I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

125M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 31

2.2M 53.4K 122K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 31]

"Carmelita... bakit gising ka pa?" narinig kong bulong ni madam Olivia, nasa higaan kami ngayon nasa gitna si madam Olivia, nasa tabi naman ako ng bintana at nasa kabilang side naman ni madam Olivia natutulog si Theresita.

First time ko matulog sa bahay kubo at sobrang fresh pala, hindi mainit at hindi rin ganoon kalamig, basta masarap sa pakiramdam. Naririnig ko rin yung ingay ng mga kuliglig sa gabi at sobrang sarap sa tenga. Kung iisipin, sana hanggang ngayon tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino at pinagmamalaki ang mga bahay kubo dahil isa itong simbolo ng kultura ng mga Pilipino.

Haays. Napansin din siguro ni madam Olivia na galaw ako ng galaw sa higaan kasi hindi ako makatulog dahil sa... KILIG! My Gosh!

Hatinggabi na ngayon at kanina pa kami nakauwi ni Juanito, mula nung... Gosh! Nag-kiss kami hindi ko na magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya kasi sobrang nahihiya ako! Waaahh!

Kahit pa hindi naman yun yung first kiss namin... pero iyon ang pinaka-romantic! Kyaaahh!

"Matulog ka na, maaga pa tayo aalis bukas" narinig kong sabi ni madam Olivia at nagtaklob na siya ng kumot. Omgg! Napalingon naman ako sa gilid, kahit medyo madilim naaaninag ko pa Rin si Juanito na nakahiga sa isang maliit na banig sa sahig at katabi niya si Angelito, Samantalang nasa kabilang kama naman si Sonya at Ignacio.

Tiningnan ko pa siya ng mabuti... tulog na ba siya? Gosh!

Nagulat ako nang maaninag ko na bigla rin siyang lumingon sa'kin dahilan para mapataklob na rin ako ng kumot. Shocks! Di rin siya makatulog kyaahh!

Maloloka na ata ako sa kilig!





Kinaumagahan, nakatulala lang ako sa kisame habang nililigpit ni Theresita yung hinigaan namin, kanina pa bumangon si madam Olivia at tinutulungan na niya ngayon maghanda ng almusal si Sonya. Samantalang kanina pang madaling araw bumangon si Juanito, Angelito at Ignacio para kumuha ng mga panggatong, kamote at saging.

"Binibini... hindi pa po ba kayo babangon?" nagtatakang tanong ni Theresita. Alam kong kanina pa siya hindi mapakali kasi gustong-gusto na niya ayusin yung hinigaan namin kaso nandun ako nakahilata pa rin sa kama at tulala sa kawalan.

"May problema po ba? Kagabi pa po kayo tulala" puna niya pa at dahil dun napabangon na ako. At napakamot ng lang sa ulo. Gosh! Bakit ba kasi hindi ko ma-express ng maayos yung feelings ko para kay Juanito! Haays. Baka isipin niya na hindi ko nagustuhan yung halik niya pero ang totoo halos ikabaliw ko na ngayon.

"Nandiyan na po pala sila" narinig kong excited na tugon ni Theresita at agad siyang tumakbo papalabas ng bahay, napasilip naman ako sa bintana and GOSH! OO NGA! NANDIYAN NA SILA!

Nagtatawanan habang may dala-dalang mga kahoy, saging at kamote sila Juanito, Ignacio at Angelito. Gosh! Lalo na si Juanito parang sobrang ganda ng gising niya!

Bigla namang napatingin si Juanito sa bintana kung saan ako nakasilip at dahil dun nahuli niya na tinitingnan ko siya! Agad akong napayuko at nagtago sa ilalim pero nauntog ako sa dulo ng higaan dahilan para mapahawak ako sa noo ko huhu.

Awtsuu!



Nagpagulong-gulong ako sa higaan dahil sa sakit nang bigla kong marealize na nakatayo na pala sa tapat ko si Juanito at nakangiti siya ng todo habang pinagmamasdan ang kabaliwan ko. Shocks!

"K-kanina ka pa diyan?" gulat kong tanong at agad akong napaupo ng maayos. Omg! Bakit hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya dito sa loob huhu.

"Kanina ko pa hinihintay na magising ka para maibigay ko sa iyo ito" nakangiti niyang sagot sabay abot sa'kin nung kumpol ng bulaklak ng sampaguita.

"Pasensiya na kung hindi rosas ang kaya kong ibigay sa iyo ngayon ... ngunit gusto kong malaman mo na ang bulaklak ng sampaguita ay sumisimbolo sa walang hanggang pag-ibig at ang ibig sabihin ng bulaklak na ito ay----" hindi na natapos ni Juanito yung sasabihin niya kasi inunahan ko siya magsalita... Alam ko naman ang ibig sabihin ng sampaguita.

"Sumpa kita" sagot ko, napangiti naman si Juanito at napaupo rin siya sa kama sa tabi ko. inamoy ko naman yung sampaguita at ngayon ko lang na-appreciate ang kakaibang bango na taglay nito, Naghahatid ito ng bangong kailanman ay hindi mo malilimutan. Paboritong bulaklak kasi ni Lola Carmina ang sampaguita at madami siyang tanim na sampaguita, naalala ko naikwento niya noon sa'kin ang ibig sabihin ng sampaguita at ito ay ang Sumpa kita  or I Promise you

"At huwag kang mag-alala... hindi ko naman talaga paborito ang rosas eh" sagot ko pa, totoo naman eh si Carmelita lang naman talaga ang mahilig sa rosas. Bigla namang napangiti si Juanito. Dugdugdug!

"Sinusumpa ko na hindi magbabago ang pag-ibig ko sayo" sabi niya, dahilan para mapangiti na lang ako ng todo. Kapag inlove ka talaga hindi mo na mapipigilan ang pagngiti ng puso mo.



Nakababa na kami ngayon sa bangka, inihatid kami ni Juanito at Ignacio. "Maraming salamat sa inyo, nawa'y mag-iingat kayo at makapag-kwentuhan sana tayo muli" paalam ni madam Olivia, nag-mano naman sa kaniya si Juanito at Angelito bago sumakay ulit sa bangka.

"Madam Olivia maaari ko po ba kayong makausap?" tanong ni Juanito at agad silang nagbulungan ni madam Olivia, nagkatinginan naman kami ni Theresita at medyo inilapit namin yung tenga namin sa kanila para marinig namin ang pag-uusap nila kaso hindi pa rin namin narinig. Gosh! Ano yun?

"Talaga po? Maraming salamat po talaga Madam Olivia!" masayang tugon ni Juanito at napatalon pa siya sa tuwa. Halaaa! Ano yun?

Nakangiti rin ng todo si madam Olivia at Ignacio. Okay so kami na ni Theresita ang OP huhu.



Habang nasa byahe kami pabalik sa kumbento, kinukulit namin si madam Olivia kung ano yung pinagbubulungan nila ni Juanito kanina pero ayaw niya sabihin. At dahil dun wala na kaming nagawa pa ni Theresita kundi sumuko na lang kasi ayaw talaga magsalita ni madam Olivia. Hmm... malalaman din namin yun tsk tsk.



Pagdating sa kumbento, agad kaming sinalubong ni madam Ofelia. "Madam Olivia... saan kayo nanggaling? Bakit ngayon lang kayo nakabalik? Kagabi pa kami nag-aalala kung nasaan kayo----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi tinapik-tapik ni madam Olivia yung balikat niya.

"Huminahon ka lang Ofelia... ipinasyal ko lang ang dalawang Binibini at wala na kaming masakyan kagabi kung kaya't napag-pasyahan namin na magpalipas na lang ng gabi sa isang bahay-tuluyan" sagot ni madam Olivia, napahinga naman ng maluwag si madam Ofelia. At pinagpahinga na muna niya kami sa aming mga kwarto.

Hmm... Bahay-tuluyan? Hotel ba yun? sabagay uso naman na ang mga hotel sa panahong to.



Naikwento ko naman kay Theresita yung date at kiss namin ni Juanito at napapatalon na lang siya sa kama dahil sa kilig Kyaahh!.

"Binibini! Ang ibig sabihin ba nito... magkasintahan na kayo ni Ginoong Juanito?" tuwang-tuwang tanong ni Theresita. Napatklob na lang ako ng unan sa mukha dahil sa kilig. Gosh!

"Oo! Waaahh!" sigaw ko pa at pareho na kaming napatalon ni Theresita dahil sa tuwa. My gosh! Hindi ko akalaing sa panahong ito ako magkakaroon ng boyfriend haha!

Bigla naman kaming napatigil nang biglang bumukas yung pinto at tumambad sa harapan namin si madam Olivia. "Aalis tayo sa Miyerkules, kung kaya't tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin upang payagan kayo ni madam Ofelia" sabi niya, magtatanong pa sana kami ni Theresita kaya lang bigla na niyang sinara yung pinto at umalis na siya. Nagkatinginan na lang kami ni Theresita at pareho kaming walang idea kung saan kami pupunta.



Nag-aral ako ng mabuti, pinag-aralan ko ring mabuti ang Rosario at ang mga dasal, hindi naman sumuko si madam Olivia turuan ako mag-tahi ng pasikreto habang busy si Theresita sa iba niya pang gawain.

"Marunong ka na magluto, maglinis ng bahay, mag-rosario, at gumawa pa ng iba pang gawain... ngunit ang pagtatahi ay hindi mo binibigyang pansin" narinig kong sabi ni madam Olivia habang nasa balkonahe kami at nag-buburda kaming dalawa, red rose ang tinatahi ni madam Olivia samantalang white rose naman sa'kin.

"Ughh.... Hindi ko naman kasi passion to madam Olivia, nasusugat na rin yung mga kamay ko kakatahi" reklamo ko pa, napa-iling-iling naman si madam Olivia. Tanghali na, pero sobrang aliwalas ng paligid at hindi mainit. Totoo nga yung sabi nila na noong unang panahon hindi ganun kainit sa Pilipinas kahit pa sobrang balot na balot ang pananamit ng mga tao sa panahong to kasi hindi pa ganoon kalala ang air pollution na nagiging cause ng Global Warming.

"Hindi ba narinig mo na ang tungkol sa alamat ng rosas noong namasyal kayo ni Juanito sa Binondo?" pang-eechoes ni madam Olivia at dahil dun gulat akong napatingin sa kaniya.

Omg! Alam kong nagpaalam noon si Juanito kay madam Olivia para maipasyal niya ko sa Binondo pero paano niya nalaman na nanuod kami ng teatro at alamat ng rosas ang palabas? Wala naman akong natatandaan na kinuwento ko sa kaniya na nanuod kami ng teatro ah.

"Naririnig ko ang iniisip mo" sabi pa ni madam Olivia habang abala siya sa pagtatahi. Whuut? At dahil dun mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Omg! Nababasa ni madam Olivia ang iniisip ko? Waaahh!

"Oo nga, nababasa ko nga ang iniisip mo" sabi niya pa at dahil dun napatayo ako at napaatras sa kaniya. Gosh!

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Kailanman ay hindi ba sumagi sa iyong isipan ang katauhan ko?" nakangiti niyang tanong. Shocks! Si madam Olivia pa kaya ang kausap ko ngayon? O baka sinasaniban na siya? Waaahh!

"Huminahon ka nga Carmelita... ako pa rin ito" mahinahon niyang sagot habang nakangiti at natawa siya. "Maupo ka nga... hindi kita sasaktan at hindi ako nananakit ng tao" dagdag niya pa, at dahil feeling ko parang ma-ooffend si madam Olivia dahil sa reaction ko, huminga na lang ako ng malalim at umupo ulit sa tabi niya. Kaya lang ang awkward ng upo ko kasi sobrang kinakabahan ako baka bigla niya akong atakihin. My gosh!

"Ipagpaumanhin mo kung ngayon ko lang sinabi sa iyo na nababasa ko ang nasa isipan mo at hindi lang sa iyo kundi sa iba pang tao na nakakasalamuha ko" panimula niya pero bumalik pa rin siya sa pagtatahi.

Napalunok na lang ako habang nakatitig pa rin sa kaniya, nasa 60 plus na ang edad ni madam Olivia at kahit ganoon ay maganda pa rin siya, siguro nung kabataan niya mas maganda pa siya.

"Maraming salamat sa iyong papuri" sabi niya pa sabay ngiti. Gosh! Oo nga pala nababasa niya ang nasa utak ko, ang creepy huhu.

"M-madam Olivia a-ano po ba kayo?" tanong ko, napangiti naman siya sabay tingin ng diretso sa akin. "Malayo sa inaakala mo Carmela... Ngunit hindi ako nalalayo sa inyong mga tao" sagot niya. Whuut? Ano daw?

"Katulad mo ay may misyon din akong dapat gampanan at may parusang dapat pagbayaran" patuloy niya pa, Habang nakatingin siya ngayon sa kalangitan.

"A-ano pong misyon at parusa ang tinutukoy niyo madam Olivia?" tanong ko pa, napapikit naman si madam Olivia habang nakatingala sa kalangitan.

"Isang bagay na parehong dapat kong gampanan... ang aking misyon ay kakambal ng parusang aking pupunuan, tulad ito ng isang rosas na nakakaakit at sadyang napakaganda ngunit kailangan mong tiisin ang pagbaon ng mga tinik nito sa iyong kamay bago mo mapitas at mapasa-iyo ang natatanging bulaklak na ito" paliwanag niya pa, napatingin ako sa rosas na tinatahi ko.

"Ang pagkamit ng tagumpay ay hindi madali, tulad ng pagpitas ng rosas, minsan kailangang may magsakripisyo at dumanak ang dugo bago mo ito makuha" dagdag niya pa, parang biglang sumikip ang puso ko. Ang mga sinasabi ni madam Olivia ay parang unti-unting nagbibigay liwanag sa akin.

Ngayon malinaw na sa akin... kakambal ng aking misyon ay may mga buhay na nagsakripisyo. At ang mga dugong dumanak ay kapalit ng katagumpayan ng aking misyon sa panahong to, at ito ay ang buhay ni Juanito.

"Carmela... lagi mong tatandaan na hindi mo ito kasalanan at walang may kasalanan nito, tadhana ang mismong sumulat ng mga nangyari at mangyayari pa lamang at ang mga pangyayari ngayon ay hindi na katulad sa nakaraan ni Carmelita, dahil kayo ni Carmelita sa panahong ito ay iisa" sabi niya pa sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.

Sa mga oras na iyon, habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata ni madam Olivia biglang may alaala na pumasok sa aking isipan.



Si Carmelita.

Simple, tahimik, magalang at masunurin siya sa kaniyang mga magulang at nakatatandang kapatid. Madalas lang siya nasa bahay, nagbabasa ng mga libro sa kaniyang kwarto at minsan sa hardin nila sa hacienda Montecarlos, paborito siya ng kaniyang ama at ina na si Don Alejandro at Donya Soledad. Palaging sinusunod ni Don Alejandro ang mga luho ni Carmelita tulad ng pagpapabili ng mga libro at mga gamit sa pagtahi, palagi namang kinakantahan ni Donya Soledad si Carmelita at kinukwentuhan ng mga alamat at nakakatakot na kwento noong bata pa siya, madalas namang isinasama ni Maria at Josefina si Carmelita saan man sila magpunta, mahal na mahal nila si Carmelita.

Unang pag-ibig ni Carmelita si Leandro noong unang beses pa lang nila magkita, umiiyak siya noon dahil pinalibutan siya ng mga pato at tinulungan naman siya ni Leandro, nang nag-dalaga at nag-binata na silang dalawa, nagtapat ng pag-ibig si Leandro sa kaniya at agad naman niya itong sinagot, naging lihim lang ang sikreto nila dahil strikto si Don Alejandro sa mga manliligaw ni Carmelita.

Ang ilang taong relasyon ni Leandro at Carmelita ay naputol nang umalis si Leandro papuntang Cuba upang tuparin niya ang kaniyang pangarap na maging sundalo at magsanay doon.

Palagi namang pinapasaya ni Helena at Sonya si Carmelita dahil nalugmok ito nang iwan siya ni Leandro, si Helena at Sonya ang naging karamay niya bukod kay Maria at Josefina na nagpapasaya rin sa kaniya. Hindi nagtagal, unang beses na nakita ni Carmelita si Juanito sa kaarawan ni Helena sa mansyon ng mga Flores.

Agad na nahulog ang loob ni Carmelita nang kausapin siya ni Juanito dahil pinakilala ito ni Sonya sa kaniya, alam naman ni Carmelita na may kuya si Sonya pero kailanman ay hindi niya pa ito nakita dahil halos sa Maynila na rin lumaki si Juanito dahil doon siya nag-aaral.

Hiniling ni Carmelita sa kaniyang ama na si Don Alejandro na ipakasal siya kay Juanito, bukod sa umibig agad siya kay Juanito ay gusto na rin niya makalimutan agad si Leandro, kahit pa alam din niya na ang matalik niyang kaibigan na si Helena ay matagal nang may gusto kay Juanito ay pinili pa rin niyang sundin ang kaniyang puso. Hindi naman nakatanggi si Don Alejandro sa kagustuhan ni Carmelita dahil mahal na mahal niya ang kaniyang anak at sang-ayon din siya na maipakasal ito sa isang Alfonso.

Madali namang napapayag ni Don Alejandro si Don Mariano dahil matalik silang magkaibigan. Naitkada na ang araw ng kanilang kasal at sobrang saya ni Carmelita, masunurin at kailanman ay hindi sumuway si Juanito sa kagustuhan ng kaniyang ama na si Don Mariano kung kaya't pumayag din siya maikasal kay Carmelita.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paghahanda sa kasal ay nalaman niyang maging si Juanito ay may gusto rin kay Helena, pero kahit ganoon ay mas nangibabaw pa rin ang kaniyang pagmamahal kay Juanito, masaya na siyang mahalin si Juanito kahit iba ang nilalaman ng puso nito, sa sobrang pagmamahal niya kay Juanito ay handa niyang ibigay ang lahat, naging mabait naman si Juanito sa kaniya at kinalimutan na niya si Helena at tinuruan niya ang kaniyang puso na mahalin si Carmelita.

Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ni Helena at Carmelita dahil sa isang lalaki, ngunit wala nang nagawa pa si Helena kung kaya't nagtungo na lang siya sa Espanya at kinalimutan na niya ang pag-ibig kay Juanito at ang pagkakaibigan nila ni Carmelita.

Dumating naman si Leandro upang pigilan ang kasal pero inamin ni Carmelita na si Juanito na talaga ang tinitibok ng puso niya. Sa paglipas ng mga araw napalapit din sila ni Juanito sa isa't-isa, masayang-masaya na si Carmelita kahit alam niya na hanggang kaibigan lang ang tingin sa kaniya ni Juanito at sadyang ayaw lang nito suwayin ang kaniyang ama.

Masyadong nabulag sa pag-ibig si Carmelita at kahit siya lang ang nagmamahal kay Juanito ay sapat na iyon sa kaniya. Dumating ang araw ng kanilang kasal na matagal nang pinakahihintay ni Carmelita, ngunit biglang naglaho ang kaniyang pangarap na makasama si Juanito habambuhay dahil biglang may bumaril kay Juanito at tumama ito sa kaniyang puso na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Labis na dinamdam ni Carmelita ang nangyari, ang kaniyang nag-iisang pag-ibig at pangarap ay nauwi sa trahedya, kung kaya't napag-desisyunan niyang magpakamatay na lang at sumunod kay Juanito sa kabilang buhay. Ngunit bago siya magpakamatay ay nagtungo muna siya sa simbahan at humingi ng tawad sa Panginoon dahil sa gagawin niyang pagpapakamatay.

Nakilala niya rin noong araw na iyon si madam Olivia at doon ay binigyan siya ng pagkakataong maisulat muli ang kanilang nakaraan ngunit kailangan niyang tapusin ang kwento nila ni Juanito sa pamamagitan ng pagpapakamatay niya at pagkalunod sa lawa ng luha, upang hintayin ang pagdating ng tamang panahon sa tulong ng isang babaeng isisilang sa loob ng ikaapat na salin ng henerasyon.

At ang babaeng iyon ay... Ako.

Ang ikaapat na salinlahi mula sa henerasyon ng panganay na kapatid ni Carmelita na si Maria Montecarlos. Ako na isinilang sa parehong araw ng pagkasilang ni Carmelita at sa petsa na kung saan sumasapit lamang kada-apat na taon. Ang February 29.

Naaninag ko si Carmelita na naglalakad papalapit sa akin at may luhang pumatak sa kaniyang mga mata, inilahad niya ang palad niya sa tapat ko, pero nang iaabot ko na yung kamay ko sa kaniya, naramdaman ko na lang na bigla akong napaatras at parang hinihila ako pabalik...

Pabalik sa panahon kung nasaan ako ngayon.





Bigla akong natauhan at nagising, nandito pa rin kami ni madam Olivia sa balkonahe sa labas at seryoso siyang nakatingin sa akin. "Carmela, nagbago man ang mga pangyayari... hindi pa rin magbabago ang katotohanan na ikaw si Carmela Isabella, na nagmula sa makabagong panahon" bilin pa sa akin ni madam Olivia.

Tama nga si madam Olivia, magkaibang-magkaiba kami ni Carmelita. At ang pagkakaibang iyon ang nagtulak para kami ay maging isa.





Makalipas ang dalawang araw, nandito kami ulit ngayon sa Bohol. Tulala pa rin ako dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Carmelita at ang mga alaala niya ay alaala ko na rin.

"Binibini! Hindi po ba dapat maging masaya kayo kasi makikita niyo na ulit ang inyong nobyo" narinig kong pang-asar pa ni Theresita. At dahil dun bigla akong natauhan. Shocks! Oo nga makikita ko ulit si Juanito! Waaaahh!

Pagdating namin sa lugar nila, halos walang tao, hapon pa lang naman pero nakasarado na yung ibang bahay dito. Napahawak tuloy sa'kin si Theresita, natatakot din siguro siya kasi parang ghost town yung dinatnan namin dito.

Kumatok na kami sa bahay nila Juanito pero naka-ilang katok na kami wala pa ring sumasagot. Napatingin na lang kami ni Theresita kay madam Olivia pero kalmado lang ang itsura niya, "Madam Olivia... wala po atang tao dito" takot na sabi ni Theresita, nahahawa na rin ako sa pagkatakot niya, feel ko kasi baka biglang may mga zombies na sumulpot na lang sa paligid. Waaahh!

Omg! Baka naging zombie na si Juanito!

"Huminahon nga kayong dalawa... maghintay lang tayo dito" mahinahong sabi ni madam Olivia, agad naman akong napahawak sa braso niya. "Maghintay na lang tayo maging zombies madam Olivia?" nagpapanic kong tanong biglang nawala yung stress ko kanina, totoo nga yung sabi nila kapag depress ka manuod ka na lang ng mga horror movies dahil siguradong magigising ang diwa mo.

Napakunot naman yung noo ni madam Olivia naweweirduhan na siguro siya sa'kin. Samantalang, nagtaka naman yung itsura ni Theresita "S-sombis? (Zombies) Ano po iyon Binibini?" nagtataka niyang tanong. Gosh! Di pa pala uso ang idea ng zombies sa panahong to Shocks!

"Huh? ah-eh may sinabi ba kong ganun? Wala naman ah" pagtanggi ko, napakunot naman yung noo ni Theresita. "Mayroon po Binibini... kakasabi niyo lang po ng salitang iyon" pilit pa ni Theresita. Gosh! Paano ko ba lulusutan to? 

"Wala kaya... ang sabi ko----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may narinig kaming tunog ng tambol at sabay-sabay bumukas yung mga pinto at bintana ng mga bahay at masasayang naglabasan yung mga tao. Waaahhh!

"Maligayang pagdating!" sigaw ni Angelito, at nasa likod niya sila Juanito, Ignacio at Sonya kasama pa ang iba pang mga mamamayan na naninirahan dito at nakangiti silang lahat. Napatulala naman kaming dalawa ni Theresita kasi parang sinalubong kami ng fiesta.

Samantalang nakangiti na ngayon si madam Olivia at isa-isa siyang niyakap ng magkakapatid na Alfonso. "Maraming salamat po talaga madam Olivia" sabi ni Juanito at napatingin siya sa'kin. "Napakalaking regalo na po ito para sa akin" dagdag pa niya.

Oh! My! Gosh!

Birthday ni Juanito ngayon?!

October 21?!

Nakita kong nilabas na nung ibang mamamayan dito yung isang malaki at napakahabang mesa at may malaking dahon ng saging ang nakasapin sa ibabaw ng mesa, isa-isa rin nilang inilapag ang napakaraming pagkain at kanin. Gosh! Parang boodle fight.

"Maligayang kaarawan Juanito Cristobal" bati nung matandang lalaki na tinawag nilang tatang Caloy. Gosh! Cristobal pala ang ginagamit nilang apelyido. Nagpalakpakan naman yung mga tao at lahat sila ay nasa tapat na ng mesa na punong-punong ng pagkain ngayon. Napatingin naman sa'kin si Juanito at sinenyasan niya ako na tumabi sa kaniya.

Naglakad na kami ni Theresita papalapit sa kanila, halos lahat sila ay nakatingin sa'min ngayon. Omg!

"Mga minamahal kong kaibigan nais kong ipakilala sa inyo ang babaing bumihag sa puso ko... si Carmela" sabi ni Juanito, napangiti naman silang lahat sa'kin. Samantalang hindi ko naman maalis ang mga mata ko kay Juanito na ngayon ay nakangiti rin sa'kin at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Tama ba ang rinig ko? tinawag niya akong Carmela?

Ang totoong pangalan ko!



Bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko "Pasensiya na Binibini... ngunit hindi kits maaaring ilagay sa panganib kapag sinabi ko ang totoong pagkakakilanlan mo" bulong niya pa. napatulala naman ako sa kaniya. Ahh! Oo nga pala madaming galit sa mga Montecarlos at hindi rin nila pwedeng malaman na nandito ang isang Montecarlos at nakikihalubilo sa kanila.

"Napakaganda naman ng iyong nobya, ngunit mukhang galing siya sa isang mayamang pamilya" narinig kong tanong nung isang lalaki na malaki ang pangangatawan na parang wrestler at halos mapanot na rin ang kaniyang ulo, nasa tabi siya ni tatang Caloy.

Nagkatinginan naman kami ni Juanito, Gosh!

"Tama nga kayo si Binibining Carmela ay mula sa kilalang pamilya sa Bulacan" sagot ni madam Olivia. Napangiti naman silang lahat. "Kami'y nagagalak dahil narito ka upang makisaya sa amin Binibining Carmela" sagot ni tatang Caloy.

"Tayo na at magsimulang kumain at ipagdiwang ang kaarawan ni Juanito" masayang tugon ni tatang Caloy at nagsimula nang magkainan ang lahat. Fight!

Grabe ang sasarap ng pagkain, at mas lalong masarap kumain kapag naka-kamay haha!

May lechong baboy, inihaw na manok at isda, mga gulay at samo't-saring prutas na nakahanda sa mesa. Masaya naman ang lahat at nagbibiruan pa habang sama-sama kaming nag-sasalo-salo. Grabe! First time kong kumain sa isang boodle fight at sobrang saya pala. Kitang-kita ko kung paano nagkakaisa at laging sama-sama ang mga Pilipino sa panahong ito, isang patunay ng isang pinagmamalaking katangian ng mga Pinoy... ang pagbabayanihan.

Pagkatapos namin kumain ay naghanda ng mga palarong pinoy sila tatang Caloy at Ignacio. Naglaro kami ng patintero, luksong tinik at baka, tumbang preso, agawang buko at taguan.

Madali akong natanggal sa patintero kasi first time ko lang maglaro nito at nataya agad ako ni Angelito. Sa huli, ang team nila Theresita at Angelito ang nanalo haaays, at ang team namin nila Juanito ay natalo.

Sa luksong tinik at baka naman, nanalo naman si Theresita kasi halatang binababa ni Angelito yung kamay at likod niya kapag si Theresita na ang tatalon. Tsk! Natalo na naman kami nila Juanito huhu.

Sa tumbang preso naman, sineryoso talaga ni Juanito yung paglalaro at agad niyang nataya si Angelito, sunod naman ako kasi nadapa ako kakatakbo haha!

Sa agawang buko naman, si Angelito ang nanalo at nakakuha ng buko sa mga lalaki kasi siya ang pinakabata sa kanila at ang liksi-liksi niya tumakbo. Samantalang, si Theresita naman yung nanalo sa mga babae kasi bigay todo talaga si Angelito sa pag-checheer sa kaniya kaya inspired na inspired siya haha!

At sa taguan naman, si Angelito ang unang naging taya. Agad naman kaming nagtago lahat. Pero nauna niyang nahuli sila tatang Caloy. Agad naman akong umakyat sa puno ng mangga malapit sa baybay ng dagat at doon nagtago. Hindi ko akalaing makakapaglaro ako ng mga larong Pinoy na tulad nito, nakakalungkot lang na unti-unti nang nakakalimutan ng mga kabataan sa makabagong panahon ang mga larong pinoy na tumatak na sa ating kultura at kasaysayan.

Napadaan naman na si Angelito at hinahanap na niya kami, napatakip na lang ako sa bibig at pilit na pinipigilan ang tawa ko kasi mukha siyang ewan kakaikot-ikot sa paghahanap, mukhang ako na lang yung hindi pa niya nahahanap kasi nakita kong nakasunod na rin si Juanito at tinutulungan niyang maghanap si Angelito.

Nagulat naman ako nang biglang tumigil si Juanito sa tapat ng puno na pinagtataguan ko at napasandal siya dito, ilang sandali lang bigla siyang napatingin sa lupa at napansin niya ang shadow ko sa itaas ng puno dahilan para mapalingon at mapatingala siya at nagkatinginan kami.

Bigla naman siyang natawa, ituturo na niya sana ako kaso sinenyasan ko siya na huwag siyang maingay. Dahil dun bigla siyang napangiti, yung ngiting parang nang-eecheos at agad siyang umakyat din sa puno.

"Bumaba ka... baka mahulog ka" reklamo ko sa kaniya, matibay naman yung puno ng mangga pero natatakot ako na baka mabali yung mga sanga. Waaahh!

"Matagal na akong nahulog sa iyo, kaya wala ka nang dapat ipangamba" nakangiti niyang sagot, naramdaman ko namang biglang uminit yung pisngi ko. Gosh! Uso na rin pala talaga ang mga pick-up lines sa panahong to huhu.

Umupo na siya sa tabi ko, nakaupo kami ngayon sa isang matibay na sanga ng puno na ito at nakaharap kami sa karagatan.

"Bilib talaga ako sa iyo, hindi ko akalaing kayang-kaya mong umakyat sa matataas na lugar" narinig kong sabi pa ni Juanito, napangiti naman ako. Gosh! Naalala pa pala niya nung umakyat ako sa bintana ng kwarto niya haha!

"Sabihin mo nga... isa ka bang diwata o engkantada?" pang-eecheos pa ni Juanito. natawa naman ako. tss... adik sa mga fairytales ang isang to ah haha! 

"Hmm... sabihin na lang natin na isa akong spiderwoman" biro ka pa, napakunot naman yung noo ni Juanito parang naweiweirduhan siya pero natatawa rin.

"S-spayderwoman?" natatawa niyang tanong. Haays. All time favorite ko talagang superhero si spiderman haha!

"Isang ordinaryong tao na biglang nakagat ng isang makapangyarihang gagamba at dahil dun naging isang makapangyarihang nilalang" sagot ko, Gosh! Ang lalim ko na rin magtagalog ah!

"Saan mo naman narinig iyan? Parang ngayon ko lang nalaman iyan" naweiweirduhang tanong ni Juanito. haays. Namiss ko to, nung mga araw na naweiweirduhan talaga siya sa mga sinasabi at kinikilos ko haha!

"Wala lang... narinig ko lang kung saan-saan" sagot ko, napatango naman si Juanito, habang nakatingin pa rin sa'kin.

"Narinig mo na ba ang kwento ng isang makisig na pusa at makulit at maingay na daga?" nakangiting tanong ni Juanito, ako naman ngayon yung naweirduhan sa kaniya. Oh? Parang never ko pa narinig yun ah.

"Isang araw may isang maginoo at napakagwapong pusa ang naglalakad, bigla siyang may nakasalubong na makulit at ubod ng daldal na babaeng daga, kinulit siya ng kinulit ng dagang iyon at kung ano-ano ang mga kinukwento nito sa kaniya" panimula ni Juanito. Hmm... Teka! Bakit parang kilala ko kung sino ang pusa at dagang iyon ah.

"Kakainin sana ng pusa ang napakaingay na daga kaso dahil mabait at maginoo siya hindi na lang niya pinatulan ang dagang iyon, hanggang sa paglipas ng araw unti-unting nakikilala ng pusa ang daga at natutuwa na siya sa tuwing magkausap at magkasama sila at naging magkaibigan sila" patuloy niya pa. Aba! Aba! Parang related sa totoong buhay ang kwento nila ah.

"Sa sobrang lapit nila, nahulog ang loob nilang dalawa sa isa't-isa, kahit pa alam nilang imposibleng maging sila, pinagpatuloy pa rin nila ang pag-iibigan nila at nagpakasal silang dalawa" dagdag pa ni Juanito, Bigla naman akong natawa. "Oh? Anong nakakatawa sa kwento ko?" nagtatakang tanong ni Juanito.

"Wala lang, para kasing ang gara kung magpapakasal ang pusa at daga" sagot ko, hindi ko talaga ma-imagine na ikakasal ang pusa at daga Hahaha!

Nagulat ako nang biglang sumeryoso ang itsura ni Juanito "Sinasabi mo bang hindi tayo maaaring magkatuluyan at magpakasal?" pagsusungit niya, bigla naman akong napatigil sa pagtawa. Whut? Ano daw? Omg!

"Huh? a-ang ibig ko sabihin yung pusa at daga kasi----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"Magkaiba sila" sagot niya. Omg! Baka iniisip niya na dahil mahirap na siya at mayaman pa rin ako ay hindi kami pwedeng magpakasal.

"Huh? yung pusa at daga nga yung tinutukoy ko" reklamo ko pa, pero nakakunot pa rin yung mga kilay niya.

"Ahh... alam ko na, ang gusto mong iparating ay ang pusa ay para lamang sa pusa at ang daga ay para lamang sa daga kung kaya't hindi sila maaaring magkatuluyan" pagsusungit niya pa. Omaygash! Sinasabi ko na nga ba eh! Dapat hindi na lang ako tumawa huhu.

"Hindi sa ganun... Haaays, syempre pwede naman" sabi ko pa tapos hinawakan ko yung kamay niya para suyuin siya pero hindi siya nagrereact. "Magsama kayo ni Leandro" pagtatampo niya pa at bumaba na siya sa puno. Whuuut? Ano namang kinalalman ni Leandro dito huhu.

Gosh! Hindi ko akalain na napaka-matampuhin pala ng lalaking to ah!

Bumaba na rin ako sa puno at hinabol ko siya dahilan para makita ako ni Angelito. "Huli ka!" sigaw niya at nagtakbuhan silang lahat pabalik sa base, kahit si Juanito tumakbo rin pabalik sa base, kung sino kasi yung mahuli bumalik sa base siya ang magiging taya.

At ako nga ang naging taya dahil nahuli ako makabalik sa base. Ughh!

Nakita ko namang natatawa na si Juanito pero nung hinawakan ko siya sinungitan niya ako. Aba! Nagpapa-bebe talaga siya ah!

"Uyy! Nagtatampo ka pa? Sorry---Ah! Este pasensiya na oh" sabi ko pa, napatingin naman lahat sa amin at natatawa sila. Mukha kasi kaming shunga na nag-LQ.

"Ewan ko" sagot niya sabay alis, pero naaninag ko na napangiti siya. Omaygash! Pinagtitripan niya ba ako? haaays.

Bigla namang lumapit sa'kin si Theresita at Sonya "Hala ka! Siguradong dadamdamin ni kuya Juanito ang away niyo" sabi ni Sonya at halatang exaggerated lang ang pagkakasabi niya dahil gusto niya rin ako pagtripan. Haays! Pero kahit na hindi naman totoong galit si Juanito ayoko namang hindi niya ko pinapansin huhu.

Sabagay kasalanan ko rin naman, hindi ko kasi sineryoso yung kwento niya. haays.

"Alam ko na! para mawala ang tampo ni kuya Juanito kantahan mo na lang siya, tutal kaarawan naman niya ngayon" sabi pa ni Sonya. At napatang-tango naman si Theresita.

"Tama po Binibini, kantahan niyo na lang si Ginoong Juanito tutal hindi rin po kayo nakapaghanda ng regalo sa kaniya" tugon pa ni Theresita. Shocks! Oo nga pala, hindi ko naman kasi alam na ngayon ang birthday niya eh.

"Sige na nga" sagot ko, napangiti naman ng todo si Sonya at Theresita. "Tara na! naroon ang gitara ko sa loob ng bahay" excited na bulong pa ni Sonya at agad na nila akong hinila papasok ng bahay.



Gosh! hindi pa man din maganda ang boses ko At hindi rin ako marunong mag-gitara huhu. Buti na lang naniwala si Sonya na masakit ang mga daliri ko dahil sa pag-akyat sa puno kaya hindi ako makakatug-tog ng gitara kaya nag-volunteer siya na siya na lang ang tutugtog.

"Ano bang kanta ang nais mong ihandog kay kuya?" tanong ni Sonya, hapon na at abala ang ibang tao sa labas na maglinis ng mga pinag-kainan namin kanina at yung mga ginamit sa palaro.

Gosh! wala akong idea sa mga sikat na kanta sa panahong to Waahhh!

Pero may isang kanta akong alam at natatandaan ko rin ang chords niyon dahil sinubukan akong turuan noon ni Daddy mag-gitara at ang kantang iyon ang una niyang tinuro sa akin. Kaya lang hindi pa rin ako natuto tumugtog ng gitara haha.



Kinagabihan, hindi pa rin ako pinapansin ni Juanito. halos 3 oras naman kami nag-practice ni Sonya, at dahil expert siya sa mga musical instruments madali niyang nasabayan yung kakantahin ko at sinabi ko rin sa kaniya yung chords nung kanta.

"Binibini... kayo po ba ang gumawa ng kantang iyan?" manghang-mangha na tanong ni Theresita. Natawa naman ako at napailing. "Kung gayon, sino at saan niyo po narinig ang kantang iyan?" nagtataka niyang tanong.

Hindi ko naman masabi sa kaniya na apo hiking society ang original na kumanta nito pero yung version ng imago ang kakantahin ko dahil hindi pa sila pinapanganak sa panahong to.

"Basta... isang napakagaling na banda at grupo ang gumawa ng kantang ito" sabi ko na lang. hindi naman na sila nagtanong pa. Whew!

Bigla namang lumapit sa akin si Sonya "Sobrang nagpapasalamat ako dahil inaalagaan at minamahal mo ng sobra ang kuya ko, sobrang nagagalak din ako dahil naging kaibigan kita Carmelita" nakangiting sabi sa'kin ni Sonya at niyakap niya ako.

"Ako rin... sobrang nagpapasalamat ako dahil nakilala at naging kaibigan kita" tugon ko, sobrang saya ko dahil kahit papaano ay naranasan kong magkaroon ng totoong kaibigan na tulad ni Sonya. Kahit pa hindi naman talaga ako ang original bff niya, masaya pa rin ako dahil tinuring at pinaranas niya pa rin sa akin ang pagiging tapat niyang kaibigan.



Sinindihan na ni Ignacio ang apoy sa gitna habang dinadagdagan naman ni Juanito ng gatong ang apoy. Nakapalibot kami ngayon sa apoy at para kaming nag-bobonfire camping. Habang tanaw na tanaw namin ang libo-libong nagkikislapang mga bituin sa langit.

"At bilang pagtatapos ng ating pagdiriwang sa kaarawan ng aking pinakamabait at pinakamamahal na kuya Juanito ay may ihahandog na awitin ang kaniyang kasintahan na si Carmela bilang regalo" panimula ni Sonya, nagsipalakpakan at hiyawan naman yung mga tao dito, nasa 30 katao din ang kasama nila Juanito sa kanilang baryo.

Napatayo naman ako sa gitna sa tabi ni Sonya na ngayon ay hawak na niya ang gitara niya. "Uh--- Sana masiyahan kayo sa awiting ito... at gusto kong malaman mo Juanito na ikaw lang ang tinitibok nito" panimula ko pa sabay turo sa puso ko. at dahil dun bigla silang naghiyawan at inaasar na nila ngayon si Juanito na ngayon ay namumula na ang buong mukha. Samantalang ako kinakabahan naman kasi baka pumiyok ako Shocks!

"Napakwerte naman ni Juanito oh!" narinig naming pang-asar pa nung isang lalaki na kasamahan niya sa pangingisda. Napatingin naman sa'kin si Juanito at nararamdaman kong natutuwa at kinikilig siya. Kyaahh!

Sinimulan na ni Sonya kalabitin ang kaniyang gitara, tiningnan ko naman ng diretso si Juanito sa mata at gusto kong maunawaan niya ang nais ipabatid ng puso ko sa pamamagitan ng kantang ito na Ewan by Imago...

~Hindi ko alam kung bakit ka ganyan

Mahirap kausapin at di pa namamansin

Di mo ba alam akoy nasasaktan

Ngunit 'di bale na basta't malaman mo na~

~Mahal kita, mahal kita

Hindi to bola

Ngumiti ka man lang sana

Ako'y nasa langit na

Mahal kita, mahal kita

Hindi to bola

Sumagot ka naman wag lang...Ewan~



Tss... naalala ko yung sagot niya sa'kin kanina na 'Ewan ko' at nagtatampo din siya kanina kaya ito ang napili kong kanta. Nakita ko namang biglang napangiti si Juanito at halatang natatawa siya sa'kin ngayon.

"Lapitan mo na Juanito!" sigaw pa nila. Napatayo naman si Juanito habang nakangiti ng todo at naglalakad papalapit sa akin.

"N-nagtatampo ka pa din ba?" tanong ko pa sa kaniya. Bigla naman siyang natawa. "Hindi ko akalaing magagawa mo akong haranahin" sabi pa niya, at dahil dun napa-pout ako. tsk!

"Masyado kasing matampuhin yang puso mo eh, ang hirap suyuin" reklamo ko pa sa kaniya, napakamot naman siya sa ulo. "Edi naniniwala ka na na maaaring magkatuluyan at ikasal ang pusa at daga?" nakangiti niyang tanong sabay hawak sa kamay ko.

"Ayieeeeee!" narinig naman naming hiyawan nung mga tao. Gosh! uso na rin pala talaga ang mga echeosero at echeosera sa panahong to kyaaahh!

Napatango naman ako at hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa labi ko, nagulat ako naman ako nung bigla akong yakapin ni Juanito. "Ipangako mo ah, na hinding-hindi iiwan ng daga ang pinakamamahal niyang pusa at kailanman ay hindi siya magpapakasal at sasama sa kapwa niya daga" bulong pa sa'kin ni juanito. natawa naman ako sa sinabi niya, haays. Hindi na lang kasi niya diretsuhin na ipangako ko na hindi ko siya iiwan at hindi ako magpapakasal sa iba eh.

"Oo... pangako hindi kita iiwan at hindi ako magpapakasal kay Leandro" sagot ko, naramdaman ko namang niyakap niya ako ng mahigpit kasabay nun ang mas malakas na hiyawan at pang-eencheos ng mga tao dito. Kyaahh!

Kaso bigla akong may narealize... at kumalas ako sa pagkakayakap ni Juanito dahilan para mapatahimik yung mga tao.

"Teka nga!... ibig sabihin ikaw yung pusa at ako naman yung daga?!" reklamo ko sa kaniya, bigla namang natawa si Juanito at nakisabay din yung mga tao. Gosh! alam kong alam niya na hate na hate ko ang daga tapos... magigng daga ako sa kwento!

"isang dagang ubod naman ng ganda" pambobola pa ni Juanito at dahil dun napangiti ako at kinurot-kurot ko siya. umiwas-iwas naman siya dahilan para habulin ko siya, at maghabulan kaming dalawa. Nakisali naman sa habulan sila Theresita, Angelito, Ignacio at sila tatang Caloy. Tumugtog naman ulit si Sonya ng isang masiglang awitin at nagkantahan kaming lahat habang naghahabulan.

Sa totoo lang, hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito.

Dahil ito ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko.

Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Theresita at luminya sa labas ng kumbento, hatinggabi na rin kami nakauwi kagabi nila madam Oliva at Theresita galing sa baryo nila Juanito sa Bohol. Sinabi naman ni madam Olivia kay madam Ofelia na may pinuntahan lang kaming importante kaya ginabi kami.

Lumabas na si madam Ofelia at naglakad siya papunta sa gitna, pinagmasdan naman niya kaming lahat ng mabuti. Nagulat ako nang bigla siyang mapatingin sa'kin at humakbang papalapit sa akin. "Binibining Carmelita... may sulat para sa iyo mula sa isang lalaki nagngangalang Eduardo..." panimula ni madam Ofelia sabay abot sa akin nung sulat.

Nagtaka naman ako, bakit ako padadalhan ng sulat ni Eduardo?

"ipaliwanag mo sana sa akin kung ano ang relasyon mo sa lalaking nagpadala ng sulat na ito?" seryosong tanong ni madam Ofelia, napatingin naman ako kay madam Olivia na ngayon ay tahimik lang.

Magsasalita na sana ako kaso biglang sumabat si Theresita sa usapan namin "Madam Ofelia, ipagpaumanhin niyo po ngunit nakatatandang kapatid ko po si Eduardo at sa tingin ko po sa pangalan lang ni Binibining Carmelita niya ipinangalan ang sulat na iyan na para sa akin dahil mas madali pong makakarating ang kaniyang mensahe dahil prioridad po ng opisina na unahin ang mga pangalan ng kilalang pamilya, naniniwala po ako na baka importante po ang gustong sabihin sa akin ng aking kapatid kaya sa pangalan po ni Binibining Carmelita Montecarlos niya pinadala ang sulat" paliwanag ni Theresita. Napaisip naman ng mabuti si madam Ofelia at napatingin kay madam Olivia.

"Totoo ba ito madam Olivia?" tanong ni madam Ofelia kay madam Olivia."tama ang narinig mo madam Ofelia, magkapatid si Theresita at Eduardo" sagot naman ni madam Olivia.

Inabot na ni madam Ofelia yung sulat kay Theresita at umalis na siya. naghanda muna kami ng almusal at tinapos ang aming mga aralin bago kami umakyat ni Theresita sa kwarto upang basahin ang sulat ni Eduardo.

"Binibini... sa tingin ko po para sa inyo talaga ang sulat na ito" tugon pa ni Theresita sabay abot sa'kin nung sulat, "Huh? eh bakit naman ako susulatan ni Eduardo?" tanong ko sa kaniya, napakibit-balikat naman si Theresita. At dahil dun binuksan ko na lang yung sulat at sabay naming binasa.

Oktubre 22, 1891

Binibining Carmelita, alam ko pong hindi dapat ako manghimasok sa pamilya niyo ngunit hindi po ako makapapayag sa narinig ko pong pag-uusap nila Don Alejandro at Gobernador Flores kahapon, nais pong ipakasal ni Don Alejandro si Maria kay Gobernador Flores sa darating na linggo upang mapagtibay po ang kanilang samahan. Dahil naudlot po ang kasunduang kasal niyo kay Heneral Leandro, napag-desisyunan na po ni Don Alejandro na si Maria na lang ang ipapakasal niya sa mga Flores, at pabor po si Gobernador Flores na maikasal kay Maria. Binibining Carmelita alam ko pong tutol rin po kayo sa plano ng inyong ama kung kaya't humihingi po ako ng tulong sa inyo. - Eduardo.

Nabitawan ko yung sulat na hawak ko at napatulala na lang. hindi rin nakapagsalita agad si Theresita at gulat na gulat din siya dahil sa aming nalaman. Biglang sumikip ang dibdib ko at napaupo ako sa kama."Binibini! ayos lang po ba kayo?" nagpapanic na tanong ni Theresita. Hindi ko matanggap na...

Nang dahil sa akin... masisira ang buhay ni Maria.

Agad kong kinuwento kay madam Olivia ang lahat, at nagpaalam naman siya kay madam Ofelia na babalik kami ng San Alfonso, sinabi din ni madam Olivia ang totoong dahilan kung kaya't pumayag na rin si madam Ofelia.

Nagpaiwan naman si Theresita sa Cebu at sinabi niyang sina na rin ang magsasabi kina Juanito na babalik muna kami ni madam Olivia sa San Alfonso upang pigilan ang kasunduang kasal ni Maria kay Gobernador Flores. Apat na araw na lang kasi bago ang kasal nila at kailangan makarating na kami ni madam Olivia sa San Alfonso sa lalong madaling panahon.

Halos dalawang araw din ang byahe sa barko pabalik ng San Alfonso, pagdating namin sa hacienda Montecarlos. Nagulat si ina nang buksan niya ang pinto at tumambad ako sa harapan nila.

"Carmelita anak... bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka? Ipinasundo sana kita sa daungan" nag-aalalang tanong ni ina pero niyakap din niya ako. nakita ko namang pababa ng hagdan si Don Alejandro at napatigil siya ng makita ako.

"C-carmelita... sino ang naghatid sa iyo? Hindi ka maaaring basta-basta makalabas ng kumbento" gulat na tugon ni Don Alejandro at napatigil din siya nang makita si madam Olivia sa likuran ko. "Ahh... ngayon alam ko na" dagdag niya pa, at umupo siya sa salas at nagsimulang magabsa ng diyaryo.

Alam kong dapat ko munang puntahan si Maria sa kwarto niya pero hindi na ko makapagpigil pa, gustong-gusto ko na kuwestiyunin si Don Alejandro kaya agad akong naglakad papalapit sa kaniya.

"Ama! Totoo po ba na balak niyong ipakasal si Ate Maria kay Gobernador Flores?!" reklamo ko sa kaniya, dahilan para mapatakbo si ina sa akin, "Carmelita! Huwag mo nang simulan ito" suway sa akin ni ina, pero hindi ako natinag.

Agad namang ibinaba ni Don Alejandro yung diyaryo na hawak niya at tumingin siya sa akin. "Kararating mo lamang at heto binabastos mo na naman ako" seryosong tugon ni Don Alejandro. Napapikit na lang ako sa inis.

"Ama! Masyado ng matanda si Gobernador Flores para kay Ate Maria! kasing edad lang ni ate Maria ang panganay na anak ni Gobernador Flores na si Natasha kaya-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang tumayo si Don Alejandro at nanlilisik yung mga mata niya.

"Kaya dapat sundin ko ang sasabihin mo? Hindi ko maintindihan ngunit napapansin ko na malaki na ang pinagbago mo Carmelita! Kailan at saan mo natutunan suwayin ako ng ganito? ... ahh! Alam ko na sa tingin ko ay nakuha mo ang mga asal na iyan sa babaeng kasama mo ngayon" tugon pa ni ama sabay tingin kay madam Olivia.

"Sinasabi lamang ni Carmelita kung ano ang tama" sagot naman ni madam Olivia at bigla silang pinag-gitnaan ni ina. "Alejandro, tumigil ka na, igalang mo ang punong madre" suway ni ina, napapikit na lang sa inis si Don Alejandro at ibinaling na niya sa'kin yung paningin at galit niya.

Narinig ko namang pinakiusapan ni ina si madam Olivia na umalis muna dahil usapang pamilya ito, wala namang nagawa si madam Olivia kundi sumunod na lang pero bago siya lumabas ng pinto tiningnan niya si Don Alejandro at nagsalita siya "Don Alejandro, wala sa kamay mo ang mga dapat mangyari, tandaan mo na ang iyong paghahangad ng kayamanan at kapangyarihan ay may kapalit na parusang hindi mo inaasahan" banta pa ni madam Olivia habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ni Don Alejandro

"Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan!" sigaw niya kay madam Olivia pero hindi na siya pinansin pa ni madam olivia at tuluyan na siyang umalis.

"Mula ngayon ipagbabawal ko na lumapit ka sa matandang babaeng iyon!" sigaw naman sa'kin ni ama. At dahil dun mas lalong kumulo yung dugo ko. "Pero wala namang kasalanan si madam Olivia! Ang usapin dito ay ang pag-alok niyo kay Gobernador Flores na ipakasal sa kaniya si ate Maria!" reklamo ko pa. naramdaman ko namang hinawakan ni ina ang braso ko. "Tama na anak" pagsusumam pa ni ina.

"Nauubos na ang pasensiya ko sa iyo Carmelita... hindi mo na ako ginagalang! Nang dahil sa pag-unawa ko sa sitwasyon mo kung kaya't hindi kita pinaparusahan... ngunit ngayon ay sumusobra ka na!" sigaw pa ni Don Alejandro, dahilan para bumaba si Josefina at Maria mula sa kwarto nila.

"Carmelita? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Josefina. at agad silang napatakbo ni Maria sa akin.

"Ama... pagpasensiyahan niyo na po si Carmelita... bata pa po siya at hindi niya pa po makontrol ang galit niya" pakiusap ni Maria pero balak talaga akong sampalin ulit ni Don Alejandro kaya lang napigilan agad siya ni ina.

"Paluhurin ang batang iyan sa asin hangga't hindi ko sinasabing maaari na siyang magtungo sa kwarto niya!" galit na tugon ni Don Alejandro at agad niyang tinawag yung mga kasambahay at pinakuha sila ng asin at bilao.

"Alejandro! Huwag mo nang gawin ito! Pagsasabihan ko na lang si Carmelita!" pakiusap ni ina pero wala talagang balak si Don Alejandro patawarin ako.

"Hindi magtatanda ang batang iyan hangga't hindi nakakatikim ng parusa!" sigaw pa ni Don Alejandro at padabog siyang bumalik sa kwarto nila ni ina. Agad naman siyang hinabol ni ina at Maria.

Inilapag na nung kasambahay namin sa tapat ko yung bilao na punong-puno ng matatalim na asin. "Carmelita... humingi ka ng tawad kay ama" narinig kong sabi ni Josefina, pero lumuhod pa din ako sa asin. Bigla naman akong napasigaw sa sakit, at naramdaman kong unti-unting bumabaon yung matatalim na butyl ng asin sa tuhod ko dahilan para masugat ito. At dahil maalat ang asin naramdaman kong humahapdi ang mga sugat ko na nababaon sa asin.

"itaas mo ang iyong kamay Binibini" utos pa nung kasambahay na mataray at matanda na rin, madalas ko siyang makita dito sa hacienda pero hindi siya nagsasalita. Tinaas ko naman na yung kamay ko. "Manang Esmeralda! Pinag-uutos ko na itigil mo na ito" utos ni Josefina sa masungit naming kasambahay na Esmeralda pala ang pangalan niya.

"Patawad po Binibining Josefina ngunit ang utos lamang po ni Don Alejandro ang susundin ko, at kabilin-bilinan niya po na bantayan ko si Binibining Carmelita sa parusa niya" sagot ni Manang Esmeralda. Bakas naman sa mukha ni Josefina ang inis.

"A-ayos lang ako ate Josefina, kaya ko to" sabi ko kay Josefina at manigayk-ngiyak na ko sa sakit. Wala naman nang nagawa si Josefina kundi umupo na lang sa tapat ko, habang nakatayo naman si Manang Esmeralda sa gilid ko.

Pinunasan naman ni Josefina yung luha ko. "Carmelita... naalala mo ba noong nasa barko tayo pabalik ng San Alfonso para sa Fiesta? Sinabi ko sa iyo noon na ikaw ang dahilan kung bakit sumaya at nabuo muli ang pamilya natin diba? At ikaw ang pinakamamahal at paborito ni ama at ina" panimula ni Josefina. Napatango naman ako. naalala ko nga na sinabi iyon sa akin ni Josefina at sinabi niyang malalaman ko din sa pagdating ng panahon.

"Naalala ko noong mga bata pa kami ni Maria at Josefina, hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahalan ni ama at ina, pinagkasundo lang din si ama at ina ng kanilang mga magulang, at kahit pa anak na nila kami, nararamdaman namin na hindi pa nila ganoon kamahal ang isa't-isa, ngunit nang isilang ka ni ina at dumating ka sa buhay namin, biglang nagbago ang lahat, dahil sa pagiging masayahin, malambing at palagi mong pinaglalapit si ama at ina ay natutunan nilang mahalin ang isa't-isa, dahil sa iyo nabuo at naging makulay ang pamilya natin" paliwanag ni Josefina. Bigla namang may alaalang pumasok sa isipan ko, ang alaala ni Carmelita.

Ang mga ngiti niya noong bata pa siya ang nagsilbing dahilan upang maglapit ang kalooban at puso ni Don Alejandro at Donya Soledad.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko, pakiramdam ko ay ako ang sumisira sa magandang relasyon ng pamilya Monetcarlos.

"Naiintindihan ko naman na nagdadalaga ka na, ngunit huwag mo sanang hayaang masira muli ang pamilya natin" naiiyak na tugon ni Josefina. Sobrang bigat ng kalooban ko. hindi ko sinasadya at hindi ko gustong masira ang pamilya ni Carmelita.

Napahinga na lang ako ng malalim at napatayo na, pero pinigilan ako ni Manang Esmeralda "Binibini... kabilin-bilinan po ni Don Alejandro na hindi kayo makakaalis sa pagluhod sa asin hangga't hindi niya sinasabi" protesta ni Esmeralda pero agad akong inalalayan ni Josefina tumayo.

"H-hindi na kailangan... hihingi na ako ng t-tawad kay a-ama" sagot ko, niyakap naman ako ni Josefina. "Naniniwala ako na nasa iyong puso pa rin ang paggalang at pagmamahal" bulong niya pa. at inalalayan na niya ako paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Don Alejandro.

Pagdating doon ay naabutan naming sinisigawan ni Don Alejandro si Maria habang humahagul-gol naman sa iyak si ina sa tabi ni ama. Nakaluhod ngayon si Maria sa tapat nila at nanginginig siya sa takot.

Bigla namang napatingin sa amin si ina, at agad siyang tumakbo papalapit sa amin upang pigilan kami lumapit sa kanila. "Josefina! Carmelita! Bumalik na kayo sa ibaba-----" hindi na natapos ni ina yung sasabihin niya kasi biglang napalingon sa amin si Don Alejandro.

"Hindi ba't sinabi kong lumuhod ka sa asin! Sinusuway mo na naman baa ng utos ko Carmelita!" sigaw ni Don Alejandro sa akin at namumula na talaga ng todo ang mukha niya dahil sa galit. "At ikaw naman Josefina! Huwag mong kokonsentihin ang kapatid mo!" sigaw naman niya kay Josefina, agad namang napaluhod si Josefina sa tapat niya.

"Ama patawad po ngunit may nais pong sabihin si Carmelita sa inyo" panimula ni Josefina habang nakayuko siya, at sinenyasan niya ako na lumuhod na din at humingi ng tawad. Napahinga naman ako ng malalim at dahan-dahang lumuhod kahit pa sobrang sakit ng tuhod ko na nasugat dahil sa pagluhod sa mga asin.

"Wala akong oras diyan! Sa ngayon ay bumalik kayo sa ibaba!" galit na sigaw pa ni Don Alejandro at nagulat kami nang bigla niyang hilahin yung buhok ni Maria dahilan para mapasigaw siya dahil sa sakit. Agad naman kaming tumakbo papalapit sa kanila at pinigilan si Don Alejandro na pilit sinasabunutan at pinagsasampal si Maria.

"Ama! Walang kasalanan si Maria!" sigaw pa ni Josefina, habang pilit namin silang inaawat, napalingon naman ako kay ina na nakaupo lang sa sahig at humahagulgol. "Ina! Tulungan niyo kami!" tawag ko pa kay Donya Soledad pero hindi siya kumibo, umiiyak lang siya doon sa isang sulok.

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" sigaw pa ni Don Alejandro at agad niya kaming tinulak papalayo ni Josefina dahilan para matumba kami sa sahig. Habang hawak-hawak niya pa rin ang buhok ni Maria.

"A-ama! P-patawad po... h-hindi ko po s-sinasadya!" pagsusumamo pa ni Maria. napatulala naman ako sa kanila, bakit galit na galit si Don Alejandro kay Maria? at bakit sinisigawan niya din si Maria kanina pagdating namin sa kwarto nila ni ina?

"BINIGYAN MO NG KAHIHIYAN ANG PAMILYA NATIN! NILAGAY MO SA KAHIHIYAN ANG PANGALAN KO SA HARAPAN NI GOBERNADOR FLORES! HANGGA'T KAILAN NIYO BA AKO BIBIGYAN NG SAKIT NG ULO NI CARMELITA HA!" sigaw pa ni Don Alejandro at hinampas niya ng malakas sa mukha si Maria dahilan para matumba si Maria at sumobsob yung mukha niya sa sahig.

"AMA!" sigaw ni Josefina at agad kaming lumapit kay Maria para yakapin at harangan siya mula sa pambubogbog ni Don Alejandro.

"BUKAS NA BUKAS DIN AY IPAPALAGLAG MO ANG PINAGBUBUNTIS MO!" sigaw pa ni Don Alejandro kay Maria!

Biglang napatigil ang mundo ko, napatingin ako kay Josefina at maging siya ay gulat na gulat din dahil sa narinig niya. kaya pala galit na galit at halos patayin ni Don Alejandro si Maria, samantalang humahagulgol naman sa pag-iyak si ina at wala na rin siyang pakialam kahit bugbugin ang anak niya dahil...

BUNTIS SI MARIA!

"A-ama! Huwag po! H-hindi ko po kayang m-mawala ang b-bata sa sinapupunan ko" pagsusumamo pa ni Maria kay Don Alejandro at agad siyang gumapang at yumakap sa paa ni Don Alejandro para makiusap.

Hindi naman ako makagalaw, hindi rin ako makapgsalita parang hindi na rin ako makahinga dahil sa mga naririnig at nalalaman ko.

Bigla namang kinuha ni Don Alejandro yung isang sulat sa gilid ng mesa niya. "ANO? ITATANGGI MO PA? HINDI KO HAHAYAANG MABUHAY ANG ANAK NIYO NG HAMPASLUPANG HARDINERONG SI EDUARDO!" sigaw pa ni ama at pinunit niya yung isang sulat sa harapan ni Maria at inihampas iyon sa pagmumukha niya.

"IPAPALAGLAG MO ANG ANAK NIYO AT MAGPAPAKASAL KA KAY GOBERNADOR FLORES!" sigaw pa ni ama. At sinipa niya si Maria na kanina pa nakayakap sa paa niya.

"A-ama! H-huwag p-po... h-hayaan niyo pong isilang ko ang batang ito... m-magpapakasal pa rin po ako kay Gobernador Flores" pakiusap pa ni Maria. napapikit na lang sa galit si Don Alejandro at agad niyang pinagbabasag yung mga flower vase sa gilid ng bintana dahil sa galit.

"HINDI MAKAPAPAYAG SI GOBERNADOR FLORES NA MAGKAROON NG ANAK SA IBA ANG MAPAPANGASAWA NIYA! KAYA'T DAPAT MAMATAY NG BATANG IYAN SA NGALAN NG ATING PAMILYA!" sigaw pa ni ama. Napatingin ako kay ina na nakahiga na sa sahig at hindi na maawat sap ag-iyak, napatingin din ako kay ama na sobrang galit nag alit at puro problema na ang kinakaharap ngayon, napatingin naman ako kay Josefina na hindi na malaman ang gagawin, at napatingin din ako kay Maria na patuloy bumubuhos ang mga luha niya at pilit iniinda ang pananakit at galit ni Don Alejandro sa pag-asang mabubuhay ang pinagbubuntis niya.

Ang pinagbubuntis ni Maria ay ang pagmumulan ng lahi ni lola carmen, lolca carmina, mommy carmenia, Jenny, Emily at... Ako.

At kung hindi ako kikilos... mapuputol ang lahi namin at hindi magkakaroon ng pagkakataong mabuhay sila sa mundo.

"KAILANGANG MAPAGTIBAY ANG TIWALA AT SAMAHAN NG ATING PAMILYA SA MGA FLORES! DAHIL-----" hindi na natapos ni Don Alejandro ang sasabihin niya dahil tumayo ako at humakbang papalapit sa kaniya at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata.

"A-ama pakiusap... hayaan niyo pong mabuhay ang bata sa sinapupunan ni ate Maria at huwag niyo na po siyang piling ipakasal kay Gobernador Flores at matali sa kamay nito habambuhay... d-dahil handa na po akong magpakasal kay Leandro" sabi ko, at naramdaman kong dumaloy ang luha sa aking mga mata. Napatulala naman si ina, Maria at Josefina sa akin.

At nagulat naman ako nang bigla mapahinga ng malalim si Don Alejandro at niyakap niya ako.

Dear Diary,

kasabay ng mabigat na desisyon kong iyon ay pilit namang sumisigaw ang puso ko at humihingi ng tawad kay Juanito.

Patawad Juanito... ngunit hindi ko na matutupad ang pangako ko sa iyong hindi kita iiwan at hindi ako magpapakasal kay Leandro.

Dahil sa pagkakataong ito... kailangan kong pumili kung ang buhay ng magiging anak ni Maria? na magiging pinagmulan ng lahi ng mga taong mabubuhay palang sa hinaharap.

o ang pag-ibig ko sa iyo na alam mong kailanman ay hindi magbabago kahit hindi man tayo magkatuluyan.

Nagdadalamhati,

Carmela

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
18.6K 577 16
Ang pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...