the more you hate, the more y...

By theLOZgirl

454 28 2

Rejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian... More

I love you yesterday, not today
Hot headed is no good
His side
Feeling sorry
What? There's two Ciel!
My Dream Valentine's Date
meet their cousin's
Past love story
surprise
secret
dress
prom night
He is sick

Her Reason

72 3 0
By theLOZgirl

(Lian POV)

"Hey pres. How was your morning, are you free today?" sabi ni Ciel na bigla na lang sumulpot sa aking harapan at nakangiti pa ang loko. Binigyan ko sya ng pilit na ngiti.

"Maganda naman yung umaga ko nung di pa kita nakikita pero ngayon sirang sira na at di ako free kung ikaw lang din naman ang matatanong," sarkastiko kong sabi sa kanya na ikinasimangot naman nya.

"Bakit ba ang init lagi ng ulo mo pag dating sa akin eh wala naman akong ginagawa sayo na dapat mong ikagalit ah, minsan nga iniisip ko na lang na may gusto ka sakin kaso di mo maamin kaya dinadaan mo na lang sa kasungitan mo," sabi nya. Na nakahawak pa sa baba nya na kala mo nag iisip. Napa 'huh' naman ako dun.

"Hoy Mr. Ciel Cloud Villasis, wag kang feeling jan kasi una sa lahat di ka gwapo para magkagusto ako sayo; pangalawa, hindi yung mga tulad mo yung type ko nho at pangatlo, may mahal na akong iba kaya sorry ka na lang," sabi ko. Lalong lumawak ang ngiti nya, problema netong isang to.

"Oww, hulaan ko mahal mo kung sino," sabi nya. Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi nya.

"Kahit hindi na," masungit kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang umalis pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ng magsalita syang muli.

"Si Ji, tama ba ko?" sabi pa nya. Napaharap ako sa kanya at muling lumapit.

"Paano mo yun nalaman?" seryoso kong sabi sa kanya.

"Dahil sadyang alam ko lang, wala ka din namang pakialam kung malaman ko man yun o hindi diba," sabi nya.

"I'm not kidding around Ciel, just say it to me where did you know that," halos pasigaw ko ng sabi sa kanya.

"You two there, can you please lower your voice, you are here at the library and not on the market," sabi ng librarian samin. Napatingin kaming dalawa ni Ciel sa kanya.

"Sorry po ma'am," sabay naming sabi. Umalis na yung librarian at bumalik na sa pwesto nya, tumingin ulit ako kay Ciel.

"So back to our topic, ano na, saan mo yun nalaman?" sabi ko. Nagsigh muna sya bago magsalita.

"Wag na, kalimutan mo na lang yung sinabi ko sayo and don't worry di ko ipagsasabi sa iba yun," sabi nya sabay tumalikod sakin at nagsimula na ring maglakad. Naiinis man ako pero hinayaan ko na lang sya, mukhang wala naman syang balak sabihin sakin kung kanino nya nalaman kung sino ang mahal ko.

Nga pala di pa ako nagpapakilala, hi! I'm Lian Felizardo. Third year high school at student council president sa Marcus High. Siguro pwede ng masabing I'm pretty and smart. Yung kausap ko kanina, sus wag na natin syang pag usapan di sya ganun kaimportante para sa akin.Hindi naman ako magagalit sa kanya ng ganito kung wala syang ginawa na dapat kong ikagalit sa kanya eh. Ganito kasi yun.

-Flashback two years ago-

(click the video for music background)

Freshman pa lang ako sa MH (Marcus High) kaya hindi ko pa alam yung pasikot sikot dito, naglalakad ako sa corridor, ang daming student na nagkalat pero di ako nagpatinag dahil I need to find my room kaya nakipag siksikan ako sa mga tao dun pero dahil sa hindi ko nakikita yung dinadaanan ko, hindi ko namalayan na may hagdan na pala sa likuran ko at dahil di ko alam kaya napaatras ako, nadulas ako na naging sanhi ng pagkahulog ko kaya pumikit nalang ako pero naramdaman ko na may nakahawak sa bewang ko na parang inaalalayan akong wag mahulog kaya napadilat ako at pagtingin ko sa taong yun, napa O_O ganito ako kasi ang gwapo nya at nakatingin pa sya sa mga mata ko. Ghad, ang swerte ko.

"Okay ka lang ba, miss?" sabi nya.

"Ah! uo a-ayos lang ako," sabi ko sabay ayos ng tayo. Ngumiti sya sa akin, oh em gi! Ang gwapo nya lalo pag ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya. =)

"Hmp! Thanks nga pala Mr.--" sabi ko.

"Ciel Cloud, and you are?" sabi nya.

"Lian, Lian Felizardo," sabi ko.

"Nice to meet you Ms. Lian, next time mag iingat kana ah," sabi nya. Tumango na lang ako sa kanya.

"By the way, I need to go, nice to meet you ulit. Bye!" sabi nya. At nagsimula na syang maglakad palayo. Sinundan ko na lang sya ng tingin at nung makalayo na sya, nagdecide na rin akong hanapin na ang room ko kasi baka malate pa ko weh.Nang makita ko na kung san yung room ko, umupo na ako sa pinaka harapan malapit sa pinto kasi trip ko lang umupo dun. Mejo madami na ding student sa loob ng room and I think madami ng magkakakilala sa kanila kasi may kanya kanya na silang mga kausap samantalang ako, eto loner ang peg.

Maya maya lang dumating na yung magiging adviser ata namin at syempre dahil first day pa lang naman kaya puro introduce tsaka mga rules and regulations lang ng mga teacher namin, nagroll call muna si ma'am samin at masaya ako dahil hindi uso sa kanya ang seating arrangement. Nung nagtatawag si ma'am ng mga pangalan, may pumasok na isang lalaki.

"Sorry ma'am I'm late," sabi nya. Wait lang parang kilala ko to ah.

"And you are?" sabi ni ma'am.

"Ciel Cloud Villasis po," sagot nya kay ma'am. Ayun sya yung lalaking sumalo sa akin kanina, wow! Ang swerte ko at magkaklase pala kami. Kilig much.

"You may take a seat Mr. Villasis," sabi ni ma'am. Narinig ko namang nagbulungan yung mga babae sa likuran ko.

"Ang gwapo nya nho, sana dito sya umupo sa row natin para naman may inspiration akong mag aral," sabi nung girl na may kaputian at maiksi lang yung buhok.

"Oo nga girl, correct ka jan," kinikilig pa na sabi nung katabi nyang mejo chubby at curl yung hair na red yung headband.Natawa naman ako sa mga pinagsasasabi nila, maya maya pa nung nadako yung paningin ni Ciel sa pwesto ko, napangiti sya sakin kaya ngumiti din ako sa kanya, siguro nakilala nya ako.

"Ghosh! Nakita mo yun ngumiti sya sa akin oh," sabi nung girl na short hair.

"feeling mo naman nho, sa akin kaya ngumiti," kontra naman nung kulot yung buhok. Natawa nanaman ako sa kanila pero syempre di ko na lang pinahalata.Lumapit si Ciel sa pwesto ko at umupo sa tabi ko kasi wala din namang nakaupo dun eh, nakangiti pa rin sya sa akin. Ghad, yan nanaman yung ngiti nya.

"It's you again Ms. Lian, akalain mo yun, magkaklase pa pala tayong dalawa," sabi nya.

"Kaya nga eh, haha! Uy alisin mo na lang yung miss," sabi ko.

"Okay, so Lian na lang ang itatawag ko sayo?" sabi nya. Nakangiti pa rin sya sa akin.

"Yup!" =) sabi ko. Narinig ko namang inasar nung isang lalaki na katabi nung dalawang girl kanina silang dalawa.

"Oh! ano kayo, pahiya konti, bukas na lang bawi," natatawang sabi nung lalaki.

"Hee, shut up, I don't need your stupid opinion," masungit na sabi nung kulot yung buhok.

"Sus, sungit, di lang kasi napansin. Hahahahaha!" tawang tawa na sabi nung lalaki. Natatawang napapailing na lang ako sa kanila.Simula nung araw na yun, naging close na kami ni Ciel, naging crush ko na nga sya eh kasi bukod ang sarap nya laging kasama, di ako naboboring, lagi nya akong napapatawa tsaka lagi nya rin akong pinagtatangol. Oh kayo nga, pano kung kagaya nyang guy diba magkakacrush din kayo sa kanya, baka nga di lang crush eh.Kaso may isang bagay na nangyari kaya yung pagkagusto ko sa kanya ay nauwi sa pagkasuklam, ganito kasi yun. . .

Namimili kami sa mall ng pinsan ko at pauwi na, pumunta kami sa parking lot kasi may dala syang kotse nang makita ko sya na nakikipag suntukan sa limang lalaki kaya di ako nagdalawang isip na puntahan sya para awatin sila. Iniwan ko pa yung pinsan ko at nagmadaling pinuntahan sya dahil halos mabugbog na sya nung limang lalaki.

"Tumigil na kayo please lang, di na sya makalaban sa inyo, tama na!" pasigaw kong pakiusap sa mga bumubugbog kay Ciel. Nakayakap na ako sa kanya para di na sya mabugbog pa.

"Wag kang makialam dito miss, sya naman yung nag umpisa eh, bakit kilala mo ba yang sira ulong yan?" sabi nung isang lalaki.

"Oo," sagot ko.

"Pag sabihan mo yang kasama mo miss, naguusap lang kami dito ng bigla na lang nyang sinapak yung isa naming kaibigan at naghahamon ng away," galit na sabi pa nung isang lalaki. Nag aalalang tumingin ako kay Ciel.

"Totoo ba yung sinasabi nila?" tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin nya ako, tinulak nya ako kaya napaupo ako sa sahig. Nagulat ako sa ginawa nya, halos hindi ako makagalaw.

"Sino ka ba? Bakit ka ba nangengealam sakin ha, di kita kailangan kasi wala ka namang naitutulong sakin," galit na galit nyang sabi sa akin. Natameme ako sa mga sinabi nya sa akin, ang sakit nang mga sinabi pero ang mas masakit ay yung baliwalain nya lang ako na hindi nya daw ako kilala at di daw nya ako kailangan. Yumuko na lang ako at pinipigilan kong umiyak dahil ayokong umiyak sa harap nya, ayokong isipin nya na naaapektuhan ako sa mga sinabi nya.

"Walang hiya pala talaga tong lalaking to eh, ikaw na nga pinagtatangol, ikaw pa itong mayabang," galit na sabi nung isa pang lalaki na sunsuntukin sana ulit si Ciel pero inawat sya nung kaibigan nya.

"Tama na yan bro, wag na tayong mag sayang pa ng oras sa walang kwentang tao na yan," sabi nung umawat sa isa nyang kasama. Umalis na silang limang magkakaibigan.

"Tsk! Mga duwag bumalik kayo dito, di pa tayo tapos," sigaw ni Ciel sa kanila pero di na sya pinansin ng mga lalaki. Inayos na lang nya ang kanyang sarili.

"Pakielamera kasi eh," naiinis nyang sabi at masamang tumingin sa akin. Nakayuko pa rin ako at walang balak na tignan sya kaya siguro umalis na lang sya. Naiwan akong mag isa dun at parang tangang naka upo pa rin at nakayuko.

Di ako makapaniwala na sa kanya pa ako nagkagusto, na sya pa ang pinagtangol ko. Ang sakit lang kasi di ko man maamin pero mahal ko na sya, oo tama kayo, mahal ko na sya at kelan ko lang yun napagtanto, pero ngayon sa tingin ko mali ako ng taong minahal dahil di ko pa pala syang lubusang kilala.

Ang matindi pa nyan, kinabukasan ay kinakausap nya ako na parang wala lang nangyari nung sa mall, kaya lalo akong nagalit sa kanya.

-End of flashback-

So alam nyo na ang dahilan ko, kung bakit galit na galit ako sa kanya. Dahil din sa nangyaring yun kaya nagfocus na lang ako sa pag aaral at naging SC President. tuwing magkikita nga kami, umiiwas ako sa kanya eh kaso sya itong dikit ng dikit sa akin, kakainis na nga eh.

Continue Reading

You'll Also Like

84 25 11
Paano kung isang araw ay kunin siya? Matatanggap mo ba ang lahat? O sisisihin mo ang iyong sarili dahil nasaktan mo siya bago siya mawala?
409 5 3
Paano kung may nililigawan na 'yung crush mo, masasaktan kaba? Eh, paano kung 'yung nililigawan ng crush mo si Bestfriend, mas masakit ba? Anong gag...
761 99 19
Paano kung yung taong matagal mo ng gusto ay gusto ka rin pala. Pero nalaman mo na pinag lalaruan ka lang nya. Masakit diba? Pero may chance ba na ma...
6.7K 171 32
"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo...
Wattpad App - Unlock exclusive features