Mea Lao

By AngelsWings16

9 2 0

Ayoko na More

Mea Lao

9 2 0
By AngelsWings16


Mea Lao ... Ako yun 17 years old nag iisang anak ang mama ko nag tratrabaho sa ibang bansa. Ang papa ko naman ang kasama ko sa bahay.

Dahil mag isa lang ako wala akong mapag sabihan ng problema ko sa kahit saan sa school, girl things, at sa bahay. Ngayon na kakulong lang ako sa apat na sulok ng aking silid akap-akap ang paborito kong unan.

Ang unan lang atang ito ang nakakaalam ng lahat saakin. At ang sumasalo sa mga luha ko ngayon. Bakit nga ba ako umiiyak?

"Diba pinapaayos ko sayo ito ha! Nandito parin nag walis kaba ng lagay na yan! Punyeta naman ohh!"

"Diba sabi ko mag lagay ka ng katol sa kuwarto ko! Bakit nilagay mo sa sala hindi ko alam kong bingi ka ohh ano e!"

"Ano bayan unahin mo yung katol punyeta! May hawak kang katol tapus may hawak kading pag kain!"

"Tignan mo ohh nakaawang ikaw may kagagawan nyan e! Kaya may lamok na nakapasok e!"

"Yung maso inutos ko sayong ibalik mo sa pinaglalagyan kinalimutan mo! Hindi ko maintindihan kong ulyanin ka oh ano e kabata bata mo ulyanin ka!"

Si papa yun kanina haha mukhang maliit na bagay lang no iniiyakan ko pa pero hindi yun ang puno't dulo ng pag iyak ko. Halos isang buwan na akong hindi pumapasok sa iskuwela dapat ilang buwan nalang mag grade 12 na sana ako. Pero pinatigil ako hindi mali hindi na ako pinapasok dahil sa away nila ni mama.

Nag simulang mag kandaletche letche ang buhay ko nung araw na yun.

Flashback

Kauuwi ko lang galing sa school na pinapasokan ko may bitbit na isang dosenang fried somai na paborito ko baka gusto ito ni papa. Napangiti ako sa naisip at dali daling pinatigil ang tric. Na aking sinasakyan nakita ko si papa nasa may pathway papunta sa kubo mukhang may kausap siya sa telepono. Kaya dumaretcho nalang  ako sa loob ng bahay.

Dahil hindi ako nakatiis nag umpisa na akong kumain ng somai titirhan ko nalang si papa. Nakailang piraso na ako ng pumasok si papa sa loob ng bahay.

"Tangina niyang nanay mo, hindi na talaga ako ginalang dito punyeta siya. Hindi kana papasok bukas!"

Hindi na papasok? Kinabahan ako doon hindi. Hindi puwede papasok ako! Pero nanatili parin akong tahimik  ni hindi ko pinag tuunan ng pansin ang iba pang sinasabi ni papa. Hindi naman siguro makakapasok pa ako hindi naman ito ang unting beses na sinabi nya yun. Yung una ay nung nag away sila ni mama dahil umuwi si mama sa negros ng hindi sinasabi kay papa ang balak niya. Sinabi huli na nasa pilipinas na si mama at inaantay ang connecting flight niya pauwing negros. Ang katwiran ni papa hindi na siya ginalang bilang asawa at padre de pamilya ni mama, isang araw akong hindi nakapasok non pero lumipas ang dalawang araw kahit papaano nag kaayus si mama at papa kaya nakapasok pa ako sa pag sapit ng lunes.

Pero hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon.

"Alam na ng mama mo na delay na ang padala niya at wala ng pera binigay ko na nga sayo kanina ang last money sa budget natin dinelay pa nya lalo!"

Wala na palang pera may pera pa ako sa ipon ko puwede ko payung gamitin martes naman bukas mukhang bukas pa ipapadala ni mama yung pera. Gusto ko yung sabihin pero natatakot ako iba si papa ayaw niya ng kinukontra siya may test at assignment panamang ipapasa bukas bumili panaman ako ng envelop na gagamitin sa research namin at yellow pad dahil gagawa ako ng essey para sa isang subject namin.

Nanatili akong tikom hangang sa umabot kinabukasan. Itinawag ni mama na nakapagpasadala na siya pero hindi parin ako pinapasok, hindi parin ako nag sabi kay papa. Kinahaponan namin kinuha ang pera 18k nag bayad kami ng kuryente at tubig kulang kulang 16k nalang ang natura kasama na doon ang pang gasolina sa motor ni papa.

"Hindi kana papasok, ng makita ng mama mo ang mangyayari"

Hindi ayaw ko!

"Ayaw kong isulat sa excuse letter mo na 'hindi nakapasok ang aking anak dahil hindi nag padala ang nanay niya' ayaw ko nang gumawa ng kung ano"

Bakit!? Bakit hindi ka mag sinungaling  ulit tulad ng ginawa mo nang unang nag absent ako! Sabi mo nakipag burol tayo Kay lola sa negros na umuwi tayo dahil doon kayang hindi ako nakapasok!. Pero hindi ko yun sinabi dahil baka saktan niya lang ako.

Tulad noon grade 8 ako nun galit si papa at nag pumilit akong pumasok ng nasa gate na ako sinugod niya ako at sinabunuta.

"Ano! Kaya mo na mag isa! Sinasaway mo ako sige lumayas ka dito ano ha!!"

Yun ang na pala ko kaya na dala na ako sinusunod ko siya palagi kahit labag sa loob ko.

End of flashback

At kahit lagi ko siyang sinusunod ito ang napala ko. Nahinto ako kahit ayaw ko sino banamang matutuwa diba.

"Ano ba ayusin mo nga hindi mo ba nakikita pag ako ang nag tratrabaho hindi naman ako ganyan ah"

Bakit ba lagi nalang nalang niya ako kinukumpara sakanya hindi ako si Rolan Lao!!!! Ibang tao ako!. Ako si Mea Lao!! Hindi ako, ikaw!!!!! Sigaw ko sa aking sarili habang tumatangis at hagkan ng ubod ng hipit ang aking unan.

Ganito naman ako palagi iniiyak ko tapus itutulog, ganong ang nakasanayan ko dahil wala naman akong mapag sabihang iba.

Matagal na akong nag titiis laging nakakulong sa bahay nakakalabas lang ako pag bumibili sa tindahan. Hindi ko pa naranasang lumibot mag isa o kasama ang mga kaibigan ko kahit sa SM man lang. School bahay lang ako palagi, kaya sinusulit ko pag may pag kakataon kong maging Malaya.

Mandalas iniisip ko sana ibon nalang ako para may laya akong lumipad at tumungo kung saan ko naiis. Ngunit iyun ay malabong bang mangyari.

Naalala ko yung tanong nang aking guro sa personal development 'kung sino ang minsan nang nag balak o may balak kitilin ang sariling buhay' nakapiring kaming lahat noon kaya lakas loob akong nag taas ng kamay ng mga panahong iyon. At sa pag a lala ko doon mas lalo akong naiyak.

Ilang beses ko nga ba naisip na gawin yun. Madaming beses na ni hindi kona mabilang. Naisip ko naging sapat ba sakanya ang ginagawa ko ? Lahat mali, kulang, hindi sapat. Laging ikinukumpara. Ginawa ko naman lahat ng gusto niya pati magsinungaling para lang hindi na humaba ang away nila kung minsan gunawa ko. Laging namamagitan taga salo ng init ng ulo niya, mumura murahin tapus uutus utusan.

Hindi ako robot na walang pakiramdam. Tao akong may isip, pakiramdam, naka, at desisyon.

Tumayo ako mula sa kama, nag tungo sa kusina at kinuha ang aking pakay. Bumalik ako sa aking silid at pinakatitigan ang bagay sa aking palad.

"Lagi kang naka ngiti sa harap ng iba, pero pag talikod ang dami mong sinasabi. Sinasabihan mo silang plastic ganon karin naman. Nakikita mo ang mali ng iba pero, ang sayo hindi. Ipinag mamalaki mo lagi nakaya mo mag isa, nagagawa mo ang ibat-ibang bagay mag isa"

Ipiniling ko pakaliwa ang bagay saaking palad. Kuminang ang talim ng punyal na nasaaking kamay. Itinaas ko ito sa tapat ng aking dibdib.

"Puwes mag isa kana ngayon"

Walang pag dadalawang isip na itinarak ko ang punyal sa aking puso.

Ngayon magiging Malaya na ako..

Continue Reading

You'll Also Like

17M 558K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
35.2K 1.6K 35
Amara Monroè learned long ago that closeness comes with a cost. Her life is built on structure, silence, and the kind of distance that keeps old woun...
18.2M 563K 37
"It's like he's a different breed of werewolf. Something... beyond us." • • • Adrienne Gage has spent her entire life being shunned and punished for...
136K 3.2K 200
Oneshots about chenford
Wattpad App - Unlock exclusive features