The Camp

By czezelle

25K 927 452

Once you've explored the woods... You'll only have two choices. To kill... Or be killed. Date started: Janua... More

The Camp
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Wakas
Special Chapter (Part 1)
Special Chapter (Part 2)

Kabanata 4

1.2K 56 22
By czezelle

Kabanata 4

Salot

Habang naguusap kaming lahat ay biglang dumating ang isang matandang babae na may hawak na itak. Itinutok niya sa akin iyon at akmang tatakbo papunta sa pwesto ko pero agad na niyakap ni Silver sa baiwang ang matandang babae para pigilan.

"Oh my gosh!" Sigaw naming lahat.

Nanginginig na ako sa takot lalo na't masama pa rin ang tingin sa akin ng matandang babae. Gulo-gulo ang buhok niya at may kaunting dumi ang kaniyang ngipin. Mahaba at kulot ang buhok niyang may kaunting puti na dahil sa katandaan.

"Patayin niyo ang babaeng iyan! Patayin niyo!"

Hinila ako ni Charra at Jet para itago sa matandang babae. Pumunta kami sa isang bahay na parang matagal nang walang naninirahan.

"Just stay here, Doe, okay?" Mahinahon na sabi sa akin ni Jet.

Paulit-ulit akong tumango, hindi makasalita dahil sa takot. Lumabas silang dalawa ni Charra. Tumayo ako para sumilip sa bintana. Nakita kong papunta si Sir Ivan sa gawi ko. Tatawagin ko sana siya ngunit nagulat ako nang luminga-linga siya sa paligid at mukhang may hinahanap.

Sinarado ko nang kaunti ang bintana para hindi niya ako makita. Nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng labi niya habang nakatingin sa lumang bahay, kung saan ako nagtatago.

Sinarado ang bintana at naghanap nang pwedeng taguan. Hindi ko gusto ang tingin ni Sir Ivan kanina, imbes na humingi ako ng tulong sa kaniya ay parang gusto kong magtago sa kaniya.

Kumalabog ang pinto kaya napatalon ako sa gulat. Hinawakan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Nagtago ako sa ilalim nang lumang kama, kahit na maraming alikabok ay wala akong pakielam.

"Open this door!"

Umiling-iling ako habang nanginginig na sa takot. Nasaan na ba sina Silver? Pumikit ako at naghintay nalang nang kung anong mangyayari sa akin.

Tanging ilaw mula sa buwan ang naging gabay ko para makita ang mga paligid. Kumakalam na rin ang sikmura ko ngunit hindi iyon ang mahalaga ngayon.

Umupo ako nang maayos sa ilalim ng kama nang marinig ko na sinusubukang buksan ang pinto ng bahay. Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko habang naghihintay nang pwedeng mangyari sa akin.

"Sir Ivan!"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Silver. Umingay ang paligid at alam kong narito na silang lahat. Lumabas ako sa ilalim nang kama saka binuksan ang pintuan.

"Doe!" Niyakap ako ni Pine.

"Sir, hindi ka pa rin ba maniniwala sa amin? May kakaiba talaga sa gubat na ito!" Sigaw ni Charra.

"Uuwi na kami, Sir!"

Gusto ko na ring umuwi ngunit ayaw kong umuwi nang hindi kasama si Goldie at Flint. Nararamdaman kong buhay pa sila kaya habang narito ako, hahanapin ko pa rin sila.

Hindi sumagot si Sir saka tumingin sa akin, "Aalis lang ako."

Ganiyan siya lagi! Walang pakielam sa amin. Kunti nalang iisipin kong isa siya sa may kasalanan kung bakit nawawala ang mga kasama namin.

Pumasok silang lahat sa loob nang bahay. Inalis ni Pine ang mga alikabok na dumikit sa katawan ko. Tinignan ako ni Slate at Silver.

"Are you okay?" Tanong ni Slate.

Tumango ako, "Nasaan na 'yung matanda?"

"Kinuha na siya 'nung anak niya. May sakit daw talaga iyon sa utak kaya humingi ng pasensiya."

Sinarado naming mabuti ang pinto. Hindi ko alam kung bakit nanatili pa kami dito kahit na pwede pa kaming bumalik sa tent, kaso madilim na nga pala.

Umupo kaming lahat sa lapag, ang iba ay umupo sa kama. Nagtatalo kami dahil ang iba ay gusto nang umuwi ngunit kaming nawalan ng kaibigan ay ayaw pa.

"Babalik tayo para makapag-report sa pulis, saka natin sila hahanapin." Sabi nang isang babae na si Demi.

"Easy for you to say kasi wala kang kaibigan na nawala!" Sigaw ni Charra.

Hinawakan ni Jet ang braso ni Charra para pigilan ito sa pagsugod kay Demi. Buti nalang din at kalma si Demi kaya hindi na niya pinatulan pa si Charra.

"Guys please stop it! Walang mangyayari kung magaaway tayo ngayon. Tayo-tayo nalang ang magkasama dito! Sa ayaw niyo man at sa gusto, damay-damay na ito." Sabi ni Pine.

Natahimik kaming lahat sa pagtatalo nang makarinig kami nang kaluskos mula sa labas. Ang kamay ni Pine na kanina ay mainit, naging matigas at malamig na dahil sa kaba.

"Ano iyon?" Nanginginig na bulong ni Charra.

Tumayo sina Silver upang silipin ang bintana. Lalo kaming natakot nang marinig namin ang malulutong nilang mura. Hinarap kami ni Stick saka sumenyas na huwag gagawa nang kahit na anong ingay.

"Alam ko kung saan kayo nagtatago. Gusto niyo bang mag-hide and seek?" Tumawa ang matandang babae.

Tumaas lahat nang balahibo ko habang takip ang bibig. Iyon ang boses nang matandang babae na kaninang gusto akong patayin. Nagisip nang paraan ang mga lalaki para hindi makapasok ang matandang babae dito sa loob ng lumang bahay.

"What do you want?!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Silver.

Humalakhak ang matanda, "Simple lang ang gusto ko, ibigay niyo sa akin ang babaeng salot at ako ang papatay sa kaniya!"

Niyakap ako nang mahigpit ni Pine. Seryosong nilingon ako ni Silver saka umigting ang panga niya. Umiling ako sa kaniya upang sabihin na ayaw ko. Tinapik ni Jet ang balikat ni Silver kaya nalipat ulit sa bintana ang tingin nila.

"Ibigay niyo na siya sa akin!"

"No. Hindi namin siya ibibigay! Manigas ka dyan hanggang bukas!" Sigaw din ni Charra.

Hinawakan ko ang braso ni Charra para patigilin siya sa pagsigaw. Baka madamay pa siya kapag matandaan ang boses niya.

"Kung ganun ay simulan na natin ang larong ito!" Humalakhak siya bago namin narinig ang pagdabog sa pintuan.

Napasinghap kaming lahat saka umatras. Naghanap sina Stick nang pwedeng gawing ipanlaban sa matanda. Mahirap iyon dahil wala kaming ilaw.

"Siguro ikaw din ang kumuha sa mga kaibigan namin!" Sigaw nang kaibigan ni Candy.

"Hindi ako iyon. Ibang tao pa." Humalakhak siya saka nagpatuloy sa pagbukas nang pinto.

Ibang tao pa? At anong papel niya sa amin? Para kunin ako? Bakit ako? At nasaan na nga ba si Sir Ivan na dapat tumutulong sa amin ngayon?!

"Mahaba pa ang gabi mga bata, mahaba pa ang paglalaro natin."

Umalingawngaw ang hikbi nang iyak namin nang biglang tumahimik ang buong lugar. Sumandal ako sa bintana nang mapagod ako sa kakaatras at wala na rin kaming aatrasan. Natamaan ang mukha ko nang kunting ilaw mula sa buwan.

"Is she still there?" Bulong ni Pine.

"I don't thik so... baka napagod na?" Sabi ni Charra.

Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay masyado akong pagod ngayong araw. Sumilip ako sa bintana at nagulat ako nang biglang may itak na sa aking harapan, kung hindi ako nakailag ay malamang sira ang mukha ko ngayon.

"Oh my gosh! Silver, help me!" Sigaw ko.

Narinig ko mula mismo sa kaliwang tainga ko ang halakhak nang matanda. Tumaas lahat nang balabiho ko nang hugutin niya ang itak saka marahas na binuksan ang pinto.

Nasa mismong harap ko ang mukha niya at kitang kita ko ang nanlilisik niyang mata. Tumulo ang laway mula sa bibig niya dahil sa panggigigil sa akin.

Tinutok niyang muli sa akin ang itak at narinig ko ang sigaw nang mga kasama namin. Marahas niyang tinulak ang itak ngunit bago pa tumama sa mukha ko ay hinila na agad ako ni Silver.

Humalakhak muli ang matanda, "Madali lang naman ang gusto ko mga bata. Ibigay niyo sa akin ang salot na iyan at papakawalan ko kayong lahat!"

"Ano bang gusto mo sa akin?" Naubos na yata lahat nang luha sa mata ko kaya wala na akong maiyak.

Napawi ang tawa niya at masama niya akong tinignan, "Gusto kitang patayin!"

Continue Reading

You'll Also Like

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
6.8M 345K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
17.9K 459 35
Minhyuk (CNBlue) as Dylan Krystal Jung as Samantha/Sam
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.