“Kuya, malapit na po ‘yung exam namin at kailangan na naming magbayad ng tuition.” Bungad sa akin ni Kasy, ang kapatid kong babae na pinapaaral ko sa high school. Tumango lang ako at nagpatuloy na pumasok sa bahay.
“Nak, ‘yung sa kuryente ikaw na magbayad ha? Paghahatian na lang namin ng papa mo ‘yung sa tubig.” Pagsasalita ni mama habang hinahanda ang pagkain. Inilagay ko sa lamesa ang dala kong sling bag at na upo sa upuan ng lamesa.
“Sige ma. Nasan ba si papa?” pagkatapos ko uminom ng tubig ay tumayo ako at pumasok sa aking kwarto.
“Hindi pa umuuwi galing sa pamamasada. Maya-maya’y nandito na ‘yun,” may pasigaw na sabi ni mama.
Pagkatapos ko isara ang pinto ay agad kong hinubad ang damit at tanging ang boxer shorts na lang ang naiwan. Inayos ko ang mga nagulong gamit ko kaninang umaga bago umalis. Napatingin ako sa alarm clock at mag-aalas syete pa lang ng gabi.
Humiga ako sa higaan kong kahoy at napatingin sa naka bukas na bintana. Mula roon ay nakita ko ang mga bituin sa langit at maliwanag ang kalangitan dahil sa liwanag na galing sa buwan. Napatingin ako sa buong sulok ng aking kwarto. Gawa lang sa kahoy ang bahay namin. Namana lang ito ni papa sa mga lolo at lola ko, kaya ito ang pinaka lumang bahay sa lugar namin. Hindi rin ito malaki at kasya lang kaming anim na tao sa bahay na ito. May tatlong kwarto, tama lang ang laki ng kusina at sala at kunti lang ang gamit namin sa bahay. Hindi rin naman mayayaman ang mga taong naka palibot sa amin, nasa average lang ang pamumuhay ng lahat.
Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Pagkatapos ko ng high school ay naghanap agad ako ng trabaho. Malabo ng mangarap pa na maka tung-tung ako sa college, mahirap lang kami at sakto lang ang kita ni papa sa araw-araw na gastos namin. Ako na ang nagpapa-aral sa dalawa kong kapatid na babae sa high school at anim na taong gulang palang ang bunso naming si Gray. Minsan, kagaya kanina, ako ang nagbabayad ng bill namin sa kuryente at minsan nagbibigay ako ni mama ng pera para pang puno naman naming sa pang araw-araw na gastos. Sa umaga nagtra-trabaho ako bilang waiter sa isang malaking restaurant sa Makati. Pero minsan hindi sapat ang pera ko para sa buong buwan na gastos kaya nagpasya akong pasukin ang isang trabaho na hindi alam ng pamilya ko.
Isang caller boy, ito ang tawag ko sa aking sarili. Hindi ako matatawag bilang call boy dahil hindi ako tumatayo sa daan at kung sino-sino na lang bakla ang gagamit sa akin. Ito ang trabaho na maghihintay lang ng tawag, na pagkatapos mag set ng lugar at magka intindihan sa presyo ay okay na.
“Hey, Paul are you free tonight?” agad na sabi ng kabilang linya.
“Oo free ako basta ikaw,”
“Same place ha, 9pm. Okay? Bye see yah,” agad naputol ang kabilang linya.
Lumabas agad ako ng marinig ko ang boses ni papa. Lumapit agad ako ng makita ko siyang nag huhubad ng sapot sa may sala.
“Magandang gabi pa,” agad akong nagmano.
“Paul, may nangyari pa lang banggaan malapit sa restaurant niyo kanina,” pagsasalita niya habang naghuhubad ng suot itim na jacket. Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang news paper na nasa maliit na lamesa.
“Kaya traffic kanina pa,” pagsasalita ko habang nagbabasa ng news.
“Oo, may babae ring tumalon kanina sa fly over,” tumayo siya dala ang kanyang sapatos at jacket at pumasok sa kanilang kwarto. Napataas ang kilay ko sa sinabi ni papa. Ang dami na talagang na sisiraan ng ulo nang dahil lang sa pag-ibig.
“Hali ka na anak,” tawag ni mama sa may hapag kainan. “Tama na muna ‘yan Kasy at Yen, kain muna kayo,” tawag naman ni mama sa mga kapatid kong nasa kabila na abala sa pag-babasa sa notes nila.
Lumapit agad kami at naupo sa hugis bilog na lamesa. Nauna na ang bunsong kapatid namin na naka upo sa tabi ni mama. Pagkaupo namin ay lumabas naman si papa at na upo na rin sa tabi ko at sa tabi ni mama.
“Baliw na daw ‘yung babae dahil sa drugs,” biglang sabi ni papa, napa tingin naman kaming lahat sa kanya. Ah, ‘yun pala ang rason kung bakit tumalon ang babae sa fly over, hindi pala dahil broken hearted siya.
“Oh, siya, tama mo na ‘yang talon-talon na ‘yan at kumain muna tayo,”
Kumain na kami. Pagkatapos kong kumain ay agad din naman akong naghanda ng maisusuot ko mamaya. Pumasok agad ako sa banyo na nasa likod ng bahay namin at nagmadaling maligo. Baka traffic sa daan at ma late pa ako, maging bato pa ang pera. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nagpaalam nina mama at papa na pupuntahan ang kaibigan kong si Jack, siya ‘yung tumawag kanina na pinakilala ko nina mama at papa bilang matalik kong kaibigan.
Hindi naman traffic sa daan. Saktong alas eight forty ako dumating sa condo na tinitirhan ni Jack. Agad kong kinuha ang cell phone at nagtext sa kanya na nasa baba na ako.
“Hey,” naka ngiting niyang bungad ng binuksan na niya ang pinto.
“Hello,” naka ngiti rin ako habang ang dalawang kamay ko ang nasa bolsa ng aking suot na jeans.
“Come in,” mahigpit niya akong inakbayan papasok. Bumungad sa akin ang limang lalaking naka upo sa sofa ng sala.
“Kilala mo naman ‘yung tatlo ‘di ba?” pagsasalita niya ng naka tayo na kami sa harapan nila. “That’s Marco, boy friend ni Jay and that’s Rey boy friend naman ni Cris.” Pagpapakilala ni Jackie sa kanila.
“Hello,” bati ko sa kanila. Hindi na ako nailing o nabigla sa mga nakita ko. Sanay na ako sa ganitong trabaho.
“And boys, this is my boy friend Paul,” hindi pa rin na wawala ang broskong boses ni Jackie.
Isang siyang discreet bi-sexual. Malaki ang katawan, 6’0” ang height at talagang lalaki siya kung titingnan. Noong unang pagkikita namin ay hindi ko inakala na bakla siya. Nakilala ko lang siya sa isang social network at no’ng pagkikita namin ay nagkataon lang na kumain siya sa restaurant na pinagtra-trabahoan ko. Simula sa araw na iyon ay niligawan niya ako. Sabi niya ay mayroon akong katangian na nagustuhan niya at wala sa iba. Kaya maka lipas ang dalawang linggo ay sinagot ko siya at itinigil ko ang pagiging caller boy. Sinagot ko siya dahil wala lang, gusto ko lang sagutin siya. Linggo-linggo niya ako binibigyan ng pera, allowance na rin ang tawag ko roon.
Isang taon na kami ni Jackie. At sa loob ng isang taon ay mas nakilala ko siya. Higit sa lahat, mas nakilala ko ang sarili, siguro ito ang totoong ako. Pagod na akong magtago sa dilim, pagod na akong itago ang totoong ako. Dahil habang tumatagal ang panahon ay natutonan ko na ring siyang mahalin. Hindi pagmamahal bilang kaibigan pero magmamahal bilang kasintahan. At siguro, hindi ko tatanggihan ang alok niya sa aking magpapakasal sa States, manirahan doon at magsasama habang buhay.