Wasteland 1: The Bloody Histo...

By siriuslay

51.7K 2.4K 1.2K

[Wasteland Series #1] An adventurous teenager discovered a literary piece owned by a fortunate survivor from... More

Note
Cast
Prologue
Chapter 1: Deadly wave
Chapter 2: Unexpected demise
Chapter 3: A horrible person
Chapter 4: Protecting each other
Chapter 5: Let's find them
Chapter 6: Pizza shop
Chapter 7: Saving Harper
Chapter 8: When they snapped
Chapter 9: Danger area
Chapter 10: Thank you
Chapter 12: Hospital
Chapter 13: Sacrifice
Chapter 14: The rescue
Chapter 15: At the end of the ocean
Chapter 16: Reunite
Chapter 17: Behind her back
Chapter 18: Invasion
Chapter 19: I'm sorry
Chapter 20: Stop blaming
Chapter 21: Painful truth
Chapter 22: It's okay to cry
Chapter 23: Friends no more
Chapter 24: Almost at the finish line
Chapter 25: Rips and tears
Chapter 26: Wasteland
Epilogue
Book 2

Chapter 11: Just kill me

1.1K 82 31
By siriuslay

Multimedia: Tristan

⇏ Z O E

"T-Tristan..." I tried to mention his name pero halos wala ng boses na lumalabas mula sa bibig ko dahil sa sobrang gulat. 

Pumulot siya ng isang malaking bato saka ipinukpok sa ulo ni Kate hanggang sa hindi na ito gumagalaw. Umiiyak lang ako rito habang nakaupo. Ito na naman ang mahinang si ako. Panandalian nga lang ba ang tapang na ipinakita ko noong nakaraan? Bakit hindi na lang permanente? Ayaw kong maging pabigat sa kanila. 

God, can you give me enough strength to handle this?

"Get up." Tinulungan niya akong tumayo bago kami tumakbo palayo. 

Patingin-tingin ako sa nagdudugo niyang braso. He's bitten. Hindi malabong maging katulad na rin siya nila Kate sooner or later. I don't want that to happen. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. 

"We can rest for a bit. Nakalayo na tayo sa kanila." Sabi niya saka umupo sa semento at sumandal sa isang pader. I bit my lips while looking at him. 

Kasalanan ko 'to. Bakit kasi hindi ako tumayo agad? Bakit hindi ko magawang protektahan ang sarili ko minsan? Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.

"Wait." Sambit ko saka kinuha ang panyo sa bulsa ko. Lumapit ako sa kanya saka itinali ng napakahigpit sa sugat niya ang panyo. Hindi ganon kalaki ang kagat sa kaniya kaya medyo mabagal ang pagkalat ng virus sa katawan niya. Naiiyak ako. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha.

"This won't work, Zoe." Sambit niya kaya muli akong naiyak nang makita kung ano ng itsura niya. 

Oo pagod na pagod siya, oo may iniinda siyang sakit, oo alam niyang bilang na lang ang mga oras niya pero hindi niya 'yun pinakita sa akin. Ngumiti siya. He gave me a reassurance smile na labis na nakapagpakonsensya sa akin. 

Paano niya pa nagagawang ngitian ako sa ganitong sitwasyon?! Damn, Tristan. 

"Nakakalungkot isipin na hindi ko man lang makikita ang barkada bago ako maging katulad ni Kate." He told me, still smiling.

Mas lalo akong naiyak. Sobrang sakit na malaman na ano mang oras mawawalan ka ng isang kaibigang sobrang naging malapit sa'yo. Sobrang hirap tanggapin na ang isa sa mga kaibigang nandiyan lagi para sa 'yo ay bigla na lang mawawala sa tabi mo. 

Tristan is a really good friend. Siya ang moodmaker namin. Siya yung laging nandiyan para sa amin. Siya yung laging nag-aasikaso sa amin lalo na sa akin dahil alam niyang mahina ako kaya lagi siyang nakadikit sa akin. Pero ano bang nagawa ko para sa kaniya? Nandiyan ba ako lagi sa tabi niya para pasayahin or pagaanin man lang ang loob niya? Wala. Wala akong nagawa. At ngayon, wala akong magawa kundi maiyak na lang. 

"Just kill me." 

That three words made me stop. Umiling ako nang umiling habang umiiyak. I can't do that. I can't kill my own friend. 

"Tara na. H-Hahanap tayo ng—"

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Paano kung maging katulad na nila ako? Ano ng gagawin mo? Mas mahihirapan kang patayin ako dahil magiging matakaw na zombie ako kapag nagkataon. Hindi kita titigilan hangga't hindi kita nakakain." Alam kong nagbibiro siya pero hindi ko magawang tumawa or hampasin man lang siya. Hinang-hina ako sa mga oras na 'to. 

"Hindi nakakatawa, Tristan." I took the handkerchief and tied it above his wrist para mapigilan kahit papaano ang pagkalat ng virus.

"I'm not joking. I'm stating the fact, Zoe. Wala kang dapat ikatawa." Sambit niya. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya, patuloy ko lang hinihigpitan ang panyo habang diretsyong nakatingin doon. Nagpanggap akong walang naririnig.

"Zoe..." 

Ayaw ko ng tono ng pananalita niya. Para na siyang nagsusumamo sa akin, nagmamakaawa. 

"Just kill me, please." Napatingin ako sa inaabot niya sa akin. Ang itak niya. Naiyak na naman ako nang makita ko ang luhang tumulo sa pisngi niya galing sa mga mata niyang patuloy pa rin ang pagmamakaawa. 

"I know you can't but you need to." Sambit niya. Hindi ko alam pero unti-unti ko ng inabot ang itak, dahilan para mapangiti siya ng mapait.

"That's right. Save yourself." Napapikit ako ng mariin saka inangat ang itak sa ere. Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. I'm going to kill my friend in order to survive. Ang selfish pakinggan, ang selfish tingnan pero doon rin naman ang punta ko kapag tuluyan na siyang naging zombie.

"Thank you for everything..." Sambit niya . Unti-unti akong napangisi nang may ideyang pumasok sa isip ko. "Pakisabi na rin 'yan sa kanila." 

Naiiyak akong bumwelo. Napapikit ako nang magtalsikan na naman sa mukha ang ilang patak ng dugo at nang marinig ang sigaw ni Tristan. 

I know it hurts but I think it's the right thing to do.

Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos kong magtali ng buhok. Gustong-gusto ko ng maligo dahil balot na balot na ako ng dugo matapos ang nangyari kanina.

Tahimik lang akong naglalakad habang hawak-hawak ang itak na gamit ni Tristan. 

May malapit na mall rito kaya nagdesisyon akong pumunta doon para manguha ng makakain at ilang gamit. Gutom na gutom na ako. Kagabi pa ang huling kain ko pero hindi ko man lang nararamdaman ang gutom. Siguro dahil sobrang stressed na ako sa paligid. 

Mag-isa lamang ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mga zombies akong nakasalubong sa daan. Walang kahit sino sa tabi ko ngayon. Walang poprotekta sa akin. Wala akong pwedeng asahan. 

Bukas naman ang ilang ilaw sa mall kaya hindi ako masyadong kinakabahan. Kung may panganib man sa paligid makikita ko kaagad dahil maliwanag. Nang may madaanan akong shop ng damit ay agad akong pumasok doon para makapagpalit man lang ng matinong kasuotan. Nadaanan ko ang isang malaking salamin kaya kaagad akong napahinto at napatitig sa sarili kong repleksyon. Balot na balot ng dugo at dumi ang damit, magulong buhok, malalim na eyebags. May mas lalala pa ba sa itsura kong 'to?

"Next time, huwag ka ng asa nang asa sa iba. Hindi sa lahat ng oras mayroong magliligtas sa 'yo." Naiiyak na sabi ko sa sarili ko. Ipinikit ko ng ilang segundo ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko. 

Kamusta na kaya sila Kirstel? Okay kaya sila? Si Marc kaya? Ligtas ba siya ngayon? Buhay pa ba siya?

Pinunasan ko na ang mga luha ko at pumili ng susuotin. Naghubad na ako ng leather jeacket. Kumuha lang ako ng kulay itim na shirt at track pants para kumportable. Pagkabihis ko ay nahagip ng mga mata ko ang itim na cardigan kaya kinuha ko rin 'yon at isinuot.

Dumiretsyo ako sa supermarket para kumuha ng makakakain. Tiningnan ko kung may prutas pa bang pwedeng kainin at buti meron pa naman. Kinuha ko ang isang mansanas na sa tingin ko ay pwede pa. Kinagatan ko agad iyon dahil gutom na gutom na ako.

Kumuha ako ng plastic mula sa counter saka isinilid doon ang ilang prutas. Kumuha na rin ako ng tinapay at ilang mineral water. Palabas na sana ako kaso nakarinig ako ng pamilyar na boses at para bang may kausap ito.

"Dami mo namang kinukuha, dude."

"This is for my girlfriend." 

Gusto kong umiyak. Si Marc 'yon! Si Marc ang naririnig ko.

"Sino ba sa mga girlfriend mo?" 

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nung isang lalaking kasama ni Marc. Sumilip pa ako sa kanila hanggang sa kitang-kita ko na ang mukha ni Marc. It turns out nasa kabila lang pala sila pero hindi ko man lang napansin kanina sa sobrang dami kong iniisip.

"Gago ka." Sambit pa ni Marc saka tumwa. Gusto kong paluin ang bibig niya dahil sabi ko sa kaniya huwag na siyang magmumura. Pasaway talaga.

Pero ano bang pinag-uusapan nila?

Saktong napalingon sa gawi ko si Marc kaya napatalon ako sa gulat. "Zoe!" Sigaw niya saka tumakbo papunta sa akin. Wala akong nakikitang ibang emosyon sa mga mata niya kung hindi ang pag-aalala. Niyakap niya ako ng napakahigpit kaya nabitiwan ko ang bitbit kong mga pagkain.

"Marc..." Banggit ko sa pangalan nito. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong umiiyak habang unti-unti siyang niyayakap pabalik.

Napatingin ako sa kasama niya na bigla ring lumitaw. He's just staring at me.

Hindi ko alam pero bigla akong kinutuban ng hindi maganda.

Anong pinag-uusapan nila kanina?

_

Continue Reading

You'll Also Like

210K 12.1K 59
TAGLISH | COMPLETED | A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Years after the first outbreak transpired, a mysterious virus occurred...
7.6K 389 20
Mint Academy Special Chapters
123K 3.9K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
2.7K 352 32
[Prequel] Tricks, Riddles, Clues! This is the prequel of the Vega Series. Geo Vega, a 13 years old boy known for his astounding talent in detective...