Her Eyes #Wattys2018 Winner

By deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... More

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 6

9.4K 288 116
By deitoy

[Ryoichi]

I stare at their files.

Janice Rivera Fuego
Reed Buenaventura Tyler

Dinampot ko ang file ni Reed and scan it.

Reed Tyler

Address: 67 Block A, Hidalgo Street, Lousiana Subdivision, Quezon City
Gender:Female
Born: January 19,2017
Parents: Renz Peralta Tyler and Edna Feles Buenaventura
Siblings: Rich Lourd Tyler and Rin Wendolyn Tyler
Interests: Rock songs, books, cooking and baking

Tinignan ko ang iba pang files na kasama ng information niya pero walang ibang kahina-hinala. She couldn't have the eye right?

"Hindi ako makakabuti sa lahat, Ryoichi, kamatayan ang dala ko, kamatayan ang nakikita ko, ikaw ang isa sa magiging mata ko para magamit ng maayos ang mga kakayahan na mayroon ako."

Those words repeats in my mind like a broken record.

Kamatayan? I don't think so.

She couldn't bring the eye especially I have the eye of danger. Naglapag si Kuya Dino ng garlic sticks sa harap ko tsaka tsaa. "Any clue found, Ichi?" Umiling ako, inilapag ko ang files at kinuha ang isa sa garlic sticks na nilapag ni Kuya.

Something on her is interesting yet I know I will put her in danger when I tried to discover that thing. "Nga pala, sabi ng doctor mo wag ka masyadong pakakastress," Kuya Dino butted while I'm deep in my thoughts.

Ngumiti ako at tinignan si Kuya Dino. "Sure Kuya," yeah, sure, soon I'll be gone but I don't know when, and I would trade anything just to know when so this would end.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko nang maubos ang tsaa at garlic stick na binigay ni Kuya. Nang pumasok ako sa kwarto ay sabik na tumatahol si Ziggy tsaka tumakbo pabalik sa kama at nahiga roon.

Napangiti ako sa simpleng aksyon ng aso ko, Ziggy somehow relaxes me from all the stress I have. Nang umupo ako sa gilid nang kama ay kumakawag ang kanyang buntot that's why I pet him. He barked cheerfully and lick my hand afterwards.

Humiga ako at sumiksik sa tagiliran ko si Ziggy tsaka ipinatong ang ulo sa aking tiyan. Hinimas ko ang ulo niya at pinaglaruan ang kanyang tainga hanggang sa nakatulog siya.

Muling bumalik sa isip ko ang scene kanina. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong eight o'clock na ng gabi. Hindi siya maaring mayroon ng matang yon. Ginulo ko ang buhok ko. Why the hell am I frustrated by it? Ichi, you should not interfere on someone's fucking business.

Pabaling-biling ako sa higaan nang maghating-gabi na. Hindi mapakali sa kanya. Nag-aalala ako na baka pag pumikit ako ay siya ang makita ko. Makita ang kapahamakan na maaring abutin niya. Kapahamakan na sisira sa kanya. Damn it! Nasisiraan ka na Ichi! Get a grip.

Ano ba kasi ang totoo? Nahihirapan ako sa pag-alam ng totoo. Ano ba talaga ang mayroon ka— Reed Tyler?



[Reed]

Nagdesisyon akong umuwi nang bahay para roon muna mag palipas ng gabi. Hindi ko maalis sa isip ko si Ryoichi.

Bakit ganon siya umasta? Bakit siya natatakot na malapit kami sa kanya? Kung ako na kamatayan ang dala, bakit siya natatakot gayong kapahamakan lang naman ang kanya?

Naguguluhan ako.

Ipinusod ko nang bun ang buhok ko tsaka pumasok nang kusina. "Meng?" Tawag ko sa pusang alaga ko. Pahihirapan nanaman ba ako ng pusa na iyon?

"Meng," muli kong tawag tsaka ko narinig ang mumunti niyang 'meow'. Nakita ko siya sa isang upuan na nakahiga roon. Natawa naman ako sa itsura niya na para bang bago akong tao sa bahay na iyon.

Ibinaba ko na ang kainan niya at tumalon siya mula sa upuan at sinimulan nang kumain.

Ipinikit ko ang mata ko at sandaling nag-isip.

Syringes, black liquid, a laboratory, screams.

"Reed!!"

Muli kong naidilat ang mga mata ko. Ano iyon? Natutop ko na lamang ang bibig ko dahil tila kinakapos ako ng hininga. Bakit kasama ako roon? Ano yon?

Napaigtad ako nang biglang may magdoor bell. "Ayan na!"

Naghahadaling pumunta ako sa pintuan at pagbukas ko ay ang kasamang matanda ni Ichi. "Magandang gabi, hija. Ako si Kuya Dino. Pinasusundo ka ni Ichi sa akin,"

"Huh? Mawalang galang na po, bakit? At paano niyo nalaman ang address namin?" Kumindat lamang ang matanda at nauna nang pumunta sa nakaparadang kotse.

"Sandali lang ho."

Agad kong kinuha ang backpack ko at sinara ang bahay. Ano nanaman bang problema sa akin ni Ryoichi?

Nakaabang si Kuya Dino sa may pintuan ng backseat at nang makalapit ako ay binuksan niya ito.

"Buti naman at sumama ka," halos mapatili ako sa boses na nanggaling sa dilim. Ang silhouette niya ay nakapalumbaba at kita ko ang tangos ng ilong niya. "Ano kailangan mo?"

"Ikaw."

"Huh?"

"May kailangan ako malaman sa iyo," walang kainteres-interes na wika niya.

"Ano naman ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko. "Marami," tumingin siya sa akin at ngumisi. "Ano ba talaga ang tinatago mo, Reed?"

Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit, nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. "W-wala akong tinatago," malakas ang kabog ng puso ko habang sinusubukang tumingin sa mga mata niya.

"You're stuttering, are you nervous?" Lalong lumapad ang ngisi niya at naramdaman namin na gumagalaw na ang sasakyan. "Scared aren't you?" Hindi niya iniaalis ang tingin sa akin.

Naamoy ko ang mint niyang hininga at ang pabango niya. Bakit ganto? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, ano nangyayari sa akin?

"P-wedeng lumayo ka sa akin?" Sinubukan kong lumayo sa kanya pero umusog din siya palapit sa akin. Umusog lang ako nang umusog hanggang sa napasandal ako sa pintuan ng kotse nila.

"There's no distance anymore, Tyler. You entered my life and you can't run away from me," bulong niya. Iniangat niya ang baba ko gamit ang hintuturo at hinlalaki niya. "You're a dangerous angel I'm a dangerous man, I could be your greatest destruction and you might be mine."

Ngumisi siya sa akin at dumistansya. Pakiramdam ko sobrang init ng pisngi ko. Sobrang namumula ito dahil sa kahihiyan. "Cute," bulong niya at pinisil ang pisngi ko.

"Aray!" Tumawa siya, a heartfelt laughter, the very first laughter I heard from him. He always snicker on me, but now he just laugh in front of me.

Does he find me amusing? In what way?

Hindi ko na rin namalayan na nakangiti na rin ako habang tumatawa siya. He seem so cute while laughing. His pearly white teeth exposed, his eyes almost gone because of pure laughter.

Kahit pa sa dilim nakikita ko ang pagka aliw niya. After his laughter died he looked at me.

"Saan tayo pupunta?"

"You'll see," he snickered at me.

Tumahimik na lamang ako. Lumiko ang sasakyan sa kurbada at papunta sa isang kalsada na hindi ko alam.

Halos isang oras na kami sa daan pero di pa rin kami nakararating sa patutunguhan namin. Tahimik lang si Ryoichi na nakamashid sa labas. Nakatingin lamang siya sa mga ilaw na tila bituin na kumukutitap sa paligid.

Every time we pass by a lamp post it illuminates Ryoichi's face. His face is a mix of seriousness, authority and innocence. His pointed nose, his thick eyelashes, his hazel brown eyes, and ruffled hair makes him look more handsome. Everything about him screams of perfection.

I shrug the idea of gawking at him. Reed, don't think about him so much, mahirap na.

He looks at me and our eyes lock. "We're here," he said. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang signage na nagsasabing 'Pulilan'. "Bakit mo ko dinala rito?" I asked. "I usually go here to freshen up my mind, lalo kung naguguluhan ako."

Lumiko pa sa isang kurbada ang sasakyan at nagdire-diretso. Siguro mga labing limang minuto kaming nasa sasakyan pa nang may makita akong malaking bahay at sa gilid non ay mga sakahan.

Sa mga likod ng sakahan ay ang mga ilaw ng bahay na kumukutitap. Pumasok kami sa malaking gate nang bahay— mansion rather. Sa gitna noon ay may mga bonsai sa garden. Lumabas na si Ryoichi at umikot papunta sa side ng door ko. Binuksan niya iyon at nag-abot ng kamay sa akin.

Kinuha ko ang kamay niya at nang makalabas ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang pagaspas ng mga dahon mula sa mga puno sa paligid. Halos marinig na rin ang mga palay na sumasayaw sa sakahan.

"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko sa kanya. He shrug. "Like I told you, I go here to freshen up my mind."

"Bakit kasama ako?"

"Because you are one of those problems."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko makuha ano ang ibig niyang sabihin.

"Are you really—" he looked at me intently. "The one who have the eyes of death?" As if answering my unspoken question.

I nod. He sighed.

"Then you know, when I will die, how I will die, and why I will die?"

"I know, how and when but why is beyond of my capability," I answered. He look at me, frustration in his eyes.

"Do you know how dangerous I am?" He asked again.

I hesitate, I nearly nod but shook my head.

"I'm dangerous, very dangerous. Once you choose to know me, I'll start to mess up your life."

Naglakad na siya papasok sa bahay at ako naiwan doon na nakatitig sa kanyang likuran. When will the mystery of you unravel, Ryoichi? When will you say the dark secret of yours? I'm ready to tell you mine unless you open yours.

Sumunod na rin ako papasok sa bahay na iyon. Nalula ako sa taas ng kisame, may chandelier sa living room at mukhang antique ang mga gamit doon. Classic tignan ang bahay, may pabilog na grand staircase roon. Mukhang mga mahogany at narra ang mga furnitures doon.

Ang ganda tignan dahil simple lang ang façade ng lugar. Malamig din ang simoy ng hangin dahil nakabukas ang pintuan patungo sa labas at sa garden sa likod ng bahay. Nakikita roon ang magandang ilaw mula sa mga kabayanan ng bukirin.

Nakaupo siya sa upuan at tila nag-iisip.

"I'm dangerous, Reed, do you understand?" He started. Hindi siya tumitingin sa akin. "I'm warning you, Reed. Your family will be doomed if this continue, steer away from me while it's still too early to change and alter the future."

"No one holds the future but us, Ryoichi. Hindi mo maaring sabihin sa akin na lumayo ako sa iyo kasi kung yun man ang mangyari sa hinaharap kahit anong gawin natin walang maiiba, mangyayari at mangyayari iyon."

"But we still have the choice to alter it," umiling ako. "No, it won't be altered."

Tinitigan ko siya sa mata pero umiwas din siya ng tingin.

He went up the grand staircase while I stand there. Umupo lang ako sa upuan doon at tumitig sa labas kung nasaan ang bukirin. Tila na attract ako sa mga ilaw kaya lumabas ako at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin.

It's majestic. It's beyond ordinary, hindi lagi ako nakakakita ng ganito. Sobrang ganda, sobrang nakakacaptivate.

"Hija, baka lamigin ka, pumasok ka na at mahamog."

Napalingon ako ka Kuya Dino na nakatayo sa pasemano. Ngumiti ako kay Kuya Dino at tumango. "Susunod na lang po ako."

Pumasok na si Kuya Dino at naiwan ako muli roon. Nang pakiramdam ko ay nalalamigan na ako sa simoy ng hangin ay pumasok na ako. Nakita ko na nakaupo si Kuya Dino sa isang upuan at nagbabasa.

"May kailangan ka ba?"

"Gusto ko po sana ng tubig."

Tumayo si Kuya Dino at tinuro ang daan papunta sa kitchen. "Sige ho, naabala ko ho ata kayo, ako na ho bahala rito."

Tumango si Kuya Dino at muling lumabas sa kusina. Lumapit ako sa ref doon at kumuha ng baso tsaka nagsalin ng tubig.

Bakit ako dinala ni Ryoichi rito? Ano kailangan niya sa akin?

Pumalumbaba ako sa island doon. I heaved a sigh at dumukdok doon. Lagi akong napapaisip dahil kay Ryoichi.

"Bakit ba lagi na lang kita iniisip?" Every time na naiisip ko si Ryoichi ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganon? Tila lagi akong kinakabahan.

Masama na ito, Reed. Bakit ganyan ang nangyayari sa damdamin mo?

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
The Mutiny Muse By A.

Historical Fiction

6.3K 831 58
Agueda Iniquinto, a twenty-four-year-old self-taught sniper was appointed as the leader of a secret organization of rebels called La Independencia Fi...
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
15.4K 486 25
What if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryo...