You're The One

By MissJAI

132 6 5

More

You're The One

132 6 5
By MissJAI

*TOK TOK*

"Mia! bumangon kana dyan may pasok ka pa." sigaw ng mama ko habang kinakalampag ang pinto ng   kwarto ko.

"gising na ko."simpleng sagot ko, inaantok pa ko, pero kelangan ko ng bumangon, tumayo na ko saking kama at niligpit ito. Lumabas na ko ng aking kwarto at dumiretso sa may kusina, nakita kong nag hahain na si mama.

 "Ma, anong ulam?" tanong ko.

"hotdog."

“si papa kumain na?”tanong ko habang nagsasandok ng pagkain

“oo tapos na, kaw nalang ang hindi kumakain”sabi nya.

"bilis-bilisan mo nalang kumain baka malate ka."tumango na lamang ako sa kanya. Pagkatapos kong kumain naligo na ko at nag bihis.

"Mama alis na po ko." humalik ako sa pisnge nya

"sige, ingat ka." sabi nya habang nag-huhugas ng plato.

 

Natigilan ako pag labas ko sa bahay, hala NAULAN, ang lakas ng patak ng ulan. wala kang maririnig na iba dito sa labas kundi ang mga patak ng ulan sa mga bubongan ng mga kabahayan. Nilabas ko na ang payong ko at nag-umpisa ng maglakad na animo nagmumuni-muni.

Hindi ko namalayan na nasa may university na pala ako, nilakad ko lang to malapit lang naman kasi to sa may bahay siguro mga 15 min. lang. Hindi pa rin tumitila ang ulan pero bahagya itong humina. Tiningnan ko ang oras sa relo ko at ng makita kong mag s-seven na nagmadali na kong pumunta sa m6 para sa klase ko sa math. Pagdating ko sa room wala pa si sir. Dumiretso na ko sa may likod, dun sa may upuan ko.

Ako nga pala si Mia Sanchez, 19 yrs old, 3rd year college dito sa JEJARE University, course Accountancy. Private tong school na pinapasukan ko , di namin to aFford pero dahil sa schoolarship naka-enroll ako. Dito kasi napasok ang nag-iisang kaibigan ko na si Shane at parehas kami ng course. Nilibot ko ung paningin ko kung nandito na si Shane. Wala pa, late na naman ang loka.

Maya-maya lang dumating na si Sir, nagcheck muna sya ng attendance, Ayan na malapit na kong tawagin pero wala parin si Shane magkasunod kasi kami ng surname nauuna lang ako.

“Sanchez Mia” 

“sir” hala sya na pero wala parin sya.

“Sergio Shane” 

“SIR!” hiningingal na sabi ni Shane. Nagulat kaming lahat dahil sa lakas ng boses nito na kahit si sir nagulat.

“Okay, Ms. Sergio you may seat now and next time lower than your voice”

“Yes,Sir” sagot nito habang papunta sa tabi ko.

“ba’t ngayon ka lang?” pabulong na sabi ko.

“May 2 pogi kasi sa may hallway, Napatulala ako eh hehehehh” Sabay kamot sa ulo nito.

“Tsk,baliw ka talaga.” komento ko. Natapos mag-check ng attendance si Sir, ng dumating ang isang teacher at tinawag si Sir.

ui, kung nakita mo lang ung sinasabi ko kanina mapapatulala ka rin hahahahh. Baka sabihin mo ‘gusto ko na rin ng boyfriend’ Sabi ni shane sakin na animo kinikilig may kasamang kulbit pa.

“Tumigil ka diyan parang kang baliw.”

“hindi naman eh, konti lang.” defense nya.

“Class you have two new classmates, please come in” pumasok na yung sinasabi ni sir, nagulat ako ng parang tanga hinihila ni Shane ang mga braso ko.

“Bakit?” react ko sa paghila ni shane sa braso.

“sila yan sila yan hihihihh, classmate natin sila Mia kinikilig na ko.” Sabi nito na pinipigilang sumigaw ng malakas na may kasamang kilig eto pa huh with matching palakpak pa, buti nalang asa likod kami at wala kaming katabi rito kundi iisiping baliw na to, yung atensyon kasi ng mga classmate ko nasa bago namin classmate.

 “Pakilala kayo.” Sabi ni Sir sa dalawang bago.

“ Hi! I’m Joseph Jules Toledo 18 yrs old, Uhmm ano pa ba? galing sa JAJAI University sa may Makati. Lumipat ako dahil dito.” Sabay turo sa katabi nya “oi hindi ako bakla best friend ko lang talaga to, Best Bud kami eh mula bata palang-“

 “Tsk, shut up!” may sasabihin pa ata kaya lang biglang nagsalita ung mukang masungit.

“ hehehh yun lang.” Sabay peace sign sa katabi nya. Pansin ko lang mukhang mahilig mag biro tong isang to, kung i-dedescribe ko yung itsura nya pogi, matangkad, uhh maputi sya,matangos ang ilong basta pogi.

“UI, bestfriend wag mo syang pagnasaan akin na sya eh, ung isa nalang ang iyo.” Biglang hila ni Shane sa may uniform ko, tiningnan ko sya, aba naka  pout pa.

“Iyo na yan, wala akong type sa dalawang yan.”

“Weh?” hindi ko na sya nasagot dahil nag salita na ung kasama nung Joseph.

“I’m Rust Rain Samentas, 19 yrs old, from Jajai University” nakatingin lang kaming lahat sa kanya dahil naghihintay kung ano pa ang kasunod nyang sasabihin, “that’s it” dugtong nya. Lahat kami tila mapapanganga sa sinabi nya.

 “Okay ,.You two can seat now.”, Basag ni Sir sa katahimikan, dahil wala ng bakanteng upuan sa harap at sa tabi nalang namin ni Shane ang meron dun sila umupo. Bali ganito ang pwesto sa may aisle Ako-Shane-Joseph-Rust. Kung ide-describe ko si Rust masasabi kong mas pogi sya kay Joseph, maputi rin sya tulad ni Joseph, matangos ang ilong, maganda rin ang katawan, matangkad kaya lang mukha syang masungit at hindi friendly.

“Hi, Im Joseph” rinig kong sabi nung Joseph kay Shane.

“uhh Hello Im Shane” pang-dalagang pilipinang sagot ni shane.

“TSK” parinig ko kay Shane hahah panira ako ng moment nila eh.

Natapos ang klase namin sa math 3 hours din yun at ang balik na namin ay 1:30pm para sa Litt. Ang oras palang ay 10:07am 3nhalf hours na vacant. Pansin ko mukhang close na ung dalawa na si Shane at si Joseph, Ang galing talaga ng babaeng to gumawa ng moves Imagine 3 hours close nya na agad ang gusto nya TSK..

“Ui, Mia sasama satin sa SM yung dalawa huh,?” 

“Sinong dalawa?” Alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya trip ko lng asarin to.

“DUH, sino pa ba edi sina seatmate.”

“Bala ka,” sagot ko.

“okay, OO ang sagot mo whether you like it or you like it hahahhh bawal kasi ang not sa sagot ngayon Chance ko na to no :P.” Adik talaga to, magtatanong pero oo lang dapat ang sagot baliw.

Napangiti tuloy ako ng hindi sinasadya habang nag-aayos ng gamit. Pag-angat ng tingin ko sa may pwesto nila Shane nahuli kong nakatitig sakin si Rust. Napatitig din tuloy ako sa parang abo nyang mata, Sya ang unang umiwas at tumingin sya kila Joseph. Tinawag na ko ni Shane. “MIA tara na, ang tagal mo naman.” “heto na!.”

            Ang ginamit nalang namin na sasakyan ay yung kay Joseph, karaniwan kasi pag pumupunta kami sa Sm o kahit san pa man ni Shane sasakyan nya ang gamit namin. Asa driver seat si Joseph, sa pass. Seat naman si Shane, inoffer kasi kanina ni Joseph sa kanya na dun nalang daw sya maupo, pumayag naman sya. Kaya kaming dalawa ni Rust ang nasa likod, naiilang nga ko kasi kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin si Rust sakin, hindi naman sa pagmamayabang nahuhuli ko lng talaga kasi pati naman ako eh tingin ng tingin sa kanya para kaming baliw dalawa dito sa likod.

Huminto na ang sasakyan pagtingin ko nasa Sm na pala kami. Bumaba na kami.

          “So, san tayo?” tanong ni Joseph

          “uuhhhh, san ba Mia?”tanong ni Shane.

          “kahit san,” sagot ko nalang. 

          “Kain muna tayo. Gusto nyo sa greenwich?” tumango nalang kami.

Nung asa Greenwich na kami, silang dalawa ni Joseph ang umorder at kami naman ni Rust ang naghanap ng upuan, sa may dulo ang napili namin sa puro sofa.

“uhhh ,Hi.” Nagulat ako ng nagsalita bigla si Rust.

“H-hello”nauutal kong sagot.

“I’m Rust Rain Samentas nga pala d kasi ako nakapagpakilala ng maayos kanina” sabay ngiti nya.

“Mia Sanchez”. After nun wala na uling nagsalita saming dalawa.

“UI, wala talaga kayong balak magsalita jan dalawa nuh? Hhahahh para kayong mga napipe jan ahhh” pang-aasar ni Joseph samin. Wala naman sumagot samin ni Rust, nagkibit balikat nalang tuloy si Joseph. Umupo na kaming lahat.

“ui,? Joseph bat kayo lumipat dito?”out of the blueng tanong ni Shane, tumigil ako sa pagtingin sa paligid at tumitig kay Joseph interesado rin kasi ako sa sagot nya.

“Huh? Ahhh eto kasing si best friend lumipat sila ng pamilya nya dito, eh kami naman dalawa mag best friend na mula nung mga bata pa kami, pinayagan naman ako ni mommy at daddy kasi tiwala naman sila kila bestfriend kaya yun sumama ako.” Paliwang nya.

“ahhh” Dumating na yung pagkain namin, at kumain kami ng tahimik.

Maya-maya lang nagkayayaang mag gala na kaming apat. Ako ang nauuna at nasa may gilid ko si Rust yung dalawa naman asa may likod. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad,miya-miya lang nagtaka na ako kasi parang nalawa ung ingay sa may likod ko , hindi ko na kasi naririnig ang boses nila Shane. So, lumingon ako nakita ko pa rin sa gilid ko si Rust, pero wala na sa likod ko sila Shane.

“Rust asan sila Shane?” tanong ko. Nagkibit balikat lamang sya.

“Tara balik nalang tayo sa school?” yaya ko kay rust nakakailang kasi parehas kaming tamad magsalita.

“Mamaya na, meron pa tayong 2 oras na vacant, ikot-ikot muna tayo dito, ok lang?”

“huh? ahh sige”

“Punta muna tayong Tom’s World libre ko.” Nauna na syang maglakad sumunod na ako libre nya no sayang din yun. Nung nasa Tom’s World na kami nagpapalit na sya agad ng 100 pesos.

Anong gusto mong laruin?” tanong nya.

“Ikaw bala ka.” Syempre pakipot muna ko sa umpisa para kaya namin tong date. Sige na nga inaamin ko na Crush ko na sya.

“Hmmm,  tera dun tayo sa may basketball-an, naglalaro kaba nun?” tanong niya

“Aba oo naman , ako pa!” bigla akong nabuhayan ng dugo ng mabanggit nya ang basketball-an, adik kaya ako jan sa paglalaro nyan nakakaubos ako jan ng 50 pesos  puro yan lang ang laro, kaming dalawa lagi ni Shane ang naglalaro nyan. Minsan libre nya minsan ako. Dumiretso na kami sa may place ng basketball-an, wala namang gaanong naglalaro mag-tatanghali kasi, lagi kasing hapon at gabi maraming tao dito dahil labasan sa school at trabaho.

“Ikaw na mauna.” sabi sakin ni Rust “eh,,, sabay tayo baka mamaya tawanan mo ko pag mababa ang score na makuha ko.-3-”sabi ko na may pout effect.

“Sige sabay tayo, pero kahit ikaw ang mauna at mababa ang score mo di kita tatawanan noh.” Sabi nya na may konting ngiti sa labi, napatitig naman ako sa kanya ang pogi nya talaga, kinikilig ako pero patago hehehhh baka kasi mahalata nya eh,.

“ Ano game na?” sabay naming hinulog ang token in 3 2 1 nag start na ang game, nung simula ang ganda nung play ko kasi di ko sya tinitingnan pero nung sinilip ko sya napatanga ako kasi wala man lang sumasablay sa mga tinitira nya pagkakatira ng isa may kasunod agad, nagtapos ang round 1 meron akong score na 66 samantalang sya 138 agad.

“Ang daya mo na naman, magaling ka pala jan!.” Reklamo ko.

“Ano ka ba meron pang 2nd round, matatalo mo ko tingnan mo.” Nag-umpisa na ang 2nd round

“Hala wag kang papatalo sasapakin kita tingnan mo.”sabi ko habang shoot pa rin ng shoot.

“Sige bala ka.” Nung parehas game over na , ang score na nakuha ko ay 115 samantalang sya 254  wala man lang sa kalahati.

“Magaling ka rin palang mag-basketball.” Komento nya.

“Wag mo nga akong lokohin, ikaw na magaling kunyari ka pang pampalubag loob ko.” Kunyaring tampo ko, di ko alam pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya kahit ngayon palang kami nagkakakilalang lubos.,

“Ui hindi ahh, magaling ka talaga, babae ka kasi kaya hindi tayo parehas ng power hahahhaha.” Napatulala ako sa kanya shet ang pogi nya talaga, meron pa syang dimple, mas pumo-pogi sya pag tumatawa.

“oh,, baka may pumasok na langaw jan hahhahah, nagwagwapuhan ka sakin noh?” pang-aasar nya sakin na may kasamang pag-taas ng dalawa nyang kilay.

“Webster?”pasaring kong sabi.

“huh?” takang tanong nya.

“turtle lang ang peg? kunyari di alam?” pangbalik kong asar sa kanya.

“Ano bang mga pinagsasabi mo jan?” parang naiirita nya nang sabi.

“hahhahahhhh slow down lang.” Tuloy kong asar sa kanya, tuluyan na ngang kumunot ang noo nya.

 “Sige na nga sasabihin ko na hahhahh, Webster ang kapal, Turtle ang slow di mo gets, Slow down Chill ka lang, happy?” napangiti sya sa sinabi ko.

“tera na nga laro uli tayo.”yaya nya, naglaro kami ng nglaro sa may baskeball-an nakaubos kami ng 11 token sa baketball, ngalay na kasi ako kaya sabi ko phinga muna. Naupo kami dun sa may magician kung san mananalo ka ng token.

“Rust pengeng token.”binigyan naman nya ko.T-nry ko muna yung sa may baso, pinili ko yong 3 tokens. Umikot ikot na yung baso.

“sa Blue” sabi ni Rust “sure ka?” tanong ko “ewan” pinili ko yung blue, and ennggg panalo kami ng 3 tokens hahahhaa.

“AHHHH! Panalo tayo ang galing.” Impit kong sigaw na may kasama pang palakpak.

“Isa pa, isa pa.” Umikot na naman ang baso tingin ko yellow.

“Yellow?” tanong ko “ewan di ko nasundan.” Pinindot ko na ang yellow at eeeennngg  Wala. Naglaro pa kami dun ng naglaro. Sa umpisa nananalo kami pero nung nasa may huli na talo parin ang kami, di na namin masyadong napansin ang oras, pagtingin ko sa relo ko 1:20 na.

“HALA ! ui malapit ng mag time.” Tiningnan rin ni Rust ang relo nya, nagmadali kaming tumayo at mabilis na naglakad, tinawagan nya si Joseph.

“Asan kayo?”tanong nya. “Oh sige, bilisan nalang namin.” Tapos binaba nya na yung cellphone nya.

“Asan na daw sila?”

“Asa may school na daw.”

“Ba’t hindi tayo hinintay?” sabi ko na may kasamang pagkunot ng kilay.

“Tinatawagan daw nila tayo pero di tayo sumasagot.” Sabi nya na parang wala lng. Sumakay na kami ng tricycle

“Sa Jejare University po.” sabi ni Rust, tiningnan ko ang cp ko kung talaga bang tumawag sakin si Shane, oo nga merong 3 missed calls naka –silent pala to kaya di ko man lng naramdaman na nag-vibrate karaniwan kasi ang profile nito ay naka vibrate at hindi silent.

“Ano ba yang cp mo bat ganyan? basag na ang screen tapos pudpod pa ang keypad.” Komento nya sa cp ko.

“Syempre matagal na kasi to, buti nga matibay, kasi kahit cherry mobile lang buhay pa din eh, nakapag-swimming na nga to,ilang beses na rin nakapag dive sa lupa, oh tingnan mo hanggang ngayon buhay pa rin at saka nung 2nd year highchool ko pa to noh!?”

“ohh, Slow down lang, nagtatanong lang po wag kang magalit hahhaha.”

“ngeh Gaya-Gaya walang originality :P”

“ayaw mo nun may Fans ka na hahahhh.” Ang galing napapansin ko tawa na sya ng tawa di tulad kanina na ang sungit sungit at parang nakakatakot kausapin, nai-inspired tuloy ako pag sya ang lagi kong kasama, lumingon sya sa akin ako naman nag-iwas ng tingin, syempre baka sabihin nya may gusto ako sa kanya no.           Maya-maya lang andito na kami sa school magbabayad na sana ako pero sabi nya sya na raw, tiningnan ko ang relo ko at napansin ko na  1:28 na mabilis lang naman ang biyahe dahil walng traffic. Takbo-lakad ang ginawa naming dalawa buti nalang matangkad rin ako kasi kahit papaano nakakahabol ako sa mga hakbang nya ang laking tao ba naman.

Nakarating kami sa harap ng room sumilip muna kami andoon na si Sir, nung pagpasok namin nakatingin samin ang mga classmate ko pati si sir, tapos yung dalawa na sina Shane may ngiting pang-asar.

“ui nag date sila,”sabi ng isa kong classmate sa malakas na boses.

“YIEEEEHHHHH” nag-umpisa ng mag yieeeh silang lahat syempre kasama doon yung dalawa, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko Sinilip ko kung anong reaksyon ni Rust parang bumalik yung kung anong ugali nya nung unang pagpasok nya, yumuko nalang ako kasi alam ko namumula na ko, nakakahiya kaya.

Dumiretso na ko sa may upuan napansin kong magkatabi na sila Joseph at Shane sa may gilid so it means magkatabi kami ni Rust. Umupo na kami at nagdiscuss na si Sir. Habang nag-didiscuss si sir may inabot saking sulat si Rust, nung tiningnan ko sya nakatingin sya kay sir, binuklat ko ito at binasa

“ui ang boring” “anung  gagawin ko? tumambling*sarcastic*” pasimple kong inabot sa kanya itong papel, binasa nya naman, narinig ko syang tumawa ng mahina adik talaga to, binalik nya na ang papel, binuklat ko ito at binasa. “pwede ba?” nilagyan ko nga ng reply na “baliw” binalik ko na uli ang papel sa kanya. Binalik nya naman agad ang papel, ang bilis mag-reply huh, binasa ko “SAYO” then may maliit na sulat joke. Hindi ko na sya nireplyan at ginusot nalang ang papel at nakinig nalang uli kay sir. Natapos ang Liit na okay lang naman.

Uwian na, sabay kami ni Shane at sabay naman ang dalawa,.

“Una na kami huh? BYE” sabi ni Shane sa dalawa, ngumiti lang ako at nag wave na, napansin ko lng na ngumiti sakin si Rust samantalang si Joseph nag wave. Nakasakay kmi sa kotse ni Shane kahit malapit lang ang bahy namin nihahatid nya pa rin ako pauwi.

“UI ikaw huh may hindi ka sinasabi sakin.” Tinig na animo nang-aasar.

“Anong hindi sinasabi?” nagtatakang tanong ko.

“Pano kayo naging close ni papa Rust huh?”

“Ang landi mo kamo kala ko ba kay Joseph kana?, at saka mag drive ka na nga lang jan, papasok pa ko sa trabaho ko no.” Pag-iiba ko ng usapan.

“Iniiba mo lang ang usapan eh, ano nga type mo no? May paabot-abot pa ng sulat ano magkabilang mundo lang ang peg, ouch.. hahahahhahhaha,.” Hinila ko nga ang buhok ang galing maki-usisa eh.

“Bat ikaw ano na status nyo ni Joseph?” tanong ko sa kanya, kala ko maasar ang loka hindi pala kinilig pa.

“hihhihihhh getting to know each other palang pero sabi nya crush nya na daw ako, grabe tumalbog ang puso ko don>///<”

“Anong sagot mo?”

“Ahhhhhhhh,,, Ok?.”

“hahhahahahh ang epic nun Shane para kang tanga. eh anung reaksyon ng mukha mo?”asar ko sa kanya.

“Ang MEAN mo kamo! Oo na nga nanlaki ang mga mata ko tapos konting nganga lang, konti lang huh,”

“WHAHAHAhaha”

“Bumaba ka na nga ayan na bahay nyo, baba na tingnan mo to pag ikaw malate sa trabaho mo eh.” Kahit ayaw ko pang bumaba, bumaba na ko baka kasi malate ako sa trabaho ko,

“Sige ingat ka. Babye”sabi ko

“Oy! bukas kaw naman ang magkwento huh?!”

“OO na babye, INGAt ka.” Tuluyan na ngang umalis ang sasakyan ni Shane. Pumasok na ko sa bahay andon si mama nanunuod ng t.v habang nag babantay ng tindahan.

“Mama” tawag ko sabay kiss sa pisnge nya.

“oh anjan kana pala kamusta naman ang school?

“ok lng, palit na ho ako ng damit papasok pa ko sa restorant ni Nana Sita.” Dati fast food lang yon hanggang sa lumago naging restorant na. Tumango lang si mama ako naman ay dumiretso sa kwarto ko at nagpalit ng uniform. Ang uniform don ay slack na black at white polo shirt para daw hindi mabastos, sa tagal ko na don pinag katiwala na sakin ang posisyon ng cashier.

Madali lang naman ACC. nga ko diba. Pagkatapos ko magbihis ay nagpulbo lang ako, lagay ng konting lip gloss at puyod, kahit ganto lang ang ayos ko maganda na ko diko na kelangan pang mag-makeup para lang gumanda, natural kaya to , para nga parin akong mayaman eh. Lumabas na ko ng kwarto at nag paalam na aalis na. Sumakay na ako ng tricycle patungo ron, pagdating ko nag exchange na kami ni Sasa sa pagbabantay sa kahera 4-9pm kasi ako rito 5 hrs for 140 ang taas na kaya nyan, tulong na rin kasi sakin ni  Nana Sita yung iba at matagal na rin ako dito.

“ hey Mia una na ko ah, kaw na bahala rito papuntahin ko nalang si Mama rito huh?”

“Oh sige ingat ka.”

“Pa-order nga ng dessert nyo na Banana Shake for three” sabi ng costumer, tumingala ako para makita yung nag-o-order pamilyar kasi ang boses.

“Rust.” Ngumiti lang sya sakin

“Sino ang kasama mo rito?”

“Sina Shane.” Napangiti nalang din ako. Binigay ko na ang receipt ng binili nya tapos nilagay na sa may kitchen counter kung saan nilalagay ung mga order. Binigay na nung waiter ang order nila gusto ko man lumapit pero di pwede hanggang sa nagpaalam na sila 8 na rin kasi ng gabi, nag ba-bye lang sila and umalis na.

Miya-miya lang 9 na time na para umuwi ako nagpaalam lang ako sa kasama ko sa trabaho at kay nana Sita inabot nya na ang sahod ko at nagpaalam. Paglabas ko ng restorant biglang may humila sa kamay ko sisigaw na sana ako pero bigla sya nagsalita

“Mia ako to.” pamilyar ang boses kaya nilingon ko sya

“Rust! anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.

“Hinihintay ka, lika na hatid na kita.” Hindi na ko nakapagsalita dahil hinila nya na ko sa may parking lot, dumiretso kami sa may black na car at pinagbuksan nya ko, pumasok nalang ako.

“ba’t hindi kapa umuwi at sumabay kila Joseph?”tanong ko.

“hinintay nga kasi kita.”

“bat mo ko hinintay?”

“basta” hindi na ko nagsalita pa. Ilang minuto lang ang lumipas nag tanong sya.

“uhh Mia ilang taon ka na nga pala?”  “19”

“parehas tayo, kelan b-day mo?”    “sa Feb.10.”

“mas matanda ka pala sakin ng 1 buwan, ATE ako sa march 28 pa b-day ko.”

“adik” sabi ko dahil tinawag nya kong ate, wala na uling umimik samin, tinuro ko lang sa kanya ang daan patungo sa bahay.

“Ilan kayong nakatira jan?” andito na kami sa harap ng bahay namin.

“kami nila papa, pero karaniwan kami lang ni mama ang najan kasi si papa stay-in sa trabaho nya.”sagot  ko habang tinatanggal ang seatbelt.

“Ano bang trabaho ng papa mo?”

“Construction worker.”

“Ahhhh.”

“Gusto mong pumasok?”

“Pwede?”

“Oo naman, lika.”bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa loob.

“Ma andito na po ko.”sabi ko kay mom na abala sa pag-sasara ng tindahan.

“Ui Mia kumain ka nalang jan asa lamesa na yong pagkain.”

“Ma may bisita po ako.”

“Oh sige wait lang ayusin ko lang ang pagsara dito.” Tiningnan ko si Rust, nakita ko syang nagpapalingon-lingon

“Sensya na kung maliit lang ang bahay namin hahahh.”sabi ko sa kanya ng pabiro ngumiti lang naman sya.

“Maupo ka, gusto mong kumain?”

“sige lang, busog pa ko”

“Mia sino to boyfriend mo?”tanong ni mama ng makita nya na ang bisita ko.

“Classmate at friend ko sya, Nuh kaba naman ma boyfriend agad  di ba pwedeng friend muna hahahh?,” tumawa nalang din silang dalawa.

“anong pangalan mo iho?”tanong nya kay Rust

“Rust po”

“ahhh Rust,may kahawig ka di ko lang masabi kung sino. Ayaw mong kumain?”

“Sige po, hinatid ko lang si Mia.” Hinintay ni Rust na matapos ang pagkain ko bago nya sinabing uuwi na sya.

“Mama hatid ko lang sa labas si Rust ahh.”

“oh sige.”

 

***

Nung asa labas na kami.

“Geh uwi kana, Ingat ka sa pag d-drive huh, And thank you sa pag hatid sakin pauwi”sabi ko sa kanya na may kasamang ngiti.

“Mia wait.”

“bakit?”

“ahhhhhhh ..,,,, ehhhhhhh,,,”

“i,o,u hahah, ano nga?” diretso ko sa sinabi nya.

“. . . . maniniwalakabakungsasabihinkonggustokita?” dire-diretsong sabi nya, hindi ko nga naiintidihan ang buong sinabi nya ang narinig ko lang ay manini at kita yun lang.

“Ano? Hindi ko naintidihan, ang bilis mo kasing magsalita eh.”

Humugot muna sya ng isang malakas na buntong hininga at sinabing muli ang sinabi nya, this time malinaw na, pero parang binuhusan naman ako ng isang baldeng yelo dahil sa confession nya sakin.

“Ang sabi ko, maniniwala ka ba kung sasabihin kong gusto na kita? na kahit kanina lang tayo nagkakilala at naging close nahulog na ako agad sayo. Alam ko parang ambilis naman kung gusto agad, pero kasi ang gaan ng loob ko sayo at parang may star nung unang nagtagpo ang mga mata natin yung tipong tayong dalawa lang ang tao kanina sa room yung ganong effect, at alam ko nung unang kita ko palang sayo nasabi ko na saking sarili na You’re The One, yung hindi ko na kayang pakawalan kapa, kaya nga sa SM I grab the opportunities nung tayong dalawa nalang at nawala sina Joseph, sabi ko blessing in disguise to ah, hindi naman sa minamadali kitang sumagot kahit walang tanong, gusto ko lang kasing malaman mo at ayaw ko na muling mag pakatorpe pa noh, dahil nadala na ko eh. So yun lang babye.” Sabi nya at nagmamadaling sumakay sa kotse  nya, natisod pa nga sya eh, hindi ako makagalaw sa mga sinabi nya at natulala lang ako, binaba nya yung window sa may tapat ko at sinabing

“Goodnight and Dream of me.”sabay ngiti nya.

“WAIT!” buti na lang nakabawi ako sa pagkakatulala.

“B-bakit?” tila kinakabahang sabi nya.

Humugot muna ko ng isang malalim na buntong hininga tapos. . .

“The Feelings Are Mutual. Yan  din ang mga naramdaman ko kanina nung magkasama tayo, sabi ko nga grabe ang bilis naman ata, pero buti nalang parehas tayo ng nararamdaman at least di ganong nakakahiya na one-sided lang kasi 2sided na hahah joke, pero Alam mo YOU’RE THE ONE for me too.” sabi ko sabay ngiti, sya naman ngayon ang natulala.

“Ano jan ka lang ba at di ka bababa?” pumikit pikit muna sya ng mabilis at bumaba sa kotse nya.

“A-a-anong sabi mo?” nauutal at di nya makapaniwalang tanong

“Sabi ko the feelings are mutual” Sabay kiss ko sa cheek nya at wave

“Sige babye. INGAT” at dali-dali na kong tumakbo paalis pero bago ako makalis nang tuluyan narinig ko pa syang sumigaw ng

‘YES! And thank you’

Pano ba yan si MIA Sanchez mag kakaboyfriend na yeah boy!!!    \(^_^)/

****

 Hello po sa inyo this is  my 1st story,.

THANKS for reading^_^

  I hope you like it :)  sorry for wrong grammar and spelling.

THANKS AGAIN:)))

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...