A Very Special Romance (BOOK...

By Jennie_Jem

142K 2.6K 75

Hinahabol ka ng lalaking kinamumuhian mo. Kinasal ka sa lalaking mahal mo na akala mo ay kinamumuhian mo. Ano... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Sorry!
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 42

1.6K 35 1
By Jennie_Jem


CHANIEL'S POV

Nag-iimpake ako ng gamit kasi babalik ako ng Baguio. May field trip daw kasi ang pamilya ko. A week na out of work ang lahat. Busy din kasi sila, noh. Kailangan daw nila ng mas mahabang quality time sa pamilya.

Excited na nga ako!

Bagiuo na yan kasi!

Ilang taon na ba akong hindi nakabalik dun? DALAWA! Ganun kahaba.

So, hindi na ako magiging pabebe.

Sinarado ko na yung maliit na maleta saka binuksan yung kumakatok.

"Oh, Carol..." umirap siyang parang naiirita.

"Yung kabit, nasa baba. Hinahanap ka. Ang kapal ng mukhang pumarito. Sobrang kapal na talaga ng mukha, di man lang nahiya."

"What kabit?"

"Chaniel, ang tamang tanong, sinong kabit?"

"Edi yung malanding modelo na si Sushane Garcia, mabuting...wala sina Mama ngayon. Nauna na kahapon sa Baguio, at mabuting wala ako sa mood na umaway ngayon ng tao, at baka nakalbo ko na yang makapal na walang mukha na babae na yan. Puntahan mo na baka maabutan siya ni Jessica, masampal pa yun."

Kinakabahan naman ako bigla.

Anong gagawin ng kabit sa bahay ko? Kabit ba talaga? PANIRA!

Galit ako, naiinis ako, pero may karapatan ba akong magalit?

Ang hirap ng ganito, yung bang parang wala kang karapatan.

Kaagad kong binaba yung isa pang ahas sa buhay ko. Kung ano ang problema nila ng asawa ko, labas na ako dun. Wala na akong pakialam. WEEHHH! Mawala man ang wifi connection sa buong Pilipinas forever? Oo.

Naabutan ko siyang nakaupo sa couch namin. Ang ganda pala talaga niya...bagay sa kanyang pinakalbong hairstyle. Ano bang ginagawa niya rito?

"Hi, good morning," ngumiti siya nung may paarte effect sabay tayo. Ngumiti ako ng fake din. Di ako tumatanggap ng malalandi sa pamamahay ko.

"Obviously, may kasabihan, treat your visitors well. I'm sorry, di ako tumatanggap ng kabit sa pamamahay ko. And, don't you dare say that I left him dahil wala kang alam..." magsasalita pa sana siya, eh. "Ano bang ginagawa mo rito?"

Siya yung tipong, maganda, matalino sa mata, parang may dignidad, educated, oo, siya yung tipong mapapatulan ng mga lalaking may asawa. KADIRI!

Napalunok siyang naiirita, umirap pa. ABA!

"Obviously din, kakausapin ka tungkol kay Harry. Chaniel, pirmahan mo na yung divorce papers. Wala ng pag-asa, wala ka ng babalikan. Pinabayaan mo siyang mabingwit ng iba. Laking baliw mo naman para gawin yun. Dapat ang mga asawa, hindi pinapakawalan."

Tinaas ko yung isa kong kilay. Aba, lumalaban. Nangingiti ako kasi...wala siyang kaalam-alam kung sino ako kung lumaban.

"Ganun ba? Kawawa ka naman, marunong din kasi akong...ibalik yung nabingwit mo. Sorry, ha...marunong akong mangisda sa sarili kong ilog, eh. At, obviously, kahit baligtarin mo pa ang tubig sa ilog at dagat, Eros is in my river."

"His heart is mine now," natahimik ako ng ilang segundo sa sinabi niya, tinusok ng hindi ko alam na matulis na object yung heart ko dahil sa katotohanan na yun. Nangiti pa siya dahil dun. "See..."

"But, his name is mine already. Hindi mo siya magiging pag-aari kung akin yung pangalan niya. Kahit anong gawin mo, kung di ko pipirmahan yung divorce papers, babush...you can't have Eros. Kaya ko siyang kunin ulit."

"Talaga lang, ha? Kung sasama siya..."

"And, why naman hindi?"

"Sinaktan mo siya," KAINIS NA TALAGA SIYA!

"Again, you don't know the story. Kaya huwag kang makialam sa usapang mag-asawa," hinahamon ko siya sa mga pataas-taas ng kilay ko.

"Pirmahan mo na," baliw na siya. Sabi ng hindi, di ba halata! Obssess to kay Eros.

"Fangirl ka ba? Kating-kati kang mapapasayo si Eros, ha. Desperada ka. Masamang maging desperada sa isang bagay," kinuha ko sa kamay niya yung papel na hawak niya. Sakto namang dumaan si Laura na may iniinom na kape. Kinuha ko yun saka....binuhos ko lahat sa papel. Kamaong-kamao na yung mga kamay niya na sobrang nagtitigre na yung mga mata niya dahil ininis ko siya.

Mapang-inis na ngiti.

"Ooppss, sorry...sinadya kong itapon yung kape," I said to her. She can't fight with me dahil nasa pamamahay ko siya.

"You..."

"Witch? Alam ko na yun. Kung sa akala mo ay love story mo 'to, I'm sorry, sweetheart, akin ang storyang 'to, at akin yang lalaking minamahal mo."

"Alam mo bang hindi ganun kadaling mag-process ng divorce papers?"

"Oo naman," ininis ko ulit.

"Pagbabayaran mo ang mga 'to. Hindi mo makukuha si Eros."

"Laos na yan girl. Makukuha ko kasi ang gusto ko, kahit anong gawin mo. I can't give up that easily. Duwag ako, pero hindi ako mahina. I'm sorry. I have the weapon to take him back. I love him still, at wala kang magagawa dun."

"Argggh..."

Padabog siyang naglakad papuntang pintuan. Hahaha...nainis nga.

"Bye! Huwag ka ng bumalik! Take care!"

Nawala yung ngiti ko dahil sa eksena kanina. Hayst naman. Nagpapasalamat akong may lakas pa akong lumaban. Kung hindi, kanina na ako talo. Kailan ko pa ba kayang lumaban? Kahit di ko sabihin, alam ng pamilya ko na nasasaktan ako. Kahit gaano kalaki yung ngiti ko, nasasaktan ako sa ilalim.

Ang laki nung sugat, eh.

Binasa ko yung divorce papers....O__O wala pang pirma ni Eros, eh. Niloloko ba ako ng babaeng yun? Nakisilip si Laura, kanina pa pala.

"Hmmm...may pag-asa," she commented na parang nag-i-inform ng research study.

"What do you mean?"

"Critical thinking, Chaniel. Kapag di na gaano kaganda yung marriage, isa sa mag-asawa ang maglalabas ng divorce papers or annulment papers. Sa case ninyo ni Eros, siya yung naglabas ng mga papeles, so...ibig sabihin, kapag gusto niyang pamirmahan yan sa'yo...may pirma na niya. Meaning, kapag pipirma ka na, makikita mo una ang signature niya. So, wala kang nakita, meaning, wala siyang balak na pirmahan yan. Naiinip na siguro ang babae na yun sa kahihintay kaya siya na ang nagpapirma sa'yo. Ang balak niya, kapag nakita ni Eros na may pirma mo na ang mga papel, masasaktan siya, the will lead him to sign the papers. Di ba, talino ko."

She tapped her own shoulder.

"Ate, may pag-asa. Manalangin ka lang..."

Kahit ayaw kong ngumiti, ay niyakap ko si Laura.

Kinikilig kasi ako, eh.

"Aaaa..." inalog-alog ko siya. DI BA, ang wild kong kiligin.

"Ate," pinahinto niya ako. "Huwag kang umasa masyado. Masakit ang umasa. Sinabi ko lang na may pag-asa, di ko sinabing umasa ka."

"Ang bitter mo naman..." napangiwi siya.

"Ewan ko sa'yo."

****

Nag-rent sila Ate ng dalawang bus na sasakyan namin papuntang Baguio na nakaparada sa labas ng kompanya namin. I locked and left my car at the parking garage of our company. Kaagad akong sumakay ng bus pero wala pang tao dun. Airconditioned bus kasi, yung bang luxury na luxury yung datingan. May malaking TV pa. Di ka mabobored.

"Ang tagal naman nilang naghanda..." I found a seat na nasa third column. Pinili ko ang nasa tabi ng bintana dahil makikita ko yung mga madadaanan namin. Excited na ako. kaya bago yun, iidlip muna ako kasi mukhang matatagalan pa yun sa paghahanda sina Jessica at Jenelle, may mga anak, eh.

Sinalpak ko sa teynga ko ang earphones ko, at nag-play ng isang love song. Sa hindi magandang wrong timing, 'I love you, goodbye' pa.

Bahala na nga.

Matutulog muna ako.


EROS' POV

"Bro, nasaan na ba yung bus na sasakyan natin?" sabay kaming nakaabot ni Fred sa meeting area namin. May shooting kami sa isang MV ngayon, sa Baguio gaganapin. As usual, mag-bu-bus kami. Kaagad kong kinuha yung travel bag ko, yung gitara ko, saka sinuot ko yung shades ko.

"Bakit nandito tayo?" nasa harapan kasi kami ng hotel empire ng mga Oriento, eh. LAKING gulat ko naman, di ba?

"Bro, obviously, sila ang nag-spo-sponsor sa atin ng luxury bus. Sa hotel nila tayo mag-ste-stay. Huwag kang magreklamo diyan. Di ka pa ba sanay, sila na ang sponsors natin simula pa lang. Dapat maging masaya ka, father in-law mo..."

"Suntok..." akma ko siya susuntukin kasi.

"Bro, takot ako sa suntok mo, pero, tanggapin mo ang katotohanan. Father in-law mo ang nag-ma-may-ari ng mga sikat na hotel sa buong Asia."

"Dun ka nga!" pumasok siya sa kotse niya, at pumunta dun sa parking garage ng kompanya. Dahil baka maabutan ako ng mga tao sa labas, kaagad akong sumakay sa bus na nakaparada na sa hindi kalayuan.

Wala pang tao sa kabuuan ng bus. Si manong driver lang na nakikinig ng lovesong. Binati ko siya, at ngumiti lamang. Nilagay ko sa ibabaw yung bag ko sabay kuha ng earphones.

Umupo ako sa last row katabi yung gitara ko. I can't live without my guitar. I am composing a song for my single right now. Sumandal ako sa upuan, saka tumitig sa mga sasakyan na dumadaan.

Is it the right time to think, right? Right time to think what is happening to my life. Simula nung nawala si Chaniel sa akin, I can't even smile with meaning. Napapasaya naman ako ni Sushane, yeah, I feel I love her. Nag-aalala ako sa kanya, I want to take care of her, I want to make her happy.

Ano bang pagkakaiba?

With Chaniel, I can see everything. I can see my life. See, I am not that alive withour her. Pilit kung tinatago kasi takot akong masaktan ulit. Kung prinotektahan ko siya noon? Sana walang nangyayaring ganito?

Isa lang, eh, kung ano ang kasalanan niya sa akin? Naguguluhan ako. That mistake of her to me that I can't even know. Walang nagsasabi sa akin, walang nagbibigay sa akin ng hint.

To end my curiosity, I will swallow my pain and pride, I want to talk to her....properly.

Nag-aalala ako sa kanya, I want to take care of her, I want to make her happy, I don't want to see her crying because...I can't find strength to see her tears. Yun ang pagkakaiba. Kapag iiyak si Sushane, all I can do is to hug her and I want to comfort her.

Kapag iiyak si Chaniel, nasasaktan ako kaya I hugged her.

Iyon ang pagkakaiba.

Maghahanap ako ng paraan para maibalik yung anak namin.

Papatunayan ko sa kanya na...hindi man ako naghintay, at least sa ganito, mababawas-bawasan ko ang sakit na nararamdaman niya, tinatago niyang patay na yung anak namin. Pero, hindi yun ang totoo.

I will make her happy again.

I will surely do that, dahil tama si Diane, takot akong magsisi, at pakiramdam ko, magsisisi ako kapag papakawalan ko si Chaniel ulit.

Narinig kong may pumasok. Baka si Fred, ang bagal-bagal talaga. Di ko siya papansinin, aasarin lang ako nun. Umidlip na lang ako habang sinusuot yung shades na nakasabit sa neckline ng shirt ko. Sinalpak ko sa teynga ko ang earphones.

Sa hindi malamang wrong timing, 'Ngiti' pa yung nasa playlist. Ay bahala na nga. Matutulog ako, dahil ayaw kong makinig kay Fred.

Bakit kaya hindi ako ginalaw-galaw ni Fred? Kasi, kapag naggaganito ako, yung hindi ako makikinig sa kanya ay natutulog ako kunwari, at saka hinuhubad niya yung earphones sa teynga ko, at saka siya yung kakanta na may pabasag effect sa boses.

Ang tahimik ni Fred ngayon, ha.

Mabuti na yun, makakatulog ako ng patuloy.

***

Mga ilang oras ang lumipas, dahil siguro sa sobrang pagod ko sa trabaho ay sobrang haba ng oras na nakatulog ako. Nine o clock akong dumating kaninang umaga, ngayon...parang gabi na. Nag-unat ako ng mga kamay saka tumingin sa labas.

Gabi na nga. Di man lang ako ginising nga mga kurimaw kong mga kaibigan, gutom na gutom na ako. Ikaw ba naman, umaga kayong bumiyahe at mahabang oras kang natulog, at yung mga kaibigan mong tinuring mong pamilya ay di ka man lang ginising para kumain ng tanghalian.

Nang tumayo ako...BAKIT WALANG TAO?! O__O

Sigurado bang nasa Baguio na kami? Bakit kami? Eh, pakiramdam ko, na ako lang mag-isa sa bus na 'to.

Kahit lalaki ako, nagpapanik na ako. Di ako assuming, baka nakidnap ako sa isa sa mga fans kong sobrang obssess sa akin. Ohmygosh! Kinakabahan ako. kaagad akong naglakad...

Nang pagdating ko sa gitna ay may biglang umuntog sa ulo ko. May bigla kasing tumayo, EH!

"ANO BA?!" sabay naming sigaw. Sapong-sapo ko yung noo ko...hinihimas-himas ko yun.

"Di ka nag-iingat..." when she glanced at me....O__O kung kanina kinakabahan ako. Ngayon, SOBRANG KABA KO NA TALAGA! Ano ba to? Para kaming na-estatwa dalawa. Dahan-dahan siyang tumindig habang sapo-sapo pa rin yung noo niya, saka bumalik sa inupuan niya kanina.

"Lagot talaga yang mga Ate kong sarap itapon sa kakahuyan. Arrggh...bakit di ko naisip 'to? Save me from temptation..." dahil sa I can't recover of my shockness, umupo na lang ako sa katapat na upuan. Kami lang dalawa sa bus na 'to, expect kay Manong driver na nasa front seat na parang kumakain ng tinapay.

"Manong, nasaan na po tayo?!"

"Pangasinan na po. Mga ilang oras na lang para makarating tayo ng Baguio!," napa-tsk akong napapikit.

Di na ako magtatanong kay Manong kung bakit kami lang dalawa sa bus, kasi...mukang tama naman si Chaniel, mukhang, nasa isang set up kami na gawa ng mga Ate niyang sarap itapon sa kagubatan. Anong pagkakaiba? Spelling.

Tama siya, save us from temptation, Lord.

"Um--," bro, ang hina mong dumiskarte. I can imagine Fred's words would be. "Ba...Chaniel, gusto mo bang kumain muna?" di ba dapat galit na galit ako. Bakit parang wala lang sa akin? DAPAT AKONG MAGALIT SA KANYA!!! Argggh..huwag mong pilitin kong di mo kayang magalit sa kanya. Easy!

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin mula diyan sa pagkakatalikod niya na para ako pa ngayon ang masamang tao.

"Sige, ikaw na lang," she said avoiding my gaze.

I can feel the atmosphere so akward. GRABEH, parang ang hirap lagpasin ng ganitong moment.

Tumayo ako ulit. Tumingin muna ako sa kanya, pero parang wala talaga siyang balak na kausapin ako. Sige fine...lalakad na ako. Sobrang gutom na gutom na talaga ako.

"Chaniel..."

"I'm okay..."

"Okay..."

Bumaba na ako ng bus. At nagtatalon, I want to release the tension in my body. Sobrang kaba kaya dun sa loob.

I want to be angry...bakit parang di ko magawa?! Ang hirap kasi, sobra niya akong sinaktan dahil dun sa pag-iwan niya, pero ngayon, na gusto kong sumigaw at magalit...parang tiklop ang dila ko.

ANONG NANGYAYARI SA'YO, E!?


CHANIEL'S POV

OH MY GOSH! OH MY GOSH! OH MY GOSH! TAKTE! PALAKA! Tulungan niyo po ako!

I'm with Eros in a bus, na kami lang dalawa. NOOOO! I'm not ready! I'm not ready! I'm not ready! Nanginginig yung mga darili ko na kanina ko pa kinakagat. Nanginginig ang binti ko na kanina ko pa nilalakad-lakad. I can't find a way to escape.

Bumili pa siya ng pagkain daw niya. Di man lang ako pinilit! Ang bad-bad niya!

Oh sige na, nagugutom talaga ako. Dahil na rin siguro sa puyat, sobra akong nakatulog kaya di ko namalayan yung oras.

Pero di ko kayang makasama si Eros muna ngayon, hindi ako nakapag-practice ng speech. Tatakas ako, may dala naman akong pera, eh. Pangasinan, maraming masasakyan diyan.

Kinuha ko kaagad yung maleta ko, saka nagmamadaling bumaba ng bus. Takbo-takbo akong hilang-hila ang maliit kong maleta.

"MISS! BUMALIK KA!" tumingin ako kay Manong na sumigaw at hinahabol niya ako. Nakita ko si Eros na kakarating lang na kinausap si Manong...sobrang nagpanik na talaga ako. Ano bang gagawin ko para mawala yung tension at kaba sa dibdib ko? kapag nakikita ko siya....

KINIKILIG KASI AKO! Bwisit! Yun talaga ang dahilan, eh. Wait, mali, isa sa mga dahilan kung bakit ako kinakabahan.

Nagmamadali akong naglalakad ng patuloy nang pakiramdam ko sinusundan ako. My gosh...papatayin ko talaga mga kapatid ko! At ang mga taong involve sa crime na 'to! Ipapakulong ko sila sa lata ng sardinas!

May pa field trip-field trip pa silang nalalaman, then, sinet-up pala nila kaming dalawa ni Eros. Sobrang nakakahiya kaya yun. Di ba nila alam ang mararamdaman ko. I can't even breathe a while ago.

"CHANIEL! BUMALIK KA!" sinusundan nga ako ng asawa ko. GRABEH NA THIZ! Tatakasan ko na naman siya. Kailan ba ako hihinto sa pagkatakas sa kanya? Lumingon ako ng bahagya, at tumaktakbo talaga siya. Nasa gilid pa naman ako ng kalsada. Uwian ng mga tao kaya sobrang dami ng sasakyan.

Hindi ko namalayan na nakatakong pala ako sa pamamarathon ko, bigla akong natumba, dahil sa walang hiya kong heels na bumigay na.

"Shet, tingnan mo Chaniel. Sa mga pagkatakas mo sa asawa mo, parati ka na lang nasasaktan, kainis! Di na ako tatakas talaga sa kanya."

Inikot ko yung paa ko...ssshh...ang sakit. Gasgas yung paa ko. Malas-malas kong babae.

I'm stucked in the middle of my nervousness with my husband, sumandal na lang ako sa maleta ko at nagdadasal na hindi ako papagalitan. I can't stand up. Expected na yun kasi nabali nga yung takong ko, di ba? Bumigay na rin siya sa akin.

"Chaniel..." ayun, nangigil niyang binaggit yung pangalan ko. "Why are you escaping again?"

"Sorry na..." parang bata kong sabi. Inangat ko ang mga kamay ko sa kanya... "Help me..."

"Tskkk..." kinuha niya naman kaagad ang mga kamay ko, at tinulungan akong tumayo. "Bakit ka tumatakbo, ha? Di mo naman kailangan tumakas kung di mo kayang makita ako. Parang baligtad. Ako dapat yung tatakas..." tinakpan ko yung bibig niya.

"Sorry na..." pa-puppy eyes kong sabi. Para akong bata...hahaha...kala ng Sushi na yun, di ko makukuha asawa ko. tingnan natin! Operation: Akitin ang Asawa. "Di na mauulit. Kinakabahan kasi ako."

"Tsk. Bat ang tigas ng ulo mo? Yan tuloy...masakit ba?" lumuhod siyang tiningan ang sugat ko sa paa. Sobrang...nangingiti at kinikilig na talaga ako. Tumingala siya, at nag-peace sign akong ngumiti. Parang si Vice lang. "Bakit ka ba kinakabahan? Wala akong gagawin sa'yo."

"Kala mo lang yun," bumulong ako.

"Ha?"

"Wala! Sabi ko, gutom na ako. Pakihingi muna ng pagkain, ha. Babayaran kita pagdating sa bus."

"Di na kailangan..." tumalikod siya sa akin habang nakaupo pa rin. "Ride now." Ride? Green minded, Chaniel, ha.

"Mabigat..."

"Alam ko. Kaya kita," sasabihin naman ni Carol, 'Pabebe masyado.' Okay, dahan-dahan akong sumakay sa likod niya. Maingat kong niyakap yung leeg niya. Kung siya walang reaksiyon sa ginagawa niya sa akin, ako...SOBRANG...saya ko talaga!

I just realized, binibigyan na ako ng pagkakataon ni Lord na maging masaya. Ngayon lang ulit ako ngumiti ng ganito simula ng mga nangyari.

Dumating si manong driver, at kinuha yung maleta ko.

"Mauna ka na," kaagad namang umalis si Kuya sa sinabi ni Eros. Ooyy...gusto niya akong masolo. ASSUMING!

Ngayon na ulit kami naging close ng ganito. Sobra, masayang-masaya ako. Kung sasabihin ko sa kanya ngayon, mapuputol naman yung kasiyahan ko. Pero, sabi nga ni Papa, hindi lahat ng pagkakataon sa buhay, gustuhin mo na lang sumaya.

Aja! KAYA KO TO!

"Ikaw lang pala talaga ang magpapangiti sa akin ulit..." I whispered.

"Clown ba ako?"

"No, ang clown nagpapatawa, hindi nagpapangiti. Ikaw...masaya lang ako. Di ba pwede maging masaya dahil nandito ka. I'm sorry..." yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Kahit na sobra akong nasaktan dun sa interview mo. At wala na sa akin yun dahil masasaktan kita kapag nalaman mo ang totoo.

"I'm sorry din..." O__O bakit?

"Why?" nagtataka kong tanong.

"Hindi kita hinintay?"

"Kasi sinabi ko. Sobrang masunurin mo namang tao kasi. Ako ang may gusto nun, wala kang kasalanan," bigla kong nahaplos yung may dibdib niya na may nakasabit na kwentas sa leeg niya. Dalawa singsing ang nandun.

Pinaglapit ko yung dalawang singing sa kwentas, pati yung daliri ko.

"Hmmm---pareho tayo ng mga singsing. Gaya-gaya ka..." pabiro kong sabi.

"Hindi yun gaya-gaya. Ako ang bumili ng mga singsing mo, pss..." binitaw niya yung isa niyang kamay sa pagkakahawak sa binti ko...saka pinagtiklop yung mga palad namin. "Nagkasya pa silang dalawa. Can we...stay the night?"

Kinakabahan ako na parang tatalon ako dun at magtatalon sa kilig.

"Sisiw.Of course...we can stay the night." 

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 73.3K 43
De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she fo...
134K 3.1K 38
He just want to forget. So he did gave a simple condition to her; to be his temporary girlfriend. Can he resist not to fall for her? Or just fall for...
67.5K 3.1K 49
Unbreak the broken soul
141K 2.9K 59
She's a total perfect stranger of that thing called LOVE and GOODNESS. Kaya di siya relate sa mga churvaeks ng mga tao dyan sa word na love na yan. B...