I Love You since 1892 (Publis...

Por UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.3M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... Mais

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 23

2.4M 51.6K 85.3K
Por UndeniablyGorgeous

[Kabanata 23]


Pinasyal din ako ni Juanito sa mansyon nila, una kaming pumunta sa library nila, Grabe! Ang daming libro, nakalagay din sa pinakagitna yung family painting portrait nila. Nakaupo sa gitna si Don Mariano at Donya Juanita samantalang nasa tabi naman ni Donya Juanita si Sonya, nasa tabi naman ni Don Mariano si Angelito habang nakatayo naman sa pinakalikod si Sergio at Juanito.

"Noong isang taon iginuhit ang larawang iyan" narinig kong sabi ni Juanito na nasa tabi ko na ngayon. Hindi ko namalayang napatulala pala ako sa family painting nila. Nakita ko na rin naman yung family painting nila Don Alejandro at Donya Soledad sa bahay kaya lang hindi ko ma-feel kasi hindi naman ako si Carmelita na nasa larawang iyon.

"Ang ganda ng pagkakaguhit sa inyo, sino ang nagguhit niyan?" tanong ko, sobrang na-aamaze talaga ako. Mas maganda talaga ang mga bagay na pinaghihirapan. "Si Maestro Silvacion ang gumuhit niyan, isa siyang matalik na kaibigan ng aking ama at iyan ang inihandog niyang regalo sa ika-dalawampu't limang anibersaryo ng kasal nina ama at ina" paliwanag ni Juanito habang nakangiti at nakatingala din dun sa family painting nila.

"Whoa! Ang galing naman" sabi ko sabay thumbs up. Grabe! Siguradong sobrang mahal ang mag-papainting, at least nakalibre na sila.

"Binibini... nais mo rin ba magkaroon ng iginuhit na larawan?" nakangiting tanong ni Juanito, napalunok naman ako at nagpalingon-lingon sa paligid. Gosh! Kaming dalawa lang pala ang tao dito sa loob ng library nila. "Huh? ah—eh marami naman akong ganyan sa bahay" sagot ko na lang kahit pa wala naman masyadong painting si Carmelita sa bahay.

"Kakausapin ko sana si Maestro Silvacion kung kailan siya pwede upang maiguhit ka niya... o kaya sa kasal na lang natin mismo" tugon pa niya. nanlaki naman yung mga mata ko at napatingin sa kaniya dahil sa huling sinabi niya sa kasal na lang natin mismo. WHUT? ANONG SABE NIYA?

"P-pero diba hindi dapat m-matutuloy yung kasal-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nginitian lang ako ni Juanito sabay kindat, Shems!

Hindi porket nagiging close na kami aakitin na lang niya ako ng ganyan? My Ghawd!

Magrereklamo sana ako kaso bigla na siyang tumalikod at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Ewan ko ba natameme na lang ako at parang automatic na sumunod yung mga paa ko papalapit sa kaniya.

My Gosh! I Kennat!



Paglabas namin sa library nakasalubong namin si Angelito at Sergio sa hallway, galing sila sa kwarto ni Donya Juanita. "Kamusta na si ina?" agad na tanong ni Juanito.

"Maayos na ang kalagayan ni ina, sa ngayon nagpapahinga na siya" sagot ni Sergio. Naka-pang general outfit pa din siya, napatulala naman ako sa mga gintong medalya at stars na nakasabit sa uniform niya... Magkano ko kaya mabebento ang mga yon? 


"Binibini?" natauhan lang ako nung biglang magsalita si Juanito. Omg! Di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa uniform ni Sergio. Waaahh! 

"Whoah! Grabe---Ang galing mo talaga Heneral Sergio! ang dami mong medals----Ah! este medalya" sabi ko sabay thumbs up sa kaniya. Natawa naman si Sergio pero nagtaka sila ni Angelito sa pag-thumbs up ko.

"Anong ibig sabihin niyan?" nagtatakang tanong ni Sergio. Sasabihin ko sana sa kanila kaso biglang ibinaba ni Juanito yung kamay ko. "Sa amin lang ni Carmelita ang bagay na iyon" sagot ni Juanito at hindi na siya nakangiti ngayon. 

"Ganoon ba? mukhang ayaw ibahagi ng aking kapatid ang sikretong senyasan nila ng mapapangasawa niya ah" pang-asar pa ni Sergio at nagtawanan sila ni Angelito. What the heck? Bakit ba kasi nagdadamot ng information tong si Juanito?

Magrereact sana ako kaso tiningnan ako ni Juanito at mukhang seryoso siya kaya nakitawa na lang din ako kina Sergio at Angelito. yung tawa ko talaga mukhang natatae lang haays.


 "Kamusta naman ang kasiyahan nina ama at Don Alejandro sa ibaba?" tanong pa ni Juanito. dahilan para tumigil na kami sa pagtawa. 

"Hindi pa po nila alam kuya Juanito, mamaya na lang po namin sasabihin kay ama pag gising ni ina" sagot ni Angelito. Pinagmasdan ko naman silang tatlo, Grabe! Magkakahawig pala sila, medyo mas malaki nga lang ang katawan ni Sergio kay Juanito at may bigote din ito. Samantalang, maginoo naman ang itsura ni Juanito at malinis ang kaniyang mukha, si Angelito naman ang batang version nilang dalawa.

Bigla akong natauhan nang magsalita si Angelito at napatingin silang lahat sa'kin "Kuya Juanito hindi pa rin ba tapos ang pagpasyal mo kay Binibing Carmelita sa ating tahanan?"

Magsasalita sana si Juanito kaso naunahan siya ni Sergio. "Talaga? Nais makita ni Binibining Carmelita ang ating tahanan?" nakangiting tanong ni Sergio. Napatango na lang ako, agad namang lumapit si Sergio at Angelito sa'kin. "Ipapasyal ka rin namin sa aming tahanan... Tara!" sabi pa ni Sergio, wala na kong nagawa kundi sumama sa kanila. Feel ko tropa na kami at kakatapos lang namin ibully si Juanito kanina Hahaha!




"Si Tay Alfonso 'Silong' at ang kaniyang pamilya ang nagtiyagang maggapas ng gubat at ang unang nagtayo ng bahay dito sa San Alfonso noong 1625, hanggang sa unti-unting lumawak ang lupain at nagkaroon na ng iba pang tao na nais manirahan sa lugar na ito, sa paglipas ng panahon umunlad na ang bayan at pinangalanan itong San Alfonso, si Tay Alfonso Silong na rin ang unang naging pinuno ng kanilang bayan" paliwanag ni Sergio, naglalakad kami ngayon sa mahabang hallway papunta sa kanilang mga kwarto sa itaas at sa bawat sulok ng dingding may mga painting ng tao. Una kong nakita ay yung painting ng isang matandang lalaki, na si Tay Alfonso Silong pala. napahawak na lang ako sa bibig ko, Grabe hawig ni Don Mariano si Tay Silong na super pinatandang version lang.

"Ang kaniyang anak na si Tino Alfonso ang sumunod na namuno sa bayan at sinundan ito ng kaniyang anak na si Filimon Alfonso, sa loob ng halos dalawang daang taon pinagkatiwala ng mga mamamayan ng San Alfonso ang pamumuno sa aming pamilya, nakasanayan na ang panganay na lalaking sa aming pamilya ang susunod na mamumuno, nag-aasawa rin ng mga babaing Espanyol, Peninsulares o Insulares man ang aming mga ninuno upang kilalanin ang pamumuno ng aming pamilya ng Imperyong Espanya" dagdag pa ni Sergio, Wow! grabe! Para rin siyang si Juanito, ang talino talaga ng lahi nila. Teka! diba yung mga Peninsulares ay ang mga espanyol na nanirahan sa Pilipinas, samantalang ang mga Insulares naman ay ang mga Espanyol na pinanganak na sa Pilipinas.

Napadaan naman kami sa iba pang mga painting ni Tino Alfonso, Filimon Alfonso at madami pang iba, parang nasa exhibit ako ngayon at pinagmamasdan ang mga ninuno nila na magkakamukha, medyo natakot din ako kasi baka mapanaginipan ko ang mga mukha nila na iisa lang ang pose. "Ibig sabihin ikakasal ka sa babaing may dugong Espanyol?" tanong ko kay Sergio, napangiti naman siya at napatango. "Bihirang payagan ng Gobyernong Espanya ang mamuno sa isang lupain ang isang Indio" dagdag pa ni Sergio. Gosh! Oo nga pala sa panahong to masyadong mababa ang tingin nila sa mga purong dugong Pilipino o Indio.

"Ginoong Sergio kelan ka ikakasal?" tanong ko pa, napangiti naman si Sergio at ngumiti na rin si Juanito na ngayon ay nasa likod na pala namin, mukha tuloy siyang nabully na gusto pa ring sumama sa tropa niya. Anong nakakatawa sa tanong ko? buti na lang inosente pa si Angelito at hindi pa nakaakrelate sa kalokohan at pangiti-ngiti ng mga kuya niya.

"Hindi ko pa alam Binibini, hindi pa nakakausap ni ama ang mga kaibigan niyang peninsulares sa Maynila at marahil baka pagkatapos pa ng inyong kasal ni Juanito aasikasuhin ni ama ang kasal ko" sagot ni Sergio. Nagkatinginan naman kami ni Juanito pero mas lumaki lang yung ngiti niya, Bakit ganyan siya mag-react? Kyaahh! wag ka ngang assumera Carmela! 

Haays.  Echeosero din pala tong kuya niya eh.


Nadaanan din namin ang isang malaking pader kung saan nakasabit ang mga medalya at certificate nilang magkakapatid. Nalaman ko na madami na palang natanggap na parangal si Sergio dahil sa husay niya sa pamamaril, pakikipaglaban at sa pamumuno ng hukbong sandatahan. Kaya nga agad siyang na-promote as general. 

Samantalang si Juanito naman ay maraming medalya at award din dahil sa pagpapainting, kaya lang nagtaka ako kung bakit walang sample na painting si Juanito na gawa niya na naka-display sa bahay nila. Tatanungin ko sana si Sergio kaya lang naalala ko na nangako pala sa'kin si Juanito na sasabihin niya sa'kin someday yung dahilan kung bakit hindi na siya nagpapainting. At syempre mas gusto kong marinig mismo kay Juanito ang dahilang iyon.

Si Sonya naman ay kilala sa galing niya sa pagtutog ng piano at violin. Nalaman ko din na naging magkaklase pala si Sonya at Carmelita sa pag-aaral ng musika kaya sila naging bestfriends. Gosh! Bigla ko tuloy naalala nung pinatugtog ako ng piano sa bahay, muntik na kong himatayin noon kasi hindi ako marunong mag-piano.

Si Angelito naman ay nagkamit ng maraming parangal sa pakikipag-debate, madami na siyang napanalunan na competition sa debate at balagtasan. Nalaman ko din na pangarap niyang maging abogado someday, kung sabagay magaling naman talaga siyang makipagtalastasan at matapang din siya.

Si Don Mariano at Donya Juanita naman ay sobrang ginagalang at iniidolo ng mga mamamayan ng San Alfonso dahil sa angkin nilang kabutihan at pagmamalasakit sa kanilang mga nasasakupan. Hindi na ko magtataka kung bakit mahal na mahal sila ng mga tao.




Kinabukasan, pagkagising ko nalaman ko na nasa ilog pala sila ina, Maria, at Josefina abala sila sa paglalaba at pagaasikaso ng mga kurtina at mga sapin sa mesa na gagamitin sa salo-salo bukas ng gabi pagkatapos ng pagsisindi ng kandila para sa patron ng San Alfonso.

"Binibini! Hindi po ba muna kayo maliligo?!" narinig kong sigaw ni Theresita habang tumatakbo ako pababa ng bahay upang sundan sila ina sa ilog. "Hindi na! dun na lang ako maliligo!" sagot ko sa kaniya tapos kumaripas na ko ng takbo papalabas papunta sa ilog na sakop ng aming hacienda. Nakita ko namang kumakaripas din ng takbo si Theresita at hinahabol ako. "Mag-ingat po kayo sa pagtakbo Binibini, baka po madapa kayo" narinig kong sigaw pa ni Theresita, pero nilingon ko lang siya at nginitian.

Pagdating namin sa ilog, natanaw ko agad sila ina, Maria at Josefina na naglalaba sa ilog kasama ang iba pa naming kasambahay. Malalaking puting sapin sa mesa at mga pulang kurtina ang kanilang nilalabhan. Agad naman akong sumugod at nagtampisaw sa ilog "Anak! Anong ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong ni ina at gulat na gulat siya ganun din sila Maria at Josefina.

"Carmelita! Huwag mo sabihing----" hindi na natapos ni Maria yung sasabihin niya kasi ako na ang tumapos sa gusto niyang sabihin.

"Yeah! Maliligo nga ko dito sa ilog!" excited kong sabi at nag-dive na ko sa tubig. buti na lang magaan yung baro't sayang suot ko kaya hindi ako nahirapang mag-back stroke, butterfly stroke at free style swimming.

Gosh! Namiss ko mag-swimming, favorite sports pa man din namin ni Jenny ang swimming.

"Carmelita... kailan ka pa natutong lumangoy?" nagtatakang tanong ni Josefina at dahil dun bigla akong napatigil sa paglangoy at napalubog sa tubig.

Omg! Hindi ba marunong lumangoy si Carmelita? Waaaahhh!

Epic fail Carmela!


Agad akong napaahon at lumangoy papunta sa kanila "Huh? t-tinuruan ako ni madam Olivia" palusot ko, napataas naman ng kilay si Maria at Josefina. "Ano? Kelan ka pa tinuruan ni madam Olivia?" nagtatakang tanong ni Josefina.

"Ngayon ko lang nalaman na nagtuturo din pala ng paglangoy si madam Olivia" nagtatakang tanong naman ni Maria. My gosh! What to do? Huhu

"Ah---eh kakaturo lang sa'kin ni madam Olivia noong nakaraang buwan" sagot ko, mas lalo namang nagtaka yung mga mukha nila "Saan naman kayo nag-ensayo sa paglangoy?" dagdag pa ni Josefina. Gosh! Mas matagal niya palang nakasama si madam Olivia at memorize din niya ang pasikot-sikot na lugar sa Maynila, kailangang maging maingat ako sa mga sasabihin ko.

eh kung sabihin ko na sa manila bay ako tinuruan ni madam Olivia? Gosh! Ang gara naman nun, lumalangoy kaming dalawa ni madam Olivia sa gitna ng manila bay, maniwala kaya sila? Nooo!


"Uhh--- di pa kami nag-eensayo ng paglangoy sa mismong tubig----bale, tinuruan lang ako ni madam Olivia sa pamamagitan ng mga ginuhit na larawan sa mga libro" palusot ko pa. napaisip naman sila pero napatango din sa huli. Whew! Mukhang napaniwala ko naman na sila. Omg! Sorry madam Olivia hindi ko sinasadyang idamay ka sa mga palusot ko huhu.

"Matalinong bata talaga ang bunso ko, alam naming madali mong natutunan ang mga aralin mo, halika nga rito at turuan mo kaming lumangoy" nakangiting tugon ni ina tapos niyakap ako kahit basang-basa ako. Naki-group hug naman si Maria at Josefina at nagpaturo din sila sa paglangoy.

Sa huli, imbes na maglaba kami, nag-swimming na lang kaming apat at interesado din naman sila sa swimming lessons ko, bukod nga lang kay Josefina na winiwisikan kaming dalawa ni Maria ng tubig at dahil dun nag-wisikan na lang kami ng tubig at pinagkaisahan naming daganan si Josefina, nakita ko namang tuwang-tuwa si ina habang pinagmamasdan kaming magharutan at maglunuran sa ilog. Haays, namiss ko bigla sila Jenny at Emily, hindi rin sila nagpapatalo kapag nagwrewrestling kami.


Kinagabihan, nakatanggap ako ng sulat galing kay Leandro, kilig na kilig naman si Maria, Josefina at Theresita at nakatambay sila ngayon dito sa kwarto ko. "Carmelita! Dali! Basahin mo na!" excited na sabi ni Maria, sa totoo lang nahihiya ako basahin sa harap nila pero wala akong magawa kasi alam kong hindi nila ako tatantanan hangga't hindi nila nalalaman kung anong nakasulat dun sa sulat ni Leandro.

"Haays. Eto na nga" sabi ko, at agad silang naglundagan sa kama ko at excited na nagaabang sa'kin, feel ko tuloy ako si Lola Basyang at sila ang mga apo ko. Binuksan ko na yung sulat at agad sumalubong sa amin ang papel na nagtataglay ng halimuyak ng rosas.


Mahal kong Carmelita,

Nais ko sanang salubungin ka kahapon sa daungan ngunit nalaman kong nandoon din ang pamilya Alfonso at inimbitahan kayo sa kanilang tahanan, masakit man para sa akin ang makita kang kapiling ang binatang itinakda sa iyo, handa naman akong maghintay at ipaglaban ang pag-ibig ko sayo, alam kong sinusunod mo lang ang kagustuhan ng iyong ama na pakisamahan si Juanito at ako pa rin ang laman ng puso mo, hinihiling ko sana na magikita tayo bukas sa pasasalamat sa patron sa labas ng simbahan, nais kong masilayan muli ang iyong mga ngiti at kislap ng iyong mga mata.

Nagmamahal,
Leandro Flores

Biglang nagtalunan sa kilig sila Maria, Josefina at Theresita. Samantalang napatulala naman ako, My gosh! Nakalimutan kong may isa pa pala akong problema... Pano ko sasabihin kay Leandro na hindi ko naman siya mahal?

Pero teka nga lang! Bakit parang ang confident ni Leandro dun sa line niya na alam kong sinusunod mo lang ang kagustuhan ng iyong ama na pakisamahan si Juanito at ako pa rin ang laman ng puso mo.

Pano na ituu?


Gabi na pero hindi ako makatulog kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig, pagdaan ko sa opisina ni ama nakita kong bukas yung pinto at nagsusulat siya sa kaniyang mesa. Sandali ko siyang pinagmasdan, workaholic talaga si Don Alejandro at alam kong gagawin niya ang lahat para bigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Aalis na sana ako kaso biglang napatingin sa'kin si Don Alejandro, "Carmelita anak... halika rito" narinig kong tawag niya, napaturo pa ako sa sarili ko, Ako ba yung tinawag niya? Shunga! ikaw nga si Carmelita sa panahong to diba! Haays.

kaya ayun wala na kong nagawa kundi pumasok na sa loob. "Bakit gising ka pa?" tanong niya, napansin ko na parang namumula yung mga mata niya. umiyak ba siya?

"Uhh---hindi po kasi ako makatulog ama kaya kukuha sana ako ng tubig sa kusina" sagot ko, napatango naman si ama at bumalik siya sa pagsusulat. At dahil na-curious ako kung bakit namumula yung mata niya nilakasan ko na ang loob ko para magtanong.

"A-ama... kayo po bakit gising pa kayo?" tanong ko, napatigil naman sa pagsusulat si ama at tumingin sa'kin. "Nais kong magpadala ng liham at humingi ng paumanhin at pakikiramay kay Donya Julieta Valdez dahil sa nangyaring trahedya sa kaniyang asawa na naging matalik kong kaibigan na si Don Diosdado Valdez, kaninang umaga ko lang nalaman nang dumalo ako sa pagpupulong sa munisipyo sa bayan, nalaman ko na sinadyang hindi sa akin ipaalam ni Ginoong Valentino Valdez ang pagkamatay ng kaniyang kapatid kaya hindi ako nakadalaw sa burol nito" naiiyak na sagot ni ama. Shocks! Ano? May galit ba si Ginoong Valdez kay ama?

"B-baka nakalimutan lang po Ginoong Valdez na padalhan kayo ng sulat at ibalita sa inyo, hindi ba naging tagapagpayo siya ni lolo noon" sabi ko, Gosh! Hindi ko na maalala yung pangalan ng lolo ni Carmelita, Santino ba yun? Ah! Santiago!

Napa-iling-iling naman si Don Alejandro, "Nang mamatay ang aking ama, lumayas na din si Ginoong Valdez dahil hindi kami pareho ng prinsipyo at paniniwala" sagot ni ama. Omg! In short, may away nga sila. 

"Nguniit ang kaniyang kapatid na si Diosdado ay naging kasundo ko, malaking tulong ang koneksiyon ko kay Diosdado sa pag-unlad ng ating negosyo dahil karamihan sa ating mga produkto ay pinapadala sa Maynila, subalit ngayon ay mukhang malabong ipagpatuloy ni Ginoong Valdez ang magandang samahan ng pamilya Montecarlos at pamilya Valdez" paliwanag pa ni ama. Napahinga na lang ako ng malalim, Omg! Sobrang bigat pala ng pinagdadaanan ni ama.

"Hindi ko rin matanggap ang pagkamatay ni Diosdado sa kamay ng mga rebelde, at malaki ang kutob ko na mga rebelde din ang may gawa ng pagpapatay sa pamilya ni Aling Trinidad at ako naman ang balak nilang sirain at patayin" sabi pa ni ama at dahil dun nanlaki yung mga mata ko. Whuuut?

"P-pero ama... bakit naman nila gagawin yun?" nagpapanic kong tanong. Hindi pwedeng masira ang pamilya Montecarlos dahil kapag nangyari yun baka nasa ibang sitwasyon at pamumuhay na ang babalikan ko sa 2016.

"Dahil ang pamilya natin ang may hawak ng pinakamalking negosyo dito sa San Alfonso at isa sa mga pangunahing nagsusuplay ng produkto sa Maynila, marami tayong manggagawa at hindi natin alam kung sino-sino sa kanila ang tapat pa sa ating pamilya, sa oras na mapabagsak ng mga rebelde ang ating negosyo, hihina ang kalakaran sa Maynila at lubhang maapektuhan nito ang ekonomiya dahilan para unti-unting bumagsak ang pamahalaang Espanya dito sa Pilipinas" paliwanag pa ni ama. 

Naalala ko na, eto ang panahon kung saan maraming mga Pilipino ang naaabuso at nagaaklas laban sa mga mananakop na Kastila. At ngayon ko lang narealize na nasa panganib din ang aming pamilya.



Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay sa baba, abala na ang lahat sa paghahanda para sa pasasalamat sa patron mamayang gabi, pagbaba ko sa salas inaayos na nila ang lahat ng kagamitan at kinakabit na rin yung mga magagarbong kurtina na nilabhan nila kahapon sa ilog. pagdating ko naman sa kusina nandoon sina ina at Maria kasama ang iba pang mga kasambahay, busy silang lahat sa pagluluto. Samantalang si Josefina naman ang naka-assign sa pag-aayos at pagdedecorate ng salas at dining table.

"Carmelita... Oo nga pala! May bisita tayong Alfonso, tawagin mo siya para makapag-almusal na, nasa hardin siya ngayon" sabi ni Josefina habang abala sa paglalagay ng sapin sa mesa. Nanlaki naman yung mga mata ko. Omg! Nandito si Juanito?

At dahil dun agad-agad akong umakyat sa kwarto at chineck ang sarili ko sa salamin. Kyaah! Certified malandi ka na talaga Carmela! I kennat! 

Inayos ko pang sarili ko bago magtungo sa hardin, huminahon ka lang Carmela dapat maging kaibig-ibig na dalagang Pilipina ka sa harap ni Juanito, Like you know Maria Clara dapat ang peg mo.

Teka!

Bakit parang pumandak si Juanito?

Napasimangot na lang ako nang marealize ko na hindi naman pala si Juanito yung bisita namin, si Angelito pala.

Kausap niya ngayon si Mang Raul at Eduardo na nagpapahinga sa ilalim ng puno. nagulat naman sila Mang Raul at Eduardo at napatayo sila sabay bow nang makita ako.

"Magandang umaga po Binibining Carmelita... kami po ay nagpapahinga lamang, babalik na rin po kami sa trabaho" nakayukong sagot ni Mang Raul at humingi din ng paumanhin si Eduardo. 

"Binibing Carmelita, ako po ang lumapit at nakipagkwentuhan sa kanila kung kaya't ako ang responsable sa kanilang mga aksyon ngayon" sabi ni Angelito. Natawa naman ako sa kanilang tatlo, parang ang big deal nung naabutan kong nagkwekwentuhan sila. Ayy sabagay, Oo nga pala, isa akong senorita sa panahong to. haha. Rawr!

"Ayos lang yun, magpahinga muna kayo Mang Raul at Eduardo... at ikaw naman Ginoong Angelito mag-almusal na daw tayo" sabi ko, napa-bow at napangiti naman si Mang Raul at Eduardo.

"Maraming salamat sa inyong oras Mang Raul at Eduardo" sabi pa ni Angelito at nagmano pa siya kay Mang Raul, nagulat naman si Mang Raul at napa-bow sa kaniya. Ano yan why so galang ni Angelito?

Habang naglalakad kami pabalik sa mansyon, balik formal na naman si Angelito. "Ginoong Angelito, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya, halata namang nagulat siya sa tanong ko. "B-bakit? H-hindi ba ko pwedeng pumunta dito?" depensa niya.

Binigyan ko naman siya ng nakaka-echeos na ngiti "Hmmm... wala lang imposible namang ako ang dinadalaw mo dito, o kaya naman si Maria at Josefina, masyado kaming matanda para sayo, imposible ring si ama at ina ang pinunta mo dito... ano namang sasabihin mo sa kanila?" pang-eecheos ko pa, hindi naman makatingin sa'kin si Angelito.

"Tss... wag kang mag-alala sikreto lang natin na alam kong may gusto ka kay Theresita!" sabi ko pa, nanlaki naman yung mga mata niya. pero hindi naman niya tinanggi. "Kaya nga kinakaibigan mo ang tatay at kapatid ni Theresita eh" pang-asar ko pa. tsk! Kaya pala nakikipag-friends siya kay Mang Raul at Eduardo kanina, nag-bless pa kay Mang Raul, Aba! pakitang gilas haha!

Nagulat naman ako ng biglang mapaupo sa hagdan papunta sa pinto ng bahay namin si Angelito. "Tama nga ka Binibini, may gusto nga ako kay Theresita ngunit alam kong hindi tama ito" sagot ni Angelito. Umupo na din ako sa hagdan sa tabi niya. Grabe! Pareho pala sila ng sitwasyon ni Maria at Eduardo.

"Malay mo kapag kinausap mo ang mga magulang mo, baka payagan nilang pakasalan mo si Theresita" sabi ko tapos tinapik-tapik ko yung balikat niya. "Sa tingin mo ba magugustuhan din ako ni Theresita?" tanong ni Angelito. Bigla naman akong napangiti ng todo.

"Mas nag-aalala ka pa pala kung magugustuhan ka ni Theresita kaysa sa sasabihin ng mga magulang mo eh" pang-asar ko pa sa kaniya, bigla naman siyang natawa.

"Wala kasi akong lakas ng loob kausapin siya at ipagtapat ang nararamdaman ko" sagot ni Angelito. Tsk! Kapareho rin pala siya ng kuya Juanito niya, torpe silang dalawa at kailangan pa nila ng tulong ko para masabi ang nararamdaman nila sa babaing napupusuan nila. Grabe! ngayon ko lang narealize ang purpose ko sa buhay haha.

"At alam kong pagdating ng panahon makakahanap na din ng babaeng ibig ipakasal sa akin ng aking mga magulang pagdating ko sa tamang edad" sabi pa ni Angelito at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Alam mo mas maganda kung magiging totoo ka sa sarili mo, dahil hindi mahihirapan ang mga taong mahalin ka, at kung dumating man ang panahon na ipakasal ka ng iyong magulang, mas mabuti pa rin kung susundin mo ang nasa puso mo, kung sino ang totoong tinitibok nito" sabi ko pa. napatingin naman sa'kin si Angelito.

"Kaya ba ayaw mo rin matuloy ang kasal niyo ni Juanito... dahil may iba ng laman ang puso mo?" tanong ni Angelito na nagpawala sa ngiti ko. tinutukoy niya siguro si Leandro nung minsan na mahuli niya kaming magkasama sa lupain ng mga rosas. at dahil dun napaisip din ako ng malalim.

"Hindi naman sa ayoko kay Juanito... ang totoo niyan nagugustuhan ko na nga siya eh, yun nga lang hindi ako para sa kaniya at hindi rin siya para sa akin" sagot ko. nakita ko namang napaisip din ng malalim si Angelito.

"Sigurado akong may malalim kang dahilan kung bakit ayaw mong matuloy ang kasal" sabi niya, Oo nga pala! Matalinong bata siya at balak niyang mag-abogado, siguradong mahihirapan ako magtago ng katotohanan sa kaniya.

"Tara na nga! Baka lumamig na ang niluto nila ina" sabi ko at hinila ko na siya papasok sa loob ng bahay. Buti na lang mukhang nagugutom na din si Angelito kaya mas excited siyang kumain kaysa alamin kung ano ba yung malalim kung dahilan kung bakit hindi kami pwedeng magkatuluyan ni Juanito.



Kinahapunan, pagbaba namin sa kalesa hinawakan ako ni ina sa braso at sabay-sabay kaming naglakad papasok sa simbahan, katabi naman ni ina si ama at nasa likod namin si Maria, Josefina at Theresita. Habang naglalakad kami papasok sa simbahan, nagtaka ako kasi nakatingin sa'min yung mga tao at nagbubulong-bulungan sila.

"Mga mamamatay tao ang pamilyang yan!" narinig kong bulong ng isang tindera ng walis na nasa gilid, kausap niya ang dalawa pang ale na nagtitinda ng mga tsinelas. "Oo nga! Balita ko si Don Alejandro ang nagpapatay sa pamilya ni Aling Trinidad" tsismis pa nung isang ale.

Susugudin ko sana sila at balak kong jombagin ang mga pagmumukha nila kaya lang biglang hinigpitan ni ina ang pagkakahawak sa braso ko para pigilan ako. "Anak, huwag mo na lang sila pansinin, sa oras na patulan mo sila, iisipin ng iba na totoo ang binibintang nila sa iyong ama" bulong sa'kin ni ina. Napatingin naman ako kay Maria at Josefina sa likod at sinenyasan nila ako na sundin na lang si ina.

Napatingin naman ako kay ama "Hayaan mo na sila anak, ayos lang ako" sabi ni ama at ngumiti siya dahilan para mawala yung inis ko sa mga chismosa sa gilid.

Nako! Kung nasa modern world lang ako, siguradong susunggaban ko na sila agad at sasabunutan hanggang matanggal yung mga buhok nila sa anit. Pero dahil Maria Clara ako sa panahong to, I need to control myself whew!


Pagkatapos ng misa, nagpaalam ako kay ama at ina na mamamasyal lang kami ni Theresita sa plaza sa tabi ng simbahan dahil sasali kami sa pagsisindi ng kandila mamayang gabi, samantalang, sinamahan naman ni Josefina si Maria sa tagpuan nila ni Eduardo. Dumiretso naman sina ama at ina sa bahay ng mga Flores upang ipaabot din ang pakikiramay sa anibersaryo ng pagkamatay ng asawa ni Kapitan Flores noong nakaraang linggo.

Syempre may hidden agenda din ako kung bakit nagpaiwan kami ni Theresita sa plaza sa tabi ng simabahan, inaabangan kong lumabas si Angelito sa simabahan para ipakilala at makapag-usap sila ni Theresita. "Binibini, ano po bang ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ni Theresita, nagtataka din siguro siya kung bakit inayusan at pinahiram ko siya ng magandang damit ngayon.

"Basta... chill ka lang---ah este huminahon ka lang" sabi ko sabay ngiti, bakas naman sa mukha ni Theresita na parang na-creepyhan siya sa ngiti ko na nakaka-echeos.

"May hinihintay po ba tayo dito----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla kong nasigaw yung pangalan ni Angelito na ngayon ay kakalabas pa lang ng simabahan. Agad namang napatingin si Angelito sa'min at naistatwa siya nang makita na nasa tabi ko si Theresita.

"Dyan ka lang ha!" bilin ko kay Theresita tapos agad akong  kumaripas ng takbo papunta kina Angelito, nasa unahan niya sina Don Mariano at Donya Juanita. At nasa likod niya si Sergio at ...Juanito.

Ako naman yung naistatwa nang magkatinginan kami ni Juanito. Omg! kailangan mong maging kaibig-ibig sa harapan ni Juanito----Ah! este sa harapan nila! Ngayon ko lang narealize na mukha akong sumali sa triathlon Waahh!

"Oh? Binibining Carmelita, Saan ka tutungo? Bakit nagmamadali ka?" mahinhin na tanong ni Donya Juanita. Haggard na pala ako Oh Noes!

"Uhm...maaari ko po bang mahiram sandali si Angelito?"paalam ko sa kanila, nagkatinginan naman si Don Mariano at Donya Juanita pero pumayag din sila. "Yeyy! Thank---Ah! este Salamat po!" excited kong tugon. Gosh! naeexcite na ko! mamemeet na ni Angelito si Theresita! 

Nakita ko namang napakunot yung kilay ni Juanito. magsasalita sana siya kaya lang tumalikod na ako at sinenyasan ko si Angelito na sumunod na sa akin.


"Binibini, hindi pa ako handa" kinakabahang tugon ni Angelito habang naglalakad kami, pagdating namin sa plaza. Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Theresita nang makita niyang si Angelito yung kasama ko. at naistatwa din si Angelito dahil only meters away na lang sila ni Theresita.

"Sige na, kausapin mo na siya, dito lang ako sa likod ng puno" bulong ko pa kay Angelito, pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil sa sobrang kaba at dahil dun tinulak ko na siya papalapit kay Theresita.

Napa-bow naman si Theresita kay Angelito at halatang kinakabahan din siya. nakasilip naman ako sa likod ng puno at hindi ko mapigilang kiligin sa kanila, ang cute nilang tingnan at ang ganda-ganda ngayon ni Theresita. Kaso habang nasa kalagitnaan ako ng kilig sa kanila bigla akong nagulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ahh... ito pala ang sikreto niyo ni Angelito" nakangiting sabi ni Juanito at paglingon ko sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. kaya agad akong napaatras, kaya lang nacorner na ko sa puno. Dugdugdugdug!

"Bakit andito ka? Chismoso ka din noh" reklamo ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako. "Sino kaya sa atin ang nagtatago ngayon sa puno at nakikinig sa usapan nila?" pang-eecheos pa ni Juanito. Abaaaa!

Magrereklamo sana ako kaso tinuro niya sina Don Mariano at Donya Juanita na naghihintay sa labas ng simbahan ngayon, mukhang hinihintay nila si Angelito. Omg! bina-black mail ba ko ng mokong na'to?

"Ahh—ehh wag ka maingay ah! Siguradong mapapagalitan ang kapatid mo pag nahuli siya nina Don Mariano at Donya Juanita hehe" pakiusap ko kay Juanito, pero nginitian niya lang ako. "At sigurado rin akong mapapagalitan ka rin dahil ikaw ang may pakana ng lahat ng to" pang-asar pa ni Juanito. tsk! Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Masama bang tulungan kong mapalapit sila sa isa't-isa? Dapat ka ngang magpasalamat sa'kin eh dahil tinutulungan ko din kayo ni Helena" reklamo ko pa sa kaniya, bigla namang nawala yung ngiti sa mga labi niya at napaatras na din siya.

"Oo nga pala binibini, nabasa mo na ba ang tulang ginawa ko?" tanong niya, napalunok naman ako dahil sa kaba. OMAYGASH! ANONG SASABIHIN KO? WAAAHH!

"Huwag mo sabihing hindi mo pa nababasa iyon, lumipas na ang ilang araw at naghihintay pa din ako sa iyong sagot" sabi pa niya habang nakatingin ng diretso as mga mata ko.

Dugdugdug!

Parang biglang bumagal ang pag-ikot ng paligid, napansin ko din ang dahan-dahang pagkahulog ng mga dahon mula sa mga puno. Kasabay nito ang pagkahulog din ng puso ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.


Pinaghirapan niya ang tulang iyon, at ayokong sumama ang loob niya at malungkot siya kapag nalaman niya na nawala ko yung tula niya, mamayang gabi pa man din ang pagsindi ng kandila, ayokong masira ang araw niya dahil lang sa'kin. Siguro tsaka ko na lang sasabihin sa kaniya ang totoo na nawala ko yung tula niya, sa ngayon gusto kong maluwag ang puso niya na humiling at magpasalamat sa patron ng San Alfonso mamayang gabi.

"Binibini?"

"Huh? Ah—eh Oo naman! Nabasa ko na! a-ang ganda nga eh, tugmang-tugma yung mga salita sa bawat saknong at sobrang ganda rin ng mensahe" palusot ko pa, napangiti naman ng konti si Juanito.

"k-kung ganoon, a-anong masasabi mo sa mensahe ng aking tula?" tanong niya, Grabe! Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang may nagliliparan na mga paro-paro sa tiyan ko. kyaaahh!

Omg! Anong gagawin ko? hindi ko naman alam kung ano ba ang meaning nung tulang binigay niya kasi di ko naman nabasa. Gosh!

"M-maganda!" sagot ko sabay thumbs up. hindi naman nag-react si Juanito. Gosh! baka kulang pa ang compliment ko. "Sobrang ganda talaga! naluha pa nga ako dahil sa ganda ng tula mo pwedeng mong ibenta yun tapos kikita ka pa" patuloy ko pa. nagtaka naman yung itsura ni Juanito, Omg! mayaman na nga pala siya di na niya siguro kailangan pa ng pera.

"K-kung gayon... ano ang iyong sagot sa aking tula?" tanong niya pa, napaisip naman ako. TEKA! KAILANGAN KO DING GUMAWA NG TULA PARA SA KANIYA?

Aba! ang demanding naman nito oh!

"Uhh---Oo nga pala! Hinihintay na ata ako nila ate Maria at Josefina sa bilihan ng mga kandila, Sige! Mauna na kami sa inyo, Maraming salamat nga pala sa tulang binigay mo, magkita na lang tayo sa pasasalamat mamayang gabi" dire-diretso kong sabi kay Juanito, magsasalita pa sana siya kaya lang agad akong kumaripas ng takbo papunta kina Theresita at hinila siya. "Ginoong Angelito kailangan na pala naming umalis, paalam!" sabi ko kay Angelito, bakas naman sa mukha nila ang pagtataka dahil nagmamadali na akong umalis.

Agad kaming sumakay ni Theresita sa kalesa at nakita kong nakatanaw lang si Juanito sa amin at bigla siyang napayuko. Gosh! Akala niya siguro hindi ko nagustuhan yung tula niya. haaays. Kahit naman hindi ko yun nabasa for sure magugustuhan ko yun dahil gawa niya yun eh.




"Binibini, may problema po ba kayo? Bakit ka po nagmamadali?" nagtatakang tanong ni Theresita, mukhang nabitin siya sa pag-uusap nila ni Angelito kanina dahil umeksena ako, nasa kalesa na kami ngayon papunta sa bilihan ng kandila.

"Theresita! Wag kang maingay ah! Nawala ko kasi yung binigay na sulat ni Juanito na kulay asul, at ngayon hindi ko masabi sa kaniya ang totoo" sabi ko, nanlaki naman yung mga mata ni Theresita.

"Paano na po yan Binibini? Ano pong gagawin niyo?" nag-aalala niyang tanong. Napailing-iling naman ako.

"Ewan ko, basta hindi ko muna sasabihin ngayon, siguro bukas na lang pupunta ako sa bahay nila" sagot ko. tama! May bukas pa naman.




Pagdating namin sa tindahan ng mga kandila, nakita ko dun sina Maria at Josefina, at sabay-sabay na rin kami bumalik sa simbahan dahil mag-uumpisa na maya-maya ang pagsindi ng mga kandila.

Gabi na pero maliwanag ang buong paligid, maraming mga malalaking gasera at kandila sa bawat gilid sa labas ng simabahan at marami ring tao ang nais lumahok sa pagsisindi ng kandila bilang pasasalamat sa patron.

"Bakit ang tagal nila ama at ina?" nagtatakang tanong ni Josefina, nakatayo na kami dito sa labas at may hawak na mga kandila. "Baka naglakad na lang sila dahil hindi makapasok ang mga kalesa sa dami ng tao dito" sagot naman ni Maria. sabagay uso rin naman ang traffic sa mga ganitong okasyon.

"Nasaan nga pala si Theresita?" tanong naman ni Maria, hindi ko narealize na ako pala yung kausap niya kasi busy ako sa paglingon-lingon sa paligid at nagbabakasakali na makita ko si Juanito. kaya lang wala pa siya.

"Huh? Ah! Nagpaiwan si Theresita sa tindahan ng mga kandila kanina, may bibilhin daw siya para sa kaniyang ama at kuya" sagot ko, napangiti naman si Maria, nung marinig niya ang salitang kuya ni Theresita. Tsk! Inlove talaga siya kay Eduardo.


"Mukhang hindi ko na ata kailangan pang humiling ngayong gabi dahil natupad na rin ang aking hiling na makita ka" narinig kong may nagsalita na boses lalaki mula sa likuran ko. paglingon ko, biglang nawala yung ngiti ko nang marealize ko na hindi pala si Juanito yung nasa likod ko.

Si Leandro.

Nakangiti siya ngayon sa'kin at nag-bow. Shocks! Oo nga pala, sinabi niya sa sulat kagabi na magkita daw kami dito, Omg! Baka akalain niya na siya ang hinihintay ko. Nako! tataas lalo ang level ng confidence nito na may gusto ako sa kaniya.

"Magandang gabi Ginoong Leandro" bati nila Maria at Josefina kay Leandro, binati din naman sila ni Leandro, bakas sa mukha nila Maria at Josefina na kinikilig sila sa'min. "Lalayo lang muna kami saglit ah" narinig kong sabi pa ni Maria tapos naglakad sila ni Josefina ng konti papalayo sa'min, pipigilan ko sana sila kaya lang nakaalis sila agad. Oh noes!

"T-teka! Alam mo namang hindi tayo pwedeng makita ng ibang tao na magkasama diba? Nakatakda akong ikasal kay----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"Alam ko, at alam kong alam mo din na mahal na mahal kita Carmelita" diretsong sabi ni Leandro, naistatwa naman ako dahil sa sinabi niya. My gosh! Straight to the point siya!

"P-pero----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita na si madam Olivia sa harap ng simabahan at sinabi niyang mag-uumpisa na ang pagsisindi ng kandila. Lumapit na ulit sina Maria at Josefina sa'kin, at nasa kabilang tabi ko naman si Leandro.

Nagpalingon-lingon ulit ako sa paligid pero hindi ko makita si Juanito, sa di kalayuan naman nakita ko si Don Mariano, Donya Soledad, Sergio at Angelito. Nasa harap naman si madam Olivia at nasa tabi niya si Natasha.

Nag-alay muna ng panalangin habang nakasindi ang kandila. Bigla kong naalala yung sinabi ni Helena na sinabi sa kaniya ni Carmelita noon na ibulong daw sa kandila ang nais mong hilingin at sa oras na patayin mo ang sindi nito ang usok na nagmula sa kandila ay aakyat papuntang kalangitan.

Sinindihan naman ni Maria ang kandila ko, at nag-alay din kami ng konting katahimikan upang magdasal, magpasalamat at humiling sa Panginoon.

"Maaari na po nating patayin ang mga kandila" sabi ni madam Olivia, at sabay-sabay naming hinipan ang kandila na hawak namin. Napatingin muna ako sa kandila na hawak ko at ibinulong dito ang kahilingan ko.

Sana magtagumpay ako sa misyon ko

Pero nung hihipan ko na yung kandila nagulat ako ng biglang hinawakan ni Theresita yung braso ko dahilan para mabitawan ko yung kandila at bumagsak ito sa lupa. namatay yung sindi ng kandila at nahati ito sa dalawa nang tumama ito sa lupa.

"Nako! Mukhang hindi matutupad ang kahilingan mo" narinig kong sabi ni Natasha na nasa tabi na namin ngayon. Napatingin naman ako kina Maria, Josefina at Leandro at mukhang gulat na gulat din sila. Ganun din yung mga tao sa paligid, napa-iling-iling pa sila habang nakatingin sa kandila ko na nasa lupa.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon bigla akong natakot at kinabahan dahil sa mga itsura at pailing-iling nila. 

"B-Binibining Carmelita! Sumama po kayo sa'kin!" nagmamadali at hinihingal na sabi ni Theresita, pawis na pawis siya at mukhang malayo ang tinakbo niya. "Bakit? Anong nangyare?" nag-aalala kong tanong, ang lakas na ngayon ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Anong nangyari Theresita? Bakit hapong-hapo ka?" nag-aalalang tanong ni Maria at Josefina, mukhang kinakabahan na rin sila ngayon.

"N-nahuli po ni Don Alejandro at Donya Soledad na magkasama sa tulay si Ginoong Juanito at Binibining Helena!" nagpapanic na sabi ni Theresita at hingal na hingal siya.


ANOOOOOOO?


Nanlaki yung mga mata ko, at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, namalayan ko na lang na hinatak ako ni Maria at Josefina pasakay ng kalesa, nagmamadali namang sumunod din sina Natasha at Leandro sakay ng kalesa nila, tumatak din sa isipan ko ang gulat na gulat na mukha ng mga tao sa paligid namin na nakarinig ng masamang balitang dala ni Theresita.



"Kakatapos ko lang po mamili ng mga damit para kay itay at kuya Eduardo nang mapadaan ako sa tulay, nakita ko pong nag-uusap sa ilalim ng tulay si Ginoong Juanito at Binibining Helena, sasabihan ko po sana sila na baka makita sila ng ibang tao kaya lang huli na ang lahat dahil napadaan po ang kalesang sinasakyan nina Don Alejandro, Donya Soledad at Kapitan Flores at nakita sila, kaya po agad akong tumakbo papunta sa inyo mga Binibini" hinihingal na paliwanag ni Theresita. Hindi naman ako makapagsalita, parang ang bigat ng puso ko. 

"Mukhang delikado si Ginoong Juanito at Helena" nag-aalalang sabi ni Maria, habang pinapakalma nila ni Josefina si Theresita. Samantalang, mukhang hindi ko na kailangan pa ng pampakalma dahil imposibleng kumalma ang puso ko ngayon dahil sa mga nalaman ko.


Pagdating namin sa tulay, parang nabuhusan naman ng malamig na tubig ang buong katawan ko nang makita kong nakaluhod si Juanito at Helena sa harapan ni ama at ina. 

Agad namang kumaripas ng takbo si Natasha at Leandro papunta kay Helena. pero pinigilan sila ni Kapitan Flores na lapitan si Helena, masama rin siguro ang loob niya nang malaman niya na nakitang kasama ni Juanito ang kaniyang anak na si Helena.

May ilang tao rin ang nakatayo sa di kalayuan at nag-aabang sa mga susunod na mangyayari. Nagulat ako ng biglang mapalingon sa amin si ama at ina.

"CARMELITA!" sigaw ni ama/Don Alejandro, napalunok na lang ako at balak ko na lang sana bumalik sa loob ng kalesa kaya lang hinarang ako ni Josefina. "Carmelita, sundin mo si ama, mas lalong magagalit siya sa iyo" sabi niya at dahil dun napilitan na akong maglakad papalapit sa kanila.

hindi ko alam pero sa bawat hakbang na tinatahak ko papalapit sa kanila ay may kung anong kirot akong nararamdaman sa puso ko. Nakayuko naman si Juanito habang nakaluhod samantalang, umiiyak naman si Helena at nakaluhod din.

"Totoo bang ikaw ang nag-udyok na paglapitin si Juanito at Helena!" galit na tanong sa'kin ni ama, at dahil sa gulat hindi ako makapagsalita, kinakabahan ako, natatakot ako na sa bawat salitang lalabas sa bibig ko ay magiging dahilan upang mas lalong lumalala ang sitwasyon.

"Helena! sabihin mo ulit sa harap ni Don Alejandro ang katotohanan na si Carmelita ang nagiging tulay niyo ni Juanito!" galit na sigaw ni Kapitan Flores kay Helena. mas lalong lumakas yung iyak ni Helena.

"O-opo, s-si Carmelita po a-ang tulay namin ni Juanito!" sagot ni Helena, parang biglang sumikip ang dibdib ko, bakit ganun? Bakit kailangang ilaglag ako ni Helena? tinulungan ko siya mapalapit kay Juanito, kasalanan ko ba yun?

"CARMELITA!" sigaw ni Don Alejandro at dahil dun napaluhod ako sa harapan ni ama at ina, hindi ko mapigilan ang mga luha ko, nanginginig din ang kamay ko, parang nanlalamig ako. hindi sa ganitong paraan gusto kong matigil ang kasal, agad namang humakbang papalapit sa'kin si Maria.

"Ama! Wala pong kasalanan dito si Carmelita, nagmamagandang loob lang po siya bilang tapat na kaibigan ni Helena!" reklamo ni Maria tapos tiningnan niya ng masama si Helena.

"Ama, nakasisiguro po ba kayo na may namamagitan kay Juanito at Helena? may ebidensya po ba tayo?" reklamo naman ni Josefina.

"Sa tingin mo, kapag nakita ang isang dalaga at binatang magkasama sa isang tagong lugar sa gitna ng gabi, ano ang maaaring ibang dahilan bukod sa may relasyon sila?!" sigaw ni Don Alejandro. Bigla kong naalala nung nahuli din kami nila Don Alejandro at Don Mariano na magkasama ni Juanito sa burol sa puno ng mangga. 

Maya-maya lang biglang may dumating na kalesa at agad na bumaba sina Don Mariano, Donya Juanita, Sergio at Angelito.

"A-ANONG IBIG SABIHIN NITO?!" sigaw naman ni Don Mariano, agad namang nilapitan ni Donya Juanita si Juanito para patayuin ito pero ayaw tumayo ni Juanito.

"SINIRA NG ANAK MO ANG TIWALA KO! SINIRA NIYA ANG KASUNDUAN NG ATING MGA PAMILYA!" galit na sagot ni Don Alejandro kay Don Mariano.

"H-hindi maaari! J-Juanito p-paano mo nagawa sa'min i-ito?" paghihinagpis ni Donya Juanita at agad siyang inalalayan ni Sergio at Angelito.

"H-hindi si Juanito ang may kasalanan ng lahat ng to... kundi si Carmelita!" sigaw naman ni Helena, napatingin ako kay Helena at ang sama ng tingin niya sa'kin ngayon. 

"Ako ang may kasalanan nito! Walang kasalanan si Carmelita dito!" narinig kong sigaw naman ni Juanito at napayuko siya hanggang lupa sa harapan ni ama upang magmakaawa.

"M-makinig kayo, walang ebidensya na magpapatunay na may ginawang masama si Juanito, Helena at Carmelita kung kaya't huminahon tayo" sabi naman ni Sergio. Kaya lang biglang may nalaglag sa gilid ng bulsa sa palda ni Helena...

Nagulat ako nang makita na nasa kaniya ang color blue na sobre na binigay sa akin noon ni Juanito.

Agad na dinampot ng isang guradia personal ni Kapitan Flores ang sulat na nahulog sa bulsa ni Helena. "BASAHIN MO ANG LAMAN NG SULAT NA IYAN!" utos ni Don Alejandro doon sa Guardia personal na may hawak ng color blue na sulat na bigay sa'kin ni Juanito.

Gosh! Kaya pala nawawala yun! kinuha pala ni Helena!

Pero pano niya nakuha?

Bigla ko tuloy naalala nung gabing inabot sa'kin ni Juanito yung sulat na iyon, naaabutan kami ni Helena sa labas, at bigla siyang hinimatay, yun ay ang gabi kong kelan naglayas siya at nagtungo ng Maynila kasama si Laura. Kaya pala bigla siyang nagwala at nagkalat sa kwarto namin ay dahil nabasa niya siguro ang laman ng sulat na iyon.

"Masusunod po Don Alejandro" sabi nung guardia personal at binasa na niya ang laman nung sulat.

"ako'y sayo at ika'y akin
Iyan ang nakasulat sa mga bituin,
Balutin man ng mga ulap ang langit
Wala pa ring makapipigil sa atin.

Sa paglubog at pagsikat ng araw
Pinapangarap ko ay ikaw
Sa gitna ng gutom at pagkauhaw
Inaasam ko ay ikaw

Pangakong sayo'y binitiwan
Na kailanma'y hindi ka iiwan,
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat"


Teka! Parang narinig ko na ang tulang iyon ah! Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Juanito nung nasa library kami sa UST...

"Gusto mo bang malaman kung anong paborito kong tula?" sabi pa ni Juanito, tumango na lang ako sa kaniya. "ang tulang ito ay alay ng isang lalaking manunulat sa isang babaeng nagugustuhan niya" sabi pa niya.


i-ibig sabihin? Siya ang nagsulat ng tulang iyon?

Isinulat niya iyon para sa akin? So ibig sabihin... MAY GUSTO SIYA SA'KIN?

Napatingin naman ako kay Juanito at nagtama ang mga mata namin. Mukhang alam na niya na hindi ko nabasa yung tula niya, bakas sa mukha niya ang pagka-dismaya sa'kin dahil nagsinunggaling ako sa kaniya.

Kaya pala gusto niyang malaman kung anong sagot ko sa mensahe ng tulang bigay niya... gusto niyang malaman kung may gusto rin ako sa kaniya!

Waaaahhh! Carmela! Ano bang ginawa mo? Huhu.

"SAPAT NA BANG EBIDENSYA IYAN PARA MAPATUNAYAN ANG GINAWA MONG PAGTATAKSIL SA AKING ANAK!" sigaw ni Don Alejandro kay Juanito.

"HINDI NAGTATAKSIL ANG AKING ANAK! AYUSIN MO ANG PANANALITA MO!" galit na depensa naman ni Don Mariano. Magsusuntukan sana sila pero agad na pinigil sila ni Sergio at ng iba pang guardia personal.

"K-kung hindi dahil kay Carmelita! Hindi mangyayari ang lahat ng to! siya po ang nag-udyok sa amin na paglapitin kami ni Juanito!" sigaw ni Helena. napatingin naman silang lahat sa'kin ng masama.

"H-helena! huwag mong isisi kay Carmelita ang kasalanan niyo ni Juanito!" galit na sigaw naman ni Leandro kay Helena. samantalang, nakapikit lang sa galit si Kapitan Flores.

"Bakit hindi ka magsalita Carmelita?! hahayaan mo na lang bang maparusahan si Helena at Juanito dahil sayo!" galit na sigaw ni Natasha sa'kin.

parang biglang kumirot ang puso ko, Tama si Natasha, kapag hindi ako nagsalita, kay Juanito ibibintang ang lahat.

at ayokong mapahamak siya nang dahil sa kagagawan ko.

"Hindi ko maintindihan... bakit naman tutulungan ng aking anak na magkatuluyan si Juanito at Helena?!" naiinis na tugon ni ina.

"May sarili din siyang dahilan kung bakit ayaw niyang matuloy ang kasal nila ni Juanito!" galit na sagot ni Natasha at nanlilisik yung mga mata niya habang nakatitig sa'kin.

"Natasha itigil mo na yan!" suway naman ni Leandro kay Natasha. pero hindi naawat si Natasha.

"Sabihin mo na Carmelita! wag kang duwag!" sigaw pa sa'kin ni Natasha.

"Carmelita! gusto kong marinig mula mismo sa iyong bibig, Bakit ayaw mo matuloy ang kasal?" tanong ni ama, magkahalong galit at lungkot ang boses ni ama.

hindi ko naman mapigilan ang kamay ko na nanginginig, sa buong buhay ko first time ko matakot ng ganito.

nagulat ako ng biglang lumuhod din si Maria at Josefina at sabay nilang hinawakan ang kamay ko. "Sabihin mo na Carmelita, dapat maging responsable ka sa iyong ginawa" mahinahong sabi ni Maria sa'kin dahilan para tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

napahinga ako ng malalim at tumingin kay Don Alejandro. "A-ama p-patawad... t-totoo pong tinulungan ko talaga si Juanito at Helena na mapalapit sa isa't-isa, totoo rin po na a-ayokong matuloy ang k-kasal namin ni Juanito... d-dahil... si Leandro po talaga ang m-mahal ko" paliwanag ko kasabay ng pagsagot ko sa walang hanggang katanungan nila ay kasabay din ng walang katapusang pagpatak ng mga luha ko.


~May ibang lungkot
Akong nakikita sa iyong mata
Di mo man sinasabi
May ibang galaw
Na di maipaliwanag ng isip ko
Kahit ano pang isipin~


~Sawa ka na yata
May iba na bang nakita
Isa lang naman ang aking hiling~


~Payaw mo na
Sabihin mo lang
Di ko matitiis na
Ikaw pang mahirapan
Kase, pag ayaw mo na
Ako nang lilisan
Di rin magtatagal
Pag ayaw mo na nga~ 


Napatingin ako kay Juanito, at sa mga oras na to, alam kong hindi na niya magagawa pang ngumiti o tumingin man lang sa'kin.


Dear Diary,

Hinihiling ko na balang-araw malaman ni Juanito na siya talaga ang totoong sinisigaw ng puso ko.


Nakikiusap,
Carmela


********************
Featured Song:

'Pag Ayaw Mo Na' by Yeng Constantino.


"Pag Ayaw mo na" by Yeng Constantino

Continuar a ler

Também vai Gostar

20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
12K 295 10
Tagalog/English/Bisaya
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
25K 185 7
ILYS1892Tambayan2 Tinipon tipon ko ang mga pinaka magaganda at tumatak sa ating puso na mga linya(sinabi) ni Ginoong Juanito at Binibining Carmela. H...