Her Eyes #Wattys2018 Winner

By deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... More

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 7

8.5K 263 88
By deitoy

[Ryoichi]

Nadatnan ko sa kitchen si Reed na nakadukdok sa island at tulog na tulog na. Napangiti naman ako sa itsura niya. She looked so cute. So innocent while sleeping. So serene.

My heart starts to pound again, but not due to arrhythmia, rather because of the sight. She is a dangerous angel.

There's something weird happening on me that I can't explain.

I sat beside her and put my hands on her cheeks. "Hey, you're a dangerous woman if you just know it."

Her hair up on bun makes her looks more cute. I know she's aware of what she's capable with. I can't help but slide my hand on her flawless face.

My heart racing. Damn! Ano ba nangyayari sa akin? She slightly stirred kaya linayo ko ng kaunti ang kamay ko sa kanya. Dumukdok na rin ako sa harap niya at tumitig sa maamo niyang mukha.

Still my heart pounding as if there's an earthquake while staring at her but at the same time she calm the storm of unexplainable emotions on me.

Walang ibang naririnig sa lugar kundi ang mahina niyang paghinga at ang hangin na mula sa labas na pumapagaspas sa kurtina at humahampas sa pintuang salamin.

Hindi ko na namalayan na sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay tila nahahalina ako sa musikang hatid ng malamyos niyang paghinga, at ang maamo niyang mukha ay tila dinadala ako sa ibang lugar.

I just felt my eyes drooped as my senses became blurry and I drifted to sleep.

"Ichi.." I barely open my eyes as the rays of sun directed in my face. Nakaramdam ako ng magaan na pagtapik at pagyugyog. "Hey, Ryoichi, wake up."

Nakaamoy ako ng kung anong matamis na inilapag sa harap ko kaya sinubukan kong buksan ang mga mata ko. Namulatan ko ang maamo niyang mukha at nakapusod na buhok. "Good Morning," ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti bago tumalikod at tinuloy ang pagluluto.

"Nakatulog ka rin sa island, pasensya na riyan lang ako nakatulog, pagod siguro sa byahe." Malaki ang pasalamat ko na Sabado ngayon dahil kung hindi baka late na ako. Tinignan ko ang terasa na ngayon ay naka bukas na. "Gusto mo ba kumain sa terrace?" Tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at tila nagningning ang paningin niya kasabay ng agarang pagtango. Lihim akong napangiti sa ginawa niya, I find it too cute for her age. Naririnig ko ang pag hum niya habang patuloy na nagluluto.

"Si Kuya Dino?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako atsaka bumalik muli sa niluluto. "Nasa garden ata, nakagalitan nga niya ako kasi raw bakit dito tayo natulog," narinig ko ang mahina niyang pagtawa at tila musika yon.

I shook of my head, kailan ka pa naging maalam sa ganyang detalye, Ichi? Just get a grip of yourself!

Ngiti na lamang ang sinagot ko. Inilapag pa niya ang bacons, pancakes, eggs at ang mabangong sinangag sa counter top.

"Kailan tayo babalik?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at pumalumbaba. "Baka mamaya, alam ko naman na kailangan mo pang bantayan si Rin." Pumalumbaba siya nang nakaupo na siya sa tapat ko.

I can't fight the urge to touch her that's why I reach for her hand pero tila ako nakukuryenteng binawi rin yon. Alam kong para akong tinakasan ng kulay at kulang na lang ay takasan na rin ng ulirat. What the fuck was that?

Kinalabit niya ako pero napaigtad ako. "Ayos ka lang?" Ngumiti ako sa kanya at tumango na lamang. I only see predictions in dreams but why in touch now? Ngumiti siya at iniabot sa akin ang sinangag. "Kain ka na," iniabot ko rin iyon at ngumiti lang.

Bakit ganon na lang ang takot ko nang makita ang maaring mangyari sa kanya?




[Reed]

Ryoichi seems so pre-occupied the whole ride. Hindi siya umiimik para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Ang pag-stay namin sa Pulilan ay sobrang ikling panahon. Literal naman eh.

Tulala siya at para bang iniiwasan na mahawakan ako. Lagi siyang nakahiwalay sa akin na para bang may nakakadiri akong sakit. Ni tignan ako ay hindi niya magawa which is weird from him. Para bang bumalik sa dating cold na siya si Ryoichi.

"Ryoichi?"

"Andito ka na, bumaba ka na. Ikamusta mo na lang ako kay Rin," malamig niyang sabi nang makita ko na nasa harap na kami ng ospital, bumaba na rin si Kuya Dino at pinagbuksan ako ng pinto. "Salamat sa isang gabi," mahina kong wika. Tumango siya pero hindi tumitingin sa akin at patuloy na nakatingin sa kawalan.

Nang lumabas ako ay sinara rin agad ni Kuya Dino ang pinto. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya. "Pagpasensyahan mo na si Ichi, masyado lang yang maraming iniisip," pahinging paumanhin ni Kuya. Ngumiti ako kahit na alam kong nangingilid na ang mga luha ko. Yumukod ang matanda at sumakay na sa sasakyan nila.

Tinignan ko pa si Ryoichi but his face remains stern and emotionless. Parang yung Ryoichi na nakilala ko nung nakaraang linggo lang. Ang misteryosong siya. Ang tahimik at ang Ryoichi na hindi mo maisip kung ano nga ba ang nasa isip.

Habang sinusundan ng mata ko ang papaalis nilang sasakyan ay hindi na napigilan pa na bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Hindi ko maisip ano nga ba ang nagawa ko at naging ganon bigla si Ichi?

Tumalikod na lamang ako at unti unti nang naglakad papasok nang alam kong malayo na sa aking paningin ang sasakyan nila. Patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha sa aking mata. Hindi ko napigilan na hindi umiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Isang mahinang bulong ang narinig ko. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae na kasing edad ko lang halos. She looks at me impassively kaya tinignan ko ang likod ko pero walang nakatayo roon.

Iwinagayway ko ang kamay ko sa harap niya pero isang mata lang niya ang sumunod doon. "I can see life in you but it's dark," tinignan ko siya nang may pagtataka pero napansin ko ang teddy bear na yakap niya, at ang isang puting rosas na nakalagay sa isang pulseras.

"Ikaw ang kamatayan— ang katapusan ng lahat. Tama ba?" Ngumiti siya pero nanatili na hindi direkta ang tingin niya sa akin. "Tignan mo ang puting rosas."

Ginawa ko ang sinabi niya at nakita ko na namumukadkad ang puting rosas na ngayon ay nakasukbit bilang keychain sa bag ko. Maliliit lang naman ito na para bang ubod lang. "Ikaw ang kapanganakan at buhay?" Ngumiti siya at tumango.

"Oo, ako nga, babalaan kita nag—"

"Nako, Aether, bakit ka lumabas?" Isang humahangos na nurse ang dumating at siya ang nurse na binalaan ko na dapat ay matagal nang na-aksidente. Nailigtas ko siya? Ngumiti ito sa akin at inalalayan ang babaeng tinawag niyang si Aether.

Lumingon ng bahagya sa akin si Aether at may sinabi pero hindi ko ito narinig. Medyo kinilabutan ako sa kanya. Natagpuan ko na sila. Tatlo na sila, ang kinabukasan, kapahamakan at buhay. Dalawa na lang— ang tagumpay at pag-ibig.

Pumasok na lamang ako sa hospital at sumakay sa elevator patungo sa floor kung saan naroon si Rin. Pagkababa ko sa elevator ay nagulantang ako nang may mga doktor at nurses na humahangos na tumatakbo. Kinabahan ako sa nangyayari dahil papunta sila sa kwarto ng kapatid ko.

Sa kaba ay sumabay ako sa pagtakbo at halos panghinaan ako ng loob nang makita ang nanay at tatay ko na umiiyak sa labas ng kwarto ni Rin. Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. Hindi pa pwede, shit! Hindi pa oras ni Rin ngayon! No, not now! Rin, please kumapit ka.

Nilapitan ko sila Mama at Papa at niyakap sila ng mahigpit. Sabay-sabay kaming umiiyak habang nakatunghay sa loob ng kwarto ng kapatid ko. Nagkakagulo ang mga doktor may ibang patuloy na nirerevive siya, pinanghihinaan ako ng loob nang makita na ang dapat nagpapakita ng pagtibok ng puso niya ay isang matining na ingay lang at tuwid na linya ang ipinakikita.

Hindi ko na rin makita ang oras ni Rin, tanging itim na lang na letra hindi pula. Hindi na rin ito tumitibok. Umiling ako. "Hindi, Rin."

Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. God, please. If you could hear me, let me see my sister's life span again, please. Wag ngayon, hindi pa ngayon, hindi pa kami handa.

Tila nawawalan na rin ng pag-asa ang mga doktor nang hindi na nila mairevive si Rin. Ang itim na pangalan niya ay unti-unti nagmumukhang abo. "Hindi pa niya oras, Mommy! Hindi pa dapat ngayon mamatay si Rin, may isang taon pa siya! Mommy bakit ganito?" Halos hindi ko mapigilan ang mga salita mula sa akin, sobrang naguguluhan ako.

Nagkakamali na ba ako ng nakikita? Panaginip lang ito. Oo panaginip lang ito, hindi ito maaring maging realidad lalo at isang taon pa si Rin. "Mommy, hindi pa pwede, masyado pang bata si Rin." Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Hindi na tumitibok ang life span niya, wala na rin ang mga numerong nakasulat doon.

Bakit? Nagkamali ba ako ng basa? Mali ba ako ng tingin? Fuck! If this is a dream I want to wake up now! Nahihirapan ako.

Pero.. Shit!

"Revival, doctors, oxygens, nurses, flat line, white linen and black out." I mutter. Tinignan ko si Rin, unti-unti nang tinatanggal ang mga aparato na nakakabit sa kanya at maging ang oxygen mask, flat line na lang ang makikita sa monitor at wala nang iba kundi ang maingay nitong tunog.

"Rin Wendolyn Tyler, Time of Death: 2:31 PM," unti-unti nang tinabingan ng puting kumot si Rin. Hindi ko na kaya pa ang tagpo na iyon kaya sumiksik ako kila Papa at Mama. Kailangan ko ng masasandalan dahil baka hindi ko kayanin pa. Saan ako nagkakamali? Saan ako nagkulang?

Isang taon pa dapat ang itatagal niya pero bakit ganto? Bakit halos ilang linggo na lang pala? Kaya ba patuloy na nababawasan ang life span niya noon? Kaya ba para bang lagi siyang nanghihina?

Ni hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya, na lagi akong andoon sa likod niya para samahan at tulungan siyang tumayo oras na nahirapan na siya? Na lagi akong magiging andoon oras na hindi na niya kaya pa ang sakit. Fuck! It hurts like shit!

Wala nang ibang salita ang tumakas sa aking labi kundi mga hikbi. Hindi ko kaya na makita ang kapatid kong wala na at tuluyang mawalay sa amin. Okay lang sa akin na nakaratay siya at nakukuhang ngumiti pero ang mawala siya ay hindi ko kakayanin.

I instinctively reach for my phone and phone him. After three rings he picked up. "Hello?" His baritone voice somehow calmed the chaos inside me but the agony is killing me and my whole family. Before I say any word a muffled sob escaped from me.

"Hey, ano nangyari?" Kahit pa kanina ay tila ayaw niya akong kausapin, sapat na sa akin ang marinig na tila nag-aalala siya. "Ryoichi.. Si Rin.. Si Rin," I can't stop myself from sobbing and I even whined like a child who dropped her ice cream on the ground.

I heard him curse at the background. "Kuya Dino, balik tayo sa ospital," I heard him ordered Kuya Dino. Hindi ko na kaya pa ang nararamdaman ko, my mind now is a blur. Unti-unti nang naglalabasan ang mga doctor at nurse sa kwarto ni Rin. Chattering and even shaking their heads for another death, probably.

Kahit nanginginig pa sa pag-iyak ay pumasok si Mama at Papa sa loob. I heard Mama's whines and sobs as she hugged my sister's body. "It's too early, Rin. Why you have to leave us?" I asked. There was a warm air that seems to hugged me. Again tears started to trickle from my eyes.

"Rin, you're probably an angel now. You can go now wherever you want, go to Cebu. Travel there, be good. Fly as high as Icarus who wants to be with the sun, don't be scared your wings aren't made of wax but light."

"Reed!" I saw Ryoichi running towards me, he's panting and sweats trickled his forehead, his hair ruffled. I don't know what happened but all I know I jumped unto him the time I saw him near me and cried on his shoulder. His comforting hands caress my back and he mutter comforting words.

"It's too early, Ryoichi. She's too early." I said. Masakit man ang mata ko pero hindi ko na yon ininda pa. Hindi ko matanggap ang pagkawala ng kapatid ko.

"It started."

Continue Reading

You'll Also Like

49.4K 1K 50
Lyca, a grim reaper, falls in love with a living human boy. Guess what? He's dying... yet she will go to any length, even if it means risking her job...
Server: Raed By yondu

Science Fiction

95.6K 5K 54
Project Malthus #1 COMPLETE Wattys 2020 Winner (Science Fiction Category) Highest rank achieved: #1 Gaming #2 Reality #2 Action-Adventure #6 Science...
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
15.4K 486 25
What if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryo...