Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

119M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 136

887K 34.7K 18.9K
By eatmore2behappy

Falling In Love

Jay-jay's POV

"WHERE HAVE YOU BEEN?!" Galit na bungad sakin ni Keifer habang naka-cross arm.

Kamot batok ako'ng tumingin sa ibang direksyon. "...L-late na ko nagising."

"Sabi ni Ci-N, may pinuntahan ka daw." Sabi ni Yuri.

Agad kong hinanap ang bata'ng kumag. Luko'ng yun! Sinabi ng sabihin na nalate ako ng gising.

"M-meron nga... K-kaya nga ang tagal ko diba?" Palusot ko.

Pero masama pa rin ang tingin sakin ni Keifer. Nakayuko ako'ng dumaan sa harap nya.

"Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo?" Maotoridad nya'ng tanung.

"K-kasi... Anu... Alam kong ikaw yung tumatawag." Sagot ko at agad na tumakbo palayo sa kanya.

Hehehe.. Ang bad ko ba!

"Pwede next time, sabihin mo agad samin. Nag-aalala kami sayo. Panu kung maulit yung insidente sa inyo ni Rory?" Nag-aalala lang sabi ni Yuri.

Napayuko nalang ako. "S-sorry... Promise! Next time." Sabi ko sabay taas ng isang kamay.

"Wooohhh... Promise! Promise! Hindi yan matutupad." Pang-aasar ni Eren kaya tinignan ko sya ng masama.

"Promise are meant to be broken." Gatong ni Ci-N.

Aba!

Pagtulungan daw ba ko. Mga impakto'ng to!

"Pero saan ka talaga galing Jay?" Tanung ni Kit.

"*Ubo*...A-anu... Dyan lang..." Pabulong kong sagot.

Hindi ko masabi ng maayos. Hindi ko alam kung anu'ng lugar yung sasabihin ko.

"Anu?" Tanung nila.

"Anuuuu... Dyaaannn... Saaaa..." Mahaba kong sagot at hinintay naman nila yung sasabihin ko.

"Kung ayaw mong sabihin... edi wag!" Galit na sabi ni Keifer at dumiretso sa upuan nya.

Hinayaan nalang din ako ng iba at naupo na sila. Sakto naman at dating ng sunod naming teacher.

Habang nagkaklase, hindi ko maiwasan na hindi tignan si Edrix. Naalala ko kasi yung sinabi ni Kiko sakin. Muka'ng na-inlove sya sa maling tao.

Pero anu kaya'ng nangyari sa kanya at napunta sya sa tatlo na to?!

Meron nga pala'ng sinabi sakin si Rakki dati. Yung may something daw kay Aries at Freya dati. Hindi kaya yun yung sinasabi ni Kiko?

Wala ako'ng pwedeng sabihin kay Edrix. Wala din naman kasi ako'ng balak tulungan sya. Hindi sa naninira ako o anu pa man. Pero ayoko si Freya para sa kanya.

Alam kong mapang-husga yung dating pero kasi... Hindi pa ko sigurado sa totoong nangyari sa kanya at sa pagitan nung tatlo. Baka mamaya, masaktan lang sya ulit.

Natapos ang subject namin ng ganun-ganun nalang. Kasi naman, mahirap makinig sa klase ng maraming iniisip.

"Jay-jay..." Tawag sakin ni Eren.

Tinignan ko sya at sinesenyasan nya ko'ng lumabas ng room. Sumunod naman ako sa kanya. Pagdating sa labas, akala ko may kailangan sya pero hinatak nya ko papunta sa hagdan.

"A-anu tayo?" Tanung ko sa kanya.

"Si Mayo kasi..." Sabi nya at tumingin sa pinto ng room namin sandali. "...Kinukulit nya ko. Nakiki-usap na tulungan ko sya kay Kit."

"Edi tulungan mo..." Bored kong sagot.

Yun na nga lang kasi, iistorbuhin pa ko.

"Hindi pwede... Binantaan ako ni Kit. Kapag daw nakialam ako sa kanila ni Mayo, isusumbong nya ko sa MGA girlfriend ko. Kaya sana..." Hinintay kong ituloy nya ang sasabihin nya. "...Ikaw na kumausap sa kanila."

Ako talaga?

"Parang ayoko." Mabilis kong sagot. "...Hindi ko din naman alam sasabihin sa kanila."

"Kahit anu lang... Mag-usap sila ng maayos. Yung tipong, mapaka-lalaki sila."

Napangiwi ako. Hindi bastos tong sira-ulo na to.

"Sasabihan ko sila na magpaka-lalaki?! Sa sitwasyon nila?!" Inis na tanung ko sa kanya.

Napahimas sya ng batok sabay pilit ng ngiti.

"Oo nga no? Mali pala."

Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Parang mas maganda nga na ako nalang yung kumausap. Mahirap kung eto'ng Eren na to yung magsasalita.

"Sige... Ako nalang kakausap."

Napapalakpak naman sya sa tuwa. Sa takot masumbong sa mga girlfriend, ako tong binulabog nya. Tsk!

Pasalamat sya, nag-aalala din ako dun sa dalawa. Ang hirap kasi ng sitwasyon nila. Pareho sila'ng hindi makakilos ng maayos.

Bumalik na kami sa room, natatanaw ko na kasi yung sunod naming teacher. Habang nagkaklase, nakikita ko si Mayo na tumitingin kay Kit pero eto nama'ng isa patay malisya.

Hay...

Natapos ang klase. Lunch na! Pero de-lata pa rin ang ulam namin. Hindi pa rin kasi nagbibigayan. Kaya hindi pa rin makabili si Eman.

"Gusto ko may sabaw..." Dinig kong bulong ni Ci-N habang tinitignan ang pagkain nya. "...Sinigang o kaya nilaga."

"Next time, baka sa weekend mag-grocery na kami ni Eman." Sabi ko.

Kasama kasi ako kapag namimili sya. Dahil pangako ko sa kanya dati para ipagluto nya tong mga to.

"Jay-jay..." Tawag ni Ci-N. "...Anu nangyari sa lakad mo?" Bulong nya sakin.

Nilapit ko yung muka ko sa kanya. "Ayos naman... Ang layo pala nung Benedict Hospital, pero ang ganda ng lugar."

"Yayamanin kasi mga naka-confine dun." Sagot nya sakin.

Nag-nod naman ako. Halata nga, muka ngang pribado yung lugar.

"Eh si Kiko? Kamusta?" Tanung ulit nya.

Inis ko sya'ng tinignan. "Kina-kamusta mo yung binanatan nyo?" Sarcastic na tanung ko.

Kamot batok naman sya habang naka-pout. "Nagtatanung lang."

"Hindi maganda yung itsura, pilay at hindi maka-kilos ng maayos."

"Ahh... Sayang..." Dinig kong bulong nya.

Anu'ng sayang?! Lukong to!

Agad ko'ng hinatak ang tenga nya. "Anu'ng sayang?!"

"Aahh... J-jay! M-masakit! Aw!"

"May binubulong ka!"

"H-hindi ganun y-yun!"

Binitawan ko sya. Mangiyak-ngiyak naman sya habang hinihimas yun at masama ang tingin sakin.

"Pabulong-bulong kapa eh." Inis na sabi ko sa kanya.

"Sumbong kita kay Keifer jan eh." Banta nya habang ginagaya ang tono ko.

Pinandilatan ko sya ng mata. Kala naman nya matatakot ako sa banta nya. Ako pa tinakot nya.

"KeiferSiJay-jayNagmumura!" Mabilis nya'ng sabi na halos hindi ko maintindihan pero agad ko pari'ng tinakpan ang bibig nya.

"Anu daw?" Tanung ni Felix.

Napatingin ako sa kanila. Karamihan sa kanila samin na nakatingin. Bwisit!

"Anu daw sabi ni Ci-N?" Tanung ni Rory.

Nagpilit ako ng ngiti. "W-wala lang yun. Nagkakasatan lang kami nito." Sabi ko .

"But he called my name." Sabi ni Keifer.

Umiling ako. "Wala yun."

"Ci-N." Tawag ni Yuri kay Ci-N pero hindi sya makasagot dahil sa kamay kong nakatakip sa bibig nya.

"Hhmmm.. hmmm... Hmmm..." Sabi nya.

"Ha? Anu? Gusto mo'ng lumabas?" Sabi ko at kuwaring nilapit ang tenga sa bibig ni Ci-N.

"Hmmm... Hmmmmmmmmm..."

"Tara na! Lalabas pala eh! Tara! Tara!" Sabi ko at agad hinatak si Ci palabas habang nakatakip pa rin ang bibig.

Pagdating sa labas, binitawan ko sya.

"Wala naman ako'ng sinabi na lalabas ah?" Sabi ni Ci habang nagkakamot ng batok.

"Impakto ka kasi! Ipapahamak mo pa ko." Inis na sabi ko sa kanya.

Naglakad ako bahagya palayo sa kanya. Sumunod naman sya sakin. Hindi na ko na natapos yung pagkain ko dahil sa kanya.

And speaking of pagkain. Nakita ko si Josh na may pinakain na pusa'ng itim. Lumapit ako sa kanya at kinalabit sya.

"Pagkain mo yan ah? Bakit pinakain mo na sa pusa?" Tanung ko at naupo sa tabi nya.

Lumapit naman si Ci-N sa pusa at pinagmasdan yun habang kumakain.

"Hindi naman ako gutom, kaya binigay ko nalang sa kanya." Sagot nya sakin.

Pinagmasdan namin pareho yung pusa na kasalukuyang sinusundot ni Ci-N.

"Hindi ko gagawin yan kung ako sayo." Sabi ni Josh kay Ci-N.

"Bakit?" Tanung ko.

Ngumiti lang sya sakin bilang sagot. And weird talaga nitong si Josh. Minsan makikita ko sya'ng nakatingin sakin tapos ngingiti.

Minsan lang din sya magsalita. Nangungulit din naman sya kagaya ng iba pero mas madalas yung tahimik.

"Ang takaw mo naman Edy." Sabi ni Ci-N sa pusa.

Taka kaming napatingin ni Josh sa kanya.

"Sino'ng tinatawag mong Edy?" Tanung ni Josh sa kanya.

"Eto'ng pusa."

"Wala sya'ng pangalan. Wag mo nga sya'ng tawagi'ng Edy "

Tinignan ko yung pusa na patuloy pa rin sa pagkain. Kahit kulay itim, pansin ko pa rin yung dumi sa katawan nya.

Pusakal ito!

"Saan mo naman nakuha yung Edy?" Tanung ko kay Ci-N.

"Sa kulay nya... Sya yung nasa commercial ng Eveready battery. Kaya Edy." Paliwanag nya at ngumiti.

Oo nga no! Itim na pusa nga pala yung pinapakita dun. Talino nito'ng bata na to.

"Hindi pwede! Wag mo sya'ng tatawaging Edy!" Inis na sabi ni Josh.

"May ipinangalan ka naba sa kanya?" Tanung ko.

Umiling sya sakin. Bigla'ng lumapit samin yung pusa---Edy daw ang pangalan. Ikiniskis nya yung katawan nya sa binti ko.

Naubos na yung pagkain nya kaya lumapit na sya samin. Tumayo si Ci-N at dali-dali'ng tumakbo papasok sa room. Muka'ng kukuha pa sya ng pagkain para kay Edy.

"Kilala mo na pala sila ngayon." Biglang sabi ni Josh habang hinihimas yung pusa.

"Ha?"

"Yung nakita mo nung gabi ng festival."

Si Mayo at Kit.

"Hmmm... Oo." Pabulong kong sagot at nilaro si Edy.

"Ngayo'ng alam mo na, anu'ng balak mo?"

Napa-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam yung isasagot ko. Kasi hindi ko din naman alam kung panu sila tutulungan.

"Hayaan mo nalang sana sila. Baka magalit si Keifer kapag nalaman nya'ng may relasyon yung dalawa." Sabi nya at tumingin sakin. "...Hindi mo pa sya nakikita'ng magalit."

Anu bang.... Bakit ba parang kinokontra nya ko? Para bang meron sya'ng gustong sabihin na hindi ko maintindihan.

"Anu ba'ng gusto mong iparating?" Tanung ko sa kanya.

"Kaibigan ko si Mayo at Kit... Mas mabuti kung ititigil na nila tong kahibangan na to. Sila lang din ang kawawa." Sabi nya.

Ramdam ko yung pag-aalala nya sa kaibigan nya pero bakit kailangan nya'ng pigilan na magka-ayos yung dalawa.

Bigla kong naalala si Ella sa kanya. Ganyang-ganyan din kasi nya ko kinausap noon, para pigilan si Mica at Calix.

"Edy! Eto na pagkain!" Dinig kong sigaw ni Ci-N habang tumatakbo palapit samin.

Nag-iwasan kami ng tingin ni Josh. Buti nalang aligaga si Ci-N na pakainin yung pusa. Baka kasi mapansin nya'ng may hindi maganda'ng nangyayari sa pagitan namin nitong isa.

Habang kumakain panay sinusundot ni Ci-N yung ulo ng pusa. Hangang sa...

Putik! Ayan na!

"Aaaggghhhh!!! Kinagat ako!" Sigaw nya at habang hinahatak ang kamay palayo sa ngipin ng pusa.

Pero mukang galit na galit sa kanya yung pusa. Diniinan pa nito yung kagat sa daliri nya.

"Sinabi ko na sayo'ng wag mong gawin yan!" Inis na sabi ni Josh.

"Argh! Alisin mo si Edy!" Sigaw ko kay Josh habang tinutulak sya.

"Hindi nga Edy ang pangalan nya!"

Talaga'ng nakipag-talo pa sya sa pangalan.

"ALISIN MO NA!" Sigaw ko.

"Jay! Masakit!" Sigaw ni Ci-N habang umiiyak.

Hinawakan ni Josh yung pusa. Hinimas nya yun dahilan para bitiwan nito ang pagkaka-kagat kay Ci-N.

"May dugo!" Sigaw ko habang nakaturo sa daliri nya.

"Mamamatay na ko! Rabis!"

"Wag ka ngang OA!" Sigaw ni Josh sa kanya.

"What the hell?! What is going on here?!" Galit na tanung ng kung sino.

Napatingin ako sa kanya at dun ko lang napansin na naglabasan na pala mula sa room ang mga luko.

"Anu'ng nangyari kay Ci-N?" Nag-aalalang tanung ni Yuri.

"Kinagat ng pusa." Sagot ko.

"Baka ma-rabis yan! Dalin na natin sa ospital!" Sabi nila.

Hala! Lagot!

Lalung naiyak si Ci sa sinabi nila.

"Ayoko ng injection."





   ++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++  

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
4.9M 99.8K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
22.9M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
371K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.