One Shots

By raingeremillo

334K 4.1K 939

This is a compilation of short stories. Kung wala ka sa mood magbasa ng novel or busy ka or kailangan mo ng p... More

Katahimikan
Even Though
Jiro
Vandalism
The Road Not Taken
Count 1 to 10
Just Another Day
MY FIRST
Happy New Year
Her
Birthday Gift
Akin ka lang! Umepal paslang!!
New Compilation

Just A Day

30.4K 466 167
By raingeremillo



Erika's POV


"San ka pupunta?"

"Sa puso mo!" 

"Tino mo talagang kausap 'noh?!"

"Haha! Well... that's me Eka!" 

"Magtigil kang Ico ka ah! Wag mo akong simulan! Wala ako sa mood!" 

"Chilax bes, sungit nito." Nagsimula syang maglakad papalayo.

"Oi! San ka ba pupunta??!" Tumayo ako at sinigawan sya. Nasa park kami at katatapos lang namin magjogging. Kaya naupo muna kami sa isang bench para magpahinga. Tuwing umaga kasi lagi kaming sabay magjogging at magbreakfast sa mcdo. 

Sya si Ico, haha. Tawag ko sa kanya shortcut for his name, ayaw nya kasi yan kaya yun tawag ko sa kanya pag asar ako sa kanya.  Jerico Martin naman ang totoo nyang pangalan. Bestfriend ko sya simula elementary until now, pareho kaming fourth year but we're not in the same school. 

Paano kami naging magbestfriend? 

Dahil sa isang activity.

Grade 3, nagtransfer sya sa pinapasukan ko at naging magclassmate kami. Dahil bago palang sya, wala pa syang makasama at makausap. Tahimik kasi sya palagi eh, one day nagkaroon kami ng class activity na by partner. Nasa isang sulok lang sya nun at nakatingin lang sa mga kaklase namin, nilapitan ko sya.

"Jerico, partner tayo! :) " 

"S-sige" nahihiyang sagot nya. 

"Lahat na ba may kapartner?" Tanong ng teacher.

"Ooooppppo!" Sabay sabay naming sagot na ubod ng haba. ^_^

Question and answer ang activity nun, kahit anong tanong. Ang topic kasi namin nun e rising and falling intonation. 

Ako ang unang nagtanong sya lagi ang sagot. Bali ako yung rising, sya ang falling.

"Are you happy?" 

"Yes, I am"

"Do you like puppy?"

"No, i don't" 

"Do you have a crush?" 

"....."

"Uy... tagal mo sumagot. Last na yun tapos ikaw na magtatanong" kinalabit ko sya dahil nakatingin lang sya sa may bintana. Nung lumingon ako kung san sya nakatingin, may babae akong nakita, si ate Nikki. Grade 6. 

"Crush mo si ate Nikki?" 

Napalingon naman agad sya sakin.

"Hindi.. yes i have yung sagot ko sa tanong mo. Ako na magtatanong" 

"Eeeh, teka teka! Isang pang tanong! Sino yung crush mo?" 

"Did you eat your breakfast?" 

"Wah, wait! Sagot ka muna!" 

"Are you deaf?" 

"Tsk! No, i'm not!"

"Kainis to. Daya mo. Sabihin mo na kung sino... secret lang natin!" 

"Can you be my bestfriend?" 

I smiled.

"Sure! Sure!!" Sigaw ko na may halong excitement. 

Narinig ako ng teacher namin kaya lumapit ito sa amin. 

"Erika. That's not a falling intonation, say it again.." kalmadong sabi ni ma'am

"Yes, i can" :)

Then, that's it. Haha! After that activity, palagi na kaming magkasama. Nagpupunta rin sya sa bahay namin, para maglaro sa mini playground namin. Nagpupunta rin ako sa kanila para maglaro ng play station. Minsan sleep over ako sa kanila, sya din naman samin pag natripan nya. 

Hindi kami pareho ng pinasukan ng high school dahil magkaiba ang gusto ng parents namin, pero madalas pa rin naman kami magkita. Malapit lang din naman kasi ang bahay namin sa kanila. 

Minsan nga inakala ng mga classmate ko na boyfriend ko sya dahil lagi nya akong sinusundo pag uwian. Pero syempre, sabi ko bestfriend ko sya. 

***back to setting***

"Sa puso mo nga!" sigaw nito dahil malayo na sya sakin.

"Ewan ko sayo! Bahala ka nga!"

"Haha, pikon mo talaga bes. Cr lang, sama ka?"

Hindi ko na sya pinansin at naupo na lang ulit sa bench.. 

Minsan hindi ko maintindihan ugali nya eh, masungit, suplado, tapos biglang masayahin, palabiro at bolero. 

"Grabe, na-flush na yata sa inidoro yun eh. Ang tagal ah!" Tumayo ako para tingnan kung padating na ba sya, pero wala pa rin eh kaya naglakad na ako papunta sa may public restroom. Nasa may malapit lang ako ng restroom habang hinihintay sya. Pero ilang tao na ang lumabas, bakit wala sya. Naiinis na ko.! Iniwan nya ba ko?! 

Umalis na ko sa may restroom para umuwi mag isa. Nakasimangot ako habang naglalakad ng may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko.

"Erika!."

"Bes! Nasaan ka ba?"

"Erika! " 

Napatigil ako sa paglakad ng makita ko syang nakatalikod at naghahanap sa paligid. May hawak syang maraming lobo na iba't ibang kulay. Parang binili nya lahat yung tinda na lobo nung nakita namin kanina.

Nung makalingon na sya sa direksyon ko, agad syang tumakbo at niyakap ako na naging dahilan ng paglipad ng mga lobo. 

"Wah! Yung lobo" Agad kong sabi pagkalipad ng mga lobo kasabay ng pagyakap nito sakin. 

"San ka ba nagpunta? Pinag alala mo ko! Gusto mo ba akong mamatay sa takot huh?!" 

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tumingin diretso sa aking mga mata. 

"Bes, yung lobo..." tinuro ko yung mga lobo na lumilipad, segway kung baga. May kakaiba kasi akong naramdaman sa yakap nya. 

"Tss. Kainis to. Hay.. hayaan mo na yun, san ka ba nagpunta? Bakit nawala ka?" 

"Ang tagal mo kaya! Kaya pinuntahan kita dun pero wala ka naman! Ako pa nakakainis, eh ikaw nga tong pinaghintay ako ng matagal, ikaw ang san nagpunta?!"

"Hinanap ko kasi yung nagtitinda ng lobo kaya natagalan ako"

"Ano ba kasing trip mo at naisipan mong bumili ? May party ba?" 

JERICO'S POV

 "Ano ba kasing trip mo at naisipan mong bumili ? May party ba?" 

Magtatapat na ako sayo, sasabihin ko nang mahal kita. 

 Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero wala, nasira yung plano ko. Ayaw yata ng tadhana na magtapat ako sa kanya.

"Wala naman, tamang trip lang. Tara na nga, kain na tayo"  hinigit ko ang kamay nya saka ako nagsimulang maglakad. 

Si Erika, bestfriend ko, ang babaeng mahal ko. Sa tagal na naming magkakilala at sa tagal ko na syang lihim na minamahal, napagtanto ko na it's about time to let her know my unrequited love for my one and only bestfriend, who else, its Erika Jane Calderon. 

"Jerico, sayo na lang oh, busog na ko eh" 

"Diet ka na naman, ubusin mo yan."

"Hindi ah! Busog na talaga ko bes, sige na kasi sayang naman kung walang kakain eh." 

"Sus, subuan mo ko, kakainin ko yan,.. aaaahhh" 

"Bata? Haha. Cute naman ng baby ko... aah.- sarap diba?" 

Para lang kaming magboyfriend ng mga oras na to, sana ganito na lang kami lagi, sana madagdagan ang role ko sa buhay nya. Sana akin sya. 

Pagkatapos naming kumain, hinatid ko na sya sa bahay nila at agad din naman akong umuwi. 

Habang naglalakad ako pauwi, nakasalubong ko si Marion. Pinakilala sya sakin ni Erika nung isang beses nakita ko sila sa mall na magkasama, friend nya daw. =__=. Syempre ako naman itong nagselos, isipin ko pa lang may iba syang kasama at lalaki pa gusto ng sumabog ng puso ko. Hindi naman kami close nitong Marion na to, pero hinarang ko sya para tanungin.

"Oi tol, san punta mo?" tanong ko sa kanya.

"Uy.. Ikaw pala.. Papunta ko sa bahay nila Erika eh, susunduin ko sana" 

"talaga? may usapan kayo? San naman kayo pupunta?" nabadtrip naman ako bigla, ang aga- aga naman nitong mangbubulabog, 10am pa lang kaya! tss. 

"wala naman, yayayain ko lang syang magmall. magpapasama lang, ikaw san ka pupunta?" 

"huh? ahh.. sa bahay din nila. tara sabay na tayo" 

Kahit kagagaling ko lang dun, sinabi ko pa rin na dun ako pupunta. Ayokong sumama sya dito. Hindi na kami nag-usap habang naglalakad, kinuha ko yung phone ko at tinext si Erika.

[Bes.. pinapapunta ka ni mommy sa bahay, tikman mo daw yung bago nyang recipe. Pabalik na ko dyan, sunduin kita .]

"ah.. Marion, una ka na.. may dadaanan muna ko" sabi ko sa kanya tsaka ako lumiko sa kabilang kanto. Para lang hindi alam ni Erika na alam ko na na may balak si Marion na yayain sya. 

Erika's POV

[Bes.. pinapapunta ka ni mommy sa bahay, tikman mo daw yung bago nyang recipe. Pabalik na ko dyan, sunduin kita .]

waahh!! hahaha. saya! makakatikim ulit ako ng luto ni Tita Janet! favorite ko mga luto ng mommy ni Ico eh, sarap kasi! the best! hehehe.. pero masarap din naman magluto si mama, pero iba pa rin yung kay tita eh, professional Chef kasi yun, ;) excited na ko! 

>>.DING---DONG.<<

Dali-dali akong tumakbo palabas para buksan yung gate, baka si Bes na to! ^__^

"BeS! Tara na daliiiiiiiiiiiiiiiiiii" 

"Ayyyy... sorry... Ikaw pala MArion., what brought you here?"

"ahh.. Hi Erika, mukang may hinihintay ka ahh ,, uhm, gusto ko sana invite ka magmall eh, papasama sana ako. okay lang ba?"

"ahh... ehh....ano eh ..  pasok ka muna, tara" 

Then pasok naman kami. Inexplain ko sa kanya na hindi ako pwede kasi may nakaset na akong lakad, nakakahiya naman kay Tita janet pag hindi ako pumunta, at isa pa gusto ko yung luto ni Tita.. waahh.. Sorry Marion. >.<

"ganon ba? sige okay lang.. may next time pa naman eh"

"pasensya na talaga ah......  ------- Uy bes! nandyan ka na pala!

Nasa loob na ng bahay si Ico, walang katok o doorbell .. welcome na sya dito sa bahay eh, sya na nagbubukas ng gate namin, hahaha.. ganun din naman ako sa kanila . ^_^

"uhm. magkakilala na naman kayo diba, Tara na ba Ico?" excited kong tanong kahit nasa harap pa namin si Marion.

"May bisita ka pa eh"

tumingin naman ako kay Marion, pero wala yata syang balak magkusa? ang pangit naman kung paalisin ko sya, kaya pinaupo ko muna si Ico. Sa tabi ko sya umupo.

Nag kwentuhan lang kami ni MArion, minsan naman nakikisabat si Ico. yung iba nga kontra sa mga sinasabi ni Marion eh , tulad na lang nito.

"Alam mo Erika, bagay sayo short hair, bakit di mo subukan magchange look?" sabi ni Marion.

"Talaga?? Minsan nga naisip ko rin eh. kaso nagdadalawang isip ako. Bagay ba talaga sa tingin mo?"

"OO naman" sabi nya.

"Maganda ka na ng ganyan Eka, wag mo paiklian buhok mo wala na kong mapagtitripan" kontra ni Ico

basta all in all, wala silang pinagkasunduan. Ayaw yata ni Ico kay Marion eh,. Bakit kaya??

Pumunta ako sa kitchen para tumingin ng food, pero sumunod pala sakin si Ico.

"eka, di pa ba aalis yung asungot na yon?"

"asungot ka dyan, ikaw huh.. be good nga, napapansin ko lagi kang kontra sa kanya, ayaw mo ba sa kanya?"

"bakit, gusto mo ba sya?"

eeeehhh???? parang iba yung dating ng tanong nya sakin ah...

"huh??, panong gusto, kaibigan ko lang naman yun"

"may gusto sayo yun."

"Nyeks! di rin.."

"bahala ka nga"

tapos umalis na? walkout?

"oY! san ka pupunta?" tanong ko.

"Sa puso mo!!" pero hindi sya lumingon, hinayaan ko na lang kasi baka bumalik na yun sa sala. Pero pagdating ko sa sala wala sya.Kaya tinanong ko sa Marion kung nasaan si Jerico, sabi nya umakyat daw sa second floor.. Tapos nagpaalam na sya kasi nagtext yung kapatid nya. Tinanong pa nga kung bakit basta na lang umakyat at pumasok si Ico eh. sabi ko naman parang bahay na rin nya to.

Nang makaalis na si Marion, umakyat ako at diretso sa kwarto ko. Nakita ko si Ico na nakahiga sa kama ko.

"Dito na ba puso ko huh?" pero hindi sya nagsalita at nag iba ng pwesto. bali tumalikod sya sakin.

"Ano namang drama yan Jerico Martin? Problema mo??" Hinawakan ko sya sa may balikat at pilit na inihaharap sa akin. pero wala, ayaw akong pansinin.

"Bes, di pa ba tayo pupunta sa bahay nyo? Baka naghihintay na si Tita."

"wala si Mommy dun" humarap sya sakin, pero nakahiga pa rin. ako naman nakaupo lang sa kama ko.

"huh? eh sabi mo nagtext mom mo, tapos pinapapunta ko??"

"wala yon."

"ano?? di ko sinamahan si Marion dahil sa wala? nakakahiya naman sa kanya, nagpunta pa sya dito para yayain ako sa mall, tapos wala naman pala akong pupuntahan. ANg sama mo, bakit ka nagsinungaling sa akin?? Tsk."

Bumangon sya sa kama ko at umupo na lang, nakatingin lang sya sakin pero seryoso yung muka nya. Problema nito/????

"problema mo? bakit ganyan ka makatingin?" pero hindi nya ulit ako pinansin at nag "tsk" na lang sya, tapos tumayo sya at lumabas ng kwarto ko.

"San ka na naman pupunta ,................   hoy!" amp! hindi ako pinansin?? sinara pa yung pinto ng kwarto ko??? badtrip ah! naiinis na ko. hindi nya ko pinapansin tapos nagwa-walkout pa????? ano bang ginawa ko??

Lumabas ako ng kwarto at sinundan sya, nasa may last step na sya ng hagdan kaya dinungaw ko na lang sya mula sa secong floor.

"Hoy! Ico! San ka pupunta?! anong problema mo! kainis ka na ah!" sigaw ko sa kanya. Buti wala si Mama, . tsk

"Sa puso mo!!" sigaw nya. tapos hindi ko na sya nakita, nakalabas na siguro. Hindi ko na sya sinundan kaya pumasok na ko ulit sa kwarto.


Kainis talaga yun, hindi makausap ng matino. asar lang!!

Jerico's POV

Kainis! ang hirap magkaroon ng mahal na manhid! tss. Hindi ba obvious na nagseselos ako sa kutong lupa na yon?? At talagang naging masama pa ko dahil gumawa ako ng way para hindi sya sumama dun sa tipaklong na yon.! badtrip lang!

Ang saya pa nyang makipag-usap dun! nagpapadala sa mga bola ng gagu! sorry for my words. hindi ko lang talaga trip yung lalaking yon. Ewan ko ba, baka dahil alam kong may gusto sya kay erika.

Alam ko naman eh, na wala akong karapatan, pero hindi ko maiwasan magselos eh. Ang hirap naman kasi magtapat sa kaibigan. Alam nyo yung feeling na, nakakatakot mareject, na baka mawala pati yung kung ano lang ang meron kami, na baka hanggang bestfriend lang talaga ako para sa kanya at yun lang ang role ko sa buhay nya. Hay. ewan.......

Pabalik ako ng bahay nila Erika, kasi hindi ko matiis na ganito kami. Baka nagalit na yun sakin. Ayoko naman na mangyari yon. Pumasok na ko sa gate nila at nakasalubong ko Lyka, younger sister ni Eka.


"Oh kuya Ico. Nasa taas si ate eh"

"sige, puntahan ko na lang" then umakyat na ko sa kwarto nya.

Kumatok ako ng ilang ulit sa pinto ni Eka, pero walang sumasagot kaya pumasok na ko,

"Bes??" paghahanap ko sa kanya. wala kasi sya sa kama nya. Tapos nakita ko sya nasa harap pala ng computer.  Inexit naman sya agad yung ginawa nya kaya hindi ko nakita.

"anong ginagawa mo dito" walang buhay nyang tanong.


tuluyan na kong pumasok sa kwarto nya at umupo sa kama nya.

"sorry"

pero hindi nya ko kinibo.. Patay, galit nga. tss... paulit ulit akong nagsorry sa kanya, pero wala akong maidahilan.

"basta sorry na.. bati na tayo ah.. wag ka na magalit sakin Bes Eka."

 "ano munang problema mo? bakit bigla ka na lang naginarte kanina???"

eto na ba?? yung part two ng plano ko kanina? na magtapat na sa kanya? Sasabihin ko na bang, "Bes, mahal kita" haay... parang nawalan ako ng lakas ng loob. =_=

"huuh? ano kasi eh..."

"ano???"

"ah. kasi... ewan ko. hindi ko maexplain eh" fail . =_=

"pwede ba yon?? ano ba kasing problema mo? bakit nagwalkout ka, tapos hindi mo pa ko pinansin kanina, tapos hindi ka pa sumasagot ng maayos, puro sa puso mo, sa puso mo...."

"Yun lang kasi yung alam kong lugar at gusto kong marating"

Erika's POV

eto na naman si Ico, hirap na namang kausap. haay.

"Yung maayos naman kasi Ico, yan ka naman eh."

"Kilala mo si Kevin diba?" tanong nya.

"OO, tropa mo yun diba? bakit naman napasok yon? sya siguro nagtuturo sayo ng kabalastugan."

"Naikwento ko kasi sa kanya yung babaeng mahal ko"

"waahh!! may mahal ka na?? hala! ang daya mo! bakit sakin hindi mo sinasabi?? sino/?? magkwento ka... walang secret satin diba?? Sino yung mahal mo? kilala ko ba bes? yieee.. naks!"

"teka lang, patapusin mo ko.--  Sabi nya sakin, baka hindi ako sigurado sa nararamdaman ko at inaakala ko lang mahal ko sya kasi lagi ko syang kasama . pero Sabi ko sa kanya. " hindi tol , hindi ko sya minahal dahil lang sa lagi ko syang nakakasama..... Lagi akong nasa tabi nya at lagi ko syang gustong makasama dahil mahal ko sya"

magkaiba ba yon?? gulo nya yata? pero hindi na ko sumingit pa, minsan lang magkwento ng ganito to eh, actually first time.. hihi. ang cute lang.

"Ang hirap lang, kasi lagi ko nga syang kasama pero hindi nya naman alam na mahal ko sya"

"sinabi mo na ba?" tanong ko.

"hindi pa, pero gumagawa na ako ng way para masabi ko sa kanya, alam mo bang matagal ko na syang mahal? Pero ang hirap sabihin na mahal ko sya kasi natatakot ako na baka mabaliwala lang ang lahat."

"ang torpe pala ng bestfriend ko, ano ka ba naman. Dapat sabihin mo sa kanya noh! paano pala kung pareho kayo ng nararamdaman, tapos hinihintay ka lang nya kasi babae sya, alam mo na, traditional way na lalaki ang gumagawa ng moves."

"Sa tingin mo ba, may pag asa ako sa kanya?"

"OO naman noh! sino bang hindi magkakagusto sayo? Gwapo, mabait, matalino, gentleman, may pagkasumpungin nga lang minsan, sweet.. Oh diba, wala na syang hahanapin pa sayo noh. Eh teka.. sino ba yan. pakilala mo naman sakin..."

Jerico's POV

this is it.. sasabihin ko na... sya na mismo nagsabi na sino bang hindi magkakagusto sakin, at may pag asa ako sa kanya. Kailangan ko rin sabihin sa kanya para malaman ko kung pareho ba kami ng nararamdaman. Baka tama nga ang sinabi nya na traditional na lalaki ang unang umaamin ng nararamdaman nito para sa babae, at naniniwala pa rin sya dito. Tama. sasabihin ko na.. Ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit sa tuwing tatanungin nya ako kung saan ako pupunta ang laging sagot ko ay sa puso nya. Gusto kong magkaroon ng puwang, o malaking space sa puso nya, gusto kong pumunta sa puso nya and i want to stay there FOR GOOD. Corny, pero ganon talaga nagagawa ng love eh, once na tinamaan ka na, Boom. lahat ng pinaka corny at baduy na inakala mo eh ikaw na mismo ang gagawa.

"Yun na nga ang gagawin ko, ipapakilala ko na sya sayo."

pLooop ( notification tone yan)

"ayy. wait lang. hold  your emotion Bes, check ko lang ah.." dali-dali syang nagpunta sa computer nya pagkailaw at tunog ng computer nya.

"Kyaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! Shet!!! grabe!!!!!!!!! waaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BES!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ang saya ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw nya, at halos nagwawala na sya sa harap ng computer nya.

"Bes!! dali!!! halika dito !! may Good New ako sayo!!!!!!!!! waahhh!!! hahahahhaa!!!! God!! Thank you!!!"

Agad din naman ako lumapit sa kanya at tumingin sa monitor.

"Ano ba yan? tanong ko. grabe naman kasi magwala to, akala mo nanalo sa Lotto eh.

"Bes!! basahin mo!! hahahahha.. Shet talaga!!!! ang saya ko!!! KYAAAAAAAAAH... *o* "

Gaya nga ng sinabi nya binasa ko. Facebook lang pala to.

Erika Jane Calderon: Nyahaha.! ^_^ halata bang inlove ako? hihihi

Tyron James Santos: Medyo, ang saya mo lagi eh. ^_^  pero, inlove ka nga?

Erika Jane Calderon: Yep!! :)))))) <3

Tyron James Santos: awww..... :(  who's the lucky Guy?

Erika Jane Calderon: secret. ;p

Tyron James Santos: T_T huli na pala ko.... Pero kahit ganon man, gusto ko pa rin sabihin sayo na, i like you so much Erika, i mean.. i love you i don't know how i'd develop this feelings for you, hindi ko alam kung kelan pa, siguro nung mas naging close tayo sa isa't isa lalo na nung naging magkasama tayo sa SC. Ayokong magsisi sa huli na hindi ko masabi sayo yung feelings ko, I love you Erika. Pero sana, after nitong pag amin ko hindi ka mailang sakin. AYokong iwasan mo ko, o layuan dahil sa sinabi ko. Pero kung boyfriend na yang dahilan ng pagiging masaya mo at sa kanya ka inlove, okay lang. huli man ako, atleast nasabi ko sayo na Mahal kita. <3

Habang binabasa ko yung message nung tyron, nadudurog yung puso ko, kasi bakit magiging ganito ang reaction nya kung wala lang sa kanya to. Pero inlove sya????????? Kanino?

Takte! gusto kong magmura, magwala, AHHH! EWAN!! may kakaiba akong naramdaman!!!! P*Tanjnfjsbnjkgsjkgs!!!!!!!!!!!!!!

</////////3

"WAAAAHH!!! BES!!!!!!" tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit na may kasama pang paglundag.

"Bes!!! ang saya!!!!!! MAHAL AKO NI TYRON !! JERICO MARTIN!!!! MAHAL AKO NG LALAKING MAHAL KO!!!!!!"

OUCH!!!!! PATAYIN NYO NA KO PLEASE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

T_______________T

ANG SAKIT!!! FEELING KO BABAGSAK NA KO AT HINDI KO NA KAYA PANG TUMAYO SA SARILI KONG LAKAS.

TANGING ANG YAKAP NA LANG NYA KUNG BAKIT HINDI PA KO BUMABAGSAK.

T_____-T

Tangna! ayoko na! bakit ganito? yung inakala kong nakakatakot at masakit na pagtangi o rejection ng taong mahal ko ang pinaka worst na mangyayari sa buhay ko kapag umamin ako sa kanya, HINDI PALA!!! MAS MASAKIT AT MATINDI PALANG BAGO KO PA LANG SUSUBUKAN NA MAGTAPAT, IPINAMUKA NA NYA SAKIN NA MAY MAHAL SYANG IBA. AT SOBRANG SAYA NYA DAHIL MAHAL SYA NG TAONG MAHAL NYA.

Lintik na PAG-IBIG to!!!

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin, bumalik sa pagkakaupo at humarap na ulit sa monitor.

Erika Jane Calderon: You're not yet Late Tyron.. You're just in Time.. ^____^

Hindi ko na kaya... sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit. ayoko na.. Tama na please... Tama na. Naglakad na ako palayo sa kanya at lumabas ng kwarto nya, hindi nya yata napansin dahil busy sya sa TAONG MAHAL NYA. Pero hindi pa man ako nakakababa ng tuluyan narinig ko syang tukbo at sumigaw.

"Bes! san ka pupunta??" bakas na bakas sa muka nya na sobrang saya nya. Samantalang ako, kulang na lang ilibing ako ng buhay. At ang masaklap pa, yung naghukay ng libingan ko eh yung BABAENG PINAKAMAMAHAL ko pa. (T__T)

"Uuwi na" sagot ko. Iniwas ko yung tingin ko pagkasabi ko nyan, Baka kasi namumula na yung mata ko sa sobrang pagpipigil ng mga luha kong kanina pang gusto kumawala.

"WOW!!! FIRST TIME AH!!! INGAT KA BES!!! bukas mo na ituloy yung kwento mo ah! ipapakilala mo pa ko sa kanya!!! BYE BESTFRIEND!!! "


"Bye."




My world ends..... in JUST A DAY.




To be continued...




Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 128 36
The cyst in my lungs obstruct the air pathway kaya hirap akong huminga. Hindi raw pala asthma sakit ko, it's LAM from the start. Madalas daw talagang...
130K 1.1K 21
Determined to be a priest, Shield found himself entering the seminary. But with a twist of fate, he met Leigh in a rather hysterical way during a vol...
24.3K 1.1K 11
Would you let your lips be harassed by a girl with a twisted mind? - credits to the owner of the photo that I used as my book cover for this story.
190K 6.7K 46
HE WAS A GAY Written by: ImVictorique Book Cover: Mushy23 Gay Series#3 She's a lesbian while he's gay. What will happen if 'LOVE' was on their way...