Daily Gospel (Weekdays) 13...

By SaIsaPangSulyap

9 0 0

Daily Gospel po natin mula Lunes hanggang Sabado (13- 18 Marso 2017). Magbigay kayo, at kayo'y bibig... More

Lunes - 13 Marso 2017
Miyerkules - 15 Marso 2017
Huwebes - 16 Marso 2017
Biyernes - 17 Marso 2017
Sabado - 18 Marso 2017

Martes - 14 Marso 2017

2 0 0
By SaIsaPangSulyap

(Pagbasa: Isaias 1:10-20; Salmo: Awit 50:8-23)

Mabuting Balita: Mateo 23:1-12

1 At sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad:

2 "Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. 3 Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan, sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. 4 Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. 5 Pakitang-tao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawit sa kanilang balabal. 6 Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. 7 Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao.

8 Huwag kayong patawag na guro sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. 9 Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. 10 Huwag din kayong patawag na gabay sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. 11 Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. 12 Sapagkat ibababa ang nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.  

( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap.blogspot.com )

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 123K 27
What is love? Written ©️ 2014
52K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
530K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...