I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 24

1.4M 44.7K 36K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 24]


"D-dahil si L-leandro po talaga ang m-mahal ko" sabi ko habang nakaluhod sa harapan nilang lahat. Parang unti-unting nadurog ang puso ko nang makita ang reaksyon sa kanilang mga mukha. Hindi man sila nakapagsalita agad, bakas na bakas naman sa itsura nila na hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Malaking kataksilan din ang ginawa mo!" narinig kong sigaw ni Natasha. "Natasha! Wala ka sa lugar para sabihin yan! Wala kaming ginagawang masama ni Carmelita!" suway naman ni Leandro kay Natasha.

"Magsitigil kayo!" suway naman ni Kaptian Flores kay sa mga anak niya. Nagulat kami nang bigla din siyang lumuhod sa harapan ni Don Alejandro at Don Mariano.

"Ipagpaumanhin niyo po ang pagkakasangkot ng aking mga anak, ngunit naniniwala po ako na walang kasalanan si Helena at Leandro" depensa ni Kapitan Flores, napapikit naman sa galit si Don Alejandro.

Magsasalita pa sana si Leandro pero agad siyang sinuway ni Kapitan Flores. "Hindi na mahalaga kung sino pa ang may kasalanan ng lahat ng to, ang malinaw sa lahat ay... Hindi na matutuloy ang kasal, at hindi na kailanman magkakaroon ng ugnayan ang pamilya Montecarlos sa pamilya Aflonso!" galit na sabi ni Don Mariano. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya, napaluhod na rin si ina sa harapan ng Gobernador ng San Alfonso. At sunod na lumuhod din si Donya Juanita.

"Mariano! Huwag kang padalos-dalos sa iyong desisyon... maaari pa nating ayusin ang gulong ito" pakiusap ni Donya Juanita sa asawa niya.

Nakita ko namang pinipilit ni ina na lumuhod at magmakaawa si ama kay Don Mariano pero matigas ang ulo ni Don Alejandro ayaw niyang lumuhod sa harapan ni Don Mariano. "Ang anak mo ang nakitang may kalaguyong iba! Labis kong pagsisisihan ang maikasal ang anak kong si Carmelita sa taksil mong anak!" galit na sigaw ni ama kay Don Mariano. Sinuway siya ni ina at nila Maria at Josefina pero hindi nagpaawat si ama.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Baka nakakalimutan mo kung sino ang pinuno ng bayang ito!" galit na sagot naman ni Don Mariano, napansin ko na biglang namula sa galit yung mukha ni ama, sisigawan sana niya si Don Mariano pero bigla siyang napatigil at napahawak sa puso niya.

"MAHAL! ANONG NANGYARE SAYO?!" nagpapanic na sigaw ni ina, agad naman kaming napatayo nila Maria at Josefina at tinulungan naming alalayan si ama na ngayon ay hindi na makahinga.

"Inaatake sa puso ang inyong ama! Tumawag kayo ng doktor!" sigaw ni ina agad namang tumakbo si Josefina kasama si Theresita upang tumawag ng doktor, lalapit sana si Juanito para tulungan si ama pero pinigilan siya ni Don Mariano.

Lumapit din si Leandro, iniutos naman ni Kapitan Flores sa kaniyang mga guardia personal na buhatin si Don Alejandro pasakay sa kalesa at dalhin sa pinakamalapit na gamutan sa bayan.

Samantalang, napatulala lang ako, hindi ako makagalaw, parang ang bilis ng lahat ng pangyayari. Parang kahapon lang masaya at maayos ang lahat pero ngayon sa isang iglap lang nagbago na ang lahat. Napatingin ako kay Juanito, hila-hila siya ngayon ni Don Mariano at Sergio pasakay ng kalesa, pero bago siya makasakay nakita kong lumingon muna siya sa'kin.

Nagtama ang mga mata namin. At sa pagkakataong iyon nakakalungkot isipin na tapos na ang lahat sa amin.




Pagdating sa bahay, agad kaming sinalubong ng isang doktor at tiningnan ang kalagayan ni ama. Hindi na rin natuloy ang handaan sa bahay dahil masama ang pakiramdam ni Don Alejandro at wala ng gana ang lahat magsaya sa kabila ng gulong kinasangkutan namin kanina. Iniuwi na lang ng mga trabahador at kasambahay ang mga ulam na niluto para hindi mapanis.

"Carmelita... may nais akong itanong sa iyo" narinig kong sabi ni Maria nandito kami ngayong tatlo sa labas ng kwarto nila ama at ina dahil hindi pa kami pwedeng pumasok sa loob. "Alam kong dinahilan mo na sa akin noon na si Leandro ang dahilan kung bakit ayaw mong ikasal kay Juanito... hindi ba dapat ay maging masaya ka dahil hindi na matutuloy ang kasal niyo?" tanong ni Maria, napayuko na lang ako, ayokong makita niya ang tunay na nararamdaman ko.

Tama si Maria... diba dapat maging masaya ako dahil hindi na matutuloy ang kasal? Pero bakit ganun hindi ko matanggap na hindi ko na makikita at makakasama si Juanito kahit kailan ko gusto.

Magsasalita na sana ako kaso nagulat ako nang makita si madam Olivia na naglalakad papunta sa amin. Napa-bow naman kaming tatlo sa kaniya. "Madam Olivia, gabi na po-----" hindi na natapos ni Josefina ang sasabihin niya kasi biglang nagsalita si madam Olivia.

"Gusto kong makausap si Carmelita, maaari niyo ba kaming iwanan saglit" sabi ni madam olivia, napatango naman sa kaniya si Maria at Josefina at umalis na sila.


Pagkakita ko kay madam Olivia, hindi ko alam pero bigla na lang ako napaiyak. Ang mga luhang pinipigil ko kanina ay tuluyan nang bumuhos. Lumapit naman si madam Olivia sa'kin at hinawi niya ang buhok ko. at pinunasan din niya ang luha ko. "Kailangan mong maging matibay Carmelita... sa pagkakataong ito hindi lang si Juanito ang kailangan mong protektahan, kailangan ka na rin ng iyong pamilya" sabi ni madam Olivia. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

"A-ano pong ibig niyong s-sabihin?" hikbi ko, ang sakit na ng puso at mga mata ko sa kakaiyak. Hinawakan naman ni madam Olivia ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Tandaan mo na hindi ibig sabihin na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Juanito ay wala na sa panganib ang buhay niya... ang pagkamatay ni Juanito ay nangyari sa mismong araw ng kasal nila ni Carmelita at kahit hindi matuloy ang kasal, nangangahulugan ito na nasa panganib pa rin ang buhay niya hangga't hindi nabubunyag kung sino ang nasa likod ng pagkamatay niyaa" paliwanag ni madam Olivia, napatigil ako sa pagiyak dahil sa narinig ko. parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko, Hindi pwede! Nasa panganib pa rin si Juanito!



Kinabukasan, hindi ako nakatulog ng maayos nung gabi, kaya tumambay na lang ako sa tapat ng pinto ng kwarto nila ama at ina baka sakaling lumabas na sila. Pero 7 am na hindi pa rin bumubukas ang pinto. "Carmelita... anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Josefina at may dala siyang pagkain para kay ama.

Napatayo naman ako bigla at sinalubong si Josefina "Pwede bang ako na lang ang magdala niyan sa loob?" tanong ko sa kaniya, napaisip naman si Josefina pero inabot din niya sa'kin yung pagkain. "Siguraduhin mong humingi ka ng tawad kay ama, at pagaanin mo ang bigat ng puso niya" bilin sa'kin ni Josefina at nginitian niya ako ng bahagya, kinuha ko naman na sa kaniya yung tray ng pagkain at kumatok na ko sa kwarto nila.

"Bukas iyan" narinig kong sabi ni ina, agad ko namang binuksan yung pinto, nakita kong nakaupo na si ama sa kama habang hinihilot ni ina ang ulo niya.

"Carmelita... ikaw pala, halika dalhin mo na rito ang pagkain ng iyong ama" sabi ni ina, dahan-dahan ko namang binuksan yung pinto at naglakad papasok, nakangiti sa'kin si ina parang sinasabi niya na Naiintindihan kita anak. Samantalang, nakapikit lang si ama pero alam kong alam niya na nandito ako ngayon sa loob ng kwarto nila.

Ilalapag ko na sana yung tray ng pagkain sa mesa na nasa tabi ng kama nila nang biglang magsalita si ama "Lumabas ka rito! Ayoko munang makita ang pagmumukha mo" utos niya at dahil dun hindi ko sinasadyang mabitawan yung tray at nahulog yung plato sa sahig kasabay nun ang pagkalat din ng pagkain sa lapag.

Agad akong napaluhod sa harapan ni ama. "P-patawad po, h-hindi ko po sinasadya!" pagmamakaawa ko, nakita ko namang napakunot yung kilay ni ama habang nakapikit pa din siya dahil sa galit.

"Carmelita... anak" narinig kong sabi ni ina tapos tumakbo siya papunta sa'kin. "Baka masugatan ka sa bubog" dagdag pa niya at pilit niya akong pinapatayo.

"A-ama patawarin niyo po ako... p-patawad po kung nagawa kong putulin ang kasal" pagsusumamo ko pa. naramdaman ko namang hinawakan ni ina ang likod ko at pinapatahan na niya ako, "Huwag ka ng umiyak anak, kakausapin ko ang iyong ama para sayo" bulong niya sa'kin.

"Lumabas ka na!" sigaw pa ni ama. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang utos niya, alam kong galit pa din siya pero umaasa pa din ako na mapapatawad niya ako.



Mag-tatanghalian na pero wala akong gana kumain, nagkulong lang ako sa kwarto, pero ilang saglit lang biglang pumasok si Theresita sa kwarto ko at may dala-dala siyang pagkain. "Binibini, kumain na po kayo, hindi rin po kayo nag-almusal kanina" sabi ni Theresita pagkatapos inilapag na niya yung sinigang at kanin na dala niya sa mesa na nasa tabi ng kama ko.

"Wala akong gana" sagot ko na lang at nagtaklob ako ng kumot. "Binibini... may dapat po kayong malaman" narinig kong sabi ni Theresita. Napaupo naman ako at tiningnan siya. "Ano yun?" tanong ko, nakikita ko ngayon yung sarili ko sa salamin na nasa likod ni Theresita, mukha na akong ermitanya.

"Pero kailangan niyo po munang kumain bago ko sabihin ang importanteng balita na dapat niyong malaman" sabi pa niya, "Sabihin mo na dali!" reklamo ko pero umiling-iling lang siya at tinuro niya yung pagkaing nasa tabi ko. Magrereklamo sana ako kaso mukhang hindi niya talaga sasabihin hangga't hindi ko kinakain yung dala niyang pagkain. ughh!

At dahil dun kinuha ko na yung pagkain at agad inubos yun, nakita ko namang napangiti si Theresita dahil naisahan niya ako. pero wala na kong pake, gusto kong malaman kung ano yung balitang dala niya.

halos limang minuto lang ang lumipas at naubos ko agad yung pagkaing dala niya. "Ayan na! dali sabihin mo na" sabi ko pa, kinuha naman ni Theresita yung plato at baso na pinagkainan ko at inilagay yun sa tray. Gosh! Pinagtripan niya lang ba ako. magrereklamo sana ako kaso bigla siyang tumabi sa'kin at bumulong.

"Nabalitaan ko po na pupunta sa Madrid mamayang gabi sina Binibining Helena at Natasha" bulong niya, nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa nalaman ko.

ANO? TATAKASAN NILA AKO?

At dahil sa inis agad akong napabangon at dire-diretsong lumabas ng kwarto, agad namang humabol sa'kin si Theresita. "Binibini! Saglit lang po! Sasama ako" narinig kong sabi ni Theresita.

Pinagayan naman kami ni ina lumabas dahil dinahilan ni Theresita na gusto ko raw magkasanghap ng sariwang hangin at mag-muni-muni.


Pagdating namin sa malaking gate papunta sa mansyon ng mga Flores, agad kaming hinarang ng isa sa kanilang guardia personal. "Ano po ang inyong sadya rito Binibini?" tanong niya, Teka! Siya yung guardia personal na nagbasa nung tula kagabi na bigay sa'kin ni Juanito.

"Gusto kong makausap si Helena!" utos ko, pero napa-iling lang siya. "Hindi po maaari, ipinagutos po ni Kapitan Flores na------" hindi na natapos nung guardia personal yung sasabihin niya kasi biglang may dumating na kalesa at papasok ngayon sa gate ng mga Flores.

Agad sumaludo yung guardia personal na kausap ko nang dumungaw si Kapitan Flores sa bintana "Ikaw pala Binibining Carmelita... nais mo bang makita si Leandro?" nakangiti niyang sabi, tinaasan ko naman siya ng kilay.

Bakit parang walang bakas ng pangamba sa mukha niya ngayong nalaman niya na kasangkot ang dalawa niyang anak sa pagkasira ng kasunduang kasal namin ni Juanito.

"Nandito ako para kay Helena" sagot ko, pero ngumiti lang siya. "Isa ka talagang tunay at tapat na kaibigan ng aking anak, heto ka ngayon nag-aalala sa kaniya" sabi pa niya, tinaasan siya lalo ng kilay pero tinawanan niya lang ako. "Tama nga sila, ngayon ko lang nalaman na palaban pala ang kilalang mahinhin at napakagiliw na bunsong babae ng pamilya Montecarlos" banat pa ni Kapitan Flores. Sigurado akong chinika na ni Natasha ang ugali ko sa tatay niya.

"Sige na, papasukin mo na sila, mukhang sabik na sabik na si Binibining Carmelita makita ang kaniyang matalik na kaibigan" sarcastic na sabi ni Kapitan Flores. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Natasha. tsk.


Pagpasok sa loob ng bahay nila, agad akong umakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Helena. "Binibini, mag-hunos dili ka" narinig kong sabi ni Theresita pero hindi ko siya pinansin. At agad akong kumatok sa kwarto ni Helena.

"Binibining Carmelita kayo po pala..." narinig kong sabi ni Laura at nag-bow siya sa'kin, papunta rin siya sa kwarto ni Helena. "Isinama po ni Heneral Sergio si Ginoong Leandro sa Cavite kaninang umaga, nagtungo naman po si Binibining Natasha kay madam Olivia kanina, samantalang kagabi pa po hindi lumalabas ng kwarto si Binibining Helena at hindi pa rin po siya kumakain" sabi ni Laura.

Parang bigla namang nawala yung inis ko kanina, kung sabagay sa pagkakataong to alam ko namang mas masakit ang pinagdadaanan ngayon ni Helena. Naiintindihan ko ang pakiramdam ng isang taong nagmahal pero ang taong minamahal niya ay may ibang napupusuan.

Hindi niya siguro matanggap na nagkagusto sa'kin si Juanito. 

Pero teka lang! Ayon sa original story ng diary,  ang alam ko si Helena talaga ang gusto ni Juanito at si Carmelita lang ang umiibig kay Juanito.

Pero Anong nangyare?

Bakit nagkabaliktad? Bakit nahulog sa'kin si Juanito?


Pupunta na lang sana ako kay madam Olivia para itanong sa kaniya kaya lang nagulat kami nang biglang binuksan ni Helena yung pinto sa kwarto niya. "Anong ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong, napansin kong magang-maga din ang mga mata niya sa kakaiyak.

"Binibini... may dala po akong pagkain para-----" hindi na natapos ni Laura yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Helena, nakatitig pa din siya sa'kin.

"Tinatanong kita Carmelita! Anong ginagawa mo dito?" galit na sabi ni Helena, napaatras naman si Laura at tumabi siya kay Theresita, sa pagkakataong iyon kahit ako mismo ay nagulat dahil sinigawan niya ako. "B-bakit aalis ka?" sagot ko. hindi ko alam pero parang hindi ko magawang magalit sa kaniya lalo na ngayong narealize ko na sinira ko ang pagkakaibigan nila ni Carmelita.

"Ano pang gagawin ko dito? Inagaw mo na sa'kin si Juanito!" galit niyang sagot at nanlilisik na yung mga mata niya. "W-wala nang kasal na magaganap, w-wala na rin siya sa'kin" sabi ko, at sa mga oras na yun parang may kumurot sa puso ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong wala na siya sa'kin.

"Nasa iyo naman ang puso niya! at hindi ko matanggap na ikaw pa mismo ang pinili niya!" sigaw ni Helena. nanlaki naman yung mga mata ko, Anong ibig niyang sabihin? Kelan ako pinili ni Juanito?

"Alam mo hindi naman ako bulag para hindi makita ang ginawa mong pagtatrahidor sa akin, alam kong nagpunta kayo sa silid-aklatan ng Santo Tomas isang gabi, Alam ko ring ikaw ang hinihintay niya sa plaza Santo Tomas at alam ko rin ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapadala ng sulat sa akin ay dahil nahuhulog na siya sayo!" galit na tugon ni Helena, pagkatapos kinuha niya yung color blue na sulat na bigay sa'kin ni Juanito.

"Heto ang nagpamulat sa'kin sa katotohanan na malabong ibigin na ko ni Juanito dahil umiibig na siya sayo!" sigaw pa ni Helena tapos pinunit niya yung sulat sa'kin ni Juanito at isinampal sa mukha ko.

Nagulat ako dahil sa ginawa niya at napatulala ako sa pira-pirasong papel na dahan-dahang bumabagsak ngayon sa sahig. "Oo nga nagtagumpay ka makuha sa'kin si Juanito... ngunit sinisigurado ko na hindi kayo magkakatuluyan! Kaya sapat na sa'kin ang malaman na itinigil na ang inyong nakatakdang kasal" sigaw pa niya at bigla niyang sinarado ng malakas yung pinto dahilan para mapaatras kami nila Theresita at Laura.

Bigla akong napaisip... si Helena kaya ang nasa likod ng pagkamatay ni Juanito?

Pero... nagmamahalan sila ni Juanito. Kaso posibleng ring magawa ni Helena ipapatay si Juanito dahil ikinasal ito kay Carmelita. At ayaw niyang mapunta si Juanito sa iba dahil may pagka-makasarili siya.

Mula ngayon kailangan ko ng subaybayan ng mabuti si Helena.


Kinagabihan, dahil hindi ako makatulog binuksan ko na lang yung bintana ng kwarto ko at pinagmasdan ang kalangitan, walang buwan ngayon at wala ring mga bituin. Parang nakikiayon ang kalangitan sa nararamdaman ko, walang saya at puro kalungkutan lang.

Napatingin ako sa kuwintas na gawa sa kahoy na bigay ni Juanito sa'kin. napangiti ako nang mabasa ang pangalan ko sa kuwintas na iyon.

Carmela

Kinuha ko naman sa drawer yung isa pang kuwintas na binigay din sa'kin ni Juanito na kung saan nakaukit yung pangalan ni...

Carmelita

Hindi dapat iibig si Juanito kay Carmelita. Pero mukhang nag-iba na talaga ang nakasulat sa diary, ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit nahulog si Juanito kay Carmelita... nahulog siya sa'kin, hindi bilang Carmelita kundi bilang Carmela.


Kinabukasan, palihim akong umalis sa bahay, madali naman akong nakatakas kasi umalis si ama, may importanteng lakad daw siyang pinuntahan sabi ni Maria, pinagtakpan naman nila ako ni Theresita at Josefina kay ina na nasa kwarto lang ako. Sasamahan dapat ako ni Theresita pero inaatake ng ubo ang tatay niya na si Mang Raul kaya inaalagaan niya muna nito. 

Agad akong nagtungo sa mansyon ng mga Alfonso, natanaw ko naman si Angelito na nagbabasa ng libro malapit sa gate nila. Agad ko siyang tinawag, at napangiti siya nang makita ako.

"Binibini... buti naman at naisipan mong pumunta dito!" nakangiting tugon ni Angelito at pinabuksan niya ako ng gate, wala namang nagawa yung guardia personal nila kasi si Angelito na mismo ang nagpapasok sa'kin.

"Wag kang mag-alala wala si ama, dumalo siya sa pagpupulong na ginanap sa bayan kaninang umaga, nagtungo naman sa Cavite si kuya Sergio at nagpapahinga naman si ina sa kaniyang kwarto... labis niyang ikinalungkot ang nangyari kagabi" paliwanag ni Angelito, bigla namang lumungkot yung mukha niya nang maalala niya yung nangyaring gulo kagabi.

"Pasensiya na kung---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Angelito. "Wala kang kasalanan Binibini... nagpapasalamat nga kami dahil nagsalita ka, kung hindi kay kuya Juanito ibabato ang lahat ng sisi" sabi ni Angelito, buti na lang kahit papano may kakampi ako sa mga oras na'to.

"N-nasaan si Juanito?" tanong ko, bigla namang napangiti ng todo si Angelito. "Sinasabi ko na nga ba, siya ang hanap mo" pang-asar pa niya. napangiti na lang din ako, Itinuturing ko na din na bunsong kapatid na lalaki si Angelito, puro kasi babae ang kapatid ko.

"Hindi ko alam pero sabi niya sa'kin kanina gusto raw niya magpahangin at pagmasdan ang simula ng lahat" sagot ni Angelito, napaisip naman ako...


Pagmasdan ang simula ng lahat?


May lugar bang ganun?


"May pagka-matalinhaga talaga si kuya Juanito kaya dapat masanay ka na Binibini" sabi pa ni Angelito at napangiti ako sa sinabi niya. Tama nga siya! makata talaga ang kuya niya.

Aalis na lang sana ako kaso biglang may ideyang pumasok sa isip ko habang paulit-ulit kong sinasambit sa utak ko ang salitang Pagmasdan ang simula ng lahat.


Tama! Alam ko na!


Nagpaalam na ko kay Angelito at agad akong kumaripas ng takbo papaalis, hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mapangiti habang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ni Juanito. Parang lumulundag ang puso ko sa tuwa dahil alam kong malapit ko na siyang makita.

Pagdating ko sa burol kung saan nakatayo ang malaking puno ng mangga, napangiti ako ng todo nang makitang nakasandal sa puno at natutulog doon si Juanito.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at ginawa ko ang lahat para hindi niya matunugan na may taong papalapit sa kaniya. Hindi naman siya nagising, umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya habang nakapikit at natutulog.

Napangiti ako habang tinititigan siya, sana lagi na lang ganto kapayapa ang itsura niya. yung walang problema at walang pagka-dismaya... dahil sa'kin.

Nagulat ako at biglang napaatras nang bigla niyang minulat yung mga mata niya at gulat siyang napatingin sa akin. "P-paano mo nalaman na nandito ako?" gulat niyang tanong. Napa-ehem naman ako at napaayos ng upo.

"Huh? ah-eh sinabi ni Angelito" sagot ko pero hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Gosh! Galit kaya siya sa'kin? parang hindi naman. Whew!

"Hindi ko sinabi kay Angelito kung nasaan ako" sabi pa niya. Hala! Baka iniisip niya na iniistalk ko siya? Waaahh!

Napatahimik naman ako, ang hirap talaga niya lusutan huhu.

"Pagmasdan ang simula ng lahat" sabi ko, napalingon naman siya. Hindi niya siguro inaaasahan na megegets ko ang ibig sabihin ng salitang yun. 

"Hindi mo nga sinabi ang eksaktong lugar kung nasaan ka pero nag-iwan ka naman ng bakas" sabi ko, napahinga naman ng malalim si Juanito. Tapos bigla siyang ngumiti, parang unti-unti namang nawala lahat ng bigat sa loob ko nang makita siyang ngumiti, akala ko hindi na siya ngingiti pa sa'kin pero bakit ganun? Ang bait pa din niya sa'kin. Kyaahh!

"Tama ka, nahawa ka na siguro sa'kin at nasanay ka na din, sa totoo lang nasanay na din ako sa sayo at alam kong mula ngayon dito na lang sa lugar na'to ko maaalala... ang dating tayo" nakangiti niyang sabi habang nakatanaw sa napakagandang tanawin sa ibaba ng burol. Pero may kakaiba sa ngiti niya ngayon parang may halong kalungkutan. Hindi naman ako nakapagsalita, Hindi ko alam ang sasabihin ko, napatingin na lang din ako sa tanawin sa ibaba ng burol at dinama ang malamig na ihip ng hangin ngayon dito at ang maaliwalas na kalangitan.

~Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin sigaw ng puso~


"Hindi ko akalaing makakasama kita ngayon balikan ang simula ng lahat... ang lugar na'to ang dahilan kung bakit tayo pinagkasundong ikasal" sabi pa ni Juanito, napangiti naman ako at napapikit habang inaalala ang gabing iyon kung saan sinamahan ako ni Juanito pumunta sa puno ng mangga na ito para sunduin si Maria na nakipagtagpo kay Eduardo, pero nahuli kami ni nila Don Alejandro at Don Mariano na magkasama sa lugar na to. At iyon ang naging dahilan kung bakit kami pinagkasundong ikasal.


~Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo,
Kailan kaya muling makakatawa?
Di ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip~

~Kailan kaya muling makakamit?
Ang iyong yakap at halik
Na hindi sa panaginip
Kailan?... kailan?... kailan?
Ang dating tayo~


"Nakakalungkot nga lang isipin na dito na rin matatapos ang lahat sa atin" sabi pa ni Juanito, nagulat ako sa sinabi niya at agad napalingon sa kaniya. Napayuko naman siya at iniwas niya ang tingin niya sa'kin.

Napansin kong may namumuo sa kaniyang mga mata pero agad niya itong pinunasan. "Aray! Ang s-sakit naman sa mata ng sikat ng araw dito" sabi pa niya pero alam kong nagpapalusot lang siya habang tinatakpan niya yung mata niya para hindi ko makitang umiiyak siya. hahawakan ko sana ang balikat niya kaya lang bigla na siyang tumayo.

"S-sige na, mauuna na ko baka gising na si ina" sabi pa ni Juanito pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin, tumayo naman ako at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. Bakit ganun? Bakit parang nadudurog ang puso ko ngayong nakikita siyang nagkakaganyan.

"H-huwag kang mag-alala Binibini... h-hindi mo na kailangan pang sabihin sa'kin ang masasabi mo tungkol sa t-tulang binigay ko sayo, d-dahil alam ko naman na ang iyong sagot" sabi pa niya at bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. 

"Juanito... ang totoo kasi niyan-----" gusto ko ng aminin sa kaniya na may gusto din ako sa kaniya kaya lang hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"M-maraming salamat Binibini dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makilala at makasama ka, s-siguro hanggang dito na lang tayo...H-hangad ko ang kaligayahan mo sa piling ni Leandro" sabi pa niya at nag-bow siya sa akin saka niya isinuot muli ang sumbrero niya at tuluyan na siyang naglakad papalayo.

Naramdaman kong tuluyan nang pumapatak ang mga luha ko, Habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalayo sa'kin.

Naiwan naman akong nakatayo doon at nag-iisa sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at hindi ko akalain na dito na rin kami magtatapos.


Dear Diary,

Alam kong kailangan mangyari ito dahil hindi dapat kami magkatuluyan, pero hindi ko alam na ganito pala kasakit ang makitang unti-unti siyang naglalaho sa piling ko.


Nagdadalamhati,
Carmela


****************************
Featured Song:

'Dating Tayo' TJ Monterde.


"Dating Tayo" by TJ Monterde

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.7K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
39.4M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...