THE SUBSTITUTE BRIDE

By PixyMixy

414K 14.6K 1.6K

"what will i do para makabawi ako sayo?"...malumanay kong sambit sa kanya. "be my bride . . . . . . . . . . ... More

[ 1 ] Ang Pagtataksil
[ 2 ] The Heiress
[ 3 ] Pakiusap
[ 4 ] Bagong Simula
W/N
[ 5 ] Unexpected Decision
[ 6 ] The Visit
[ 7 ] Obsess
[ 8 ] Care
[ 9 ] Moment of Happiness
Ako nanaman ba?
[ 10 ] On This Day
[ 11 ] Maling Akala
[ 12 ] Meeting the Relatives
[ 13 ] What was that?!
[ 14 ] Ice Ice Wifey
[ 15 ] Jealous Althea
[ 16 ] Ligaw Tingin
[ 17 ] Skinny Love
[ 18 ] The Plan
[ 19 ] Panauhin
[ 20 ] Bakod
[ 21 ] Give In To Me
[ 22 ] Deeper
[ 23 ] Out of Town Trip
[ 24 ] Explore
[ 25 ] The Untold
[ 26 ] Tell Her
[ 27 ]Jade's Sudden Outburst of Emotion
[ 28 ] The New Boss is My Wife
[ 29 ] Lady Jade
[ 30 ] Like A Real Family
[ 32 ] The Comeback
[ 33 ] Confirm
[ 34 ] Changes
[ 35 ] Kisses and Lies
[ 36 ] Taken
[ 37 ] Distance
[ 38 ] The Substitute Bride
Say ni Author
PART II: Three Years Later
PART II: Heartbeat
PART II: Just Another Painful Day
PART II: Storm of Love
PART II: Epic Fail
PART II : Coco 'n Miel
Together Forever
Extra Chapter
RML
TLoBL
Say ni Pixy
Announcement!

[ 31 ] The Untold

7.9K 269 26
By PixyMixy

Althea Guevarra's Pov

I thought hindi ako makakatulog ng maayos last night, knowing na nagalit sakin si Jade, habbit na rin namin pareho na magkayakap kami habang natutulog, that's the best sleeping position that we used to do. At heto ako, nakatitig sa maamo niyang mukha habang natutulog, hindi nakakasawang pagmasdan ang kaniyang ganda.

"Para kang timang" bigla niyang sabi.

"What?" Binuka niya ang kanang  mata habang nakasubsob parin sa unan. Inilayo niya ito para sakin na siya yumakap at sumiksik ng mukha sa aking leeg.

"Sabi ko para kang baliw, ngiti ka ng ngiti, siguro pinag titripan mo ko habang tulog ako ano?" Pag susungit niya sakin.

"Of course not! I was just mesmerize by your beauty kahit na tulog ka pa. Ang sungit mo love, may bisita ka ba?"

"Baka malapit na, medyo iba feeling ko ngayon eh.. tara lab, breakfast na tayo, ihahatid ko pa si Zyle sa school" babangon na sana siya ng pigilan ko ulit, bigla ko kaseng naalala yung painting ni Cathleen.

"Lab?" Pagtataka niya.

"Love may napapansin ka ba kay Cathleen?" Tanong ko sa kaniya, kunwari pa siyang nag isip bago tumingin sakin.

"Like?" Saad pa niya.

"May kakaiba kase sa kaniya, the way she look at you" sabi ko naman.

"Lablab, ano ba meron kay Cath? Pano ba siya tumingin? Banlag ba siya? Duling? Hehe" tumatawang sabi niya. I just look at her. Pero bahagya lang niya akong pinalo sa balikat.

"Direktahin mo kase yung sinasabi mo lab" napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

"I think she has a 'thing' for you, i think she likes you" seryosong saad ko, bahagya pa siyang tumitig sa mata ko na para bang hinihintay niya na mag sasabi ako ng joke.

"Lab? Baka naman mali yang naiisip o nakikita mo, walang gusto sakin yun si Cathleen, we're just friends that's all, wag mo na isipin yun okay. " she caress my face.

"How i wish na wala nga siyang gusto sayo" tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Lablab, juat ignore it okay? You're the one that i love, please believe that"

"I do believe in you, and your magic love, Jade. I love you" i kiss her forehead and the tip of her nose.

"And i love you too, so much..lab" she kiss me on my lips that i immediately responed. After 1 minute of kissing. Sya na rin ang kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa.

"Lab let's go, ihahatid ko pa si Zyle sa school."

"I'll be the one to send him to school" sabi ko, nanatili pa rin akong nakahiga.

"But lab, Sabi ni Cathleen she'll teach me how to sing" nakapout na sabi niya.

"What!??" Napataas ang tono ko. Na kaniya namang ikinagulat.

"She'll teach me--" kaagad kong pinutol ang sasabihin niya.

"No" sagot ko.

"And why is that a No?" Taas kilay na sabi niya.

"Cause i don't want and like. Period" taas kilay ko ring sabi sa kaniya.

"Please lablab" naka pout na sabi niya.

"No!" Diin kong sabi .

"Ayaw mo nun, i can sing to you also"

"My answer is still no" bigla naman siyang tumayo pero kaagad ko siyang ibinalik para mapahiga.

"Ayy!" Tili niya habang naka ibabaw ako sa kaniya.

"I'll be the one to teach you how to sing" saagd ko while smirking.

"Talaga? When?" Excited niyang sabi.

"Right now. All you have to do is whisper and scream my name" then i put butterfly kisses all over her face..na kaniya namang ikinatawa.

"Haha..l-lab..it tickles...hah-haha" then i kiss her down to her jawline and neck, i kiss it, i suck it..

"L-laab" she sexily moaned. And i think kapag hindi pa to natigil, baka kung saan pa mauwi ang kulitan namin.

"Let's go na love, i'm hungry.. ihahatid ko pa si Zyle sa school. " pacute pa akong ngumiti sa kaniya, nakasimangot naman siya na waring nabitin sa ginagawa namin..i think totoo yung kasabihan na Magbiro kana sa bagong gising, wag lang kay Kumander na nabitin" my oh my., kelangan kong bumawi sa misis ko nito, baka hindi pa ko patabihin sa pagtulog mamayang gabi, mahirap na.

"Mommy Althea, Bakit hindi po kasama si Mommy Jade?" Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa room na papasukan ni Zyle..

" busy si Mommy Jade mo, she has an important thing to do baby" Jade ask my permission about her plan, gusto ko ng sabihin sa kaniya na wag na niyang ituloy ang mga pinaplano nya, wala rin namang maidudulot na mabuti yun kung sakali man. But everytime na makikita kong desidido si Jade, naiisip ko nalang na kelangan ko siyang suportahan at protektahan.

"Okay na po ako dito mommy Althea, pwede na po kayo bumalik sa work niyo" ngiting sabi sakin ni Zyle.

"Okay, be a good boy okay? If ever na kelangan mo ko, i wrote my contact number at your notebook" i tap his head and smile at him.

"Yes mommy". I kiss his chubby cheek and wave at him.

Jade Guevarra's Pov

I planned to visit a Branch of Flower Shop near our place, Sabi sakin ni Sally dito na raw lagi nag mamanage si Mama Amanda, ayaw na raw nito sa may San Martin dahil naaalala lang niya ako roon. Nakapark ang sasakyan ko sa tapat ng flowershop pero hindi ako kaagad na lumabas instead pinagmasdan ko ang buong paligid. Medyo hawig ito sa flowershop ni Mama sa San Martin. Noon pa man ay hilig na niya ang mag alaga ng mga halaman, bagay na hindi ko namana sa kanya, but i can appreciate the beauty of a flower. Pero yung talagang dedicated ka para alagaan ito, hindi ko kayang gawin yun..

May ilang mga tao na galing sa loob at may dalang mga napamiling bulaklak. As i look at the glass window, nakita ko si mama abala sa pag aarrange ng mga bulaklak..I compose my self para pagharap ko sa kaniya, may lakas ako ng loob. I count from 1-3 bago tuluyang binuksan ang pintuan.

"Good Morning ma'am tuloy po kayo" magalang na sabi ng babae. I think empliyada siya ni mama.

"Hello good morning, nag hahanap ako ng magandang bulaklak, ibibigay ko sa mama ko" ngiting sabi ko.

"Ay marami po kami nyan! Halika po ipapakita ko sa inyo at ipapakilala ko po ang boss namin" sumunod ako sa kaniya, habang papalapit ako sa gawi ni mama, lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

"Excuse me ma'am, may client po tayo" pagsasabi nito kay mama.. inilapag naman muna ni mama ang boquet sa table bago humarap sakin..

"Mrs. Guevarra, what a surprise!" Masayang sabi nito.

"Hello po! Ma'am"bati ko rito.

"Anong maipaglilingkod ko sayo Mrs. Guevarra?"

"Jade nalang po itawag niyo sakin" ngiti ko rito. "Humahanap po kase ako ng bulaklak para sa mama ko".

"Napakaswerte ng iyong ina dahil bukod sa maganda ay napaka bait mo pa" may bahid ng lungkot na sabi niya bago tumalikod sakin at kumuha ng ilang stargazers.

"I think your mom will like this" pakita niya sa akin sa bulaklak na hawak niya.

"Stargazers" ngiti ko sa kaniya.

"Paborito ito ng anak ko" ngumiti siya ng pilit at bakas ang lungkot sa maganda niyang mukha.

"Bakit po kayo malungkot?. Ito pala ang paboritong bulaklak ni Carmy.."ngiti ko sa kaniya. Ngunit tumitig ulit siya sa bulaklak na hawak niya.

"Si Rhian.. paborito ito ng anak kong si Rhian" tumitig siya sakin.

"We have the same taste po pala..these are my favorite too." Hinawakan ko ang bulaklak at niyakap ito. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ang totoo para hindi na siya mangulila pa sakin. Pinili kong makipag usap ng matagal kay mama, kaya kaagad akong pumayag na mag tsaa muna sa mini garden nila.

"Kahit hindi siya nag mula sa sinapupunan ko, nag mula naman siya sa puso ko, labis labia akong nangungulila sa kaniya. Kung pwede ko lang ibalik ang mga panahon nakasama ko siya . Miss ko na ang anak ko" hindi na napigilang maluha ni Mama, kahit ako, gusto ko na ring umiyak pero pinipigil ko lang.

"Matatanggap ko pa siguro kung nakita nga ang kaniyang katawan pero hindi, umaasa pa rin ako na babalik siya. Kahit ang totoo kong anak, alam kong nawawalan na ko ng panahon sa kaniya dahil lagi si Rhian ang nasa isip ko. Alam kong malaki na ang pagkukulang ko lalo na at nag dadalang tao siya."  Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"B-bakit hindi nalang po kayo mag focus sa totoo ninyong anak? Tutal anak niyo po talaga siya at wala na si Rhian" umiling iling lang siya sakin pero halatang pinasisigla ang boses.

"Oo at anak ko nga si Carmy, dugo at laman pero hindi siya nabuo sa pagmamahal sa pagitan namin ng ama niya".

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong, bumuntong hininga muna siya bago siya muling tumingin sa akin.

"Si Renato, Ang ama ni Carmy ay dati kong kasintahan. Hindi niya matanggap na simula palang sa una ay mahal ko na ang matalik kong kaibigan na si Gerry. Ang ama ni Rhian..ngunit lihim lang ito dahil ayokong mag iba ang turing sakin ni Gerry. " hindi ko aakalaing noon pa lang ay magkakilala ng lubos si daddy at si Mama..hindi niya sakin nababanggit ang mga bagay na ito.

"Hanggang sa dumating ang araw na nagtapat rin ng pag ibig sakin si Gerry. Mag Cocollege na kami noon. Naging kami, ngunit nalaman ito ni Don Cesar, ang ama ni Gerry..hinadlangan niya ang pag iibigan namin dahil noong mga panahong iyon ay hindi pwedeng mag ibigan ang mayaman at mahirap. Ipinaglaban ako ni Gerry sa ama niya, dumating pa nga sa punto na aalisan siya ng mana, ngunit nagmatigas si Gerry.. na kahit iisa siyang anak ay kaya nyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Ngunit ako na ang nakiusap na wag niya itong gagawin sa pamilya niya..ako na ang lumayo.. hanggang sa paglipas ng panahon..nalaman kong ikakasal na siya kay Clara, ang ina ni Rhian..masaya ako para sa kanilang dalawa, at ako, naging kami ni Renato hanggang sa ayain niya akong magpakasal. Ngunit sa puso ko masaya ako kay Gerry at siya ang mahal ko. Ngunit sa ilang taong pinagsamahan namin ni Renato, hindi ko siya natutunang mahalin kundi si Gerry lang, may nararamdaman ako para kay Renato pero hindi kagaya ng kay Gerry. Hanggang sa mag silang ako ng isang batang babae, si Carmy. Mahal ko ang anak ko, buong oras ko sa kaniya nakalaan, siya at trabaho ko lang ang inatupag ko. Hanggang sa nakipag hiwalay sakin si Renato"

"Bakit po kayo nag hiwalay ng iyong asawa?" Malumanay kong tanong.

"Dahil hindi ko magampanan ang pagiging asawa sa kaniya, humanap siya ng kalinga sa ibang babae, kung kaya't pinagbigyan ko na rin siya, hindi ko na pinilit pa ang relasyon namin. Alam kong masama ang epekto nito kay Carmy, kaya nag iba na rin ang pakikitungo niya sakin ng mag kaisip ito. Hanggang sa pag lipas pa ng ilang mga taon, nag krus muli ang landas namin ni Gerry, at doon ko narinig ang nangyari sa kaniyang asawa." May bahid lungkot na sabi ni Mama Amanda, gusto ko na siyang yakapin at sabihin sa kaniya ang totoo.

"Kaya ng mabigyan kami ng pagkakataon na magkasama muli ni Gerry, buong puso ko iyong tinanggap. Kaagad akong napalapit sa anak niyang si Rhian..kaya hanggang ngayon labis labis ang pangungulila ko sa kaniya" tumingin siya sakin habang umiiyak. "Kaya ng makita kita, hiniling ko na sana ikaw na lang siya, gusto ko na siyang magbalik..ang anak ko" napatakip na siya ng kaniyang palad sa mukha. Hidni ko na rin mapigil, sasabihin ko na ang totoo.

Dahan dahan ko siyang hinawakan sa balikat habang nakayuko pa rin siya.

"W-wag na po kayo umiyak M-mama" sambit ko.. napaangat naman siya ng tingin sakin.

"A-anong sabi mo?" Patuloy panrin siya sa pag iyak.

"M-mama .." garalgal kong sabi. Kitang kita ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. "Ma..i'm sorry" pati ako ay humahagulgol na rin ng iyak..mahigpit niya akong niyakap.

"Diyos ko! Salamat at dininig nyo ang dalangin ko" yumakap na rin ako ng mahigpit.

"Mama namiss kita..im sorry" bahagya muna siyang lumayo sakin at dinampi ang aking mga mata.

"Anak..a-anong nangyari ba? Bakit ka nawala..anak" ang pag iyak niya kanina ay napalitan ng iyak na masaya.

"Mahabang kwento po mama..pero wag niyo po muna sasabihin..tayo lang po ang nakakaalam."hinalikan ako ni mama sa noo.

"Matutuwa nito ang kapatid mo..sasabihin ko ito" hinawakan ko ang mga kamay ni mama.

"Ma, wag niyo na sabihin kay Carmy..ayoko ng makagulo lalo na at isa na silang pamilya" ngumiti ako ng mapakla.

"Patawad anak, wala ako nagawa tungkol sa bagay na iyon." Nakayukong sabi ni mama.

"Ma, wala na po sakin yun. Ang mahalaga bumalik na ako, binalikan ko po kayo".

"Pero anak, yung tungkol kay Ms. Guevarra totoo ba yun?" Hindi siguro makapaniwala ai Mama na nagpakasal ako kay Althea.

"Ma" hinawakan ko kamay niya" totoo po lahat na iyon, pati ang nararamdaman ko, mahal ko po ang asawa ko" ngiti ko sa kaniya, dinampi naman niya ang pisngi ko.

"Hindi rin po ako makapaniwala nung una, na kaya kong magmahal na kapwa ko babae, pero anong magagawa ko? Bigla ko nalang naramdaman at ayoko ng pigilin dahil sa kaniya ko lang naman naramdaman ang kakaibang feeling. Hindi tulad ng kay Jason."

"Pero anak, hindi ka ba natatakot na kutyain ng iba?" Umiling ako.

"Hindi po Ma, kilala niyo ako, kapag ang isang bagay o tao ay napamahal sakin, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, as long as hindi ko sila nasasaktan at nayuyurakan. May saril sarili naman po tayong buhay na dapat tutukan. And im chosing this way po mama"

"Im happy for you anak, sa wakas at nakita mo na ang tamang tao para sayo."

"Pwede ka ba mag stay ng ilang oras lang sa bahay mama? Para makilala mo pa si Althea ng husto. Excited na ko malaman niya na alam mo na"

"Sige anak basta ikaw." Bakas sa mga mata namin ang kasiyahan.

Althea Guevarra's Pov

Pagkahatid ko kay Zyle sa room niya, hindi ko matiis na pumunta sa exhibit room, sa lugar kung saan nakita ko ang mga paintings at maging ang kay Jade. I look at my wrist watch, 8: 40 palang. Ok lang din na mahuli ako. Pag tapat ko sa pintuan nakita ko ang batang kausap ko at si Cathleen magkausap.

"I told you not to show this painting to anyone di ba?" Pinapangaralan nito ang batang kausap ko nung nagpunta ako dito dati.

"I'm sorry po teacher, ang ganda ganda po kase eh. Kelan po ulit kayo gagawa ng kagaya niyan? Sya po ulit gawin nyo ha" excited na sabi pa ng bata.

"Pag iisipan ko muna, medyo busy pa ako eh, teka maiba ako Gerald, bukod sa mga classmate mo, kanino mo pa pinakita itong secret natin?" Tukoy ni Cathleen sa painting.

"Hmmm" nag iisip ang batang lalaki " alam ko na, dun sa babaeng maganda na may maiksing buhok..kasama sila ni Zyle nung makita ko siya" i know ako dinedescribe ng batang ito, at sa sobrang likot niya, napagawi ang tingin niya sakin at nagtama ang aming paningin habang si Cathleen ay nakayuko at may kinukuha sa drawer ng table.

"Sya teacher" turo sakin ng bata, nanatili akong nakatayo habang nag angat si Cathleen ng tingin at bahagya pa itong nagulat na ako ang nakita niya.

"A-althea" she almoat whispered my name but i only nodd at her.

"Can i borrow your time for a bit?" Kalmado ngunit seryoso kong sabi.

"Sure, come in"  pag aaya ni Cathleen.

"Gerald, pumunta kana muna sa room mo, mamaya nalang ikaw pumunta dito kapag art lesson na natin okay?" Ngiting sabi nito sa bata. Kinuha naman nito ang bag niya at isinukbit sa likod.

"Bye teacher! By miss Beautiful!" Paalam rin nito sakin at ngumiti ako.

"You want drinks? Coffee, juice or water?" Pagaalok niya sakin. Naupo ako sa single couch at naupo rin siya sa tapat ko.

"No need Miss Fernandez, hindi rin naman ako mag tatagal dito, hinatid ko lang si Zyle sa room nya. At may gusto lang akong linawin sayo" seryoso kong sabi, tumingin lang siya sakin at tipid na ngumiti, parang alam na niya ang pinupunto ko.

"Go on miss Guevarra" wika niya sakin.

"Straight question Miss Fernandez, may gusto ka ba sa asawa ko?" Hindi kagad siya nakaimik, tinatantya ko ang reaction niya pero tanging nakatitig lang siya sakin, she sighed afterwards.

"To tell you honestly Miss Guevarra, walang ni isang tao ang makakapansin sa taglay na ganda at kabaitan ni Jade, so anyone can fall for her"

"But my question is only for you" seryoso kong sabi. Tumingin muna siya sa painting ni Jade at pinagmasdan namin ito, totoo naman siya. Lahat maaring mahumaling sa kaniya. Lalo na sa ugali nito.

"Yes" kalmado ngunit may halong hinanakit na sabi niya.

"I can see it coming, hindi rin kita masisisi kung mahulog ka sa kaniya. But i'm advising you bilang kaibigan mo na rin at asawa ni Jade. Hangga't maaga pa, pigilan mo na para hindi ka masaktan. "

"Yes i know, at wala naman akong balak na guluhin pa kayo, she's definitely inlove with you. Ngiti niyang sabi sakin.

"If yoy say so, wag mo lang kakalimutan na binalaan kita, ayoko lang dumating sa punto na pareho kayong masaktan dahil hindi niyo pinanatili ang pagkakaibigan niyo, hindi sa ayokong mawala si Jade sakin at ipapaubaya ko siya sayo, advise ko lang ito in general. "

"Of course i know Miss Guevarra and thanks for reminding that"  inilahad ko naman ang palad ko sa kaniya.

"Friends" sabi ko. At tinanggap naman niya ang kamay ko.

"Friends" we smiled at each other.

After i talk to her, i proceed to my company. Kahit papano ay lumuwag ang pakiramdam ko,   pero hindi pa rin ako totally panatag sa nararamdaman ni Cathleen para sa asawa ko, ibang usapan na ang may involvement ng feeling para sa kaibigan, napakahirap ngunit kelangan pigilin para hindi masira ang pag kakaibigan. And i hope Cathleen will do the right thing.

Love Calling....

"Hello Love?"

"Hi Lab, what time ka uuwi?"

"I don't know love, titingnan ko sa sched ko"

"Please come home early, kahit mga 2:39 if wala kang gawa"

"Miss me already?" Di ko mapigilang mapahagikgik.

"Of course! Every minute, every hour"

"Wow! I should go home early na nga, miss ko na rin ang mahal ko eh"

"Yes, and i have a surprise for you when you get home. And lab, are you driving?"

"Yes, may pinuntahan lang ako, but i'm heading to the company"

"Careful driving okay? Sige na mamaya nalang, i love you!

"I love you too Boss" then i ended the call.

Hours had pass, since half day rin si Zyle sa school ay sinundo ko na siya then sa bahay nalang kami mag lalunch dahil sinabi ko kay Jade na pauwi na kami, sakto daw dahil nagluluto sila ng pang tanghalian. Pagkapark ko sa garahe ng sasakyan, i heared some voices na nag kukwentuhan.

"Lola Amanda!" Sigaw ni Zyle ng makapasok siya sa loob ng mansion habang ako eh dala ko ang laptop bag ko nakasakbit pa to sa balikat ko. Nakita ko si Mrs. Amanda na yakap yakap si Zyle. Lumabas naman galing sa kusina si Jade at may dalang pinggan habang nakasuot sya ng apron while her hair is fix into a loose bun, napaka ganda talaga ng asawa ko.

"Lab! Anjan kana pala" ngiti niyang sabi habang inaalia ang apron at patakbong lumapit sakin. She kiss me on my lips na ikinagulat ko pa, nakita kong nakatingin si Mrs. Amanda, kaya bigla akong nahiya, ang isipin kong narito ang ina ng asawa ko ay nakakahiya pa rin na makita kaming ganun.

"Enily pakidala sa kwarto namin itong gamit ko, salamat" iniabot ko sa kasambahay namin ang bag ko.

"Halika lab, ipapakilala kita kay Mama" masayang sabi ni Jade habang hawak ako sa kamay.

"Ma, si Althea po! Ang asawa ko.". Nginitian ako ng mama ni Jade at laking gulat ko ng yakapin niya ako.

"Salamat Althea, ikaw ang naging asawa ng anak ko" naguluhan naman ako sa ainabi niya. Kaya ng maghiwalay kami ng yakap ay tumingin ako kay Jade.

"She already know na lab, i told her.. and this is my surprise for you" masayang sabi nito.

"Wow, thats...wow" wala akong mahagilap na salita , dahil finally hindi na mangungulila ang asawa ko sa kaniyang ina.

"Tara na, lets talk this over lunch" hinila na ulit ako ni Jade papunta sa dinning area. Ako ang nakaupo sa cabisera habang ai Jade ang nasa kanan ko, si Mama Amanda at Zyle naman ang magkalapit sa Kaliwa.

"Ma'am dito na rin po kayo magpalipas ng gabi para mas okay po" sabi ko sa mama ni Jade, habang ipinaglalagay siya ng pagkain sa pinggan niya.

"Mama nalang ang itawag mo sakin Althea, anak..asawa ka ni Jade kaya tawagin mo na rin akong mama" nakangiting sabi niya, at punagmasdan ko si Jade na nakangiti rin.

"Sige po M-mama" nahihiya kong sabi.

"Ma, pwede ka ba magpalipas ng gabi dito?" Tanong ni Jade.

"Anak siguro sa ibang araw nalang, baka bigla mag taka ang kapatid mo eh, maiba ako anak, wala ka ba talagang balak sabihin ito sa kapatid mo?" Sandaling nagkatinginan kami ni Jade, marahil ay hindi pa nito sinasabi sa kaniyang ina ang totoong dahilan.

"Ma, mabuti na pong hindi pa nila malaman, gagawan ko po ng paraan pero hindi pa ngayon, basta po tayo lang ang nakakaalam nito.."

"Sige anak kung yan ang nais mo."tipid na ngumiti si Mama Amanda.

"Mommy Jade, pabalik na rin po ba sila Mommy?" Tanong ni Zyle.

"Oo baby, mapapaaga ang uwi nila, siguro sa isang araw nandito na yun" paliwanag ni Jade.

"Yehey!" Masayang sabi naman ng bata.

"Teka mga anak, kelan niyo ba ako bibigyan ng apo?" Bigla naman nasamid si Jade, kaya hinagod ko ang likod niya at inabutan ng tubig.

"Ma" suway nito habang umuubo pa.

"Oh bakit? Nasa tamang edad naman kayo at kasal na, i heared na pwede na ngayon magkaanak ang parehong babae"

"Mama we're planning for that...soon" aagot ko naman at tumingin sakin si Jade, i juat wink at her.

"Mabuti yun, para naman may inaalagaan na ko bukod sa anak ni Carmy. " masayang sabi ni Mama.

Jade Guevarra's Pov

"Lab tara hatid na natin si Mama" its 6:00 pm, nag aya na si mama na uuwi na muna siya, baka magtaka daw si Carmy at ginabi na siya. Kaya i suggest na ihatid na lang namin siya.

"Tara" pag aaya naman ni Althea. Naupo sa backseat si Mama habang ako ay hawak ko ang kamay ni Althea at siya ang nagmamaneho, hindi na ako nahihiya na ipakita kay Mama ang pagmamahal ko kay Althea kahit ito namang isa, nahihiya, lagi kaseng namumula ang pisngi tulad nalang kapag lagi ko siya ninanakawan ng halik at nagkakataong nakatingin si mama, naku naku buti nalang at hindi pa ko pinapakulong nitong si Althea, ang hilig ko magnakaw ng halik sa kaniya eh hehe and she's my willing victim for sure.

"Mga anak, dito na lang" sabi ni Mama. Hindi ko namalayan na mabilis pala kaming nakarating sa subdivision na tinitirhan ni Mama.

"Ma, call me kapag naiinip po kayo ha" sabi ko rito.

"Yes anak, mag iingat kayo ha" after we bid good byes. Naiaipan kong wag muna umuwi.

"Lab are you busy?" Tanong ko kay Althea at paminsan minsan siyang sumusulyap dahil nag ddrive siya.

"Hindi naman love bakit?"

"Tambay muna tayo sa park, gusto ko kumain ng street foods" sabi ko.

"I like your idea love, sige tara" .

Park...

"Lab, ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasabi ko na kay Mama ang totoo" sambit ko habang kumakain ng street foods, nakaupo kami sa damuhan. Okay lang naman dahil nakasuot lang kami ng denim jeans at dark blue shirt. Pareho nanaman kami hehe.

"Yes, and im sure hindi na malulungkot si mama, pero love, nasabi mo na ba ang plano mo?"tinitigan niya ko.

"Honestly lab, parang nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa, pero kase, mawawalan ng halaga kung hindi ko itutuloy yun eh" hinawakan naman ni Althea ang mga kamay ko.

"Ayoko lang masaktan ka love, gawin mo kung anong nararapat, handa naman kitang suportahan. Kung gusto mong bigyan sila ng leksyon sa nangyari then go, but make sure na wala kang regret"

"I know naman lab, kaya pinag iisipan ko muna, ayokong masaktan si Mama sa gagawin ko" tipid kong ngiti sa kaniya. But she just kiss me on my forhead.

"Ikaw na babae ka! Pinag aaral kita yun pala nakikipag date ka sa kapwa babae! Nakakahiya ka! Umuwi ka ng bahay ! Mga imoral!" Pareho kaming napalingon ni Althea sa taong sumisigaw, nakakaagaw na rin ito ng pansin sa mga naroroon.

"Love stay here" payo sakin ni althea ng akma siyang lalapit.

"Lab i'll go with you" kumapit ako sa braso niya. Nakita namin ang isang batang babae na hawak hawak sa buhok habang umiiyak ng matabang babae ang isa naman ay umaawat.

"Nay tama na po!" Pag mamakaawa ng dalagita. Ang mga tao nanunuod lang. Hindi tinutulungan ang mga ito.

"Anong tama na! Imoral ka! Pumapatol ka sa babaeng yan" turo naman nito sa babaeng pilit na umaawat at napatingin dito si althea.

"Nagtatrabaho ako pero ito ginagawa mo? Anong maipapakain sa iyo niyan? Hindi ka niyan mahal! Katawan mo lang ang kelangan niyan at kapag laspag kana iiwan ka rin niyan!"

"Hindi po totoo yan! Mahal ko po ang anak niyo!" Katwiran naman ng sa tingin ko eh empliyada dahil naka uniform pa ito, actually parwho pala nakauniform.

"Wag kang sumabat na babae ka!" At siya naman ang sinabunutan ng matandang babae.

"Tama na!" Sigaw ni Althea at tumulong na rin siya sa pag awat kaya naki awat na rin ako, hawak ni Althea ang matandang babae habang  ako naman ay inilalayo ang sinasabunutan niya.

"Ma'am please stop it your making a scene" pakiusap ni Althea at sa paglipas ng oras nagawa na ring kumalma nito.

"At sino kayo? Kaibigan rin ng lesbiana na yan? Pati anak ko hinahawan na!" Galit na sabi nito.

"Ma'am sa tingin ko wala namang problema sa pagiging lesbiana, hindi naman kami nakakasakit ng kapwa namin" paliwanag ni Althea.

"Edi inaamin mo ngang lesbiana ka?at yang kasama mo? Hinawahan mo rin?"tukoy niya sakin, nakita kong napatungo si Althea.

"Ma'am mawalang galang na po, wala po akong pakialam kung anong itawag niyo pa samin, dapat nga po kayo ang unang umiintindi sa anak niyo dahil anak niyo sya at wala naman siyang ginawang masama kundi magmahal lang. At hindi naman yun masama."katwiran ko, magkayakap na ngayon ang magkasintahan habang kami ay pinanunuod ng mga tao.

"Meron! Dahil mga imoral kayo! Hindiy yan tanggap ng publiko" sigaw ng matanda.

"Kung hindi kami tanggap, wala na kaming magagawa, Ang mahalaga hindi kami nananakit ng kapwa namin. At sa mga may malawak na pag iisip, salamat kung naiintindihan niyo kami" saglit pa akong tumingin sa mga tao, iba iba ang kanilang reaksiyon ang iba ay namangha sa sinabi ko, ang iba ay halos maauka na sa nasaksihan..

"Ewan ko sa inyo! Hoy Babae umuwi ka kundi malilintikan ka!" Walk out ng matabang matandang babae. Sumunod pa sa babae si Althea at waring may sinabi ito. At pagkasabi ay bumalik na sakin.

"Love are you okay? Tara we'll go home" saka lang ako napabalik sa sarili ko ng magsalita siya.

"Lab pano sila?" Turo ko sa dalawa na nag iiyak.

"Sa bahay natin muna sila patutuluyin"hawak niya ako sa balikat.

"Pano yung matandang babae?"

"Don't worry kaya ako lumapit sa kaniya dahil sabi ko iuuwi muna natin yung dalawa."

"Di kaya magalit yun?" Alam kong makulit ang pagtatanong ko pero kase, natatakot ako.

"Rest assure love, dont worry..tara na..." tumango ako.

"Hey love birds sama muna kayo samin, we'll talk about it sa bahay" ngiting sabi ni Althea.

"M-maraming salamat po Ma'am Althea" tumango naman si althea dito. I think empliyada siya sa company ni Althea dahil kilala siya nito.

Tahimik lang ang buong biyahe namin, kaagad kaming pinagbuksan ng bahay ni George at sinalubong kami ni Zyle.

"Mommy!"tumakbo ito sakin at yumakap pa habang hawak ang laruang robot.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko dito habang nasa likod namin ang tatlo.

"Opo, pinakain po ko ni Nanay Lora, sino po sila?" Turo ni zyle sa dalawang kasama ni Althea.

"Tuloy kayo, ipapahanda ko lang ang guest room at ang makakain nyo" sabi ni Althea.

"Lab ako na bahala sa dinner" sabi ko naman at ngumiti sakin si Althea. Naupo muna sa sala ang magkasintahan habang humihikbi pa ang dalagita. Inaalo naman siya ng mas nakakatanda.

"Baby, punta ka muna sa sala, mag hahanda lang si mommy ng dinner okay?play ka muna?"sabi ko rito.

"Sige mommy, gagawa na rin po ako ng assignments ko" sabi nito at tumakbo sa sala. Ako naman ay pumunta sa kitchen. At nagtingin ng pwedeng makain ng dalawa. After 20xminutes ay tinawag ko na sila.

"Lab, dinner is ready" sabi ko sa kanila, kausap na kase ni Althea ang dalawa sa sala.

"Halika, kumain muna kayo, wag niyo na muna isipin yung nagyari" sabi ko sa mga ito at tipid naman silang ngumiti sakin. Nauoo ang dalawa na magkatabi habang kami ni Althea ang sa katapat naman nila.

"Lab ok na ba ang guest room?" Tanong ko kay Althea.

"Yes love" tumingin naman ako sa dalawa.

"Uhm ano pala mga pangalan niyo?" Ngiti kong tanong sa kanila.

"Ako po si Carlex, nagtatrabaho po ako sa company ni Miss Althea" pakilala ng babaeng mas may edad, maganda siya at maputi medyo singkit rin ang mata.

"Ako po si Cheska, 3rd year college po" nahihiyang sabi nito samin.

"So ilang years ang agwat ninyo? Kung inyong mamarapatin?" Tanong ko ulit.

"5 years po" sagot ni Carlex.

"Wow! How about your relationship?" Follow up question ko.

"3 years po ma'am" sagot ni Cheska, nagkatinginan pa silang dalawa and i can see na mahal nila ang isa't isa.

"Anong plano niyo?" Tanong ni Althea kay Carlex.

"Wala po akong balak na hiwalayan siya ma'am, ipaglalaban ko po siya" ngumiti naman ng pilit si Cheska kay Carlex, alam niya kase na hindi madali ang ganitong relasyon. About sa physical appearance, they're just like us, femme, kaya marami siguro nagulat na lesbian rin sila, hindi kase halata.

"Good, pero dapat hindi lang salita, dapat pati sa gawa. Para sayo naman Cheska, don't worry kung natatakot kang umuwi, ipapahatid ko kayo bukas sa personal assistant ko kay george..at siaiguraduhin kong hindi ka sasaktan ng magulang mo. I know mahirap tanggapin sa magulang na ang anak nila ay lesbiana pero Pang unawa lang naman ang kelangan para maintindihan ang ganitong relasyon. Basta mag tiwala lang kayo sa isa't isa." Payo ni Althea sa dalawa.

9:30 na ng maisipan naming magpahinga dahil pare pareho kaming pagod, nakapag ayos na rin ako ng sarili ko at matutulog nalang ang kulang. Naiisip ko yung mga nangyari kanina, sa pag uusap namin ni Mama, na hindi nga madali ang ganitong klase ng relasyon. At nakikita ko nga sa ibang relasyon na after ilang taon nag hihiwalay din. At ayoko namang mangyari samin yun. Ayokong magkahiwalay kami ni Althea.

"Love, are you okay?" Tumabi siya sakin sa edge ng kama. Humarap ako sa kaniya at ngumiti.

"Yes lab" tipid kong sagot. Hinalikan naman niya ako sa labi, na agad kong tinugon..

"Alam ko kung ano ang bumabagabag jan sa isipan mo" she caress may face, at napabuntong hininga ako.

"Ayokong isipin na may punto yung nanay ni Cheska tungkol sa ganitong relasyon, i know maraming trials sa ganitong relasyon at naroon ang makutya ka ng mga tao, ang hindi ko lang matanggap ay yung sabihin sa maraming tao na ang habol lang sayo is katawan mo and after nun iiwan kana. Then theres the word immoral" hindi ko maiwasang maging malungkot, lumapit naman sakin si Althea at niyakap ako, i place my face at the crook of her neck.

"Shhh, wag kang magpa apekto sa sinabi niya okay? Hindi naman ganun ang nararanasan natin di ba? Hindi naman katawan mo ang habol ko love"

"I know pero ayoko lang na may masabi silang masama tungkol sayo" i whispered habang nananatili parin kami sa ganung posisyon.

"Dont mind me love, sanay na ako, wala akong pakialam sa sinasabi ng iba, ikaw ang mundo ko, ikaw ang priority ko, my goal is to make you happy" naghiwalay muna kaming dalawa at tinitigan ko siya.

"Happy wife means happy life di ba?" Ngiti niyang sabi sakin. I pinch her nose and kiss her lips na kaniya namang tinugon.

"Lab, i want to feel your warm body" pagsusumamo ko sa kaniya.

"Of course love" she kiss me on my forhead and she start to take off her pajama and i do the same, gusto ko kaseng maramdaman ang init ng katawan niya, na walang halong pag nanasa o ano pa man.

"I want you to know na hindi lang katawan mo ang habol ko, we can sleep like this na walang nangyayari satin basta ang maramdaman lang ang mga init ng ating katawan." She kiss my lips at yumakap pa ako ng mahigpit sa kaniya habang nababalot kami ng kumot. We're both naked at mas maganda pala ang ganitong pakiramdam, paminsan minsan isusuggest ko kay Althea na wag na kami magdamit pag matutulog para less sa labahin hehe joke!.

"Lab, alam mo ba na second chance pala ang nangyari kila mama at daddy?" Tumingin naman sakin si Althea.

"Really? Pano nangyare?" Kinuwento ko kay Althea ang mga sinabi ni Mama, at tuwang tuwa sya sa love story ng mga ito.

"Wow, thats so romantic, after how many years pinagtagpo ulit sila, hindi nawala ang love nila sa isa't isa.."komento ni Althea.

"Tayo kaya may second chance?" Out of nowhere bigla ko naitanong, tinaasan naman ako ni Althea ng kilay.

"None" sagot niya

"Bakit?" Nakasimangot kong tanong.

"Dahil hindi naman tayo maghihiwalay" she kiss my forhead.

"What if may makilala kang iba?"tanong ko.

"That will never happen" sagot ni Althea.

"Wag ka magsalita ng tapos lab, malay mo naman."

"At wag ka ring maging negative dahil sinasabi ko sayo, ikaw lang ang mamahalin ko".

"Ee kase eh, baka kainin mo yang sinasabi mo" naka labi kong sabi, niyakao naman niya ako ng mahigpit.

"Pwede bang ikaw nalang ang kainin ko?" She chuckled.

"Sira! Behave" pinalo ko siya sa balikat na ikinatawa pa niya. Nagsumiksik pa kong lalo sa kaniya.

"I love you" bulong niya sakin.

"And i love you too lab" i kiss her lips.

*********

Jade Guevarra's Pov

After ng gabing pinatuloy namin sila Cheska at Carlex, kinabukasan ay nagkameron ng biglaang out of the country meeting si Althea kasama ang mga international business partner niya, at sa nakakainis na parte ay kasama pa niya si Ben na walang ginawa kundi magpa cute sa asawa ko, nakakaasiwa. Kami naman ay narito sa beach resort na pag mamay ari ng pamilya ni Bianca, nag aya sila Sally dahil namiss daw nito kami, kumpleto kami pwera nalang kay Cathleen na susunod nalang daw ito, speaking of Cathleen, hindi na rin siya nagtetext sakin nitong mga nakaraang araw.

"Oh Jade ang lalim ng iniisip mo ah, dalawang araw lang na wala ai Althea namimiss mo agad?" Tanong ni Batchi. Yeah 2 days na wala si Althea, kami naman 3 days dito.

"Miss ko na siya" pag amin ko.

"Iyaaahhh! May Althea Syndrome kana" ngirit ni Jasmin habang nakaakbay kay Bianca, andito kami sa rest house, kumakain ng lunch.

"Asan na ba si Cathleen? Mag papatalbugan pa kami ng swim wear nung baklang yun eh" sabi ni Wila.

"Present!" Biglang sabi ng babaeng kanina pa namin hinihintay, may dala siyang dalawang platic at sa tingin ko ay mga pagkain rin.

"Ayun dumating rin!" Sigaw ni Sally.

"Pang dagdag sa pagkain girls" masayang sabi nito, pinagmasdan ko lang siya, namiss ko rin ang babaeng ito eh, kaya lang everytime na magkakatinginan kami, bigla siyang umiiwas ng tingin..ano kaya problema nito.

"Tabi kana samin, ng makakain kana rin" pag aaya ni Paul.

"Busog pa ko guys, mamaya nalang" napatingin siyang muli sakin at umiwas nanaman ng tingin. "Punta muna ako sa pool" paalam nito.

"Mag CR lang ako" paalam ko naman pero ang totoo ay susundan ko si Cathleen. Nakaupo lang sya sa tabi ng swimming pool habang naka lublob ang paa sa tubig.

"Cath" tawag ko dito at lumingon naman siya.

"Jade, ikaw pala" pilit na ngumiti siya, naupo naman ako sa tabi niya, kami lang dalawa ang narito. Private resort kase ito nila Bianca.

"Kumusta kana? Bakit hindi kana nagtetext sakin?" May himig tampo na sabi ko.

"Busy lang ako sa trababo ko, pero okay naman ako, yeah.." parang hindi naman makatotohanan ang sinasabi niyang okay siya, parang more on kinoconvince niya sarili niya.

"G-ganun ba? Buti naka sunod ka dito" ngiting sabi ko.

"Pinilit kase ako nila Wila"

"So wala ka talagang balak na pumunta dito?" Naka pamewang na sabi ko.

"Oo, nandito ka eh" biro niya habang tumatawa.

"Ah ganon ha!" Pinalo ko siya sa balikat at kinikiliti.

"Ahahah..jade tama na..hahaha Jade!" Sigaw niya hanggang sa malaglag siya sa pool at sa haba ng kamay niya nahila niya ako kaya pareho na kami ngayong basa at lumalangoy.

"Argh! Dinamay mo pa ako" hampas ko sa tubig na parang bata.

"Ang kulit mo kase eh.." ngiting sabi niya habang winiwisikan ako ng tubig.

"Ay ang dadaya nyo! Naligo na kagad kayo" napalingin kami kila Batchi na ngayon ay ready na rin mag swimming.

"Dun tayo sa beach mas maganda" pag aaya ni Bianca.

"Tara Jade" unang umahon si Cathleen at inilahad naman niya ang kamay niya para tulungan ako makaahon, tinanggap ko naman ito at ngumiti sa kaniya.

Althea Guevarra's Pov

Nandito kami ngayon sa New York, biglaan itong meeting na ito, dapat sa next week pa pero mahirap kaseng makatyempo ng araw na pwede ang mga client ko, kaya i grab the opportunity, pumayag naman si Jade at sila naman ay nasa family beqch resort nila Bianca. After ko rin makipag usap sa mga client ko ay sasadyain ko ang doctor ko, this time sisiguraduhin kong magkaka baby na kami ni Jade, willing ako na mag undergo ng mga test ngayon basta sakin manggagaling ang eggcell, basta i'll make sure na secure ito hangga't hindi pa ito alam ni Jade. I'll surprise her. And i hope she will love my idea.

Jade Guevarra's Pov

Its 7:30 pm, nandito kaming muli sa rest house, sila Paul ang nagluluto ng dinner, kasing sali si Zyle sa pag iihaw habang kaming mga babae ay nakahiga at nagkukwentuhan. Si Cathleen nandoon sa may tabing dagat, alam ko umiiwas siya, ang di ko lang alam ay bakit.

Lumipas pa ang ilang oras at naisipan ni Jasmin na maglaro ng spin the bottle. Medyo may mga tama na rin sila ng alak eh, naki halubilo na rin samin si Cathleen at nasa tapat ko na siya. Unang naka tapat ay kay Jasmin at kung ani anong dare ang pinagawa nila, sa paglipas pa ng oras halos sila lang ang natatamaan at minsan ay ako, si Cathleen ang hindi pa natatawag.

"Oy Cathleen ikaw na!" Saktong sa kaniya tumapat ang bote.

"Truth or dare?" Tanong ni Bianca.

"Both!" Sagot ni Cathleen.

"Pwede ba yun?" Tanong naman ni Sally.

"Oo yun pinili niya eh" si wila naman ang sumagot.

"Okay sige, sa ating mga girls, i know magaganda naman tayong lahat, may chance ba na nagka crush ka sa isa sa amin? At kung meron, ikiss mo siya sa lips for 1 minute" instruction ni Batchi. Lahat nakaabang kay Cathleen at tila nag iisip pa siya kung sino, hindi ko gusto ang tinatakbo ng dare na ito, tatayo na sana ako pero hinila ako ni Cathleen at bulong siya ng 'sorry' sa bilis ng oras hinalikan na niya ako sa aking labi.

"Woaahhh" sabay sabay nilang sabi. At pagkatapos ng halik na iyon ay tumayo muna ako at nagpunta sa tabing dagat. Lumangoy ako ng lumangoy dahil naiiyak ako sa nangyari, hindi ko aakalain na Tama si Althea sa mga sinabi niya tungkol kay Cathleen.

Di ko rin namalayan na napupulikat na ako.

"Tulong! Tulong!" At bago pa man ako tuluyang makalubog ay may mga kamay ng tumulong sakin..

Ramdam kong may nagsasagawa ng CPR sakin at may pagkakataon pang nahahalikan ang labi ko, at ilang sandali pa at iniluwa ko na ang tubig dagat..

"Thank God your awake now" sabi sakin ni Cathleen, tiningnan ko nalang siya,

"Jade okay ka lang ba?" Tanong ni Sally. Marahil ay mga laaing na ang ibang kasama namin kaya hindi na nila namalayan na may nangyari na sakin.

"O-okay lang ako, pupunta na k-ko sa room" paalam ko sa kanila.

"I'll go with you" inalalayan ako ni Cathleen, hindi ko na makayanan pang pumalag dahil sa nanghihina ang katawan ko, basta namalayan ko nalang na nasa kwarto na ako at nakaupo sa gilid ng kama.

"Hey, i prepare your bath, mag shower ka muna para di sumama pakiramdam mo" may pag aalalang sabi niya sakin, tumango lang ako at nag punta sa loob ng banyo.

Pagkatapat ko sa shower hindi ko mapigilang maiyak, dahil sa ginawa ni Cathleen.

"Laaab" humihikbing sabi ko habang naiisip si Althea, pakiramdam ko ay kagaya na ko ni Jason dahil nagtaksil ako sa kaniya.

"J-jade are you okay?" Kinakatok na ako ni Cathleen sa pinto, alam kong nag aalala na siya dahil naririnig niya ang iyak ko. Minabuti kong  tapusin na ang paliligo ko at inayos ang sarili ko pagkalabas ko ng pinto ay nakatayo si Cathleen at halatang nag aalala siya, sa inis ko sa kaniya nagawa ko siyang sampalin.

"J-jade" gulat niyang sabi.

"Bakit mo ko hinalikan Cathleen? Bakit mo nagawa sakin to?" Inis kong sabi sa kaniya ngunit nanatili siyang nakatayo habang hawak ang pianging nasampal, pilit rin siyang ngumiti sakin dahil alam kong nasasaktan siya.

"Patawad" tanging nasabi lang niya.

"Totoo ba?" Tukoy ko sa nangyari kanina sa dare.

"Oo, at yun din ang dahilan kung bakit iniiwasan kita, pero anong magagawa ko? Nahulog ako sayo." Pag amin niya sakin.

"Alam mong hindi pwede, at kelangan mong pigilin Cath, ayokong masira ang pagkakaibigan natin" malumanay kong sabi habang umiiyak, maging siya ay umiiyak na rin.

"Alam ko" hinawakan pa niya ang mga kamay ko. "Kaya nga nakuntento nalang ako na tingnan ka, at maging kaibigan mo nalang, ayoko ring masira ang pagkakaibigan natin, kaya nga ayokong malaman mo itong nararamdaman ko, pero huli na ang lahat, nalaman ito ng asawa mo ng minsang sunduin ka nila sa school dahil sa nakita niyang painting mo" ito marahil ang dahilan kung bakit nakaisip si Althea ng ganung bagay ng mag tanong ito sakin minsan.

"Sana mas nauna mo nalang ako nakilala kesa kay Althea, dahil masakit pala kapag nahulog ka sa taong pag mamay ari na ng iba" umiiyak na sabi niya.

"M-makakahanap ka rin ng taong para sayo Cath" dampi ko sa pisngi niya pero lalo siyang naiyak sa ginawa ko.

"But you're the one whom i fell in love, at mahirap kalimutan ng basta basta"

"But we have no choice, kelangan mong mamili ng tamang desisyon para hindi mawala ang pag kakaibigan natin" umiiyak na sabi ko.

"Yes i know, that's why kelangan ko ng dumistansya sayo. I'm choosing this way kahit masakit, basta tandaan mo na nandito lang ako para sayo, at kapag okay na ang lahat. Babalik ako, bilang kaibigan mo na, yung buong buo" i hug her tightly habang pareho kaming umiiyak. Nasasaktan ako para sa kaniya dahil hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal na gusto niya.

"Shhh..wag kana umiyak, hindi naman ako totally mawawala sayo eh, aayusin ko lang ang sarili ko" she wipe my tears.. at kahit nasasaktan ay nagagawa pa rin niyang ngumiti.

"Pwede pa rin ba kitang tawagn o itext?" Tanong ko.

"Oo naman, ikaw pa ba?" Ngiting sabi niya. Habang nag pupunas ng mga luha niya.

"Friends?" Pag alok ko sa kamay ko but instead she hug me and i can hear her sob, kahit ako naiiyak ulit pero kelangan pigilin.

"Sige na, magpahinga kana, baka awayin pa ko ni Althea."

"Mag pahinga kana rin" sabi ko sa kaniya, tumango lang siya at palabas na siya ng pinto pero huminto sya.

"Althea is very lucky to have you, how i wish na ako ang nasa sitwasyon niya."

"Ako ang swerte sa kaniya" ngiting sabi ko at ngumiti na rin siya.

Kinabukasan ng hapon ay nagsabi na ako na uuwi na ko ng mansion, wala na rin kase akong gana, nung umaga naman ay umalis na si Cathleen dahil may biglaang appointment daw ito, pero alam kong umiiwas na siya ng tuluyan. Sana maging okay na rin siya, ayokong nasasaktan siya dahil kaibigan ko siya.

Gabi na ko ng makauwi si Jade, pinagbuksan siya ni Nay Lora ng pintuan.

"Senyorita buti nakauwi na po kayo, ipaghahain ko na po kayo ng hapunan"

"Sige po" matamlay at nakayukong sabi ni Jade habang naglalakad paakyat ng hagdan.

"Nay nakauwi na po ba si Jade?" Tanong ni Althea habang may hawak na libro at nakasuot ng reading eyeglass.

"Opo Senyorita, dumiretso po sa kwarto niyo, mukha pong malungkot" sagot ng matanda.

"Sige po salamat" kaagad na umakyat si Althea patungo sa kwarto nila at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto, nakita niya ang asawa niyang nakadapa at umiiyak.

"Love" tawag niya dito, kaagad na bumangon si Jade at nagulat pa sa nakita, hindi niya inakala na narito na ang asawa niya.

"Laaaabbb" umiiyak na sabi nito habang yumakap sa asawa niya.

"What's wrong?" Hinahagod ni Althea ang likod ng asawa niya.

"Buti nandito kana..lab" umiiyak pa ring sabi niya.

"Yes, minadali ko na ang pag uwi ko, kumusta outing niyo? Di ba dapat bukas pa kayo uuwi?" Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Lab tama ka, Cathleen confess her feelings for me" nakita ko namang naging seryoso ang mukha niya.

"What did she do to you?" Kinwento naman ni Jade ang mga nangyari sa resort.

"Pagnakita ko talaga yun sasapakin ko yun, nagawa pa niyang humalik sayo?" Inis na sabi ni Althea habang pinupunasan ang labi ni Jade.

"Lab, hayaan mo nalang siya, i think lumayo muna siya"

"Dapat lang, dahil pinagsabihan ko na siya dati" seryosong sabi ni Althea.

Sa kwarto na rin sila nakapag hapunan, at pagkatapos nito ay nagkwentuhan pa sila ng ilang oras about sa naging byahe naman ni Althea sa ibang bansa pero hindi pa niya sinasabi ang tungkol sa totoong pakay nito. Mahigpit silang magkayakap habang natutulog.

"Althea..."

"Althea....."

Bigla namang nagising si Althea mula sa panaginip niya, pinagmasdan pa niya ang asawa niyang mahimbing na natutulog habang nakaharap sa kaniya, 11:42 pm palang at pakiramdam niya ay umaga na.

1 New Message

From: Trixie
11:11 PM

Sorry to disturb, i need you right now here at the hospital. Its about Sanya.

Bago pa man makaalis si Althea ay humalik muna siya sa labi ng kaniyang asawa at dahan dahang umalis ng kwarto, saka nagmamadaling bumaba ng hagdan at isinuot ang helmet.

●●●

Hi!😄 paumanhin sa mga gramatical error. Enjoy reading keep voting and leave your  comment..Salamat!😊

Continue Reading

You'll Also Like

424K 13.1K 39
"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then I was wrong.. How can I fall for her ju...
137K 5.1K 100
Madalas kong naiisip,Nung nagsabog yata ng kamalasan si Lord naka tingala ako.Hindi naman sa sinisisi ko sya kung bakit mahirap lang kami ha,Kaya lan...
189 0 15
Sa totoo lang tinanong ko ang magulang ko kung ano ang unang trabaho nila... at isa pala silang OFW na yumaman. Kaso ngalang nang makabalik na sila d...
198K 7K 36
Steady naman ang lahat sa buhay ko until she came along and turned my whole world upside down. - A Rastro Love Story.
Wattpad App - Unlock exclusive features