MADRIGAL SERIES: In Love with...

By CJ1016

509K 1.7K 19

Si Judd Madrigal, isang playboy, ayaw sa commitment, dun pa mai-inlove sa kalaban nilang mortal sa negosyo. A... More

PROLOGUE
ILWAW 1
ILWAW 2
ILWAW 3

ILWAW 4

12.4K 283 5
By CJ1016

I USHERED Clover sa veranda ng venue para iwas sa mga matang mapagmasid. Buti na lang hindi siya kumontra. Pareho lang siguro kami na ayaw ng extra attention. I took two glasses of champagne sa nagdaang waiter and give her the other one.

"So, I heard from Adam na sa isang university lang kayo nag aral?"

"Yes...Affected ka ba?" taas kilay na tanong niya sa kin.

Medyo may pagka-maldita yata ito. Pero bakit parang sa akin lang naman?

"No. Hindi naman sa ganun. Akala ko ba magiging okay na tayo, bakit sinusungitan mo na naman ako?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Well, sorry. Hindi ko talaga feel na kausap ka eh. I am really wondering kung bakit mo ako binibigyang pansin ngayon samantalang nung High School eh para lang akong hangin sa yo?" sabi nito habang sarkastikong nakangiti.

"Nag-sorry na nga ako di ba? And besides, you should be nice to me starting now kasi for life na tayong magkakasama. So, you better behave to your future husband kung ayaw mong halikan kita right here right now." sabi ko sa kanya.

In one stride nakalapit na ako sa kanya. Now I'm close to her. I want to kiss those lips of her. Parang may magnet na niyayaya akong halikan ang mga iyon.

"Excuse me? Anong future husband ang sinasabi mo? For your info, may boyfriend ako at hindi ko siya ipagpapalit sa isang playboy na katulad mo!" galit na sabi nito at saka ako nilayasan.

Sinundan ko na lang siya ng tingin. I don't know. Pero nalungkot ako. Dahil ba sa iniwan niya na lang ako basta o dahil sa nalaman kong may boyfriend siya?

THE whole night nakatulala na lang ako. Nawalan na ako gana to socialize. Si Clover lang ang gusto kong kausap, wala nang iba. Kung pwede lang umuwi na but I have no choice but to wait for my mother. The rest of the night became so boring after Clover left. I texted Mama to tell her I will wait na lang inside the car.

Habang hinuhubad ko ang coat ko and after I loosen my tie, I am analyzing myself. What happened to me? Kahit kailan hindi ako nagpapa-apekto sa isang babae? Pero eto ako at apektadong-apektado sa pag-alis ni Clover kanina.

Ngayon lang may nag-reject sa isang Judd Madrigal!

I have no idea if she knew that we were being arranged to get married. But based from her reaction, I guess hindi niya nagustuhan yung idea. And what's ironic in our situation, yung taong hindi ko pinapansin noon eh ako ngayon ang humahabol.

Mabuti pa siguro bumalik na lang ako sa California. Tahimik ang buhay ko dun. Pag andun na ako, everything will be back to normal. I will be very busy sa work that there will be no time to think of Clover Araullo. There will be lots of girls that I can meet aside from Clover Araullo.

Damn! Eh hindi pa nga ako nakakaalis, pero puro Clover Araullo na ang bukambibig ko.

Suddenly, I heard a knock on my window and a voice.

"A penny for your thought?"

"Ma! Ginulat mo naman ako!"

Bumaba ako para pagbuksan siya sa passenger seat. Nakangiti siyang nakatingin sa akin hanggang sa makapasok ako sa driver seat.

"Ma...stop staring at me like that!"

"What's with my stare? Ikaw kasi, these past few days I noticed na lagi kang may iniisip. Baka gusto mong i-share sa kin....sa amin ng Papa mo. Then kanina sa event, bigla kang nawala! Just to see you in a secluded area with a lovely lady...."

"Ah. Si Clover Araullo yun." walang gana kong sabi.

"So, you two have met already?" tila kinikilig na tanong ni Mama.

"Ma, that's not a big deal...."

"Oh, For sure, matutuwa ang Papa mo at si Renato sa balitang yan!" masayang sabi nito.

"Ma, tell me. Bakit kailangan kong pakasalan si Clover? Knowing that arch rival natin sila sa business."

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Nalulong sa sugal si Renato Araullo. Siya lang at ang asawa niyang si Clarissa ang nakakaalam na papunta nang bankruptcy ang negosyo nila. In order to save the family business, nag-propose siya sa Papa mo na mag-merge na lang ang dalawang kumpanya. Nakita naman ng Papa mo ito na isang way para makapag-settle down ka na. Hindi lang sa pag-aasawa kung hindi para mag-stay ka na din dito sa Pilipinas."

.

.

I WOKE up late kinabukasan. Hindi ako agad nakatulog sa nalaman ko. Aaminin ko, I am attracted to Clover already. Kung noong una kong narinig yung idea na ipapakasal ako ni Papa kay Clover Araullo ay ako din ang unang umapela, this time, nakakapagtaka man, ay parang unti-unti ko nang natatanggap. The moment I saw Clover face to face, there was this feeling that I want to own her.

Nakakatawa! Mukhang unti-unti ko nang kinakain ang mga sinabi ko noon. Karma ko yata si Clover Araullo.

No. Clover Denisse Araullo bewitched me!

Pero base sa kuwento ni Mama ay wala pang alam si Clover sa nalulugi na nilang negosyo. So, most probably wala pa din siyang alam sa kasunduan ng dalawang Padre de Pamilya. I wonder, paano niya tatanggapin ang balita? At sabi niya, may boyfriend na siya? Totoo kaya? O gusto lang niya akong inisin kaya niya sinabi yun?

Kung dati ay kailangan kong mag-isip ng strategy kung paano makakaiwas sa pagpapakasal kay Clover, ngayon naman kailangan kong makapag-isip ng strategy kung paano ko susuyuin si Clover.

Hindi ako makalapit sa kanya na hindi siya nagsusungit sa akin. Bakit ba kasi kahit kaibigan lang eh hindi ko pinansin si Clover noong High School kami? Eh di sana hindi ako nasusungitan ngayon!

Napabuga ako ng hangin. HIndi ko nga siya type. Sino ba naman ang magkaka-interes sa isang patpatin?

Bigla kong naisip. Kaya siguro masungit sa akin si Clover kasi alam niya ang karakas ko since High School. Somehow, alam niyang hindi ako nagse-seryoso sa mga babae at puro flings lang ang mga relasyon ko noon. Kung matatawag ngang relasyon iyong mga yun dahil araw lang minsan ang tinatagal namin ng mga babae sa campus.

Napabuga ako ng hangin. Minsan lang ako tamaan ng pana ni kupido, masalimuot pa! Mukhang ito na ang karma ko sa mga kalokohan ko.

NGAYON dapat yung plano kong araw ng alis ko. Pero nandito pa din ako sa San Pedro sa bahay ng mga magulang ko. Plano kong mapasagot muna si Clover at saka ako babalik sa Canada. Maybe I can pursue her to join me there. Mahirap na. Baka mamaya may umaswang pa sa akin kay Clover dito sa Pilipinas!

I opened my laptop looking for emails from the office. I found five emails and replied. The last one is asking me to return to work immediately.

No way!

Parang hindi ko na kayang umalis dito sa Pilipinas. Feeling ko a part of me will be left here pag umalis ako. Binuksan ko uli ang facebook ko. Hinanap ko si Clover. Wala naman siyang recent activity.

Stalker!

Natatawa na lang ako sa sarili ko. Kinuha ko ang cell phone ko. Pero bigla akong may naalala.

Damn! Di ko man lang nakuha ang number niya kagabi. Hay....

Nang bigla kong maalala si Adam.

Si Adam ang pag asa ko!

Dali dali kong dinial ang number ni Adam.

["Yes bro?"]

"Bro...anong gagawin mo ngayon? Dalawin mo naman ako dito sa bahay. Nabo-bored na ko." madrama kong sagot sa kanya.

["Bakit di ka kaya mamasyal? Hindi yung nagkukulong ka dyan sa bahay nio."]

"Ang dami mong dada. Pumunta ka na nga lang dito!"

["Oo na. Mananalo ba ko sa yo? After two hours I'll be there."]

"Tagal naman...."

["Bro, parang gusto kong isipin na nababakla ka na sa akin."] at saka ito tumawa nang tumawa.

"G*go!"

.

.

ANG tagal ni Adam! More than an hour na ako naghihintay. Makapagbukas na nga lang uli ng facebook.

Naupo ako sa lounge chair sa may pool. Pag-open ko ng phone ko automatic na profile pic ni Clover ang nakabungad.

Nakabisado ko na yata lahat ng info dun. So inisa-isa ko na lang yung mga pictures niya dun. Habang nakatitig ako sa profile pic ni Clover hindi ko namalayan nasa likuran ko na si Adam.

"Sinasabi ko na nga ba eh!"

Napalundag ako sa gulat!

"Bakit ba bigla-bigla ka na lang nandyan ha?" inis kong baling sa kanya.

Tawa nang tawa si Adam. Yung tawa na halos maihi na siya.

Sapakin ko kaya ito nang matigil?

Nang bigla namang dumating si Mama.

"Adam, anong nangyayari..." sabay kami ni Adam napatingin kay Mama.

Agad kong pinandilatan si Adam na naintindihan naman nito.

"Wala po Tita, inaasar ko lang po itong playboy ninyong anak."s agot ni Adam.

"Wala pa po bang tumatawag dito sa inyo, Tita?" sabay kindat sa akin.

"Itulak kaya kita sa pool ngayon?" napipikon ko nang sabi.

"I'm sure, by now naasikaso na ng Papa niya yung kalokohan niya dun sa Canada. Adam, wala ka bang irereto diyan sa kaibigan mo? Nang mag-asawa na yang mokong na yan. Baka may kaibigan si Gracie na pwede mong ipa-date dyan e bukas na bukas din ipakilala mo na." sagot ni Mama.

"Meron na po akong irereto dyan, Tita. Iyun e kung papayag yung girl na makipag-date sa kanya." at saka uli tumjawa nang tumawa si Adam.,

Naku Adam ka....kung hindi ko lang gustong makuha number ni Clover kanina pa kita nasapok....

"Naku, gawan mo na ng paraan parang awa mo na." sagot naman ni Mama.

"Ma?" tawag ko dito.

"Oh, siya. Papasok na muna ako sa loob. Gagawan ko muna kayio ng meryenda."

"So bro, alam ko namang may kailangan ka sakin," sabi agad ni Adam sa akin nang mawala na si Mama.

"Pahingi ako ng number ni Clover." walang gatol kong sabi.

Mataman akong tiningnan ni Adam.

"Tayo nga e magkaintindihan. Serious ka ba kay Clover?" seryosong tanong nito.

"Kung makapagtanong ka parang ikaw yung tatay ah!"

"Because concern ako sa kanya. Look, kaibigan ko kayo pareho. Ayaw ko namang dumating ang panahon na maipit ako sa inyong dalawa."

"At isa pa, kung lolokohin mo lang siya at malaman ng Papa niya yun, malamang mas lalo lumala ang hidwaan ng mga pamilya ninyo. Di ka ba nag iisip Judd?"

Kung alam mo lang puro si Clover na nga lang ang naiisip ko!

"Ang hirap namang humingi ng pabor sa iyo, bro." kunwari ay nagtatampong sabi ko kauy Adam.

"Alam mo, yan ang napapala mo. Namimili ka kasi ng papansinin. Kung pinapansin mo ba si Clover nung High School tayo eh di sana wala kang problema ngayon." nang-aasar na sabi ni Adam.

"Bahala ka na nga! Kung ayaw mo ibigay e di wag! Umuwi ka na." inis na pagtataboy ko sa kanya.

"Wow! Parang gusto kop nang maniwalang seryoso ka kay Clover ah! Totoo ba yan? Paano yung mga babaeng iniwan mo sa Canada" sagiot nito.

"Wala akong serious commitment dun." sabi ko.

"Okay. Provided, wala ka ngang iniwan dun. Pero ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Serious ka na ba talaga kay Clover? Liligawan mo ba siya? Baka hindi mo alam yung pinapasok mo? Bro, si Judd Madrigal ka - panliligaw is not in your dictionary!"

.

.

~CJ1016

.

******************************




Clover Denise Madrigal

.

~CJ1016

.

****************************

Hello! Sorry but it's time to say goodbye to Judd and Clover here at Wattpad.

I apologize to the new readers for the cut chapters. But you can continue to read their story in my other platform. Dre(a)me

I am using the same username.

Your support and 💜s for my stories in the new platform will mean a lot to me. Please follow me there, too.

Thank you for supporting my stories here in WP. I owe this to all of you.

~CJ1016

******************************

Continue Reading

You'll Also Like

191K 4.5K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
41K 1.9K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...