He's the Brother of My Kuya's...

By Iamjaelopez

773K 27.6K 6.5K

Book 2 of My Kuya's Bestfriend [COMPLETED] Buong akala ni Trey, crush lang ang nararamdaman niya para sa mata... More

He's the Brother of my Kuya's Bestfriend
Chapter 1: Sensitive
Chapter 2: Secret
Chapter 3: Essence
Chapter 4: Right
Chapter 5: Comfortable
Chapter 6: Jealous
Chapter 7: It's a no!
Chapter 8: Fate
Chapter 9: Selfless
Chapter 10: Tired
Chapter 11: He's back
Chapter 12: Unknown feeling
Chapter 13: Goodbye
Chapter 14: Destroy
Chapter 15: One thing
Chapter 16: Just this one
Chapter 17: It turns out
Chapter 18: What if
Chapter 19: Feel this moment
Chapter 21: Something different...
Chapter 22: At last
Chapter 23: Worth it
Chapter 24: Right to be
Chapter 25: Bring it on
Chapter 26: Unexpected
Chapter 27: Doesn't mean
Chapter 28: The past
Chapter 29: Nothing has changed
Chapter 30: Knowing them
Chapter 31: Contributions and efforts
Chapter 32: Ups and downs
Chapter 33: Involvement
Chapter 34: Second time
Chapter 35: Letting go
Chapter 36: Time can heal
Chapter 37: Until now
Chapter 38: Familiar
Chapter 39: Even before
Chapter 40: Forget and Forgive
Final Chapter: Part I
Final Chapter Part II: Begin Again
Special Chapter: The Vacation Part 1
Special Chapter: The Vacation Part 2
Smoke Ash Montecillo's Story

Chapter 20: Beginning

20.2K 695 241
By Iamjaelopez

  
   
Summer's POV
  
  
What ifs.

Pakiramdam ko totoo lahat ng sinasabi ni Trey. O mas magandang sabihin na ang weird niya habang nag-uusap kami kahapon.

Napakaseryoso niya habang nagtatanong. Hindi ko nga alam kung bakit kinabahan ako ng bahagya sa mga naging tanong niya. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya na kinakabahan ako habang sumasagot.

Kailangan ko ring sagutin ang mga tanong ni Trey dahil baka isipin nung tao na KJ ako. Pinangako ko rin sa sarili na pagbibigyan ko siya sa lahat ng bagay hangga't sa kaya ko.

Ngunit kung hihilingin niya ang kunwaring tanong niya na kung sakali malaman kong mahal niya ako at gusto niyang mahalin ko rin siya, hindi ko alam kung kaya kung suklian iyon. Pero bakit parang hindi ako naging sigurado sa naging sagot ko kagabi?

Minsan, hindi ko na naiitindihan ang sarili kapag kasama ko ang bestfriend ko. Sabi nga ng isang kateam ko sa varsity, hindi raw normal ang pakikitungo ko kay Trey bilang isang matalik na kaibigan. Sinagot ko na wala naman akong ginagawang hindi normal kay Trey. Ginagawa ko lang ang parte ko bilang isang matalik na kaibigan. Hindi kasi nila alam kung anong mga ginawa sa 'kin ni Trey kaya nila nasasabi iyon. Bumabawi lang ako sa kanya sa lahat ng ginawa niya.

Siya lang din ang nakakaintindi sa akin at sumusuporta sa lahat ng desisyon ko. Kahit na minsan may hindi kami pagkakaintindihan, sa huli, nagkakabati rin kami. Masasabi ko na sa lahat ng pinagdaanan namin, mas naging matibay ang samahan naming dalawa.

Pero pa'no pala kung totoo na 'yong mga what ifs niya? Anong gagawin ko? Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

Sa tingin ko kasi ganoon ang mangyayari kapag hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya para sa akin. Hindi ako nanghuhusga ng tao at halata naman 'yon dahil naging matalik kong kaibigan si Trey pati na rin si Mikael pero parang hindi ko ata kayang magmahal ng kapwa ko lalaki.

Pero teka, bakit ba ako nag-iisip ng ganito?

Huwag mo na ngang isipin pa. Napapraning ka lang Summer, napapraning ka lang.

Pero nang ihatid ko siya kagabi at magkatitigan kami ay bigla na lang siyang tumakbo. Hindi tuloy ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.
Ano bang ibig sabihin nun? Bakit parang nakakailang? Bakit parang may ibig sabihin na hindi ko matukoy? Biglang uminit ang dibdib ko kagabi at sumunod niyon ang matinding kaba? Nitong mga nakaraang araw palagi ko na lang itong nararamdaman.

Hindi kaya'y may sakit ako sa puso?

Baka heartburn lang tulad ng nararamdaman ko dati. Kailangan ko lang uminom ng maraming tubig. Pero hindi naman ako masyadong nagpupuyat ah.

Hays! Ano ba naman 'to! Baka nga napapraning lang talaga ako.

"Hoy! Kuya!" Napapitlag ako nang may sumigaw sa likod ko. Si Spring. Isa sa kambal na kapatid ko.

Nandito ako sa harap ng bahay namin. Sa harap mismo ng motor na bigay ni Papa. Pupuntahan ko kasi si Trey ngayon.  Napahinto lang ako nang naisip ko ulit ang napag-usapan namin kagabi. Sa totoo niyan, kagabi pa ako kakaisip nito. Medyo late na nga akong nakatulog.

"Huwag mo nga akong gulatin Spring!" Asik ko sa kanya.

"Kanina ka pa kasi tulala riyan Kuya eh. Naku, si Kuya Trey naman 'yang iniisip mo nu?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tama siya sa hinala niya.

"Ikaw kuya ah, hindi ka na nagsasabi sa amin ni Autumn." Humalukipkip siya sabay simangot. "Atsaka ano pa nga bang aasahan namin mula sayo. Kapag ganyan ang mukha mo, si Kuya Trey naman palagi ang dahilan eh. Kahit nga hindi at kapag nagkukwento ka ay hindi nawawala ang pangalan ni Kuya Trey. Trey ka ng Trey. Siya na nga lagi ang bukambibig mo kahit pa nung kayo ni Ate Danica."

Hindi ako makaimik sa mga sinasabi ni Spring. Ganito din ako kapag tama ang sinasabi ng kaharap ko.

"Dati ko na 'tong napapansin Kuya eh. Hindi sa pagiging pakialamera pero kuya may gusto ka ba kay Kuya Trey?"

Nagulat ako. Ganyan din ang naging tanong ko sa sarili ko kagabi.

May gusto nga ba ako sa bestfriend ko?

Hindi ko ata kayang magkagusto sa kapwa ko lalaki. Kung iisipin pa lang, nakakaasiwa na pa'no pa kaya kapag totoń na? Pero bakit hindi ako makaramdam ng ganoon  kapag iisipin kung may gusto nga ako kay Trey?

"Wait Kuya, iri-rephase ko lang ang tanong ko. Ay! Papalitan pala. Ahm..." Sumeryoso ang mukha ng kapatid ko. "Mahal mo ba si Kuya Trey, Kuya?"

Doon na ako napatulala. Ang layo na sa isisipin ko iyon. Mahal ko si Trey pero bilang matalik na kaibigan lang. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Hindi na talaga ako nakaimik. Gusto kong ipaglaban ang sarili sa paratang ni Spring pero ayaw sumunod ng bibig ko. Hahayaan ko na lang ba na isipin nitong kapatid ko na mahal ko ang matalik kong kaibigan?

Ugh! Bakit parang ayaw kong tumutol? Ano bang nangyayari sa akin?

Dahil sa pagkakausap sa sarili hindi na ako nakapagsalita. Besides, I'm out of words.

"Aish Kuya! Hindi mo na ba talaga sasagutin ang tanong ko. Hmp! Hindi na rin kailangan dahil alam ko na ang sagot. Pero teka? Nakabihis ka. Sa'n punta mo? Kanila Kuya Trey nu?"

Napatango na lang ako bilang tugon.

Napaismid at napataas siya ng kilay. "Ano pa bang aasahan ko? Trey ka ng Trey eh."

Sumusobra na 'tong kapatid ko. Parang mas matanda pa siya kesa sakin.

"Bakit ganyan ka makapagsalita ha, Spring? Sino bang kuya mo rito? At bakit parang ang dami mo ng alam. Siguro may boyfriend ka na nu? Sino ang lalaking 'yan, Sabihin mo?" Seryosong tanong sa kanya na may halong pagbabanta.

"Wala akong pinangarap kundi si D.O lang ng EXO. Atsaka huwag mo ngang i-divert sa akin ang isyu dito. Bata  pa nga ako Kuya pero aware naman ako riyan. Ikaw na nasubukan na pero may pagkamanhid pa rin. Huwag mo na ngang i-deny 'yang nararamdaman mo dahil mahihirapan ka lang. Sige ka, marami pa namang nagkakagusto kay Kuya Trey. Si Kuya Rowin nga may gusto sa kanya eh. Alam mo ba panay ang tanong nun sa akin kung nabisita ba raw ang Kuya Trey dito." Si Rowin ay kapitbahay namin na kasing edad ko lang.

Gagong 'yon, may siya gusto kay Trey. Bakla ba siya? Hindi! Hindi siya pwedeng lumapit kay Trey. Basag-ulong klaseng tao siya. Hindi ako papayag na lapitan niya si Trey.

"Huwag mo na ngang kausapin ang lalaking 'yon. Hindi siya pwedeng lumapit kay Trey." Naiinis na bilin ko kay Spring.

Dahil sa sinabi ko napangisi ang kapatid ko. Problema niya?

"Ewan ko talaga sayo Kuya. Sige na umalis ka na at puntahan mo na ang Kuya Trey. Ikamusta mo na lang kami sa kanya." Bago pa man ako makapagsalita ay tinalukuran na ako ng kapatid ko. Tinawag ko pa ang pangalan niya pero hindi na nag-atubiling harapin ako.

"Bakit pakiramdam ko hindi ko siya kapatid. Baka sila ni Ate Ganda ang magkapatid. Parehong-pareho kasi sila kung magsalita eh." Wika ko sarili.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Spring. Iisipin ko na lang na hindi niya sinabi ang mga bagay na 'yon. Mas lalo lang akong maguguluhan.

Ang mabuti pa, aalis na lang ako. Susurpresahin ko si Trey. Wala akong sinabi sa kanya na pupunta ako sa kanila. Wala na rin kasi akong part-time job maliban sa pagmomodeling dahil si Mama na ang nagtatrabaho para samin. Hinanapan siya ni Papa ng magandang trabaho at malaking sahod.

Tinanggap ko na rin ang suporta ni Papa dahil na rin sa mga pamimilit nito, ni Mama at ni Trey. Isa pa gusto ko na ring makapagfocus sa pag-aaral at paglalaro.

Nag-alok din si Papa na papatayuan niya ako ng isang restaurant para raw maging training ko sa pagnenegosyo kahit pa nag-aaral ako. Pinag-iisipan ko pa ito dahil ang laki-laki na ng binibigay niya. Pero sabi niya, maliit pa raw 'yon kumpara sa mga taong sinayang niya, sa mga pagkukulang niya sa akin bilang ama.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit pupunta ako kina Trey. Maliban sa gusto ko siyang makita, hihingin ko rin sa kanya ang opinyon tungkol sa alok ni Papa. Kailangan ko ang opinyon niya para tuluya akong makapagdesisyon.

Ang saya-saya ko nang pumunta ng bahay nila lalo na nang makita ko siya. Kaso lahat ng iyon ay nawala nang sumulpot na lang bigla sa tabi niya si Ash.

"Hi bro!" Nakangiting bati nito sa akin na pagkuway inakbayan si Trey.

Awtomatikong kumulo ang dugo ko sa presensya niya at sa ginawa niya kay Trey. Tinitigan ko siya ng masama.

Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?

"Long time no see. How are you?" Tanong pa niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Matigas na tanong ko rin sa kanya.

"You should be the one asnwering." Bahagya siyang napatawa. "I'm here because I used to be here. Atsaka gusto kong makasama itong si Trey. Namiss ko 'to eh." Mas lalong lumala ang galit ko. Nakangiti pa siya habang tinitingnan si Trey.

Dahil hindi ko na makontrol ang sarili ay hinawakan ko na ang kamay ni Trey at mabilis na hinila papalapit sa akin.

Nagulat silang pareho sa ginawa ko. Itinago ko si Trey sa likod ko na ngayon ay hindi na makapagsalita. Nanlalamig din ang kamay niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak nito para hindi siya makawala.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin na huwag mong lapitan si Trey." Pinilit kong kontrolin ang sarili. Ayaw kong makasapak ng tao lalo na't sa kapatid ko pa.

Wala na ba siyang konsensya? Hindi ba niya alam kung anong ginawa niya kay Trey noon?

"Summer..." Pagtawag sa akin ni Trey. Hindi ko siya pinansin. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko.

"Wala naman akong ginagawang masama kay Trey. Besides, gusto kong makabawi sa kanya sa lahat ng mga ginawa ko dati."

"Hindi mo na kailangang gawin pa 'yon. Hindi na kailangan 'yon ni Trey." Galit pa rin ang boses ko.

"Why are you so mad at me? Bakit sa tuwing magkikita tayo ganyan ka? I always wanted to talk to you but you always refused. At 'yan nga galit ka na agad sa akin kahit wala pa akong ginagawa. Summer, mag-usap naman tayo. I wanted to know you. Gusto kong makilala ka dahil kapatid kita. Bakit ba ayaw mo akong tanggapin ha?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Napalitan ng lungkot ang kanyang mga matang kanina'y gulat sa ginawa ko.

Natanong ko bigla ang sarii. Bakit nga ba? Bakit hindi ko matanggap na kapatid ko siya. Alam ko kung bakit galit ako sa kanya. Siya 'yong legitimate child ni Papa pero bakit ako pa ang ayaw siyang tanggapin?

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Trey sa kamay ko. "S-Sum..."

Kung hindi lang ako nasa sitwasyong ito... Nevermind na nga lang. Basta gusto ko ang pagkakahawak namin ng kamay.

"Ayaw kong magkaroon tayo ng panget na relasyon bilang magkapatid. Please talk to me, and let me be a brother to you. Trey knew how much I wanted to have a brother."

Unti-unting nawawala ang galit ko at napapalitan ito ng konsensya. Ilang beses na rin akong gustong kausapin ni Ash pero hindi ko siya pinagbibigyan. Hindi ko pa kasi kaya eh. Galit pa rin ako sa kanya sa mga ginawa niya kay Trey. Kapatid ko man siya pero mas importante pa rin para sa 'kin ang bestfriend ko.

"Maari ko bang makausap muna si Trey sandali?" Naging mahinahon na ang boses ko.

"Y-Yeah sure. You all have the rights to talk to him. He's not my boyfriend anymore that you need to have a permission from me to talk to him. But I'm still hoping I was."

Hindi ko gustong magalit ulit sa kanya pero sa sinabi niya, muli akong nagalit pero bago pa kumawala ito ay hinila ko na si Trey paakyat ng kwarto nito.

Para siguradong kaming dalawa lang ang makakarinig, doon ko si Trey kakausapin. Ilang beses na rin naman akong nandito sa bahay nila. Nilock ko ang pinto para walang makapasok.

Hawak ko pa rin ang kamay ni Trey at ayaw ko pa ring bitawan kahit hinihila na niya ito.

"S-Summer ang kamay ko."

"Bakit nandito siya ha?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Gagamitin ko rin ang kamay niya sakaling magsinungaling siya sa akin.

Pero ano nga bang gagawin ko rito kapag nagsinungaling nga siya? Hindi ko naman siya kayang saktan. Ah basta hindi ko 'to bibitawan.

"Si Kuya ang nag-aya sa kanya rito. At sa tingin ko dito na siya every weekends just like before. Magbestfriend naman din sila ni Kuya."

Ewan ko kung bakit nangamba ako sa naging sagot ni Trey. Hindi ko naman pwedeng pigilan si Ash dahil kay Kuya Rence.

Nakapagdesyon na ako, palagi na akong pupunta rito o di kaya'y aayain ko si Trey na lumabas. Mas maganda rin na sa bahay na lang siya. Sasabihin ko na hinahanap siya ng mga kapatid ko. Ayaw kong nagkikita at nagkakausap sila nito.

"Sinasaktan ka ba niya?"

"No! Hindi niya gagawin 'yon. Patay siya kay Kuya pag nagkataon." Napayuko siya bigla. Mukhang naintimidate sa titig ko. Napakagat-labi pa siya.

"Mas lalong patay siya sa 'kin. Huwag na huwag ka lang niyang sasaktan dahil ako mismo ang makakalaban niya. Wala akong pakialam kahit magkapatid pa kami."

"Ash would never hurt me."

Nainis ako sa sinabi ni Trey.

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol ha?"

"No I'm not!" Mabilis na tanggi niya. "I-I'm just saying the truth."

"Hindi ka na sasaktan kung hindi na, basta huwag lang talaga. Walang pwedeng manakit sayo. Halika nga rito." Hinila ko siya at kinulong sa bisig ko. Isiniksik ko pa siya sa dibdib ko.

Si Trey lang ang gusto kong nakakayakap ng ganito. Ang gaan-gaan kasi sa pakiramdam. Kay Danica, hindi ko nararamdaman ang ganito rito.

"Bango ng buhok mo Trey. Naligo ka na ba?" Sa tanong kong iyon ay naitulak niya ako.

Na-concious marahil dahil hindi pa siya nakakaligo at nahihiya sa maaring maamoy ko sa kanya. Mabango naman siya kahit hindi pa. Maaga pa naman din kasi.

Napatawa na lang ako.

"Ah eh pwedeng lumabas ka muna Sum. Maliligo lang ako." Utos niya sa akin. Sa halip na sundin ay muli ko siyang niyakap at inamoy ng inamoy. Para talagang babae tapos ang kinis pa ng balat.

"S-Sum mmhhp... Ano ba! Ang baho-baho ko eh!" Reklamo niya habang sinusubukang makawala sa akin.

Dahil sa malakas ako, hindi niya makuhang makaalis. Dahil sa pagpupumiglas niya ay natumba kami sa kama. Nasa ilalam ko siya pero hindi ko siya bingyan ng bigat. Nakatukod din naman ang kamay ko sa magkabilang gilid.

Tawa ako ng tawa at napatigil nang makatitigan kami. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang mga mata niya. Pati ang labi niya. Mapula ito at hugis puso. Atsaka 'yong kutis sa mukha niya, ang kinis. No wonder na mapagkakamalan siyang babae. Ang ganda niya para sa isang lalaki.

"Ang ganda talaga ng asawa ko." Seryoso kong sabi.

Sunod-sunod ang pagkisap ng kanyang mga mata at namula rin ang pisngi niya.

Titig na titig ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pa'no kaya kung magkagusto ako sa kanya? Matatanggap ko ba?

Kung sakali, siguro oo. Kaya kung talikuran ang pagkakalaki ko para sa kanya. Para sa kanya lang.

Nawala ako sa pag-iisip nang hawakan niya ng isang kamay ang mukha ko at ang isa naman ay sa dibdib ko at mabilis akong tinulak.

"Umalis ka na nga Sum. Maliligo na ako. Ano bang ginagawa mo?"

Dumeretso siya sa cabinet niya at kumuha ng tuwalya at mga damit habang ako ang nahiga kang sa kanya at sinusundan ng titig ang ginagawa niya.

"Dito lang ako. Hihintayin kitang matapos. Hindi pa ako handa na makaharap si Ash. Atsaka hihingin ko pa ang opinyon mo kaya bilisan mo ng maligo."

Hindi makatingin si Trey at nakatagilid lamang siya. Medyo nasasanay na rin ako sa pagiging ganyan niya.

"Bumisita ka rin sa bahay. Hinahanap ka na mga anak natin. Hahaha. Miss ka na ni Winter."

Namumula na 'yan sa hiya.

"S-sige, sabihin mo na pupunta ako next Sunday."

"Aasahan ko 'yan ha. Huwag mong paasahin ang mga kapatid ko."

"Pupunta ako, promise. Miss ko na rin 'yon at ang kambal at si Tita."

"Bakit tita? Diba dapat Mama?"

Tama nga ako na namumula na si Trey nang tumingin siya sa akin ng pasulyap. Ang sarap talaga niyang asarin.

"Maliligo na ako."

Tumalikod na siya at pumasok ng banyo. Napatawa na lang ako. Kunti na lang iisipin kong may gusto na sa akin si Trey.

Pero kung magkakagusto nga siya sa akin, ano kayang magiging reaksyon ko?

Pero hindi naman malabong mangyari 'yon dahil gwapo naman ako, mabait at sweet pa. Baka nga nagkacush na siya sa akin.

Pero ano nga ba?

Siguro sasabihin ko na lang na hindi siya pwedeng magakagusto dahil ang magkakaibigan ay hindi dapat nagkakagustuhan. Awkward kaya ang ganun.

Pero kung ako ang magkakagusto? Pagsasabihan kaya ako ni Trey?

Napapraning na naman ako. Bakit ba ganito ako mag-isip? Hindi naman ako ganito dati.

Pero kung ganoon nga, titingnan ko ang mangyayari. Dahil kahit malaki ng parte ng utak ko ang nagsasabi na hindi dapat ako magkagusto kay Trey, nakikipagkumptensya pa rin ang maliit na parte na titingnan ko kung posibleng magkagusto ako sa kaibigan ko.

***

"Mamaya na tayo mag-usap. Nakakahiya sa kapatid mong nasa baba."

"Sa kanya may hiya ka pero sa akin wala?" Inis na wika ko. Katatapos lang na maligo ni Trey. Nakapagbihis na rin siya at nakapag-ayos. Hindi tuloy mapigil ng ilong ko ang amuyin siya. Okay lang kahit ilang beses na niya akong nahampas.

"Whatever Summer, talk to my finger. Geez!"

"Sungit naman nitong Misis ko. Halikan kita diyan eh."

"Subukan mo lang--- Kyaaaah! Summer!"

"Sabi mo subukan?" Nakangising sabi ko matapos halikan ang pisngi niya.

"Why did you do that?" Hysterical na wika niya.

"Because you said so? English ka ng english! Nakakarindi!"

"I hate you!"

"Asus, alam ko naman na gustong-gusto mo 'yon. Gusto mo pa ba ng isa?"

Tinapunan ako ng unan ni Trey na matagumpay ko namang nailagan. Tawa lang ako ng tawa. Ang sarap talaga niyang asarin.

Bago pa man siya makapagsalita o baka sigawan ay may kumatok na sa pinto.

"Bebe, Pogi? Okay lang ba kayo diyan? Nakarinig ako ng sigaw? May nangyari ba? O di kaya'y... Sus Maryusep! May ginagawa ba kayong kababalagahan?!"

Sa sinabing iyon ni Ate Ganda ay mabilis na binuksan ni Trey ang pinto. Muntik pang mapasubsob si Ate Ganda. Sa likod nito ay naroon si Ash at tahimik lang na nakatingin sa amin.

"Wala kaming ginagawa Ate promise." Depensa ni Trey.

"Defensive naman ng Bebe ko." Natatawang tugon ni Ate Ganda. "Hali na nga kayo at bumaba, kakain na tayo."

Bago tumalikod si Ate ay kinurot muna nito sa puwet si Trey. Napasigaw si Trey sa sakit. Natawa lang ako sa naging reaksyon niya.

"Let's go Trey. Baba na tayo." Aya sa kanya ni Ash. Tiningnan ako nito. "Bro." Tumango lang ako bilang tugon. Tumalikod na ito at bumaba na rin.

"Halika na Sum. Baba na tayo." Tawag sa akin ni Trey. Lumapit na ako sa kanya at inakbayan siya. Napadaing naman ako nang kurutin niya ang gilid ko.

"That's for my revenge."

Napatawa lang ako sabay gulo ng kanyang basang buhok.

"Stop messing my hair. Kaaayos ko lang niyan eh."

Mas lalo ko lang itong ginulo. Tumigil lang ako ng suntukin niya ako sa tiyan. Medyo masakit pero kasalanan ko rin naman.

Pagkababa namin ay sumunod naman ang Kuya ni Trey at ang girlfriend nito. Nagulat pa ang mga ito ng makita ako.

Binati ako ni Kuya Rence at ganon na rin si Yura. Napakaganda talaga nito at mabait pa. Swerte talaga si Kuya Rence dito.

Pagkatapos magdasal ay kumain na rin kami. Ang sarap ng niluto ni Ate Ganda.

Ako ang topic sa usapan. Ako ang palaging tinatanong ng kung anu-ano. Ang magnobyo ang may pinakaraming tanong. Si Ash nakakapagtanong din na hindi ko namamalayan. Nakita ko na natutuwa siya kapag sinasagot ko ang mga tanong niya.

Kailan kaya titigil ang pakikitungo ko ng ganito sa kanya? Naging mabait naman siya sa 'kin at nakikita ko iyon. Baka panahon na rin na pagbigyan ko siya. Pero huwag na muna ngayong araw. Si Trey ang gusto kong makausap at makasama.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam kami ni Trey na aakyat ng kwarto dahil may pag-uusapan kami. Sinabihan ko na rin si Ash na next time na lang kami mag-uusap. Tumawag lang daw ako anytime at gagawa siya ng paraan sakali mang busy siya. Nakita ko na hindi na maalis ang ngiti sa mukha niya lalo na nang magpalitan kami ng number.

Dahil doon, nakonsensya akong muli but at the same time, nakaramdam ako ng saya. Parang gusto ko na rin siyang tawaging kuya.

Umalis na rin siya dahil tumawag ang kanyang Tito sa kanya na gusto siya nitong makausap.

"Talaga? Wow! Magiging owner ka na ng isang restaurant. That's amazing!" Natutuwang wika ni Trey matapos sabihin sa kanya ang naging alok ng Papa.

"Pinag-iisipan ko pa nga lang eh. Pero ano sa tingin mo Trey. Tatanggapin ko ba?"

"My God Summer! Syempre tatanggapin mo. Restaurant na 'yon. Iba talaga si Tito Fred. Kung ako 'yon, hindi na ako magdadalawang isip pa. Gusto kong magkaroon din ako ng restaurant balang araw."

"Kung 'yan ang gusto mo, sige tatanggapin ko na ang alok ni Papa."

"The heck! Bakit kailangan mo pang hingin ang opinyon ko? Ikaw ang papatayuan Summer, hindi ako."

"Eh ikaw ang gusto kong hingin ng opinyon eh. Si Mama kasi sabi niya nakadepende na sa akin kaya ikaw na lang ang tinanong ko. Alam mo naman na ayaw kong tumanggap ng kung ano galing kay Papa. Kung hindi niyo lang ako pinipilit, hindi sana ako tumatanggap ng kung ano mula sa kanya."

"Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na Papa mo 'yon at walang masama kung tumanggap ka galing sa kanya. Hindi ka naman nanghihingi diba? O kahit manghingi ka ay hindi pa rin iyon masama."

"Oo na. Oo na. Basta sabi mo okay lang na tanggapin ang alok ni Papa kaya tatanggapin ko na."

Ningitian ko siya ng malapad lalo na nang napahalukipkip siya.

"So 'yan lang pala ang pinunta mo rito?"

"Kanina ko pa nararamdaman na parang ayaw mo na nandito ako." Bigla akong napasimangot.

"Ikaw naman kasi eh. Hindi ka nagsasabi. Hindi man lang ako nakapagprepare kanina."

Conscious talaga to sa katawan kahit kailan.

"Hindi nga kasi mabaho eh. Ang bango-bango mo kaya parati Trey. Gustong-gusto ko nga ang amoy mo eh. Paamoy nga ulit." Napatakbo siya nang subukan kong lumapit sa kanya.

"Don't me Summer ha. Makakatikim ka talaga sa'kin!" Banta niya. Napangisi ako.

"Talaga Misis ko, matitikman kita?"

Binigyan niya ako ng masamang tingin kasabay ang paglapit niya sa 'kin at pagsuntok sa tiyan ko. Hindi ko iyon napaghandaan. Takte! Mas masakit 'to ngayon.

"Sorry na. Sorry na hindi na po mauulit." Malakas man ako kay Trey pero hindi ko siya lalabanan ng pisikal.

"Talagang hindi na mauulit kung ayaw mong mas malala pa riyan ang aabutin mo."

"Opo. Hindi na po."

"So ano pang gagawin mo rito?"

Tama siya. Ano pa nga bang gagawin ko rito?

"Wala. Hindi ko alam. Ayaw ko rin namang lumabas. Dito na lang ako sa kwarto mo. Gusto rin kasi kitang makita ngayon kaya nandito ako. Mamayang hapon simba tayo ah."

"S-Sige."

"Ano kaya magandang gawin? Ah! Nood na lang tayo ng pelikula." Suhestyon ko.

"Good idea. Wait, nanood ka ba ng Korean series?"

"Hindi." Sagot ko. Kahit kailan ang hilig niya sa mga Koreanobg 'yan. Di hamak na mas gwapo naman ako sa mga yun.

"Gusto mo bang manood? Maganda 'yong nadownload ko. K2 'yong title. Action movie siya pero may kunting Romance. Atsaka si Ji Shang Wook 'yong bida. Ang gwapo-gwapo niya at crush ko siya."

"Huwag na 'yon. Ayokong manood ng ganun."

"Maganda 'yon eh. Sabi mo mahilig ka sa mga Action Movies?"

"Eh crush mo 'yong sinasabi mong bida. Iba na lang, 'yong hindi mo crush." Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Baka kasi kapag nakita niya eh kikiligin siya. Naiinis akong tignan kapag ganun siya.

"Nasan na ba ang laptop mo? Ako na lang ang maghahanap."

Tinuro niya kung saan ito nakalagay. Sa ilalim ng drawer. Kinuha ko ito at in-open. Alam ko ang password kaya nabuksan ko ito. Itinuro ni Trey kung saan nakasave ang mga series.

Nang makita ko 'yong K2, babae ang nakafeature sa video at napakaganda nito.

Kahit crush ni Trey ang lalaki, crush ko naman ang babae.

"Sige K2 na lang Trey, maganda rin naman pala ang babae."

Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya. "Sige huwag na lang 'yan. Iba na lang."

"Hindi. Ito na. Mukhang maganda naman."

"Hindi! 'Yong Moon Lovers na lang. Mas maganda 'yon. Huwag na 'yang K2."

"Kainina gustong-gusto mong panoorin. Tapos ngayon, ayaw mo na? Sinabi ko lang na maganda 'yong babae eh. Nagseselos ka ba Misis ko?"

"Hindi ako nagseselos! Eh kasi... kasi sabi mo kanina, ayaw mo nun."

"Eh gusto ko na kaya panoorin na natin."

Napaiwas siya ng tingin. "Okay, fine."

Napangiti na lang ako. Dahil may carpet dito sa kwarto niya ay doon kami naupo habang ang laptop ay nakapatong sa kama.

Nag-umpisa na kaming manood. Pero bago 'yon ay bumaba muna si Trey dahil kumuha siya ng snacks.

Tama nga si Trey, maganda nga 'yong series lalo na ang simula ng episode 1.

Tahimik lang kaming nanonood habang nakaupo sa carpet at kumakian. Naubos ang kinakain ng sumunod ang isang episode. Ang tagal palang matapos dahil tig-iisang oras pala kada isa.

Nung mag four ay tumigil kami dahil tinawag kami ni Ate Ganda na kumain. Nagpatuloy kami sa panood pagkatapos. Mga 2:00 PM ay nakaramdam na ako ng pagkabagot pero si Trey tutok na tutok pa rin sa pinapanood. Medyo sumasakit na rin ang likod ko.

Hindi napansin ni Trey na umusog ako papunta sa likod niya. Inamoy ko muna ang buhok niya bago ko siya niyakap mula sa likuran niya.

Napasinghap siya sa ginawa ko. Alam kong nagulat siya. "S-Summer."

"Hayaan mo lang ako please. Gusto lang kitang yakapin habang nanonood." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at pinatong ko pa ang baba ko sa balikat niya. Ang bango-bango talaga.

"Sige na please. Pagbigyan mo na ako."

Hindi siya tumugon. Iko-consider ko itong yes.

Gustong-gusto ko talaga na madikit ang balat ko sa balat niya. 'Yung madama ang init ng katawan niya. Ang langhapin ang amoy niya at higit sa lahat ang mahagkan ang katawan niya ng ganito kahigpit.

Sana tumagal pa 'to. Pakiramdam ko nga ayaw ko ng matapos ang ganitong posisyon naming dalawa.

Kung ito mang mga ginagawa ko kay Trey ay nagpapakita ng kagustuhan sa kanya ay tatanggapin ko.

Bahala na kung anong magiging kalabasan nito. Ayaw ko na ring guluhin pa ang isip ko. Basta isa lang ang nasisigurado ko ngayon.

Nagsisimula na akong magkagusto kay Trey. Nagsisimula na akong magustuhan ang bestfriend ko.
  

***

Continue Reading

You'll Also Like

93.9K 1.5K 15
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
1.5M 47K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...
1.6M 71.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
70K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...