Miss Popular

By skmstories

2.3K 122 13

Ako si Julian, isang HGC Scholar sa Mitchel Academy, isang Ancient History Student, Varsity player at member... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Looging Off...

Chapter 26

32 3 0
By skmstories

"Julian I need you help."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Medyo nakaka-sama ko na din kasi si Justin after niya mag graduate last year madalas na siya magstay dito at makulit siya. Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso ng ganito maliban sa huling problemang nangyari sa pamilya nila.

Hindi ako nagsalita at siya ang nagbasag ng katahimikan na namamagitan sa amin.

"Dad told me about what you have just said to him the day Amber heard all about her. He said his now confuse if the baby, which is my sibling was a baby girl or--"

Tumigil muna siya bago nagsalita. "--boy. See, Julian here's the story."

At sinabi nga niya sa akin ang storya. Sabagay interesado talaga ako. At alam ko na kung bakit alam ni Justin na hindi niya kapatid si Amber.

Sinabi yon ni Sir Antonin sa kanya ng Ten-year-old na siya dahil muntik ng mamatay si Sir Antonin dahil sa sakit sa puso. Sir Antonin like me has Coronary Artery Disease.

Matalik na mag-kaibigan si Sir Antonin at Dra. Beth Mihjares. They are bestfriend. College palang sila magkakilala na sila at nagkagusto si Dra. Beth kay Sir Antonin pero si Mam Seline ang mahal ni Sir Antonin.

And because of her grief sinabi niya na hindi siya titigil hangga't hindi nakakaganti. But years pass at hindi naman sila nakaranas ng paghihiganti mula dito at naging magkaibigan ulit sila. Hanggang siya na ang nagprisintang maging OB ni Mam Seline at pinag-katiwalaan siya ni Sir Antonin.

Sinubukan pa nga si Justin na ipag-kasundo sa anak nitong bunso na si Jessica naalala ko ang magandang babae na tinawag ni Dra. Beth na Ivonne.

"May kilala ka bang Ivonne?"

Tumigil sa pagkwento si Justin at nagulat sa tanong ko.

"Y-Yeah, Von's my childhood friend. We just stop seing each other when were in Highschool."

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy si Justin. Hindi si Justin pumayag dahilan kaya lumayo siya at nanirahan sa ibang bahay nila sa probinsiya, yon ay high school na nga siya.

"I thought I might not see Amber again and ask for her forgiveness, but I'm here."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"It's a long story. I almost died rescuing my 'Pag-ibig'."

(read 'Kambal sa Punso' - story of Justin Evans and Maribel Vergara)

"Ang ano mo?"

Naguguluhan kong tanong. Sumenyas naman siya.

"Never mind that. I want to ask you a favor."

At bago pa ako pakisuyuan ni Justin tungkol sa tunay na pagkatao ng kapatid niya gusto kong malaman niya ang plano ko pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

"Dad didn't know but I'm investigating and I discovered that, the coffin of my sibling that I'm always visiting all those years was empty."

"Ano?"

"Yeah. That's why I need your help. Tita Beth once mentioned na the day Mum gave birth there's another woman giving birth and I want to know who is she. All I need is you to get close with Ivonne--"

Alam ko na ang gusto niyang mangyari. Makipaglapit ako sa Ivonne na yon at siya mismo ang gagawa ng investigation para sa akin.

Kung susundin ko yon, matagal ang aabutin bago pa namin malaman.

Umiling ako. "Hindi na kailangan Justin."

"What do you mean?"

"Kilala ko na ang tunay na magulang ni Amber. Ginagawa ko na din yan. At kung gusto mong malaman kung sino ang pina-anak ng February 14 ng parehong taon ni Amber at parehong Hospital. Ako yon."

Nanlaki ang mata ni Justin. Huminga ako ng malalim at kinuwento ang tungkol sa natuklasan ko.

"Nagtaka ako ng sinabi niyang kamukha ko ang Tatay ko. Hindi na nawala yon sa isip ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin not until I've found out about Amber and everything fits to what I'm thinking right now."

"And what is it?"

"I can't tell you that for now but if you're in, I have plans."

"I'm in." seryosong sabi niya.

Sinabi ko ang plano ko at nagulat siya ng sinabi ko na bukas ko na gagawin yon.

"You can't do that, you still have classes."

"I'm pretty confident that I pass it all with high scores. Hindi na makaka-sagabal ang isang linggo sa akin kung hindi ko yon pasukan."

"Make it week end."

Tumayo siya. Pabalik balik lang siya sa paglalakad sa gilid ng pool ako naman ay nagi-isip din.

"Sige" sabi ko naman.

Kung tama ang hinala ko, ito na talaga yon. Handa na ako sa katotohanan na yon at sila Justin ang dapat maging handa sa katotohanan na yon.

Si Justin at ang magulang niya. At kung tama ang hinala ko-- hindi. Hindi tama ang hinala ko. Napalingon ako sa lumingon na si Justin sa akin at nagsalita.

"I'm in." sabi niya ulit at tumalon siya sa tubig.

***

Dumating ang umaga. Tahimik kaming nagaalmusal ni Amber. Kapunapuna ang pag ngiti niya sa bawat kilos niya.

"You look happy." sabi ni Mam Seline na nakangiti kay Amber "Is there something happened?"

"Yeah, but not that important." at tumingin siya sa akin.

Nakita ko naman na tumingin din si Justin sa akin na katabi ko sa upuan. Alam niya kung bakit masaya si Amber.

"I'm going to get my things upstairs."

Tumayo na din si Amber at nagtinginan ulit kami ni Justin.

Hindi ko pinapansin si Amber kung lagi niyang hawak ang cellphone niya. Maya't maya ang text niya. Ngayon ko lang siya nakita na laging may katext at alam ko naman na si Ate Peige yon.

"Julian, can we drop to the Resto after school?"

Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Sure." sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang takot na nararamdaman ko. Hinalikan ko ang kamay niya bago ko yon bitawan para mag change gear.

Pagpasok namin sa school magkahawak ang kamay namin ni Amber. Ihahatid ko siya sa room nila. Hindi ko alam kung may schedule siya sa araw na ito pero ang sabi ko sa kanya ay madami akong gagawin ngayon para hindi niya ako hanapin para maka-sama sa mga vacants niya.

Hindi ko sinabi sa kanya na hindi ako papasok ngayon. Alam kong week ends ang pinag-usapan namin ni Justin pero wala naman akong gagawin eh kung hindi ang subaybayan lang si Dra.

Pagdating namin sa harap ng pinto hindi na ako pumasok at maraming nag 'Hi!' sa akin. I just smile at them but still they can't help to giggle though they knew na kami na ni Amber.

"See you later." mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya.

The usual na hindi ko ginagawa kapag hinahatid ko siya. I hug her and kiss her into her forehead.

"Is everything ok?" sabi niya at nginitian ko lang siya. At tumalikod na ako. Bumalik ako sa parking area at umalis na.

Saktong pagdating ko ng parking kakarating lang din ni Dra. Mihjares. Sinundan ko siya halos buong araw pero wala naman akong nakitang ka-meeting niya ng araw na yon maliban na lang sa mga pasiyente niya.

Nang mga two ng hapon bumalik na ako ng school para hindi maghintay ng matagal si Amber.

"And where have you've been?"

Napalingon ako sa naka cross arm na si Amber sa likuran ko na kasalukuyang nagla-lock ako ng sasakyan.

"May binili lang ako."

Naisip ko buti na lang dumaan pala ako sa flower shop para bilhan si Amber ng bulaklak.

I kiss her. Pero hindi siya umalis sa harap ko.

"May binili? I'm looking for you since eleven and it's past two? And I've seen Red he also didn't notice you the whole day. Now tell me where have you been?"

Huminga ako ng malalalim, there's no point kung magsi-sinungaling pa ako. Sinabi ko sa kanya at pinapasok ko na siya sa sasakyan bago ulit siya magtanong.

She accepted my explanation and asked why did I have to pay attention to Dra. Beth eh alam na naman daw niya ang pamilya niya.

Nagpunta kami kay Ate Peige at nandon kami hanggang seven ng gabi. Nagtext ako kay Justin na dumaan lang kami kina Ate Peige.

Pero pagalis namin ayaw ko pa umuwi, ayaw pa din ni Amber kaya naisipan namin na maglakad lakad sa park.

Medyo malayo layo na din ang nilakad namin. Magkahawak lang kami ng kamay. Hindi kami nag uusap at ang katahimikang namamagitan sa amin ay pinutol ni Amber.

"What are you thinking?"

We stop at humarap kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nasa isip ko. Hindi ko rin alam kung papaano ko ipa-paliwanag ang takot na nararamdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
431K 5.9K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...