Boyfriend Corp. Book 2 : Afte...

By iamKitin

23.3M 463K 202K

PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfr... More

Boyfriend Corp. 2
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight part 2
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Author's Note
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Last Chapter
Random Questions (UPDATED)
PUBLISHED UNDER POP FICTION

Chapter 32

309K 7.1K 1.9K
By iamKitin

To Ms. AdorableA, thank you. Since book 1, napansin na agad kita. Thank you kung nadelay ang dedic. Alam kong hiindi ako madalas magreply sa comments mo pero gustoo kong malaman mo na nagpapasalamat ako. <33333 Hashtag cheesy :3

Chapter 32


"Who are you?"

Pero hindi ako makapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan ko noong nakita ko ang mga tingin niya. Gusto kong umiwas at tumungo pero hindi ko magawa dahil sa takot at hiya.

"Do you like Lance?"

Kita ko sa mga mata niya na inaasahan niya akong tumanggi, na maging tama sa gusto niyang marinig ang isasagot ko. Natatakot ako pero hindi ako makatanggi. I can't deny that fact.

"Hindi ako ang nakakita ng picture na 'to." Ibinaba niya sa table ang phone ni Gatorade. Pinanood niya sa labas ng restaurant ang mga naglalakad na estudyante sa daan. "Si Andrei. Pinaglalaruan niya ang phone ni Lance at nakita 'to. He even called you Gab. Sabi niya: Mama, Gab! Tingnan mo, oh!"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Andrei sa kanya. Gusto niyang maramdaman ko ang pagkagulo ng utak niya.

"Sino ka?"

Gusto kong malaman kung paano niya ako natagpuan. Gusto kong malaman kung paano niya nalaman na ako talaga yun. Gusto kong malaman kung bakit ganun si Andrei. Pero mas gusto kong malaman kung anong dapat isagot ko sa mga sagot niya.

Kung sasabihin ko sa kanya lahat ngayon, anong laban ko sa isang tulad niya? Kung aaminin ko na gusto ko si Gatorade, may mangyayari bang tama? Kasi kung tutuusin iisa akong sabit sa isang nagbubuo ng magandang pamilya.

Sabit lang.

"Gab." Naalarma ako nang banggitin niya ang pangalan ko. A hint of pleading from her voice. "You're his ex-client, right? Nakita kita sa party. Naririnig ko rin ang pangalan mo mula kay Lorenzo. Close ka rink ay Alyanna at sa anak ko." Nanlamid ang buong kamay ko sa sunod niyang sinabi. "Katulad ka rin ba ni Nikki? Is this your way of taking Lance away from me and to destroy our family?"

"Hindi." Mabilis akong umiling.

"Nakakapagsalita ka." Mapait siyang ngumiti.

Nahiya ako dahil kanina pa siyang tanong ng tanong pero ngayon lang ako sumagot.

"Tama ka. Ako si Gab. And I know it's not nice to mee me."

Nagulat siya sa sinabi ko pero nawala ang atensyon niya nang tumunog na naman ang phone ko. Tumatawag na naman si Gatorade. Ni-reject ko ang tawag dahil alam kong ayon ang gustong gawin ko ni Lovely.

"Tama ka rin, ex client nga ako ni Lance. Pero hindi ako katulad ni Nikki."

"But you like him." Malumanay ang boses niya pero rinig mo ang disappointment s boses niya. "Boyfriend ko siya."

"Alam ko."

"At ama siya ng anak ko."

Nasasakal ako sa mga narirnig ko. Kusang tumigil ang sarili ko sa paghinga at para bang inuubusan ng dugo ang kamay at katawan ko.

Alam ko.

At alam kong mali 'to.

Kaya ako nasasaktan.

"Nagmamakaawa ako sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Wag ang pamilya ko."

Dahan dahang nanlabo ang paningin ko. Pamilya nila. Oo, tanggap ng utak ko na may totoong girlfriend si Gatorade. Alam ko rin na anak niya si Andrei... pero ang sakit marinig 'yun mula sa kanya.

Ang hirap tanggapin kahit ipagsisikan ko sa utak ko ang mga sinabi niya.

I know it's unfair. Nagkaroon kami ng isang pseudo relationship ni Gatorade. Nagtago kami pareho pero unfair din para sa'kin.

"I'm begging you."

But it's unfair...

"Marami pang iba dyan. Please, wag si Lance."

Nagaalinlangan na tiningnan ko siya sa mata. Nakita ko ang takot at sakit nang makita ko siyang magmakaawa.

"Please, Gab."

*****

"Asan ka? Hindi ba sinabi ko sa'yo na maaga tayong aalis?"

"Sorry, Ma." Narinig ko rin si Papa sa kabilang linya. Nagmamakaawa kay Mama na huwag magalit sa'kin. "Hahabol nalang po ako bukas ng umaga."

"Pero sana nagsabi siya agad!" Napapikit ako, sinubukang alisin sa tenga ko ang narinig ko kay Mama. Alam kong mali ako pero wala ako sa mood ngayon.

Nagulat ako nung nag-iba ang boses sa kabilang linya.

"I understand that something came up but as a parent, we still deserve an explanation para hindi kami nag-aalala."] naagaw na ni Papa ang phone. I sighed. Kahit kay papa, ayoko munang makipagusap.

"Sorry, Pa."

"Do you want me to pick you up?"

"I don't know."

"Princess..."

Napapikit ako. Alam ko ang tono ng boses ni Papa ngayon. Alam niyang may problema ako. Alam niyang may nangyare sa akin ngayon pero ayaw niyang sabihin dahill katabi niya si Mama. Alam ko ang ibig sabihin niya. Na he's there for me and ready to listen. Ready na bigyan ako ng isang bear hug at halikan ako sa pisngi para icomfort ako.

"I'm really sorry Pa."

"Wait for me, okay?"

I nodded as if he can see me. I'll wait, Papa. I'll wait.

Biglang pumasok si bebs sa kwarto ko. Tinabihan niya ako sa kama.

"Hindi ako magtatanong but I want you to know that I'm here."

Tumango ako. Niyakap ako ni bebs at hinayaan ko lang siya.

"Bebs, paano mo nalaman na okay ka na?"

"Noong ngumiti na ako matapos ko siyang makita kahit masakit at alam kong may feelings pa rin ako sa kanya." Natawa niyang sinabi sa'kin 'yon. "Kadiri no? Alam kong ayaw mo ng mga cheesy na bagay."

Naiingit ako sa kanya dahil hindi siya takot ipakita ang nararamdaman niya at nasasabi niya lahat ng gusto niyang sabihin. Hindi siya takot magkamali at magtake risk. Hindi siya takot masaktan.

Kasi ako laging may pagdududa, makasarili pa. Duwag.

"Bebs," nagulat ako nang biglang punasan ni bebs ang mga luha ko.

Masyado akong umasa sa mga taong nasa paligid ko. I didn't fight for anyone. Ni kahit ipagsigawan kong mahal ko ang isang tao, hindi ko magawa. Gusto kong pagdudahan ang sarili ko kung bakit may Russ at Gatorade. Kung bakit andito pa rin si bebs sa tabi ko. Kung bakit puro problema nalang ang naoopen ko kayna Aly at Matt.

I'm a big pain in the ass.

Lumabas ang lahat ng mga natatakot na luha kanina nang kausap ko si Lovely. Lumabas ang takot noong sinabi niya na sinisira ko ang pamilya niya.

"Bakit ang daya daya, bebs?" iyak ko sa kanya nang yakapin niya ako. "Wala naman akong planong magmahal na kahit sino. Satisfied na ako sa inyo nina Mama at Papa. Pero bakit ang unfair?"

Hinigpitan niya ang yakap sa'kin.

"Hindi deserve ni Russ na masaktan ng ganito. Puro sakit nalang ang pinaramdam ko sa kanya. Walang dahilan para hintayin niya ako ng walong taon, walang dahilan para mahalin niya ako.

Kahit si Gatorade, dapat hindi nalang ako namilit. Dapat tumigil na ako noon pa. Andyan sina Lovely at Andrei at hindi dapat sila masira dahil sa'kin. Wala dapat nasasaktan."

I tried to recall everything.

I only caused pain.

"I can't stop myself to cause pain. I am unfair."

"Gusto mo bang malaman kung bakit masakit?" bumitaw si bebs at tumingin sa'kin. "Gusto mo bang malaman kung bakit masakit?"

Tinuro niya ang dibdib ko.

"Kasi nakakaramdam ka. Kasi may puso ka." sabi niya. "Gusto mong malaman kung bakit magulo?"

Tinuro niya ang noo ko.

"Kasi may utak ka. Gusto mong malaman kung bakit ayaw mong tumigil?" Pinunasan niya ang pisngi ko. "Kasi kahit nagkakagulo ang utak at puso mo, nag-aagree sila pareho na mahal mo siya."

...na mahal ko siya.

"A love without pain is not love." ngumiti si bebs at tumango, "Oo bebs, nagmamahal ka."

Ngumiti ako sa kanya at huminga ng malalim. "Sabi mo eh."

"Aw, stop crying bebs okay?" I made face nung hinalkan niya ako sa pisngi. "Ewwy cheesy and mushy me."

"Yes, ewwy." nailing kong agree sa kanya.

"Hm, but bebs can I ruin the moment?"

"Ha?"

"Please?" Nag--amen pa siya sa harap ko at nagpuppy eyed ng mabilis. Tumayo siya sa kama at biglang nagtatalon, "Ohmydee, bebs is a girl! Dalaga na po si Alexa Gabrielle Delos Reyes! Ang that's my tomboy ng Batangas City!"

"Wha..." What the hell.

Gusto ko sana siyang sawayin pero meh, let her ruin the moment. Pinunasan ko ang pisngi ko at kinuha si Laelle na nahihilo sa kama dahil sa pagtatalon ni bebs.

"Thank you bebs." bulong ko.


Continue Reading

You'll Also Like

100K 4K 36
[MR. COLD VS. MR. PERFECT's BOOK 2] Expect more twists and turns. Kilig and heartbreaks. Will it be a happy ending this time? And with whom? Let's fi...
15M 193K 86
Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito...
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
7M 82.9K 88
Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatan...