Operation: MOVE ON (Wattys201...

Par DiyosaMamita

78.3K 2K 2.6K

Nagmahal... nasaktan... nag-move on? Move on. Iyan ang palagi kong naririnig sa mga tao. Pero gaano ba kadal... Plus

Chapter 1: Heart Broken
Chapter 2: Sleepless Night
Chapter 3: Hidden Desire
Chapter 4: Small World
Chapter 5: Drink Pa More
Chapter 6: Lesson #1: Shout It Out!
Chapter 7: Lesson #2: Pray
Chapter 8: Sleep Over
Chapter 9: Ang Kasunduan
Chapter 10: Lesson #3: Love yourself
Chapter 11: Lesson #4: Enjoy Life!
Chapter 12: Lesson #5: Acceptance
Chapter 13: Lesson #6: Don't Stalk
Chapter 14: Lesson #7: Focus!
Chapter 15: Jealous
Chapter 16: Lesson #8: Open Up!
Author's Note
Chapter 17: Lesson #9: Forget the Memories
Chapter 18: Lesson #10: Find New Love
Chapter 19: Lesson #11: Get More Closer to God
Chapter 20: Lesson #12: Make New Memories
Chapter 21: Regrets
Chapter 22: Lesson #13: No turning back
Special Chapter: Unforgettable Memories
Chapter 24: Lesson #15: Continue Moving Forward
Message from the Author and the couple
Epilogue
Project Austen (Part 1)
Project Austen (Part 2)
Project Austen (Part 3)
Project Austen (Part 4)
Project Austen (Part 5)
Project Austen (Part 6)
Pahabol Collab ( Riot of Characters Part 1)
Pahabol Collab (Riot of Characters Part 2)
Pahabol Collab (Riot of the Characters Part 3)

Chapter 23: Lesson #14: Forgive and Forget

1K 55 26
Par DiyosaMamita


Kahit masakit pa rin ang kanyang ang puso dahil sa hindi pagkausap sa kanya ni Dexter ay pinilit pa rin niyang maging okay. Ayaw naman niyang maulit na naman ang pagpapabaya niya sa bakeshop nang dahil sa pagiging broken hearted niya noon.

Medyo relief na rin naman siya nang makausap niya si Jonah kahapon. Dumating ito sa bakeshop nang alas dose y medya nang tanghali para yayain siyang mag-lunch. Nagulat pa siya sa biglang pagdating nito dahil hindi niya inaasahan na naroon na ito sa Pilipinas. Ang alam niya ay kasama pa ito ng asawa sa abroad. Pumayag naman siya kaya nagpunta sila sa isang restaurant malapit lang sa bakeshop. Nag-order na sila ng pagkain at habang kumakain ay kinuwento niya rito ang nangyari sa pagitan nila ni Paolo nang gabing iyon. Mabuti na lang at pinakinggan siya nito. Akala niya ay galit rin ito sa kanya dahil sobrang seryoso nito at wala man lang kangiti-ngiti. Ngunit nang maipaliwanag niya rito ang lahat ay naliwanagan na ito at matamis na ang ngiti nang maghiwalay sila. Iniwan pa nito ang pag-asa na muli silang magkakaayos ni Dexter. Ito raw ang bahalang makipag-usap sa nakakatandang kapatid.

Sana nga makausap ko na siya. Miss na miss ko na siya. Pangatlong araw na mula nang hindi kami magkita at magkausap. Nami-miss ko na ang tawanan naming dalawa.

Nakahalumbaba siya sa lamesa habang tinitingnan ang cake na katatapos lang niyang lagyan ng design. Isa na namang wedding cake na order ng isang costumer.

Buti pa ang mga costumer ko, ang sasaya ng lovelife. Wedding bells are ringing na ang relationship nila. Samantalang ako, nganga! Kung pumayag siguro ako sa proposal ni Dexter sa akin noon, nagpaplano na sana kami ngayon. Hays...mukhang malabo nang mangyari pa iyon.

"D'yosa!" Ikinagulat niya ang pagsigaw ni Dessa kaya napalingon siya sa may pinto ng baking area. Kumunot ang kanyang noo. Nagtataka siya kung sino ang tinatawag nitong diyosa?

"Hoy! Diyosa ng mga prinsesa, nandiyan na ang mga prince charming mo sa labas." parang maiihi ito sa kilig na sabi nito.

Lalong kumunot ang kanyang noo. Sino naman kayang tinutukoy nitong mga prince charming?

"Bilisan mo na! Lumabas ka na para makita mo," sabi pa nito saka hinawakan ang kanyang kamay at hinala siya palabas ng baking area.

Napahinto siya sa paglalakad at parang natulos ang mga paa niya sa lupa. Nanlaki din ang kanyang mga mata sa gulat ng makita ang dalawang lalaking may hawak ng bouquet of white roses.

Anong ginagawa nila dito?

"Good afternoon, sweetheart," bati ni Dexter na sinabayan naman ni Paolo ng "Good afternoon, babe."

Hindi agad siya nakasagot. Nakatingin lang siya sa dalawa na ngayon ay mariing nagtitinginan sa isa't-isa. Nagbabaga ang mga mata nila sa pagtitig sa isa't isa. Parang isang segundo na lang magkakaroon na ng world war.

"Ehem!" tawag pansin ni Dessa. Napalingon tuloy silang lahat rito. "Mga intsik siguro kayo 'no? Tanghali talaga ang akyat ligaw ninyo?" sabi nito sa dalawang lalaki saka siniko siya nang mahina at bumulong. "Haba ng hair mo, girl. Rapunzel lang ang peg."

Sinamaan naman niya ito nang tingin kaya naman tumalilis na lang ito at pumasok sa loob ng baking area. Binalingan naman niya ng tingin ang dalawa na ngayon ay matamis na nakangiti na sa kanya. Parang maaamong mga tupa.

"For you, sweetheart," sabi ni Dexter sabay halik sa kanyang noo. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa paghalik na iyon ni Dexter kasabay din ang pag-abot ng bulaklak. Hindi pa rin naglalaho at nagbabago ang lakas ng karisma nito sa kanyang paningin. Parang nais matunaw ng puso niya habang nakatingin sa nobyo.

Napangiti naman siya. Siguro nakausap na siya ni Jonah kaya hindi na siya galit sa akin at eto nga at may peace offering pa na white roses.

"Thank you, Dex..." Hindi pa siya natatapos magpasalamat nang biglang lumapit si Paolo at iabot din sa kanya ang dala nitong bouquet of roses.

"For you, babe. This is my peace offering to you. Hope you will accept it." Ngumiti pa ito nang alanganin. Halatang kinakabahan ito. Para bang ngayon lang ulit niya ito nakita na ganoon kakabado.

Parang namang biglang namuo ulit ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. It's an awkward feeling na para siyang nasa gitna ng nag-uumpugang bato. Nakita niyang masama ang tingin ni Dexter dito kaya naman nag-aalangan din siyang tanggapin iyon. Ayaw niyang isipin ni Dexter na totoong nakipagbalikan siya kay Paolo. Ayaw niyang magalit na naman ito kaya nagpasya siyang hindi tanggapin iyon.

"I'm sorry, Paolo. Nagkamali ka yata ng pinagbibigyan mo? Hindi para sa akin iyan. Marami kang girlfriend, hindi ba? Sa kanila mo na lang ibigay iyan," mahinahon ngunit may pagkasarkastikong sabi niya sabay baling kay Dexter. Umabrisyete siya sa braso nito. Nakita niya ang pagtiim-bagang ni Paolo at ang mahigpit na paghawak nito sa bulaklak. Mukhang nagalit ito sa sinabi niya.

You deserve it. Ginaya lang naman kita, sabi ng isip niya habang palihim na sinulyapan ito.

"Hindi ka na ba galit sa akin, my heart?" malambing na tanong niya kay Dexter na sinadya niya pang iparinig kay Paolo.

Umiling naman si Dexter. "Ofcourse not, sweetheart. That why I'm here. I want to invite you for lunch kung okay sa'yo at kung hindi ka busy dito," tugon nito saka hinawakan ang kanyang kamay.

Hay salamat sa Diyos, mukhang okay na kami. Nakaka-miss talaga ang ganito. Makita ko lang siyang nakangiti nabuo na ang araw ko. Tila nangangarap na nakatitig siya sa mukha nito. Hindi niya lubos maisip na makakasama niya ulit ito pagkatapos ng hindi nila pagkakaunawaan.

"Sweetheart..." tawag nito sa kanya kasabay ang pag-snap ng daliri.

"Ano ulit iyon?" wala sa sariling tanong niya.

"Sabi ko, lunch tayo. Para makapag-usap na rin. I think you should have to explain everything to me," seryoso nitong sabi dahil diniinan pa nito ang huling sinabi.

Napalunok naman siya ng laway. Akala niya ay okay na sila pero mukhang galit pa rin ito sa kanya. Marahil ay dahil sa biglang pagsulpot ni Paolo sa eksena. Nag-alala siya na baka maudlot pa ang reconciliation nilang dalawa ni Dexter.

"Okay, sandali lang at magpapalit ako ng damit," paalam muna niya rito at tumalilis na para hubarin ang chef uniform niya.

"Let's go," aya niya kay Dexter matapos niyang makapagpalit ng damit at mag-retouch nang kaunti.

"Sorry, Paolo. We have to go. Makakaalis ka na rin." Umabrisyete na ulit siya kay Dexter at iginiya ito palabas ng bakeshop para mabawasan na rin ang tensyon sa paligid. Ramdam niyang nagngingitngit sa galit si Paolo habang nakatingin sa kanila. Masama pa rin ang tingin nito kay Dexter. Parang naghahamon ng away.

Sumakay na sila sa kotse nito pero wala pa ring imik ito hanggang sa mag-umpisa na itong magmaneho. Lalo siyang kinakabahan. Akala niya ay okay na sila pero parang pakiramdam niya ay nakaupo na siya sa hotseat para sa interrogation nito maya-maya.

"D-Dex..." tawag niya sa pangalan nito pero tanging "huh?" lang ang sinagot nito kaya hindi na niya itinuloy ang dapat sana ay sasabihin. Tahimik lang sila hanggang makarating sa isang magarang hotel and restaurant.

Hays! Ang hirap naman kapag moody ang boyfriend mo oh. Ang hirap spell-engin. Spell Dexter, Certified M.O.O.D.Y.

Pumasok sila sa loob niyon at umupo sa nakareserba nang upuan para sa kanilang dalawa. Um-order na rin ito ng kanilang pagkain. Tahimik pa rin ito habang kumakain sila. Sa palagay niya ay wala siyang balak kausapin nito kaya naman ibinaling na lang niya ang inis sa pagkain. Parang lahat ng pagkain na kainin niya masarap para sa kanya. Kahit nga ang buto ng roasted chicken na inorder nito ay sinimot niya.

Pasimple siyang ngumiti habang ngumunguya dahil ramdam niya ang mga titig ni Dexter sa kanya. Tila natutuwa ito habang nakamasid sa kanya.

"Hey heart, baka matunaw ako ha?" pabirong sabi niya habang patuloy pa din sa pagpapak ng hita ng manok. Tumawa naman ito habang pinupunasan ang bibig niya na nadumihan.

"Dahan-dahan sa pagkain, hindi ka mauubusan, marami pa oh," biro nito sa kanya.

"Masyado ba akong matakaw?" conscious na sabi niya. Inilapag niya ang buto ng manok sa pinggan. Tila bigla siyang napahiya sa harap nito.

"Hindi ka matakaw, magana ka lang kumain."

"Parang ganoon din naman iyon eh, matakaw pa rin." Bahagya siyang sumimangot at hindi na ulit hinawakan ang hita ng manok na kanyang kinakain.

"Huwag kang masyadong ma-conscious, sexy ka pa rin kahit malakas kang kumain."

"Oh 'di umamin ka rin na matakaw talaga ako," sabi pa niya saka umirap.

Ginagap naman nito ang kamay niya. "Wala akong sinabing ganoon. Sabi ko nga sexy ka 'di ba?" paglalambing nito sa kanya. Napangiti naman siya.

"Bolero ka," aniya saka pinagpatuloy na ang pagkain.

Bigla ulit itong nanahimik habang nakatingin sa kanya. Tila malalim ang iniisip.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin? May dumi na naman ba ako sa mukha?" tanong niya rito.

"Do you still have feelings for him?" tanong nito na nakapagpatigil sa kanya sa pagsubo.

"A-akala ko ba okay na tayo?" sa halip na sagutin ay nagtanong din siya. Ang akala niya ay tapos na ang issue at hindi nila pag-uusapan pa iyon. Nakikipagbiruan pa ito sa kanya kanina. Ang akala niya ay hindi na talaga ito galit. Nagtataka siya kung bakit kailangang itanong pa nito iyon sa kanya? Nakita naman nito kung paano niya binalewala si Paolo.

"Yes, we're okay but I just want to know. Kanina nang makita mo siya, I know affected ka pa. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman mo para sa kanya? Kung mahal mo pa ba siya?"

Tinitigan niya ito at sinuri ang seryosong mukha nito. Kita niya sa mga mata nito ang pag-aalinlangan sa pagmamahal niya. "Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin naniniwalang ikaw na ang mahal ko at hindi siya? Nakita mo naman kung paano ko siya binalewala 'di ba? Niloko niya ako noon at pinagmukhang tanga. Kung may nararamdaman man ako ngayon para sa kanya, iyon ay puro sama ng loob at hinanakit na lang."

Napabuntong hininga ito. Hindi agad nakasagot na waring tinatantiya pa ang katotohanan sa mga sinasabi niya.

"I'm sorry kung lagi na lang akong nag-aalinlangan, Gerry. Hindi ko maiwasan. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sapat na ba ang ating pinagsamahan para mahalin mo na ako at makalimutan mo siya. I know moving on is not just a snap of a finger. May proseso at hindi ganoon kadali. Lalo na kung akala mo naka-move on ka na pero nang bumalik siya, back to zero ka na naman," mahaba nitong litanya.

Hindi naman siya makapaniwala na ganoon ang nasa isip nito. "Sa ilang buwan nating pagsasama ay minahal kita. Unti-unti kong nakalimutan si Paolo at ang tanging nasa isip ko ay masaya na ako dahil may Dexter na dumating sa buhay ko. Pero hanggang sa mga sandaling ito, hindi ka pa rin pala sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo. Nag-aalinlangan ka pa rin." Unti-unting pumatak ang luha niya.

"Tulad ng sabi mo, may hinanakit ka pa sa kanya. Naisip ko na baka gumaganti ka lang sa kanya kaya ginagamit mo ako para pasakitan siya."

Sunod-sunod siyang napailing. Hindi niya matanggap ang mga lumalabas sa bibig nito.

"Hindi ako manggagamit kung iyon ang iniisip mo tungkol sa akin! Hindi ko kasalanang dumating ka sa buhay ko at mahalin kita. Hindi ko rin kasalanang bumabalik siya at hindi ko na siya kayang tanggapin pa dahil nandito ka na!" sabi niya kasabay ang pagturo sa kinaroroonan ng kanyang puso. "Kung may hinanakit pa ako sa kanya iyon ay dahil masakit talaga ang ginawa niya noon sa akin at hindi iyon madaling kalimutan. Minahal ko siya ng sobra-sobra. Halos magpakamatay ako nang iwan niya ako. Ang sakit-sakit noon para sa akin. Walong taon tapos ganoon lang niya kadaling itinapon? Pero dumating ka, Dexter. Dumating ka para tulungan akong maka-move on. Tinuruan mo din ako kung paano magmahal muli. Ngayong bumalik siya, wala na akong ibang nararamdaman para sa kanya kundi hinanakit na lang. Paniwalaan mo naman ako, Dex. Mahal kita. Kailangan ko pa bang ipagsigawan para maniwala ka?"

Tuluyan na siyang napahagulgol. Tinakpan niya ang mukha ng sariling mga palad. Tumayo naman si Dexter at lumapit sa kanyang tabi. Yumukod ito at niyakap siya.

"I'm sorry for making you cry again? I'm sorry for not believing in you. I'm sorry, sweetheart."

Bumitaw ito sa pagkakayakap at hinawakan ang kanyang baba. Ipinantay din nito ang mukha sa kanyang mukha. Nakatitig ito sa kanya at may luha rin sa mga mata.

"I love you so much, Gerry," sabi nito saka dinampian siya ng halik sa labi. Napapikit naman siya para namnamin ang tamis niyon. Ilang sandali lang ay tinapos rin nito ang halik na iyon at muling tumitig sa kanya.

"Sweetheart, I know it will be hard for you. But I want you to do this."

Kumunot naman ang kanyang noo. Hindi niya maunawaan ang ibig nitong ipahiwatig.

"Listen to me. You have to remove the bitterness in your heart. Sa ganoong paraan madali kang makakapagpatawad at makakalimot. Ito ang huling lesson mo para tuluyang maka-move on. Kapag wala ka ng nararamdamang hinanakit kay Paolo saka mo lang masisiguro na wala ka ng feelings para sa kanya. Sa ngayon, I have to let you go. Para makapag-isip at kapain diyan sa puso mo kung sino talaga ang mahal mo."

"Pero Dex... sinabi ko na sa'yo, I'm sure of my feelings for you."

"It's for your own good. I'ts for us to totally move on. Kapag dumating na ang araw na iyon... I promised to come back. Gusto ko sa pagbabalik ko, buong-buo mo nang maibibigay ang puso mo."

Hindi siya nakatugon. Ang akala niya, pagkatapos ng araw na iyon ay magiging okay na silang dalawa at ipagpapatuloy ang masaya nilang relasyon pero nagkamali siya. He choose to let her go. Hindi niya matanggap ang naging desisyon nito. Dumudurog ito sa kanyang puso nang paulit-ulit. Isang lalaki na naman ang minahal niya at iniwan siya.

Sunod-sunod na iling ang itinugon niya. "You don't have to do this. Ayoko, Dex. P'wede ko siyang kalimutan pero hindi ko siya kayang patawarin. Kung hindi maaalis ang hinanakit ko sa kanya, hindi ka ba babalik agad? Ayoko nang ganoon! P'wede namang habang naghihilom ang sugat na ginawa niya nandito ka pa rin sa tabi ko eh. Hindi mo kailangang umalis at iwan ako!" Napalakas ang sigaw niya kaya nagtinginan ang mga tao sa loob ng restaurant pero wala na siyang pakialam kahit pag-usapan pa sila ng mga ito.

Hindi naman sumagot si Dexter sa halip ay yumuko lang ito at tahimik na lumuha. Itinulak niya ito at tumayo.

"Hindi mo na nga ako pinapaniwalaan, iiwan mo pa ako? Bahala ka na nga sa buhay mo!" Sa sobrang sama ng loob ay iniwan niya ito at lumabas na sa restaurant na iyon.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

6.9M 10.8K 5
This book is rank 1 in #best #beststory #hottie and #dreamcometrue. Maraming salamat po! _______________(。♥‿♥。)______________ I am a Señorita. Nguni...
861K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
14K 1.2K 48
Behind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried...
2.2K 183 57
This feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends...