ZBS#10: Peach Firefly's Haunt...

By iamyourlovelywriter

2M 49.6K 3.4K

Catchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magag... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
EPILOGUE

Chapter Thirty-Two

37.8K 1.2K 82
By iamyourlovelywriter

Chapter Thirty-Two

"TUTULUNGAN kitang makatakas mula dito, total wala din si Clive kaya hindi magtataka ang mga tao kung bakit wala ka rin sa party. Sasabihin kong wala ka dito sa suite mo at maaring isipin nila na magkasama kayong dalawa somewhere else." Pigil sa kanya ni Monique pagkatapos niyang isara ang pintuan ng kanyang suite. Napatingin siya dito sa katunayan ay naisip na rin niyang gawin ang sinasabi nito.

"I can't do that."

"Tama ng may isang martyr sa grupo natin, save yourself from further embarrassment Hexel. Kayong dalawa ni Clive ang involve dito and it takes two to tango. Kung wala siya dapat wala ka rin, huwag kang maging superhero sa kasalang ito dahil alam natin na talo ka. Take it from me Hex, please listen to me."

Marahang hinawakan niya ang braso ni Monique at ngumiti dito.

"I can do that." Sabi niya. "But I won't do it."

"Why?"

"Dahil hindi na ako bata Monique, hindi dahil mapapahiya ako ay kailangan ko ng tumakbo at magtago. Ginusto ko ito kaya dapat ko itong harapin. Dumating man siya o hindi nasa kanya na iyon ang mahalaga nandito ako, kasama ko kayo, humarap ako sa mga tao na nakataas ang noo."

Hindi ito umimik sa kanyang sinabi. Kung ayaw ni Clive magpakita sa mga tao puwes hindi niya ito pipilitin. Pupunta siya doon, sa ibang paraan nalang siya gaganti. Hindi man niya ito masaktan physically at emotionally hindi rin ibig sabihin ay wala siyang gagawin. This is the Libiran's turf, nandito at bisita nila ang mga business associate ng mga ito. At dahil magiging asawa siya ni Clive pwede niyang dahan-dahang sulutin ang mga ito mula sa lalaki.

Wedding or no wedding, friends or not, a commander should never leave his or her turf unattended. Mahirap na baka masulot pa ng iba. Hindi na siya matatakot sag alit nito kapag nalaman nito ang kanyang gagawin, galit na ito sa kanya kaya susulitin nalang niya ang galit nito.

"Iba ka talaga Hex kung ako ang nasa lugar mo baka kanina pa ako nagtago. Hindi pa talaga ako mature."

"Hindi pa rin ako mature Monique and I no one can ever say she or he is already matured enough dahil sa tingin ko wala naman talagang ganoon. Each one of us has its own maturity and immaturity, nakatago lang. This is not maturity... this is desperation."

Alam niyang naiintindihan siya ng kanyang kaibigan, mabuti nalang at nandito ito sa kanyang tabi. Maaring may mga baya na hindi niya magawang sabihin dito, hindi rin niya alam kung paano nito tatanggapin. Ang importante ay may nakakausap siya at kung anuman ang mangyari ay matatakbuhan siya.

"Hexel always remember kaibigan mo ako at kung anumang mangyari sa iyo nandito lang ako. You can always count on me. Kung iniisip mo na baka magalit ako o kaya ay magtampo alam mong hindi ko magagawa iyon dahil sa atin dalawa alam mo rin kung ano ang nagawa ko. You are my family Hexel, hindi man sa dugo pero ikaw lang ang kinikilalakong pamilya sana ay ganoon ka rin sa akin." Anito.

"Thank you Monique. Thank you very much." She hugged her friend tightly, thanking her for everything she's doing to her.

Sabay silang bumaba at nakaalalay lang ito sa kanya, laking pasalamat niya dahil nandito ito sa kanyang tabi. Binati siya ng kanilang mga kaibigan, she already masked her unwanted emotions and buried it six feet under.

"Ang ganda mo talaga Hexel hindi nakakasawa ang ganda mo." Puri ni Zy sa kanya. "Iba talaga ang ganda kapag ikakasal na ano? Masyadong blooming." Biro pa nito. Ngumiti lang siya dito.

"Magaganda kasi ang lahat ng nakikita ko kaya blooming ako."

"My daughter." Isang masayang mukha ng mommy ni Clive ang sumalubong sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Medyo nagulat pa nga siya sa ginawa nito dahil hindi niya iyon inaasahan. "You are so beautiful hija and my son is very lucky to have you." Inayos nito ang ilang hibla ng buhok na nakawala sa likod ng kanyang teynga.

"Thank you po tita-."

"Call me mommy, magiging anak na kita kaya mommy dapat. And you don't have to thank me or us for anything dahil kami ay may malaking utang na loob sa iyo."

"Po?"

"You saved our son and our family from a leech darling, you are our savior. My son should treat you right at kapag sinaktan ka niya sabihin mo sa akin dahil makakatikim siya ng walis tambo mula sa akin."

She really wanted to tell his mother about him but she knew it wouldn't helped. Ayaw niyang magkalamat ang relasyon ng mag-ina ng dahil sa kanya. She needs to protect his family against anything. Dahil baka anim na buwan mula ngayon aalis na siya sa pamilya nito at baka hindi na muling makita pa. She wants to have her family. And this will be her stepping stone in achieving that one.

"There's no need to thank me tita-err-mommy." There's an awkward smile on her face. It was the first time she ever called someone 'mommy' in person. "I am doing this because I love your son." Nangislap ang mga mata nito sa sinabi niya.

"I know hija, from the moment I saw you looking at my son I know you have this special feelings towards him. At hindi ako nagsisisi at kailanman hindi ako magsisisi kung ipipiliti kong ikasal ka sa anak ko. Because you will be good for him. You will be the best treasure he can ever have."

Pinilit niya ang sariling ngumiti sa ginang dahil hindi niya alam kung paano itatama ang sinabi nito. Dahil alam niyang hindi siya ang babaeng tinutukoy nito, siya ang bangungot sa buhay ni Clive at pilit iyong pinapaalala nito sa kanya.

"Where was he by the way? Kanina pa siya late." Bumaling ito sa asawa nito. "Hanapin muna natin si Clive, Claude. Iyang anak mo hindi kailanman naging on time sa usapan, palaging late." Reklamo nito.

Talagang hindi ito darating.

"Baka po nabusy lang, tinawagan ko po siya kanina. Sabi niya ay may biglang client na dumating, it's a big client." Pagdadahilan niya,

"He should have cancelled that meeting." Binalingan nito ang asawa at tinampal ito sa dibdib. "Dapat hindi nagmana sa iyo ang anak natin Claude, naku, kahit engagement party niya ay meeting pa rin."

"Akala ko rin sa hindi siya magmamana sa akin. Kaya lang love mana sa akin ang anak mo, in denial at matigas ang ulo."

"Pagdating na pagdating niya ay pagalitan mo iyang panganay mo." Nagpaalam ang mga ito na aasikasuhin ang mga bisita. Habang siya ay hinahanap ang kanyang mga kaibigan na nagkukumpulan sa isang iisang mesa. Hindi dumating si Ross dahil sabi nito sa kanya ayaw nitong makiparty sa isang lamay. Lamay ang turing nito sa pagpapakasal niya. Ross is indeed an exact opposite of his sister.

"The bride is coming!" tawag ni Karylle sa kanya. Kahit papaano ay lumuwag ang loob niya ng makita ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ng mga ito na nagpapadala sila ng mga pagkain sa opisina ng kanyang lola kapag wala siya. Mukhang naging silent agreement ng mga kaibigan na huwag iyong ipagkalat sa kanya.

"Sinulot ka sa amin ng future mother-in-law mo kanina kaya hindi ka namin nakausap at nabati kaagad." Pinalibutan siya ng mga ito at ngumisi. "We know you have some apprehensions about this wedding, alam din namin na may kasalanan kami sa iyo. Kahit sino sa amin ay hindi karapat-dapat na patawarin mo sa maling ginawa namin. Sa pagkunsinti namin kay Ainsley. Kahit anuman ang mangyari Hexel nandito lang kami para sa iyo. whether this marriage will work or not we will always here for you." Muntik na siyang maiyak sa sinabi ni Zyrene. "Huwag mong isipin na hindi kami nagtitiwala sa iyo dahil sa lahat-lahat ng pwede naming pagkatiwalaan ikaw ang pinakauna sa listahan."

Tumikhim si Chloe. "Sabi nila we need to trust ourselves first but it's a big lie dahil kahit sarili namin ang trumatraydor sa amin minsan. But you Hex, you gave up everything. You gave up a year of your schooling just for us. You picked up the wrong random broken girls in a right time. You picked up us, you help us mend, you helped each one of us trust again and believe in ourselves."

"You kept our secrets." Singit ni Monique. "I know there are some things that you haven't told us but the hell we care. Naniniwala kaming sa tamang panahon ay sasabihin mo rin sa amin iyon."

Hinawakan siya ni Karylle. "Thank you for paying our school fees, kahit na nakakahiya ang initiation ko." Natawa sila sa sinabi ni Karylle habang siya ay nagpupunas ng luha sa mga mata niya.

"You believe that I can do better, you pushed us to our limits." Dugtong ni Diana.

"You never failed to take good care of us like a mother. You are our everything Hexel, you are our sister, our mother, our teacher, our leader, and our founder. Zalpha Bri won't be the same without you. Scratch that, we won't be Zalpha Bri without you." Tuluyan na siyang naiyak sa sinabi ni Crischelle sa kanya.

"It would never be the same. Thank you very much Hexel for saving me." Ngumiti sa kanya si Georgette. "For saving us and for treating our wounds, and for making the ugliest scars looks so beautiful."

"I can't think of anything else Hex, nasabi nila lahat. I will be your real sister soon, we are going to be sister-in-law. I love my brother there's no question about that but I love you more. You are the sister we and I never have. We are sisters from different mothers right?"

She bit her lips when she finally let her emotions get into her.

"Sasabihin ko ito isang beses, kapag may nangyaring masama sa iyo. kapag may nanakit sa iyo kahit kadugo pa siya ng kaibigan ko babalikan ko siya." Bumaling ito kay Ainsley. "Sorry Ainsley, Si Hexel ang masasabi kong pinakamalapit na pwede kong ituring na pamilya kaya hindi ko mapapatawad si Clive kapag sinaktan niya si Hexel. Wala akong pakialam kung masira ang pagkakaibigan natin." Seryosong ani nito. Hindi naman minasama ni Ainsley ang sinabi nito.

"I brought Hexel into this kaya alam ko ang ibig mong sabihin."

Isa-isang kumilos ang ito at may kinuha sa kinauupuan nila. Malakas siyang napasinghap ng mapagtanto kung ano ang hawak ng mga ito.

"These were European roses dipped into different colors, we hope you like this. The colors surpasses the colors of the rainbow because our friendship was never meant to be ordinary in the first place. Zalpha Bri or none, friendship forever." Isa-isa niyang tinanggap ang mga rosas na halo-halo ang kulay.

"Thank you girls." Iyon lang ang nasabi niya dahil hindi rin niya alam kung ano ang pwede niyang sabihin sa mga ito. She's so blessed to have them, alam nilang hindi perpekto ang pagkakaibigan nila pero hindi ba iyon nga ang nagpapatibay sa kanilang samahan? Walang pagkakaibigan na hindi dumadaan sa away dahil hindi naman iyon tunay na pagkakaibigan. Nagkakatampuhan sila pero nagbabati din, may hindi pagkakaunawan pero natuto silang magkaintindihan. They love each other in their own way, they are unique in their way and they will be forever friends... kahit na magkahiwa-hiwalay na sila.

"Masyado na akong natuwa dito." Biglang sabi ni Ainsley. "We need to start the party masyado ng late. Si kuya kasi kahit kailan hindi nagiging on time pasensya na Hex palagi siyang late."

"He's busy."

"And today is his engagement party, let's go to the stage."

Bitbit ang mga bulaklak ay sumama siya kay Ainsley papuntang stage. This is one of the reason why she can't leave, this is Ainsley's first event. Ayaw niyang masira ito dahil umalis siya at hindi nagpakita si Clive.

"Good evening ladies and gentlemen." Bati ni Ainsley sa mga ito. "I am very sorry we started late before the formal event I would like to introduce you all to our lovely bride." She pointed at her. "Isn't she lovely?" nagtawanan ang mga bisita nila. they are all watching at her with amusement on their eyes, later, they will be watching her with pity. "Of course she is."

Sumulyap si Ainsley sa kanya.

"As her friend for years, let me tell you some secrets." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Ainsley. "About her of course and later sekreto naman ng brother dear ko, mamaya na iyon. Gusto niyo bang marinig ang sasabihin ko?"

"Yes!" sigaw ng mga ito. They are all settled on their seats and their table. Her eyes were wandering around hoping he'll come, pero hindi na siya umaasa pa.

"Very well. There was a beautiful girl I saw at Winhlan University. She told me and the rest of our friends that she's working with the dragon." Napatingin siya sa lola niyang nakakunot ang noo dahil sinulyapan ito ni Aisnley and her friends were laughing on their own too. "Kidding, she told us she was working with the headmistress. We didn't know she was the granddaughter of the headmistress. We are living together in a dorm and we belong to the same organization. There secrets are, she's a great person inside and out. She's beautiful inside and out. While we sleep at nine in the evening she sleeps at one to three in the morning. When we woke up at six thirty she woke up in between five thirty to six. She cooked our breakfast and prepares our lunch so we don't have to spend in the cafeteria. When she sleeps ahead of us because she's just too tired of her studies and her work, she sleeps walk around midnight and grab anything she can find in the refrigerator. She had this secret stash of stick-o inside her closet." Paanong nalaman ng mga kaibigan niya ang tungkol doon? Sekreto lang niya iyon.

"She doesn't eat too much chocolates but her addictness to stick-o is very frustrating. Kapag nag-aaral siya ay palagi siyang may bitbit na stick-o. Kapag gumagawa siya ng report palagi siyang kumakain ng ganoon. She just loved it. She'd trade the most expensive chocolate or candies in the world just for a box of her fave stick-os. At may tinatago din siyang stuff toys na hindi namin alam kung saan niya nakuha dahil ayaw niyang pahawakan sa amin." Iyong stuff toys na ibinigay sa kanya ni Clive noong okay pa sila, she is keeping it. Because that's the only thing she can hold on to, na minsan ay naging mabait sa kanya si Clive.

"She's sweet and when you are in trouble she'll destroy you. She's the most understanding and forgiving person I know. She's almost perfect. Kaya nga ng magdesisyon siyang pakasalan ang kapatid ko ang sabi ko sa sarili ko, ang swerte ng kuya ko. Isang tulad ni Hexel ang makakasama niya habang buhay. Ano pa ba ang mahihiling niya sa kaibigan ko? Matalino, maganda, mabait, nasa kanya na halos lahat." sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Ainsley, mukhang enjoy na enjoy ang mga ito.

But she doesn't want to prolong the party, ayaw niyang sayangin ang lahat ng ginawa ni Ainsley para sa gabing ito. Dapat ay sabihin na niyang hindi darating si Clive para hindi na umasa ang mga ito, that would save her from further embarrassment.

"I am giving the phone to the bride herself, Hexel Marie Domingo." Nagpalakpakan ang mga ito at nanginginig na tinanggap niya ang microphone mula sa kaibigan.

"Ladies and gentlemen, thank you very much for coming tonight." She chuckled. "Sa totoo lang ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon dahil gusto kong sulutin ang lahat ng mga clients ng LiVi Groups na pumunta sa kompanya namin." Natawa siya sa sinabi niya. "Sinong may gusto?" mukhang akala ng mga ito ay nagbibiro siya dahil halos lahat ay nagtaas ng kamay pati na rin ang mga magulang ni Clive.

"But of course, nagbibiro lang po ako, well, kung gusto niyo I am open for any appointments." Muling nagtawanan ang mga bisita. She heaves a deep sigh. "But really, I am here to thank my grandmy for supporting me all way here. For Clive's parents for accepting me. For my friends who never failed to understand me despite of my imperfections." Kailangan na niyang tapusin ang programang ito. She already did her part. "This engagement party means a lot to me so I thank you all." Muli siyang tumingin sa buong paligid at ng makitang walang bakas ni Clive ay nagpatuloy na siya. "Unfortunately, due to some... certain events. The groom, my groom... can't make it---."

"On time." Hiyawan ang naging reaksyon ng mga bisita nila samantalang siya ay biglang natulos sa kinatatayuan at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Hindi nga siya pwedeng magkamali, nandito si Clive. Kasama niya sa stage si Clive. He looks so dashing on his white tuxedo which matches her white floral dress. He was holding a microphone too. "I am sorry I am late, there are some things I need to fix before coming." He looks so fine... and okay. Still so handsome. Parang hindi ito ang mukha ng lalaking nagbitaw sa kanya ng mga salita kanina habang kausap niya ito sa phone. Bumaling ito sa kanya, he still looks at her pleasantly. Sa halip na gumaan ang loob niya ay parang mas lalo siyang nakaramdam ng takot dahil alam niyang may ibang ipinapahiwatig ang mga ngiting iyon ni Clive. Lumapit ito sa kanya at pinulupot ang braso sa beywang niya. It's tight... too tight. Parang sinasadya nitong ubusin ang hangin sa katawan niya.

"I wouldn't miss my engagement to this beautiful woman here beside me." Dahil malapit lang sila sa isa't isa kaya Nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Naamoy din niya ang amoy alak nitong hininga. He's been drinking before coming here.

"Kiss! Kiss!" sigaw ng mga nasa audience nila.

"Gladly." And before she can say a world, Clive's lips collided into her. His arms tightly wrapped around her body and the cheering of the crowd makes her forget that her heart was still beating at the moment. And when the kiss ended, Clive, waved at them. "I would like to excuse myself and my fiancé, please do enjoy the party."

He pulled her from the stage and dragged her somewhere no one can see them.

"C-Clive-."

"I didn't come here because I wanted to. This is for a show Hexel do remember that." Alam naman niya iyon. "And is this really your plan?" Her forehead knotted.

"What?"

"Ang sulutin ang mga business partners ng kompanya namin?" muli siyang humugot ng sobrang lalim na hininga.

"You don't want this marriage to work for six months Clive choice mo iyon. Alam ko rin na hindi mo kayang masikmura ang pagmumukha ko na kasama mo. I'll endure all the pain being married with you but it doesn't mean I won't do anything. I am Hexel Marie Domingo. I may be a weak and bride or wife but I am a strong business woman. Kung ayaw mong masulot ang mga importanteng tao sa buhay mo maging maingat ka. Kaya mo akong saktan, kaya mong ipahiya ang buong pagkatao ko pero hindi ang bahaging iyon ng buhay ko. I will be a business woman first before your wife." She distanced herself from him dahil ramdam niya ang pagsisimula ng pagkulo ng dugo nito.

"I can never hurt you Clive the way you can hurt me, I can never hurt you because I can't... I just can't. But, always remember this. Pwede kong kunin ang lahat ng pinaghirapan mong maabot ngayon lalo pa at magiging Libiran na rin ako. Kaya kong kunin ang lahat ng meron ka sa loob ng anim na buwan ng pagsasama natin. Kaya mag-ingat ka, don't leave your territory unattended because I attack silently."

Kung nagulat man ito sa sinabi niya ay hindi na niya nalaman ang naging reaksyon nito dahil agad siyang tumalikod. Iyon lang ang tanging paraan upang maisalba niya ang kanyang puso. She needs to toughened up, she needs to guard her heart well.

She is indeed desperate not to get hurt... but she knew she would get hurt eventually, the price of falling in love with the demon himself... Clive Villaraga Libiran.

<3 <3 <3

a/n: Hola people how's life? Heto buhay pa rin, kung anong buhay ko kahapon ganoon din ngayon. Happy CHinese New Year sa mga kapatid nating Chinese all over the world (feeling ko naghohost ako). Namiss niyo ba ako? Namiss ko rin ang sarili ko hahahaha. Hindi nga kumusta na babies, masyado lang busy dahil grading period na. Hindi pa ako tapos sa pagsusulat sa cards ng mga new students ko at tinatamad akong gawin iyon. Nawalan na ako ng gana is the right word.

What keeps me alive are the shows that I am watching, tapos na ang legend of the blue sea, i love the fairytale ending para bang nagbabasa ako ng story book with happy ending. Ang Goblin namin is mixed emotion siya, the last episode got me into crying and laughing at the same time. And as for hwarang, galit pa rin ako kay Soo Ho dahil dapat ako ang pinapantasyahan niya at hindi ang Reyna. CHooosss!!! Hindi siya ang nasa lead pero siya ang pinakanatuwa ako and of course the poker face yet softhearted Ban Ryu.

At ako lang ba ang may peg na ang makatuluyan ni Ah Ro ay ang king, at iyong si Sun Woo (acting bro ni Ah ro) ay makatuluyan ang princess. Good ness, I don't want to predict na... baka ang tunay na king ay si SUn Woo aka dog bird. There are scenarios na tumatakbo (char, conyo ako) sa mind ko but I won't tell it dahil ayokong may masabi na naman ako at the end of the show na, napredict ko na ang ending. I want the Hwarang's ending to be unpredictable as possible, predictable kung si Sun Woo at si Ah Ro ang magkakatuluyan.

Nanghihinayang kasi ako sa friendship ng king at ni SUn Woo... And the bromance around the hwarang house is sooo kawaiii! Lasing ako sa gamot na iniinom ko ngayon para sa abnormal hoarseness ng boses ko kaya pagpasensya na po. Hanggang dito nalang po muna ang AN ko and siguro... siguro lang naman baka bukas ay tapusin ko na rin ang story ni Keegan at ni Mau. Kaunting chap lang naman iyon.

STATUS UPDATE: I am hungry.

PPS: And it's raining outside!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 63.6K 21
- Best friends since elementary. - Grew up and seen each other's naked body parts. - Accompanied the other in his circumcision. - Slept wasted in t...
577K 5.8K 4
Leo Cain Villiarde - the first son of Delia and Marius Villiarde, is known as one of the most ruthless yet successful businessmen in the corporate wo...
2.3M 50.1K 19
Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. Masyadongmaganda.com: Paano mong nalaman...
26.6K 558 24
WARNING: Extreme sexual content, language, themes Single since birth sina Angela, Patricia at Dondie. Angela is a passionate activist. Patricia is a...