For All The Wrong Reasons (CO...

By westbounds

45.7K 946 161

Para kay Alexia De Rama, isang pagkakamali lamang ang ikinasaya ng kanyang puso at ang hinding-hindi niya mal... More

For All The Wrong Reasons
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Final Chapter
Epilogue
Note
Trailer

Chapter 23

701 13 0
By westbounds

#FATWRTwentyThree

Broken. We are all broken. We can be fixed kahit walang taong tutulong sa'tin. We just need to believe and love ourselves in a way greater than loving the wrong ones.

"Earl, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maitama lahat ng 'to..." ani ko bago kinagat ang aking pang-ibabang labi.

"Maitatama naman natin 'to, Alexia. M-Magtiwala ka lang sa'kin. Please."

"Nagtitiwala naman talaga ako sa'yo, Earl. Katunayan nga ay sa'yo na lahat ng tiwala ko. P-pero bakit parang ang tagal naman?" taka kong tanong sa kanya. Halata na boses ko ang sakit at kung gaano na rin ako kainip mula sa paghihintay.

"Alexia, bigyan mo pa ako ng oras. Sasabihin ko naman kay Christine, talagang hindi lang ako makahanap ng tyempo."

"Ang dami ng oras na nasasayang, Earl. Hindi ko alam kung anong plano mo at hindi ko alam kung anong lugar ko diyan sa puso pati sa buhay mo..."

Doon na ako umiyak. Sobrang bigat na ng loob ko dahil na rin sa nararamdaman kong sama ng loob at tampo sa kanya. Ayoko naman sanang magtanim ng galit at inis pero hindi ko naman talaga maiwasan na hindi magawa 'yon lalo na kung ganito naman ang sitwasyon ko.

Tinitigan lamang ako ni Earl habang malungkot at naguguluhan ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ilang beses din na bumuka ang kanyang bibig na para bang may sasabihin ngunit hindi niya itinutuloy kung ano man ang mga 'yon na plano niyang ipaalam sa'kin.

Itinaas ni Earl ang kanyang mga braso bago ako dahan-dahan at masuyong hinila para sa isang mahigpit na yakap. Lalong tumindi ang sakit na nararanasan ko sa puso ko, lalo kong naramdaman ang mga kamalian na ginawa ko ukol sa mga desisyon ko. I tightly closed my eyes at maiging pinakiramdaman ang mainit at mahigpit na yakap ni Earl sa'kin. Nababasa na ang kanyang polo dahil sa luha ko pero wala siyang pakealam doon. Mas lalo niya akong idiniin sa kanyang dibdib at pilit na pinapatahan.

Paulit-ulit na hinahaplos ni Earl ang aking buhok pababa sa aking likuran. Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko lalo na't pati ngayon at tuluyan ng nadadamay ang iba sa mga kaibigan ko. Si Vaughn, nadadamay na si Vaughn sa lahat ng 'to.

Naalala ko 'yung gabing nagtapat si Vaughn ng nararamdaman niya para sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung pagmamahal, pag-aalala at iba pang emosyon na pwede niyang maramdaman para sa akin. Pumikit pa ako at muling humikbi, nasasaktan ako. Kung kaya ko lang tapusin ang lahat ng 'to ay ginawa ko na.

Alam kong kaya ko naman. Ang hindi ko lang kaya ay ang iwan si Earl at hindi maramdaman ang malaya niyang pagmamahal para sa'kin.

"Alexia, tumahan ka na. Alam ko namang magiging ayos din ang lahat ng 'to..." pag-aalo sa akin ni Earl habang paulit-ulit na hinahalikan ang aking buhok.

Hindi ako sumagot. Bagkus ay kumilos ang aking mga braso upang ipulupot 'yon sa kanyang beywang at yakapin siya ng mas mahigpit.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang parehas kong pisngi bago ako seryosong tinitigan sa aking mga mata.

"Alexia, alam kong bata pa tayo pero alam ko rin na mahal kita. Mahal kita Alexia, 'yun ang totoo. Ikaw yung babaeng pinapangarap ko noon pa lang, ikaw talaga..." inalis niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha bago 'yon dahan-dahang inipit sa likuran ng aking kaliwang tainga.

"Ikaw lang talaga, Alexia..."

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na sinasapo ang parehas kong pisngi bago siya tinitigan direkta sa kanyang mga mata.

"Mahal mo din si Christine hindi ba?"

"Mas mahal kita, Alexia."

Umiling ako at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko, "Pero mahal mo din siya Earl. Hindi naman pwede 'yon, hindi ba?" tanong ko habang

Tumungo si Earl at kinuyom ang kanyang mga palad, "H-Hindi ko rin alam kung paano nangyari na mahal ko siya at mahal kita."

Sarkastiko akong napatawa, "Paano 'yan Earl? Parehas mo kaming sasaktan?" tanong ko sa kanya habang marahas na pinupunasan ang aking mga luha.

Napasabunot siya sa sariling buhok at ilang beses na nagmura bago tuluyang sagutin ang tinanong ko sa kanya kanina.

"Kung pwede nga lang ay ayokong may masasaktan sa inyong dalawa. Minahal ko si Christine at may pagmamahal pa rin ako sa kanya hanggang ngayon kaya kahit... kahit gusto ko siyang iwanan gusto ko pa rin na walang masasaktan pero alam ko naman na hindi pwede 'yon di ba?" tanong sa akin ni Earl.

"Gago ka."

'Yun na lamang ang tanging lumabas sa bibig ko matapos kong mapakinggan ang kanyang sinabi. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Si mama, ang mga kaibigan ko, si Christine pati na rin si Vaughn. Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali sa mga desisyon na ginagawa ko at baka patuloy ko pang gawin.

"Ayoko rin naman na masaktan ka dahil sa'kin, Alexia..."

Sarkastiko akong ngumisi, "'Yun na ang nangyayari ngayon. May magagawa ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

Ayan na naman ang mga mata ko, unti-unti na namang nanunubig ang mga ito.

"Kung pwede ko lang bitawan na lang basta-basta ang isa sa inyo."

Napaisip ako, talaga naman pwede iyong gawin ni Earl - ang bitawan ang isa sa'min ni Christine. Hindi ko naman talaga sigurado kung pinanghahawakan ba ako ni Earl o ako lang talaga ang kumakapit para hindi matapos kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Hindi ko alam.

Malungkot akong tumingin sa kanya at huminga ng malalim. "Ako na lang ang bitawan mo."

Marahas ang ginawang paraan ni Earl nang paglingon sa akin. Namimilog ang kanyang mga mata at ang gatla sa noo ay lalong lumalalim dahil sa kanyang pag-simangot.

"Hindi ko gagawin 'yon."

"Pwede mong bitawan ang isa sa'min Earl at ako na mismo ang nagsasabi sa'yo. Ako ang bitawan mo..."

Mabilis siyang umiling, "Hindi. Ayoko, ayokong gawin 'yon. Masasaktan ka!"

Mahina at malungkot akong napatawa bago siya tatlong beses na mahinang pinaghahampas sa noo. "Alam mo? Sa love lagi naman na may masasaktan, hindi pwedeng wala."

Bumuntong hininga siya at malungkot na tumingin sa akin, "Hindi ba talaga tayo pwede?" tanong nito sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumungo, "H-Hindi na ata..."

"Gustung-gusto ko ng bitawan si Christine sa pagkakataon na 'to, Alexia. Gustung-gusto ko ulit makita 'yang mga ngiti mo. Yung ngiti na ako ang dahilan. Alexia, pwede naman tayo eh..."

Umiling ako at seryosong tumingin sa kanya.

"Hindi tayo magiging pwede, Earl. Unang-una ay naandyan si Christine na siyang kilala ng lahat bilang girlfriend mo. Pangalawa, bata pa tayo at marami pang mangyayari sa buhay natin para mamroblema ng ganito. Pangatlo, b-baka m-mawala din naman 'tong pagmamahal ko sa'yo."

"Gusto mong mawala yung pagmamahal mo sa'kin?"

Nagkibit balikat ako, "Wala namang forever hindi ba? Lahat nawawala. Yung feelings ko pa kaya para sa'yo?"

"Ayoko, Alexia. Ayoko. Gusto ko akin ka lang."

Malungkot akong umiling, "Hindi pwede 'yon, Earl. Eto na nga ako o, sumusuko na ako. Para hindi ka na mahirapan, para hindi ka na maipit."

"Makikipaghiwalay na ako kay Christine. Putanginang 'yan Alexia, ayokong mawala ka sa'kin. Ayokong mapunta ka sa iba! Kahit naman bata pa tayo alam ko, kilala ko ang sarili ko, sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa'yo!"

Akmang tatayo na si Earl pero agad din akong tumayo at hinawakan siya sa kamay para mapigilan. Gulat siyang napalingon sa akin at bahagyang umawang ang kanyang bibig.

"Tama na Earl, may nanalo na."

Nanaig lamang ang katahimikan sa amin. Seryoso niya akong tinititigan hanggang sa sarkastiko siyang ngumisi at narinig ko ang basag at ang sarkastiko niyang boses sa pagtawa.

"Tanginang 'yan, Alexia."

Kumunot ang noo ko at binitawan ang kamay niya. "Tama na, Earl. Ayos na. Si Christine na lang..."

Umiling siyang muli, "Bakit ba hindi mo maintindihan? Kaya ko ng makipaghiwalay sa kanya ngayon. Diba gusto natin 'yon? Bakit ngayon ay pinipigilan mo ako? Alexia, may chance na tayo!"

Nanghihina ako at sa totoo lang ay ayoko nang harapin at kausapin pa si Earl pero alam kong marami pa akong kailangang masabi sa kanya. Pinaglapat ko ang mga labi ko at pilit na lumunok, nanunuyo ang aking lalamunan at mistulang may bara iyon.

"Hiwalayan mo si Christine, Earl. Hindi na para sa'kin kung hindi para na sa sarili mo. She doesn't love you and she's just taking you for granted. Naba-blackmail ka at mali 'yon."

"Alexia."

"Go break up with her and do it for yourself. Not for me." pinal kong sabi bago lalagpasan na sana siya nang hilahin niya ako pabalik at malungkot na tumitig sa akin.

"Pwede ba akong humiling ng isa pa?" tanong niya.

God, I love this guy pero minsan hindi naman sapat ang pagmamahal lang lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na talagang hindi kayo pupwede.

"A-Ano 'yon?" basag ang boses na tanong ko sa kanya.

Lumamlam ang kanyang mga mata at humigpit ang hawak sa akin na para bang kahit anong oras ay pwede akong tumakbo at lumayo sa kanya.

Sobrang higpit na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Pwede bang akin ka muna ngayon hanggang sa susunod na dalawang araw pa? Please? Sa akin ka na lang muna sa natitirang dalawang araw..." 

At 'yun na nga ang nangyari.

"Alexia, bakit? Bakit ka hinawakan ni Earl nung nagbugbugan sila ni Vaughn?" tanong sa akin ni Sheena habang nakahalukipkip.

"E-Ewan ko din eh..."

"Sigurado ka bang wala kang hindi sinasabi sa amin?" tanong nitong muli sa akin.

Yinaya ako ni Sheena na pumunta sa library kani-kanina lang at ngayon nga ay naandito na kami. Noong una ay nagtaka ako dahil ang alam ko ay ayaw ni Sheena sa library dahil sobrang tahimik daw at ubod ng boring.

Pero kalaunan ay napagtanto ko din naman kung ano ang kailangan niya sa'kin, kung ano ang talagang gusto niyang malaman.

"W-Wala naman, Sheena..."

Pinanliitan niya ako ng mata, "Talaga lang, Xia?"

Bigla akong kinabahan dahil kilala ko si Sheena. Iba siya magalit at ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling sa kanya pero ewan ko ba kung ano ang meron sa'kin, ang lakas lang ng loob ko na ipagpatuloy ang pagsisinungaling sa kanya at ang pagtatago sa kung anong namamagitan sa aming dalawa ni Earl.

"Kanina lang 'yun nangyari. Anong ginawa sa'yo ni Earl?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kanyang tanong. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napahinga ng malalim.

"N-Nagalit siya sa'kin k-kasi nangealam daw ako sa away nilang dalawa ni Vaughn."

Sarkastikong natawa si Sheena pero nanatili ang kanyang mapanuring tingin sa akin, "Eh bakit nga kaya sila nag-away ni Vaughn ano?" tanong nito.

Dahan-dahan akong nagkibit-balikat, "H-Hindi ko rin alam..."

Tumango-tango si Sheena, "Siguraduhin mo lang na wala kang hindi sinasabi sa amin, Alexia."

Sorry, Sheena.

Nang makauwi ako sa bahay ay agad na sumalubong sa akin si mama na masayang nakangiti.

"Anak, nandito ka na pala!"

Hinalikan ko siya sa pisngi at tumango, "Opo. H'wag na po kayong masyadong magpagod. Ako na lamang ang gagawa niyang mga 'yan..." pag-aalok ko ng tulong.

Umiling si mama, "Kaya ko na 'to! Alam ko namang pagod mula sa eskwela ang maganda, matalino, masipag at responsable kong anak kaya sige na umakyat ka na lamang muna roon at siya magpahinga ka na..."

Napatitig na lamang ako kay Mama. Tumingin siya sa akin na may nagtatakang eskpresyon sa kanyang mukha, "Oh bakit naman ganyan ang itsura mo anak?"

Umiling ako at mabilis siyang hinapit sa isang yakap.

"Ay susko 'nak! Nakakagulat ka naman!"

"Mahal kita ma..."

Biglaang natawa si mama at tinapik ang likod ko, "Ano bang nangyayari sa'yo, aber? Napa-sweet mo naman ata ngayon sa'kin."

Uming ako at mabilis na pinunasan ang luhang muntikan ng tumulo sa kanyang balikat. Hinalikan ni mama ang ulo ko.

"Basta anak, mahal ka ni mama. Ha? 'Yun lang ang tandaan mo."

Lalo akong napaiyak at doon na talagang nagtaka si mama pero kahit ganoon ay nagawa ko pa rin na makapagsinungaling.

Napakasama kong anak.

Pasensya na mama. Hindi ko alam kung magiging proud ka pa rin sa akin kapag nalaman mo lahat ng ginawa ko.

***
a/n: sorry for the typos.
twitter : @jeweeelwrites

Continue Reading

You'll Also Like

68.7K 1.6K 23
(Book one of Hallow's Story) Hallow Skellington is the son of Jack and Sally of Halloween town. He goes to Auradon Prep with all the other good kids...
889 71 33
Ilios Dom Masandro, a serious type of guy and can be goofy sometimes, who always bond with his friends, met a girl whom he find so interesting. He di...
13.1M 434K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
110K 3.9K 50
The story runs between two students having opposite characteristics. literally opposite. Kristel Lewis was a bad ass bitch and Chance Devon Martinez...