My Dormmate (BoyXBoy)

By imjaaayyy

169K 2K 330

Are you inlove with your boy dormmate or your boy dormmate is inlove with you? Ang dalawang matipunong lalak... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 5

36.8K 816 222
By imjaaayyy

JM's POV

Excited na ako dahil first day of school namin at magkaklase kami ni JC. Ewan ko talaga bat ako nasisiyahan kapag kasa-kasama ko so JC. "May feelings ba ako kay JC? Nahuhulog na ba ako kay JC? Huh? Pero bakit? Ano to?" Ang pabulong kong sabi ng isipan ko.

Masyado na ata akong nahulog kay JC lalong-lalo na nung bumili siya ng pang-umagahan naming dalawa. Para bang kumalabog puso ko nung sinabi niyang kakain kami.

FF

Nung pagdating namin ni JC sa dorm galing school, may naramdaman akong hindi kanais nais at yun nga, yung nakita at pinulot ni JC na box. Ang condom!

Napatulala ako nun nung sinabi niya sakin yun. Nakakahiya man pero kailangan kong makuha kay JC yung box na yun pero nung umakting akong kukunin yun, bigla siyang umangal. Itinaas niya ito para di ko makuha at asarin ako. Ang gwapo niya nung inaasar niya akong binata na daw ako.

Nung natumba kaming dalawa, ramdam ko yung init ng katawan niya at dun nagsimula ang halikan naming dalawa. Gustong gusto kong tumigil pero yun nga, nadala kaming pareho sa libog namin.

Pagkatapos nun, wala nang imikan at awkward na. Di kami nagkibuan at ang tahimik naming dalawa. Hanggang sa kinaumagahan,

Inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko at pagkatapos kong sabihin sa kanya, nauna siyang pumasok sa paaralan at di man lang ako hinintay.

Medyo nainis ako sa kanya at lalong naiinis ako sa sarili ko dahil sa lahat ng nangyari.

Dumating na ako sa school nang biglang nakita kong magkasama ang dalawa sa football field. Si Shane at JC. Biglang sumakit puso ko nung nakita ko silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Di nalang ako nagpadala sa nararamdaman kong kirot at sakit. Pumunta na ako sa room at konti lang ang tao rito dahil masyado pang maaga nang natanong ko ang sarili ko, "Bakit ko pa ba kasi ginawa yun? Bakit nangyayari ito sa akin? Ayun tuloy, nasira samahan namin." Malungkot kong tanong sa sarili.

"Ang alin ba?" Bigla akong nagulat at napasabi ako ng puta! Yung lalaking classmate ko lang pala

"Ah ang ano? Ah eh wala wala" Napatingin ako dito at tinanong ko kung anong pinagtatanong niya

"Ang lakas mong bumulong eh 'no? giit pa nito

"Eh sino ka ba ha?" galit kong tanong sa kanya

"Ako nga pala si Kurt Miguel Martinez" aniya

Siya yung lalaking nasa unahan ko at gwapo rin naman siya, katamtaman ang laki ng mga mata nito, medyo malaki ang biceps, may matangos na ilong, brownish ang mata niya at may pagkamaangas ito at medyo magkamukha sila ng idolo kong si Daniel Padilla na may halong  Enrique Gil

"Hey Kurt. Ako naman si Jasper Mark Villareal o JM at ngayon ka lang ba pumasok?" batid ko sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakita dito sa room

"Ah eh oo eh. Kahapon lang ako nakapag-enroll dahil kagagaling ko lang sa France. Doon kasi kami nagbakasyon." sagot nitong may halong yabang

"Nice meeting you, Kurt." sabi kong ganyan habang nakangiti

Nang biglang dumating sina JC at Shane na naghahalakhakan at nakita nilang nag-shashake hands kami ni Kurt.

Umupo na ang dalawa sa pagitan ko at agad naman akong tumahimik.

Recess time na at tinanong ako ni Shane kung sasama ba ako sa kanilang dalawa ni JC. Napatingin ako kay JC at nakita kong nakatingin ito sa akin na parang may awa't galit.

"Ah eh wag na."  sabi ko

"Sige, mauna na kami ni JC. Bye JM!" sabi ni Shane habang naglalakad sila ni JC at biglang nalungkot naman ako dahil parang nagseselos ako. Nagseselos ba ako dahil sa masaya sila habang wala ako o nagseselos ako dahil kasama ni Shane ang kaibigan kong si JC

Nagulat ako nang biglang sabi ni Kurt ng "Lika, recess tayo. Libre kita."

Agad naman akong nakasunod sa kanya habang akbay-akbay ako nito pero may kuryente akong nararamdaman at bigla akong natakot bakit to sakin nangyayari. Ang bango talaga niya at nakadikit ang biceps sa akin na kinakilig ko.

Nang makarating kami ni Kurt sa canteen, pinaupo ako nito sa table at umorder naman ito.

Nakita ko na naman si Shane at JC habang masayang nagkwekwentuhan. Di ko nalang to pinansin at agad dumating si Kurt.

Habang kumakain kami, tinanong ako ni Kurt kung ano pangalan ng babaeng nasa dulong table at si Shane ang ibig sabihin niya.

Agad ko naman sinagot ang tanong niya, "Ah si Shane 'yan at yung lalaki naman ay si JC." sabi ko

"Diba kaibigan mo sila?" giit ni Kurt

"Bakit mo naman nalaman? tanong kong nagtataka

"Nakita ko kasi kayong may pinag-uusapan kanina sa room at di ka sumama sa kanila."  sagot nito

Oo nga naman pala. Natatandaan ko nang kinausap pala ako ni Shane kanina habang walang imik si JC

Nung uwian na at nakita ko na naman si Shane at JC na palabas ng campus at feeling ko uuwi na sila. Agad naman akong nagbalak na magtago nang biglang nakabangga ko ang isang lalaki.

Napasigaw ako ng "Ay tangina!" nung pagtingin ko, si Kurt lang pala at agad akong tinanong nito "Saan ka pupunta?" aniya

"Uuwi na kasi ako eh ikaw?" sagot ko sa kanya at tinanong ko naman ito

Nakipagsabay siyang umuwi sakin at pumayag naman ako dahil total wala naman akong kasama. Nagtanong ako sa kanya kung saan ang bahay nila.

At sabi niya may condo unit sila at doon muna siya mananatili habang di pa nakakarating ang mama't papa niya. Ako naman ang tinanong nito kung saan ako uuwi. Ang sabi ko, nakadorm lang ako at sinabi ko naring kadormmate ko si JC.

Nang malapit na siyang bumaba, sinabi niya kung sasama muna daw ako sa condo niya at di naman ako pumayag dahil masyadong traffic at 6:32 na ng gabi.

"Paalam JM." paalam nito habang nakangiti at tumango nalang ako sa kanya pero may naramdaman na naman akong kilig sa aking puso dahil sa sabi nito at sa matamis na ngiti niyang pinakita sa akin. Ang gwapo niya lalong lalo na kapag nakangiti siya.

Nang makarating ako sa dorm, nakita kong nakahiga na si JC sa kanyang higaan at aaminin ko, namiss ko ang kulitan at asaran namin ng kaibigan kong si JC. Bigla akong nalungkot at naisip na naman ang ginawa naming kamunduhan. Napatanong agad ako sa sarili ko kung pareho kami ng nararamdaman ni JC. Nang makaramdam ako ng antok, nahiga na ako at di namalayang nakatulog.

Kinaumagahan, nagising kami ng sabay ni JC at agad ko itong tinanong ng "JC, pwede ba tayong magusap?" sabi kong ganyan at tumango nalang ito bilang senyales na pumayag ito

"JC, sorry sa lahat ng nangyari at sana mapatawad mo ako. Alam kong di hahantong sa ganito kung di lang ako gumawa ng kaloko" habang di pa ako tapos magsalita, bigla akong napatigil sa ginawa ni JC.

Hinarangan ni JC ng isa niyang daliri ang aking bibig at sabi niyang "Shh! Wag mo nang intindihin yun, pareho nating ginusto yun at wala akong galit sayo."

Natulala ako nang hinalikan ako ni JC sa  bibig at di ko napigilang lumaban din ito. Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya at sa ginawa niya. Halos parang sasabog ang puso ko sa saya't nangyari.

"Bumalik tayo sa dati. Yung laging masaya, laging magkasama at laging nagkukulitan dahil namiss kita JM." sabi niya na parang maiiyak

Nakaramdam naman ako ng kiliti nung narinig ko ang sinabi niya. Namiss ko talaga ng husto ang kaibigan ko kaya't nung papunta na kami sa paaralan, palagi kong tinitingnan ang kanyang gwapong mukha habang nakangiti.

"Mahal na ata kita JC." sabi ko sa utak ko.

----------------

Hahaha! Diyan muna magtatapos ang chapter na ito. Abangan niyo nalang ang susunod na mangyayari.

At sana sa lahat ng mga readers, don't forget to vote and leave a comment. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 165K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...