↠BoybandPH Imagines and Prefe...

By sunshinygianne_

4.4K 172 23

Hi everyone! This book contain imagines and preferences made by yours truly for you guys! I know we all love... More

NOTE
1- JOAO CONSTANCIA
2- FORD VALENCIA
3-RUSSELL REYES
4-NIEL MURILLO
5-TRISTAN RAMIREZ
PREFERENCE 2- SONGS!
PREFERENCE 3- "Bad things by Machine Gun Kelly, Camila Cabello"
PREFERENCE 4- Fights
6- "Ligaya - Ford Valencia"
7- "Mr. Antipatiko-Joao Constancia"
8- "Priorities-Russell Reyes"
9- "Take you back - Joao Constancia ft. Russell Reyes"
PREFERENCE 5- ILYSB by LANY
10-"Learn to Let go- Niel Murillo"
11- "More than Friends- Niel Murillo"

PREFERENCE 1- "You bump into your ex and he gets jealous" (ft. jonaxxboys)

435 13 0
By sunshinygianne_

GENERAL PREFERENCE NUMBER 1-You bump into your ex and he gets jealous (ft. jonaxxboys)

DISCLAIMER: I DO NOT OWN ANY OF THE JONAXX BOYS, IT'S JONAXX'S. BASAHIN NIYO PO ANG MGA STORIES NIYA. 10/10 WOULD RECOMMEND.

Joao Constancia-Azrael Ian Montefalco III

*YN*

"Dito ka lang babe ah, kukuha lang ako ng wine sa wine section." Iniwan ni Joao ang cart namin sa harap ng flour mix at baking etcs. Tinanguan ko lang siya bago siya umalis.

Birthday party niya kasi and naisip naming icelebrate ito. Kanina pa ako nag-iisip ng flavor sana ng cake kaso nahihirapan ako.

Nang napagdesisyunan ko ang chocolate, tumingala ako para kunin sana ang mix pero sa unang tingin pa lang ay alam kong hindi ko na ito abot, AGGGGH!

"YN, uy YN, ikaw ba yan?" si Azi ba yun?

"Uy Azi, hi. Ikaw pala, kamusta na?" tanong ko.

Ex ko nga pala siya. Okay lang naman kami. It's actually a mutual decision to end our relationship.

"Yun, okay lang, ikakasal na nga pala si kuya Knoxx sa linggo, punta ka ah" tumango ako, "You need help?" Tinuro niya ang flavor mix.

"Ah hahah, yes please, sobrang kinulang kasi talaga ako sa height!" biro ko habang inaabot niya yung flavor mix.

"You know that's what I liked about you right?" niyuko niya ako, "I mean, your height is cute" inabot niya sakin yung flavor mix.

"Thank you, Azi. And yes, alam ko no. Ilang beses mo na ring nabanggit sakin yan simula noon." Hinampas ko siya ng pabiro.

"Oh well, haha, so ano, I'll see you aroun-" he got cut off.

"UY BABYYYY!!" narinig ko ang boses ni Joao sa likod namin.

Ano ba to? Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, "Uy hi, ako nga pala si Joao, boyfriend. Ikaw?" tanong niya kay Azi.

"Uhm, ah, Azrael, her ex," sabay kamot sa ulo.

"Oh, thank you at pinakawalan mo siya ah, sobrang thank you talaga," sarkastiko niyang sabi.

"Hoy ahh, sige Azi, sige bye, see you when I see you haha." Hininto ko na ang usapan doon dahil alam kong may tensyon na mamumuo.

"Wait, you're still going right? Sa wedding ni kuya Knoxx?" tanong niya.

"Yes, Az, I will. We gotta go! Okay, nice bumping into you!" Hinila ko na si Joao paalis dun.

"What was that?" tanong ko kay Joao nang makalayo na kami.

"You didn't tell me na may ex ka pala!" he exclaimed, avoiding my question.

"Eh si Azi lang naman-" I got cut off.

"Don't call him Azi, ang pangalan niya ay Azrael so call him that! God, YN, sino pa bang mga ex mo? Bakit feeling ko bigla ka na lang makikipagbalikan sa isa sa kanila?" ginulo niya yung buhok niya.

"Tigilan mo nga ako Joao! Tapos na kami ni Azi-rael okay, ikaw na lang. ikaw lang ang nandito sa puso ko. So stop feeding your cute jealous ass and grow up, tapos na kami ni Azrael, okay? Walang balikan na mangyayari!" halos pasigaw kong sabi sa kanya

"Good, because I won't let that happen, besides, my 'cute jealous ass' doesn't like it."He kissed my cheek.

This guy and his moods!

*

Russell Reyes-Hendrix Ty

*YN*

"Russell, di ko kasi talaga alam kung paano mag ganyan eh," sabi ko kay Russell na kanina pa nakasabit sa isang gym equipment. Inaaya niya kasi akong mag-ganun, kaso, di ko kaya or alam.

"Okay, fine with me. Pakuha na lang ng water ko sa locker room, please baby?" he asked me and I nod.

Dumiretso na ako sa locker room para hanapin ang locker niya. Nang nakita ko ito, I unlocked it and took his water bottle out. Palabas na sana ako ng nabangga ako ng isang lalaki, dahilan kung bakit tumapon ang tubig sa kanya.

"I'm so sorry, I didn't know-Hendrix?" nagulat ako ng nakita ko si Hendrix, ang ex ko.

"Uy, YN, ikaw pala. Sorry sa tubig mo ah. May water refill sa taas, samahan na lang kita" anyaya niya.

"Okay Hendrix, but please, lose the guards. You know I don't like them," bulong ko sa kanya.

May winika siya sa Mandarin na naging dahilan kung bakit naiwan na lang kaming mag-isa.

Paakyat na kami ngayon sa taas, "So, how have you been?" tanong niya.

"Yun, okay lang. Actually, hinihintay ko na lang yung result ng licensure examination at ganap na Engineer na ako, diba!" I exclaimed.

"Oh wow, that's good for you!" nakipaghi-five siya sa akin.

"Eh ikaw, ano namang pinagkaabalahan mo?" tanong ko sa kanya.

"You know, just the usual, yung business, sila mama, papa, Pierre at Klare. They miss you!" huminto kami sa isang water refill at ako ay nagrefill na.

"You know I miss them too right?" sabi ko.

"I wish we didn't have to break up over some Chinese rule. Kung wala lang talagang rule na Chinese is for Chinese, malamang, tayo pa rin and di mo sila mamimiss, dahil lagi mo silang kasama," he sighed.

That's right! Yun yung dahilan kung bakit nagbreak kami ni Hendrix. Some stupid tradition.

"Hendrix, I, you know I miss you all, pero okay na ako. I already have someone. You should meet him," suhestiyon ko habang pabalik na kami.

"I would love that. Gusto kong malaman kung worthy ba siya or hindi!" biro niya.

Nang makarating kami sa dating pwesto ni Russell ay bigla niya akong nginitian ngunit napawi ito ng nakita niya si Hendrix sa likod ko, "Russ oh, here's your water," inabot niya yun nang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Hendrix.

"Thanks babe" napakalaking emphasize ang nilagay niya sa 'babe', "Who's this?" turo niya kay Hendrix na may bahid na pang-aasar.

"Si Hendrix, my friend turned ex turned friend once again!" Inisip ko na baka magshake hands sila pero hindi. Ni walang gumalaw si kanila. Nagkatinginan lang sila hanggang sa umubo ako

"Uhm, Hendrix, si Russell" pakilala ko kay Russell.

"Her boyfriend!" he exclaimed and shook Hendrix's hand.

"Nice meeting you, hi," tipid na winika ni Hendrix, "Listen YN, may business meeting pa kasi kami na gaganapin mamaya, so I need to prepare. I guess I'll see you?" I turned to him and nod, he hugged me, "Oh, okay, sige, nice bumping into you, and nice meeting you too, Russell!" sabi niya bago umalis kasama ang guards niya.

Nang nawala na siya ay tiningnan ko si Russell na kanina pa nakatulala, "For how long ang relationship niyo?" he asked.

"Almost 2 years. We broke up because he's Chinese and Chinese is for Chinese or whatever that thing is!" I laughed, "So, ano na nga ulit yung gagawin kong work-out?" I asked him.

He shrugged, "Nevermind that! Just go back to that Hendrix guy, maybe you'll enjoy his company more than me," bumalik na siya sa pagsabit-sabit

UGH! DOES THIS GUY EVEN GET THE POINT? EX MGA BES, E TO THE X, WALA NA!

Or maybe, he's just jealous! Haha! Men!

"Uy Russell, don't be like that! You know you're better right?" I told him, hindi niya ako pinapansin.

"It doesn't look like it. Your eyes twinkled when he hugged you, and his eyes too. If you want to go back to him, just, I don't know, end things with me!" pagalit niyang sinabi habang hinihila ang sarili niya, "He seems like a great guy, you know, masyadong maayos, and-OH GOOODAMN!" he screamed and dun ko lang narealize na nabalian ata siya.

"Uy gago, are you okay?" I asked

He looked at me, "so is 'gago' our new endearment?" he asked, "DAMN, IT HURTS!" pagsigaw niya nun ay lumapit na ang isang trainer sa kanya.

"Ikaw kasi eh, if you'll get jealous, make sure na hindi ka nakasabit sa isang equipment. Baka mabalian ka!" I laughed.

"Stop laughing at me and go send help!" he frowned.

This guy is so cute!

*

Ford Valencia-Rage Del Fierro

*YN*

"Ito si Amanda, kaklase ko noon. This is Lanze, best friend ko nung grade 6," pakilala ni Ford sa kanila.

I tried my best to smile. Di ko nga alam kung bakit ako nandito eh. Dapat nasa bahay ako gumagawa ng requirements pero hinila ako ni Ford sa isang party ng kabarkada niya and I am not enjoying this place.

I don't want to turn him down so nagpunta na lang ako, para naman may kasama siya pauwi, "I'll get some drinks Ford," bulong ko sa kanya over the music

He nodded and sat beside the Lanze guy and started to chat.

Hinanap ko ang kusina at nung nahanap ko yun ay kumuha na ako ng coke. Kumuha rin ako ng isa at nilagyan si Ford sa isang red cup. Babalik na sana ako ng tumapon ito sa akin, hindi man lang huminto yung babaeng nakabangga. UGH!

Hinanap ko na lang ang banyo para maghugas. I'm wearing a simple band shirt and leggings, kaya biglang lamig nung tumapon sakin yung coke. Mga di kasi nag-iingat eh.

When I entered the comfort room, naghugas agad ako ng kamay. Napakalagkit kaya ng coke. Hinilamusan ko yung sarili ko. Maghuhubad na sana ako ng damit ng biglang bumukas ang curtain ng bath tub, "Sino yan?"

Wait, no, it can't be Rage. "Uh, hi sorry di ko alam na may tao pala. I'm going out naman na so, yeah!" palabas na sana ako ngunit tinawag niya ako.

"YN, you stay. Nabasa ka ba or something? Your white shirt's soaked." Bumaba siya sa tub at lumapit papunta sa akin

He still has that effect over me! DEAR GOD NO PLEASE!

"Here, wear my jacket" he removed his jacket and handed it to me

"Thank you Rage pero, ano kasi, nakakahiya?" it came out like a question.

He laughed, "No YN, it's not nakakahiya. I'm being generous. Take that as a gift from a friend. Not as some remembrance from your ex, hahahaha!" we laughed.

"Well, okay. I need to change so, uh" sabi ko

"Yes right! Magbabantay ako sa labas since sira yung door knob nito. I'll wait for you, okay?" pagkatapos nun ay umalis na siya

Pagkatapos kong mag bihis sa jacket ni Rage na abot hanggang hita ko, lumabas na ako at nakita ko siya dun.

"Thank you talaga Rage! Ibabalik ko sayo to pag may time!" I told him

"Don't worry about it. Kahit sayo na yan. You want to get some drinks?" he asked

For a moment there, I forgot na hindi ko nga pala ineenjoy yung party or anything. It's just us.

Pagdating namin sa kusina ay kumuha siya ng red cup at inabot to sakin, "Sino nga palang kasama mo?" tanong niya

I took a sip before speaking, "Boyfriend ko. Na di ko na alam kung nasaan ngayon" I sighed

Ford was nowhere to be found!

"I'll help you find him,let's go" inaya niya ako at sumama naman ako

Nakita ko agad si Ford na kasama pa rin ang mga kaibigan niya, only, may babaeng lumalapit sa kanya ngunit di niya man lang ito pinapansin. Nakatingin lang siya sakin, "Thank you again Rage. Nakita ko na siya, so uh, baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo?" I asked him

"Oh yes right, andito pala si Kid. So sige, goodbye!" nagpaalam siya at pumanik na sa taas kung saan mas maingay ang tugtugan

Papunta na sana ako sa pwesto nila ngunit wala dun si Ford. Where could he be? Lumapit ako at tinanong si Lanze, "Andun nasa labas! Nagselos ata sa lalaking kasama mo!" he then laugh

Lumabas agad ako at hinanap si Ford. Buti nalang konti ang tao dito, nakita ko siya na nakaupo sa isang upuan sa harap ng pool. "Uy Ford!" tawag ko sa kanya

Tumingin siya sakin ngunit umiling, umupo na lang ako sa tabi niya, "Uy pansinin mo naman ako oh. FOOORRRD!" I snapped my fingers in front of him pero walang effect

Is he jealous? HAHAHAHA WHAT A CUTIE!

"Jusko Ferdinand pag di mo ako pinansin in 3 seconds ibrebreak kita sa twenty three!" tawa ko, "Oneee", tiningnan niya lang ako, "Twooooo" tumatawa na rin siya, "Thr-" hindi ko na natuloy yung pagbibilang ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan

SO THIS FORD IS SWEETER WITH THE ADD ONS LIKE JEALOUSY? GANUN BA?!

"Don't ever make me jealous like that again! I hate you!" he laughed

*

Tristan Ramirez-Hector dela Merced

*YN*

Nakasakay kami ngayon sa isang van patungong Ilocos. (just imagine na madadaanan yung Alegria pag nagpunta ng Ilocos kahit na non-existent ang Alegria hahaha) May pupuntahan kasi kaming show. Nasa isang bus kami, at katabi ko ngayon ang boyfriend ko na natutulog ng mahimbing sa kanyang headrest.

He's so cute! I took a picture of it and posted it on my Snapchat.

I guess it's gonna be a long drive. Halos tulog na lahat ng tao dito sa bus. Kami na lang ata nila Niel at ng driver ang gising.

Matutulog na rin sana ako ng biglang pumreno ang van, "Uy manong, anong nangyari?" tanong ko agad sa driver

Kalaunan ay nagising na rin sila, "babe, what happened? May nasira ba?" tanong ni Tristan sa tabi ko na kagigising lang

"Oo ata eh, ewan, biglang pumreno" pagkasabi ko ay bigla siyang tumayo at tumulong sa driver na nasa labas na ngayon. Tiningnan nila ang gilid ng bus. Maya maya pa ay sumunod na ang ibang staff na lalaki at sila Niel.

Naisipan ko ring sundan sila kaya lumabas na ako. Pagkalabas ko ay bumungad kaagad sa akin ang umuusok na parte ng bus, "Maayos po ba to?" tanong ko

"Oo, pero matatagalan siguro. Wala tayong gamit eh!" sabi nung driver

Tinanaw ko ang paligid at nakita ko ang pamilyar na plantasyon. Nasa Alegria at ako. Kung Alegria ito, isa lang ang pinakakilalang plantasyon dito. Kila Hector ba to? So kung sa kanila nga to, does that mean may tao o trabahador na pwedeng tumulong samin?

Inobserbahan ko ang plantasyon at nakitang tahimik ito at walang katao-tao, well, magang-maga eh. Hindi sila nagpapatrabaho pag maga.

Biglang may lumabas na lalaki na may hawak na sombrero, nakilala ko agad kung sino to, "UY KOOOOBYYYY, KOOOOBY, UY NANDITO AKO, KOOOOBY MARASIGAN!" sigaw ko

Nagulat silang lahat na nasa likod ko, pero wala eh, kailangan ng tulong. Nakita ako ni Koby at gad siyang lumapit sakin

"Uy, ikaw ba yan, YN?" tanong niya, tumango ako

"Oo, duh, kamusta na kayo? By the way, uh, guys si Koby, schoolmate ko dati" pinakilala ko siya sa mga kasama ko, nagngitian lang sila.

"Yun okay lang, bakit, nasiraan ba kayo?" nilapitan niya ang kanina pang umuusok, "Wala na ata tong pag-asa, gusto mo bang tawagin ko sila Hector? Mas marami siyang alam tungkol dito eh" tanong niya sakin

Hearing his name made my heart jump, "Uh, ah sige sige"

*

Dumating si Hector at Knoxx na pawis na pawis. Nagulat ako ng nakita ko si Hector. Hindi na siya yung long-hair na parang kabayo noon. Mukha na siyang disenteng lalaki ngayon

"Uhm hi, nasiraan kasi kami eh" sabi ko sa kanya

"May gamit kami, maaayos to nila Knoxx. Pasok muna kayo sa bahay namin" anyaya niya sa amin

Tumango ako at bumaling kay Tristan na kanina pa mahigpit ang hawak sa kamay ko, why?

*

"Ay YN, ikaw ba yan?" bati ng mama ni Hector pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila

"Haha, opo, hello po tita, good morning!" bati ko sa kanya at nakipag beso na rin

"Ay sige, may kasama pala kayo. Good morning ha! Yaya, pahanda naman sila ng pagkain oh!" sigaw niya sa mga kasama nila, "Sige, make yourself at home ha, parang di mo naman to naging bahay noon!"

Pagakasabing pagkasabi niya noon ay nagkatinginan kami ni Hector pero hindi ito nagtagal, "Sige po tita, thank you po!"

*

Medyo tanghali na nung nayari yung ginagawa nila Koby sa bus. Naabutan ko si Hector doon sa labas, nilapitan ko siya

"Hector, thank you ah!" tiningnan niya ako

"Walang ano man, sige, nagpabaon na ako ng extra tools diyan in case na masiraan kayo. Alam mo namang pag dating sayo eh kung makakatulong ako eh gagawin ko" tumawa siya

"Hindi nga, seriously, thank you talaga. Thank you kasi nakalimutan mo na ang nakaraan" sabi ko

"Ano ba, matagal na yun, so friends?" inangat niya ang kamay niyang walang grasa, inabot ko iyon

"Friends."

Pumasok na ako sa bus namin at tumabi kay Tristan. Huminga muna ako ng malalim bago siya kinausap, "Ano, okay ka na? Baka gusto mo pang kumain diyan?" tanong ko

Tumingin siya sakin ng seryoso at inabot ang cellphone niyang may picture naming dalawa ni Hector noong prom pa. Pareho kaming nakangiti noon. High school pa kami nito. Medyo matagal na

"Di mo man lang sinabi sakin na may ex ka pala" sabi niya

"What's there to talk about ba? Na naging kami for a year pero nagbreak rin nung nagpa-Manila na ako. Okay, yun na yun. Nothing interesting. Ano akala mo, parang kaming love story na dapat ikinukwento sa lahat?" tanong ko sakanya

"Hindi yun yung point ko. Ang point ko eh hindi ka kailanman nagbanggit namay ex ka!" sabi niya

Buti na lang at tulog na ulit silang lahat

"Okay, fine, sorry!" sabi ko, "Pero yun lang yun, Hector and I, matagal na yun" I said in my defense

"I still don't like him. The way he looks at you, the way he touches you, the way he speaks to you, infact, I don't like the guy" wika niya

"Wait a minute, are you jelly?" I asked with a small laugh

"No, what, okay, pero siyempre, no. I'm not jelly, I'm Tristan" medyo defensive niyang sabi

"Ano ba, you and you only, okay?" lumapit ako sa kanya at kiniss ang cheeks niya, "YOU. *kiss* AND *kiss* YOU *kiss* ONLY *kiss*"

"You and your ways of calming me is driving me crazy, baby!"

*

Niel Murillo-Wade Rivas

*YN*

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng recording studio nila. Apat na oras na ako dito at naboboring na rin. Kanina pa sila nasa loob at nagrerecord para sa second album nila.

Mag-aalas dose na, nakakagutom pala dito. Paano kaya kung pumasok ako sa loob? Pero diba nakakaistorbo yun? Di naman pwedeng bigla na lang akong umalis, baka mamaya magpa-search and rescue bigla si Niel. Nasa akin rin phone niya kaya no use lang din kung itetext ko siya.

Give me food! Send HELP!

As if on cue, may biglang lumabas sa kabilang room. Akala ko siya ngunit hindi pala. Umasa ako huhu!

Nagulat ako ng bigla kong nakita si Wade Rivas. Oo, yung vocals ng bandang Going South.

"YN, is that you? Anong ginagawa mo dito?" nilapitan niya ako at ngumiti

Tumayo ako at lumapit sa kanya, "Hi Wade. Hinihintay ko lang yung boyfriend ko, dito kasi sila nagrerecord eh. Ikaw? Andyan ba sila Austin or Zac?" tanong ko

"Wala sila. May dinaanan lang ako. By the way, naglunch ka na. Mag-aalas dose na ah. You want to join me? I'm pretty sure your boyfriend wont mind" he asked

"Eeeh, Wade kasi ano, baka, wait, magpapaalam lang ako ah" kakatok na sana ako ng pinigilan niya ako

"Don't. Medyo masungit ang in charge ngayon sa kanila. Come on, sandali lang tayo. Sa parking lot lang. Magpapadeliver na lang ako. Come on YN, one last gift from your ex" biro niya

Yup, you heard it right, ex ko ang WADE RIVAS!

I nod, "Oh okay sige" we walked to the parking lot together

*

Medyo napahaba ang kwentuhan namin ni Wade sa parking lot kanina. Alas dos na agad. Lord, sana naman tapos na sila.

"So ano, ibalik na kita sa boyfriend mo?" he asks

"Yup, tara na. Baka tapos na sila" he opened the door for me

Pagdating namin sa recording floor ay nadatnan namin ang stylist ni Wade at ang BoybandPh na nakaupo sa isang sofa. Napatingin sila sa amin ng nakita kaming pumasok

"Uy Wade, where have you been? Is this YN, oh my god namiss na kita!" nakipag beso sakin yung stylist niya, nakalimutan ko na yung pangalan niya eh.

"Uhm, yup. Haha, I miss you too" I hugged him

"So ano, ba't ka napadpad dito? May reconciliation na ba ng greatest couple of the music industry?" biro niya.

I can feel everyone's eyes on me

"No. Andito ako because nagrerecord yung boyfriend ko dito eh" I told him

Lumapit na agad ako sa upuan nila at nginitian sila, "Guys, si Wade, ex ko!" pinakilala ko siya sa lahat

Nakipagshake hands naman siya sa lahat except Niel. Well, he's a little cold. Kanina pa kasi hindi nagsasalita

Problema nito?

"Hi pre, I'm guessing you're the boyfriend. I'm Wade" nakipagshake hands ng pilit si Niel sa kanya

"Niel, pare. BOYFRIEND" grabeng emphasis oh hahahahah

Tristan coughed, "So uh, naglunch ka na ba YN?" tanong niya

"Kanina pa. Nagutom ako eh. Sumabay na ako kay Wade. Kayo ba?" I asked them

Kanina pa rin hindi natatanggal ang tingin nila sa isa't isa. What is wrong?

"Uh, sige YN. Alis na kami. May show pa kasi ang Going South. You should go, pag di ka busy, you know?" singit ng stylist ni Wade

I smile at him, "Sige sige, sure. Ingat kayo ah" with that, umalis na sila

Pagkaalis nila, biglaang tumawa ang BoybandPH. Now what the hell is happening?

"Ang cute magselos ni Niel. Hahahaha, BOYFRIEND WITH THE EMPHASIS" tawa ni Russell, binato siya tuloy ni Niel ng unan

"May 'Niel, pare' pang galawan hahahaha" tukso ni Tristan

"Ganito pala magselos si bunso, ang cute hahahaha" dagdag pa ni Joao

Ah, okay? OKAY GETS

"Tigilan niyo nga yan. Baka mamaya ma 'Niel, pare' zone tayo at di na natin makasama si YN dahil sa selos niyan" pagtigil ni Ford sa kanila

Tumabi ako kay Niel, "HAHAHHAAHAH TOTOO BA? NAGSESELOS KA?" tawa ko na sinamahan pa ng tawa nila

"Hindi nakakatawa *y/f/n* (your full name), nakakainis. Ewan ko ba kung bakit. Masyado lang siyang malapit sayo at ayoko nun" he hugged me

"OOOOH PROTECTIVE AND JEALOUS NIEL, THAT'S CUTE!" sabay-sabay nilang sabi

*

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 83.6K 127
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
133K 7.8K 93
"Great news! Wei WuXian has died!" "Wait- WHAT?!" "But I'm still here." The juniors (Lan Sizhui, Lan Jingyi, Jin Ling, and Ouyang Zizhen) accidentall...
185K 8.5K 106
In the vast and perilous world of One Piece, where the seas are teeming with pirates, marines, and untold mysteries, a young man is given a second ch...
80.5K 2.1K 30
Izuku Midoriya, neglected and bullied due to his lack of a quirk, endured abuse from his family and friends, especially his twin sister Izumi and Kat...