THEIR MARRIAGE

De mayie000

102K 1.3K 205

Sophia is madly in love with her boyfriend pero he suddenly broke up with her. After the break up, her parent... Mai multe

CHAPTER 1: Before the Wedding
CHAPTER 2: Meet the Groom
CHAPTER 3: Silent Mode
CHAPTER 4 : Friendly Honeymoon-Part I
CHAPTER 5: Friendly Honeymoon - Part II
CHAPTER 6: Shots Shots
CHAPTER 7: Home Sweet Home
CHAPTER 8: Girlfriends
CHAPTER 9: The Bar
CHAPTER 10: His View-The Bar
CHAPTER 11: Walkout Queen
CHAPTER 13: Naughty Joshua
CHAPTER 14: Unlimited
CHAPTER 15: Chubby Ko
CHAPTER 16: Smile
CHAPTER 17: STATUS: married
CHAPTER 18: Something
CHAPTER 19: Literally Close
CHAPTER 20: Wild and Free
CHAPTER 21: The Aftermath
CHAPTER 22: Talk that Talk
CHAPTER 23: He Really Cares
CHAPTER 24: Eeer Becca?
CHAPTER 25: Her Evil Side
CHAPTER 26: No Need
CHAPTER 27: Textmate
CHAPTER 28: Guilt
CHAPTER 29: NGITI
CHAPTER 30: Cliché

CHAPTER 12: Bad Day?

2.9K 43 3
De mayie000

CHAPTER 12: Bad Bay but Better Night

 

 

*ChaaaaaBeeeee

*ChaaaaaBeeeee

*ChaaaaaBeeeee

Hmmmmm. Sino ba yun? Inaantok pa ko.

*ChaaaaaBeeeee

*ChaaaaaBeeeee

*ChaaaaaBeeeee

Medyo minulat ko na mata ko.

Wala namang tao.

Pikit ulit.

*ChaaaaaBeeeee

*ChaaaaaBeeeee

*ChaaaaaBeeeee

Ano daw?

Hindi ko maintindihan.

Basta mahabang chaaaaaa at mahabang beeeee.

ChaaaaaBeeeee daw.

Eh de Chabi.

Teka…

Chabi?

As in chubby?

(>>o<<)

Napaupo na ko bigla at pinatay ang walang kwentang alarm clock. Sarap itapon.

Oo na. Ang galing niya manggising. Kailan niya pa pinalitan tunog ng alarm clock ko? Pasalamat siya kailangan ko ng sasakyan niya. Rush hour, mahihirapan ako kumuha ng taxi kaya pagtitiisan ko na lang siya.

Naligo na ako at nagbihis. Pakalabas ko ng kwarto, saktong palabas din si Joshua ng kwarto niya.

“Good morning Angel.” Siya. “Ang aga mo. Mabuti yan, daig ng maagap ang sexy. Haha” Ang saya naman ng buhay niya.

Nginitian ko na lang ng pilit. Yung tipong ang singkit ng mata ko sa pag ngiti.

Dapat mabait ako sakanya kahit deep inside, gusto ko siyang pagpapaluin ng bag ko.

Bumaba na kami sa dining area.

Tahimik lang siyang masayang kumakain. As in masaya talagang kumakain.

Tinitingnan ko nga at pag tumitingin sakin, nginingitian ako. Inaalok pa ko ng ulam, ang ganti ko lang, pilit na ngiti.

Pagkatapos kumain, sumabay ako sakanya sa pagpunta sa garahe. Mukha nga siyang nagtataka.

Sumakay na siya ng car niya. Di man lang ako pinagbukasan ng pinto.

Ay mali. Ni hindi nga pala ako inalok na sumabay sakanya.

But sorry Joshua. Kailangan ko talaga ng libreng sakay. At sorry din sa pride ko.

Sumakay ako ng kotse niya.

Tiningnan niya lang ako. Paka seat belt ko, tiningnan ko siya at nginitian ng pagka tamis tamis.

“Makikisabay ka? Kala ko galit ka.” Siya.

“Ako galit? No way. Kailan ba ko nagalit sayo? At bakit naman ako magagalit sayo? Dahil dun sa ginawa mo sa alarm clock ko? Naku hindi. Na appreciate ko nga. Kita mo, ang dali ko nagising. Nakaka touch talaga, nag effort ka pa para sakin. How sweet. Thank you ha.” Ako. With ngiting matamis.

“You’re welcome. Sabi na nga ba magugustohan mo, tanggap mo na kasi.” Siya.

“Oo naman. Tanggap ko ng concerned ka talaga sakin friend.” Ako. Hindi ako patatalo sakanya this time.

Hindi siya sumagot. Sumulyap lang sakin at nagsmile.

Ahohohoho. I can smell victory.

“And isa pa palang kabutihan mo sakin, how sweet of you na ihatid ako sa school ko.” Ako. (^O^)

“No big deal. Pero concerned talaga ako sa ibang tao. Sabi ko nga sayo kagabi, kawawa naman ang taxi na masasakyan mo. Baka ma flat ang gulong at hindi lang taxi driver ang apektado, that would cause a traffic. Madaming mapi perwisyo. About the alarm clock, alam ko kasing effective na pampagising yun sayo. Ayoko lang ma late kasi nga isasabay na kita sa sasakyan ko to save innocent people.”

“TSE!! Magdrive ka na nga. Malate pa ko dahil sayo. Bilis na. Tsaka itatapon ko na yung alarm clock na yun mamaya. Ayoko na yun marinig!” Ako.

“Wag mo ng itapon. Effective hindi ba? Ang dali mo nagising.” Siya. Patawa tawa pa. Nakalabas na kaming bahay.

“Ang dali ko ngang nagising, sira naman araw ko.” Ako. “Gustong gusto mo talagang naaasar ako noh? Kala ko pa naman dati, ang tahi-tahimik mo. Di pala.”

“Actually, tahimik talaga ako. Ikaw naman kasi, nakakatawa ang mga reaksyon mo.” Siya.

“Wow naman. Ako pa sinisi.”

Tumawa lang siya. Ang saklap niya talaga mangtrip.

Pagkatapos ng ilang minuto, nasa school na ako. Bumaba na ko at sinarhan ko ng pagkalakas lakas ang pinto. Nakakainis talaga yun. Sinira ang umaga ko.

.

.

 

Naglalakad na ko papunta sa building namin. Kinakabahan ako.

Baka kasi first day of school?

Duh! Ano ako 1st year?

Hindi ko alam kung bakit.

Habang naglalakad, ngayon ko lang ulit naisip si Kenneth. Naging busy ako sa pakikipaglaban sa mga pang-aasar ni Joshua.

Papasok na ba si Kenneth? Wala man lang akong narinig na balita about sakany. But anyways, wala naman akong pakialam. After what he did to me. Wala na siyang babalikan. Sana di ko na siya makita forever.

Hmmmmm.

There’s something wrong.

Bakit parang iba ang mga tao ngayon? I mean, same faces pero bakit walang pumapansin sakin?

Hindi naman sa dapat pansinin nila ako. Eh kasi usually, kapag nakikita nila ako, may mga bumabati saakin. Babati ng good morning, may hi hello. Yung iba, pumupuri minsan ng damit ko, buhok, kahit nga amoy ko.

Hindi naman sa pagmamayabang, sikat ako sa university namin. Siguro kasi kaibigan ko ang mga dyosang sina Kat, member pa ko ng dance troupe ng university, matalino naman ako kahit papano, maganda daw ako, sila nagsabi, at boyfriend ko number hottie  sa campus. Ex-boyfriend.

Pero ngayon? Anong nangyari? Nagsummer lang. Nawala na ang popularity ko?

Tinitingnan lang nila ako and iniiwasan.

Naiinis na ako ha.

Feeling ko tuloy, may sakit akong nakakahawa kaya ayaw lapitan.

Bahala na nga sila. Baka di nila ako nakilala. Eh bakit naman kaya hindi nila ako makikilala?

Haaaay ewan. Deadma na lang.

Nang makapasok ako sa building, hindi na lang ako iniiwasan, pinagbubulongan pa ako.

What’s with people today? Nakakairita na ha.

Nasa tapat ako ng locker ko. I heard something na tuluyang nakasira ng araw ko.

“Girl. Narinig mo na ba ang news about Sophia?” Girl 1

Hindi nila ako nakikita, naguusap sila habang nagaayos ng gamit sa locker, nasa opposite side sila, nakatalikod saakin.

“No. But I’ve noticed, she’s the campus’ hot issue today. Sayang, akala ko pa naman ako.” Girl 2

“Duh! As if. Anyway, gosh! Di mo ba alam, she’s married.” Girl 1

“What?!! I didn’t  know. We went to Paris so I heard nothing. Why’s the rush? Nabuntis ba siya ni Kenneth? Sabi na nga ba, isa siya sa mga pa virgin dito sa campus. Poor Kenneth.” Girl 2

“Kenneth is the nice guy here. May ibang pinakasalan yang malanding yan. Iniwan niya si Kenneth for other guy. She’s a whore.” Girl 1

“Oh my gosh! Kawawa naman si Kenneth. She’s really no good to him. Di ba highschool naging sila? Pinagpalit lang niya basta basta. She’s more than a whore.” Girl 2

“Halos lahat ng students dito sa campus natin, ganyan ang naiisip. No wonder, walang pumuntang kaklase niya, even co-member sa dance troupe sa kasal nila. Yung tatlong maldita lang. Magsama sama sila.” Girl 1

Umalis na yung dalawang chismosa.

Di ko napapansin, umiiyak na pala ako.

Dumiretso na ko sa classroom ko. Nandoon na sina Bridget, Kat and Bianca at pansin ko sa tingin nila na worried sila.

Dumating na agad ang professor kaya di kami nakapag usap.

Lunch na kami nagkausap usap. Loaded kami nung umaga. Sa restau kami kumain malapit sa campus. Hindi ako makakakain ng maayos sa cafeteria.

“Sis. Okay ka lang?” Kat

“Yeah. I’m fine.” Ako

“Fine mo jan! Di ka na nga makangiti jan.” Bianca

“Eh sino naman kasi makakangiti sa ganyang sitwasyon?” Kat.

“Ano ba naman kayo. Nandito tayo para i-cheer up si Phi. Hindi para mag away-away.” Bridget

“Okay okay. Phi, wag ka magpaapekto. Alam namin, hindi ka sanay sa ganito pero hayaan mo na sila. You cannot please all of them. Bahala sila kung anong isipin nila. Wala naman silang alam. Mga plastic!!” Kat. “Hay grabe. Na stress ako.”

“Kat is right. They don’t know anything kaya kung anu ano sinasabi nila.” Bridget.

“I’m really fine. Nagulat lang ako sa pagka chismosa nila. Tara na. May pasok pa. Baka ma late pa tayo.” Ako

Ang totoo, hindi talaga ako okay. Sino magiging okay sa kalagayang toh? Ayoko lang munang makipag usap kina Bridget tungkol dito.

Hindi talaga ako sanay na pinagkakampihan. All my life, people around me loved me, they even praised me. Gusto ako ng mga tao, lahat ng ginagawa ko, inaabangan at hinahangaan nila.

Bakit ngayon? Wala naman ako sakanilang ginawang masama. At higit sa lahat, hindi nila alam ang buong kwento.

Pumunta na ulit kami sa campus. First day kaya orientation about the subjects lang ang nangyari maghapon.

Buong araw akong pinagpyestahan ng mga chismoso’t chismosa. Gusto ko na ngang umiyak pero hindi pwede. Kapag nakita nila akong umiyak, parang na congratulate ko na sila sa pakikialam sa buhay ko.

Hinatid ako ni Bridget sa bahay. Gabi na, hanggang 8:30pm kasi pasok namin.

“Are you sure your okay?” Bridge

“Oo naman. Sige na. Susunduin mo pa kapatid mo. Ingat.” Ako.

“Just give me a call when you need someone. Bye.”

Nag wave na lang ako.

Nakita ko ang car ni Joshua sa garahe so nandito na siya. Nag lock na ako ng gate.

Nasa sala siya sa 1st floor, nanonood ng tv. Hinihintay ba ko nito at dito talaga nag tv?

Umupo ako sa tabi niya at nakinood na din.

“Kumain ka na?” Siya. Nakatingin siya sakin, nakikita ko sa peripheral vision ko.

“Oo na.” Ako.

“Ah.” Siya. Tumingin na ulit siya sa tv.

“Gusto mo?” Inabot niya sakin ang popcorn.

“No thanks.”

Silence.

“May problema? Di ako sanay. Ang tahimik.”

Di na ko nakasagot.

Humagulgol na ko ng iyak.

“Bakit ka umiiyak? Di naman nakakaiyak pinapanood ko.” Siya. Na mukhang nag pa panic.

Patuloy lang ako sa pag iyak.

“Bakit ba? Hindi naman kita pinaiyak. Inalok lang kita ng popcorn. Don’t tell me, na touch ka na naman kaya naiyak ka.” Siya.

“Sira!” Ako.

“Bakit nga?” Siya

“Hindi ako malandi. Hindi ako ang nangiwan. Wala naman silang alam. Bakit ba nila ako ina accuse ng kung anu ano? Ang pa plastic nila.”

Iyak pa din ako ng iyak.

Inakbayan niya ako at parang pinapalo ng mahina ang likod ko. Parang tatay.

“They’re judging me without knowing the whole story.” Ako.

Yinakap ko siya. Umiiyak ako sa may dibdib niya.

“Hindi ako ang nang iwan. Hindi ako. Hinintay ko siya. Siya ang hindi dumating.”

Hindi lang ang pang aaway saakin ang iniiyak ko ngayon.

Lahat ng kinikimkim kong sama ng loob na hindi ko nailabas dati, ngayon ko na iniiyak.

“Bakit ba hindi ka dumating? Hinintay kita.”

Humigpit ang yakap sakin ni Joshua.

JOSHUA’S POV:

 

 

Ano bang gagawin ko?

Para akong nagba baby sit.

Napagod na siya kaiiyak. Nakatulog na sa bisig ko.

Kaya pala pagdating niya kanina, ang tahimik. At bigla na lang umiyak. Nagulat ako. Hindi ko man lang napansin na ang bigat bigat na pala ng dinadala niya.

Hindi ko pa rin siya binibitiwan.

Para siyang figurine. Magandang tingnan, mahirap mahawakan pero pag hawak mo na nakakatakot bitiwan dahil baka mabasag.

Nak ng tokwa!

Figurine? San yun galing? Tsk.

Sino ba ang lalakeng nang iwan sakanya? Tssss.

Hindi ako nagseselos. Wala naman akong gusto sakanya. Naaawa lang ako dahil linoko siya.

Awa?

Awa lang ba?

Oo naman.

Tsk.

Para akong nakikipag argument sa sarili ko.

Crazy. Tssss. Nahahawa na ko sa Chubby na toh.

Inayos ko ang upo namin. Tinaas ko sa sofa ang paa niya.

Wala naman yatang problema kung tabi kaming matulog? Mag asawa kami. Kapag kasi tumayo ako, baka magising. Kapag, binitawan ko naman, baka mahulog. Tsk.

SOPHIA’S POV:

 

 

Araaaay. Ang sakit naman ng batok ko.

(O.o)

Joshua?

Nakahiga kami sa sofa at nakayakap siya sakin.

Hindi ko alam kung bakit, napangiti ako.

Dahan dahan kong inalis ang braso niya at tumayo ako.

Pumunta ako sa kwarto at kumuha ng comforter, malalaki na kasi ang pillow doon sa couch.

Bumaba ulit ako at kinumutan siya.

“Good night Joshua. Sorry, sa kwarto ako matutulog, masakit sa batok eh.”

Hinalikan ko siya sa cheeks.

 

A/N:

 

Supposed to be, nung Sabado ko pa dapat toh na update. Hindi kasi ma publish, hanggang draft lang.

But thanks to wifi here in B.U. HAHA.

VOTE naman jan. EEEENX.

Continuă lectura

O să-ți placă și

45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
140K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...