The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Prelude

1.4K 22 2
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda

PRELUDE

"Dad, bakit kailangan ko pang umuwi sa Philippines? Masaya naman ako dito sa Oregon." binaba ni Daddy ang newspaper sa lamesa. Dinampot nya ang tinidor at tumusok ng hotdog na nakahain sa lamesa.

"Your Mom needs you there. Dun ka na mag college. I'll visit. Wag na matigas ang ulo." kinagat nya ang hotdog at nakangising tumingin sakin. Inirapan ko sya.

"Don't roll your eyes on me Cream." natatawang sabi ni Daddy. Napabuntong hininga na lang ako.

Living in the Philippines means living with Mom and living with Mom entails more shopping time, more girls time, more fashion things, more girls night out. More things I was never fond of doing.

"Ayaw mo nun? Palagi kang magshoshopping kasama Mommy mo?" knowing Dad, nang aasar lang to. I know I promise them na kapag mag college na ako, sa Philippines ako mag aaral. Dun naman ako kay Mom. But I cant believe na ganun kabilis tumakbo ang oras! Can you even imagine it? Ugh. Ayaw kong iwan ang buhay ko dito sa Oregon. Masaya na ako dito. Dito umikot ang buhay ko for the past ten years! Hindi ganun kadali ang umalis!

"Dad, hindi ba pedeng bakasyon na lang? Please!" pagmamaka awa ko sa kanya.

"No Cream. Uuwi ka sa Pilipinas at dun ka mag aaral. Napagkasunduan na namin to ng Mommy mo noon pa man. Siguro naman, oras na para bigyan mo ng chance ang Mommy mo na maging ina sayo." kumagat ako ng hotdog. Poker face kong tiningnan si Daddy. Hindi man lang gumana ang charms ko.

"I wanna be with Mom but not with his boyfriends!" this time, tinawanan lang ako ng tinawanan ni Daddy.

"Dad? Anong nakakatawa? Tama naman ako diba? Mom has tons of boyfriends! Nauna pa nga sya sakin eh!" naiiling na lang si Daddy sa pinagsasasabi ko.

"Nauna naman sya talaga sayo eh." pinunasan ni Daddy ang labi nya saka tumayo at nilapag ang table napkin sa right side ng lamesa. Nilapitan nya ako at hinalikan sa noo.

"See you later Cream." I groaned in protest. Wala na talaga akong magagawa.

"So, I'll see you in three months!" ako lang ba talaga o excited na si Daddy na ipatapon ako sa Pilipinas?

"Come on Cream! Hindi naman ganun kasama sa Pilipinas ah? Mas mura bilihin dun!"

"Really Dad? Nice try." walang interes kong sagot sa kanya. I can't believe na ilang oras lang eh nasa Pilipinas na ako. Naiimagine ko na ang nanay ko na inaabangan ako sa departure area habang nakasuot ng agaw pansing sunglasses at ng malalaki nyang pearls. Ugh. Paano kaya na inlove ang tatay ko sa nanay ko?

"Basta. Enjoy okay? Apat na taon lang yan. Pede ka namang umuwi dito pag bakasyon." he patted my head to assure me na magiging okay ako.

I grew up with dad. Practically, he's not just my dad. He's my mom, my doctor, my bestfriend. In short, my everything. As cheesy as it may sound, kaya di pa ako naghahanap ng boyfriend ay dahil gusto yung lalaki na tulad ni dad. Tipong mapapa head bang ako sa tawa sa mga waley nyang jokes. And he makes the best Onion rings in town! Mamimiss ko yun. ;(

"Seriously dad? Kung di lang talaga sa kasunduan nyo ni Mommy, iisipin ko na kaya mo ko pinapalayas ay dahil maghahanap ka na ng girlfriend." kinurot ni Daddy ang pisngi ko.

"Mamimiss mo pang ako eh. Sige na! Tinatawag ka na oh! Nakakahiya ka." tumawa lang si Daddy. Knowing him, pagkaakyat ko ng eroplano, iiyak na to dahil miss na nya agad ako.

"I'll see you in three months dad." hinalikan ko ang pisngi nya at niyakap sya. Savour the moment Cream. Tatlong buwan pa bago mo ulit mayayakap ang tatay mo.

"Mamimiss kita." sabi ni Daddy. Pinalo ko sya sa braso.

"Ang mushy ng tatay ko!" tumawa lang kaming dalawa. My appearance is badly needed on that airplaine kaya kailangan ko ng umalis.

My dad is a pedia at Oregon State. Kaya napakalapit nya sa mga bata. Besides, he's the coolest dad. I would never understand the reason kung bakit sya hiniwalayan ng nanay ko. He could have been the best guy that existed on Earth! My mom is such a crazy lady for dropping my dad. Really crazy.

"Ang anak kong napakaganda!" sinalubong ako ni Mommy with matching banda pa. Pumikit na lang ako sa kahihiyan. Nanay ko ba talaga to? Bakit parang wala naman akong ganitong ugali o hobby o kahit na anong manifestation?

Sinubukan kong magpanggap na di ko sya nakita. Kunwari, nangingilala lang ako. Umiwas ako ng daan. Malamang nagtaka ang nanay ko sa ginawa ko. Shet! Wag ngayon Mom. Please!

"Junakis na maganda!" sigaw ng nanay ko. What the hell did she just said? Junakis? Nag evolve na ba ang language sa Philippines?

No pansin pa din ang drama ko. Pulling my cart, nagpanggap akong ibang tao. Halos lahat ng madadaanan ko, napapatigil dahil napapatitig sila sa bandang bitbit ng Nanay ko. Hindi ko pa kinaya ang tarp na hawak ng mga lalaki nya.

Welcome home Cream!

Ang isang hindi ko pa matanggap ay ang paglalagay nya ng litrato ko doon. Halos takpan ko na ang buong mukha ko para di ako marecognize ng mga tao. This is total bullshit!

I have to escape my Mom!

"Anak!!!!" biglang may humigit sakin. Nakita ko ang nakangiting mukha ng Nanay ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Excuse me?" tanong ko. Bigla syang bumitaw sa akin.

"Ay! Sorry! Akala ko junakis ko. Pero, kamukhang kamukha ka ng anak ko!" hinawakan nya ang panga ko at ipinaling sa kaliwa at kanan. Shet!

"Junakis kita!" sabi pa nya. Lamunin na sana ako ng lupa ngayon. (-___-)

"Fine Mom. Matigil ka lang. Oo na. Ako si Cream." pag amin ko. My mom made a squeal then hugged me.

"Namiss kita Cream!" niyakap nya ako. This is beyond expectation. Diba? Nasabi ko naman sayo na ang ine-expect ko talaga ay ang nanay ko na lukarit? Maybe wearing an agaw pansin na sunglasses and big as in big pearls? But nah. She's really one of a kind. Mas napahiya ako ngayon. Kasi, with banda ang tarp pang nalalaman ang isang to. Nakakahiya na talaga!

"Namiss din kita Mom." wala sa loob na sabi ko.

Bumitiw sya sa yakap at pinuntahan ang bitbit nyang banda. "Lakasan nyo pa! Bilis! Nandito na ang anak ko!" Jusko!

"Wait lang!" pagpipigil ko. "Pakibaba nung tarp please." nakapikit kong pakiusap. Ayaw kong makita ang mukha ko dun.

Pagmulat ko, takang nakatingin ang nanay ko sakin saka ang mga dala nya.

"Ibaba nyo sabi eh." sigaw ko. Agad namang ibinaba nung dalawang may hawak.

"Hindi mo ba nagustuhan anak?" tanong ni Mommy.

Ngumiti ako ng pilit. "Ma, tingnan mo nga ang mukha ko." utos ko sa kanya.

Ngumiti naman sya at tiningnan ako. "Maganda!"

"Ma, alam kong maganda ako. Ang gusto kong itanong eh mukha ba akong masaya?" ngumiti ako ng malawak. Yung pilit na pilit.

"Oo naman! Nakangiti ka pa oh!" Thid is unbelievable. Hindi ba alam ng nanay ko ang pinagkaiba ng totoong ngiti sa pekeng ngiti?

"Yeah right. Umalis na tayo dito Ma." kinuha ko ang luggage ko sa cart at inabot kay Mom ang isa. "Umalis na tayo dito bago ko pa maisipan na itakwil ka bilang ina." bulong ko.

"May sinasabi ka?" sabi si Mom.

"Wala po! Sabi ko lang, ang ganda nyo." *insert plastik smile here*

Hinampas nya ako sa balikat. Shet! Ano ang nanay ko? Teenager?? "Sus! Nahiya ka pang sabihin ng malakas eh alam naman naming lahat yan."

"Haha." I left a sarcastic laugh.

Nang makalabas na kami ay sumakay sa isang van ang banda nyang bitbit at ang naghawak ng tarp. I'm glad its all done.

Pumarada ang isang Altero sa harapan ko. May bumabang lalaki mula sa driver's seat. Must have been the driver.

"Honey!" halos bumagsak ang balikat ko. Dont tell me isa to sa mga boyfriend ng nanay ko???

Halos sumuka na ako sa harapan nila nung naghalikan sila. This is...shet! Hinagis ko sa loob ng kotse ang luggage ko.

"Ma, uuwi ako mamaya. Hindi ko na talaga kinakaya."

"Ha?" dinampot ko lang ang maliit kong bag at saka tumakbo palayo sa nanay ko at sa lalaking kahalikan nya kanina.

"Cream!" dinig kong tawag nya. Nagmadali akong tumakbo. I dont know kung saan ako pupunta. Ang mahalaga, malayo sa nanay ko.

Nang hingalin na ako, tumigil ako saglit. Tumingin ako sa malawak na kalsada. Makaka abang kaya ako ng taxi dito?

"Cream!" lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang nanay ko na nakasakay sa sasakyan habang kumakaway.

"Shet!" hindi pa ako nakakabawi oxygen na hindi ko nahinga, nakita na agad ako ng nanay ko.

Tumingin ako sa kalsada. Walang sign ng taxi. No choice ako.

Tumakbo ako sa gitna ng kalsada. Sunod sunod ang busina ng mga sasakyang muntikan ng makabangga sakin. I cant believe Im risking my life dahil lang gusto kong takbuhan ang nanay ko na nagbigay sakin ng buhay.

Tumigil ako sa gitna ng kalsada. I stretch my arms at closed my eyes. Dear Lord, sana po tumigil ang kulay pulang sasakyan na hinaharang ko.

Nang makarinig ako ng screetch, nagmulat ako ng mata. Yes! I was about to step forward ng biglang umatras ang sasakyan. Tinted iyon kaya di ko maanig ang tao sa loob. Bakit sya umatras?

Inilipat nya ang sasakyan nya sa kabilang lane. "What the hell!" sigaw ko. I was such a fool to believe na pasasakayin nya ako! Damn it! Cream, wala ka sa movies. Hindi totoo na kapag hinarang mo ang sarili mo sa paparating na sasakyan para pigilan sya at makisakay ka ay papasakayin ka nga. Ito ang totoong buhay.

Tinapad ni God ang hiling ko. Tumigil nga ang sasakyan. Ang problema, tumigil lang. Tapos, iniwan ako. Sheyt! Sala pala ang hiling ko kay God. (-_-)

Sinundan ko ng tingin ang pulang sasakyan na iyon. Mayabang ang may ari. Displaying his sports car sa ganito katirikang araw? Damn.

"Beeeeep!"

"Ay putek!" napatingin ako sa harapan ko. I cant believe it! Muntik na akong mamatay!

Biglang nagbukas ang pintuan ng sasakyan at niluwa noon ang isang lalaking nakasalamin. Sino namang normal na tao ang magsusuot ng sunglasses habang nagda drive?

"What the hell is your problem?" sigaw ko sa kanya. Tinawanan nya ako.

"Miss, ako dapat ang nagtatanong sayo nyan. What are you doing in the middle of a highway? Do you have suicidal attempts? Please, wag mo na kaming idamay." ngumisi lang sya. Nakapatong ang kanan nyang siko sa bubong ng sasakyan nya. Yung isa naman ay nakahawak sa may pintuan.

"Mukha ba akong may suicidal attempts?" tanong ko sa kanya.

"Well, hindi naman. But, anong ginagawa mo sa gitna ng highway?" natatawa nyang tanong.

Oras na para kapalan ang mukha ko. Besides, wala namang nakakakilala sakin sa Pilipinas maliban sa nanay ko at sa mga bandang tumunog kanina. So, I'll be fine.

"I need a lift." nagtaas ako ng kilay sa kanya. Binaba nya ang salamin nya at tumingin sya sakin.

"Miss, kung ako sayo, mag aabang na lang ako ng taxi. Mukha bang taxi ang kotse ko?" napatingin ako sa kulay royal blue nyang sports car?

"Wala akong maabangang taxi. Please. Kahit dun mo na lang ako ibaba sa kung saan ka man pupunta. Okay na ko dun."

Matagal nya akong tiningnan.

"You look fine. You dont look like a crazy girl so yeah. Sakay na." pinilig nya ang ulo nya para utusan akong sumakay ng kotse nya.

Sumakay na sya at sumunod naman ako.

"Thank you. Sa wakas!" huminga ako ng malalim saka nya pinaandar ang sasakyan.

"Hanggang sa malapit na Mall lang ako Miss." sabi pa nya. Hindi nya tinanggal ang salamin nya.

"Okay lang. I just really need to get away from my Mom." binuklat ko ang bag ko at agad na hinanap ang phone ko.

"May mabibilhan naman siguro ng microsim sa mall na yun diba?" tumungo lang sya sa tanong ko.

"Anong pinakamagandang network?" tanong ko pa.

"Well, naka globe kaming lahat so I suggest, mag globe ka na lang rin. Walang hassle. Their plans are good but the internet sometimes sucks." sagot nya.

"Okay."

Nanatili ang katahimikan. Tumingin na lang ako sa labas. It was five years ago nung huli akong nagbakasyon sa Pinas. Malaki na rin ang pinagbago nito.

"Im sorry about my brother." taka akong tumingin sa kanya.

"Pardon?"

"Sorry. Yung sasakyang pula? Yung tumigil sa harap mo tas nag switch ng lane? Kapatid ko yun."

"Really? Tell him he's an asshole."

"Hindi ko na kailangang sabihin yan sa kanya. Alam na nya yun." umiling iling sya habang nakangiti.

"I'm Cream. Ikaw?"

Saglit nya akong tiningnan at nagtaas ng kilay.

"Adam. Adam Villarasa."

"Thank you Adam." ngumiti sya sakin sabay patay ng engine ng sasakyan.

"You're Welcome Cream." bumaba ako ng sasakyan nya. Ganun din sya. Sa gilid ng sasakyan nya ay nakaparada ang sasakyan na kulay pula.

Naiinis ako kapag nakikita ko to.

Continue Reading

You'll Also Like

536K 16.5K 49
Moon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa k...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
1.3M 38.8K 57
Alexa Isabelle D. Rosales Story
1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...