Wasteland 1: The Bloody Histo...

By siriuslay

51.7K 2.4K 1.2K

[Wasteland Series #1] An adventurous teenager discovered a literary piece owned by a fortunate survivor from... More

Note
Cast
Prologue
Chapter 1: Deadly wave
Chapter 2: Unexpected demise
Chapter 3: A horrible person
Chapter 4: Protecting each other
Chapter 5: Let's find them
Chapter 6: Pizza shop
Chapter 7: Saving Harper
Chapter 8: When they snapped
Chapter 9: Danger area
Chapter 10: Thank you
Chapter 11: Just kill me
Chapter 12: Hospital
Chapter 14: The rescue
Chapter 15: At the end of the ocean
Chapter 16: Reunite
Chapter 17: Behind her back
Chapter 18: Invasion
Chapter 19: I'm sorry
Chapter 20: Stop blaming
Chapter 21: Painful truth
Chapter 22: It's okay to cry
Chapter 23: Friends no more
Chapter 24: Almost at the finish line
Chapter 25: Rips and tears
Chapter 26: Wasteland
Epilogue
Book 2

Chapter 13: Sacrifice

1.2K 88 46
By siriuslay

⇏ Z O E

After Tristan asked that, natagpuan na lang namin ang mga sarili namin na tumatakbo palabas. Sinundan namin ang tunog na naririnig namin. I smiled in relief nang matagpuan ang dalawang helicopter na nasa himpapawid. I wanted to shout at the top of my lungs para malaman nilang may tao pa rito pero paniguradong ang mga zombies ang unang makakatagpo sa amin.

"Nakikita kaya nila tayo?" Tanong ni Marc habang nakatingala sa kalangitan. 

"Sana." Bulong ko bago tumingalang muli. 

"Call their attentions. Susunduin ko lang sila Kaylee." Sambit ni Maddison bago tumakbo. Sinundan naman siya ng pinsan niya.

"Paano?" Iyon ang salitang lumabas sa bibig ko. Pumasok naman sa isip ko ang ospital. Muli ko yung nilingon at nakita kong hindi pa pala kami nakakalayo mula roon.

"Pagdating na pagdating nila Maddison, aakyat tayo sa rooftop ng ospital." Sambit ko.

"Panalangin mong walang zombies na makakita sa atin." Sambit ni Tristan. Pansin kong basa na ang benda niya dala ng kulay pulang likido. Hindi naman medicine ang course na kinuha ko kaya hindi ko alam kung ano mismo ang dapat gagawin. 

"Zoe, okay lang ako." Napansin niya sigurong nakatingin ako sa naputol niyang kamay mula pa kanina kaya naman sinita na niya ako. I can't help but feel bad. Kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan ngayon.

We waited for a couple of minutes hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag. Tumakbo si Kirstel pagkakita niya sa akin bago ako yakapin ng sobrang higpit. Nang humiwalay ako sa pagkakayakap ay bigla na lamang siyang umiyak. 

"Akala ko..." She sobbed. "A-Akala ko..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil sa pag-iyak. Niyakap ko siyang muli para pakalmahin siya.

"Shhh, stop crying. I'm here." I told her. Humiwalay na ako sa pagkakayakap bago siya ngitian. Seeing her tears, parang gusto na ring kumawala ng akin. Ayaw kong nakikitang umiiyak si Kirstel lalo na kung dahil sa akin. 

"They are here!" Nabaling ang atensyon namin nang biglang sumigaw si Kobe. Kunot-noo namin siyang tiningnan habang siya ay nakatingin lamang sa kung saan. Nakaawang pa ang bibig nito na para bang gulat.

"Ano? Walang balak tumakbo?" Tanong ni Maddison at sa isang iglap ay bigla na lang kaming kumaripas ng takbo.

"Akala ko itatanong mo sa amin kung wala ba kaming balak lumaban." Puna ni Nathan kay Maddison. Nakita ko ang pag-irap nito at tumuro sa itaas.

"Maiiwan tayo ng helicopters, idiot." 

Nang makarating kami sa ospital ay binuksan agad ni Marc ang pinto kaya nagsitakbuhan ang iba papasok pero siya ay lumingon muna sa akin bago hawakan ang kamay ko.

"Elevator or stairs?" Tanong ni Maddison sa amin habang nakatayo sa pagitan ng dalawang pinagpipilian.

"Stairs. Baka sira na ang mga elevators." Sagot ni Nathan bago umakyat sa hagdanan. Sumunod naman kami sa kaniya. We couldn't keep up with his pace. Mukhang athlete yata ang isang 'yon.

Nang makarating kami sa third floor ay tumigil ang mga nasa harapan namin kaya natigil na rin kami. 

"Zombies..." Bulong ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Lahat sila ay nakasuot ng pampasyenteng kasuotan.

"Kaya natin ang mga 'yan. Marami tayo." Sambit ni Maddison kaya napalingon ako sa kaniya. Isang ngisi ang gumuhit sa labi niya bago i-angat ang hawak na Katana. And the next thing I know, sumugod na siya, sumunod naman sa kaniya si Nathan. Nakita ko kung paano makipaglaban si Nathan. Parang sanay na sanay siya sa pakikipagpatayan sa mga zombies. Hindi ko nadala ang baril ko kaya wala akong nagawa ngayon para makatulong. I think, kila Nathan at Maddison pa lang ay taob na ang mga nilalang na 'to. They can even kill two at a time! Ang galing nila!

"Cleared!" Tuwang-tuwang sambit ni Maddison saka sumuntok sa ere bago magpatuloy sa pagtakbo. Sumunod lang kami sa kaniya. Nang makarating kami sa pinakatuktok na palapag ay nakita na namin ang hagdanan papunta sa rooftop. Akmang aakyat na kami doon pero natigilan kami dahil sa mga kakaibang ingay na narinig namin. 

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na may pumupukpok sa isang pinto malapit sa hagdanan. Napalunok ako. This is not good.

"Guys, dali!" Sigaw ni Tristan bago hilahin ang katabi niya, which is si Kirstel. Umakyat silang dalawa doon sa hagdanan at sinubukang buksan ang pintuan para tuluyan na kaming makarating sa rooftop. 

"Naka-lock!" Sigaw nilang dalawa habang patuloy itong tinutulak at sinisiko. Narinig kong muli ang helicopter kaya nabuhayan ulit ako ng loob. Kanina kasi pahina na nang pahina ang tunog na naririnig ko mula sa dalawang sasakyan na 'yon kaya akala ko umalis na sila.

Tumulong naman kami sa pagbukas pero wala talagang nangyayari. Napamura na lamang ako nang makita ko ang padlock at kadena, iyon pala ang dahilan para hindi namin mabuksan ang pintuan. 

"Sinong marunong maglock-pick?!" Sigaw ko saka nilibot ang tingin ko sa kanila. Pero napalingon ako sa sumigaw. 

"Kaylee!" Sigaw ko saka dali-daling bumaba ng hagdan. Binangga ko ang sarili ko doon sa pinto para hindi makalabas ang ilang zombie sa kwarto. Sinipa ko ang isang nakalusot na siyang may hawak rin kay Kaylee kanina, tumalsik ang zombie papunta sa gawi ni Kobe at bago pa man ito makalakad muli ay napugutan na ito ng ulo dahil sa ginawa ni Kobe. Sumandal rin siya sa pinto para tulungan akong pigilan ang mga zombies na makawala. Ang lakas nila, parang anytime ay tatalsik ako sa kinatatayuan ko.

"Guys! Dali!" Sigaw ni Kaylee kahit para na siyang nanghihina. Namumutla na rin siya. 

Na-out of balance ako ng bahagya nang makaramdam ako ng matinding pressure sa likuran. Mabuti at nahawakan ako ni Kaylee. Napaka-init niya! Itinulak niya ang pinto gamit ang dalawang kamay niya para tulungan kami ng kapatid niya.

"Saglit, may susubukan ako. Tumabi kayo." Rinig kong sambit ni Nathan. Pinanood ko ang gagawin niya at nakita kong ginamit niya ang isang baril upang ipukpok sa padlock. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa tuluyan ng matanggal ang padlock. Napapikit ako dahil may naramdaman akong hapdi. Napatingin ako sa binti ko at nakita kong may hiwa ako roon. Nasugatan pala ako kanina.

"The door is breaking!" Bulalas ni Kaylee habang papalit-palit ang tingin sa amin ng kapatid niya. Pinakinggan kong mabuti ang tunog ng pinto at napagtanto kong nasisira na nga ito dahil yari lang naman ito sa kahoy. 

"Make it fast! Napakabagal niyo!" Harper panicked.

"Shit! Shit! Buhol-buhol yung kadena!" Sigaw ni Marc habang pilit na inaalis sa doorknob ang kadenang nakapulupot rito. Pinagpawisan na ako ng malamig, alam kong anytime masisira na 'tong pinto kaya dapat matanggal na nila ang kadena na 'yon.

"AHHH!" 

Napalingon ako kay Kobe nang bigla siyang sumigaw. Umalis siya mula sa pagkakasandal at nakita ko namang may kamay na palang nakahawak sa kaniya. Natakot ako bigla kaya bigla rin akong napaalis sa mula sa pagkakasandal.

"They are here..." Sambit ni Kaylee nang makita ang mga kamay na sumisilip na mula sa pintuang unti-unti ng nawawarak. Iyon na lamang ang pumoprotekta sa amin.

"The door broke! Wala na bang ibibilis 'yan?!" Sigaw ni Kobe habang pinupulot ang inihagis niyang palakol kanina. Binuhat ko ang isang nakakalat na plastic monoblock at hinintay na masira ang pinto. We can't block it since sira na 'to, all we can do now is defend ourselves from the offenses and make sure no one will die.

No one will die...

No one should die...

Nang tuluyang mawarak ang pinto ay kaagad sumugod sa amin ang mga zombies, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lumapit ang karamihan sa gawi ko. Kapag talaga may nakikita silang pwede nilang kainin ay bumibilis ang kilos nila. 

"Konting tulong naman rito!" Kobe shouted. Hinampas ko sa mismong mukha ang zombie na lumapit sa akin. Hampas lang ako nang hampas hanggang sa makita kong nabali na pala ang dalawang paa nito. Pinulot ko ang natanggal na paa ng upuan at isinaksak sa ulo ng dalawang zombies. Nabitiwan ko ito agad. My hands are shaking. 

"Okay na!" Sambit ni Kirstel at nakita kong bumukas na ang pinto. Buong pwersa kong inihagis sa mga zombies ang upuan bago ko itulak si Kobe papunta sa pintuan. Nasa pangalawang baitang na kami ng mapagtanto kong wala pala si Kaylee sa likuran namin. Liningon namin siya ni Kobe at sa isang iglap wala na ito sa tabi ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang makitang na-corner na pala si Kaylee sa isang sulok. Para siyang mahihimatay ano mang oras! 

Hinablot isa-isa ni Kobe ang mga zombie na nagtatangkang gawing hapunan ang kapatid niya. 

"Kuya..." Bakas na bakas ang panghihina sa mukha ni Kaylee, at namumutla na rin talaga siya. Natatakot ako na baka himatayin siya bigla. Huwag naman sana. Huwag sana...

"Kaylee! Kaylee, saglit lang!" Tinutulak palayo ni Kobe ang mga uhaw na nilalang. Tutulong na rin sana ako kaso may humawak sa braso ko at tinangkang hilahin ako palayo.

"Harper, saglit! Sila Kaylee!" Sigaw ko sa kaniya.

"We don't have time! Nandiyan na yung helicopter! Pasalamat ka nga nililigtas pa kita!"

"Wala akong pakialam! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko saka pumasok mula sa ospital.

Saktong pagkaapak ko muli sa hagdanan ay biglang humiyaw si Kobe. Napahinto ako sa pagtakbo at napatakip akong muli sa bibig ko.

"Kuya!" Sigaw ni Kaylee habang nakatingin sa kapatid. May kumagat sa balikat nito pero kaagad niyang itinulak palayo ang zombie na gumawa noon. Niyakap niya ang kapatid na nakasandal lang sa pader, akmang kikilos na ulit si Kobe kaso may kumagat na naman sa kaniya.

Napahagulgol na ako sa nakita ko.

Tatakbo na sana akong muli para tumulong kaso napagtanto kong hawak pala ni Harper ang pulsuhan ko. "Tara na kasi!" Sigaw pa niya sa akin pero nagpumiglas ako. Muli kong ibinaling ang tingin ko kila Kobe at para bang unti-unting winawarak ang puso ko dahil sa eksenang nasasaksihan ko. 

Humigpit ang yakap ni Kobe sa kapatid habang tinitiis ang bawat pagpapak sa kaniya ng mga nilalang na uhaw na uhaw sa dugo't laman. "Kaylee, takbo na..." 

"Kuya..." Iyak ni Kaylee habang pilit ni hinahawi ang mga zombies na nakapalibot sa kanila pero hinawakan ni Kobe ang magkabilang kamay nito para pigilan. Nagsilapitan naman si Marc at Maddison sa amin at akmang tutulong na pero nagulat ako ng isara ni Harper ang pinto at humarang pa rito.

"Bitch, what are you doing?! May buhay pa sa loob!" Sigaw ni Maddison sa kaniya habang pinipilit alisin sa pintuan si Harper. At dahil mas malakas si Maddison, nagawa niya itong maitulak palayo. 

Binuksan niyang muli ang pinto at nakita ko kung paano itulak ni Kobe si Kaylee ng malakas papunta sa gawi namin. Agad siyang hinila ni Maddison, tumulong na rin ako.

Akmang papasok na kami ulit nang biglang may nagsara ng pinto at si Kobe mismo iyon. Buong lakas pa rin niyang sinara ang pinto para lang hindi na namin siya maligtas.

"Kobe! Kobe! Buksan mo 'to!" Iyak ko.

"Kuya!"

"Tara na, ano ba kayo?!" Pinaghihila kami ni Harper.

Dahil may salamin ang pinto, nagawa namin siyang makita. Tumutulo na ang luha niya na sinundan pa ng palahaw. Gusto kong takpan ang tenga ko dahil parang tuluyan na yatang nawarak ang puso ko dahil sa sigaw niya. 

Nagtama ang tingin namin. Kitang-kita ko kung paano niya pilit na nilalabanan ang sakit. He had his teeth gritted as his face got slammed against the door. Napaatras ako sa gulat.

Sinubukan niyang bumangon at lumingon saglit kay Kaylee. He smiled even just for a bit. 

That smile. That genuine smile. I'll miss that. Nilapitan ko na ang humahagulgol na si Kaylee habang nakasalampak sa sahig, habang pinapanood ang kapatid niyang unti-unti ng nauubos.

I tried not to look at Kobe habang pilit na tinatayo si Kaylee. "Kuya! Kuya, I love you! Sorry. Sorry..." Paulit-ulit na sambit ni Kaylee. Lumapit naman sa amin si Marc at binuhat na si Kaylee, sumunod naman ako sa kaniya at hinawakan na ang door knob.

Wala na akong naririnig na boses na paulit-ulit na sumisigaw, hindi ko na naririnig ang boses ni Kobe kaya inihanda ko ang sarili ko bago ako lumingon sa gawi niya.

Sa huling pagkakataon, liningon ko ang pinto na 'yon. Tears rolled down from my eyes nang wala na akong makitang bakas ni Kobe bukod sa dugo niyang naka-imprinta sa salamin. 

I salute you, Kobe. I salute you for sacrificing yourself to save your sister. I promise, I'll take care of her until my last breath just like what you did...

_

Continue Reading

You'll Also Like

34.4K 2K 23
Every century, the elements - Fire, Water, Earth, Air, and Aether - choose one vessel among millions of people. The vessels can use and harness its p...
945 96 6
A ZOMBIE APOCALYPSE IN GALLERA ISLAND Date Started: Feb 28, 2022 Date Finished: Genre: Fanfiction
123K 3.9K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
7.9K 699 31
Project Malthus #2 COMPLETE (EDITING) Who said Project Malthus was the only virtual reality made to save humanity? Waking up to a strange place, Iry...