Our 40th day

By GikaGarofil

447 13 4

[Title Changed] [re-edit] Para sa mga una pong naka-basa sorry medyo jejemon pa ako nung mga araw na ginagawa... More

Our 40th day

447 13 4
By GikaGarofil

To love someone I was afraid to do….

sa ating buhay maraming pagbabago na hindi natin inaasahan …..

Minsan bigla na lang darating at kung darating nakakagulat kasi, bigla ngang dumating diba? At ang darating na yun ay makakapagpabago ng buhay mo? Ano ba ito puro pagbabago…

Diba..? Kasi nga mababago ang lahat.. Bagong Love life..at bagong buhay…

Sa  Rooftop ng school namin…

Habang ako’y natutulog sa tabi ng tank room ng may biglang pumasok na kakaibang girl…not totally na kakaiba? I mean kakaiba sa ibang girls…aah parehas lang siguro iyon? Pero parang hindi? Errr~~ Whatever…

bigla na lang akong nagising…

''Hey you.. ! What are you doing here..?'' pero nung sinabi ko iyon, nakangiti lang siya..

''Hi..! Babe…'' sabay kaway..

Sh*t…tinawag niya akong ''BABES''…

''What the hell are you talking about..? Did I know you..?'' tas bigla na lang akong napa-atras sa pagka ka-upo kasi malapit na yung mukha niya sa mukha ko. Hahalikan niya ba ako?? Shet..namumula na yata ako?

ng bigla siya nag salita…

''Hoy.! Asa ka namang hahalikan kita 'no? 'Wag kang ngang assuming HAHAHA..Boyfriend na nakita sa ayaw at sa gusto mo…’’

''Huh..?anong pinagsasabi mo jan...sino ka ba..?? nakatakas ka ba sa mental..?sira ba ulo mo..?'' Sunod-sunod kong tanong sa kanya..

‘’Sige na for 39 days lang naman eh!!’’ 

‘’Nahihibang ka na ba..?maka alis na nga…’’Pero ng pag tayo ko,bigla siyang pumunta sa railings…Hindi ko alam ang gagawin niya pero tingin ko tatalon siya…wala akong pakialam maraming babae ang nagkakan-darapa sakin tapos siya?  Errr~ whatever.. Pero ayoko namang mamatay siya, sa ganda niyang 'yon?.. Sayang naman, baka mabawasan ang ganung nilalang sa mundo…

‘’tatalon ako dito kapag hindi ka sumagot sige..?’’

Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy tuloy na akong tumalikod…. 

Ng bigla siyang mag salita…

‘’Sige na oh.. for 39 days lang naman ..!’

Hindi ko ulit siya pinansin.

’’ba-bye na.’’ Pagkasabi ko, kasi pag tingin ko sa wristwatch ko eh 1:15pm na so malapit na mag time.

‘’Tatalon ako dito, pag dika um-oo..’’

‘'Tumalon ka?'’ Hamon ko sa kanya, bigla tuloy akong napalingon ulit, kasi naman may balak talagang tumalon. Tapos hinawakan ko siya sa palda niya ''wag ka ng tumalon.''sabi ko pero naka tingin ako sa floor…

''Sige na kasi for 39days lang naman eh, please??''

''Whatever!!!'' Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako papa-alis…

''YEHHEEY!! Kami na…''

Bigla akong na palingon ulit sa kanya. ''Hoy! wala akong sinasabing tayo na…??''

''Kasi sabi mo whatever.''

''Anong meron dun?''

''Means oo.''

''Arrgh... Whatever.''

''HAHAHAHAHA kami na talaga yehhey!!''

Eto na talaga aalis na ako. Baka naloloka lang tong babaeng ito or bina-blackmail lang ako nito, Sa ganda ba naman niyang iyon? Pwede ko rin naman  siya ma two time whenever I want? Diba?

'Sure! Later na lang natin pag-usapan yan kase I'm late na in my class.'' Sabi ko habang naglalakad then tinaas ko yung right hand ko…

''Ok! babe, after class.''

PAGKATAPOS ng maduguang pagpipilitan sa rooftop…

Pagpasok ko sa room..

''Mr.Cruz! You’re late again in my class!''

Dire-deretso na lang ako sa upuan ko….

‘‘Hey! Loves, I miss you! Pa-kiss nga!’’ Yan si Jason, Ultimate Casanova like me here in school..

‘'In your dreams pare!'' HAHA malamang sa alamang eh ng –aasar lang yan.

''Hey! Ian, I’ll tell you something.''

''Wala akong ganang makinig..''

''Sige na pare chicka babe 'to!''

''So?! Yung nangyari sa rooftop kanina prang ayuko na mambabae pare..''

''Edi !! manlalaki ka na.. HAHAHA''

''G*go..!

'' I’m just kidding pare..!''

''Tanga hindi ka nakakatuwa? Makinig ka na lang sa teacher natin…!'' pagka tapos no'n, tulala lang ako sa bintana. I don’t know pero iniisip ko parin yung girl sa rooftop kanina, serious kaya siya na maging kame? Hay, tapos na pala ung isang subject, wala daw yung next teacher namin so kinausap ko si Jason…

''Jason... may transferee bang babae dito..?

''Wala… Pero sasabihin ko na sayo yung chicks na nakita ko..

''Sige.''

''Ano siya? Babae, mahaba ang buhok.. Maputi…pare ''BENCH BODY daw!''

 ''Hindi kaya??..''

'' Hindi kaya ano..?

''Hindi kaya siya yung..?'

''yung ano..? Inaatat mo'ko pare..''

''Yung white lady… HAHAHAHAHA gumagala na siya..''

 *paakkk* ''tanga.. pare chicks ito..!''

''Okay..! Eto piso ..maghanap ka ng ibang kausap mo..!''

''Dag-dagan mo na ng 29 mag u-unli na lang ako tapos ite-text ko yung mga babae ko…''

‘'Kutos gusto  mo..?''

Tapos na pala ang klase.. Pag labas ni jason,biglang pumasok ulit…

''Pre..! may magandang chikababes sa labas..!''

''Oh pwede nabang ligawan?! Una na ako sayo..’’pero  bigla niya akong pinigilan

''Teka pare..! Na una ako sa iyo eh..!'' mukhang seryoso siya

‘'Yah..yah..! Fine whatever Jason, okay! Share mo na lang sa'kin yan.'' at bigla na siyang nawala.. basta talaga sa chicks mabilis yan. 

Nilapitan ni jason yung chikababe na sinasabi niya. ’’Hi..miss..are you free today,,!??’’

‘’Ang bilis mo naman..’’  sinabi ko pagka labas ko, ng biglang lumingon yung girl.

''Sh*t Jason, she’s she’s…''

''Oh ano pare? Siya na ba 'yung white lady na gumagala?''

*paak* binatukan ko nga. ''No! She’s, she’s the girl in the rooftop.''

''Waaaah, yung white lady nga? Itago mo ako..''

''Bobo…kita mo diba? She’s real.'' sabay pisil sa pisngi.

''Oo nga 'no?'' sabay porma agad ni Jason.

'' I’ll ask you again, are you free today….??!’’ sabay ngiti..

Nakita ko nginitian lang siya ni girl.

  ''No! Jason, she’s not free today, because she’s mine. My girlfriend.'' 

‘’Ian!!!’’ wow? Alam niya name ko? Sabagay, sinong hindi nakaka-alam ng name ko, sa mukha kong ito, sabay kapit niya sa braso ko. Ang bilis naman ng babaeng 'to. 

''Aahh! Kayo? Arrghhhh.. Ian naman?''

Iniwan na namin si Jason na tulala, nasa north gate na kami, ng bigla akong bumitaw sa kanya.

''Okay.. uuwi na'ko!!’’ naglakad na ako papalayo, pero sumu-sunod lang siya sa'kin nakahawak pa nga siya sa bag ko, at pinagtitingan na kami ng mga tao.

Sabi ko.. ''Hey, would you stop following me?’’

''duh., as your Girlfriend obligasyon mong ihatid ako sa bahay namin everyday!''

''anak ng, gagawin mo pa akong….'' 'di na na tuloy ung sasabihin ko kasi hinila na niya ako.

''Ihahatid mo ako sa bahay in a through walking okay..!''

‘'fine fine! as your boyfriend!’’

bigla na lang niya akong niyakap sa braso. Parang linta aba, kay gandang babae nga, parang tomboy naman, at ang bigat pa.

''What do you expect? Makipag holding hands sayo? Yuck..! Kilabutan ka nga!! hindi ako tulad ng iba 'no?''

Maka yuck naman 'to wagas, eh siya nga 'tong nang-ha-harass maging boyfriend lang ako.So ayun na nga, naihatid ko na siya sa bahay nila. Hay, gabi na pala, mabuti naman at tapos na ito, sana panaginip na lang ito, sana magising na ako. Sabay sampal sa mukha ko.

''Aray! Hindi nga 'to panaginip.''

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

kinabukasan…..

Syempre...gigising,maliligo,mag to-toothbrush,kakain at eto tapos na ang seremonyas, aalis na ako....ay oo nga pala,sa condo lang ako nakatira kasi ayoko sa amin kahit mayaman kami,ayoko naman do'n sa bahay. Walking distance lang ako, so malapit lang ang school… pagpasok ko sa room.. maaga pa..syempre bilang ultimate Casanova ng school hindi ako na bubuhay ng walang girl at my side…so gala gala mode muna sa campus. Nakita ko si rooftop girl…iyun pinangalan ko sa kanya kasi naman girfriend ko hindi ko kilala.so nilapitan ko na lan siya.

''Hoy..! Bat nan-dyan ka..?''

''Pake mo..?’’

''Abat..! Bat galit ka..?''

''Sinong hindi magagalit kung yung boyfriend mo, may kalampunchingan na ibang girl.. sige nga..? 

''Ganun ba.. Sige as your boyfriend date tayo mamaya…okay..?''

''Okay..!''

''Oh paano alis na ako at time na!''

''Cge ba-bye babe!'' 

Habang naglalakad ako papunta sa room namin hindi ko alam pero napapangiti ako….Eto na simula na ang klase pero hindi ako mkapag concentrate, nag iisip kung anong magandang gagawin mamaya.eh pa ano kung uwi ko kaya siya sa condo ko, or kaya dalhin ko sa motel?..

''Araaay...!’’ hinampas ako ng libro ng teacher ko..

''Hey..Mr. cruz ! you are not concentrate in our lesson? you are physically present but mentally absent.'' 

Sabay tawa ng mga classmates ko..

‘‘TIME na... buti na lang!’’ Next subject na,pero wala pa rin yung teacher namin sa math, siguro late  lang yun, pero nagulat yung mga classmates ko kasi biglang bumukas yung pintuan.

‘’Hoy!! Boyfriend kong si Ian Steven Cruz!! Nasaan ka…..!!!???’’

Pagkatapos no'n, nagtinginan yung mga kaklase ko sakin. Nakita ko pa ngang tinuro ako nung isa kong classmate.

''Hoy,,! sabi mo mag da-date tayo, ngayon kaya tara na..?’’

''Ha ?? hoy..! nakakahiya ka!!''

‘’May pangalan ako 'no! kaya tara na alis na tayo? Bilisan mo..''

hinihila niya ako. kakaiba talaga 'tong babae na'to bang lakas eh

''Teka ..hindi ako nag cu-cutting? Kahit ganito ako I am a top student.''

‘’So?‘’ grabe siya, ganon lang yun ?kala mo naman parang hindi estudyante.

‘’So so ka dyan!’’

''Eh ano naman? Ngayon lang naman ah? Atsaka First date natin 'to 'no? kaya tara na sa mall?''

At iyon ang lakas niya kala mo eh asawa ni Mr, Pogi sa dragonball..ang lakas,,

‘’Oh! San naman tayo pupunta?’’ pinandilatan ko nga siya ng mata.

''Wag ka ngang ganyan? Hindi ka cute 'no?'' 

''Errr....tara na nga? ssan naman tayo pupunta..? Ha?''

''Sa timezone... magla-laro tayo..’’

‘’Ano ba yan para kang bata…!’’

''So? Syempre… this is the first of our date so I want it memorable ..’’

 At ayun nga pumunta kami doon sa basketball area…grabe nung naglalaro kami nakikita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya.

Biglang lumabas yung isang bola, so hinabol naming parehas… tapos sabay naming na hawakan, nagdaop yung mga kamay namin, naramdam ko yung lambot ng kanyang palad, parang nag stop yung mundo ng mga oras na 'yon…

After no'n eh pinanood ko na lang siya mag laro. Ayoko na kasing maramdaman yung feeling na ganun.

 Para siyang batang laro ng laro, tapos ako tinatanggihan ko lang bawat imbita niya. At dumating na nga ang last game, halos lahat nalaro na namin..ay siya lang pala.

 Ang ‘’catcher’’ ang pinaka last.. yun yung machine na kukuha ka ng mga stuffed toy, sa mga hindi nakaka-alam..

 Bigla niyang binigay sa'kin yung card ng timezone..

‘’Ooh…! Gamitin mo, gusto ko kunin mo yung pagong na stuffed toy para sa akin..’’

''Teka hindi naman ako marunong niyan eh.. atsaka bakit pagong ang panget no'n? Gusto ko yung bear''

''Abat…pagong gusto ko? Atsaka parang ikaw yun ' no? Mabagal kumilos. Sige na try lang naman eh…''

''Hindi naman ako magaling dyan eh??''

 ''Ammpp..! You don’t need to be an expert to get what you want, if you have a will whether you’re a newbie or an expert you’ll get it. Naka cross-arm pa siya then naka nguso ..parang bata. 

‘'Sige na nga kainis!!''

Nag slide na ako ng card..

''Ayan.. ayan..! ayan..! Ang ingay niya parang bat, pero pag malapit na nahuhulog naman.

Pangalawang try .. 

‘'Sablay ulit??’’

''Isa pa…''

''Palpak…

''Isa pa isa pa..''

''Sablay ulit…''

''Isa pa…''

''Ano ba yan ang bulok mo naman maglaro?''

‘’Sa hindi talaga ako magaling diyan eh?’’

This time nairita na 'ko. Ako naman ang kumaladkad sa kanya, pero habang hawak hawak ko siya eh reklamo naman siya ng reklamo about dun sa stuffed toy.

''Aahhh ewan ko sayo??’' Nag walk-out na ako,.

‘’Wait?''  lumingon ako sa kanya

''Ano..?'' naka-cross arm pa siya.

‘’Kain na lang tayo…?''

''Talaga?Libre mo? sige..!''

''Abat? Sige na nga, no choice eh'' nag punta kami sa Mcdo..

Habang umo-order ako naka-kapit pa siya sa braso ko then…tinuturo niya lahat ng gusto niya

''Gusto ko no'n! ayun?! 'yun pa! and yun!!''

''Ha? And dami mong order ah? ma-uubos allowances ko niyan.''

 Paano ba naman kasi ang daming order. Isang friend chicken w/ rice, cokefloat, french fries and burger. Wow, babae ba tong nilalang na ito? Malakas pa kumain sakin 'to ha?

Pag katapos no'n eh naupo na kami, wala na akong inorder, nahiya naman ako sa kanya eh.

Pagkatapos niyang lumamon este kumain ng sandamakmak eh hindi man lang ako sinubuan, bigla siyang naglabas ng ballpen at papel. May sinusulat siya pero hindi ko makita.

Kapag dinudungaw ko naman, tinatakpan niya.

''Oops…!! No cheating.''

'' Ewan ko sa'yo. Teka ano nga pala name mo?’’ Atlast natanong ko na rin.

''secret..''  Ni hindi nga man lang niya inangat ang ulo niya.

‘’Secret?? ano ba? Girlfriend kita pero hindi ko alam ang pangalan mo?''

‘’Importante ba 'yun?''

''Oo naman.''

''So give me one reason, kapag naka pag bigay ka edi sasabhin ko sayo.''

''Kasi ano umh… Paano mo masasabi na kilala mo ang isang tao kung hindi mo alam ang pangalan niya?''

''eh.. Paano mo naman na masasabing kilala mo ang isang tao kung name lang ang alam mo?''

''Oo nga??'' 

''So you don’t have a good reason. Hindi ko pwedeng sabhin ang name ko.''

Mga ilang sandali nag tanong ulit ako….

'' Nga pala… May gusto ka ba tlga sa akin? Kasi kung wala, bakit ako ang napili mong maging boyfriend? Dahil sa tanong na iyon napatigil siya sa pag susulat, nakatitig sa bintana na pinagmamasdan ang mga taong nadaan. Sobrang seryoso ng mukha niya at dahil do'n lalo siyang gumaganda, sobrang lalim yata ng iniisip niya?

''You know…..I’m L.A.B …..now you know? ( haha ano niya lang po yun acronym malalaman niyo rin po yung name niya if susubay-bayan niyo xD)

''Ngeek? That's it?'' 

Binalik niya ulit yung atensiyon niya sa pagsusulat, habang nagsusulat siya biglang kumalam at nagmamaktol na ang mga alaga ko sa tiyan, iniwan ko muna siya panandalian do'n para um-order.

 after  20 minutes pag balik ko wala na siya, pero napansin ko may papel do'n na nakasulat.

Quote  for my boyfriend..

1st of all in all..

Gusto kong kunin mo 'yung stuffed toy na pagong sa catcher, dahil kung hindi, sasakalin kita…hanggang sa hindi ka makahinga!

2. Palagi mo na akong ihahatid pauwi sa'min, kapag hindi mo ginawa iyun ipapalapa kita sa aso naming bulldog!

3. Parati mo akong pasasayahin at dapat ako lang ang one and only mo. Dahil kung meron pang iba, tutuluyan na talaga kita!!

4. Dapat proud ka kasi girlfriend mo ako, dahil kung hindi iiyak ako.

5. Konektado sa #4 kapag umiyak ako, gusto ko nasa center ka ng school natin at may hawak na mic at kakanta ng ‘’sorry na by parokya ni edgar’’, dahil kung hindi mo gagawin, ipapa-assassin kita or ipapalamon ko saiyo yung microphone!!

6. Gusto ko ipakilala mo ako sa ‘’FAMILY” mo as your ‘’ GIRLFRIEND’’. Dahil kung hindi bubug-bugin kita!!

7. Gusto ko lagi mo akong ittext e2 number ko..0910********* kung wala kang load pwes, magpa- load ka!!

8. Gusto ko rin pala na aalagaan mo ako pag may sakit ako. dahil kung hindi papatapon kita sa mental!! Kuha mo??!!!

9. Gusto ko na sa tabi lang kita sa oras na nahihirapan ako, kasi kung 'di mo gagawin 'yun, itatali kita sa poste na parang aso!!

10. 

''Oh…hindi niya yata tapos? Walanja,,pano ko magagawa ito kung puro death threats..ay ewan!!'' Umalis na ako at tinatago na yung papel

Nang papalapit na ako sa exit ng mall, nadaanan ko yung timezone …so nakita ko agad yung catcher , biglang pumasok sa isip ko yung letter.

Quote for my boyfriend..

1st of all in all..

Gusto kong kunin mo 'yung stuffed toy na pagong sa catcher, dahil kung hindi, sasakalin kita…hanggang sa hindi ka makahinga!

''Tsssssk…para sa aking girlfriend…oo na gusto ko pang mabuhay!!''

 nilapitan ko ka agad at sa unang subok..

 ‘’Sablay..’’

 ''Isa pa..

 ‘’Sablay again..’’

 At last

‘'Yes..! finally nakuha ko rin..!’'

Edi tapos na yung first task ko!

Binigay ko agad sa kanya yung stuffed toy, aba ubos yung budget ko para dun.

''Oh yan na….!''

Bigla naman niya kinuha..ni walang thank you or else…

''Yun lang yun? may kapalit yan.''

''Ano naman..?'

‘’Kiss me…’’

''Gusto mo nang mamatay ng maaga…??’’ grabe yun nakakatakot siya…

Pagkatapos ng pagtatalo namin, may mga lumapit na chikababes.

''Hi! Ian Steven Cruz?''sabi nung tatlong babae

'Hi Girlss…!'' Pero biglang nag salita si L.A.B..(yun na tawag ko sa kanya..)

''Hoy..! Mga mukhang pwet ng aso namin. Anong karapatan niyo para lapitan ang boyfriend ko?''

''Huh..?Boyfriend mo..?''

''Yeah..right Ian..?' biglang nagtaas ng kilay si L.A.B..

''Girls: Ian is that true..?''

''Yeah…she is my Girlfriend.’’

''Masyado ka namang possessive kay Ian? FYI baka hindi mo alam? Hindi lang ikaw ang babae niyan..''

''Oo nga yang chickboy na yan? Asa ka na mang seryosohin ka niyan? So kung kami sayo, hayaan mo na lang na landiin namin siya..’’

''HAHAHAHAHAHAHA.’’ tawa nila..sabay walkout sila.,,

''Awwwts!''grabe sila makapag salita..khit ganito ako tao pa rin naman ako, nasasaktan.

Biglang sumigaw si L.A.B…

’’Hoy mga babaeng mukhang pwet ng aso namin..kung kayo hindi kayo sineserysoso ni Ian pwes iba ako dahil ako lang ang one and only niya! kala niyo banlilinis niyo marumi pa kayo sa daga! Bwisit.'' sabay hinila ako ni L.A.B papalayo..!!

''Wait, where we going?''

‘’Sa langit…atleast do'n walang panget na magpapa-init ng ulo ko!’’

Dahil sa mga pagtatanggol niya sa akin kahit papaano eh natuwa ako. She stood me up, na pa clap clap ako dun ha sa kabila ng kagaguhan ko…naku baka mainlove ako sayo..waaaah did I say something..?

Pumunta kami sa garden ng school namin at umupo siya sa tabi ng mga bulaklak..

''Bakit kasi pinatulan mo pa yung mga 'yon..?''

''As your girlfriend. Bakit? Gusto mo ba na inaapi ka lang ng mga babaeng 'yon?''

‘’Sa totoo naman mga sinasabi nila eh.’’nakatitig lang ako sa kanya ng biglang niyang bino-bottons yung uniform ko.  

''So? totoo pala ang mga pinagsasabi nila? niloloko mo pala ako?may iba kang girlfriend?’' Sunod sunod niyang tanong sa akin..

‘’Hindi ah..hindi yun ang ibig ko sabihin..’’

Ng bigla siyang bumitaw sakin..''So.. totoo pala?''

‘’Hindi. Patapusin mo muna ako pwede?’' bigla naman niyan iniayos yung buhok ko,..

 ‘’Sige na nga’’ tas biglang siyang nag pout tas nag pacute sakin..

‘’Yun nga totoo yun.. na chickboy ako pero..pero..hindi totoo na may iba akong girlfriend ..ikaw lang and one and only ko diba nga nasa sa 3rd list mo yun?''

‘’Talaga? wehh? 'di nga..?’’ makikita mo sa mukha niya na bigla siyang sumaya…

''Oo nga ang kulit?''

''Talaga?''

‘’Talagang talaga!!''

Ng biglang humangin, napuwing yata siya? kinukuskus niya yung mga mata niya na parang bata, tapos nilapitan ko siya nilalapit ko yung mukha ko skanya para hipanan, pero bakit.. namumula ako? sh*t ang ganda niya.

''Ang ganda mo pala..''pero nakatingin lang ako sa mga bulaklak…

Bigla niya na lang akong niyakap..

‘’Talaga maganda ako?’’

‘’Hindi?’’

‘’eh ano pala?’’

‘’hindi ka rin cute,hindi ka panget..kasi you are gorgeous’’grabe ngiti ko eh abot langit,hindi kaya siya na ang babaeng makakapag patino sakin..?

‘’Teka na sayo yung list ko?''

''bakit?’'yung pagkaka yakap niya sa akin eh napunta sa pag sasakal….

''bakit nasaiyo yun..di pa tapos yun..''

‘’o-bv..oius…nga….wa..la..s-syang..num..ber..t-t-ten….…’’I manage to say habang sinasakal niya ako.

‘’Eh..?’’tas biglang lumuwang yung pag kakasakal niya sa akin.

‘’Ehem ! ehem ! oo eto oh.. tignan mo?’’tas pinakita ko yung list na ginawa niya..

‘’Aaah… walang 10 kasi ikaw..hindi pa nga tapos binabasa mo agad!''

‘’anak ng…ako pa sinisi mo? Atsaka naka loud speaker kaba?’’

'‘Bakit..?’'

‘’Hinaan mo naman boses mo pina-panood na nila tayo oh…?see!!’’Tapos nilingon niya yung mga tao at nung napansin niya na madaming nakatingin..kinuha niya agad yung napaka kapal na libro at biglang hinampas sakin…

‘’shemay.. bat hindi mo agad sinabi? nakakahiya kaya…tingan mo pinapanood nila tayo?''

''Teka! aray.. kalasanan ko ba? kung lagi kang naka high volume!!?'' sabi ko habang sinasangga lahat ng mga palo niya.

‘’Haaay thanks God tumigil ka na rin.’'

'‘Amp! akin muna itong list. i-edit ko muna.'’

‘’Kahit wag na, wala naman akong balak na sundin yan.''

Tumahik siya bigla then nakatitig sa akin ng masama.

‘’Gusto mo ba Makita agad si satanas?’’

‘’jokes lang yun..of c-course gagawin ko yan. bata pa ako 'no? Ayoko pang paglamayan.''

''Goooood! so  tara na? kain na tayo…'' bigla niyang kinuha yung bag niya waring may hinahanap, tas biglang may lumabas na dalawang lunchbox

’Ano yan? lunchbox..?agad na tanong ko..?’’

‘’Oo obvious ba..? common sense naman.''

Hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh.. -_-

‘’Teka..bakit dalawa? akin ba yung isa??bigla ko siya nilapitan at gusto kong tikman kung masarap.

''asa ka naman? Bumili ka ng sayo! nek nek mo.''

‘’Akala ko kase akin yung isa eh?''

‘’HAHAHAHA akala mo lang yun. Alam mo bang maraming namamatay sa maling akala?’’

‘'Sorry naman tsk, kasi naman ang alam ko dapat palaging dinadalhan ng girlfriend nang lunch ang boyfriend niya.'’

''ay ganun ba yun?’’

 ‘’Sige wait lang. Babalik ako bibili ako ng akin, yung mas masarap diyan.’’

‘’Hoy! bumalik ka dito. patay ka sakin pag hindi ka bumalik!''

‘’opo..’’ anu ba yan bakit ba puro death threats. siguro kung hindi ko masunod ito patay na ako wala pang 39 days.

Habang ako'y nakapila, may biglang umakbay sa aking babae. 

‘’Oh! Hi. Ian? sama ka naman sakin ngayon? punta tayong Bistro?’’oo nga pala siya pala si Marinelle ex. girlfriend ko hahaha ex. ex. ex. madami na lagi kasi kaming nag babalikan.. 

‘’Huh..?diba may klase pa?’’ 

''Tongaks! Hindi mo ba nakita sa bulletin? half day tayo ngayon?'''

‘’Sige na nga tara…’’

Nasa bistro kami ngayon..haha ano bang ginagawa sa bar..syempre iinom..makikipag flirt sa mga chikababes..sasayaw ahha…

‘’woooooooooooooooooooooooot…sexy…shet may katok na ako,,,

‘’pare tignan mo yung girl sa may isang table, type ka yata, lapitan mo na dali.’’sabay tulak sa akin, syempre ako may tama na, lumapit naman ako.

 ‘’Hi! Darling? Are you alone?’' Sabi ko sa magandang babae

‘’Yeah.. you want some flirt?’’

‘’Sure! tara!! Then let’s make it all, and we kissed.’’ the girl unbuttoned my uniform then she kiss my neck intimately.

‘’Excuse me nga?! Nakaharang kayo sa daan.’’Dun talaga siya dumaan sa gitna naming parang pinaghihiwalay kami.‘’Nakaharang kayo sa daan,wag nga kayo mag tukaan dito? Dun kaya kayo sa sabungan! Haller, Bar po ito.''

Malabo na paningin ko but my hearing was clear..

'‘Wait------ the voice was so familiar’’ And nung inihilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. When I looked she..was…was..was…

‘’ LAB??? Anak ng, patay nandito na pamangkin ni San pedro..’’ pero hindi siya lumingon bagkos nag tuloy tuloy siya sa may bar counter.

‘’Kuyaaa… Tequila nga po!!''

 Napahinto ako sa ginawa niya.

‘’Oh bat tumigil kayo? Tas lumapit siya sa'min tuloy niyo pa? Hey why you staring at me? Did I say something wrong? Then she smirk at me.

‘’h-h-haaa…w-w-wala…haha ang init  dito noh? Pinagpapawisan kasi ako. HA HA HA'' 

Nilapitan ni LAB yung girl na kahalikan ko at inakbayan, tinaas yung tequila sabay buhos.

‘’Who the heck are you?’’

'Wooot!! Pa English English ka pa? Hoy! Babaeng haliparot! Para sa iyong kaalaman, I am the girlfriend of Ian at kung hahalik ka lang lagyan mo namang ng poise yung ganito---'' sabay halik niya sa akin.

WTF!!?Nabigla ako kasi the kiss was so different sa mga halik na natikam ko from the others, nararamdaman ko yung lambot na lips niya. It was like I was kissing for the first time, Pinikit ko yung mga mata ko, yung prang sa mga tele-nobela yung dinadama talaga, pero after a seconds…Nararamdaman ko may iba so I opened my eyes and I was surprised to see that her eyes it was full of sadness. Pero bakit kaya?

'‘Ganoon ang halik! F*CK YOU!!! Mag sama kayo!’’

Ooouuch. Ang sakit nun ah, nang bigla na lang tumakbo siya papalabas.

 Biglang sinampal n Girl si Ako.

''Araaay!'' namumula tuloy pisngi ko, pero no choice ako kasalanan ko eh tas sinundan ko si LAB pero pag labas ko ng bistro wala na siya, ang bilis talaga lumarga nun, sana okay lang siya…wew sana buhay pa ako bukas.  TT^TT di kaya kinuha na siya ng mga E.T, HAHAHA hindi naman siguro sa lakas niyang yun, but after a minute na kakalakad ko finally nakita ko rin siya, papuntang Hospital so sinundan ko siya pagpasok ko tinawag ko siya.

''Hooooooooooooooooooooyyy!'' Halos lahat nagtinginan sakin kasi naman girlfriend mo hindi mo alam ang name pero tumingin naman siya sakin, pero alam niyo ginawa niya sa akin, binelatan niya ako at biglang tumakbo.

Abat anak ng hototay, hinabol ko siya, ambilis niya kakaiba talaga siya nung malapit ko na siya mahawakan, malapit na rin mag sara ang elevator ”kainis ka ambilis mo talaga.'' na biglang may humawak sa balikat ko at nagsalita.

''Sinabi ko bang habulin mo ako?''

''Hindi, pero tama ba namang takbuhan mo ako?'' but in a matter of seconds biglang nag brown-out, ang dilim pero siya bigla na lang humigpit yung pagkaka hawak niya sa akin.

''H'wag mo ako iiwan ah?''

‘'Grabe ka ang tapang tapang mo, pero sa dilim takot ka. Iwanan kita dyan eh?''

‘'sige subukan mo kunin ka ng kokey dyan?'' 

''Bahala ka baka hilahin ng multo yang paa mo?''

''Weh? Hindi naman.'' nung parang kunwari bibitawan ko siya parang natatakot na siya. ‘’t-t-t-teka lang joke lang bati na tayo peace?’’ tas yun bigla nalang nagka ilaw ulit, galing noh? tapos hindi pa nakunteto nag brown-out ulit.

‘’Ian? Ian? Nasaan ka uy?'' Lalong humigpit ulit yung hawak niya. 

‘’pssstt…pssttt..pssstt..awooooh….kukunin kita?’’(tono ng nananakot)

‘’huy! Ian narinig mo ba yun? H'wag mo ako iiwan ah? Promise?''

‘’Oo nga promise, as if naman kunin ako ng multo takot lang nila noh? promises are meant to be broken’’ Pang aasar ko sakanya.

‘’Tse, promises are made to broken but when you promise it to me, you shall not break it, or else I’ll break you face! Tsk…''

‘’Fine, takot ko lang noh?” Pagkatapos non naririnig ko na lang siyang humihikbi

’’oh bat ka umiiyak’’

‘’aaahcck!!!”’

‘’Anong aacchk? Alien ka na ba?''

‘’May..may..may..''

‘’May..june..july?''

‘’may…..sh*t may cockroach?!! waaaah….putulin mo na kamay ko!!''

‘’Huy! H'wag ka ngang O.A. Tsaka pa'no mo naman nalaman na ipis nga yun? ’’

‘'Dali na dali na dali na nararamdaman ko gumagapang!!’’

‘’Wala kaya akong chainsaw na dala sige nga?’’ kaya ang ginawa ko, pinunasan ko na lang ang luha niya.

”Sorry ha? Napaiyak kita kanina it’s not my intention.‘’

''Tse! Hindi tayo bati noh??''

''yehhhey!!’’ yung mga tao yun sa hospital bigla kasing nagka ilaw ulit.

‘’Tara na nga uwi na tayo, hatid na kita?’’ yun na lang naisip ko baka kasi humaba pa ang paga-away namin wala naman akong panama sa amazona na'to.

''Akala mo bati tayo? Pinaiyak mo ako, nakakainis nakipag halikan ka sa panget na haliparot gilitan kita dyan eh!!''

‘’Pero sana maintindihan mo, nature sa mga chickboy yon.’’ 

‘’Tse, ewan ko sayo, pino-pollute ka na may girlfriend kana.’’

Bigla na lang siyang tumakbo gusto ko sanang habulin kaso nahihilo na ako,may after shock (xD) remember uminom kaya ako, so hinayaan ko na lang siya pero pumunta pa rin ako sa house nila to check na safe siya.

Lagi kong nakakasalubong si LAB sa school pero hindi niya ako pinapansin, is there something wrong that I did? Ay oo nga pala, nakalimutan ko agad pero paano ako makakahingi ng sorry kung lalapit palang ako eh tumatakbo na. Ang hirap, naglakad lakad muna ako para pag-isipan habang nakikinig ako sa ipod ko ng music, hulaan niyo kung ano ang kanta, sorry na by parokya ni edgar May bigla akong na alala yung death list este yung task, yung list number 5.

5th

Konektado sa #4 kapag umiyak ako, gusto ko nasa center ka ng school natin at may hawak na mic at kakanta ng ‘’sorry na by parokya ni edgar’’, dahil kung hindi mo gagawin, ipapa-assassin kita or ipapalamon ko saiyo yung microphone!

Hayyy pero hindi naman ako magaling kumanta, no choice gusto ko pang mabuhay.

Uwian na, bakit ang bilis ng oras, kainis, pinuntahan ko agad si jason to help me about dun sa song na ‘’sorry na’’ hindi ko kasi kabisado yun then nag favor na rin ako na tugtugin niya yun sa gitara niya.

Nandito ako sa center ng school namin sa may fountain may hawak na microphone and guess ano feeling ko ngayon ,,,nangangatog yung buong katawan ko chka this is the first time na gagawin ko nkakahiya talga…

‘’ehem..(yan na nagtitinginan niya yung mga estudyante) ehem (ulit xD)…’’Hoy.. babaeng naka bag na pink na bunny (syempre yung mga girls na iba nitignan sa mga bag nila kung kanila yun ….mga assuming ah..but No! nag-iisa lang siya na may ganun para kasing bata..xD)’’makinig ka..’’(singot muna)..

''sorry na…

Kung nagalit ka….

Di naman..sinasadya….

Kung may nasabi man ako..

Init lang ng ulo…

pipilitin kong magbago pangako saiyo..

 sorry na…

talaga kung ako’y medyo tanga  …

tanggap ko na mali ako…

h'wag sanang magtampo sorry na.. (yung boses na hindi magaling kumanta)

tapos habang nadadala ako sa kanta may nasabi akong word na hindi dapat lumabas, at yun ang salitang I love you, in a soft voice

yung mga babaeng estudyante naman ang tingin sakanya, then yung iba nag titilian pero siya na stock up yata.

‘’remember the task that you'd given to me.''

5. Konektado sa #4 kapag umiyak ako, gusto ko nasa center ka ng school natin at may hawak na mic at kakanta ng ‘’sorry na by parokya ni edgar’’, dahil kung hindi mo gagawin, ipapa-assassin kita or ipapalamon ko saiyo yung microphone!

‘’But now since tapos na ako sa task na yan, I want to introduce you on saturday because I want you to meet my parent’s ipapakilala na kita as my Girlfriend'' bigla siyang lumapit sakin, unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko then she kiss me at my chicks. Wow na shock ako kasi nakatayo na lang ako then inagaw niya yung mic sakin at nagsalita siya.

‘’Ikaw talaga Ian Steven Cruz sino bang hindi tatanggi diyan.. thanks for the effort ahh I’d really like your performance.'' Then binigyan niya ako ng isang magandang ngiti.

Ako naman hindi ko na alam ang gagawin kaya may binulong ako sa kanya sabi ko…’’Uwi na lang tayo hatid na kita nakakahiya na oh pls..’’

''Sige na nga po.''

At yun lumarga na kami pero syempre nag thankyou naman ako kay Jason, habang naglalakad kami sa daan nakikita ko excited na siya.

‘’Alam mo babes I'm so excited na, kasi naman bakit sa sabado pa? Wala naman pasok bukas ah? Bukas na lang oh please?''

''Hind kasi pwede bukas, atsaka may aayusin pa ako, kaya sa Saturday na kasi special yun that’s the birthday of my mom’’

‘’Eh nasaan ba siya? Ano hitsura niya?mabait ba siya’’(sunod-sunod na tanong niya)

‘’Oo naman mabait siya, mapagmahal, lagi nga ako ina-asikaso nun eh.''

‘’Eh anong nangyari iniwan niya ba kayo?’’

‘’Yeah, iniwan niya nga kame, kaya ikaw wag mo rin akong iiwan ha?’’

‘’Oo naman, teka san nga siya pumunta? HAHAHA nakaka-intriga naman yan.’’

‘’Sa malayong lugar yung sa universe…’’

‘’Weh…nag-abroad ba siya astig siguro citizen na siya dun.. HAHAHA kaya hindi na bumalik.’’

‘’Tooongaks..alam mo ba san siya nagpunta?’’

‘’Hindi kaya nga nagtatanong diba?’’

‘’Fine…hindi ko rin alam eh.''

‘’Ganuun ba? pero ano bang nangyari sa kanya.’’

‘’Eh bat kaylangan kong sabihin sayo..?'' (yung tono na ng aasar)xD

‘’Syemre as your Girlfriend gusto ko malaman, dahil kung hindi itatapon kita sa ilog kuha mo?''

‘’Fine, fine when I was kid I think I was 11 years old non, she’s gone not totally died but for me she’s lost in this earth, iniwan niya kami para sa lalaki niya how dare she is, natiis niya kami. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon si dad  palaging naman nag-uuwi ng mga babae, tuwing gabi naririnig ko yung mga tawanan nila, one time naka-usap ko si dad  ‘’Bakit? Nakalimutan mo na ba si mama?’’ ang sabi niya sakin ’’Dapat ang mga babae hindi sineseryoso, dapat pinaglalaruan mo lang sila, kasi kung seseryosohin mo ito bandang huli sila rin ang iiwan sayo..'' that time yun ang pumasok sa isipan ko, kaya ganito ako wala akong sineseryosong babae dahil natatakot ako na iiwan din nila ako ..’’

‘’Ganun ba hayaan mo na andito naman ako eh..’’

Dahil sa napasarap ang kwentuhan eh nasa harap na pala kami ng bahay nila, papasok niya biglang lumabas ulit, pero may dalang cute na puppy isang golden retriever.

‘’Oh ayan sayo na, alagaan mo yan ha? Pag namatay yan makikita mo na talaga si Lord!'' (tas biglang nag cross-arm siya)

‘’Opo boss, alam ko na name niya, siya na ngayon si coco.''

‘’HAHAHA sige ba-bye na coco.'' (tas kiniss niya sa forehead)

‘’Ako ba walang ganun?’’

‘’Sapak gusto mo?’’

‘’Jokes lang no, ito naman hindi mabiro HAHAHA.''

‘’Waaaaaaaaaaaaaaahhh’’ si coco pala dinidilaan ako, ang baho ng laway niya ewww talaga…kaya  wala sa oras eh napabagon ako at napaligo sa sobrang lamig.

''Ready ka na ba ha? Coco?'' HAHA nababaliw na ata ako pati aso ay kinakausap ko. 

Nakatayo ako sa mala-palasyo naming tirahan pero mala-impyerno naman, joke lang. Tumatakbo papalapit sakin ang isang batang waring gusto akong yakapin.

Guess what? Who’s that pokemon? 

She is my younger sister she is only 8years old, her name is Denisse Mae and she’s cute at malambing, kaya naman love ko yan.

‘’Kuuuyyyaaaa!!!!! I miss you!!!'' 

Then niyakap niya ako, and I hugged her back.

‘’I miss you too nisse, I love you love you….’’

‘’Kuya? who's that dog?''

''Siya si coco from now on ikaw na ang mag-aalaga sa kanya, gusto ko mahalin mo siya as a friend, bubusugin parati ha? Baka magutom naku.. kung machugi siya baby patay ako!’’

''Yes kuya makaka-asa ka po, tara dun tayo sa loob andun si daddy atsaka si tita Esa they prepaired us for a miryenda as they said.''

 Denisse is my full blood sister, It's a long story ok I'll take it short. Ipinanganak siya ni Mama after that she leave without explanation, and Tita Esa is our stepmother.

''Anak you're here?’’ He's my dad.

 ''So? I have something to tell kaya po I'm here.''

''Then let me first anak. Importante rin ito.''

''Ako muna pwede? May ipapakilala ako sa inyo sa Saturday and sana maganda ang ituring nyu sa kanya.’

''Nice to here anak, true love mo na ba yan? That was our first time na magpapa-kilala ka ng girl in our house.''

''So? What's the important news that you need to tell?''

''SO there we are, ikakasal na kami ng tita Esa mo it’s either july or September. I hope na sana ituring mo na siya as your second Mom, she is different sa mga inuwi ko rito, naghanap ako ng iba hindi dahil nakalimutan ko na ang mama mo, dahil gusto ko lang na mapunan niya yung mga time na wala na ang mama mo sa atin.’’

''It's up to you dad.'' I was so upset sa nalaman ko. Haller hindi ko gusto ko ang gagawin nila. Pumunta na ako ng kitchen to say goodbye kay nisse.

''Sige po kuya balik ka ha!!''

 Today is saturday, wala naman masyadong magandang nangyari naging boring nga eh, pero may na alala ako, the task list number 7.

7. Gusto ko lagi mo akong ittext e2 number ko..0910********* kung wala kang load pwes, magpa- load ka!!

Unang text:

''Hoy gumising ka na, dalian mo at mag almusal ka na, magkita na lang tayo sa Mico’s Restaurant, mga 11:00am ..''

Kahit papaano eh nag reply naman agad.

REPLY:

 ''iiihhh sunduin mo na lang ako sa amin pls…?''

2nd text:

Hoy! Wag kang choosy huh…

REPLY:

Hoy! Ka rin baka gusto mo ng mamatay..!

3rd text:

Oo cge na makakatanggi pa ba ako…

REPLY:

Very good mamaya ah..cge bye..

Alam niyo I’m so excited, this is the first time na gagawin ko ito. Indeed lahat ng na sa list na ginawa niya eh ever since hindi ko nagawa, kaya nga eh napapahanga niya ako.

Shit! Late na ako bakit ba kasi nakatulog ako. -_-

''Hoy ang tagal mo sino ka para paghintayin ako ng ganito!!''

''Aray!!!Sorry naman na traffic eh'' kinutusan nya ako at siya lang ang guma nun sakin.

''What an alibi? Utut mu! Tara na nga kainis!''

After an hour na pag biyahe bumaba na kami. She gave me a smirk dahil nauna ako sakanya sa pagbaba. Because I did that dahil gusto ko pagbaba niya aalalayan ko siya.

''Ian, You are here. Who is she? Is she your Girlfriend?''

''Oo, si Dad?'' Ang barumbado ko sumagot no? It's because hindi ko pa siya tanggap.

''Nandoon sila sa Veranda. Halika pumasok na kayo?''

''Thanks po. Tumingin ng masama si Lab sa akin. ''Pinagloloko mo ba ako Ian? Yan yung nanay mo oh buhay na buhay!!'' Pabulog niyang sabi sa akin.

''No, Sh'es not my mom, and it will never happen. She's Esa, kabit ni dad.''

''Ian, siya na ba yung ipapakilala mo? Aba’t ang swerte mo naman ang ganda niya.''

''Yes, She is....'' napatingin ako sa kanya at bigla kong na alala ever since I didn'y know her name.

She walk near towards dad, and may binulong siya.

''Oh nice name Hija?''

''What?'' Bulalas ako. medyo na shock ako,kasi bat ganun diba?

''What's the matter Ian?'' She ask me in a sarcastic tone.

'' Aah, Esa siya pala si-- (tas may binulong si daddy) girlfriend ng anak ko!''

''Nice to meet you anak.''

''Thanks, sir and ma'am!'' 

''It's better to call us Tito and Tita from now on.''

''You know hija, you look liked my bestfriend?'' dad asked her in a serious tone.

''Really? What's the name?''

''H'wag na siguro nagkataon lang. Let's forget about that, kumain na tayo!?''

After we ate. Ipinasyal ko siya sa paborito kong lugar. Ang tree house namin.

''Mag kwento ka naman about your family?'' Pagka sabi ko nalungkot siya bigla.

''I had a complete family, dad two brother and... Stepmom.''

''What happen to your real mom? Is she alive?''

''A long time ago, she died, because of me. Sabi nila kailangan daw pumili ni daddy sa aming dalawa kung sino ang kailangan buhayin, actually maselan ang kanyang pregancy. Sa pictures ko na lang siya nasisilayan, pero love ko rin naman yung stepmom ko ngayon, as you said before about your mom, my stepmom is like yours, mabait at maasikaso sa amin.''

''Really?'' 

I had accomplish 2task already.

''So we have 3 task left and few weeks.'' Masigla kong sinabi sa kanya. Hindi man lang siya umimik, nakita ko sa mukha niya ang kalungkutan parang mapapaiyak na to.  Nilapitan ko siya and I hug her tightly.

Mabilis natapos ang mga araw, so I have only 1 week and 9 days na lang pala, noong una ang akala ko, sobrang tagal ang 39 days, naiinis ako kasi matagal nga diba, pero habang lumilipas ang mga araw hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko para sakanya.

Ayaw ko ng gumising, kasi I have only 1 week and 8 days na lang.

Gusto kong makalimutan yung nararamdaman ko para sakanya, for me she's only a stranger who ruin my daily life.

In situation na may kahalikan akong babae. She came, I saw her face and its sad. I can't paint her face because she's crying. 

She's gone...

''Please, don’t go darling?''

Hindi ko siya pinakinggan at tumayo na ako, but our teacher came. 

''Ang bobo ko talaga!'' In a low volume na sinabihan ko ang sarili ko. I can't imagine myself sa kababuyan na ginawa ko na naman kanina. Bakit? Bakit ako nasasaktan? 

''Buti alam mong bobo ka talaga pagdating sa pag-ibig. Mahal mo na hinayaan mo pang mawala?'' I crealy heard that. It's Jason and  I was so amazed sa narinig ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako sa upuan ko, wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako makaka-excuse sa mga teacher namin ngayon.

Natapos ang buong klase na hindi ako concentrated, tapos nung napadaan ako sa classroom nila lab nakita ko sa upuan niya na wala na siya?

''Itetext ko ba o hindi? Itetext ko ba o hindi? Itetext ko ba o hindi? Itetext ko ba o hindi?''

[ Jason’s P.O.V] (first time na may P.O.V)

Ian calling………….

''Ang tagal mo namang sagutin, pumunta ka na dito sa bistro nila marinelle, nakita ko gf mo lasing na lasing na sunduin mo naman.''

[End of P.O.V]

 Agad agad akong pumunta sa kanya. I don't know why, I automatically na pumunta agad dito.

''Iuwi mo na siya at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya rito.''

''Thanks bro.''

''Ay? Iniwan niya rin ako? Gush-to mo ba kan--tahan rin kit-a??''

''Stop na ok? Iuuwi na kita sainyo.''

''Teka, kilala kita ah? Ikaw sh-ii Ian iShteven Cruz-h, yeah I’m right diba? HAHAHAHA Hi Ian?'' bigla siyang sumampa sa akin.

''H-h-hoy! ang bigat mo ibababa na kita, at ang baho mo amoy alak ka!''

''eeeeh buhatin mo ko?'' tinignan niya ulit ako sa mukha. ''HAHAHA hitshura mo, mukha kang unggoy.'' tapos nun eh pinagsasampal sampal niya ako habang tumatawa na prang loka-loka.

''Aba! !Grabe ka na ha? Parati mo na nga akong pinahihirapan tapos sasampalin mo pa ako? Hindi ka pa nakuntetnto tinawag mo pa akong unggoy, di ko na kaya mga pananakit mo ha?''

''HAHAHA ang gwapo mo talaga. Ikaw na yata ang pinaka-gwapong unggoy sa balat ng lupa. HAHAHAHA''

Mas lalao niyang hinigpitan ang pagkaka-pulupot sa leeg ko para hindi ko siya ibaba.

''Grabe ang bigat mo!!''

''Ang sarap sa pakiramdam ng ganito kalapit sayo..''After niyang sabihin yun eh mukhang nakatulog na siya.

I was on driving nang bigla niya akong tinanong.

 ''Gusto mo ikaw na lang ang kantahan ko? Ayaw na kasi ako pakinggan nung bestfriend mo eh?''

''Tumahimik ka na lang diyan at iuuwi na kita sainyo.''

''Eh bakit ba gusto ko kumanta eh?''

 Nagulat ako, kasi instead of rock song ay love song ang kinanta niya.

 Once in a while

You are in my mind

I think about the days that we had

And I dream that these would all come back to me....

Napatingin ako sakanya, kasi kumakanta siya habang nakapikit.

If only you knew every moment in time

Nothing goes on in my heart

Just like your memories

How I want here to be with you

Once more

Pero ang ikinagulat ko, I heard her voice broke at nakita ko sa expression ng mukha niya na sobrang lungkot niya.

Y-you are al..ways gonna be…t- the one

And y- you.. should know

H-how I wish I could have..n- never let you go

C-come into my life.. again

Oh..d-don't say no

Her tears start to fall..

You a-are always g-gonna be the one.. in my life

So t-true, I b-believe I can never find

S-somebody like you

My first love

Bigla siyang dumilat at nag salita…

''Hoy!! Lalaking mukhang unggoy, I love you...'' at muli tumulo na naman ang kanyang luha but this time malakas na.

Lumapit ako sa kanya at sinabing ''I Love you too babe...’’ then I kiss her, pero may mga luha ng pumapatak sa mga mata ko. This time hahayaan ko muna ang sarili ko na paniwalain na mahal nga ako nitong nasa harap ko, alam ko naman na bukas eh makakalimutan na niya ang lahat ng sinabi niya at ang nangyari. Pero kahit ngayon lang, kahit ako lang ang makaka-alala ng mga nangyari, hayaan ko muna na gawing tanga ang puso ko sa kanya.

Kanina pa kami naka-park sa harapan ng bahay nila, at napagtanto ko ngang mahal ko na ang babaeng katabi ko, tinuruan niya akong kung paano mag mahal, siya na rin yata ang girl na nagpasaya sa buhay ko. My life is a sh*t until she cames. Masarap palang magmahal ng tunay kesa pinaglalaruan ang mga babae.

Nang binuhat ko na siya papalabas, at ipapasok sana sa loob ng bahay nila, bigla namang may bumukas ng pintuan. And I saw her again. Yes after a long years.

''Ian? Anak? Ikaw ba yan?''

Iniwas ko agad ang paningin ko. 

''Sorry po pero hindi ko po kayo kilala, pasensya na tutuloy na po ako.''

Naputol ang usapan ng biglang lumabas ang daddy niya.

''Are you Ian?''

''O-opo.. Ako nga po.

''Ah ikaw yung palaging kini-kwento na anak kong ito.''

''Sige po aalis na po ako.''

Pero biglang may humawak sa braso ko na parang pinipigilan ako.

''Pwede ko bang mahaplos ang ulo mo.. Anak?''

That time gustong umagos ng luha ko. My mom used to do that to me. Pagkagising ko, bago ako matulog, palagi niya hinahaplos ang ulo ko. I’m so too young that time pero tandang tanda ko pa ang mga haplos na yun. Masarap sa pakiramdam at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni mama sa akin kada gagawin niya yun. Akala ko di ko na ulit mararamdaman to, pero ngayon, ginagawa na ulit sa akin ito ng ina ko.

''Pwede ba akong magpaliwanag sayo?'' Pero kesa sa matuwa ako, iba ang nararamdaman ko. Naiinis.

''It’s not my intention na iwan ko kayo ng kapatid mo, kasi naman sakal na sakal na ako sa ginagawa ng daddy mo, dati, my father is a popular business man pero nagipit siya at nalugi ang company namin, para maiahon ang kompanya ipinakasal ako ng daddy ko sa daddy mo na hindi ko naman mahal, mas mahal ko ang lalaking kasalukuyang minamahal din ako, gusto ko sanang balikan kayo ng kapatid mo pero hindi ko magawa. Ang daddy mo kasi binantaan niya ako na ipapakulong ako sa oras na kunin ko kayo. That time natakot ako, kaya hinayaan ko na lang kayo sa dad niyo pero walang araw na hindi ko kayo iniisip. Gusto ko lang sana maintindihan mo ang mga pangyayaring hindi ko magawang ipaliwanag sainyo that time na iiwan ko kayo.''

 Naglakad na ako papalayo at hindi na lumingon pa. Hindi ako umiiyak at ayoko umiyak pero eto ako umiiyak na.

''Bakit? Bakit sa taong mahal ko pa ikaw pumunta? Mahirap tanggapin na iniwan mo kami dahil sa mahal mo at bakit sa taong minamahal ko pa ngayon?''

Aarrgghh, ang sakit ng ulo ko shet, hinimas himas ko ang ulo ko at may na-aalala ako..

''Hoy! Lalaking mukhang ewan, I love you….''

'' I Love you too babe.''

[ L.A.B ‘s P.O.V ]

''ah… Jason?  thanks sa kagabi ha? Hinatid mo ako sa bahay.''

''Excuse me nga nakaharang kayo sa daan.’’ Si Ian... pero bat tuloy tuloy lang siya?

''Pero hindi ako ang nag hatid sayo, si Ian tinawagan ko siya, HAHAHA ang kulit mo kaya kagabi.''

''HEHEHE sorry sige thanks na rin ha?''

''Hoy!!!! Ian Steven Cruz!!!! ''  Hinabol ko si Ian

[End of L.A.B ‘s P.O.V]

''Hoy!!!! Ian Steven Cruz!!!! '' Napatigil ako sa paglalakad at iritadong lumingon sa kanya.

''Oh? Bakit ba?''

''Mag-usap tayo..''

''Eh what if kung ayaw ko?''

''Do you want black-eye?''

''eeerr….fine…whatever..''

‘’ikaw daw ang nag hatid sa akin sa bahay? Hinalikan mo ako noh??''

''Wala akong alam diyan sa pinagsasabi mo.'' tumalikod na ako at nag lakad ng mabilis pero siya hinahabol pa rin ako.

"Sinabing mag-usap tayo eh.. Hindi ka ba hihinto?  tapos bigla niya akong kinagat sa braso…

''OUCH!! OW OUCH!! WHAT THE HELL?'' sigaw ko habang hinihimas himas ko ang brasong kinagatan niya. ''ARE YOU INSANE?''

''Ikaw kase eh...'' bigla siyang nag sad face.

''Fine, Oo na magpapatalo ka pa ba? Kainis..''

Dinala niya ako rooftop pa ra doon makapag-usap ''daw'' ng masinsinan…

''Ian about kay mommy rina?..''

''How did you know?''

''Mommy rina told me about that kanina.''

''Okay. Aalis na ako..''

''P-pero makinig ka muna sa akin pwede?''

''Ayoko muna pagusapan ang bagay na yan. Hayaan mo muna ko .Kung tungkol dito ang paguusapan natin then it’s better if umalis na ko.''

''Wait-- gusto sana ikaw maka-usap ni mommy mamaya sa house namin if you’re not busy susunduin kita, kung balak mong tumakas maghanda ka na dahil ako ayaw ko na niloloko ako sa usapan. Kuha mo?''

''Ok?'' matamlay na sagot ko.

''Sige babe bye!'' Umalis na ako at napagtanto ko na bakit hindi ko patawarin ang nanay ko para sa taong mahal ko? Sige ganun ang gagawin ko tutal naman sa totoo lang paliwanag lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanila.

 Our day ends fast, at hindi naman niya binigo, hinintay niya ako while nakasandal sa wall.

''Oh you're late?''

‘''Sorry? Medyo natagalan kasi may inayos pa ako sa journal club. Shall we?''

Magga-gabi na ng makarating kami sa bahay nila and andun din pala si dad...

Kinakabahan ako. For oursake na rin ito at mag ayos na ayos na ang lahat.

‘’A-a-anak..’’ Bigla na lang niya akong niyakap…

''Ma, I'm sorry kung hindi kita pinakinggan nung nakaraan, I knew everything na po, Daddy told everything about us. I miss you mum.'' And I hugged her very tightly. Marami ang naging kwentuhan ng gabing iyon, si dad ako si mum, and nagka-ayos na sila in-invite pa nga ni dad si mama sa kasal nila ni tita Esa, at tanggap ko na rin ang lahat ganun siguro ang kapalaran na ibinigay sa akin.

Hindi ako makatulog, this day was so unforgetable.

''You know coco? Mahal ko na yata siya?'' kinakausap ko siya habang hinihimas ko ang noo niya.

''Arfff...'' parang nagtaka si coco kasi tumabingi yung ulo niya.

''Tara coco tulog na tayo.''

9days left. Napaka bilis ng mga araw at and this day, I will tell to her about my feelings.

Kinaumagahan agad agad naman akong pumunta sa bahay nila, pero wala akong nadatnan. May lumabas na matanda mula sa loob ng bahay nila.

 ''Hiji? Hinahanap mo ba yung nakatira dito? Wala sila rito mga ilang araw na rin sila sa hospital.

''Bakit po? Sino po ang nandun?'' Kinakabahan na ako.

''Yung anak nilang si Louis Aster, na-confine.''

''Who is she?''

''Hindi mo ba siya kilala? Anak na bunso nina Eugenio at Lucy?''  I was shocked when I heard na nasa hospital pala siya ni wala man lang nag inform sa akin. That time napapaluha na ako pero bakit hindi ko maramdaman ang mga paa ko para bang ayaw gumalaw at pumunta sa kanya. Bakit?

Pinilit ko pa rin na tatagan ang sarili ko, kahit alam kong hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Bakit sa taong mahal ko pa? Hindi ko malubos maisip na ang babaeng mamahalin ko ng tunay ay ang taong magkakaroon pa ng malalang sakit. She had a Brain tumor daw na hindi raw active noon, sabi nila tanggapin ko na lang daw, kahit may pera sila gusto daw sana nilang ipagamot si LAB sa America, pero hindi na siya pumayag.

8. Gusto ko rin pala na aalagaan mo ako pag may sakit ako. dahil kung hindi papatapon kita sa mental!! Kuha mo??!!!

Gusto ko siyang alagaan oras oras, ayaw kong aalis ako sa tabi niya. Dito na muna ako sa tabi niya hanggang sa gumaling siya, kahit alam kong wala naman ng pag asa, ayaw ko kasing mawala siya. Meron na lang akong 5 days na makakasama siya matatapos na rin ang 39 days contract namin. ''Hindi ba pwedeng i-extend kahit yung pang-habangbuhay na lang hindi ba pwede yun?''

''Hindi kasi naman pwede yun eh, contract is a contract masakit man tanggapin darating at darating din sa punto na matatapos ang lahat.''

''Osige, pagkatapos ng 39 days in our 40th day liligawan kita promise, kaya sana gusto kong magpagaling ka ha? Pagkatapos na mga sinasabi ko iyon umiiyak na ako, ang hirap kasing tanggapin na nahihirapan ang taong mahal mo diba?

We only have a 3days, habang natatapos unti unti ang 39days, unti unti na rin siya nahihirapan. I can't see her na umiiyak siya. Masakit sa pakiramdam, bakit? Bakit? Kung kelan handa na akong mag mahal. 

9. Gusto ko na sa tabi lang kita sa oras na nahihirapan ako, kasi kung 'di mo gagawin 'yun, itatali kita sa poste na parang aso!!

Tuwing sumasakit ang ulo niya, sumasakit din ang puso ko.

Today is our 39th day. The day na matatapos na ang contract namin. Tomorrow, yes tomorrow is our new day. Our past was so amazed me, tuwing naiisip ko at binabalikan yun kinikilig ako, kahit puro away, death threats, Her silly atittude and especially her smile. Now, naiiyak ako na hanggang ngayon nagtitiis siya sa sakit na nararamdaman niya. 

Umuwi na ako sa condo ko para magpahinga muna prepairing for our tomorrow.

''You know coco? Naiiyak na ako, kasi naman yung amo mo na siga, matapang at bukod sa lahat na minahal ko ngayon nahihirapan na siya dahil hindi na niya kinakaya ang nararamdaman niya...'' Bukas din ay liligawan ko na siya.

Dumaan muna ako sa isang shop para bumili ng boquet, dahil liligawan ko na siya.

Dumating akong nagiiyakan ang lahat. I didn't understand what's happening. At nararamdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.

''What happen? Bat kayo umiiyak? Is there something wrong? Where is she?'' Na aaligaga na ako and I feel na ayoko ang susunod na malalaman ko.

''Ian, she passed away 30minutes ago.''  tapos hinihimas niya yung likod ko.

30minutes? Mga oras na malapit na ako? Mga oras na pinaghahandaan ang lahat ng sasabihin ko sa kanya? But dad gave a letter to me.

''Ian, isinulat pala ng anak ko ito kagabi kung sakaling hindi na siya umabot sa 40th day niyo gusto niya sanang mabasa mo ang ginawa niya.''  I can't, I can't accept na she left me over. Then sinimulan ko ng basahin.

Nilalaman……

 Hoy Ungas, Babe Ian!!!

                Gusto ko sanang malaman mo na mahal na mahal kita, sorry kung hindi ako inabot ng umaga para ligawan mo, nagpapasalamat ako dahil ikaw ang minahal ko sana natutunan mo rin akong mahalin kahit sa sandaling araw na tayo’y nagkasama, sana dumating yung time na kaya mo ng tanggapin na wala na ako sa tabi, or kahit na hindi talaga ako ang babaeng para sayo. And lastly na task na hindi ko na tapos gusto ko sanang maghanap ka ng babae na mas hihigit pa sa akin, yung pasasayahin ka, iintindihin ka at higit sa lahat hinding hindi ka iiwan. Thank you for everything our memories in a short time. I love you.

                                                                                   -Louise Aster Bautista (L.A.B)

 I can't sorry babe parang hindi ko yata kayang maghanap ng mas hihigit pa saiyo. Siguro tatanggapin ko na lang ang katotohang ito ang karma sakin sa mga panglolokong ginawa ko sa mga babae. Humagulgul na ako sa kakaiyak hindi man lang ako umabot kahit sa sandaling oras niya, hindi ko yata kayang isipin na kinabukasan wala ng LOUISE ASTER BAUTISTA na may mangungulit sa akin, magagalit, tatarayan ko sisigawan ako. But one thing na nagpapasalamat ako, because of her natutunan kong ma in love at maranasang ma in love..

Now, November 28 na aalala ko pa ang mga araw na she passed away,  we our now here sa puntod niya, her family and my family too. We have our message to her.

''Hi, anak.. miss na miss na kita, sana ok ka lang diyan tanggap ko na rin na wala ka na pero sana huwag mo kaming kalilimutan mahal na mahal na mahal kita baby ko.'' Her dad.

''Hi anak, Dinalhan kita ng paborito mong bulaklak, and hopefuly na magustuhan mo, masaya ako dahil nagkaroon ako ng anak na tulad mo, mahal na mahal kita baby ko.'' mommy rina

''Hello aster, Masaya ako dahil nakilala ka ng anak ko at higit sa lahat natutuhan ka niyang mahalin thank you so much for everything mahal ka namin.'' Dad.

''Babe, for me it's hard to accept na wala ka na, hindi ko alam kung paano ko sisimulan mag move on, of course hindi ko naman kakalimutan ang lahat ng mga memories na nagawa natin na magkasama tayo, lahat yun binabalik-balikan ko. Diba sinabi mo na humanap ako ng ibang girl na mamahalin ko na hihigit pa sayo? Sa ngayon kasi, wala pa akong nakikita, pero hindi ko naman sinasarado ang puso ko sakanila, tandaan mo mahal na mahal na mahal na mahal kita.'' I totally missed her, so much.

The month of June, naaalala ko pa ang lahat, sa rooftop ng school namin nagsimula ang lahat. Ng makilala ko siya. The day has passed ng maramdaman kong mahal ko na siya, at higit sa lahat ang pahalagan ko ang pagmamahal niya, maraming bagay akong natutuhan sa araw na kami’y magkasama mga memories na hindi makakalimutan. Masaya na ang mga araw natin, umiibig na ako sayo, marunong na akong magpahalaga ng mga bagay, pero bakit kailangang dumating sa  punto na iiwan mo rin ako? Hindi na lang ba pwedeng sa amin ka na lang? Masakit man talagang tanggapin pero ngayon unti-unti na akong naliliwanagan, thank you Louise Aster Bautirta because of you I learned everything, because of you everything's turned to be fine, I love you and and I will never ever forget you. Babe...

------------------------------

A/N: 

Almost half of this story was true, their names, and other activities na nangyari sa kanila.

Hopefully you enjoyed reading this. Leave a comment and vote if nagustuhan mo and its very appreciated.  God Bless...

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
554K 20.6K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...