Chapter 11:
XIA'S POV
"Saan mo ako dadalhin---o-oy!!" Sabi ko habang kinakaladkad ako pababa ng hagdanan ni Eunice.
"Ughh!! Kanina ka pa tanong ng tanong. Sa BAR nga tayo pupunta! Wag kang maingay baka marinig tayo nina lola" Mahina niyang sabi. Teka---- Bar? Bakit? Kumuha ba siya ng Bar Exam sa College?? Haist.. pagbigyan na nga.
Pero ang damit ko ngayon ay isang Dress na Above the knee na kulay black na sleeveless.
Sumakay kami sa isang sasakyan na kulay Violet na Lamborghini. Omg! Ang ganda. Sana maka drive din ako neto. At ayus pa yung pinto! Imbis na push and pull yung pinto up and down siya! Grabe ang bongalificatiscious!! Pareho sila ng sasakyan ni Zake pero kulay Blue sakanya.
Gusto ko tuloy i drive to tsaka ibangga bangga para makita ko ang mukha nilang schockness. Ay ang bad. Sabi pala ni Mama bad yun. Namiss ko na tuloy si mama.
Bumaba kami sa isang magandang building. Sa labas ay rinig na rinig mo na yung malakas na musika na nanggaling sa loob.
Diba pupunta siya sa Bar Exam? Eh?
Pagpasok namin ay nakisiksikan kami sa maraming tao.
Umupo kami sa mataas na stool
Sa Bar Encounter ata yun. Yun bang nasa harap mo ang bartender. Wow! Firstime akong nakapunta dito. Eto pala yung bar. Alam ko yung bar ,kaso nakalikutan ko lang. Hehe!
"2 Glass of Tequila, Mr" Sabi ni Eunice sa bartender.
Binigyan naman kami ka agad nito ng baso at nilagyan ng ice cubes at tequila daw.
"Xia, pag may lumapit sayo na lalake, grab it okay? Don't waste the opportunity"
Sabu ni Eunice at umalis.
Wow. Dinala niya ako dito tapos iiwan? Wow a bigger words naman.
Grab it? Diba hahawakan yun?
"Hey Ms. Why are you alone?" Napatingin ako sa isang matangkad na lalake.Gwapo siya at matangos ang ilong, Malamang maputi at matangkad. Ommo! Siya na siguro yung forever ko!
Ngumiti ako. Syempre ako, todo smile. Gwapo na eh aayaw pa ba ako?
"Ahmm. Kasama ko yung kaibigan ko. Iniwan niya ako." Sabi ko napakunot ang noo niya.
"I'm sorry?I can't understand. I came from New York City, But I'm half Filipino and half Korean"
"Ay!! Oh yeah yeah.. you're Forejner. I'm Forgot. Ahihi"
naku! Nakakahiya ka Xia! Iwas ganda points.
"Hahaha. You're funny. By the way, I'm Keith Go. " sabi niya sabay upo sa gilid kong stool. Nakatingin pa din siya sa akin. Huwaaah! Ang ganda ng mata niya. Kulay black.Oh yeah yeah.
"Xia Farrol me! It's nice to meeting you" sabi ko at ngumiti. Nakipag shakehands siya sa akin.
"So, Why are you alone?"
"Uhmm. My friend iniwan ako"
"Huh?"
"Yeah yeah, I mean She going"
"She left you?"
"Yeah!! That it is! Hehe"
Teka naalala ko ang sinabi sa akin kanina ni Eunice na pag may lalake daw na lalapit sa akin, Grab it.
Hinawakan ko ang kwelyo ng white polo niya at nilapit siya sa aking mukha. Ang bango niya!!
Bakit ko nga ba ginagawa to?
"Wooaaah.. you're very excited" Sabi niya at ngumiti.
Tumayo siya at nanlaki ang mata ko ng hinawakan ang bewang ko.
"No touch touch !!" Sigaw ko at binitiwan siya.
"You're shy"
"Just don't touch touch. I'm laugh when anybody touching there" sabi ko.
oo! May kiliti ako kasi dun eh. Nakakahiya.
"Then, would you like to go with me?"
"Where?"
"At my Condo"
"Oh really? You know, I heard already that Condom thing. Someday, I want to buy Condom. Ahihi"
Diba yung Condom yung pinag usapan noon namin ni lola na nakatira daw doon si Eunice. Gusto ko kasing magkaroon ng sariling Condom para madesignan ko ang buong condom ko ng kulay pink! At mga poster na Sofia the first.
"Oh..You're really funny. Don't worry,I'll buy you a condom" sabi niya.
"Really?!!"
"Ofcourse. Just go with me"
"Sige Sige..."
Inalalayan niya akong bumaba ng mataas na stool at lumabas kami sa bar. Inakbayan niya ako at pumunta sa isang magandang sasakyan na kulay itim.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at akmang papasok na ako ng biglang may sumuntok kay Keith.
"B*stard!!" Sigaw ng lalae at sinugod ito ng suntok ulit si Keith sa mukha. Napatingin ako ng mabuti sa mukha ng lalakeng sumuntok kay Keith. Si Zake!! Huwaaaah!!
"Goooo Zaaaake!!!" Sigaw ko at chinecheer si Zake sa pagbubugbog kay Keith.
*iling iling*
Ay mali!! Dapat si Keith! Kasi yung apelyido niya ay GO!!
"GO KEITH GO KEITH GO KEITH!!" Sigaw ko at sumayaw ng Cheer up ng twice. Twice ba yun? Yung key pop. Thrice ata. Tama Thrice nga.
"Gago ka!! Jerk!!" Sigaw ni Zake kau Keith.
"H-hey Zake! Stop it!!"
"Go keeeeeiiitthhhh!! Cheer up baby! Cheer up baby! Nomju chingulae! " Kanta ko.
nakahiga na ngayon si Keith sa sahig at binubugbog siya ni Zake.
"Zake.. b-bro "
Napatigil si Zake at tumayo. Ommo! May dugo sa gilid ng bibig ni Zake. Pinahidan niya iyon at tinignan ako ng masama.
"Get up, Keith Go. You bastard" Sabi ni Zake na hinihingal. Ang butones ni Zake sa polo niyang puti ay nakabukas kaya kita ang breast niya. Ang damit niya maraming dugo.
Tumayo si Keith at lumapit kay Zake pero di siya pinansin nito .
Lumapit si Zake sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Why are you there?" Galit na tanong niya.
"Zake.. eh bakit ka nandito?"
"Answer my question,stupid"
" eh..kasama ko si Eunice. Bakit? Ikaw Zake anong ginagawa mo dito?"
"Mind your own business"
Sabi niya at humarap ulit kay Keith.
"Kakadating mo lang nangbabae ka na ka agad" sabi ni Zake kay keith.
Napakunot ang noo ni keith at halatang di naintindihan si Zake.
"Zake!! Magkakilala kayo?" Lumapit ako sakanila.
"Shut up" sagot ni Zake.
Hinarap niya si Keith.
"You go home now. Or else, I'll tell your parents about this"
"H-hey..Calm Down bro! But, I'll take Xia. Wait---by any chance do you know each other??" Nagtatakang tanong ni Zake.
Teka----magkakilala sila. Di kaya----siya si Crazy na laging hinahanap ni Zake?
"Mind your own business. We'll talk tomorrow,Keith."
Kinaladkad ako ni Zake papunta sa kotse niya at pinapasok.
Pumasok din siya at umupo sa tabi ko.
"Grabe Zake!! Sana kasi ikaw na yung chineer ko eh kasi natalo mo si Keith. Ang galing mo Zake ,grabe! " hangang hanga na sabi ko.
Napatingin ako sa kanya at nakapoker face lang siyang nakatitig sa akin.
"Zake... Bakit ka ba nandun?Si Crazy ba si Keith? Kaya ka nandun? Tsaka diba bading ka at gwapo naman si Keith kaya siguro nagustuhan mo siya----"
"Alam mo bang ginagawa mo?!?!!!!"
Natahimik ako ng bigla siyang sumigaw ng napakalakas.
Galit na galit na siya ngayon. Ngayon ko lang nakita siyang ganito.
"E-eh. Zake sabi niya bibilhan niya ako ng Condom"
Napakunot ang noo niya.
"Condom?!?! Hah!!" Galit na tanong niya.
Tumango ako.
*pout* kawawa naman ako.
"Bakit naman kailangan mo nun?!?"
"Ano bang mali dun Zake. Gusto ko lang naman ng sariling condom tsaka para pag may sarili na akong condom, makakapagdecorate ako ng mga sofia the first the posters tsaka ipapakulay ko ang loob ng buong condom ko ng kulay pink. Perfect yun Zake diba!!" Sabi ko at ngumiti.
Ngayon palang ay iniimagine ko na nakasuot ako ng gown ,tapos may tiara pa ako sa ulo. Princess katulad ni Sofia.
Napatingin siya sa malayo at ngumisi. May mali ba sa sabi ko?
Hinampas niya ang manibela at tinignan ako.
"It's CONDO not CONDOM, Stupid" sabi neto at pinaandar ang kotse.
"Ay..Condo ba yun Zake? Hehe. Sorry" Sabi ko at nagpeace sign.
"Anong ininom mo dun?"
"Ah?? Milkita "
"Milkita? What the--"
"Oo at first time ko nga makainom nun. Masarap nga eh"
"Milkita? Hindi Tequila?"
Napaisip ako. Milkita o Tequila?
Haist!! Nakalimutan ko na.
"Hahaha.. di ko alam zake eh."
"J*rk. Umiinom ka ng di mo kilala? "
"Xia me Zake.. Not Jerk. Sino ba yun? Ex gf mo na naman?"
Tinignan niya ako habang nakakunot ang noo.
"F*ck!!*
Nagulat ako ng biglang napamura si Zake at huminto ang kotse niya.
"Zake, anong nangyare?"
Napatingin siya sa relo niya.
"Goddamn. It's already 10:00 Pm. Get out Xia" utos niya kaya ka agad naman akong bumaba ng kotse niya.
Madilim at mejo magubat ang lugar. Tanging ang street lights lang ang ilaw at ang tahimik. Walang bahay ni isa.
Ano ba kasing nangyari?
"Zake, anong nangyari?"
Kaagad na tanong ko sa kanya ng lumabas na din siya sa kotse.
Tinignan niya ako........
"WALA NG GASOLINA ANG KOTSE KO"