Beauty of the Heartless

By Semajix

10 0 0

Naranasan mo na bang umamin sa Crush mo na gusto mo siya? Pero, paano kung mapapahiya ka lang? Saklap, di ba... More

Prologue

Chapter One: Her Name

2 0 0
By Semajix


Chapter 1

"Her Name"

Kevin's POV

Three years later...

Napaupo ako sa sahig pagkatapos kong i-shoot ang bola sa basket. Nakisama ring umupo sa tabi ko ang mga kasamahan ko sa team.

"Idol na talaga kita, dude! Walang kupas ang galing mo sa basketball", sabi sa akin ni   Kenith at tinapik ang kabilang braso ko.

"Oh, tubig", aya sa akin ni Troy sabay abot ng bottled water, isa rin siya sa mga player ng aming team sa basketball. Kinuha ko naman at binuksan para inumin.

Hindi pa naman nalalapit ang Intramurals sa aming school ay puspusan na kami sa practice dito sa court. Pinaghahandaan lang talaga namin ang laro para makabawi kami sa pagkatalo namin last year. Kaya bilang captain ng team, hinahangad namin maging champion ulit.

Pagkatapos ng practice at pahinga ay nagbihis na kaming lahat para magpatuloy sa susunod naming klase. Pero bago pa man kaming tuluyang umalis ay kinausap muna kami ni Coach.
Magkasabay kaming naglalakad nila Troy at Kurt dahil pareho lang kaming magkakaklase bilang Senior High. Simula pa lang ng First Year ay magkakasama na talaga kami.

"Kev, wala ka bang balak magpagupit sa salon? Humahaba na kasi ang balbas at bigote mo!", kutya sa akin ni Kurt na halatang nang-aasar. Gusto ko siyang suntukin pero totoo naman ang sinabi niya. Paulit-ulit niya na lang sinasabi sa akin ang tungkol doon pagkatapos ay aasarin at pagtatawanan niya ako. Sanay na rin ako sa ginagawa niya.

"Hey, dude, chill ka lang. Para mo naman akong papatayin sa tingin mo", sabi ni Kurt at inakbayan ako.
"Huwag kang magagalit pero hindi ka ba concern sa sarili mo? Nung fourth year tayo, para ka ng taga ibang planeta dahil pinababayaan mo na ang sarili mo", dugtong ni Kurt.

"Hindi lang 'yun. Kasi hinahayaan mo na lang na humaba iyang balbas at bigote mo na tumutubo sa mukha mo. Pati na rin ang buhok mo, ang gulo at mukha kang nakipagbasagan ng ulo. May pimples ka na rin, binalewala mo na rin ang mga babaeng nagkakagusto sayo. Umamin ka nga, baliw ka ba?", litanya ni Troy na sinasang-ayunan ni Kurt. Kaya pareho ko silang sinuntok sa balikat pero ang mga loko, tawa lang ng tawa.

"Pasalamat ka, kami ang nagbibili ng pang-ayit mo kundi magiging katulad ka na rin ni Rapunzel, kaso bigote sayo hindi buhok", sabi ulit ni Kurt.

"Salamat ha", malamig kong sabi.

"Haay, kailan ka kaya babalik sa dati mong itsura? Mukhang mas gwapo na kaming dalawa ni Kurt kaysa sa sayo", dagdag ni Troy.


Maraming nagsasabi at nanghihinayang sa hitsura ko na hindi na tulad dati na responsable at maayos ako sa sarili ko. Sa katunayan, lahat ng mga babaeng nagkakagusto sa akin noong Junior High pa lang kami ay hindi na ako pinapansin ngayon.

Napapabayaan ko na ang sarili ko, lagi na akong puyat at pagod. Hindi ko na rin masyadong naaasikaso ang sarili ko. Kaya naman ganito makalait ang mga kaibigan ko tungkol sa balbas at bigote ko, tumutubong pimples, magulong buhok na masasabi ng karamihan na hindi na ako tulad noon.

Maraming nagbago at maraming rason at dahilan kaya ako naging ganito . . .

"Dude, gusto mo bang sumama mamaya sa amin?", pukaw ni Troy.

"Hindi na, may gagawin pa ako", sagot ko.

"Sayang naman, daming chicks pa naman doon!", sabi ni Kurt.

"No, thanks", sabi ko.

"Baka ayaw mo lang sumama dahil walang chicks na lalapit sayo 'dun?!", asar ni Kurt.

"Tsk. Chicks? Babae? Sus! Ako pa ang tinatanong mo niyan? Eh sigurado naman akong marami pang babae ang nagmamahal sa akin!", mayabang kong sabi kahit alam ko namang napakasinungaling ko.

Tumawa silang dalawa sa sinabi ko, ayan, ganyan ang mga kaibigan ko, mapanglait.

"Talaga lang, huh?", natatawang sabi ni Kurt.

"Kung totoo iyang sinasabi mo, bakit di mo patunayan?", singit ni Troy.

"Sige nga, gawin mo ngayon. Ayun oh, nakikita mo 'yung babaeng nagbabasa ng libro sa pathway?", tinuturo-turo naman ni Kurt ang babaeng tinutukoy niya.
"Kung talagang may nagkakagusto pa sayo, hingiin mo ang number ng babaeng 'yun", panghahamon niya.

"Bakit siya pa? Baka maistorbo ko siya sa pagbabasa. Kita niyo namang may ginagawa siya". Gumagawa lang talaga ako ng paraan na baka sakaling bawiin nila ang hamon dahil alam kong talo ako. Halos pandirihan at layuan na nga ako ng mga babae dito sa campus dahil lang sa itsura ko.

"Ang sabihin mo, takot ka lang!".

"Tsk. Sige, 'pag binigay sa akin ng babae ang number niya, susuntukin ko kayo ng sampung beses", sabi ko.

Wala na siguro ako sa katinuan para pumayag sa hamon nila. Pero sadyang mayabang talaga ako kaya gusto kong patunayan sa mga kaibigan ko na nagkakanali sila.

Kalma lang akong naglalakad palapit sa babaeng nakaupo sa pathway, wala ng bawian kaya gagawin ko na.
"Hi, Miss", bati ko sa babae.

Naitanggal niya ang librong binabasa at tiningnan ako.
"Hi", bati ko ulit pero tinaasan lang ako ng kilay.

"I'm Kevin. Can I get your number?", tanong ko.

"Asa ka!", sigaw niya at umalis. Nagulat ako sa ginawa niya pero alam ko naman kung bakit.

"Kawawa ka naman, Kev!", sabi ni Kurt at inakbayan ako.

"Okay lang 'yan", sumunod naman si Troy.

Tinanggal ko ang mga braso nilang nakaakbay sa balikat ko at tiningnan sila ng masama. Kung hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanilang dalawa malamang matagal ko na silang binugbog.
"Oh, ano ngayon?!", sabi ko.

Ilang taon na ba ang lumipas? Mga tatlong taon na nga, ang bilis talagang lumipas ng panahon. Parang kailan lang ng nagkaroon ako ng banda dito sa school, marami pang gustong makipagkaibigan sa akin dati dahil lang sikat ako. Buti na lang at hindi ako nilayuan ng dalawa kong kaibigan na si Kurt at Troy. Pati na rin ang mga babaeng nagkakagusto sa akin dati, lahat sila ay ayaw na sa akin.

Doon ko rin na-realize na lalapitan lang ako ng ibang tao kapag may kailangan, tatanggapin lang nila ako kung gaya ng dati ang ayos ko. Magugustuhan lang nila ako dahil sa sikat at kilala ako, hindi dahil sa kung sino ako. Kaya nga't nagbago ang lahat . . .

"Oy, Dude! Nagagalit ka ba sa amin?!", sigaw ni Kurt pero hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglakad.

Nang maisip ko ang nangyari dati at ngayon, napapayuko na lang ako sa lungkot.

"Ouch!".

Hindi ko namalayan na may nakabangga akong babae, napatingin ako sa kanya mula sa pagkakayuko. Napansin kong pinampulot niya ang mga gamit niya na nahulog at nagkalat sa sahig dahil sa pagkabangga namin, gaya ng lipstick, mascara, make-up at iba pa. Ayaw ko namang magmukhang walang galang kaya tinulungan ko siyang ligitin ang mga gamit niya.

"Sorry, Miss", paumanhin ko. Pero hindi siya umimik o sumagot man lang.

Patuloy lang siyang sa ginagawa niya pagkatapos ay tumayo na rin. "Sorry. Hindi ko sinasadya", sabi ko.
Medyo natulala pa ako nang maaninag ko ang mukha niya. Dahil ang ganda niya, para siyang inosenteng anghel na bumaba sa lupa. Marami na akong nakita at nakilalang babae noon na magaganda rin pero mas kakaiba ang ganda niya, 'yung tipong hindi ka magsasawang tingnan siya.

Napansin ko rin na ang suot niyang uniporme ay tulad ng mga estudyante sa Junior High na dito nag-aaral, pati ang tatak sa blouse niya na logo ng school. Marahil ay dito siya nag-aaral pero bakit ngayon ko lang siya nakita?

"Excuse me", natauhan ako bigla sa sinabi niya. Napakamot naman ako sa batok dahil sa naging reaksyon ko.

Gusto kong makilala siya at kahit man lang malaman ang tunay niyang pangalan kaya tiningnan ko ulit ang blouse niya kung saan nakasabit ang I.D niya. Saktong nakita ko ang nakaprintang pangalan niya kaya nalaman ko na. Hindi ko nga alam kung bakit ako napangiti dahil lang sa pangalan ng babaeng kaharap ko ngayon.

"Ang ganda ng pang—", hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa babae dahil malakas na sampal ang natamo ko mula sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya  at nagtataka ako kung bakit niya ako sinampal ng ganon. Hinarap ko siya habang hawak-hawak ang namumula kong pisngi sa sampal niya. Ngunit kung minamalas ka nga naman, sinampal niya ako ulit sa kabilang pisngi ko na mas malakas pa kaysa sa una.

"Miss, anong problema mo—", hindi niya naman ako pinatapos sa pagsasalita at agad niyang sinipa ang pagkalalaki ko. Masakit? Oo! Gusto ko siyang murahin pero wala akong magawa dahil sa sakit na nararamdam ko ngayon. Grabe, ang sakit ng pagkasipa niya kumpara sa palo ng Mama ko noong bata pa ako.

Napaupo na lang ako sa sahig habang hawak-hawak ang sinipa ng baliw na babaeng ito.
"Pervert!", sabi niya ng pataray.
Hanggang sa sinundan ko na lang siya ng tingin sa paglakad niya palayo. Galing ata ang babae na iyon sa mental hospital, mukhang baliw ata. May problema rin ata sa utak kaya siguro nanipa.

Ang ganda niya pati na rin ng pangalan niya . . .

Pero kabaligtaran naman ata iyon ng ugali niya . . .








Agatha Lee Mercedes.

Continue Reading

You'll Also Like

39.5K 1.4K 19
To save her sister from a cruel marriage, sacrificed herself to the womanizer king.
42.4K 1.8K 18
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆
4M 86.7K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
24.9K 825 18
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...