AKALA KO = = THE SWWAR STORY...

By dang70

223 12 12

More

AKALA KO = = THE SWWAR STORY (ONE SHOT)

223 12 12
By dang70

Bakit yan ang title? Dahil ang mga characters na ginamit ko d2 ay dinampot ko sa SWWAR members. Except for 1. Obvious naman kung sino un hehehe... Yun lang.. hehehe

Tinitigan ko s'ya...

Tinitigan n'ya ako.....

Nagtitigan kami...

Unti-unti, lumalapit kami sa isa't-isa ng hindi inaalis ang mata n'ya sa akin at ang mata ko sa kanya...

Magnet? Parang ganun...

As we get closer, unti-unti s'yang ngumingiti..

Unti-unti namang nagsasalubong ang mga kilay ko...

Unti-unti naalala ko kung sino at ano sa buhay ko ang taong tinititigan ko

Hanggang halos tatlong dangkal na lang ang pagitan namin....

At ng halos magkadikit na ang aming mga mukha....

PAK! nagulat s'ya sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Pero saglit lang 'yon dahil muli s'yang ngumiti. And this time, lalo n'yang nilaparan ang ngiti nya na lalong ikinasalubong naman ng mga kilay ko.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Pinagtatawanan mo ba ako?" Sabi kong halos manggigil sa inis

"hey, hey!" sabi n'yang itinaas pa ang dalawa n'yang kamay na parang sumusuko

"Wala man lang bang kumusta d'yan?.. tagal nating di nagkita ah" hinayupak na 'to.. may alam pang kumu-kumusta

"Kumustahin mong muk'a mo" sabi ko sabay walk out... pero hinawakan n'ya ang braso ko kaya bigla ang balik ko sa kanya. At dahil na-out balance ako, sa dibdib n'ya bumagsak ang mukha ko... (Dibdib n'yang mas tumigas yata kesa dati...ehermm..)  na ikinagulat namin pareho... Pero bigla nya rin akong niyakap. Nagpupumiglas ako pero lalo n'ya itong hinigpitan... kainis lang dahil ambango n'ya at gusto ko yong amoy nya. At yon pa rin ang pabango n'ya. Tulad ng pabango n'ya dalawang taon na ang nakalipas. Tulad ng dati, amoy lalaking-lalaki.... jaske naman oo... Pilit pa din akong umaalis sa pagkakayakap nya...

"Chixie (the sexy & lovely chikz_20) please,... relax... hindi naman kita gagawan ng masama eh.. please.. I missed you... so much..."

Biglang nanlaki ang mata ko at bigla akong kumalas sa yakap nya... na madali kong nagawa dahil akala nya, na-relax na nga ako.

PAK! sinampal ko s'ya uli (sa kabila naman para fair hehe)... "How dare you tell me na hindi mo ako gagawan ng masama?.. Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa mo sa akin more than 2years ago?? Kayo ni Misty?! (It's you Mistery Wattpad hehehe.. senxa na kontrabida ka muna) At sa tingin mo, maganda yon? ha? ha?" ang sabi kong maluha-luha na pero pilit kong pinipigilan... not in front of this man. Ayokong makita n'ya na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa kanya. Ayokong makita n'ya sa mga luha ko ang hirap na pinagdaanan ko. I thought I wasn't over him yet & it proves to me now, I really am not. Dahil nararamdaman ko, mahal ko pa rin ang taong ito sa kabila ng ginawa n'ya sa akin.

"I've never done you wrong Chixie.. mali lang ang inisip mo noon"  -s'ya

"So ako pa ang may kasalanan ngayon? ganun?" sabi kong lalong nainis. Walangya naman... Ba't ba nakita-kita ko pa uli ang taong ito? Pero ba't nga ba hindi eh tagarito naman s'ya so, magkikita at magkikita din talaga kami.

"Ba't ba kasi ayaw mo makinig sa'kin? eh di sana alam mo na kung ano ang totoo noon pa." -s'ya

"Ako nga Richard Gutierrez ay tigil-tigilan mo ha?! Humanap ka na lang ng ibang makakausap at maloloko mo." (Hindi s'ya yong artista.. hawig lang hehe. Trivia: crush xa ni chix hehe)). At tumalikod na ako para lumayo sa kanya. Pero sadyang napakakulit lang yata ng taong ito. Hinawakan n'ya uli kamay ko at hinila ako pabalik sa kanya.

"Not so fast Maria Kristina Chixie Delcozar (o, wala ng aangal, Yan ang gusto ko munang real name nya kunyari hehe)... I'm not done yet." Sabi n'yang medyo tumigas ang mukha.. hah! at s'ya pa ang may ganang magalit sakin? .... " At hindi ako papayag na matakasan mo uli ng hindi mo pa rin alam kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko na papayagan lumayo ka uli dahil sa maling akala mo. Because that's the very reason why I never left this place. Because I knew one day you'll be back whether you like it or not, and I promised to myself, I'll be waiting for your return even if it  takes me a lifetime" ang mahaba n'yang litanya

LIFETIME? EVEN IF IT TAKES A LIFETIME? HIHINTAYIN N'YA TALAGA AKO? Nang-uuto ba ito? Well sige, pagbigyan... Anyway di ko din naman talaga s'ya pinakinggan noon. Tinakasan ko na lang s'ya dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko.

"Okay... sige, makikinig ako. Siguraduhin mo lang na totoo lahat ang sasabihin mo dahil kung hindi, hindi lang mag-asawang sampal ang matatanggap mo sa'kin"

"Can we talk somewhere else then?" sabi n'ya ng nakangiti na.. Tsk! yon pa rin ang ngiting gustung-gusto ko dati... take note: DATI! .. naalala ko, nasa pier nga pala kami.. oo pier. Yong daungan at paradahan (paradahan talaga) ng barko. Ano 'kanyong ginagawa namin dito? S'ya ewan ko... Pero ako, naghatid sa pinsan kong si JM (Joanna Marie JM Canada) papuntang Manila dahil tapos na ang bakasyon n'ya at nailibing na rin naman ang lolo Jujo naming namatay (ayan .. di ako napilitan nyan.. kasama ka talaga sa kwento #Ako si Jujo.) na s'yang dahilan kung bakit kami umuwi. Susunod din ako sa kanya by next week dahil nandun ang trabaho ko. Trabahong pinasukan ko bilang receptionist sa isang travel agency doon matapos kong lumayas mula dito sa lugar namin dahil sa sakit sa puso na dinanas ko. Sakit ng pakikipag-break (na hindi talaga official ang break-up dahil in-assume ko lang) ko kay Ricky dahil sa pagtataksil nya kasama ang bestfriend kong si Misty. HIndi ko makakalimutan ang araw na yon. Araw nang nalaman ko na pinagtataksilan pala nila ako. Oo. Silang dalawa. Si Ricky bilang boyfriend ko at si Misty bilang bestfriend ko.

At hindi ko talaga akalaing makikita ko ang lalaking ito ngayon dito dahil ang balita ko noon, balitang galing sa chikadora kong kapatid na si Skye (Crimson ikaw yan) at ng pinsan kong si Ghee (yes, it's you, Ghee de Mesa Nasalga), ay umalis din s'ya matapos kong iwan ang lugar na ito. At sa halos isang linggo kong pamamalagi dito sa lugar namin ay hindi ko man lang s'ya nakabangga. Wala ring nakapagsabing nandito pa rin pala s'ya. Well siguro dahil na rin sa ang dapat na chichika sa akin nun ay itinuring ko ng patay. Ang taksil kong bestfriend. Pero ano itong sinasabi ng lalaking ito na hindi n'ya iniwan ang lugar na ito dahil sa akin? Dahil inaasahan n'yang babalik at babalik ako dito. At may lifetime-lifetime pa talaga s'yang nalalaman.

Sakay ng kotse n'ya, sa city park kami humantong upang mag-usap. Eto ang paborito naming spot-to-date nung mga panahong kami pa. Particulary sa playground dahil may mga bench dito na may lumalambong na puno (& I thought I was forgetting... but now?... obviously, hindi!). Meron ding mga upuang magkaharap na may mesa sa pagitan kung gusto mong mag-snack dahil may canteen din na pwedeng bilhan ng meryenda.

Kung dati, dun kami pumupwesto sa bench para magkatabi kami, this time, dun kami sa merong mesa sa pagitan at ako na ang naunang umupo talaga dun. Mahirap na... (echos!)

At dahil naupo na rin s'ya... "O, simulan mo na ang kwento mo at tiyakin mong kapanipaniwala yan dahil kung hindi... kung hindi..." kainis! ngayon pa ako nawalan ng sasabihin. Ang lapad tuloy ng ngiti ni mokong. Yan ang isa sa mga gusto kong attitude n'ya dati. Cool s'ya lagi. Parang walang problema. At kung magkakaro'n man, confident s'ya lagi na lilipas din ito at magtatagumpay s'ya. Sobrang positive lagi ng pananaw n'ya sa buhay.

"Kung hindi, ano?" sabi n'yang nakangisi....ang yabang lang talaga...

"Kung hindi... kung hindi,... ipapakain kita sa pating!"

"Hahaha!" grabeng lakas ng tawa n'ya.. "Hindi ka pa rin nagbabago Chixie. You're still the loveliest girl I have ever known. And now that you are a woman, you made me even more amazed with what you are"... ansabe?

"Tama na yang pambobola mo. Ano, magkukwento ka ba o uuwi na ako?" at akmang tatayo na ako ng bigla n'yang hinawakan ang kamay ko. HIndi ko naituloy ang pagtayo ko.

"I'm sorry Chix" sabi n'yang seryosong nakatitig sa akin at nakahawak pa rin sa kamay ko. "I'm sorry if I caused you pain, but I really didn't mean it. Alam ng Dios kung ga'no kita kamahal noon na hindi ko inisip na masasaktan kita ng husto. At mahal pa rin kita hanggang ngayon. Walang nabago. Kahit na hindi mo ako pinakinggan noon o binigyan man lang ng pagkakataong magpaliwanag. Pakiramdam ko nga mas lalo pa itong lumalim ngayong nakita kita uli" good gracious! ano ba ito... kinikilig ako? Pero hindi. Dahil hindi pa n'ya ipinaliliwanag ang mga nakita ng mismong mga mata ko.

Yumuko ako dahil sa mga sinabi n'ya. Yumuko ako dahil ayaw kong makita n'ya ang mga mata ko at mapansin n'yang lumalambot na ako. Hindi ko akalaing ganito pa rin ang epekto n'ya sa akin.

"Nung araw na makita mo kami ni Misty, lumapit lang s'ya sa akin dahil may problema s'ya"

"Problema? Bakit di s'ya sakin lumapit noon? Bakit sa'yo lang? At problema na kailangan mo pa s'yang yakapin at mag-umiyak pa xa ng todo sa'yo? At kelan ka pa naging counselor?" sabi kong medyo naniningkit na ang mga mata. Dahil bumabalik yong sakit na nararamdaman ko, parang gusto ko ng tumayo at umalis. Pero hinigpitan n'ya ang hawak sa kamay ko kaya nanatili akong nakaupo.

"Oo dahil hindi n'ya na alam kung ano'ng gagawin n'ya sa sitwasyon n'ya"...

FLASHBACK

RICHARD'S POV

Katatapos ko lang ibaba ang tawag sa cellphone ko. Tumawag si Misty at umiiyak. Kailangan n'ya raw ang tulong ko. Bakit kaya ako? Malapit na ako sa park. Dito raw s'ya naghihintay.

Sa gate pa lang ng park tanaw ko na si Misty. Nakayuko s'ya habang nakatakip sa muka ang dalawang palad. Binilisan ko ang lakad ko hanggang marating ko ang bench kung saan s'ya nakaupo. Tinabihan ko s'ya. Inangat n'ya ang mukha n'ya.Naramdaman n'ya sigurong nasa tabi n'ya na ako. Magang-maga na ang mata n'ya sa kaiiyak.

"Ricky, tulungan mo ako... di ko alam kung ano ang gagawin ko." At muling umagos ang luha sa mga mata n'ya

"Ano bang problema?" sabi ko

Humarap s'ya sa akin at niyakap ako. Hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyayari, hinayaan ko lang s'ya. Niyakap ko na rin s'ya dahil ramdam ko ang hirap ng kalooban n'ya dahil sa pag-iyak n'ya.

"Buntis ako Ricky!." malakas n'yang sabi kasabay ng paghagulgol.

Nang may maramdaman akong pagkaluskos sa bandang likuran ko. Paglingon ko, nakita ko si Chixie na gulat na gulat. At nung nakita n'yang nakatingin ako sa kanya, biglang napuno ng galit ang mga mata n'ya siguro dahil inabutan nya kaming magkayakap ni Misty. Ang inaasahan ko, susugurin n'ya kami.  Pero sa halip na lumapit sa amin, tumatakbo s'yang umalis. Hahabulin ko sana s'ya pero nag-alala din ako kay Misty. Kakausapin ko na lang mamaya si Chixie at magpapaliwanag ako sa kanya. Humarap na ako uli kay Misty at nakita kong nag-alala rin sa naging reaction ni Chixie.

"Naku, mukang giyera ito Ricky. Pasensya ka na. Wala talaga akong naisip na malapitan maliban sa'yo. Kahit kasi best friend ko si Chixie alam mo namang hindi ko talaga sinabi sa kanya ang tungkol sa'min ni Kaloy" (oo, Kaloy, ikaw yan... nakalimutan ko complete name mo sa SWWAR nyahaha). "Hindi ko naman kasi alam na magbubunga pala ito. Sige na habulin mo na s'ya baka lumaki ang galit sa'yo nun." sabi ni Misty na nag-aalala.

"Kakausapin ko na lang s'ya mamaya para makapagpaliwanag." sabi ko... "Ano na ba ang plano mo?"

"Di ko alam. Iniisip ko ngang ipalaglag na lang tutal maliit pa naman......"

"Naku Misty! yan ang h'wag na h'wag mong gagawin. Kasalanan sa Dios yan!"

"Di ko na nga alam kung anong gagawin ko eh. Baka patayin ako ng tatay ko."

"E bakit di mo na lang kausapin kasi si Kaloy?" sabi ko

"Pa'no ko kakausapin yung sira ulo na yun? (Ouch... xnxa konti Kaloy..peace..) Ni hindi ko nga alam kung sang lupalop na ng mundo nandun yun."

"Alam n'ya bang buntis ka?"

"Hindi nga..."

"E di dapat n'yang malaman para makapagplano din s'ya"

"Hay naku, ewan ko dun.. At ano namang mapapala ko sa isang gwapo nga, tambay naman. Kung bakit kasi pinatulan ko ang pakikipag-inuman sa kanya noon eh..Pero salamat talaga Ricky ha? For being here. Siguro ngayong nakita na tayo ni Chixie, mas madali ko nang masasabi sa kanya. Aalisin ko na ang hiya ko. Sige na, puntahan mo na s'ya. Ok na ako kahit pa'no kasi naihinga ko na. Bahala na sa ibang mga araw."

"Sige, sigurado ka ok ka na ha? yaan mo susubukan ko din hanapin ang sira-ulong si Kaloy" (hehe sorry 2x Kaloy!)

Kanina ko pa tnitext si Chix di s'ya sumasagot. Tinawagan ko, out of coverage na s'ya.

Pinuntahan ko, ayaw akong labasin.

Two weeks na, di ko pa rin nakakausap si Chikz. Miss ko na s'ya... sobra!

Nandito ako uli ngayon sa gate ng bahay nila, tumatawag. Ang lumabas, si Skye, kapatid n'ya.

"O kuya Richard may kelangan ka po?"

"Andyan ba ate mo? Gusto ko sana s'yang makausap. tinitext ko, di nagrereply. Tinatawagan ko laging out of coverage. Nung nakaraang pumunta ako dito, di ako hinarap. May problema ba'ng ate mo?"

"Umalis na po s'ya kuya. Nung nakaraang araw lang. Pumunta po sa Manila. Du'n daw po magtatrabaho. Nagpalit po s'ya ng number ng phone eh. Tas bago po s'ya umalis, lagi ko po s'yang nakikitang umiiyak. At parang galit s'ya sa'yo?" nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Di man lang talaga n'ya ako binigyan ng pagkakataong makausap s'ya? di man lang n'ya ako tinanong? ano un?

Pero naisip ko, kasalanan ko din. Hindi ko masyadong binigyan ng halaga ung nakita kong galit nya nung makita  nya kami ni Misty.

Bago ako tumalikod, "Skye, balitaan mo naman ako ha? Gusto ko talagang makausap ang ate mo. Meron lang s'yang hindi naintindihan."

"ok po kuya"

HIndi ko alam kung san ako susuling. Gusto kong sumigaw. Sisihin ang sarili ko, sisihin si Chix, pero hindi. Ako lang ang dapat sisihin. Masyado akong naging kampante sa estado ng relasyon namin. Akala ko ganun na kami katatag. Akala ko kilala n'ya na ako. Akala ko may tiwala s'ya sa akin. Kung ang ikinagagalit n'ya ay yong nakita n'yang nakayakap si Misty sa akin, sana kinompronta n'ya na lang ako. Sana inaway n'ya na lang ako. E di sana nakapagpaliwanag na ako. Sana nainindihan n'ya kung bakit. At hindi yong pinagtataguan n'ya ako.

Pumunta ako sa park. Kung dati lagi ko s'yang kasama pag nandito ako, ngayon, mag-isa ako at lalo kong naramdamang namimiss ko s'ya. Hanggang dito na lang ba kami? Hindi. Hindi ako papayag. Kailangang malaman n'ya ang totoo.

END OF FLASHBACK * *

CHIXIE's POV

Ang tanga ko! Pinahirapan ko ang sarili ko na hindi naman pala dapat. Sinayang ko ang dalawang taon na dapat sana ay magkasama kami.

"Naghintay ako sa'yo Chixie. Alam ng Dios kung ga'no ako nagtiis habang wala ka.'Yong kagustuhang sundan ka kung nasaan ka, naisip ko na yon. Pero naisip ko rin, mahirap maghanap ng taong nagtatago. Kaya naiisip kong hintayin na lang na lumabas ka. Naisip ko rin na baka isang araw, paglumabas ka, baka may iba na... may iba ng nagmamay-ari ng puso mo. Pero nanatili ako sa pag-asang isang araw, magkikita tayo uli ng malaya ka pa" sabi n'ya... hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan ako. Tapos nakita ko s'yang nagda-dial ng cellphone n'ya

"Nandito ako sa park. Oo. Pwede ka bang pumunta dito? Oo. Nandito s'ya" sabi n'ya habang nakatitig sa akin.

"Sinong kausap mo? At bakit mo s'ya pinapapunta dito?" sabi ko

"Si Mistery. Alam ko ang dahilan kung bakit ka umalis at gusto kong patunayan sa'yong mali ang iniisip mo at totoo ang kinwento ko sa'yo"

"Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Di ba pwedeng sa ibang araw nalang?" sabi ko sa kanya. Naguguluhan pa rin ako

"Hindi. Ngayon na. Huling pagkakataon ko na ito. Dahil pagkatapos nito, kung mas paniniwalaan mo pa rin ang gusto mo at wala ng natitira ni katiting na pagmamahal para sa akin d'yan sa puso mo ako na mismo ang susuko. Ako na mismo ang lalayo sa'yo. Pero uulitin ko, hindi ako nagbago. Lalong hindi ang puso ko. Dahil ikaw pa rin ang nandito" sabi habang tinutusok-tusok ang dibdib n'ya "..ikaw lang ang mahal ko. At dahil sa pagmamahal na 'yon, handa kitang palayain kung iyon ang magpapaligaya sa'yo"  sabi n'yang di inaalis ang tingin sa akin.

Ba't ganun? Bakit parang ako pa rin ang nasasaktan sa mga sinasabi n'ya? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ng tumakbo. Ayaw ko yong ganitong pakiramdam.

Ilang sandali pa,  "Ninoooonnggg!" sigaw ng batang tumatakbo palapit sa amin habang nakadipa ang mga braso. Para itong masusubasob sa pagtakbo.

"Michico! careful... baka madapa ka anak!" si Mistery. Nakita ko s'yang sumusunod sa batang halos madapa na sa pagtakbo.. anak n'ya ang batang ito na derederecho sa pagtakbo at sinalo naman ni Richard para kargahin at itaas?Ang cute-cute ng bata. Ang sarap pisilin ng pinky cheeks n'ya. Tawa s'ya ng tawa habang tinataas-taas s'ya ni Richard hanggang sa kargahin na lang s'ya nitong nakaupo sa kanang braso n'ya.

"Mith kita ninong." sabi ni Michico na ikinangiti ko dahil sa pagbanggit nya ng mith sa halip na miss

"Miss din kita baby... musta na ang baby? Nagbehave ka ba with mommy?" sabi ni Richard

"Yeth ninong. I played with Donthkie"  ano raw? Donskie? hahaha nakakatuwa talaga s'ya. Hindi  pa rin ako gumagalaw sa inuupuan ko ng bigla s'yang iharap sa akin ni Richard.

"Mich, this is Tita Chixie. Ninong's love & mommy's friend" Gusto ko sanang magprotesta sa description n'ya sa akin pero hinayaan ko na lang. Tumayo ako. Grabeng titig sa akin ni Mich tapos biglang yumuko sa balikat ni Richard at may binubulong. Hindi ko alam kung pa'no ako magrereact. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatalikod s'ya sa akin.

"Nahihiya s'ya sa'yo Chix. Pero may sinasabi s'ya. Com'on Baby. Tell her yourself. Don't be shy.." sabi sa kanya ni Richard at nakita kong umiiling s'ya at lalong isiniksik ang sarili n'ya sa balikat ni Richard.

"Eherm... Chixie?" narinig kong nagsalita si Mistery. "pwede ba tayong mag-usap?" hindi ako nagsalita at hindi ko rin s'ya nilingon - dahil nasa bandang likuran ko s'ya.

"Iwan muna namin kayo ha Chix? Misty? I guess you two also need to talk" sabi ni Richard at lumayo karga pa rin si Mich.

"Alam ko, masama ang loob mo sa akin for not telling the truth. You're my best friend too but I chose to tell Richard about my situation. Sorry. As in sobrang sorry. Chixie, please... forgive me?" sabi n'ya.At dahil nakatalikod ako, s'ya ang humakbang para mapunta sa harap ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko. Tumutulo na ang luha ko. Na-miss ko din ang babaeng ito.

"Sorry talaga Chixie. Pati relationship tuloy ninyo ni Ricky naapektuhan." sabi n'ya habang hawak ang kamay ko. "Chix... mapapatawad mo pa ba ako?" Tuluyan na akong naiyak at niyakap ko s'ya. Umiiyak na rin s'ya. Para kaming mga timang sa park. Pero alam ko, kahit di ako kumikibo, marami na akong nasasabi sa yakap ko at alam n'ya yon.... and finally "I guess may fault din ako. Di ko man lang kayo kinausap. Siguro sa sobrang takot ko na malaman at ma-confirm kung ano ang nasa isip ko noon, mas ginusto ko pang lumayo na lang." sabi ko sa kanya sa pagitan ng mga paghikbi ko "Sorry din..."

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa " Ang ganda mo lalo girl. Nakakapagpaganda ba lalo ang may anak?" Sabay ngiti ko. Niyakap n'ya ako uli sabay sabi "Salamat... sobrang salamat Chix. I thought I have lost you."

"Anong nangyari sa tambay na si Kaloy? Ba't di n'yo s'ya kasama?" tanong ko

"Nasa Canada s'ya. Pinalad na matanggap sa isang kompanya para magtrabaho do'n. Ok na rin 'yon kesa tumambay pa rin s'ya dito. Baka sumunod din kami ni Mich don early next year. May inaayos lang na papers para makasunod kami.

"Eherm... Mukang ok na kayo. Buti pa kayo...." Si Richard. Kumalas na uli ako sa pagkakayakap kay Misty at nakita ko s'yang sa akin nakatingin. Karga n'ya pa rin si Michicko kaya kinuha na ito ni Misty.

"Halika muna anak at muk'ang may pag-uusapan ang ninong at ninang mo" Sabi ni Misty na may impit na tawa habang kinukuha si Michiko kay Richard. "Babalikan namin kayo. May kukunin lang ako sa sasakyan"

Magkaharap lang kami ni Richard. Walang nagsasalita samin...

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

"Sorry" sabay naming sabi... (oo may count down talaga.. ako ang nagbilang. Di ko kasi alam ang sasabihin ko.Malay ko bang sasabayan n'ya ako? Nagbilang din s'ya?)

Bigla n'ya na lang akong kinabig at niyakap. At bigla kaming natumba.. de, joke lang hehehe. Niyakap n'ya ako ng mahigpit. "I so missed you pre." napangiti ako dahil un ang tawagan namin dati. Brusko ang dating pero un talaga eh. Bago kasi naging kami, best friends kaming tatlo. Una nga lang sila ni Misty naging magbestfriend bago kami dahil magkababata sila. Samantalang kami ni Richard, high school days na nagkakilala.

One thing is so sure. Mahal ko pa rin ang lalaking ito. Ang tanga ko lang kasi na di ko agad nilinaw sa kanila ang nakita at narinig ko.

"Sorry kasi kulang ang effort ko to let you know then.." sabi n'ya

 "Sorry kasi di man lang kita tinanong sa sobrang takot ko. Ikaw ba naman makita mong yakap ng bestfriend mo ang boyfriend mo at nagsasabing buntis s'ya. Kung ano ang nasa isip ko that time,yon na lang talaga yon." tiningala ko s'ya- malamang matangkad s'ya. Nakatingin s'ya sa mata ko at ang lapad ng ngiti.

"Thank God. Buti na lang naghintay ako. Next time, pwede, kahit awayin mo ako basta magtanong ka, ok?" Sabi n'yang nakangiti ng sobrang tamis

"Ha? may next time pa?" sabi ko

Ang lakas ng tawa n'ya. Ambabaw talaga ng kaligayahan ng taong ito. At isa yon sa mga ginusto ko sa ugali n'ya. Sobra s'yang masayahin. Parang laging "all is well".

Niyakap n'ya ako uli sabay sabing "I mean next time, pag nagkaproblema uli, kausapin mo ako, tanungin, awayin... basta wag mo na lang ako taguan uli. Buti na lang updated ako sa'yo kahit malayo ka."

"Ha?" sabi kong nakanganga

"O, wag mong aawayin si Skye. S'ya ang nagkukwento ng lahat tungkol sa'yo. At sa tingin mo anong gagawin ko sa pier?" sabi n'yang ang lapad ng ngiti

Ngayon ko naisip... kaya pala sabi ni Skye sakin umalis na si Richard dito para h'wag na ako mag-alangan umuwi. Lokong bata yon ah...

"O, okay na din kayo ha?" si Misty habang karga pa rin si Mich na may hawak ng dodo.

"Mich, come here" sabi ni Richard habang kinukuha si Mich kay Misty "Can you tell ninang now what you told me a while ago?"

Tumango ang bata kahit na nahihiya at nakasaksak pa ang dodo sa bibig. Tinanggal n'ya ang dodo sa bibig n'ya sabay sabi..."beau-ti-ful.... you" sabay turo n'ya sakin ng kamay n'yang may hawak na dodo. Natawa ako kasi matapos n'ya sabihin un, binalik n'ya na uli ang dodo sa bibig n'ya at isinandal ang ulo sa balikat ni Richard. Ang cute-cute n'ya talaga...

At lumipas ang maraming taon... de, joke lang uli... 2 years pa lang ang lumipas.. Nandito kami uli sa park... (grabe namin ka- in- love sa park. Dito na yata kami nakatira hehe). This time,kasama na namin ang anak namin ni Richard.. O, diba?  May anak na kami.. At ayun s'ya sobrang ligalig sa katatakbo. Ang laki ng pasasalamat ko dahil hindi ako sinukuan ni Richard. Dahil kung sinukuan n'ya ako, di ko maimagine kung gan'no kalaki ang mamimiss ko sa buhay na meron ako ngayon. Si Richard, napakabait at mapagmahal na asawa at ama....

Hanggang "Italiko!!!" (kilala nyo ba s'ya? hehehe tanong n'yo kay chikz.. e? hehe. Bagong friend ko s'ya sa SWWAR kaya nasa huli na xa hahaha) sigaw ko dahil nakita kong sumubsob sa buhanginan ang anak ko. At nakita ko ding relax na relax na nilapitan s'ya ng ama n'ya at patawa-tawa pa. Itong asawa ko talaga... sumubasob na ang anak n'ya nakatawa pa! patakbo akong lumapit sa kanila. At ang anak kong magaling, nagalusan na ang ilong, nakatawa pa??! Tsk! Mag-ama nga sila.....

WAKAS na! :)

Sana lang nagustuhan nyo SWWAR... Don't hesitaete to put comments & vote kahit wala ang names n'yo dito hehehe... Salamat, salamat.

I would like to thanks Chixie herself for the cover. Applause, applause!

"

Continue Reading

You'll Also Like

31K 141 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
2M 32.9K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
101K 2.6K 28
GXG
10.4K 57 49
Enjoy