ang atensyon ko ng disenyo nito. 

"Shamy maaari ko bang matingnan saglit yang panyong gamit mo" ani ko na nakaturo sa hawak niyang panyo.

Napatigil naman siya sa pag iyak at takang tumingin sa panyong gamit niya sabay tumingin sakin. Wala sa sariling iniabot naman niya yung panyo.

'Hindi nga ako nagkakamali, ganito yung panyo na nakita nung mga pulis' Panyo na may burdang uwak. 'Hindi kaya may kinalaman siya sa pag patay kay Van? Pero imposible, mahal na mahal niya yung tao kaya imposibleng mapaslang niya ito.'

"Bakit anong meron sa panyo ko at ganyan na lang ang reaksyon mo?"

"Sa iyong panyo ba yan Shamy?" Sinagot ko ng tanong din ang tanong niya.

"Hindi" sagot niya na may kasamang iling. "Sa kapatid kong babae ito, nahiram ko lang"

"Mahilig pala siya sa mga uwak?"

"Oo, halos lahat ng panyo niya, may mga burdang ganito." sagot niya habang hinihimas niya yung panyong hawak na niya. "Bakit mo pala natanong?"

"May nakita kasing ganyan na panyo sa tabi ng bangkay ni Van" Alinlangang usal ko. Biglang nagbago yung ekpresyon ng mukha niya sa sinabi ko. Halatang gulat at hindi makapaniwala sa iniusal ko sa kanya. Kaya ibinalik niya ang paningin sa hawak.

"Sinungaling ka. Hindi pa patay si Van. At panong mapupunta ang panyo ng kapatid ko sa silid niya?" Galit na saad niya habang nakatingin pa din sa hawak na panyo.

Halatang hindi niya pa din tanggap ang nangyari sa lalaking pinakamamahal niya. Dahil sa mga sinasabi niya ngaon sa harap ko.

Nasasaktan man ako sa katotohanang iyon. Hindi ko pa naman mapigilan ang sarili kong mahalin siya.

"Pero iyon ang katotohanan. Wala na 'yung taong pinakamamahal mo, hindi na siya babalik" Giit ko sa kanya. "Nandito lang ako, handang mahalin ka ng buong puso ko, kaya ko din punan yung pagmamahal niya na, hindi na kailanman maipaparamdam sa'yo" Maluha luha kung anas. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, kaya nagawa ko ng magtapat sa kanya ng nararamdaman ko sa kabila ng paghihinagpis niya sa nangyari.

Akmang yayakapin ko na siya pero bago ko man magawa yun tumakbo na siya palayo sakin. Maagap naman akong sumunod sa kanya. Pero sadyang mabilis siyang tumakbo kaya hindi ko na siya naabutan pa.

Ilang araw at gabi ang lumipas pagkatapos ng pangyayaring iyon sa amin dalawa ni Shamy. Hindi ko na muli siyang nakita pa.

---

Nandito ako ngayon sa hardin na nag aasikaso ng mga halaman. Kasama ko na din ang mga magulang at mga kapatid ko dito sa malaking bahay. Kami na din tumayong tagapangalaga nito. Si Tiyo Sandy naman umuwi na sa pamilya niya sa kabilang bayan.

"Nabalitaan nyo na yung nagyari sa pamilya ng mga mamatay tao?" Matandang matabang babae.

"Oo, grabe ang nangyri sa kanila. mantakin mo 'yun, sila na nga yung mga mamatay tao, sila pa ngayon ang napatay" Matandang pandak na babae.

Dinig ko sa malakas na pag uusap ng mga tsismosa. 'Pamilya ng mga mamatay tao? Hindi kaya 'yung pamilya nila Shamy ang tinitukoy nila?' Dahil kilala sa buong bayan ang pamilya nila bilang mga mamatay tao. Hindi naman sila mahuli ng mga pulis dahil wala naman makuhang mabigat na ibedensiya na magtuturo sa kanila na sila ang gumagawa ng mga ganung pagpatay.

"Grabe talaga, lalo dun sa anak na babae, halos magutay na daw ang katawan sa dami ng saksak na natamo." Matandang payat na babae.

Lumabas ako ng bakuran para lapitan yung tatlong matatanda na malakas magkwentuhan.

"Manang mawalang galang na po"  Sabat ko sa usapan nila, napatingin naman sila sakin pagkasalita ko. "Sino po yung tinutukoy niyong mga mamatay tao? Ano po bang nangyari?"

"Yung pamilya nung bababeng nagpupunta dati dito, natagpuan wala na mga wala ng buhay dun sa bahay nila sa pinakaliblib na lugar ng bayang ito"

'Liblib na nga nagawa pang makasagap ng tsismis'

"Sino daw pumatay?" Matandang mataba

"Ewan, basta ang balita, baka daw binalikan sila nung mga pamilya na pinatayan nila" Matandang payat

"Ilan po ang patay?" Tanong ko naman, nag aalala ako para kay Shamy.

"Tatlo daw, Mga magulang at anak."

'Tatlo? Ang alam ko apat lang silang miyembro ng pamilya. Magulang at kapatid niya.'

"Kasama po ba yung babaeng napunta dito noon sa napatay?" Alinlangang tanong ko.

"Hindi. Ang sabi nawawala daw 'yun. Maaring nakatakas at nakaligtas. Dahil lagi naman daw wala yun sa bahay nila" Matandang pandak

'Salamat kung ganun, at nakaligtas siya' Wala sa sariling naiusal ko. Masyado akong nagaalala para sa kanya. Lalo na ngayon, pagkatapos mawala ng taong pinakamamahal niya, ngayon naman ay 'yung pamilya niya. 'Sana nasa maayos siyang kalagayan ngayon'

Pumasok na ako sa loob ng bakuran. Iniwan ko na yung mga matandang naghuhuntahan.

Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng insidenteng nangyaring pagpaslang sa pamilya ni Shamy. Wala na akong naging balita pa sa kanya.

"Anak pumunta ka nga kina Tiyo Anding mo, ihatid mo itong niloto kong ulam" Utos sa akin ni Nanay. Iniabot niya sakin ang isang supot na may laman ng niluto niyang ulam. Kinuha ko naman ito at agad din umalis ng bahay.

Habang naglalakad ako sa pilapil, sa hindi kalayuan may nakita akong nakahandusay sa may palayan. Hindi ko mawari kong ito'y lalaki o babae. Kaya nagpasya akong lapitan na lang. Ilang hakbang nalang ang layo ko sa taong nakahandusay, agad kong nabitiwan ang hawak kong supot nangmakilala ko kung sino ang nilalang na iyon.

"S-Shamy..." Mahinang usal ko habang nag aalalang tinatapik ang kaliwang pisngi nya ng maitihaya ko na siya. Ngunit naka ilang tapik na ako, hindi pa din siya nagkakamalay.

Dahil sa kaba at pag aalala ko. Mabilis ko siyang binuhat. Gustuhin ko man iuwi siya sa kanila, hindi ko alam kung saan ang tirahan niya.

Kaya nagpasya na lang akong sa malaking bahay na lang siya dalhin.

"Nay!" Sigaw ko ng matanaw ko siya mula sa labas ng tarangkahan. Hindi ko din naman din kayang magisang buksan iyo, dahil akay ko si Shamy. Mabilis naman kumilos si Nanay para pagbukasan ako.

"Anak sino yang babae na akay akay mo?" Tanong niya pagkabukas ng tarangkahan.

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para mailapag na si Shamy sa higaan. Dumeretso ako sa aking silid at dun siya inilapag.

"Anak sino ba yang babae na yan, bakit mo siya dinala dito? baka mamaya kung ano pang mangyari dyan, ikaw pa mapahamak." Pagalalang paalala ni nanay sakin. \\\\\hindi ko na muna sinagot ang tanong niya.

"Nay pakibantayan po muna siya kukuha lang ako ng maligamgam na tubig. Para malinisan siya" Dahil napakaputik niya at basang basa.

"Magpalit ka muna ng iyong kasuotan anak, bago ka bumaba." Bilin niya, kaya naman nagpalit na muna ako bago bumaba.

Mabilis ang kilos na ginawa ko. Nakakuha agad ako ng tubig na panlinis kay Shamy, si Nanay na ang gumawa 'nun. Naghintay lang ako sa labas habang binibihisan niya si Shamy.

Pagpasok ko malinis at maayos na din ang itsura niya.

"Nay bakit wala pa din po siyang malay?"

"Maaring sa pagod at gutom anak. Base sa kasuotan niya, ilang araw niya itong suot. Madumi din ang kanyang mga talampakan at may konti itong mga sugat. Bakas na tumakbo siya ng tumakbo. May dugo din akong napansin sa kasuotan niyang tinanggal ko. Pati sa kamay niya ay bakas din ang tuyong dugo."

'Saan naman niya nakuha yung dugo na sinasabi ni Nanay?' Tinitigan ko ang mukha ng babaeng tinatangi ko. Bakas dito ang lungkot at pagod na nararamdaman. 'Kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi ka sana mahihirapan ng ganyan ngayon.'

"Lalabas na ako anak. Sa kapatid mo na lang ako ulit magpapahatid ng ulam sa para sa Tiyo mo." Lumabas na si Nanay. Kaya dalawa na lang kami si Shamy ang nandito ngayon sa silid.

'Babantyan kita hanggang magising ka, hindi kita iiwan tulad ng mga taong nangiwan sa'yo' Nanatili lang ako sa tabi niya. Hanggang sa makatulog na din ako.

"J-Jess" Dinig kong mahinang tawag sakin ng isang babae. "Jess" Tawag ulit sa'kin. Bigla naman bumalik sa alala ko si Shamy. Nandito nga pala siya ngayon sa silid ko.

Napabalikwas naman ako ng bangon. Agad ko naman siyang pinagmasdan, kung maasyos ang lagay niya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko habang hinawakan ko ang isang kamay niya. Pero hindi siya sumagot, nakita ko naman unti unting pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Naupo siya mula sa pagkakahiga, pero tuloy pa din siya sa kanyang pag iyak. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. Sa pamamgitan lang nun ay maiparamdam ko na nandito ako para sa kanya at hindi siya iiwan.

"Tahan na" Malambing at malumanay kong usal sa kanya.

"Nakaganti na ako, naipaghiganti ko na siya, pwede na kaming magsama" umiiyak na usal niya.

Nilayo ko siya ng kaunti sa akin, at litong tumingin sa mga mata nita na basang basa ng mga luha. "Anong ibig mong ipahiwatig Shamy sa mga iniusal mong yan?"

Nakayuko na siya ngayon, waring nag aalinlangan kung magsasabi ba siya o hindi. Kaya naman hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Shamy magtiwala ka sakin, ano bang sinasabi mong nakaganti kana ? Para kanino? At para saan" Ako

Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nakita ko naman pinunasan niya ang mga luha sa mata.

"Pinatay nila ang pinakamamahal ko, kaya dapat lang din na mamatay sila, tama lang na pinatay ko silang lahat" Tiim bagang usal niya. Sakit at poot ang mababakas sa kanya.

"Sino ang pinatay mo?" Alinalangan tanong ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ang ganun bagay.

"Pinatay ko ang pamilya ko, paulit ulit o silang pinatay,  dahil paulit ulit nila akong pinatay sa ginawa nila sa lalaking pinakamamahal at pinahahalagahan ko." Halos mangilabot ako sa narinig ko.

'Ibig niyang sabihin siya ang pumatay sa sarili niyang pamilya, dahil ito daw ang pumatay sa lalaking iniibig niiya. At yun ay si Van.' Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko. Nagawa niyang isugal ang sarili niyang buhay at nagawa niyang pumatay dahil sa lalaking yun. 'Wala kana pero maswerte kapa din dahil ikaw pa din ang mahal niya, pero dahil sayo nasira ang buhay niya' Inggit at poot na saad ko sa sarili ko patungkol kay Van.

"Bakit mo ginawa yun sa sarili mong pamilya? Alam mo bang maaari kang makulong sa ginawa mo? At kapag nangyari 'yun mas lalo kang mapapahamak sa loob ng kulungan"

"Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin, mas gugustuhin ko pang mamatay para makasama na siya, mas magiging masaya na ako kapag dumating na ang araw na 'yun." Puno ng pighati ang mga inusal niyang iyon. Masakit para sakin na makita ang babaeng mahal ko na nasasaktan at nahihirapan dahil sa taong wala na.

"Bakit nila pinatay si Van?" Wala sa sariling tanong ko.

"Pinatay ng kapatid ko si Van, dahil hindi sa inggit, dahil nung nagtapat siya dito ay nabigo lang siyang mahalin din siya nito. Nung malaman niya na ako ang dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Van, nagalit siya sakin, nagbanta siyang papatayin niya ako. Sinabi kong mabuti ngang ako na lang patayin niya kaysa si Van. Dahil kahit wala na ako, alam kung ako pa din ang mamahalin niya. Pero nagkamali ako, pinatay niya si Van. Pinatay niya ang lalaking pinakamamahal ko!" Panaghoy niya.

Wala akong mahanap na tamang salita na masabi sa kanya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Ayaw niya akong maging masaya. Kaya mas pinili niyang patayin si Van, sa ganun paraan alam niyang magdudusa ako sa sobrang kalungkutan." Tuloy pa niya.

"Pero bakit pati mga magulang mo nagawa mong paslangin?"

"Pinatay ko sila dahil mga wala silang kwentang mga magulang. Hindi nila kailan man tinuring akong anak. Wala silang kilalang anak kundi ang kapatid kong walang kwenta, walang ibang alam gawin kundi ang pumatay ng mga taong inosente. Ganun din ang mga magulang ko. Lahat sila mga mamatay tao!" Uniiyak na usal niya. 'Totoo pala talaga yung balita tungkol sa pamilya nila. Pero sa ginawa niya, isa na din siyang mamatay tao'

Nag-aalala ako para sa kanya. Para kasing nawawala na siya sa katinuan. Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa sarili niya. Kaya nagpasya na akong dito muna sila patuluyin. 'Tutulungan kitang malimutan siya. Gagawin kong lahat mabaling lang ang pagmamahal mo sa akin'

"Isusuplong mo ba ako sa mga pulis? Para maparusahan sa ginawa ko sa sariling pamilya ko? Kung gagawin mo yun hindi ako magalit sa'yo. Sapat lang na makulong ako" Natangis niyang usal.

"Hindi ko gagawin sa'yo 'yun, alam ko naman nagsisisi ka sa mga nagawa mo"

Hindi na ulit siya nagsalita.

Nag akyat naman si Nanay ng pagkain para sa aming dalawa, sabayan ko na daw kumain si Shamy para naman daw ganahan kumain. Nang matapos kaming kumain, pinagpahinga ko na ulit siya.

"Matulog kana, dito lang ako para mabantayan ka"

"H'wag mo na akong bantayan, masyado na kitang naabala. Matutulog na ako." Malamig na usal niya, walang kaemo-emosyon. Tumango naman ako at lumabas ng silid.

*****

 VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

511 78 12
Following the aftermath of Thanos's universe-altering actions, the blip brings back those who have vanished, thanks to the Avengers' heroic efforts...
76.8K 642 51
[COMPLETED✔] Started: May 22,2017 Completed: October 14, 2017 Spread your feelings by words. Highest reached rank: #02 in Spoken Poetry [June 30, 201...
61.6K 591 48
Copyrights © 2014 by oppalove123 CREDITS TO THE OWNER.
1.3M 18K 15
One and Only Rule: Bawal pumasok ang magandang babae sa loob ng BAHAY ni MARIA.