For All The Wrong Reasons (CO...

By westbounds

45.7K 946 161

Para kay Alexia De Rama, isang pagkakamali lamang ang ikinasaya ng kanyang puso at ang hinding-hindi niya mal... More

For All The Wrong Reasons
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Final Chapter
Epilogue
Note
Trailer

Chapter 29

894 17 2
By westbounds

#FATWRTwentyNine

"Pagkapunta na pagkapunta at pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang sa pamamahay ni daddy ay sinalubong niya na agad ako ng suntok. Without hearing all my explanations, he believes with what Christine said, with her lies..."

Hinaplos ko ang likod ni Vaughn bago siya pinagmasdang maigi at inayos ang kanyang buhok. Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tapat bago inayos ang aking sarili.

"Anong kasinungalingan ba ang sinabi ni Christine sa dady mo?" tanong ko sa kanya.

Napangisi si Vaughn at napahilamos sa sariling mukha. "Na ako 'yung kumuha nung pera."

Kumunot ang noo ko. "Anong pera? Pera naman 'yon para saan?" tanong kong muli sa kanya.

"Yung para sa pangsugal niya." pagak na natawa si Vaughn bago umiling. "Ang daming bisyo ng tatay ko. Si Christine lagi niyang papaboran kahit may nagawang mali. Ako kahit wala, ako lagi pinag-iinitan."

Tumango ako at bumuntong hininga. "Ayos lang 'yan, Vaughn. Makikita rin naman ng tatay mo yung worth mo..." ngumiti ako ng matamis at kinurot ang kanyang ilong. "Smile ka na. H'wag ka ng umiyak. 'Yun lang ba?"

Umiling siya. "Madami..." tumingin siya sa kisame at huminga ng malalim. "Madami pang problema between sa'min ni daddy, lalo na sa pamilya namin..."

"Katulad ng?"

"Tinakwil na ako ni daddy bilang anak. I mean, hindi naman niya ako ni-trato bilang isang anak kahit kailan pero Alexia, mas masakit pala ngayon..."

Nanubig ang mga mata ni Vaughn at ginusto niyang itago ang panghihina niya pero hindi na niya nagawa dahil nakita ko na ang lahat. Nakita ko na nanghihina siya.

"H-he never treated me like a son, alam mo ba 'yon? Masakit 'yon para sa'kin syempre. Maliban sa katotohanan na anak ako sa labas, mas masakit 'yung ni minsan hindi niya ako tinawag na anak. Sutil siguro, 'yun ang pangalan ko para sa kanya. G-ganon kasi 'yung laging tinatawag niya sa'kin eh. Lalong sumakit yung nararamdaman ko dahil sa k-kanina..." nabasag ang boses ni Vaughn habang nagsasalita at halata sa kanya na talagang pinipigilan niya ang sarili na umiyak muli.

"Of course I love my dad. Wala naman sigurong anak na hindi minamahal ang magulang diba? A-alam mo ba Xia? Halos araw-araw paggising ko doon ako umaasa na baka isang araw, isang normal na araw ang magpabago ng buhay ko. Baka kasi makita ni daddy na anak niya rin ako, na baka makita ng papa ko na naandito lang ako."

Tumulo ang mga luha ni Vaughn -- 'yung mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Nangatong ang kanyang mga balikat pati na ang mga kamay niyang kanina'y nakabukas ngayon ay unti-unti nang kumukuyom.

"G-Gusto ko talagang magalit kay daddy kasi anak niya din naman ako, may dugo niya na nananalaytay sa dugo ko p-pero bakit ganon? Sa tuwing t-tinitignan ako ng sarili kong ama ay parang kung s-sino lang ako sa paningin niya. W-Walang pagmamahal, walang pag-aaruga. W-Wala 'yung mga bagay na dapat natatanggap at nararamdaman ko mula sa kanya, 'yung mga bagay na dapat... dapat nararamdaman ko kasi t-tatay ko siya..."

Niyakap ko si Vaughn dahil 'yun na lamang ang pwede kong gawin para sa kanya. Kahit ba hindi malutas ang problema niya basta maramdaman niya lang na mayroong taong nakikinig at dadamay sa kanya sa oras ng mga problema at mga hinanakit.

Hinaplos ko ang kanyang likod at tanging pagtango lamang ang ginawa ko sa lahat ng kanyang sinasabi tungkol sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa kanyang ama.

Makikinig lang ako, hanggang sa matapos siya at mapagod na umiyak.

"Pero hindi ko magawang magalit sa kanya, Xia. Kasi sa puso at isip ko na k-kahit ganoon ay tatay ko pa rin siya. Kahit na alam kong may galit siya sa'kin d-dahil nakikita niya sa'kin 'yung i-imahe ng babaeng nanloko sa kanya..."

Wala ng sinabi si Vaughn matapos non. Umiyak na lamang siya, minsan ay nagmumura. Hinayaan ko na lang siya kung 'yon ang alam niyang paraan para pagaanin ang kanyang loob. Basta kahit papaano ay mawala yung bigat sa kanyang dibdib, mas ayos na sa'kin 'yon.

Nang matapos siyang umiyak ay ginulo ko ang kanyang buhok bago inayos ulit 'yon. Bahagya akong ngumiti at tinapik ang parehas niyang pisngi.

"'Yan mas gwapo ka kapag hindi naiyak."

Tumingin siya sa'kin at naningkit ang mga mata bago mabilis na nag-iwas ng tingin. "Tangina, nahihiya na ako..."

Natawa ako dahil sa kanyang sinabi. Nakita kong namumula ang kanyang dalawang tenga at ang pisngi ay paunti-unti na rin namumula-mula. Pinisil ko ang kanyang pisngi.

"Ngumiti ka na lang, Vaughn...." ani ko bago siya nginitian ng matamis.

Matagal siyang tumingin sa ibang direksyon pero mamaya-maya rin ay dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nagtama ang mga tingin namin at seryoso ang kanya, ako naman ay pinipilit na pangitiin siya.

Nagbuga ng hininga si Vaughn bago isinandal ang noo niya sa aking noo na siya namang ikinagulat ko. Ilalayo ko na sana dahil nagsisimula na akong mailang pero mabilis akong hinawakan ni Vaughn sa magkabilang balikat ko bago ako tinitigang mabuti sa'king mga mata.

"Bakit ganyan ka?" seryosong tanong niya sa'kin bago bumaba ang kamay sa aking kamay.

Pakiramdam ko ay maduduling ako kapag ipinagpatuloy ko ang pagtitig sa kanya dahil sobrang lapit ng mukha niya sa'kin, naiilang na talaga ako.

"H-Ha?" nauutal kong sagot sa tanong niya. Actually, tanong lang rin naman talaga ang ibinalik ko sa kanya. Hindi sagot 'yon tsaka hindi ko naman alam kung anong dapat kong isagot sa tinanong niya sa akin.

He closed his eyes bago matamis na ngumiti. "Bakit ganyan ka?"

Tinitigan ko lamang siya bago ko ipinaglapat ang mga labi ko at parang pinipigilan ko na ang sarili kong huminga.

Dumilat si Vaughn at sinalubong ng mga titig ko ang magaganda niyang mata.

"Bakit ganyan ka, Alexia? Ikaw lang 'yung nakakagawa nito maliban sa nanay ko. You make things easier when in reality ay hindi naman talaga. Pakiramdam ko kapag nasa tabi kita, kaya ko lahat..."

Napalunok na lang ako bigla nang ni-trace ni Vaughn ang panga ko papunta sa pisngi ko na sinasapo na niya.

"V-Vaughn..."

He smiled at hastily kissed my cheeks, "I love you."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may kung anong kumiliti sa puso ko pati na rin sa loob ng aking tiyan, parang may mga nagsasayaw!

Hala, ano 'to?

Matapos non ay narinig ko na lamang ang pag-tawa ni Vaughn. Ako naman ay naiwan sa salas na namumula, pasalamat na lamang ako na tumalikod na siya at hindi ako nakikita.

"Hm, eto o. Binili ko 'yan kanina kasi naalala kita. Paboritong flavor mo 'yan ng ice cream diba?"

Napunta ang tingin ko sa ice cream na nilapag ni Vaughn sa ibabaw ng lamesa. Parang nanubig ang bagang ko dahil sa nakita. Isang galon ng rocky road flavored ice cream!

Kusang lumitaw ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi bago malakas na napapalakpak.

"Wow, salamat!" ani ko bago kinuha ang galon ng ice cream na 'yon. Bubuksan ko na sana pero napabalik ang tingin ko sa kanya, "Paano ka?"

"Okay na 'ko sa'yo..."

Kumunot ang noo ko, "Ha?"

Ngumiti siya, "Wala. Sa'yo lang 'yan, binili ko talaga 'yan para sa'yo."

Tumango na lamang ako. "Pero hindi ko naman mauubos lahat 'to. Titirhan kita!"

Ngumuso si Vaughn bago ngumisi, "Talaga? 'Di mo mauubos 'yan?"

Naningkit ang mga mata ko, "Nanglalait ka ba?"

Tumawa si Vaughn. "Hindi ah! Nagtanong lang naman ako."

Tinitigan ko siya ng masama bago binuksan ang lalagyan ng ice cream at nagsimula akong kainin 'yon.

Hm, ang sarap talaga!

At maya-maya ay narinig ko na naman ang malakas na pagtawa ni Vaughn habang nakatitig sa akin. Sinimangutan ko na lamang siya.

Hindi ko nga talaga naubos ang ice cream kaya naman itinago ko na lang ulit 'yon sa freezer nila Vaughn. Umakyat ako para makapagpahinga na, si Vaughn ay nagpa-iwan sa living room dahil gusto niya pa raw manood ng tv.

Kinuha ko ang cellphone ko tinignan kung may mga bagong messages ba doon nang biglang lumitaw ang pangalan ni Tita Joy sa screen.

"Hello p-"

"Hija, ang mama mo! Inatake sa puso!"

*
Pagkarinig na pagkarinig ko pa lamang sa sinabi ni Tita Joy sa kabilang linya ay nanlumo at nanlambot na talaga ako ng sobra.

Mabilis kaming dumeretsyo ni Vaughn sa ospital kung saan dinala ang nanay ko. Ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak habang natakbo at tinungo ang direksyon papunta sa emergency room. Si Vaughn ay nasa likod ko lamang at natakbo din, abot-abot na ang kaba sa puso ko.

Ang mama ko!

Nang makarating ako sa tapat ng emergency room ay sakto rin ang paglabas ng doktor mula doon. Tumayo agad si Tita Joy at mabilis akong nagpunta sa gilid niya upang marinig rin ang sasabihin ng doktor.

"Kapamilya po ba kayo ng pasyente?" tanong ng doktor.

Parehas kaming tumango.

"Ako po ang kapatid."

"A-Anak po ako..."

Tumingin ang doktor kay Vaughn at nabigla pang sumagot ito. "K-Kaibigan lang po ako ng anak..."

Tumikhim ang doktor at seryoso kaming tinitigan.

"I'm sorry."

Nanlaki ang mga mata ko at may panibagong luha na naman ang namumuo rito. Sumikip ang dibdib ko at nahihirapan ako sa paghinga. Buhay pa naman si mama diba?

"Binawian na ng buhay ang pasyente."

At doon na tuluyang gumuho ang mundo ko.

"B-Bawiin niyo po 'yung sinabi niyo! Hindi totoo 'yan! Hindi pa patay ang nanay ko! N-Nagsisinungaling lang kayo eh, nandyan 'yung nanay ko sa loob at gising pa! Papasukin niyo ako, buhay pa ang mama ko!"

Sigaw ko habang pinipilit na makawala sa pagkakahawak ni Tita Joy sa'kin. Ang bigat bigat na ng pakiramdam ng mga mata ko pero wala akong pakealam.

"Ang nanay ko! Hayaan niyo akong makita ang mama ko! Nagsisinungaling lang kayo, buhay pa si mama! Buhay pa siya! Papasukin niyo ako sa loob, papasukin niyo 'ko!"

Tuluyan na akong nanghina at katawan ko na ang kusang tumigil mula sa pagpupumiglas.

"Ang mama ko..."

At ang dilim na ang tuluyang lumukob sa akin pagkatapos ng lahat ng 'yon.

Pagdilat ko sa aking mga mata ay isang puting kisame ang bumungad sa akin. Ang sakit ng ulo ko, sobrang sakit.

Dahan-dahan akong kumilos at sumandal. Kumunot ang noo ko nang may makitang dextrose sa aking kamay, nasa ospital ako?

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang Tita Joy na kausap ang doctor nang biglaang pumasok sa isipan ko si mama at ang nangyari sa kanya.

"Mama? Mama!"

Sigaw ko dahil baka lumitaw siya biglaan sa pagkakaalam na naospital ang kanyang anak. Mabilis na lumapit sa akin si Tita Joy at hinawakan ako sa kamay.

"Anak, anak... Kumalma ka anak..."

Takot akong tumingin kay Tita Joy at basag ang boses na nagtanong, umaasang mali ang inaakala ko.

"Tita, nasaan po ang m-mama?" nauutal kong tanong.

Nakita kong napalunok si Tita Joy at para bang hirap na hirap na sagutin ang tanong ko. Direkta siyang tumingin sa mga mata ko at malumanay na nagsalita kahit na naiiyak.

"W-Wala na ang mama mo, Alexia. P-Patay na siya..."

Mabilis akong umiling at sumigaw. "Hindi totoo 'yan! Buhay pa ang mama ko, buhay pa! Bakit ba lagi kayong nagsisinungaling sa'kin? Buhay pa ang mama ko! Dalhin niyo ako sa kanya! S-sabihin niyo na-ospital ako at sigurado akong pupunta siya para sa'kin. Papuntahin niyo ang mama ko dito!"

Tuluyan na akong humagulgol. "Ang mama ko. Nasaan ang mama ko..."

Mistulang bumalik ang batang diwa ko noon na parang nawawala at pilit na hinahanap ang kanyang nanay para muling makabalik.

"Si mama, kailangan ko si mama... Pakiusap..."

Hinaplos ni tita ang buhok ko at patuloy lamang siya sa pagpapatahan sa'kin. Ako naman ay walang tigil sa pag-iyak.

"Tita, ako ba ang may kasalanan?" tanong ko bago siya tinitigan sa mga mata.

Sinapo ni tita ang pisngi ko bago nagsalia at mabilis na umiling, "Hindi 'nak. Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang mama mo, h'wag mong sisihin ang sarili mo."

"A-Ako yung may kasalanan eh. Kung sana'y 'di niya nalaman 'y-yung mga kagagahan na g-ginawa ko e di sana naandito pa s-siya. Hindi ba?"

"Hija..."

"Tita, kasalanan ko eh..."

"Shh. Hindi mo kasalanan, mahal ka ng mama mo at malulungkot siya kapag dahil sa kanya ay nasa ganitong kalagayan ka..."

Iniwan ako ni Tita Joy sa kwarto at nakatulala lamang ako sa kawalan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gumuho na 'yung mundo ko.

Ang sakit, sobrang sakit.

Una ay si papa, ngayon naman wala na akong nanay. Paano na ako?

Bakit kailangan ko maranasan lahat ng 'to? Kung sana'y hindi ko na lang ginawa ang mga 'yon, e 'di sana...

E 'di sana ay buhay pa ang nanay ko.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang 'yon ay biglaang bumukas. Iniluwa non si Sheena, Angeline at Francesca na siyang labis kong ikinagulat.

Nanubig na naman ang mga mata ko dahil sa nakikita. Ugh! Ayoko na ngang umiyak e! Pagod na pagod na ako!

"A-Anong-"

Tinakbo nila ang distansya naming apat at mahigpit nila akong yinakap. Sila Sheena at Francesca ang yumakap sa akin, samantalang si Angeline naman ay naiiyak lamang na nakatingin sa akin.

"Alexia, sorry! Sorry sa lahat ng mga nagawa namin sa'yo ha? Sa lahat ng mga salitang binitiwan namin, 'yung mga masasakit na salita. Sorry, Xia! Sorry!"

Lalo akong napahagulgol nang marinig ang mga salitang 'yon galing sa kanila. Lalo akong napaiyak at kulang na lang ay hindi ko na sila paalisin mula sa aking pagkakayakap.

"Bati na tayo, friend!" ani Francesca bago hinawakan ang aking kamay at hinawakan ang pisngi ko bago hinawi ang aking buhok. "Nandito lang kami ha? Kakayanin mo 'to! Nandito lang kami para sa'yo..."

Pinunasan ko ang mga luha ko bago sila maayos na tinignan, "Hindi na kayo galit sa'kin?"

"Never kaming magagalit sa'yo!"

At kahit isang maliit na ngiti lamang ay lumitaw sa labi ko.

Hinawakan ni Sheena ang isang kamay ko at si Francesca naman doon sa isa. Si Angeline naman ay nanatili lamang na nakatayo doon at lumuluha.

"Kakayanin mo 'to, Alexia. Hindi ka na namin iiwan. Best friends mo kami, lagi kaming nandito para sa'yo. Kung sa best state mo man o worst? Lagi kaming nasa tabi mo. Tutulungan ka namin, Alexia. Mahal ka namin..."

Ngumiti lamang ako kahit maliit lang at ini- stretch ang braso ko. "Halika nga kayo rito!"

Sabay sabay na nila ako yinakap na tatlo. Kahit saglit, kahit kaunti lamang - ay napangiti ako.

Habang yakap-yakap ako nilang tatlo ay nakita kong bumukas ang pinto. Lumitaw doon si Vaughn na nakasilip.

Nagtama ang mga tingin namin. Naramdaman ko ang biglaan pagkabog ng dibdib ko ng malakas at mabilis.

Lalo pa nang ngumiti siya sa'kin. Tumango lamang ako at hindi inalis ang tingin ko sa kanya.

Magiging ayos din ako. Basta nandito sila.

Basta nandiyan siya.

***
a/n: sorry for the typos!
twitter: @jeweeelwrites

Continue Reading

You'll Also Like

92.1K 1.9K 27
this story is work of ficton nabuo lamang sa utak ng mapanglaro si otor hhahaha
14.4K 567 31
cards that have fought and won but she became dangerous, loving you was a choice and it breaks me © potatojimin » completed « ➳ 2K17 (Se...
1.1M 58.8K 38
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
21.6K 603 39
Will their strong love make them remember each other?