Mcdo Love Story

By KeiiStar

338K 9.1K 4.3K

Cassandra is just a typical girl that works as a part time in Mcdo.. everything is just fine until some rando... More

Mcdo Love Story

338K 9.1K 4.3K
By KeiiStar

Ako si Casandra Mae Tomas, 2nd year college Accounting student sa isang maliit na university sa Quezon City at isa akong working student. Sa umaga nag aaral sa gabi nagtatrabaho sa McDonalds's

At dito nagstart ang MCDO LOVE STORY KO.

--

December 14,2010

Duty nanaman -________- hayyy. Patayan kasi ang oras ng duty ko, 8-12 midnight kaya sobrang nakakaantok mag duty ng ganitong oras lalo na at whole day din ang pasok ko sa school.

Haaays bakit kasi kailangan pa mag 24/7 ng MCDO? -_____-

If I only have a choice.

As usual here I am. Nag aantay ng customer sa counter. Kaunti na lang ang customer na andito.Karaniwan kasi sa gantong oras nagdidrive-thru na lang yung iba and yung iba ay tulog na sa kanikanilang tahanan. At pati ako na nag iisa na lang sa counter ay medyo inaantok na din.

"Cas!Ngiti naman dyan! Para kang nalugi eh. - Manager Kim.

"Hehe, sensya na Ma'am pagod lang talaga *sigh*. Sobrang antok na din kasi Ma'am eh. Kung hindi lang talaga kailangan mag work. *sigh*. Hehe sensya na Ma'am - Ako.

"Napakasipag mo talagang bata ka eh noh! Kaya nga love na love ka namin dito eh. Oh sige na ilang minuto na lang naman eh mag oout ka na din."

"Oh ayan last customer mo na yan,pagtapos niyan mag out ka na ha?"

"Casandra! Smile!" - Manager Kim

"Thank you Ma'am - Ako

Ang babait talaga nila sakin dito. Family ko na nga sila dito eh. Naiintindihan kasi nila kung bakit kailangan kong gawin to haay. Kaya mo yan Cass!

May pumasok na ng pinto.

Lalaki.

Gwapo.

Maputi.

Matangkad.

Nakauniform ng *insert name of FAB SCHOOL HERE*. Wow sosyal!

Lasing ata? Pasuray suray eh.

Nasa counter na sya.

"Good evening Sir. Welcome to Mcdo. Ano pong order niyo?"

He was looking at me, as in eye to eye na feeling ko nakikita niya ang kaluluwa ko. Gaah this guy is giving me the creeps.

"Can I have a uhm...a extra large fries and a uhmm one spaghetti value meal, a big mac and a uhm monster float, double hot fudge sundae, 2 apple pies and coffee. Thats all"

It took him 15 minutes just to say his order and hindi man lang niya tinanggal yung tingin niya sakin.

"If thats all Sir, I'll repeat your order Sir. Okay so, you ordered a extra large fries, one spaghetti value meal, a big mac, monster float, a double hot fudge sundae, 2 apple pies and a coffee"

"Uh yea thats all. How much?"

"*** 00 pesos po Sir." (nagabot ng 1,000)

"Here's your change sir ***.00pesos po. Is it okay lang po ba Sir kung 6 minutes pa po yung coffee, big mac and apple pies?"

"Uh, okay okay sure"

"Okay sir paki antay na lang po sa table niyo dadalhin ko na lang po sa inyo."

"Okay"

Grabe ang hirap makipagusap sa taong lasing at yung ngiti at tingin niya nakakatakot talaga. Kung di lang to gwapo iisipin kong manyak to eh.

Umupo siya sa tapat ng counter ko at ang awkward dahil nakatingin siya sakin as in.

TINGEN o__O grabeee! Kinikilabutan na talaga ko.

Pagtapos kong iprepare yung order niya pupunta na sana ko sakanya pero bigla siyang lumapit sa counter.

"Sir eto na po yung order niyo"

"Ah okay" bigla nyang kinuha yung coffee.

Wait, yung coffee lang talaga?

Aalis na sana siya ng counter kaya lang pano yung iba nyang inorder? Ampupu naman -_-

"Sir yung order niyo?"

"Uh, wait lang. Uuwi lang ako para matulog -____-"

The f? uuwi siya? "Hala sir pano po itong mga inorder niyo? gusto niyo po ba itake out ko na lang po ito?"

"Nah, No need. It's all yours. My morning treat *wink*" Saka siya umalis ng counter at dirediretsong lumabas ng Store. And there tsaka ko lang napansin na may kotse pala siya. May mas we-weird pa ba sa taong yun?

Pagtingin ko sa inupuan niya may nakalagay na tissue pero may nakasulat. Nakapagsulat pa pala siya?.

Kinuha ko.

11:50 PM

I was so drunk this day but I saw you. You are not beautiful, not even pretty. I don't know but you are damn adorable.

I think i fell inlove to a girl working here at Mcdo.

I cannot quite see your name, everything is blurred. But can I call you my Angel?

You made me feel better. Uhmm, I need to go coz I think I'm gonna throw up. Hope you'll see this letter.

Thank you and I like you.

NEON

"Sweet!" sabay sabay na sigaw ng mga kasamahan ko dito. Luh kailan pa sila nasa likod ko?

"Ui Cas iba na yan ah!" Kinikilig na sabi ni Andrea sabay sundot sa tagiliran ko. Potek may kiliti ako dun eh.

Sweet naman kasi talaga eh. Maski ako kinikilig sa ginawa niya. Kahit na medyo weird siya. At bakit ganon parang feeling ko inlove na ko sa letter I mean sa kanya. Haays too bad hindi kami nag kakilala talaga, cool pa ng name niya "Neon"

Ayun yung order niyang iniwan sakin, kinain ng Crewmates ko. Busog naman ako eh. Pero yung letter tinago ko. Remembrance na din siguro. Simula kasi ng gabing yun, hindi na siya bumalik.

Days and days past.

Wala padin.

1 month na ang nakalipas wala pa rin. Hanggang sa isang taon na ang nakalipas. Inaantay ko pa din ang pagbalik niya dito sa Mcdo.

Hindi ko namalayan na isang taon na pala ang lumipas. Hindi ko alam sa sarili ko. Para nakong tanga, nag aantay ako ng isang stranger na nagbigay lang naman sakin ng letter

Pero sa di malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit pero parang I'm already inlove with him.

December 14, 2011

Ngayong araw na to ang araw na naencounter ko ang pinaka weird pero sweet na customer ko dito sa Mcdo.

Ngayong araw na ito ko nakilala si Neon. Nakakatawa umaasa na naman ako. Haay! Gising Cass! Magtrabaho ka na! May assignment ka pa sa Financial Accounting II mo

Tinigil ko muna ang pag iimagine ng kung ano ano. Tsaka nagpatuloy sa pagpupunas at paglilinis ng mga tables. Ilang minutes na lang naman eh tapos na ang duty ko and kunti na lang din naman ang customers tsaka nakita ko na yung mga papalit sa shift namin.

For unknown reason. Iba yung feeling ko ngayon parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung feeling na parang may mangyayaring masama. Pssh stop it Cass!

Babalik na sana ko sa kitchen para magsabi sa manager namin ng may napansin akong paper or should I say tissue but its not just an ordinary tissue paper.

Again, may nakasulat.

Di ko alam kung pingalalaruan ako ng tadhana or what pero I saw the tissue paper on the same table where Neon wrote his letter.

Dala ng curiosity kinuha ko yung tissue and start reading the letter.

December 14, 2011

Its been a long time since I the last time I saw you. This was the exact day when I first saw you last year. Nothing really change about your appearance. You're still adorable but I can't find those beautiful curves on your lips but you are still f-ckin adorable but as time pass by something has changed with my feelings for you. I don't like you anymore.

And as if on cue, nag unahang bumagsak ang luha ko. Para kong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang tagal kong inantay ang araw na muli kaming magkikita but not like this, ni hindi nga kami nagkita eh. Napaupo ako sa sobrang sakit, nauubusan ako ng lakas. Parang hinigop ng maliit na tissue paper na to ang lakas ko. Pati ang pag asa ko na magkikita kami, maging ang pagmamahal na nararamdaman ko. No words can explain what I'm feeling right now. I'm already inlove with him for Goodness Sake!

Naramdaman kong may taong papalapit sakin. Siguro curious kung bakit ang isang Crew ay bigla nalang nagbreakdown pero wala akong pakialam. I thought he was jsut going to pass me by but nagulat ako nung nagstay siya sa harapan ko. Hindi ko siya maaninag dahil sa patuloy padin ang pagalpas ng luha sa mata ko. Hindi ko na sana papansinin kung hindi lang siya nagsalita and God Forbid I just froze there in the floor.

I just recognized his voice.

(a/n: play the music on the right side thank you .)

"The letter is not yet done. I don't like you anymore because since that night I first saw you I stayed all night watching you from afar. You might think I'm crazy I know I am. Coz I'm crazy inlove with whom I call my Angel.

"Ms. Cassandra Mae Tomas. You're my angel that heaven gave."

That guy was no other than the guy who made me cry infront of our customers. Who made me wait for exactly a year waiting for him to come back here in our store. Who made my heart skip a beat and taught me that love at first sight do exist. It's him who gave me this magical feeling.

Iyak padin ako ng iyak. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Di ko alam kung anong gagawin ko, ikaw ba namang ang taong inantay mo ng isang taon at umasa ng walang kasiguraduhan ay nagcoconfess ngayon sa harapan mo at sa harap ng lahat ng tao dito sa Mcdo.

Inalalayan niya kong tumayo at hinawakan ang mga kamay kong nanlalamig kanina pa.

He hold me close to his body and wrap his arms around me. Pinaglevel niya ang mga mukha namin at saka tinitigan ang aking mga mata. At tsaka kumanta ng may ngiti sa labi.

Oh God I really love this man.

"Paparapapa LOVE KO 'TO"

And there I felt his soft lips on mine. Everyone is looking at us. But all i can see is his eyes.

And this is my MCDO LOVE STORY.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 237 7
Maikling Kwento tungkol sa pag iibigan ng dalawa nating tauhan. Enjoy reading. Don't forget to COMMENT, VOTE and SHARE this. Thank You. :) -FantaCLN
3.2K 301 38
Everything about her screams perfection, aphrodite herself might feel overshadowed if they stood side by side. - Kivriel Lew Mercer If you can't reme...
43.3K 1.3K 27
GXG
14.6K 308 20
...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reprodu...