Destined To Be Yours

By imaginaryinlove

431 20 16

Sa buhay, 'di mo masasabing naka-tadhana na agad ang isang tao para sayo. 'Di natin alam kung patibong lang b... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

32 3 2
By imaginaryinlove

Chapter 5

Aina's POV

Habang nasa kotse kami ng kumag na 'to, 'di ako pinatahimik sa salitang "Lil sis" na nabanggit niya kanina. Ayaw ko namang magtanong kasi malay mo mali lang ang pagkakarinig ko.


Pero hindi e, I heard it right na pinapalabas niya mismo sa mga sinabi niya na kapatid niya ako.


Gosh, ano ba itong naiisip ko. Ayokong maging kapatid 'to tsaka wala naman si mommy na inampong bata ah? Paano ako magkakaroon ng kapatid.


OMG. Baka eto yung sasabihin niya dapat. Oh no no no no, hindi 'to. Alam kong iba yung sasabihin ni mommy, hindi 'yun tungkol sa sinabi niya.


Ba't ba kasi ako sobrang naaapektuhan sa sinabi niya.


"Hoy babae! Ba't kanina ka pa parang nag-iisip d'yan? Na parang hindi mapakali? Dini-daydream mo 'ko noh? Ikaw ha?" sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.


Hahampasin ko talaga 'to, kanina pa 'ko nanggigigil dito e. Pigilan niyo 'ko. Makatitikim talaga 'to ng isang sapak mula sa kamay ko. 'Wag niya akong subukan, nako sinasabi ko sa kanya.


Kahit ganun ang isinisigaw ng isip ko, pinatili ko pa rin na pakalmahin ang sarili ko.


"Ano bang pinagsasabi mong "lil sis?!" Kapatid ba kita? Sa pagkakaalam ko, wala akong kapatid na sing-yabang mo."


"Whooo, it hurts. Ikaw, hinay-hinay ka lang sa pagsasalita kung ayaw mong halikan kita d'yan."


"Kapal naman ng mukha mong takutin ako, as if magpapasindak ako. Hmp."


"Talagang masindak ka, kung ganitong mukha lang naman ang hahalik sa'yo aba, be fluttered. Lahat ng babae sa campus, nagkakandarapa sa kissable lips ko. Ikaw pa kayang manang at walang ka-style style, magcho-choosy pa?"


Sasapakin ko na talaga 'to, 'di ko na talaga kayang magtimpi.


Sa sobrang panggigigil ko, naisara ko na ang kamao ko na habang tumitingin sa kanya ng masama.


"H-hoy, anong tingin 'yan?"


"Kanina pa 'ko nagtitimpi dito, sinasabi ko sayo."


"Bakit? Mananapak ka? Sige nga, sample-an mo nga ako." sabi niya sa akin habang nakangisi at habang nilalapit din ang kanyang pisngi.


Sinusubukan niya talaga ako ha? O sige, papakita ko talaga sa kanya kung gaano akong naiinis sa kanya.


Dadambahan ko na siya ng suntok na sobrang konti na lang na dapat madadampi sa mukha niya ng biglang niyang hinablot ang kamao ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.


OMG MOMMMYYYYYY HELP MEEEEEE SABBBB BESTYYY HUHUHUHU...


Dahil sa ginawa niyang iyon, kinabahan ako bigla sa susunod na mangyayari. Oh gosh, first kiss ko 'to mga papi.


Jusko ayaw ko namang mapunta 'to sa kumag na 'to.


Sa kawalan ng self-control naipikit ko na lang ang mata ko at inintay na dumampi ang labi niya sa labi ko.


Bakit ang tagal?


"Hoy babae, anong nginunguso nguso mo d'yan? Akala mo hahalikan kita noh? 'Wag ka nang mag-expect hahaha, as if naman noh. Hahaha" sabi niya habang tumatawa. Nakakainis talaga yung lalaking yun.


Tch, akala mo naman kung sino. As if naman magpapahalik talaga ako sa kanya.


Ba't naman kasi pumikit pa 'ko at anong nag-udyok sa akin para gawin ko 'yun?


Kadiri, nakahihiya. Huhuhuhu. Dapat kasi 'di na lang ako sumabay sa kumag na 'to e. Kakahiya talaga.


"Umayos ka mamaya ah, ayokong magkakalat ka dun." sabi niya habang nagmamaneho.


Ano bang pinagsasabi neto, 'di ko talaga siya maintindihan.


"Ha? 'Di kita maintindihan, pwede pakiexplain kung bakit kailangan kitang sundin sa mga command mo? Nalilito po talaga ako e." sabi ko ng pataray.


"Basta, go with the flow. Tska I need your full cooperation here. So follow my command. I won't take no for an answer."


"May magagawa pa ba ako? Tss." so yun sumuko na lang ako kasi wala rin naman akong magagawa at wala rin namang mapatutunguhan itong pag-uusap namin. Edi useless din.


Baka siguro yung sinasabi neto pagtapos siguro ng kay mommy. Pero bakit ganun, ba't niya kilala si mommy?


Hayy, andaming pumapasok sa utak ko.


"We're here! Ah, wait. Let's take a picture. Come here." sabay labas niya ng cellphone niya.


"Smile Aina." ngumiti naman ako, first time kayang may nagpapicture sa akin bukod kay Sab, lubos lubusin na hahaha.


"1,2,3. Smile" at nagsmile kaming dalawa.


"One more time. 1,2,3." OMG HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI! SABBB HUHUHUHU.


"Hoy babae, natunganga ka na d'yan. Sa pisngi lang kita hinalikan, 'wag kang OA d'yan na akala mo kinuha ko virginity mo." sabi niya habang natatawa.


"Walang hiya ka talagang lalaki ka, bwiset ka!" sabi ko habang sinusuntok suntok siya.


"Aray! Yung mga muscles ko, aba." sabi niya na nagsusungit na naman. 


"Baba na nga, tsk." sabi niya.


"Oo na, bababa na nga e."


Gagalaw na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang may naramdaman pa akong seatbelt.


Aray, ang sakit naman nun.


Paano ba ito tanggalin? Ba't ang hirap?


"Ako na nga, ang engot naman." sabi niya at bigla siyang lumapit.


Habang lumalapit siya, lumalapit din ang mukha niya. Hanggang sa kaunting pagitan na lang ang mayroong space sa amin. Nagtitigan kami.


Parang nakita ko na 'tong matang 'to ah?


At biglang may narinig akong nag-unbuckle ng seatbelt. Whoo, kinabahan ako 'dun ah.


"Alis na."


"Oo na nga e, masyado kasing excited." and rolled my eyes. Tsss, ang arte.


"Magpaganda ka mamaya ah? Baka 'di maniwala si papa. Bye!" sabay alis niya.


Lah, ano naman 'yun?



A/N: Guys, comment lang kayo kung gusto niyong magpa-dedicate. Sayang naman 'yung kada chapters kung wala ring i-dedicate ko :) Kamsamnida!

Continue Reading

You'll Also Like

310K 21.5K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
7.3K 467 20
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.