Patawad

By NotAWriter557

5.8K 114 20

Spoken Poetry para sa mga tanga More

VOTE VOTE VOTE

Spoken Poetry (Short)

3.8K 62 13
By NotAWriter557

Mahal, patawarin mo ako
Kung 'di na ako ang nakikita mo
Kung 'di na ako ang nagpapasaya sayo
Kung 'di na ako ang magsasabi sayo ng "mahal kita"

Mahal ginawa ko naman ang lahat diba?
Sinubukan naman kita ipaglaban sa tadhana diba?
Hindi naman ako nagkulang sayo diba?
Bakit 'di mo parin nagawang makita ang aking halaga?

Bakit nakita parin kitang may kasamang iba?
Bakit siya parin ang dahiluan ng ngiti mo sa umaga?
Bakit siya parin ang naaalala mo kapag magkasama tayong dalawa?
Bakit hindi ako?
Bakit hindi nalang tayo?
Kulang parin ba ako?

Yung mga sugat ng puso ko
Andito parin sila, nagdurugo.
Yung mga kamay ko na puro paltos na
Kumakapit parin sila
Yung espada kong sira na
Pinaglalaban ka parin nya

Mahal, kung babalik ka pa
Papatawarin parin kita
Sayo parin ako magpapakatanga
Sayo parin ako kakapit
Sayo parin ako lalapit
Sayo at sayo at sayo
SAYO PARIN ANG PUSO KO!

Hindi mo ba makita 'to?!
Handa na nga ako sumuko sa kahit na ano para sayo
Handa na akong lumaban kahit na kanino
Handa parin akong masaktan para sayo
Handa parin akong mahalin ang katulad mo.

Patawad kung nagpapakatanga ako para sayo.


Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 710 83
❝A collection of poetries, and all the things that I can't express will be written here as a poetry.❞ markyzx
23.9M 592K 36
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
49.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
109 22 17
Mga tulang para sa madla, sa mga taong nasasaktan, sa mga taong nais ipahiwatig ang nararamdaman, ngunit natatakot na pag tawanan(⁠◠⁠‿⁠・⁠)⁠-⁠☆ Sa bu...
Wattpad App - Unlock exclusive features