I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.3M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 29

1.7M 47.2K 70.3K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 29]


"Binibining Carmelita! Tara na po!" narinig kong tawag ni Theresita na kumakaway mula sa malayo at dahil dun natauhan ako, sumakay na sa bangka si Juanito at yung dalawa niya pang kasamang mangingisda.

Hindi ko akalain na makikita ko siya dito. So ibig sabihin dito sila pinatapon?



"Binibini!" narinig kong tawag ulit ni Theresita at ngayon ay tumatakbo na siya papalapit sa akin. "N-nakakain at nakapagpahinga na po ang kabayo, m-maaari na daw po tayong magpatuloy sa byahe" hinihingal na sabi ni Theresita. Napalingon ulit ako sa bangkang sinasakyan nila Juanito, sobrang layo na nila at nasa gitna na sila ng dagat.

Sa totoo lang, kung pwede lang gusto kong tumayo na lang doon buong araw at hintayin na makabalik sila Juanito. Pero alam kong imposible iyon, at kung makita ko man siya ulit, alam kong itatanggi niya ulit na kilala niya ako.

"Binibini? Ayos lang po ba kayo? Bakit parang nakakita kayo ng multo?" nagtatakang tanong ni Theresita habang inuusisa ng mabuti ang itsura ko. "Huh? p-pagod lang siguro ako sa byahe" sabi ko na lang at naglakad na kami pabalik sa kalesa.

Sa huling pagkakataon nilingon at tinanaw ko ulit ang bangkang sinasakyan ni Juanito. Halos tatlong linggo ko din siyang hindi nakita at gustong-gusto ko talaga siya yakapin kanina. Pero alam kong imposible mangyari iyon...




"Carmelita... bakit ang tagal mo? Nakakahiya sa ating kutsero" nagtatakang tanong ni madam Olivia. "W-wala po, pasensiya na" sagot ko na lang at sumakay na rin kami ni Theresita sa kalesa. Hindi ko alam pero ayoko talagang umalis sa lugar na iyon, nagbabakasakali ako na makikita ko ulit si Juanito doon.



Pagdating sa kumbento agad kaming sinalubong ni madam Ofelia, ang punong madre ng Cebu. "Salamat sa Diyos dahil nakarating kayo rito ng matiwasay" sabi niya sabay yakap kay madam Olivia. Nag-mano naman kami ni Theresita sa kaniya.

Napansin kong tiningnan ako ng mabuti ni madam Ofelia "Siya ba ang bunsong anak ni Don Alejandro Montecarlos na si Carmelita?" tanong niya kay madam Olivia. Tumango naman si madam Olivia.

"Napakaganda ng inyong lahi, kamukhang-kamukha mo ang iyong ate Maria at Josefina" sabi niya pa sabay yakap din sa'kin. "Nagagalak akong makilala ka Binibining... Carmelita" bulong niya pa sa'kin. Sa totoo lang parang medyo naweriduhan ako sa binulong niya, para kasing nagdududa siyang tawagin ako na Carmelita.


Oh My Gosh!


Hindi kaya... Alam niya na hindi ako si Carmelita?


Waaaahhh!


"Maligayang pagdating din sa iyo munting Binibini" bati naman ni madam Ofelia kay Theresita. Bigla namang nagulat si Theresita hindi niya akalaing babatiin siya at papansin ni madam Ofelia. "Hija, narito ka upang mag-aral rin... huwag kang mag-alala hindi ka namin sisingilin, sapat nang makita naming pinagsisilbihan mo ng buong puso at tapat si Binibining Carmelita" sabi pa ni madam Ofelia kay Theresita at niyakap niya ito. Sobrang bait at approachable naman pala ni madam Ofelia.

Pagpasok namin sa loob, binati kami ng ilan pang kababaihan dito sa kumbento. Si madam Ofelia lang ang sanay magtagalog kaya hindi namin masyado nakakausap yung ibang nag-aaral na babae dito. Hinatid na kami ni madam Ofelia sa kwarto namin, share kami ng kwarto ni Theresita at kitang-kita ko sa mukha ni Theresita na hindi siya makapaniwala na makakapag-aral na siya.

"Binibini! Nananaginip po ba ako? huwag niyo na po akong gisingin ah, gusto ko na pong manatili dito!" sobrang saya niyang tugon habang umiikot-ikot sa loob ng kwarto.

Hinawakan ko naman siya sa magkabilang balikat dahilan para mapatingin siya sa'kin. "Hindi habambuhay mananatili sa loob ng bahay at dedepende lang sa lalaki ang mga babae, sa paglipas ng panahon maaaring magbago ang lahat... sana nga lang maabutan mo ang panahon kung saan pantay na ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan" sabi ko, nagtaka naman yung itsura ni Theresita.

"Po? Anong pong ibig niyong sabihin Binibini?" nagtatakang tanong ni Theresita, Siguro nga hindi niya maiintindihan ang sinasabi ko dahil sa panahong ito hindi pa pantay ang karapatan ng mga babae at lalaki. Kung tutuusin maswerte pa pala ako dahil nabuhay ako sa modern world na kung saan kung anong kayang gawin ng lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae.

Napangiti na lang tuloy ako. "Wala... ang sabi ko masaya ako para sayo" sabi ko na lang, bigla naman akong niyakap ni Theresita. "Sobrang saya ko po talaga Binibini dahil nakilala ko po kayo... alam niyo po ba dati bihira niyo lang po ako pansinin kasi lagi lang po kayong nasa loob ng kwarto, kaya nga po nagulat ako pagbalik niyo po ng San Alfonso bago mag-fiesta eh lagi niyo po akong kinakausap at nakikipagkwentuhan pa po kayo sa akin" sabi niya pa dahilan para mapangiti ako, hindi ko akalaing ang masungit, bitter at maarte na katulad ko ay magagawang pasayahin ang isang tao na tulad ni Theresita.




Kinabukasan, maaga kaming nagising alinsunod sa patakaran ni madam Ofelia na dapat bago mag 5 am ay gising na kami. Gosh! Hindi pa man din ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Juanito.

Nakapila na kami ngayon sa labas habang isa-isang chine-check ni madam Ofelia ang ayos at tamang tindig namin. Napatigil siya sa tapat ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at dahil dun na-insecure tuloy ako. Omg!

Ilang sandali pa matapos niya kami isa-isahin, pumunta na siya sa harapan. At nagsalita siya gamit ang dialektong Cebuano, nagkatinginan na lang kami ni Theresita nang biglang mahati yung pila namin. Pumunta sa right yung ibang babae at nasa left naman yung iba. "Binibining Carmelita magtungo ka sa kanan, kayo ay nakatalaga ngayon sa paglilinis ng kumbento, Samantalang ikaw naman Binibining Theresita sumama ka naman sa grupo ng kaliwa, tayo ay pupunta sa palengke upang mamili ng agahan" sabi ni madam Ofelia at dahil dun naghiwalay na kami ni Theresita.

Nakaalis na sila madam Ofelia, sa totoo lang gusto ko sana sumama sa kanila para makagala naman ako dito sa Cebu kaya lang dito ako na-assign sa paglilinis. Si madam Olivia naman ang nagbabantay sa amin ngayon. Pinupunusan ko ngayon yung malaking salamin na nakadikit sa pader malapit sa hagdan.

Habang pinupunasan ko yung salamin hindi ko alam pero napatitig ako dito, Grabe! Kapag nakita ko ito sa museum after 124 years, ipopost ko to sa Instagram at ipagmamalaki ko na nilinis ko to noon. Haha!


"Ikaw pa rin ba yan Carmela?" tanong ni madam Olivia na bigla na lang sumulpot sa likod ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. "Madam Olivia! Wag naman po kayo manggulat ng ganern" reklamo ko pa sa kaniya pero tumawa lang siya.

"Sa tingin ko gumaan na ang pakiramdam mo ngayon dahil nabibiro mo na ulit ako ng ganyan" sabi pa ni madam Olivia at napa-pout naman ako. "Tama nga kayo madam Olivia, siguro nga kailangan ko lang ng time and space para hindi na ma-stress" sagot ko pa, haay ang sarap sa feeling makapagsalita ng malaya tulad ng ganito, medyo nag-aadjust pa rin kasi ako sa pagsasalita ng purong tagalog.

"Time and space sa problema... pero sa puso hindi uubra yan" sabi pa ni madam Olivia dahilan para mapaisip ako ng mabuti. "Minsan kahit anong pilit natin lumayo at tanggalin sa isipan ang isang tao hindi natin iyon magagawa... at ang pinakamagandang paraan para diyan ay ang huwag mong pigilan ang nararamdaman mo" tugon pa ni madam Olivia at dahil dun napatigil ako sa pagpunas ng salamin at napalingon sa kaniya.

"Pero... hindi po ba dapat hindi kami magkatuluyan ni Juanito?" tanong ko, iyon ang number one rule ng misyon ko, hindi dapat ako mainlove kay Juanito at ganun din siya sa'kin. "Hindi dapat IKAW mainlove kay Juanito... ngunit gaya nga ng sinabi ko mukhang nagbago na ang tadhana... nailove na rin sayo si Juanito... at sa ngayon hindi ko na alam kung ano pa ang maaaring mangyari" sagot ni madam Olivia.

"So ibig sabihin... kami ni Juanito... pwede kaming----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nguniti si madam Olivia at nagsalita. "Ang iyong misyon ay siguraduhing mabuhay si Juanito upang makabalik ka sa iyong panahon... at ano ba sa tingin mo ang pangunahing dahilan kung bakit ninanais ng tao mabuhay?" tanong pa ni madam Olivia, napaisip naman ako ng malalim. Ah!

"Dahil sa Pag-ibig" sagot ko. napangiti at napatango naman si madam Olivia.

"Kung iisipin pag-ibig ang dahilan kung bakit pinili ng ating Panginoong Hesus na mamatay upang matubos ang mga kasalanan ng tao, dahil iyon sa kaniyang lubos na pag-ibig sa atin, Ganoon din naman ang mga taong dumaranas ng matinding karamdaman... bakit patuloy pa rin silang lumalaban at nagkakaroon ng pag-asa? Dahil iyon sa pag-ibig ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila... Bakit kahit pasaway at palaging nagkakasala ang mga tao ay patuloy pa rin silang pinapatawad ng Diyos? Dahil mahal tayo ng Diyos" paliwanag ni madam Olivia. Pagkatapos hiniwakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa salamin.

"Alam kong hindi lang dahil sa misyon na ito kaya mo ginagawa ang lahat ng ito para kay Juanito... Alam ko ring hangad mo ang kaligtasan niya dahil umiibig ka na sa kaniya" sabi pa ni madam Olivia. Habang nakatingin kaming dalawa ngayon sa salamin.

"Ngayon malinaw na sa akin ang lahat... Umibig rin sa iyo si Juanito hindi dahil ikaw si Carmelita... kundi inibig ka niya bilang Carmela, ang totoong ikaw" patuloy pa ni madam Olivia habang hinihimas-himas niya ang buhok ko.

"Marahil ay kamukhang-kamukha mo nga si Carmelita... ngunit kahit nga ang kambal na sobrang magkamukha ay makikita mo pa rin ang pagkakaiba sa kanila, ikaw man si Carmelita sa panlabas na anyo, ikaw naman si Carmela sa puso't-isipan" dagdag pa ni madam Olivia at hinawakan niya yung kuwintas na bigay sa'kin ni Juanito. "Nagdududa ka pa rin ba sa pag-ibig ni Juanito?" tanong sa'kin ni madam Olivia. Tinitigan ko naman yung kuwintas na bigay niya na suot ko ngayon.

Sa simula pa lang... hindi ko akalaing mahuhulog sa akin si Juanito.



Pagkatapos ng tanghalian, kami ni Theresita ang na-assign sa paghuhugas ng plato. Si Theresita ang nagbobomba ng poso samantalang ako naman ang naghuhugas ng pinggan at baso.

"Binibining Carmelita... may sasabihin po ako sa inyo" mahinang tugon ni Theresita at nagpalingon-lingon siya sa paligid, parang sinisugardo niya na walang ibang makakarinig sa sasabihin niya sa'kin.

"Ano yun?" nagtataka kong tanong at napalingon-lingon din ako sa paligid. Agad namang tumigil sa pagpoposo si Theresita at umupo sa tabi ko. "Hindi po ako sigurado pero parang nakita ko po kanina sa bagsakan ng isda sa palengke si Ginoong Juanito" bulong niya pa at dahil dun nanlaki yung mga mata ko.

"N-nakita ka niya?" tanong ko sa kaniya, napa-iling naman si Theresita. "Hindi po siguro, kasi abala siya sa pagbubuhat ng mga banyera ng isda... gusto ko nga po siyang tawagin kaya lang nasa tabi ko po si madam Ofelia" sabi niya pa, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. so ibig sabihin pangingisda na talaga ngayon ang ikinabubuhay nila Juanito at maaari ko pa siyang makita ulit kapag pumunta ako sa palengke.

"Pero baka namalik-mata lang po ako... imposible pong makita natin dito si-----" hindi na natapos ni Theresita yung sasabihin niya kasi bigla kong hinawakan yung braso niya. "Makinig ka Theresita, hindi ka nagkakamali, si Juanito talaga iyon, nakita ko siya sa dagat kahapon" pag-amin ko at dahil dun nanlaki naman yung mga mata ni Theresita at napanganga siya.

"Kaya dapat maging mas maingat tayo, hindi alam nila ama at ina na dito pala sa Cebu ipanatapon sila Juanito, at kapag dumating sa kanila ang balita siguradong papabalikin agad tayo sa San Alfonso" bilin ko pa sa kaniya, napatango naman si Theresita. Alam kong nananabik na din siya makita si Angelito.

"Ano pong gagawin natin?" tanong ni Theresita. At dahil dun nagplano na kami. Hindi ako aalis dito sa Cebu nang hindi ko man lang nakakausap at nakikita muli si Juanito.




Kinabukasan, maaga ulit kaming gumising at hinati na naman kami ni madam Ofelia sa dalawang grupo. Napag-planuhan na namin kagabi na magpapanggap kaming may sakit at tatakas kami para puntahan si Juanito sa palengke. Kasama din nila madam Ofelia si madam Olivia dahil didiretso sila sa isang pagpupulong sa simbahan ng Dalaguete.

Madali naman kami ni Theresita nakatakas sa kumbento kasi abala yung ibang kasama namin sa kumbento sa pagtatahi. Buti na lang din marunong na si Theresita pumunta sa palengke kaya hindi kami naligaw.

Pagdating namin sa bagsakan ng mga isda, nagpalingon-lingon kami sa paligid, umaasa na makikita agad namin si Juanito, hindi naman kami nabigo dahil natanaw ko agad si Juanito na pababa pa lang ng bangka at may buhat-buhat siyang malaking banyera ng mga isda.

Naka-topless siya ngayon at hindi ko maiwasang mapalunok na lang habang pinagmamasdan ang abs niya. My gosh! Kyaaahh!


"Binibini! Naroon po si Ginoong Juanito" bulong sa'kin ni Theresita sabay turo kay Juanito na kanina ko pa tinititigan. "Ang ganda pala ng katawan ni Ginoong Juan-----" hindi na natapos ni Theresita yung sasabihin niya kasi binigyan ko siya ng wag-mong-pagnanasaan-ang-boyfie-ko-look 

"Sabi ko nga po, Binibini ikaw lang po ang may karapatang pagnasaan si Ginoong Juanito hehe" palusot pa ni Theresita. Whuut? Pinagnanasaan ko ba si Juanito?

Haays! Konti lang naman hehe.


"Tatawagin na po ba natin siya?" tanong ni Theresita at dahil natauhan ako, hindi ko namalayan na nakanganga at patulo na yung laway ko habang pinagmamasdan si Juanito. Waahh!

"Huh? ah-eh! Sandali lang, wag muna... susundan natin siya pauwi mamaya" bulong ko kay Theresita. Napalingon naman sa'kin si Theresita at puno ng pagtataka ang itsura niya. "Bakit hindi na lang po natin siya lapitan ngayon na?" tanong ni Theresita at dahil dun napahinga ako ng malalim.

"Basta... sundan na lang natin siya pauwi" sabi ko na lang, sa totoo lang natatakot ako na baka kapag nilapitan namin siya, itanggi na naman niya na kilala niya ako.



Makalipas lang ang kalahating minuto, pagkatapos hakutin ni Juanito ang lahat ng nahuli nilang isda, naupo siya at nagpunas ng pawis. Inabutan din siya ng kape nung mga kasamahan niya, kape lang ang almusal nila.

Parang kumikirot tuloy yung puso ko habang pinagmamasdan siya, kung dati samo't-saring ulam ang nakahain sa mesa nila sa tuwing kakain sila ng almusal pero ngayon tanging kape na lang ang inaalmusal niya.

Pasimple pa kaming naglakad ni Theresita papalapit sa kanila habang nagpapanggap na tumitingin din sa mga isda. "Pare, ayos na ito pang-almusal ng pamilya namin, mauna na kami ah" narinig kong sabi nung isang mangingisda at tumango naman yung manong na nag-aasikaso ngayon sa mga isda na nahuli nila. Nakita ko namang sumama sa kanila si Juanito at sumakay na sila ulit sa bangka. Omg! So ibig sabihin uuwi na sila!

"Binibini! Paano na iyan?" nagpapanic na tanong ni Theresita, mukhang kinakabahan din siya na hindi namin maabutan sila Juanito na ngayon ay nakasakay na sa bangka. Agad kong natanaw yung isa pang bangka na nasa daungan at medyo malapit kina Juanito, natutulog yung isang manong sa bangka. Agad kong hinawakan si Theresita at hinila ko siya papatakbo dun sa manong na nagpapahinga sa kabilang bangka.

"Manong, pwede po ba rentahan yung bangka niyo----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi napataas yung kilay nung manong na ngayon ay mukhang naiinis kasi ginising namin siya. "Binibini... hindi niya po tayo naiintindihan" bulong ni Theresita. Gosh! Hindi rin ako marunong mag-cebuano huhu.

Nagulat naman ako nang biglang kunin ni Theresita yung mga barya ko sa bulsa at pinakita dun sa manong na may ari ng bangka. "Ikaw... kuha ito... basta... kami sakay bangka mo" paliwanag ni Theresita dun sa manong habang tinuturo yung bangka niya at yung pera na hawak niya. tapos tinuro ako ni Theresita "kini nga babaye mobayad kanimo" (this girl will pay you) sabi pa ni Theresita, Ano daw? Marunong palang mag-bisaya si Theresita eh.

Bigla namang bumulong sa'kin si Theresita "Binibini... ang sabi ko po ikaw ang magbabayad... narinig ko lang pong sinabi iyon ni madam Ofelia sa isa niyang estudyante noong nasa palengke po kami kahapon" at dahil dun nanlaki yung mga mata ko. Omg! Magkano ba? Nilabas ko na lahat ng barya ko sa bulsa.

Bigla namang umaliwalas yung mukha nung manong at napangiti siya sa'min, nagets na siguro niya ngayon yung gusto naming sabihin. "Nakasabot ko" (I Understand) masayang tugon nung manong at kinuha niya agad yung pera na inabot ko at agad niya kaming inalalayan pasakay ng bangka at masaya niyang tinanggal yung tali ng bangka, nagsimula na siyang magsagwan at kumanta-kanta pa siya. "Manong... sundan mo... po iyon" paliwanag pa ni Theresita sabay turo sa bangka nila Juanito na medyo malayo na sa amin.

Napatango naman si manong at napangiti "Nakasabot ko" nakangiting tugon ni manong at sobrang sigla niya habang nagsasagwan. At dahil dun napabulong ako kay theresita. "A-anong nangyare? Bakit ang saya niya?" nagtataka kong bulong. Napaisip naman ng mabuti si Theresita.

"Ah! Baka po dahil sa perang binayad niyo" sagot niya, mas lalo tuloy akong nagtaka, puro barya nga yun eh, yun ang binigay sa'kin ni Maria bago kami bumyahe nila madam Olivia papuntang Cebu.

"Isaang daang piso po kasi ang binigay niyo sa kaniya kaya sobrang saya po niya" sabi pa ni Theresita. Oh! 100 pesos lang naman-----OMG! Oo nga pala! Sobrang laking halaga na ng 100 pesos sa panahong to. waaahh!

Gosh! Bakit ba kasi nakalimutan ko huhu.


Ilang sandali lang natanaw na namin ang isa pang island at nakita kong dumaong na doon ang bangkang sinasakyan nila Juanito. Napayuko naman kami ni Theresita at napadapa sa bangka ng biglang kinawayan nung manong na may-ari ng bangkang sinasakyan namin sila Juanito at ang mga kasamahan niya. "Akong mga higala ko lang mao nga swerte karon, na ko moadto sa balay sa ulahi" (my friends i'm so lucky today, i'll go home) masayang tugon nung manong sa grupo nila Juanito, napangiti at kumaway-kaway naman sila. Shocks, muntik na nila kaming makita dahil sa sobrang saya ni manong. 

napasilip kami ni Theresita ng konti at nakita naming abala naman na sa pagbuhat ng isang sako at isang timba si Juanito at naglakad na siya papalayo. Pagdaong nung bangka na sinasakyan namin sa baybay, agad akong bumaba sa bangka, "Binibini! Mababasa po ang laylayan ng inyong damit" narinig kong paalala pa ni Theresita pero hindi ko na yun inintindi, hindi dapat mawala sa paningin ko kung saan pupunta si Juanito. "Abi-abi dinhi sa bohol" (Welcome here in bohol) sabi pa nung manong. Ano daw? Bohol lang yung naintindihan ko.


Teka!


OMG! Nasa Bohol na kami? So ibig sabihin sa Bohol pala pinatapon ang pamilya Alfonso.


"Sandali lang Binibini..." habol niya pa sa'kin habang inaalalayan siya nung manong. "Babalik kami... sandali lang ah" paliwanag niya pa dun sa manong, napatango naman yung manong at nag-bow. Siguro sobrang sapat na yung binayad namin para hintayin niya din kami.

May kasama pang tatlong mangingisda si Juanito at sabay-sabay silang naglalakad habang dala-dala ang mga pasalubong para sa kanilang pamilya, ilang sandali pa, biglang humiwalay na yung dalawang mangingisda at lumiko sila sa kaliwa at nagpaalam na kay Juanito, samantalang lumiko naman sa kanan si Juanito.

Wala siyang tsinelas kaya madumi at may sugat na rin ang kaniyang talampakan habang naglalakad sa kalsadang lupa na puno ng mga matatalim na bato. Ilang sandali pa, biglang may mga batang sumalubong kay Juanito at binigyan niya sila ng tig-iisang prutas ng bayabas. Tuwang-tuwa naman yung mga bata at nagpatuloy na sa paglalaro.

Medyo malayo si Juanito sa amin kaya hindi niya pa napapansin na sinusundan namin siya ni Theresita, ilang saglit lang tumigil na siya sa isang maliit na bahay kubo na nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog malapit dito sa dagat. Bigla namang bumukas yung pinto at sinalubong siya ni... Sonya.

Napansin ko na medyo malaki na ang tiyan ni Sonya, dumating na rin sila Ignacio at Angelito at may dala-dala silang mga niyog at panggatong, marurumi at simple na rin ang pananamit nila.

Pumasok na silang lahat sa loob ng bahay kubo at naiwan lang kami ni Theresita dito sa likod ng puno ng niyog habang tinatanaw sila sa di kalayuan. "Binibini... pupuntahan po ba natin sila?" tanong ni Theresita at malungkot din ang itsura niya.

Hindi ko alam pero parang biglang nawala yung tapang ko, parang natatakot ako harapin sila, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Huwag na muna" sabi ko na lang, magsasalita pa sana si Theresita pero hindi na niya tinuloy pa, natakot na rin siguro siya harapin ang pamilya Alfonso. Aalis na lang sana kami kaya lang biglang may paparating na grupo ng mga kalalakihan mula sa likod namin at huli na ang lahat, hindi na namin nagawang makapagtago pa dahil nakita na nila kami. Waaahh!


"KINSA KA? UG DIIN IKAW GIKAN?" (who are you? and where are you from?) sigaw nung matandang lalaki na medyo payat, may mahabang balbas at bulag ang kaniyang kaliwang mata. May dala-dala silang itak at mukhang kakagaling lang nila sa kakahuyan para manguha din ng panggatong.

Agad kaming napaluhod ni Theresita dahil sa takot. "H-hindi po kami m-masasamang tao" paliwanag ko, dahil sa sigaw nung matandang lalaki kanina, naalarma yung mga ibang tao na nakatira dito sa paligid at nagsilabasan sila sa kanilang mga bahay.

"Mga Tagalog... marahil ay mula po sila sa Maynila" tugon nung isa pang kasamahan nung matandang lalaki. Humakbang naman papalapit sa amin yung matandang lalaki at hinawakan niya yung baba ko para tumingin ako ng diretso sa kaniya.

Tiningan niya ako ng mabuti at tiningan niya din ako mula ulo hanggang paa. "Walang duda... isa kang Mestiza" sabi pa niya. Ang mga mestiza ay mga taong may dugong Pilipino at Espanyol. "Mestiza na nabibilang sa isang mayamang pamilya mula sa Maynila... hindi ba?" tanong niya pa, agad namang hinawakan ni Theresita yung kamay nung matanda para tanggalin ang pagkakahawak nito sa akin.

"Pasensiya na po ngunit hindi po kayo dapat nagpapadalos-dalos sa pananalita at paghawak sa aming Binibini" reklamo ni Theresita pero agad siyang tinulak nung matandang lalaki.

"Pantay-pantay ang estado ng pamumuhay ng mga tao dito... huwag niyong asahan na igagalang namin kayo!" seryosong sabi nung matandang lalaki sa amin ni Theresita. Napayuko na lang ako at hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko, hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin sa amin.

"NGAYON SABIHIN NIYO KUNG SINO KAYO AT BAKIT KAYO NANDITO? ISA BA KAYONG ESPIYA?" sigaw pa nung matandang lalaki, nanlaki naman yung mga mata namin ni Theresita dahil sa gulat. "H-hindi po kami---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may nagsalita mula sa likod namin.

"Ipagpaumanhin niyo na po Tatang Caloy, mga panauhin po namin ang dalawang Binibini" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Ang boses na matagal ko ng hinihintay at inaasam marinig muli...



Ang boses ni Juanito.



Napalingon kami ni Theresita sa kaniya at nakita naming nakatayo siya sa likod namin at nasa tabi niya si Angelito at Ignacio.

"Pasensiya na nagpaalam lang sa akin kanina mamasyal ang aming bisita ngunit naligaw ata sila" sabi pa ni Ignacio. Nagkatinginan naman sila tatang Caloy at yung mga kasamahan niya. "Sigurado ba kayong kilala niyo ang mga ito?" tanong niya pa kina Juanito.

"Opo tatang, kakilala po namin sila mula sa Bulacan" sabi pa ni Angelito. Napaisip naman ng mabuti si Tatang Caloy at napatango na lang siya. "Bueno, huwag niyo ng hahayaang makapaggala ang inyong mga panauhin ng walang kasama na taga-rito, mahirap na baka mapahamak pa sila" sabi pa ni tatang Caloy at umalis na sila.

Napahinga na ako ng maluwag, Grabe! Akala ko katapusan na namin ni Theresita kanina. Napatingin ako kay Juanito at nakita kong nakatingin siya ng seryoso sa akin. Galit pa rin ba siya?

"Sa loob na ng bahay kayo magpaliwang" narinig kong sabi niya pa sabay talikod at naglakad pabalik sa loob ng bahay kubo nila. Agad naman akong inalalayan ni Ignacio tumayo at inalalayan naman ni Angelito si Theresita.

Bakit ganun? Bakit galit pa rin sa'kin si Juanito? may sinabi at ginawa ba kong masama sa kaniya bago sila umalis ng San Alfonso?



Pagpasok namin sa loob ng bahay agad sinarado nila Angelito at Ignacio ang pintuan at mga bintana. "Carmelitaaa!" narinig kong tawag ni Sonya na nasa kusina at agad siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. "Paano mo nalaman na nandito kami?" excited niyang tanong, Grabe! Kahit papaano may nag-warm welcome pa din sa'min dito.

"Uhh--- mahabang kwento eh... basta ang importante nagkita ulit tayo!" sabi ko sa kaniya at niyakap niya ulit ako. habang yakap-yakap ko si Sonya, biglang napawi yung ngiti ko nang makita ang kalagayan ni Donya Juanita na nakahiga lang sa kama, payat na payat na siya at sobrang namumutla pa.

Napatingin sa akin si Donya Juanita at napangiti siya ng kaunti nang makita ako, "Mula nang mamatay si ama at kuya Sergio tuluyan nang nanghina si ina at hindi na siya nakabangon pa, sa bawat araw na lumilipas mas lalong nanghihina ang puso ni ina" narinig kong sabi ni Sonya, sa mga oras na iyon, naramdaman kong may mga luhang namumuo sa mga mata ko habang dahan-dahan akong naglakad papalapit sa higaan ni Donya Juanita.

"K-kamusta ka na Binibining Carmelita? N-nagagalak akong makita ka muli" tugon ni Donya Juanita at hinang-hina na siya, hinawakan niya yung kamay ko at napaupo naman ako sa kama sa tabi niya. "Oh? H-huwag kang umiyak... hindi ba dapat masaya ka na makita a-ako" sabi pa ni Donya Juanita at pinunasan niya ang mga luha ko.

"S-sayang nga lang at hindi na tayo nakapagkwentuhan pang muli... m-marami pa naman sana akong nais ibahagi sa iyong kaalaman at karanasan" patuloy pa ni Donya Juanita. At biglang siyang inubo dahilan para lumapit agad si Juanito sa kaniya at inabutan siya ng isang basong tubig, ininom naman niya ito at kahit papaano ay nahimasmasan na siya.

"H-hindi pa naman po huli ang lahat... pwede po akong dumalaw dito sa inyo araw-araw para makapag-kwentuhan po tayo" sabi ko pa, napangiti naman si Donya Juanita at hinimas-himas niya ang kamay ko. "N-natutuwa akong malaman na paglalaanan mo pa ako ng iyong oras Binibini... n-ngunit baka hindi na tayo umabot pa riyan... ramdam ko na nalalapit nang matapos ang o-oras ko" sabi pa ni Donya Juanita at napaubo na naman siya, dahilan para mapatakbo papalapit sa kaniya sila Sonya, Angelito, Ignacio at Theresita.

"Ina... huwag mong sabihin iyan... gagawin ko po ang lahat para mabuhay kayo!" pagsusumamo ni Juanito na ngayon ay umiiyak na habang hawak-hawak ang kamay ng kaniyang ina.

Nginitian naman ni Donya Juanita ang anak niya "A-alam ko anak, alam kong kaya pinili mo ring mag-doktor kahit pa nais mong maging pintor ay dahil nais mong alagaan at gamutin ako" sabi pa ni Donya Juanita, hindi naman nakapagsalita si Juanito at patuloy pa din siya sa pag-iyak.

"P-pero ngayon malaya ka na anak, maaari mo nang ipagpatuloy ang pangarap mo, Wala na rin naman na ang iyong ama na dapat sinusunod mo, at ngayon malapit na kaming m-magkitang dalawa" paliwanag pa ni Donya Juanita. Napatingin naman si Donya Juanita kay Ignacio. 

"Ignacio Hijo... alam kong alam mo na kahit hindi ka nanggaling sa sinapupunan ko ay halos parang anak na rin ang turing ko sa iyo... nawa'y alagaan at mahalin mo ng buong puso si Sonya at ang inyong magiging anak" bilin ni Donya Juanita kay Ignacio, napaluha at napatango naman si Ignacio.

"Inaaa! Huwag mo kaming iwan!" hagulgol ni Sonya at napayakap siya sa kaniyang ina. Hinimas-himas naman ni Donya Juanita ang likod ni Sonya na nakayakap sa kaniya. "Sonya ang nag-iisang prinsesa ng ating pamilya... igalang, sundin at mahalin mo rin ng buong tapat ang iyong asawa na si Ignacio, magkakaroon na rin kayo ng anak kung kaya't ibuhos mo rito ang lahat ng naging pagkukulang ko bilang ina sa inyo, palagi mo ring pangalagaan ang iyong kalusugan upang hindi ka matulad sa akin na palaging nagkakasakit dahilan para hindi ko kayo maalagaan ng mabuti" bilin naman ni Donya Juanita kay Sonya.

Nang mahimasmasan na si Sonya, si Angelito naman ang yumakap kay Donya Juanita. "A-angelito... patawarin mo ako kung maaga akong mawawala sa iyo, p-pero alam kong kahit bata ka pa ay malawak na ang iyong kaisipan at magagawa mong mabuhay ng mag-isa kahit wala na kami ng iyong ama... p-palagi mong sundin ang iyong kuya Juanito, Ate Sonya at Kuya Ignacio... igalang, mahalin at ituring mo silang mga pangalawang magulang mo" bilin ni Donya Juanita kay Angelito na ngayon ay ayaw nang bumitaw sa pagkakayakap sa kaniyang ina.

"Inaaa! Parang awa mo na! huwag mo kaming iwaaaan!" pakiusap pa ni Angelito at nababalot na ng mga luha ang kaniyang mga mata. Hinila na at niyakap na lang ni Sonya si Angelito para makausap naman ni Donya Juanita si Juanito.

"A-at ikaw... Juanito ang naging anghel ng ating pamilya, h-hindi ko pa pala nasasabi sa iyo na ikaw ang naging swerte sa ating pamilya kung kaya't isninunod ng iyong ama ang pangalan mo sa pangalan ko" paliwanag pa ni Donya Juanita kay Juanito. ahh! Kaya pala Juanito ang naging pangalan niya ay dahil hinango ito sa pangalan ni Donya Juanita.

"Ipinagbubuntis kita noon at nasa barko kami ng iyong ama papunta ng Maynila upang dumalo sana sa binyag ng anak ni Kapitan Corpuz na si Ignacio, dalawang araw nang malakas ang alon at hangin sa karagatan at nangangamba ang lahat na baka lumubog ang barko ngunit hindi ko rin akalain na doon na kita isisilang" patuloy pa ni Donya Juanita at hinimas-himas niya ang ulo ni Juanito.

"A-alam mo ba anak, pagkasilang ko sa iyo, tumigil na rin ang malakas na hangin at alon, sinabi ng lahat na ikaw raw ang swerte ng gabing iyon, may sakit ako sa puso at hindi ko na kaya pang ipanganak ka ngunit hindi mo ako pinahirapan, bigla ka na lang lumabas sa sinapupunan ko nang hindi man lang ako nahirapan, kaya sinabi ng iyong ama na dahil sa labis na pagmamahal mo sa akin ay ginawa mo ang lahat para hindi na mahirapan sa panganganak ang iyong ina... kung kaya't Juanito ang ipinangalan niya sa iyo at nais niyang ang mga magiging anak mo ay Juanito rin ang ipangalan sa kanila bilang alaala na ang pangalang Juanito ay tanda ng pagmamahal sa ina" tugon pa ni Donya Juanita at hindi na rin maaawat ang pagbagsak ng mga luha niya.

"M-mula ngayon... ikaw na ang magsisilbing ama at ina ng ating pamilya, alagaan mong mabuti ang iyong mga kapatid dahil ikaw na lang ang natitirang p-pag-asa nila" sabi pa ni Donya Juanita at bigla siyang napahawak sa dibdib niya.

"Ina! Ina!.." tawag ni Juanito sa kaniyang ina at inutusan niyang kumuha ng gamot at isang basong tubig si Angelito pero huli na ang lahat...


Dahan-dahan nang ipinikit ni Donya Juanita ang kaniyang mga mata habang naiwan namang may ngiti sa kaniyang labi at tuluyan na siyang nawalan ng hininga.



Napabitaw na lang si Donya Juanita sa kamay ko na kanina pa nakahawak sa kaniya. Napatulala na lang ako sa walang buhay niyang katawan habang naririnig ko ang hinagpis at pagdadalamhati ng kaniyang mga anak na naiwan.

Napahawak na lang ako sa bibig ko habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. hindi ko matanggap na wala na rin si Donya Juanita.

Namatay siya dahil hindi na nakayanan pa ng kaniyang puso ang mga problema at paghihinagpis mula nang mawala ang kaniyang asawa at panganay na anak. Ayon sa diary, hindi rin nakasulat dito ang kamatayan ni Donya Juanita... ngunit dahil nagbago na ang tadhana at ang mga nakatakdang mangyari...

Isa lang ang ibig sabihin nito... namatay rin siya para kay Juanito.




Kinahapunan, nakaupo lang kami ni Theresita sa labas ng bahay nila Juanito habang abala sila sa pag-aayos ng isang araw na pagburol kay Donya Juanita. "Binibini... mukhang malabo pong makausap niyo ngayon si Juanito" narinig kong sabi ni Ignacio na nakatayo ngayon sa likuran namin at may dala siyang kape para sa aming dalawa ni Theresita.

"Pakisabi na hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya nakakausap" pakiusap ko kay Ignacio, at inabot na niya sa amin yung kape. "Nais niyo po bang ihatid ko na kayo? Saan po pala kayo tumutuloy ngayon?" tanong pa ni Ignacio.

"Sa Mambaje/Alcoy kami tumutuloy ngayon, nirentahan lang namin ang isang bangka na tatawid sa dagat papunta dito sa Bohol" sagot naman ni Theresita.

"Kung gayon... baka hinahanap na kayo sa tinutuluyan niyo" nag-aalalang tanong ni Ignacio. Sa totoo lang wala na akong pakialam kung isumbong kami ni madam Ofelia kay Don Alejandro, ang importante makausap ko ngayon si Juanito. Alam kong kapag umalis na ako dito sa lugar nila, baka hindi ko na sila muling makita pa.

"Kaya nga po, kaso nga lang desidido talaga si Binibining Carmelita makausap si Ginoong Juanito" sabi pa ni Theresita kay Ignacio. Tulala lang ako at hinayaan kong sila na lang ang mag-usap.

"Oo nga pala Theresita, mula ngayon huwag mo ng tatawaging Ginoo si Juanito dahil ang pagkakaalam ng mga tao rito ay nagmula kami sa Bulacan at naisipan lang namin na lumayo na sa magulong mundo ng siyudad at dito na lang kami maninirahan" paliwanag pa ni Ignacio at dahil dun napalingon ako sa kanila.

"Ang pangalang Alfonso at Corpuz ay hindi na namin ginagamit dahil sa pangamba na baka hanapin at pilitin kami ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang na sumama sa kanila, mahigpit na pinag-utos ni Donya Juanita at ayon na rin sa huling sulat sa amin ni Sergio na mabuhay na kami ng tahimik at huwag nang maghihiganti pa dahil mas lalo lang lalaki ang problema kung babawi kami sa mga taong sumira sa pangalan ni Don Mariano at ng aking ama" patuloy pa ni Ignacio.

Hindi ko alam pero napatingin sa akin si Ignacio nung sabihin niya yung salitang 'Sa mga taong sumira sa pangalan ni Don Mariano at ng aking ama'

Pakiramdam ko parang sinasabi niya na kadamay ang pamilya namin doon.


Magsasalita pa sana ako kaso nagulat kami nang biglang dumating si Juanito at kasama niya si Angelito. "Ignacio, gawin na natin ang kabaong ni ina" malungkot na sabi ni Juanito at napatigil siya nang makita ako.

"A-ano pang ginagawa niyo dito? Akala ko umalis na kayo" reklamo niya pa, magsasalita sana si Theresita pero pinigilan ko siya. "Juanito... kailangan kitang makausap" pakiusap ko sa kaniya pero iniwas niya lang ang tingin niya sa'kin at napabuntong-hininga siya.

"Sige na... kahit sandali lang... hindi ako aalis dito hangga't-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang tumalikod si Juanito at naglakad siya papalayo dahilan para habulin ko siya at hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

Napatigil naman siya sa paglalakad habang nakatalikod pa din sa'kin pero hindi naman niya inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Juanito... pwede bang sabihin mo kung bakit ka nagagalit sa'kin? may ginawa ba kong masama? Bakit hindi ka tumugon sa mga sulat ko na pinaabot ko kay Eduardo noon? Bakit hindi mo rin ako sinipot sa tagpuan natin? Bakit----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nang humarap sa'kin si Juanito at tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata.

"Bakit mo kailangang guluhin ulit ang buhay ko? hindi mo ba naiintindihan na ayoko nang makausap at makita kang muli? Ayoko ng magkaroon ng kaugnayan sa iyo... dahil sa tuwing nakikita kita... naalala ko ang kataksilang ginawa ng iyong ama sa aking ama!" galit niyang tugon at bigla na siyang bumitaw sa mga kamay ko.

"P-pero sabi mo habang nasa tabi mo ako... g-gumagaan ang pakiramdam mo" sabi ko pa sa kaniya, parang nadudurog na ngayon ang puso ko, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko lalo na nang maalala kong sinabi niya iyon sa akin noong nakakulong siya sa kulungan sa barko at pinuntahan ko siya doon para gamutin.

"Carmelita... alam ko namang narito ka lang upang humingi ng tawad at makipagkaibigan sa akin... ngunit hindi mo na iyan kailangan pang gawin... mula ngayon, isipin mo na lang na kailanman ay tayo nagkakilala" sabi niya pa sabay talikod at naglakad na papalayo.

Hindi na ako nakagalaw pa mula sa kinatatayuan ko, hindi ko na rin nagawang tawagin siya sa huling pagkakataon dahil ngayon malinaw na talaga na nais na niya akong burahin sa buhay niya.





Pagbalik sa kumbento, agad kaming sinalubong ni madam Olivia "Saan ba kayo nanggaling? Buti na lang nakumbinse ko si madam Ofelia na inutusan ko lang kayo mamili ng mga libro sa bayan" sabi ni madam Olivia, agad naman niya kaming pinapasok sa loob, buti na lang abala sila madam Ofelia sa pagluluto ng hapunan.

Paakyat na kami ng hagdan nila madam Olivia nang bigla kaming napansin ni madam Ofelia. "Oh? Binibining Carmelita at Theresita... narito na pala kayo... tara na ihain na natin ang mesa" narinig kong sabi niya.

"Ahh! Madam Ofelia, mukhang masama po ang pakiramdam ni Carmelita, si Theresita na lang muna ang tutulong sa inyo" sagot ni madam Olivia, napatango naman si Theresita at agad sumunod kay madam Ofelia, tulala lang ako habang akay-akay ni madam Olivia paakyat sa kwarto.

Pagpasok namin sa kwarto agad sinara ni madam Olivia yung pinto. "Carmela! Ano bang ginawa niyo ni Theresita? Saan kayo nagpunta? At bakit hindi niyo man lang pinaalam sa akin?!" sermon ni madam Olivia, hindi naman na ako nakapagsalita pa, tulala lang ako at parang sobrang bigat ng dibdib ko.

"Carmela? Kinakausap kita----" hindi na natapos ni madam Olivia yung sasabihin niya kasi hindi ko na napigilan yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"G-gusto ko ng umuwi" sabi ko na lang at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko at tinakpan ko na ang mukha ko gamit ang mga kamay ko, agad naman akong niyakap ni madam Olivia. "Hija... dalawang linggo pa ang paalam natin kay Don Alejandro dito" sabi pa ni madam Olivia habang tinatapik-tapik niya ang likod ko.

"M-madam Olivia gusto ko ng bumalik sa panahon ko... g-gusto ko ng umuwi" pakiusap ko pa sa kaniya, napahinga naman ng malalim si madam Olivia. "Kaunting tiis na lang Hija... malapit nang matapos ang mga paghihirap mo, malapit nang matapos ito" sabi pa ni madam Olivia, ramdam ko na sobrang bigat din ng pakiramdam niya pero kahit ganoon pinipili niya pa ring manatili sa tabi ko.





Kinabukasan, nagpaalam na kami kina madam Ofelia dahil babalik na kami sa San Alfonso, sinabi na lang ni madam Olivia na na-home sick daw ako at gusto ko ng makapiling ulit ang pamilya ko sa San Alfonso. 

Matapos ang halos dalawang araw na byahe sakay ng barko pabalik sa San Alfonso, sinalubong naman ako ni ina, Maria at Josefina. Samantalang nagtatampo pa rin daw sa'kin si Don Alejandro kaya hindi niya pa din ako kinakausap.


Makalipas pa ang tatlong araw, ibinalita sa akin ni Maria na nakapag-usap na sina Goberandor Flores at Don Alejandro, at balak na nga nilang ipagkasundo kami ni Leandro.

"Mas maganda ka Carmelita kapag nakangiti ka... kaya ngumiti ka na" sabi sa'kin ni Maria habang inaayos niya ang buhok ko, "Oo nga, sigurado naman kami na mamahalin ka ng tapat at lubos ni Heneral Leandro kung kaya't huwag ka ng mag-alala" sabi pa ni Josefina habang inaayos ang mukha ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, hapon na, at ilang oras na lang dadating na sila Leandro at Gobernador Flores upang mamanhikan. "Kalimutan mo na si Juanito... kung mahal ka niya talaga hindi ka niya dapat papakawalan ng ganun-ganun na lang" sabi pa ni Josefina. At sumang-ayon naman si Maria.

"Oo nga, kung mahal ka niya talaga dapat sinundan ka niya dito" dagdag pa ni Maria. magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Juanito kaya lang biglang may batong tumama sa bintana ko dito sa kwarto dahilan para mapatigil at pamalingon kami sa bintana. Nakasarado yung bintana ko kaya hindi nakapasok yung bato.

Nanlaki naman yung mga mata nila Maria at Josefina "Josefina! Tawagin mo ang mga guardia personal! Baka may magnanakaw na----" hindi na niya natapos pa yung sasabihin niya kasi sinuway ko siya.

"Sshh... sandali lang... akong bahala dito" sabi ko na lang at naglakad ako papalapit sa bintana. "Carmelita! Nahihibang ka na ba? Baka may masamang mangyari sa iyo!" suway pa sa'kin ni Josefina. Magkayakap naman sila ngayon ni Maria at nagpapanic na dahil sa takot.

Sa totoo lang, hindi ako nakaramdam ng takot ng mga oras na iyon, parang inuudyukan pa ako ng puso ko na lumapit at alamin kung anong meron sa likod ng mga bintanang iyon.

Dahan-dahan kong inalis yung pagka-lock ng bintana at binuksan ito.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong naistatwa sa kinatatayuan ko nang makilta ko kung sino yung nakatayo sa ibaba sa tapat ng bintana ko...


Si Juanito.

~Mahal na mahal
'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman
kung 'di mo alam?
Puso 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan o, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling; nais makayakap sa t'wina
heyehey~

~Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal, sadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan
wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
nagmahal~

~Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!~


Nakangiti siya ngayon at nakatitig sa mga mata ko dahilan para mapangiti at mapaluha ako.


Dear Diary,

Alam kong sa kabila ng mga mapapait na nangyari sa buhay namin ni Juanito nitong mga nakaraang araw ay nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi dito matatapos ang istorya namin.

At umaasa ako na mula sa araw na ito, malaya ko nang maipagsisigawan sa buong mundo na mahal ko siya... at mahal din niya ako.


Nagmamahal,
Carmela



*******************
Featured Song:
'Mahal ka sa akin' Tanya

Comment: From TeenagexxGirl

Apr 28, 2017

Lss ako dito always eh


"Mahal ka sa akin" by Tanya

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...
7.3K 56 5
this is spoken poetry originally made by me.
25K 185 7
ILYS1892Tambayan2 Tinipon tipon ko ang mga pinaka magaganda at tumatak sa ating puso na mga linya(sinabi) ni Ginoong Juanito at Binibining Carmela. H...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!