OPERATION: Make Ligaw to him

By yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... More

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Twenty-first Move

619 25 1
By yashnii

#C21: A sign of Love

CARMEEN'S POV

Nagulat ako nang bigla akong halikan ni kuya Jasper sa pisngi. Napatigil pa ako sa kinatatayuan ko nang ginawa niya iyon. Okay na ako sa ginawa niyang pag-akbay pero sobra na ang halik kahit ba na sa pisngi lang.

"Bakit mo ginawa iyon, kuya?" tanong ko na may halong pagkairita.

"Sorry about that. Nataranta kasi ako nung tumingin siya sa banda natin. Mukhang effective 'tong plano ko," sagot niya.

I groaned. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ito naman kasing si kuya Jasper... sa lahat pa ng kakilala niyang babae, ako pa ang napiling magpanggap na girlfriend niya para pagselosin ang babaeng mahal niya.

For some reason, hindi ko naman siya masisi kung bakit niya ito ginagawa. Yung girlfriend niya kasi masyadong stiff, tapos maarte daw at parang hindi siya affectionate. Kaya ang nangyari, nag-away daw sila at nag-cool off muna... hindi na lang diniretso sa break-up. But who am I to judge them? It's their feelings, not mine so they need to be responsible for that.

"Ewan ko ba sayo kuya Jasper. Bakit hindi mo na lang lapitan at kausapin kesa naman sa ganito? Baka mas lalong magalit iyon kesa makipagbati pa sayo."

"Trust me, this plan is gonna work. I knew her better than she does," pahayag niya. Basta ba magkaayos sila. "Wala namang magseselos satin diba? May boyfriend ka ba?"

Sana.

"Wala pa," sagot ko.

"Manliligaw?" tanong niya. Feeling ko parang biglang nag-init ang pisngi ko sa tanong na iyan. Pilit niyang hinahanap ang titig ko ngunit umiiwas lang ako. "May nanliligaw ba sayo?"

"Ewan," sabi ko na lang. Hindi ko alam kung anong isasagot sa ganyang tanong. Bakit kasi ako nagpadalos-dalos sa ganitong sitwasyon? Ito tuloy ang nangyari sakin. Pero kasi opportunity na iyon kung sakali.

Gusto ko lang namang mapansin niya ako.

"Anong ewan? Meron na noh? Ilang months nang nanliligaw sayo?"

Napayuko ako ng tingin. "Five months..."

"Talaga? Bakit hindi mo pa sinasagot?" tanong ko. Umiwas ako ng tingin bago sumagot.

"Hindi niya pa kasi ako sinasagot."

"Ha?" Nakukunot na ang kanyang noo na nagtataka sa sinabi ko. Hindi naman kasi talaga maintindihan yung sinabi ko.

"Ako ang nanliligaw," pahayag ko saka naglayo ng tingin.

Hindi pala nakakaproud na ikaw ang magsabi ng ikaw ang nanliligaw. But it's no use regretting it now... I've come too far to back down all of a sudden. He really was so lost for words when I asked him. Ano na kayang nasa isip nun? Hindi na kaya niya ako papansinin ulit?

Nanlaki ang mata ni kuya Jasper pagkatapos. "Seryoso? Bakit ikaw? Kababae mong tao ikaw ang nanliligaw."

"Ang tagal niya kasing mapansin ako kaya ginawa ko 'to. Kesa naman sa forever invisible ako sa mata niya. Wala na akong magagawa kundi harapin ang ginawa ko."

"Yeah, but still..."

"Nangyari na ang nangyari. You can judge me all I want." Saka ako umirap. Ang tanging gusto ko lamang marinig ay kung anong tingin ni Dale sa lahat ng ito. He doesn't seem to mind... I mean, hindi pa naman siya nag-file ng restraining order sakin.

Ang baliw ko nga talaga. I never even thought that I'd go this far.

Napabuntong-hininga siya sa paliwanag ko. "So this is how we fall in love. We do all drastic moves just to get their attention whether compulsive or not. Love is weird."

Love is weird all right. Sa una akala mo lang talaga physical attraction ang nararamdaman mo... hanggang sa mag-build up siya at hindi mo na namamalayan na minamahal mo na siya. Then you realize that you're starting to like the things he like and that you're consuming time just to think about him.

It's not even hard to fall in love.

What's hard is that we fear that our feelings won't be return at their side. Maghihintay lang tayo. Mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung kailan niya ako mamahalin o kaya naman ay mapapansin niya kaya ako.

Walang kasiguraduhan ang lahat.

Kaya siguro nagawa ko iyon. Dahil hindi na ako nakatiis na hindi nabibigyang-pansin ang nararamdaman ko. Kailangan talaga nating gumawa ng kilos para hindi na tayo maagawan. May it be embarrassing or decent, we need to be noticed. Kung mahal mo naman talaga ang isang tao, mangingibabaw pa rin yung pagmamahal mo kesa sa katinuan mo. Katulad ni kuya Jasper, he acted impulsively just to be noticed. And like me too, I asked him things I never should've asked now.

Ang awkward tuloy ng gabing iyon. I hope he's alright at hindi niya iyon iniisip masyado. Yung bibig ko kasi sobra talagang padalos-dalos. Kasi naman, bigla niyang tinanong kung paano kami nagkakilala. Dapat maalala niya! Pero hindi ko siya masisisi dahil simula naman noon hindi niya talaga ako napapansin. Hanggang tingin lang.

Ayoko na ngang isipin iyon. Masyadong masakit balikan. Pero speaking of that, andito kaya siya? Nakita ko kasi sa isang banda ng orphanage center ang mga schoolmates niya pati si Honey. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi naman kami close tsaka may galit pa yata sakin yun. Pinoproblema ko tuloy kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Guys, mamaya na daw tayo mag-paint. Masyado kasing mainit," saad ng isa naming facilitator.

Sakto. Hanapin ko na lang muna siya... kung meron man siya dito. Feeling ko talaga meron. Dahil ang alam ko'y kung nasaan si Honey ay nandun din siya. Mahal niya pa rin kaya si Honey? What if he still does?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung kusa akong aatras o kung kailangan ko bang humadlang.

"Kuya, maglibot lang ako," paalam ko kay kuya Jasper.

"Sige pero balik ka maya-maya. Baka magsisimula na rin." Tumango ako at tuluyang nang umalis. Medyo malawak 'tong center na to. Baka matagalan ako... hindi rin ako sanay ng mag-isa lang.

Para tuloy akong giraffe na naghahanap sa mga kumpulan. Baka kasi kasama niya ang barkada niya. Hihinto na sana ako sa paghahanap nang bigla ko na lang siyang nakita.

There's my man. Walking alone with his hands on his pocket while staring at the ground. Nang mag-angat siya ng tingin ay napangiti ako sakanya at kumaway. Ang lakas talaga ng gut feeling ko.

"Hi Dale-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilampasan lang niya ako. Nawala ang ngiti sa aking labi habang tinanaw ko siyang naglalakad palayo.

Nagulat ako sa reaksyon niyang iyon. Anong problema niya? Galit ba siya sakin? It's like he doesn't even know me. Biglang ang lamig na ng pakikitungo niya sakin. Tinitigan ko ang likod niyang papalayo na sakin.

Anong nagawa ko sa kanya? Could it be because of that night? Ito na ba ang ibibigay niya saking sagot?

Hahanapin ko sana siya pero bigla na lang sinabi sa banda namin na magsisimula na ang pagpintura. Wala akong choice kundi bumalik na doon na masama ang loob.

"Guys kuha na kayo ng pintura. Magsisimula na tayo," saad nung isang facilitator. "Oh! And tutulong pala satin ang Luiz High. Medyo malawak kasi ang wall tsaka sampu lang tayo."

Tutulong ang school nila? Ibig sabihin...

Naghahanap na ang mata ko na bigla na lang napunta sa kanya. Nakakatitig lang si Dale sa akin with a blank expression. Maya-maya bigla na siyang nag-iwas ng tingin sakin. My heart cracked with that motion.

I knew it. Masyado kasi akong nagmadali.

Kanya-kanya na kaming kuha ng paintbrush at pintura. Lumapit na ako sa wall. May sketch guide naman na doon. Ang gagawin na lang namin ay magpintura.

Sakto namang pagkalapit ko sa wall ay nasa kanan ko pala siya. Kaya bigla siyang nakipagpalit ng pwesto dun sa kasamahan niya. Salubong ang kilay ko na tiningnan siya na hindi man lang niya pinansin.

"Oh bakit ka nakasimangot?" Biglang lumapit sa akin si kuya Jasper. Siya lang naman din ang kakilala ko dito. Actually, siya ang rason kung bakit ako napasali rito. Para pagselosin ang girlfriend niya... ni ayaw ko ngang lumalabas pag weekends. Napilitan lang ako dahil kay kuya.

"Wala," ang tanging sagot ko. Nakita ko siyang nagkibit-balikat lang at 'di na nagtanong pa.

Aish, naiinis tuloy ako. Ano ba kasi ang inaarte niya? Wala akong maalala na may ginawa akong masama sa kanya. Maayos-ayos naman ang huli naming usapan. Kung maayos nga ba ang tawag sa awkward na atmosphere.

Huwag niyang sabihin na dahil doon sa hindi ko pagsabi sa kanya kung paano kami nagkilala? Dahil kung iyon, sobrang babaw niya. He should remember it himself. I could only trigger his memories, not tell him.

"Oh my gosh!" Napatili ako nang pinahiran ng pintura ni kuya Jasper ang kaliwang pisngi ko. Nakita ko siyang napahalakhak.

"Kuya!" Pinandilatan ko pa siya ng mata. "Ba't mo ginawa iyon?" Ang hirap pa namang magtanggal ng pintura sa katawan.

"Nakasimangot ka kasi. Hindi mo ba alam na bawal iyon kapag nagpipintura?"

Ha? Anong connect?

"Nakakainis ka!" Dinilaan niya lang ako at tumawa ulit. Sa sobrang inis ko, nag-dip ako ng pintura sa paintbrush saka pinahid ito sa noo niya. Ako naman ngayon ang tumatawa.

"Carmeen, kadiri! Ang lagkit," reklamo niya na sinusubukang tanggalin ang pintura. Ipinikit niya ang mata nang magsimulang bumaba ang pintura.

"Bumawi lang ako noh," sabi ko.

Akala ko matatapos na doon pero gumanti siya. Syempre gumanti rin ako. Hindi na nga ako nakatiis, sinawsaw ko yung kamay ko sa paint at itinapat sa kanya. Nakita kong ganun din ang ginagawa niya. Manggagaya!

"Tumigil ka na nga kasi kuya!"

"Ayoko nga."

"Isip-bata."

"Panget."

"Hindi ako panget. Maganda ako!"

"Weh? San banda?"

Nag-asaran lang kami habang nagpapahiran ng pintura sa isa't-isa.

"Tsk! Ms. Sue, meron pong naglalaro ng pintura imbes na pinturahan yung wall!" Napatigil tuloy kami ni kuya Jasper nang may sumigaw. Si Dale.

Kaagad namang lumapit si Ms. Sue at pinagalitan kami. Binigyan niya kami ng warning. Nag-sorry na lang ako saka niya kami pinaalis para maghugas na ng kamay at mukha.

"Ikaw kasi kuya. Ayan tuloy, napagalitan tayo," reklamo ko kay kuya habang naghuhugas ng kamay sa gripo. Sabi ko na nga ba ang hirap tanggalin nito.

"Hayaan mo na. Atleast hindi ka na nakabusangot." Napatawa pa siya ng mahina. Nasa kabilang gripo naman siya at hinuhugasan ang mukha.

Napailing na lang ako dahil sa kanya. Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakalimutan ko saglit yung pinoproblema ko, yun nga lan, saglit. Wala talaga akong magagawa kung bumalik pa rin iyon sa isip ko. Nakakainis naman kasi si Dale. Wala naman kaming ginawa sa kanya ni kuya, bigla niya na lang kaming sinumbong.

Although, we were wasting paint.

Nang natanggal ko na lahat ng pintura sa katawan ko ay saka na naman nagsimula si kuya Jasper sa kalokohan niya.

"Kuya Jasper naman!"

"Hahaha!"

Sinabuyan niya kasi ako ng tubig. Hindi ko na lang sana papansinin para hindi magtuloy-tuloy pero inulit niya pa ng ilang beses. Sinamaan ko siya ng tingin at nagsaboy din ng tubig sa kanya.

Pero hindi siya natamaan dahil tumakbo siya, ako naman 'tong si tanga na hinabol siya para makaganti.

"Kuya Jasper!" sigaw ko.

"Weak! Hindi niya ako mahabol," asar niya habang tumatakbo. Tinawanan niya pa ako.

"Kuya, may kalabaw!" sabi ko para ma-distract siya at ang uto-uto naniwala naman na napatingin sa harapan niya. Nakaabot tuloy ako at dinamba siya tapos pinagkikiliti.

"Hahaha! Carmeen- hahaha, stop it!" Malakas kasi ang kiliti niya sa tagiliran.

"Ayoko nga! Akala mo ha..."

"Isa- hahaha. Pagsisisihan mo 'to- hahaha!"

"Wala akong naririnig!"

"Stop."

Literal na napahinto ako sa ginagawa kong pagkiliti maski ang ngiti sa aking labi. Napatuon ang tingin ko kay Dale na ang sama ng tingin sa amin ni kuya. Oh ano na namang problema nito?

"Diba pumunta kayo dito para mag-paint hindi para maglandian?" aniya habang masama pa rin ang tingin. Nagulat kami sa sinabi niya.

"Alam mo kanina ka pa, pre. Ano bang problema mo? Wala naman kaming ginagawa sayo. We're just having fun," naiiritang sambit ni kuya. Hinawakan ko ang kanyang braso para tumigil siya sa pagsasalita.

On the other hand, Dale just stared at him with a cold expression written on his face. "Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Jasper," sagot ni kuya.

"Look, Lester..." Ha? Anong Lester? Sino yun? "We were not put here to have fun. We're here to paint that freaking wall that you two can't do. And you keep disrupting others painting as well."

Napakurap ako ng ilang beses nang biglang magsalita si kuya Jasper. "Unang-una, Jasper ang pangalan ko-"

"I don't care..." He cut kuya Jasper off. Tapos bigla siyang tumingin sakin na ikinagulat ko. "And hands off my girl." Sabay hila sa akin sa tabi niya. Anong sabi niya? My girl?

Biglang nag-init ang psingi ko. Kailan niya pa ako naging pagmamay-ari? Tsaka diba galitan-galitan to kanina sakin. Anong nangyari?

I thought he's gonna end everything.

"Your girl?" nakakunot-noong saad ni kuya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. "Wala namang boyfriend itong si Carmeen. Bitiwan mo siya."

Hinawakan ako ni kuya Jasper saka hinila nang bigla rin akong hinawakan ni Dale sa kamay at hinila pabalik. Para tuloy tug of war ang nangyayari at ako ang lubid.

"Bitiwan mo siya!"

"Ikaw ang bumitiw!"

"Hindi ko siya bibitiwan!"

"Pwes ako rin!"

"Bitiwan niyo akong pareho!" sigaw ko.

"No!" sabay naman nilang sabi.

"Hoy, anong nangyayari dito?" Sabay na napatigil ang dalawa sa paghila sa akin. Thank you po ate sa pagligtas sa kamay ko.

Nagtaka ako nang makita ang gulat na expression ni kuya Jasper habang may tinititigan. Tiningnan ko ang tinititigan niya.

Nanlaki ang mata ko. Yung nagsalita pala na babae ay ang girlfriend ni kuya Jasper. Nakatitig lang din siya kay kuya pero may halong sakit ang nakikita ko sa mata niya. Kaagad din naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Ate Jane?" sambit ni Dale. Kilala niya ang girlfriend ni kuya Jasper?

"Bakit niyo siya pinaghihilahan?" tanong ni ate Jane kay Dale.

"Eto kasing si Jastin-"

"Jasper nga ang pangalan ko sabi!"

"I don't care! Just don't touch Carmeen!" Lahat kami ay nagulat sa outburst ni Dale. Marahan niya akong hinila paalis doon.

Nagpatianod na lang ako sa kanya. Pero habang hinihila niya ako ay 'di ko maiwasang mapangiti. Dale, anong ginawa mo sakin? I'm falling quickly and I don't know if it's a good thing or not.

Nang makalayo kami ay ang sama ng tingin niya sakin. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.

"Huwag ka ng lumapit kay Jasmine..." naghihingalong aniya.

Nagtaka ako. "Ha? Sino si Jasmine?"

"Sino pa ba? Edi yung lalakeng kasama mo kanina!"

"Jasper ang pangalan niya hindi Jasmine." May problema ba si Dale sa pagmemorize ng pangalan? Hindi niya matandaan ang pangalan ni kuya kahit ilang beses pa yata naming banggitin.

"I don't care what his name is!" sigaw niya. "Akala ko ba ako ang gusto mo? Bakit may iba kang kasama na lalake? Ano, pinagloloko mo lang ako?!"

Napakunot na ang noo ko. "Ganun ba ang tingin mo sa akin? Na niloloko lang kita? Dale, limang buwan na. Ni minsan wala akong ipinakita sayo na peke mas lalo na 'tong nararamdaman ko sayo."

Hindi siya nakasagot ng ilang segundo. Bigla-bigla na lang siyang mapipipi, kung ano-ano pa ang pinagsasabi. Niloloko ko daw siya? Ilang beses akong humiling sa isip, nagtapon ng barya sa wishing well, hinihintay ang pasapit ng 11:11, naghihintay ng shooting star gabi-gabi para lang mapansin niya ako tapos sasabihin niyang niloloko ko siya. Aba, unfair ata iyon!

"Bakit kasi may kasama kang ibang lalake?" mahinang tanong niya.

"Masama bang may kasama akong ibang lalake?"

"Oo!"

"Bakit?" naiirita kong tanong.

"Hindi pa ba obvious?" di-makapaniwalang tanong niya.

Then suddenly, he closed the gap between us and kissed me fully on the lips. I was taken aback at first but I felt myself being lifted up by his touch. I felt his hands encircled on my waist as he pulls me in closer. I was gasping for air afterward as he stopped and rested his forehead on mine. He literally took my breath away.

What just happened?

"Ayokong nagseselos ako Carmeen. I don't want any guy near my girl. You're mine alone." He gave me a peck on the lips again. "Got that, honeybabes?"

My cheeks turned red.

Continue Reading

You'll Also Like

394K 8.9K 50
"Nine years ago, with the age of eleven I married him, believing that it was the beginning of our very own fairy tale..." Meet Eiffel Earl Sinclaire...
431K 6.6K 63
"it seems like i stubbornly in love with that guy ..."- erika __________________________________________________ "just shut up , and let me protect y...
2.8M 178K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
322K 17.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.