Nightfall

By Missmaple

1M 52.7K 8.1K

To redeem the fallen pack Nightfall and restore the honor of the wronged alpha females, Eurus Bane, an albino... More

Prologue
Nightfall 1: White
Nightfall 2: Stray
Nightfall 4: Eclipse
Nightfall 5: Sanguis
Nightfall 6: Full Moon
Nightfall 7: First Drop
Nightfall 8: Bloodlust
Nightfall 9: Albino
Nightfall 10: Drugged
Nightfall 11: Snow Moon
Nightfall 12: Snowfall
Nightfall 13: Queen
Nightfall 14: Woo
Nightfall 15: Winter Break
Nightfall 16: Kiss or Kill
Nightfall 17: Damaged
Nightfall 18: Human
Nightfall 19: Iris
Nightfall 20: Paranoia
Nightfall 21: Celestial Bar
Nightfall 22: Restored
Nightfall 23: Spring
Nightfall 24: On
Nightfall 25: Amber
Nightfall 26: Warning
Nightfall 27: Invitation
Nightfall 28: The Packs
Nightfall 29: Honest Feelings
Nightfall 30: Azalea
Nightfall 31: Iris Academy
Nightfall 32: Possible Allies
Nightfall 33: Secret Room
Nightfall 34: Culprit
Nightfall 35: Confrontation
Nightfall 36: Ghost of the Past
Nightfall 37: Blood Moon
Nightfall 38: Exposed
Nightfall 39: Heavy Price
Nightfall 40: Cruel Waves
Epilogue
Special Chapter: Strays

Nightfall 3: First Kill

35.2K 1.9K 184
By Missmaple

"Save yourself..."

EURUS

I dipped myself in hot water. Hinayaan kong bukas ang pinto upang makapasok si White. The water smelled like raspberry and roses, a scent that reminded me of my mother, and it relaxed me. A temporary comfort.

I played with the rose petals and dipped my head even lower, hanggang lumubog sa tubig ang kalahati ng mukha ko. Ramdam ko ang pagpasok ni White kahit wala siyang ginagawang ingay. Her footsteps were so silent, so light as a feather.

"I smell blood and cats," she started. I knew her eyes were narrowing at me even if I didn't turn my head in her direction. Inalis ko sa pagkakalubog ang ulo ko at kumportableng isinandal ito sa bathtub. Nakatingala na ako sa puting kisame at malalim na nag-isip.

"Maybe you're right..." mahinang panimula ko.

"About what?" naguguluhang tanong niya.

"They're coming for me," sagot ko.

Natahimik siya pero alam kong iniintindi niya ang bawat sinasabi ko. "Ano bang nangyari?" inis na tanong niya. She hated it whenever I answered her indirectly. Napapagod na napangiti ako dahil sa inaasal niya. She never changed. She always wanted to get straight to the point. She didn't want to be left hanging, guessing.

"A stray cat attacked me. He said I smell good. A scent that gets him drunk. And then another cat, from a pack, said I smell good and different. What were they talking about?" naguguluhang tanong ko. Ibinaling ko ang naguguluhang tingin kay White. Halos magkasalubong na ang kilay ko. She was intently looking at me. Iginalaw ko ang kamay upang abutin siya and I touched her fluffy white fur. I rubbed her chin and she moved closer. Napapikit pa siya. She loved to be pet.

"Stop it," she playfully said, but I knew she didn't want me to stop. She was always playing hard to get. I softly laughed. Naalala ko tuloy ang hybrid na nagligtas sa 'kin kanina. He was also playing hard to get. He amused me.

Bahagyang natigilan si White nang may maalala. Nanlaki ang mga gintong mata niya nang tumingin sa 'kin. "Did you say you smell good? But not because you're a cat?" gulat na tanong niya sa 'kin. Her reaction was late.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero marahan akong tumango. "I don't smell like a cat. They should have discovered who I was if I do," sagot ko.

Naalarma si White. She sniffed the air and inhaled my scent. Mas lalo siyang natigilan. Dread flooded her expression. Kinabahan ako dahil sa reaksyon niya. "Holy cat!" she cursed. "How could I forget?" Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at realisasyon.

She stared at me with wide eyes. I could see fear and dread.

"Bakit?" tanong ko kahit natatakot ako sa isasagot niya.

"Tama siya. You smell good. You smell like power," sagot ni White. Mas lalo akong naguluhan. "Holy cat! Your power is slipping away!" she exclaimed.

"What does that mean?" takang tanong ko. "What power?"

"That means your life is slipping away!" sigaw niya sa 'kin. "You'll meet deaths starting from your 21st birthday, and your 21st birthday already passed weeks ago. They will come after your life because it's now your destiny. Danger will come to you because of your scent."

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya kahit gusto ko mang intindihin. Nakatitig lang ako sa kanya pero wala akong masabi.

Nagpatuloy siya pero halata ang takot sa bawat salitang binibitawan niya. The urgency in her voice was noticeable. Wala siyang pakialam kung naiintindihan ko ba o hindi ang mga sinasabi niya. "Those who want power will get drunk of it. If they succeed to take your life, they will become more powerful. You are meant to be hunted because you threw away your responsibilities. You left everything behind by unlinking me. You are now cursed and marked. You disappointed and angered the gods."

Naguguluhang tiningnan ko siya. Anong sinasabi niya? Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko siya naiintindihan. "Explain further," tanging nasabi ko na lang. Itinigil ko na ang paghawak sa kanya. Pinipilit kong intindihin lahat ng sinabi niya.

I was marked?

Cursed?

I angered the gods?

"You unlinked me," paliwanag niya. "With that, you will have a shorter lifespan. You have a time limit. And nine years already passed."

Napasinghap ako. "Did I already use my nine lives?" gulat na tanong ko. Huling buhay ko na ba 'to? Nakahinga ako nang maluwag nang umiling si White.

"Your nine lives is just starting—or worse, it is already non-existent. You're the very first in history to unlink a spirit cat and survive, so I can't tell," she answered gravely.

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Unti-unting gumapang ang takot sa kalamnan ko hanggang sa kabuuan ng aking sistema. "I will be killed nine times! Or I will be killed on their first try!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Mahinang tumawa si White. "Maybe you'll survive eight times. And for the ninth, it's still unknown," she answered.

"I don't get it!" naguguluhang bulalas ko. It was unfair! Couldn't I just live a normal life and walk away from being a werecat?

"Hindi pa ako tapos magpaliwanag," saad ni White. Sumenyas ako sa kanya upang ipagpatuloy niya. Ihinilig ko na ang ulo ko sa braso kong nakapatong sa gilid ng bathtub.

"All werecats who unlinked their spirit cats usually die in an instant. But you survived for nine years. Why? Because of your first kill. But don't worry, maybe you will still survive until you reached your ninth life if you are powerful enough to avoid death," seryosong paliwanag niya.

"My first kill?" takang tanong ko. I couldn't remember killing someone though. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.

Tumango si White. "Your twin sister is your first kill," paglilinaw niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Mahigpit na napahawak ang kamay ko sa gilid ng bathtub. Pakiramdam ko malulunod ako kahit mababaw lang ito.

"You drained her life. You used her life force to survive and you became stronger," she explained, but she didn't sound like she was accusing me. Gusto lang niyang maintindihan ko ang mga nangyari. Her voice was soothing and understanding, but it didn't change the fact that I still killed my sister.

"It was not your intention to kill your twin sister," saad niya. "But If you didn't fight back, she would've killed you instead. She tried to drain your life force too. Siya ang nauna. That was the reason why you turned into an albino—but not entirely because you managed to keep the true color of your eyes. You struggled too much to survive and you just fought back. It was a matter of survival," paglilinaw niya. Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Paano mo nalaman 'to?" naguguluhang tanong ko.

"I fought with you," sagot niya. "She tried to kill you first. Twin tabby werecats always end up killing each other when they are born. It always happens. It's natural. Cats who are born twins with alpha female traits and fates must have their first kill. It's a ritual. An initiation. You were born weak because of her but you managed to defeat her in the end. Your mother and the midwife probably knew."

"Bakit hindi niya sinabi sa 'kin?" nanliliit ang boses na tanong ko. Nanghihina ako dahil sa mga nalalaman ko.

"Masyado ka pang bata para ipaliwanag sa 'yo."

"Is there an age requirement for the truth?" inis na tanong ko. "Mas nahihirapan akong intindihin ang lahat dahil pakiramdam ko, huli na ang lahat para sa katotohanan."

Malungkot ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Wala na siya. Hindi mo na mahahabol ang katotohanan mula sa kanya."

Matalim na tingin ang ipinukol ko kay White. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Bakit ngayon lang?"

She roared at me. She was a bit angry. Natigilan ako. This was the first time. "You wanted a normal life. I didn't want to burst your bubble. I didn't want to end your delusions. You look happy with your life now. You look contented. I thought it would be okay since you survived when you unlinked me. Hindi ka nanghina. You can live without me. Hindi ko kailangang mag-alala sa 'yo dahil normal naman ang buhay mo. Ikaw ang nang-iwan sa ere, hindi ako," naiinis na sagot niya. Naramdaman ko ang galit at pagtatampo niya sa 'kin.

Mariin kong nakagat ang labi ko. Siguro nga, ako ang may kasalanan ng lahat. I chose to ignore the truth about me. Sarili ko lang ang dapat kong sisihin at wala nang iba.

Pumagitan ang nakabibinging katahimikan. If I smelled like power, I would attract more werecats. They would come after me. They would come after my life.

"Are you sure I angered the gods? Or do they just want me to come back?" napapagod na tanong ko.

"Hindi ko alam. Maybe they want you to come back. But your fate is still in your hands. You have a choice," sagot niya sa 'kin.

"Ano na ang mangyayari sa 'kin? Ano ang dapat kong gawin para maiwasan ang lahat ng ito?" naguguluhang tanong ko.

"Restore our link. This is the only way to recuperate. We can gradually stop your power from slipping away if you accept me once again. We can stop the curse," she answered.

"Kung gagawin natin 'yan, malalaman nila ang totoo kong pagkatao," nahihirapang sabi ko.

"Ito lang ang tanging paraan," pinal na sabi ni White. "Kapag hindi ka nagdesisyon agad, hindi mo maiiwasan ang kamatayan. Remember. You only have nine lives and there's no extension. That is, if your nine lives are still exist."

Malalim akong bumuntonghininga. "Pag-iisipan ko," mahinang sagot ko. "Sa ngayon, mag-iingat muna ako. Pwede naman kitang tawagin kapag kailangan ko ng tulong mo, hindi ba?" umaasang sabi ko.

Bumuntonghininga at napailing si White. I knew I was unfair to her. Ginagawa ko lang ang mga bagay na sarili ko lang ang makikinabang.

"Bahala ka. Wala naman akong magagawa." Tinalikuran na niya ako. Alam kong naiinis at nagtatampo siya sa 'kin.

Bago siya tuluyang lumabas. Narinig ko pa ang huling sinabi niya. "You save yourself or you remain unsaved."

Mariin kong kinagat ang labi ko. Naiwan akong mag-isa. Alam kong tama siya pero isa akong duwag na tumatakbo palayo sa nakaraan ko.

*

Hapon na nang magising ako. Agad akong lumabas sa silid ko at pumunta sa kusina.

"Anong oras ka umuwi?" tanong ni Mama nang makita akong nagbubukas ng gatas at cereal. "Akala ko ba gagawa kayo ng thesis? Natapos ba ninyo?" kunot-noong tanong pa niya. She was already in her late forties. Nakikita ko na rin ang ilang puting hibla sa buhok niya, and there were some wrinkles on her face. She was the most caring person I had ever known in this world.

Umiling ako. "Madaling araw na po ako umuwi. Brownout kasi sa bahay ng kaklase ko kaya umuwi na lang po ako," pagsisinungaling ko. "Hindi pa namin tapos ang thesis namin."

"Bakit hindi mo na lang sila dalhin dito?" muling pagtatanong ni Mama. Suot niya ang apron niya. Narinig kong tumunog ang timer ng oven. She was baking a cake, one of her hobbies that ended up as a small business. Siguro may nagpagawa na naman sa kanya ng cake.

Maamo ang mukha niya at palaging nakangiti. Maputi siya at palaging nakangiti ang mga asul na mata. She was not that tall. She was average in height.

"Saka na lang po," sagot ko, pero ang totoo, ayaw kong dalhin dito ang mga kaibigan ko.

Pumasok si Papa at may bitbit na crossbow. "Gising ka na pala!" nakangiting sabi ni Papa. "Gusto mo bang sumama sa 'kin sa pangangaso?"

Napailing naman si Mama. "Ayan ka na naman, Art. Sinasanay mo si Eurus sa mga ganyang bagay," komento ni Mama. "Tandaan mo, babae ang anak mo."

"Leah, mas mabuti nang marunong ang anak natin sa ganito. Saka hindi ko naman siya pababayaang masaktan," natatawang sagot ni Papa. Makikita na ang mga puting buhok niya. He was already in his early fifties, but he was tall and good-looking. Pero ngayon, medyo bumagsak na ang katawan niya dahil sa katandaan. Abo ang mga mata niya at tinutubuan na rin siya ng bigote at balbas. He forgot to shave.

Ngayon ko lang napansin na tumatanda na talaga sila. Hindi ko man lang sila napasalamatan sa lahat ng ginawa nila para sa 'kin.

Inilabas na ni Mama ang cake at ipinatong sa mesa. Agad na lumapit si Papa at akmang titikman ang cake pero marahang tinapik ni Mama ang kamay niya. Mahina akong tumawa nang sumimangot si Papa. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng cereal.

Patuloy lang silang nagkukulitan sa harapan ko habang naglalagay ng icing si Mama sa cake. Napangiti ako dahil hindi pa rin sila nagbabago. They really loved each other. I would miss them when they were gone. Wala sa sariling tumayo ako at lumapit sa kanila at sabay ko silang niyakap. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. "I love you, Mama, Papa," mahinang sambit ko.

Halatang natigilan ang dalawa dahil sa inakto ko pero makalipas ang ilang segundo, mahina silang tumawa. "Mahal ka rin namin," sabi ni Mama.

"Bakit bigla ka na lang naglalambing? May kailangan ka, 'no?" pagbibiro ni Papa. Ginulo niya ang buhok ko kaya sumimangot ako.

"Hindi ko kasi madalas nasasabi sa inyo. Teka, magbibihis muna po ako," nakangising sagot ko. Agad akong tumakbo sa silid ko at nagbihis. I wore my hunter boots and camouflage hunter clothes and cap. Kinuha ko rin ang crossbow ko na nakasabit sa pader.

"Sasama ka?" tanong ko kay White. Umiling siya. Mukhang wala siya sa mood. She was awfully quiet.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko. Nilapitan ko siya at hinaplos ang ulo niya.

"Tinatamad lang ako," sagot niya.

"Sige. Ikaw na ang bahalang magbantay kay Mama," bilin ko. Marahang tumango siya.

Nang bumaba ako, nasa Jeep Wrangler na si Papa. "Bye, Ma!" sigaw ko kasabay ng pagkaway. Nagmamadali akong lumabas ng bahay.

"Ingat!" sigaw pabalik ni Mama.

Sumakay ako sa jeep at umupo sa tabi ni Papa. He started the engine and drove to the forest. "You've already grown," komento ni Papa.

"You think so?" nakangiting tanong ko. "Do you think I can hunt now? On my own?"

Mahinang tumawa si Papa. "Hindi ko masasabi. For me, you're still a girl. You're still that little girl I found unconscious in the forest," mahinang sagot niya. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. It was nostalgic.

"And I'm thankful that you found me," mahinang komento ko. "I owe you my life, Dad."

Malalim na bumuntonghininga si Papa. "Hindi mo pa rin ba naaalala kung saan ka nakatira o kung sino ang mga magulang mo?" nag-aalangang tanong niya. "Paano kung hinahanap ka pala nila? I feel guilty for keeping you, for hiding you from them. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng anak."

"Mawalan ng anak? Did you lose your child?" gulat na tanong ko. This was the first time we talked about his life.

Marahang tumango si Papa. "Nalaglagan si Leah. She can't bear a child anymore."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o hindi. "I'm sure that my parents will be forever grateful that you found and kept me," sabi ko na lang. He looked at me, unsure, but he didn't speak. Magagalit ba siya kung aaminin ko ang totoo?

Tumigil kami sa masukal na talahiban. Mula roon, maglalakad na kami papasok sa kakahuyan. "What are you hunting for today?" tanong ko.

"A deer," he answered. "Pero depende pa rin kung ano ang una nating makita."

Tumango ako. Maingat kaming naglalakad sa kagubatan. Hindi kami gumagawa ng anumang ingay. Nagtatago kami sa mga puno at tinatalasan namin ang pandinig kung sakaling may makita kaming usa. Nakayuko kami habang hawak sa dalawang kamay ang crossbow. Tanaw namin ang isang malinis na batis kung saan madalas pumupunta ang mga usa.

Halos dalawang daang metro ang layo namin sa batis. Nasa mataas kaming bahagi kaya kitang-kita namin ang nangyayari sa baba. Nagtago kami sa mga halaman at naghintay. The pine trees overpowered our scents. Hindi kami maaamoy agad ng mga hayop. They wouldn't sense danger. Ilang minuto lang ay may nakita na kaming gumagalaw papunta sa batis.

Lumabas ito mula sa makapal na halamanan. Pigil ko ang hininga ko at nakagat ko ang labi nang makita ang isang malaking pusa. It was a tiger with blue and white fur. Mas mariin kong kinagat ang labi ko nang mapansin ang pagiging pamilyar niya. I inhaled the air to confirm it, but I could just smell the pine trees.

Pero hindi ako maaaring magkamali! It was the same hybrid who saved me. Nang tiningnan ko si Papa, tumango siya sa 'kin at unti-unting itinapat ang crossbow niya sa hybrid.

Agad akong nagsalita para lang mapigilan siya. "The tiger's dangerous. Paano kung sumablay ang arrow natin? Let's look for another spot," mahinang bulong ko. Gusto kong magbago ang isip niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Make sure to target the eyes," he instructed. I gasped.

"Pa!" gulat na saad ko. Napalakas ang boses ko kaya naging alerto ang hybrid. The tiger roared at our direction when he saw us. Narinig ko ang pagmumura ni Papa. Itutuloy na sana niya ang pagpapakawala ng palaso pero agad ko siyang pinigilan. Mabilis akong nakalapit sa kanya nang hindi niya napapansin. Nahawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.

Napasinghap kaming pareho nang makitang tumatakbo na sa direksyon namin ang hybrid. He was going to attack us.

"Let's get out of here," mariing saad ko, pero mas lalo akong natigilan nang nagpakawala na ng maraming palaso si Papa. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin na lahat ng palaso ay nailagan ng hybrid. Galit na galit na ito. Siguro naman hindi ito pumapatay ng normal na tao...? But we attacked him first!

"He's smart. Let's run," nagmamadaling sambit ko. Hinila ko na si Papa at pinauna ko na siyang tumakbo. I could handle cats. Nagpahuli akong tumakbo. When I turned around, the hybrid was already behind me. Ten meters away from me.

"Eurus!" sigaw ni Papa nang mapansin na nahuhuli ako. Tumigil siya at muling itinutok ang crossbow sa hybrid.

"Dad, wait!" desperadang sigaw ko. "Remember White? Maybe he's just like White," natatarantang saad ko pero nakatutok na rin ang crossbow ko sa hybrid. Tiningnan ko ang hybrid. My expression was pleading. I was begging him to stop, to just let us go.

"This is not a tamed tiger we are talking about," sigaw ni Dad.

"Please..." mahinang sambit ko. Nakatingin pa rin ako sa hybrid. Nanghihina ako dahil wala akong maisip sabihin. Nagmamakaawa ako sa kanya at hindi kay Papa. Natigilan naman ang hybrid. He calmed down. Tila namukhaan niya ako.

His bared fangs are no longer showing. His expression became softer. He was staring back at me. Sa tingin ko, bumuntonghininga pa siya.

"Damn!" he growled under his breath.

"I'm sorry," mahinang saad ko.

The hybrid looked at my Dad and back at me. Mas pinili na lang niyang humiga sa lupa habang nakatingin sa 'kin. He pretended to be tamed. Naguluhan naman si Papa pero hindi pa rin maikakaila ang pagdududa at takot sa mukha niya.

"I'll come back," I mouthed.

Hinila ko na si Papa pero hindi niya inaalis ang tingin sa hybrid. He was still suspicious. Nang makabalik kami sa jeep, kinuha ko ang susi mula sa kanya. I drove us home.

Nang makarating sa bahay. "Dad, I have to meet my friends. They texted me. I'll come back before dinner," pagsisinungaling ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at dala ko pa rin ang crossbow ko nang hindi niya napapansin.

I took the national road. Baka kasi maghinala si Papa. Nang sigurado na akong malayo na ang bahay, agad kong iniliko ang kotse at tinunton ang kagubatan.

Nang makarating ako sa batis, hinanap ko agad siya. Hindi ako natatakot dahil katulad ko siya. Kung sasaktan man niya ako, lalabanan ko siya. Hawak ko pa rin sa dalawang kamay ang crossbow. Hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita.

Medyo madilim na sa kagubatan dahil unti-unti ng lumulubog ang araw. Maingay ang mga dahon dahil sa pag-ihip ng hangin. It was almost nightfall.

Halos libutin ko na ang parteng ito ng kagubatan pero hindi ko pa rin siya nakita. Maybe he didn't understand what I said. Maybe he already left. Mabigat akong bumuntonghininga.

Halos mapatalon ang puso ko sa gulat nang may malalim na tinig na nagsalita mula sa likod ko. "Are you looking for someone?"

Agad ko siyang hinarap. Nakahilig siya sa isang puno habang nakahalukipkip. Nakatayo siya pero magkakrus ang mga binti niya. I could see the hint of amusement in his blue eyes as he stared back at me. Hinigpitan ko ang paghawak sa crossbow ko.

He was half-naked. He was just wearing his tattered jeans, barefoot, displaying his muscled body. Although there were visible scars, they didn't make him less handsome. The scars just made him more gorgeous and dangerous. Tama lang ang haba ng buhok niya sa harapan. He still looked clean, pero sa likod niya, nakita ko ang mahaba at manipis na buhok niyang nakatirintas. I thought it was kind of hot.

His thin lips were pressed into a tight line. Matangos din ang ilong niya at medyo makapal ang kilay. Bahagyang kumunot ang noo niya kaya halos magkasalubong na ang mga ito. His eyelashes almost covered his blue eyes. Gladly, his blue eyes were bright as sapphire. His strong jaw moved. His Adam's apple was also moving up and down as he swallowed.

I cleared my throat. Saka ko lang napansin nabahagyang nakaawang pala ang mga labi ko. I was stunned. He was in his human form! Damn the gods of all cats for making him this hot and for blessing him too much with good looks! Maybe the gods loved him so much!

***

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
15.9M 781K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...