Offcam (ViceRylle)

HopiaVK014

16.7K 344 46

Magkaibigan? Yun ang akala mo. Paano kung malaman mong pagkukunwari lang pala ang lahat sa harap ng camera? P... Еще

Introduction
Hinahanap-hanap kita
Nanay Rosario x Karylle
Kilig si Viceral
LDR
Pasimple
Throwback: Baby
AUTHOR'S NOTE

Welcome back

1.8K 47 4
HopiaVK014

Nang makauwi na si Karylle galing sa LA ay papunta naman siyang Cebu.

Bago siya lumipad papuntang Cebu ay may tumawag naman sa kanya.

Baby Pogi ❤ Calling...

Nagulat man ay agad itong sinagot ni Karylle. Medyo kinakabahan pa siya nang sagutin niya ang tawag.

K: Uhm hello?

V: Talikod ka.

Agad naman iyong sinunod ni Karylle at nagulat sa nakita. Isang matangkad na lalaki.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"May nagpapabigay po." sabi ng lalaki na kaharap ni Karylle at inabot ang isang sunflower. Tinanggap naman iyon ni Karylle at hindi agad nakapagsalita.

V: Baby, sorry na. Sorry sa pagiging seloso ko.

Malambing na tugon ni Vice sa cellphone nang makasiguro na natanggap na ni K ang pinabibigay niya. Hindi pa rin makapagsalita si Karylle at napangiti na lamang at tinanggap ang bulaklak.

V: Hindi mo ba nagustuhan, kurba?

Malungkot na tugon ni Vice sa pag-aakalang hindi ito nagustuhan ni Karylle at hindi pa din siya pinapatawad nito. Napasinghot naman si Karylle dahil umiiyak na pala siya dahil sa tuwa at sa pagka-miss niya sa kanyang nobyo.

V: K? Umiiyak ka ba? Nako sinasabi ko sa'yo, susugod talaga ako dyan.

Alalang sabi ni Vice at medyo kinakabahan na. Sa pagkakataon na iyon ay lalong na-touch si Karylle dahil handa talagang sumugod si Vice para sa kanya kahit napaka busy nito.

K: Wag kang OA. Hindi ko nagustuhan.

Sabi ni Karylle at nanlumo si Vice at parang nawalan ng gana pumasok sa trabaho. Hindi naman agad nakapagsalita si Vice.

K: Hindi ko nagustuhan kasi, sobrang sobrang nagustuhan ko. I love youu.

At sa pagkakataon ding iyon ay nagkasigla muli si Vice at parang nabuo ang kanyang araw.

V: I love you too! Buti naman nagustuhan mo.

At tuluyan na nga silang nagkabati at nagpaalam sa isa't-isa dahil kailangan na nilang magtrabaho pareho.

Lumipas naman ang nga araw at labis nilang namimiss ang isa't-isa.

<Fast Forward>

Kadadating lamang ni Karylle mula sa Cebu at excited na makita ang pamilya at syempre si Vice. Gustong-gusto na sana niya na makita si Vice ngunit nasa rehearsal pa ito para sa kanyang concert. Umuwi muna siya sa kanilang bahay at sinalubong naman agad siya ng kanyang ina.

"I missed you, K. How's vacation?" tanong ng kanyang ina na si Zsa-zsa.

"Masaya naman ma, pero how I wish na kasama ko si Vice." nakangiting sagot ni Karylle pero kapansin-pansin din ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ate! Nasaan na?!" Bungad ng kanyang nakababatang kapatid na si Coco.

"Anong nasaan na?" Nagtatakang sagot ni Karylle.

"Ano pa ba? Edi pasalubong!" sagot naman ng isa pang kapatid ni Karylle na si Zia habang bumababa ng hagdan.

"Kayo talaga! May mga names na kayo their. Rest lang ako." conyo na sabi ni Karylle at umakyat na sa taas. Nahiga lamang sandali si Karylle at naghihintay ng text ni Vice. Papikit na sana siya nang may nagtext sa kanya.

From: Baby Pogi ❤
Pagod ba ang Kurba ko? Kakauwi ko lang baby. Rest ka na ha? I love you! See you tomorrow.

To: Baby Pogi ❤
Otw na baby.

Reply naman ni Karylle. Nang mabasa kasi ni Karylle ang text ay agad na sumakay si Karylle sa kotse niya at nagtext kay Vice na papunta na siya. Agad naman siyang nagmaneho papunta sa bahay ni Vice. Miss na miss na kasi niya ang nobyo kaya parang napawi ang kanyang pagod makapunta lamang kay Vice. Nang nabasa ni Vice ang text ni K ay agad siyang tumawag kay K.

Baby Kurba Ringing...

Nakatatlong ring lamang ay sinagot agad ito ni Karylle.

K: Hello pogi?

V: Anong otw? Saan ka gogora?

K: House mo!

V: Ha?! Dapat nagpahinga ka na lang baby.

K: Malapit na ko. Don't ya worry, baby.

Napalunok naman si Vice nang sabihin ni K ang mga katagang "Don't you worry" lalo na ang "baby" in a sexy tone. Hindi siya agad nakapagsalita kaya napatawa si Karylle dahil alam ni K ang nangyayari kay Vice. Natuwa naman si Karylle kaya lalo niyang inasar si Vice.

K: Be ready, pogi.

Sabi na naman ni Karylle ng sexy at pinatay na ang tawag. Kinilig naman lalo si Vice at tinawag ang kanyang mga kasambahay upang ipaghanda ng makakain si Karylle. Todo tingin naman sa salamin si Vice at maniwala man kayo sa hindi ay nagpapapogi siya para kay Karylle.

Nang makarating si Karylle sa bahay ni Vice ay agad siyang sinalubong ng binata. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Vice sa kanya. Kumain naman sila agad.

"Hmm si Nanay?" tanong ni Karylle habang kumakain.

"Sabi ko matulog na kasi dadating ka." tugon naman ni Vice nang nakangisi. Hindi naman agad ito na-gets ni Karylle at napa-pout.

"Bakit mo naman pinatulog eh dadating nga ako? Ayaw ba ko makita?" Malungkot na sabi ni Karylle.

"Hindi ganun baby. Syempre gusto ko tayo lang muna. Makikita mo din naman siya bukas eh." pagpapaliwanag ni Vice at naaalalang inosente nga pala ang girlfriend niya. Napatango na lamang si Karylle at kumain na.

Nang matapos silang kumain ay agad silang nagpahinga sa kwarto ni Vice at napag-usapan ng dalawa na doon na matulog si Karylle. Kakatapos lamang magshower ni Karylle at Vice. (hindi sila nag-sabay ha HAHAHA) Nakaupo lamang sila sa sofa habang nakasandal ang ulo ni karylle sa balikat ni Vice at nakayakap dito at nakaakbay naman si Vice dito. Nagkekwentuhan lamang sila at dinadama ang presensya ng isa't-isa.

"Namiss ko tuloy ayusin ang hair mo" pabirong sabi ni Vice habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ni Karylle. Tumawa naman si Karylle dahil dito at nakangiti lamang habang nakapikit.

Pumunta naman ang mga halik ni Vice sa pisngi ni Karylle hanggang sa mapadpad ito sa labi ni K. Napamulat naman ng mata si Karylle.

And they did IT.

Kinabukasan 9am

Nagising naman si Karylle mula sa sikat ng araw. Pagkamulat pa lamang ng kanyang mga mata ay nakita na niya ang isang gwapong nilalang na nakayakap sa kanya. Napangiti siya at naisipang tumayo na matapos titigan si Vice. Maingat niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya at mabuti na lamang ay tulog mantika si Vice at hindi ito nagising. Hinanap niya ang mga kasuotan niya at natagpuan ito sa iba't-ibang parte ng kwarto ni Vice. Napailing siya at natawa. Agad niya itong isinuot dahil baka makita pa siya ni Vice nang walang saplot. Nagtoothbrush siya at naghilamos. Naupo muna siya saglit dahil masakit pa din ang ibabang parte ng kanyang katawan dahil hindi naman siya sanay na gawin yung nangyari kagabi.

"Baby, wake up na. Let's eat na." paggising ni Karylle sa nobyo na si Vice. Nagising naman si Vice nang kaunti.

"Mamaya na ako, baby." antok na antok pa na sabi ni Vice. At dahil antok pa nga si Vice ay naging sexy ang tono nito at panlalaki din. Namula naman si Karylle dahil kinilig siya sa boses ng nobyo. Nakita naman ni Karylle na mukhang pagod na pagod nga si Vice.

"Iba na talaga pag matanda na." bulong ni Karylle sa sarili at napatawa.

Bumaba na siya at nakita si Nanay Rosario. Napangiti naman si Nanay Rosario nang makita si Karylle na kakaiba ang awra.

"Dito ka pala natulog Karel." bungad ni Nanay Rosario kay Karylle.

"Opo 'nay. Miss ko po kayo eh." Nakangiting sabi ni Karylle at nagmano kay Nanay Rosario. Niyakap pa niya ito.

"Kain na tayo, karel. Mamaya pa sigurado gigising si tutoy. Male-late ka din niyan." sabi pa ni Nanay Rosario habang naglalakad sa Dining Area at sumunod naman si Karylle dito.

"Alam na alam niyo po talagang laging late si Vice. Hehe. " natatawang sabi ni Karylle.

"Oo, pero nung wala ka, maaga yan pumapasok. Eh ngayon, mukhang pagod na pagod si tutoy eh." sabi ni Nanay Rosario at nakangiting pilyo pa. Nahiya naman si Karylle dahil na-gets niya ang sinasabi ni Nanay Rosario. Napayuko siya at kumain na lamang. Nagkwentuhan pa sila at tama nga sila, hindi pa din gising si Vice. Nang matapos kumain ay huhugasan na sana ni Karylle ang kanilang pinagkainan ngunit pinigilan siya ni Nanay Rosario. Nagpaalam naman si Karylle kay Nanay Rosario upang makapag-ayos na dahil papasok na agad siya sa ST at ipapadala na lamang ni Karylle ang ibang gamit niya sa kaniyang driver. Sanay na naman si Nanay Rosario dito dahil laging sa bahay na ni Vice nag-aayos si Karylle at dederetso sa ST kapag sa bahay ni Vice natutulog si Karylle.

Pagka-akyat pa lamang ni Karylle sa kwarto ni Vice ay agad niya itong ginising.

"Pogi, gising na. May Showtime pa tayo." panggigising naman ni Karylle kay Vice at naligo na ito. Mabuti na lamang ay mayroon siyang mga gamit sa kwarto ni Vice at ganun din sa condo niya ay may mga gamit si Vice. Pagkalabas niya ng CR ay nakita niyang wala na si Vice sa kwarto. Agad naman siyang nagbihis ng napili niyang outfit na nakita niya sa mga iniwan niyang damit noon sa kwarto ni Vice. Nag-ayos lamang siya ng kaunti at ready na siyang umalis. Pagkababa niya ay nakita niya si Vice na kumakain.

"Pogi, I'll go ahead na, ha? Bilisan mo. I love you!" sabi naman ni Karylle at niyakap pa ang kumakain na si Vice.

"Goodmorning. Ingat baby. I love you." sabi naman ni Vice na ngiting-ngiti. Nagmamadali naman si Karylle dahil napasarap ang kanyang kwentuhan with Nanay Rosario kaya medyo gipit din ang oras niya. Nakita naman niya si Nanay Rosario sa living room. Agad itong yumakap at talagang close na close sila.

"Alis na po ako 'nay. Thank you sa masarap na breakfast." ngiting-ngiti na sabi ni Karylle. Kumikinang naman ang mga mata ni Nanay Rosario dahil sa ganda ni Karylle.

"Ingat ka karel." nakangiti din na sambit ni Nanay Rosario.

"Punta din kayo sa condo ko 'nay. Ipagluluto ko din po kayo. Yung pasalubong ko po ipapadala ko na lang po kay Vice. Bye 'nay!" sabi naman ni Karylle at nagyakapan muli sila at umalis na si Karylle.

Inayusan naman siya sa Showtime at nagsimula na ang opening.

"Welcome back, K"
"Welcome back, Karylle"

Ang bungad ng mga hosts sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na si Vice. Napapangiti naman siya dahil sa naaalala niya ang nangyari.

"Yung pasalubong niyo, bukas na lang. Nakalimutan ko talaga." pagpapalusot ni Karylle at alam naman ni Vice iyon. Alam din naman ni Vhong, Billy at Anne na nagpapalusot lamang ito dahil sa pabango ni Karylle. Bago kasi umalis si Karylle sa bahay ni Vice ay hiniram nito ang pabango ni Vice. At alam naman iyon ng mga super close nilang co-hosts. Nagspiels lamang sila at nagsimula na ang isang segment. Hindi naman maghohost ang ViceRylle kaya nasa backstage muna sila. Nakaupo lamang sila at magkatext dahil medyo madami ang tao. Nagnanakawan na lamang ng tingin ang isa't-isa. Nang makahanap ng pagkakataon si Vice na walang tao masyado at nang masigurong safe ay agad siyang nagnakaw ng halik kay Karylle at patago pa niya itong ginawa upang masiguro na safe sila. Matapos iyon ay agad din na bumalik ang dalawa sa pakikipagtext. Natapos ang kanilang araw nang masaya kahit busy silang dalawa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Thank you sa mga nag vote mga sibs. Leave a comment ot vote kung nagustuhan niyo itong chapter na ito. Pwede din kayong magrequest kung anong scene ang gusto niyo sa next chapter. :) Happy 5th Anniversary ViceRylle/ViceRylles! I love you all! Let's continue to eat hopia.

Продолжить чтение

Вам также понравится

11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
15.2M 248K 50
FINISHED
1.9K 113 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
15.1K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...