CHAPTER 11: I Will
(Nadyn's POV)
This guy is so annoying. He really is! Sabing umalis na kasi e, ayan tuloy, nahuli kami ni mama at pinapasok pa siya dito sa bahay.
Ugh, this guy is still a stranger for me! At hindi ako nagpapa pasok nang kung sino sino sa bahay namin. I really hate him.
"Maupo ka na muna Khurt at ipaghahanda kita ng meryenda." Sabi ni Mama at pumunta na siya ng kusina.
Nakatayo lang ako with nothing on my face. I mean, with my no-expressional-face.
Umupo siya sa sofa at tinignan ako. "Nadyn, would you mind to sit here beside me?" I looked at him and rolled my eyes heavenwards. Tch annoying.
"Go home, Khurtney." I said then crossed my arms.
"Di ko akalain na ganto pala ang bahay ng isang Nadyn Gonzales..." Inikot niya ang tingin sa paligid ng bahay namin, pagiiba ng usapan. Pero ano daw? Bahay ng Nadyn Gonzales? Is he expecting something?
"I said, go home, Khurtney. Bukas ka nalang pumunta dito." I'm controlling my temper, sheesh.
Inhale... exhale...
"Why? bisita ako, Nadyn. Why do you like me to go home?" Ngumiti siya ng nakakaloko.
He's smilling like a freak again.
Bago pa ko makapagsalita, bumalik na si mama galing kitchen dala dala ang isang tray ng pagkain. Pagkababa ni mama ng tray sa center table sa living room mas lalo kong napapansin kung ano yung nakalagay sa plate... Yung graham balls na ginawa ko!!!!!!!!
"Ma?!" Nanlaki ang mata ko ng makita ang inihanda niya. It's my graham balls.
I made this graham balls when I was bored. Pero ipakain na ni mama yan kahit kanino, pero bakit pa dito sa lalaking 'to? Aish.
"Bakit, Nana? Anong masama kung yan ipameryenda natin kay Khurtney, ha?" Nagpout nalang ako pagkasabi nun ni mama. Tch. Kainis.
"Kain ka lang, jiho. Nadyn made that graham balls!" Tumabi si Mama kay Khurt at pinagmasdan ito.
Kumuha ng isang graham ball si khurtney at tinignan ito. "Talaga po?" pagkasabi niya nun nagsimula na siyang kagatin iyon at kainin.
"Yes! Nadyn loves baking and doing sweet stuffs, Pero wala siyang hilig sa cooking. Di katulad sakin." Yan nanaman si Mama. I want to shout and tell her to stop giving so much informations about me 'cause it's annoying and I hate it.
Tinignan ko naman ulit si Khurtney at ayun sarap na sarap sa kinakain niyang graham balls.
Umirap ako at naglakad na paakyat sa kwarto ko para makapag palit ng pangbahay.
***
(Khurt's POV)
Umakyat na si Nadyn sa taas at naiwan akong kinakain tong gawa niyang graham balls. Ang sarap ah! May marshmallow sa loob yung graham ball. Hindi ko inakalang may ganto palang talent si Nadyn...
Ang dami niyang kayang gawin. She's very talented.
"Boyfriend ka ba ng anak ko, Khurtney?" Para akong nabilaukan sa tinanong ni Tita pero napangisi ako sa tanong niyang iyon.
"Po?" I heard it. Sadyang natatawa lang ako sa idea na yun.
"Nana is a sweet girl... Simula pagka bata, mahilig na siyang ngumiti. Even though may problema kami... She still puts a smile on her face. Naghiwalay kami ng Papa ni Nana few years ago. She was hurt, I knew it. Hinahanap niya ang Papa niya habang ako, walang maisagot sa mga tanong niya." Sabi niya sakin.
Alam kong palangiti si Nadyn nung bata... Pero hindi ko alam na eto pala yung rason.
Tumingin ako sa Mama niya at hinintay pa ang kasunod nitong sasabihin.
"Last year, nalaman kong nainlove si Nana sa isang guy... He's name is Alec." Nabigla ako sa sinabi ng mama ni Nadyn.
Parang, hindi ako makapaniwala... I never thought na naiinlove pala ang isang Nadyn Gonzales.
"Because of Alec, she always wear her sweet smile... Lagi ko siyang nakikitang nakangiti and as a Mom, ofcourse natutuwa ako. Pero dumating nalang yung araw na umiiyak nanaman si Nana sa kwarto niya... Kapag umaga, nakikita ko siyang nakangiti. Pero kapag gabi, nakikita ko siyang umiiyak sa kwarto niya. Sinisilip ko siya every night at nalaman ko ngang her tears was because of Alec. So I decided na mag vacation na muna siya sa Canada ng malaman ko, bumili ako ng tickets at ayun, she stayed there for months. At ng bumalik siya, she's really cold." I can feel the pain of Nadyn. She's really broken...
Yung Alec siguro ay yung lalaking nakasalubong namin kanina. Pakiramdam ko lang. Iba kasi yung tingin ni Nadyn sakanya... Nakakapanghinala.
"Bilang nalang ang mga ngiti ni Nana ngayon... Hindi tulad ng dati." Nang sabihin ng mama ni Nadyn yun, nagflashback saakin yung mga tawa niya.
Bilang na nga lang yun. Minsan ko lang kasi yun makita...
"If you're going to be my daughter's boyfriend, please, don't break her heart." Ano bang isasagot ko? Hindi ako maka kapa ng mga salita. There is a puzzle piece in my mind na nadagdagan nanaman.
Habang papalapit ako ng papalapit sa buhay ni Nadyn, mas lalo kong nadidiskubre ang totoong siya. Mas lalong nakukumpleto ang puzzle pieces sa utak ko tungkol sa misteryosang babaeng t'o...
Parang noon, nabangga ko siya sa Mall nang sundan ako ng iilang stalkers at hindi siya nawala sa isip ko.
Yung mataray niyang muka, yung mukang hindi makangiti, yung 'mala-walang expression'. Ngayon lang ako nakakilala ng ganung klaseng tao. Tapos nalaman kong kaklase ko pala siya sa bago kong lilipatan na paaralan. Nakakatuwa.
Tapos magkagrupo kami sa isang activity, at ngayon... Nakatapak na ko sa bahay niya. Sa bahay ng isang Nadyn Gonzales... Bahay ng isang 'hindi pala ngiting babae'.
Nginitian ko lang yung mama ni Nadyn.
"I will." I never thought na yan rin ang isasagot ko. Hindi ako sigurado sa kung anong pwedeng mangyari sa future... Bahala na, pero there is a part of me na sinasabing gusto ko itong gawin.
And suddenly, nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko... Heck! wWhat are these?
"Wala ka ba talagang balak umuwi?!" Narinig ko ang boses ni Nadyn na pababa gn hagdanan at nakatingin sakin... She's wearing a white t-shirt at short shorts na black, nakalugay ang mahaba at gulo niyang buhok pero kahit magulo ito, I still find her attractive.
Ang simple ng itsura niya, pero kahit ang simple niyang tignan... Ang ganda parin niya.
Dugdug. Dugdug.
Nakaramdam nanaman ako ng kung anong gumagalaw sa tiyan ko kaya napaiwas agad ako ng tingin sakanya. Shit, nababaliw na ba ako?!
***
(Nana's POV)
Talagang hindi pa siya umuuwi a? Nagkwento nanaman siguro si Mama dito. Ugh!
"Ahh sige po Tita, I'll go ahead." Sabi niya kay Mama at agad ininom yung lemonade na nasa lamesa at tumayo na.
"Okay, ingat ka." Sagot ni Mama
Bumaba ako sa hagdanan.
Ngumisi nanaman si Khurt at hindi parin ako tinitignan. "S-sige po, Tita. Thankyou sa pagkain!"
"Magdinner ka dito minsan ha. Ipapatikim ko sayo yung specialty ko! At ipapakilala rin kita sa Papa ni Nana." Tss, Mama talaga.
"Sige po. Una na 'ko." Maglalakad na sana siya pero napahinto siya nang marinig si Mama na magsalita.
"Nadyn, samahan mo na siya lumabas ng gate." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama.
"What, ma?! Ang laki laki na niyan! Di naman siya maliligaw."
"Nadyn..." Tinignan ako ni Mama kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Tss.
"Hindi na po, Tita. Okay la--" Hindi ko na pinatapos sa pagsalita si Khurtney. Hinatak ko na siya at lumabas na kami sa gate ng bahay.
"Bukas. 4pm." Pagkasabi ko nun kay Khurtney, isasarado ko na sana yung gate kaso pinigilan niya ang pagsara ko nito.
"Ano?!" Irita kong sabi. Bwisit!
"See you..." Ngumiti siya at naglakad na paalis. Damn it. What a freak.