CHAPTER 7
Tik tilaok!!
Umunat unat ako kasi sabi nila pampatangkad daw yun kaya nilubos lubos ko. Bumangon agad ako at naligo para maayos ko na yung mga maleta kasi sabi ni Manager Mi na 9:00 am daw dapat nandun na sa company. Kaya gumising ako ng 7:30. Tinawagan ko muna si best para masiguradong gising na siya.
""""Kring.. kring..""""
"Hello Lyka.. naliligo ka na ba!?" Tanong ko sakanya habang kinukuha ko yung damit na susuotin ko na panlalaki.
"Ahh oo! Actually tapos na kong maligo.. binoblower ko nalang yung buhok ko kasi gusto ko na presentable ako sa Eboys hehe" arte ng kaibigan ko noh haha! Sigurado mag ma-make up pa yan.
"Ahh ganun ba, o cge! Maliligo lang ako" at nagmadali na kong maligo at nagbihis.
Pagkatapos kong maligo, syempre nagbihis na at tinawagan ulit si Lyka.
""""Kring.. Kring..""""
"Hello! Bessty sa playground tayo magkita ha! Intayin mo ko dun" sabi ko sakanya habang nakaipit yung phone ko sa balikat at tenga ko dahil sinusuot ko na yung wig.
"Ahh oo cge,, papunta na ko." Tinawag ko yung driver namin para maihatid kami ni Lyka sa company , dumaan muna kami sa playground at nakita ko na siya. Agad naman sumakay si Lyka na may bitbit na isang maleta at isang handbag.
Nakaraan ang ilang oras, nandito na kami sa company. Pagkababa namin sa kotse, nag elevator agad kami at pumunta sa dressing room ng Eboys kasi dun daw ang tagpuan namin. At biglang nagsalita si best.
"Talagang cinareer mo na yung pagiging lalaki mo sa harap ng Eboys ha"
Nandito kami sa elevator ng sinabi nya yun, buti nalang walang ibang taong makakarinig nun kundi kaming dalawa lang.
"Oo naman kasi pagnalaman ng Eboys ang tungkol dito tiyak na lagot ako" at saktong bumukas na ang elevator kaya naman dumeretso na kami sa dressing room. Habang naglalakad kami ay may sinabi ako kay Lyka.
"Lyka wag na muna natin pag usapan ang tunkol sa totoo kapag kaharap natin ang miyembro ng Eboys." Sabi ko kay Lyka na boses lalaki para naman kung may makakita sakin, di nila mahalata na babae talaga ako.
"Oo cge" nginitian nya lang ako.
~TOK TOK TOK~
Kumatok si Lyka na tila na nag aayos pa ng damit. At pinagbuksan kami ni Paolo.
"Ohh andyan ka na pala Ken! Ikaw nalang ang iniintay" sabi ni Manager Mi samin.
"Ahh pasensya na po Manager" sabi ko kay Manager at bigla kong napansin na wala dun sila Sam at Yung girlfriend nya na si Trisha.
"Manager sila Sam po nasan?" Bigla kong tinanong si manager.
"Nandun sila sa food court ewan ko kung anong ginagawa. Paki tawag na nga sila para maka alis na tayo ng maaga."
"Cge po manager" pumunta ako agad sa food court at hinanap sila pero wala. Masyadong malaki ang food court para hanapin sila. Pero isa nalang ang di ko napupuntahan yung CR.
Dumeretso agad ako sa CR at pagdating ko dun. Nakita ko silang dalawa na naghahalikan. Di ko balang muna sila tinawag at di rin ako nagpakita. Tila magdudugo puso ko sa nakita ko. Kaya naman napaluha ako. At tumingin ulit ako sakanila at finally tapos na silang maghalikan. Nag uusap nalang sila kaya naman pwede ko na silang tawagin.
"Sam at Trisha tawag na kayo ni Manager. Aalis na daw tayo" nung pagkasabi ko nun, tumingin sila sakin at tumingin ulit sa isat isa.
"OO cge susunod na kami" sabi ni sam kaya naman pumunta na ko a dressing room ng Eboys.
Sam's POV
Pumunta kami ng Cr ni Trisha at di sinasadyang magkahalikan kaming dalawa. Matagal tagal rin bago maghiwalay ang labi namin. At nagulat kaming dalawa ni Trisha na sumulpot si Ken.
"Sam at Trisha tawag na kayo ni Manager. Aalis na daw tayo" yan yung sinabi nya samin nun.
"Oo cge susunod na kami" sabi ko sakanya at buti naman umalis na siya.
"Sa tingin mo nakita nya tayong dalawa?" Biglang tanong sakin ni Trisha.
"Siguro naman hindi kasi nung lumapit siya nag uusap nalang tayo nun" sagot ko sakanya at pumunta na kami sa dressing room.
Pag dating namin nun, wala na sila.
"Siguro nasa parking lot na sila" sabi ko kay Trisha at pumunta agad kami sa parking lot, at sawakas nakita namin sila. Ihahatid lang kami nung driver ni Manager Mi sa airport para mapabilis yung byahe namin papuntang Bora.
Clarisse's POV
Nakasakay na lahat ng Eboys dito sa kotse ni Manager. Katabi ko ngayon si Lyka at ang katabi nya si Eiron. Siguro naiihi na siya sa sobrang kilig. At umandar na ang kotse. Tanag tanaw ang kagandahan ng Pilipinas.
Pagkalipas ng ilang oras..,...
Nandito na kami sa airport. Binigay na samin ni Manager yung mga ticket namin at pumunta sa waiting area.
-------------------- V(^_^)V ------------------------------------
Medyo ginanahan nang gumawa ng story. =)
Follow SpartanGurl