Out Of My League [On Hold]

By simply_shy05

145 3 4

"...pero mahal kita." "Mahal kita pero..." See the difference? Binaliktad na words lang yan. Magaling sana ku... More

(1) Vince
(2) Vince
(3) Stephanie
(4) Marjo

(5) Stephanie

8 0 0
By simply_shy05

=__________=

Juskupo. Patawarin n'yo ako. Loooooooord, PATAWAAAAAAD!

"STEPHANIE~!" Sigaw ni Marjo. Naiyak pa siya. Napatingin ako sa lalaking nasa likod niya na tumatawa. Pigil na pigil siya pero tatawa naman bigla ng malakas tapos pipigilan ulit. Pati yung katabi niyang lalaki, nagpipigil. At least siya, nagagawa niya ngang pigilan.

"Stephanie naman eh! Bakit kelangang banggitin ng prof yun?"

Aba malay ko.

Hindi ako sumasagot kasi badtrip ako. Agang-aga, ito sasalubong sa akin. Hindi kasi ako nakapasok kanina. May emergency sa bahay.

Late ako. Bakit kasi may kung anong meron sa bahay. Naiiyamot ako. Hindi naman issue yun! Oo, napaiyak ako pero kelangan pa talagang pagkaguluhan sa amin? Tsk. Ayaw ko na magkaroon pa ako ng kung anong unnecessary attention sa school.

At dahil dakilang estudyante naman ako sa school nila Vince, pumasok pa din ako. Oha, bait ko. -___-

Tinext ko sila. Nasa canteen daw sila. Wala daw yung sunod na prof kaya dun sila nakatambay.

Aba't kasama ni Marjo yung dalawang gunggong. Wala silang klase?

Pagpasok ko sa canteen, nakita ko kaagad sila. Kakaunti naman kasi yung tao. Pero parang may iba. Naiyak si Marjo? At nakatawa yung dalawang gunggong?

Hindi muna ako dumiretso sa kanila. Malakas ang kutob ko na kawawa ako dun. Kumuha ako ng pwedeng mainom. Kakakain ko lang naman kasi. Sige, bibili na lang ako ng Nescafe.

Matapos kong bumili, saka ko naisipang lumapit sa kanila. Ganun pa din ang eksena. Naiyak ang babae at pinagtatawanan ng dalawang lalaki.

"Oh, anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Walang gana kong bungad sa kanila. Si Vince at Kenneth, pulang pula na sa pagpipigil ng tawa.

"Wala ba kayong klase?" Yun na. Sumabog na ang kanina pang itinatagong tawa ni Vince. Problema nito? Nababaliw na naman siya.

Si Kenneth na 'yung sumagot sa akin kasi mukhang siya lang naman yung matinong pwedeng makausap dito.

"Wala akong klase ngayon. Wala daw prof namin eh. Sipag nga. Kaasar. Si Vince naman, tumakas lang. Alam na daw niya ituturo sa kanila. Hangin nga eh." Tumango na lang ako tapos itinuro ko ang nagwawalang tandem.

"Ah, si Vince kasi kanina pa yan tinatamad eh. So nagsit-in daw siya sa klase n'yo. Wala ka naman daw kaya sa likod na siya umupo. Eh nag-attendance ang prof n'yo kaya yan."

"Oh, anong nakakaiyak at nakakatawa dun?"

Hinampas ni Vince ang lamesa. Medyo nahimasmasan na siya. Kaso bakas pa din sa mukha niya na natatawa siya. "Bio ang class nyo."

Oh. OH! Now I know. Kilala ang prof namin sa Bio bilang professor na binabanggit ang buong pangalan sa klase kapag natripang mag-attendance. Napa-face palm ako ng wala sa oras. Buking na ang sikreto ni Marjo.

"STEPHANIE~!"

Juskupoo talaga. Gusto ko po ng tahimik na araw. Tama na siguro yung masamang umaga. Huwag n'yo na pong dalhin hanggang hapon ang bad vibes ko.

"Hahahaha. Marjorie pala ah?! Akala mo maiitago mo? Hahaha. Maria Josephina pala!"

'Akala mo naman napakaganda ng pangalan niya.'

Biglang umakbay sa akin si Vince.

"Mahal kong BEST FRIEND, may ibinubulong ka ba d'yan?" Nanlilisik ang mga mata niya habang tinititigan ako. Kulang na lang masunog ako sa pwesto ko ngayon.

"Ha? Kaw naman, kung anu-ano ng naririnig mo BEST FRIEND KO! Syempre wala akong sinasabi!" Diniinan ko na din ang pagtawag sa kanya ng best friend. Aba, kung ayaw niyang ilaglag ko siya, titigilan niya si Marjo.

* ting *

Tumunog yung phone ko. Kinuha ko yun mula sa bag ko at binuksan yun. Unregistered number. Binuksan ko yung message. Ramdam ko ang biglang pagkunot ng noo ko. Bakit?!

"Huy, Steph. Okay ka lang?" Napatingin ako kay Kenneth. Bakas sa mukha niya na concern siya. Napahawak tuloy ako sa kunot kong noo at pinindot ko 'to. Napahinga muna ako ng malalim bago tumango sa kanya.

Napatingin naman ako dun sa dalawa. Nagbabasa sila pareho, or rather nagtuturuan sila. Isang libro lang ang hawak nila tapos tinuturuan ni Vince si Marjo dun sa part na hindi niya siguro maintindihan. Sa totoo lang, magaling talaga si Vince. Kaso loko-loko lang talaga kaya hindi halata.

Ang sweet nilang tingnan. Sana hindi na yun magulo. Maganda ang epekto nila sa isa't isa at gusto ko yun manatiling ganun. Napatingin ulit ako sa phone ko at huminga ng malalim.

After ng mahabang vacant, umattend na kami ng klase. Hindi ko na pinayagang maki-sit in sa amin si Vince kasi istrikto yung prof namin sa Psychology at mapapagalitan na siya ng tita. Marami yung mata sa paligid.

Boring naman. Discussion lang. Minsan, nagpapatawa yung kaklase naming bakla para naman daw may kaunting buhay ang room.

Hanggang sa natapos na yung dinidiscuss niya at ubusin na lamang daw namin ang oras sa pagdaldal. May 30 minutes pa kasi kaya yun, kanya-kanyang lipatan ng pwesto at kanya-kanyang punta sa mga kabarkada. Tatayo na sana ako kaso nakita ko naman si Marjo na papalapit sa akin.

"Hi Steph."

"Hi." Umupo na siya sa tabi ko. Inaayos ko yung gamit ko ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. Hindi ako sigurado kung nakatingin lang o tulala siya sa akin. Hindi ko muna siya pinansin. Kaso, patapos na ako sa pag-aayos pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin.

"Hoy. Matutunaw na ako."

"Ah... Ano kasi... Steph..." Putul-putol niyang sabi sa akin. Napukaw naman ang interes ko. Idinikit ko ang upuan ko sa kanya bago tanungin kung ano 'yun.

Nakita kong ibinaling niya ang tingin niya sa iba na para bang nagdadalawang-isip sa dapat niyang sabihin sa akin tapos huminga siya ng malalim.

"Nevermind."

Okay. Heto ako, curious na sa balak niyang sabihin tapos bibitinin lang pala ako? -,- Hinayaan ko na lang muna. Kung talagang hindi siya ready, hindi ko pipilitin. Lahat ng tao ay may sikretong itinatago na kahit sa sariling kaibigan ay hindi nila masasabi.

Nagkwento na lang si Marjo ng tungkol sa mga nangyayari sa kanya at sa boarding house nila. Makukulit ang kasama niya sa bahay kaya lagi daw masaya at magulo dun. Kakilala na din kasi niya yung mga yun simula pa high school.

Tuluy-tuloy lang kami sa ganung kwentuhan ng maramdaman naming may lumapit sa amin. Sabay kaming napatingin at nakita namin ang aming kaklase na maputi at maliit at tahimik lang lagi sa isang tabi.

Nakatungo siya pero dahil nakaupo kami, kita ko pa rin ang mukha niya. Namumula siya at halatang nahihiya. Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata na nginitian siya ni Marjo.

"Ah, ano... D-Dati ko pang gustong lumapit sa inyo. Wala kasi akong makasama. K-Kung okay lang naman."

Bago pa man ako makasagot... "Oo naman! You are much welcome!"

Tiningnan ko naman si Marjo. Aba, hindi man lang tinanong kung ano ang gusto ko?!

Nakita yata nung babae ang tingin ko kaya bigla siyang tumungo ulit. "O-Okay lang naman k-kung ayaw n'yo."

"Ano ka ba? Hindi noh! Si Stephanie ba inaalala mo? Nako, mahiyain lang 'to. Huwag mo na siyang pansinin!" Naglabas na lang ako ng malakas na hininga at saka ipinikit ang mga mata.

Lumalaki na naman ang circle of friends ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kaya ko ba? Ibibigay ko ba ulit ang tiwala ko? Wala na ba ulit mangyayaring masama?

Samu't saring tanong ang pumasok sa utak ko. At dun ko lang napatunayan na hindi pa rin ganun kadali para sa akin ang magbigay ng tiwala sa ibang tao. Exception lang siguro talaga si Marjo.

Naramdaman kong sobrang tahimik na ng mga katabi ko kaya naman iminulat ko na ang aking mata at dahan-dahan akong nilingon sila. Nagulat naman ako ng makita silang titig na titig sa akin. Sa maniwala ka o hindi, makikita mong kumikinang talaga ang mga mata nila habang hinihintay ang tugon ko. Huminga pa ulit ako ng malalim at saka ngumiti sa kanila.

Wala naman sigurong masama kung susubukan kong muli.

"Sure." Kung kanina ay kumikinang na ang mata nila, ngayon ay maluha-luha na silang nakatingin sa akin. Nakanganga pa! Mahinang natawa naman ako sa hitsura nila. Masyado silang expressive! Hahaha.

"M-Maraming salamat talaga!" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay.

Nagkuwentuhan na lang kami. At doon niya ipinakilala ang sarili niya. Chelle Landicho ang pangalan niya. May kakambal siya na dito din pumapasok kaso ibang course naman. May boyfriend din siya na siya namang kaklase at bestfriend ng kapatid niya. Akalain mo yun, mas mailap pa sa akin, pero may boyfriend? Hanep. Hahaha.

Pero aaminin ko, naku-cute-an ako sa kanya. Para siyang bata na gusto kong protektahan sa ano mang kapahamakang pwede niyang makaharap. Sana hindi ko pagsisihan ang unti-unting pagbibigay ko ng tiwala sa kanya.

simply_shy05

Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
77.3K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.