Czarina's POV
"Good Morning!" bati ko kila mommy na may ngiti sa labi.
"Morning." sagot ni daddy samantalang si mommy napasimangot. Tinignan niya ako ng seryoso "3C."
Kumunot ang noo ko. 3C? Napabuntong hininga si mommy "Change. Cold. Cool."
Lumaki ang dalawa kong mata. Oo pala. Step 1: Try not to care. Not literally but emotionally. But how will I do that? T.T Tinignan ko si mommy na parang nagmamakaawa kasi... di ko talaga alam ang gagawin ko.
Ngisi ang pumorma sa labi niya. Tinignan niya si daddy "Gelo. Iwan mo muna kami." Utos niya. Tumango naman si daddy saka umalis.
"RapRap. I'll wait for you outside." sabi ni daddy mula sa labas.
"Oo!" sigaw naman ni mommy. Tinignan niya ulit ako saka ngumisi. "Yang puso mo. Dapat nangingibabaw ang galit." Seryosong sabi niya. Lumaki ang mga mata ko. Is she really my mom? "H-How will I do that?"
"Just compose yourself, dear. Isipin mo lahat ng kasamaan na ginawa nila sayo. Lahat ng paghihirap na dinanas mo. Dapat laging nangingibabaw ang sakit kesa sa pagmamahal na nararamdaman mo ngayon." Seryosong saad ni mommy.
"M-Masama yun diba?" sabi ko
Ngumiti siya "Masama? Sa tingin mo Zar, paano ka magbabago kung ayaw mong baguhin ang nararamdaman mo? Saka isa pa, pag pagmamahal at konsensya ang nananaig diyan sa puso mo, paano mo babaguhin ang sarili mo? Mahirap magbago lalo na kung ganiyan ang iniisip mo."
Kinagat ko ang kamay ko. Ganito ang ginagawa ko pag nakakaramdam ako ng kaba at tensyon.
"Calm down. Hindi basta basta ang pagbabago. Unti unti yan. Desidido kang magbago, hindi ba?"
Tumango ako. Tama si mommy. Kung talagang desidido akong magbago, di ko dapat iniisip ang mga bagay bagay na magpapaudlot sa pagbabago ko. Ngumiti si mommy saka ginulo ang buhok ko. "I believe in you."
Yinakap ko siya. Naramdaman kong yinakap niya ako pabalik. "Thank you mom." sambit ko. Kumawala agad kami sa yakap. "Kung gusto mo nang pumasok sa school, tawagan mo ang Kuya Kyzer mo ha?" Tumango ako
"Zar." Tawag sakin ni daddy. Napalingon ako. Seryoso siyang nakatingin sakin. "We have to discuss something important."
"Ano yun dad?" Tanong ko
"You should be homeschooled... again." seryosong sabi niya. Nagulat ako. Pati si mommy.
"What are you talking about Gelo?" Naguguluhan na tanong ni mommy.
"W-What? B-But-"
"It's for the best, Zar. Ayokong maulit ang nangyari noon." seryoso parin na sabi ni daddy.
Otomatikong tumulo ang mga luha ko. "Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan dad? Naging katulad ka rin ba nila?"
"Hindi ganun yun Zar. Ayoko lang na mapahamak ka." Nakita ko ang concern sa kaniyang mga mata.
"Pinangako ko naman na di na mauulit yun diba? Hindi ka ba naniniwala sakin dad?"
"Di mo ako maintindihan Zar. Ginagawa ko to para sa-"
"Para sakin? Dad. Ikukulong mo nanaman ako dito sa loob ng bahay. Daddy. Ayoko na." Tinignan ko si mommy. Nagmamakaawa ang aking mga mata. Ayokong makulong ulit dito sa pamamahay na ito. Ayokong mag-isa.
"Gelo. Please. Give her a chance. Maniwala ka sa anak natin Gelo. She made her promise, right?" Pilit niya kay daddy. Napahinga ng malalim si daddy.
"Ok. Fine. Just promise me one thing: Take care of yourself. Ok?"
Napangiti ako ng malapad saka yinakap si daddy. "Yes dad. I will." puno ng kagalakan kong sabi.
"Gusto mo na bang pumasok?" Tanong ni kuya na kararating lang galing kwarto niya. Nakapalit na siya at handa nang pumunta sa school. Halatang walang ideya sa nangyari kanina.
Ngumiti ako sakaniya saka tumango. Umakyat agad ako sa kwarto ko saka naligo at nagpalit. Mabilis lang akong natapos.
Bumaba na ako. Sabi ni mommy kung gusto ko talagang magbago... isipin ko lahat ng mali. Pairalin ang galit kesa sa konsensya. Naramdaman kong napalitan ng galit ang puso ko kaya nagbago ang mood ko.
"Sa akin kayo sasabay." Sabi ni daddy.
"Ok. Bye mom." sabi ni kuya saka siya hinalikan sa pisngi.
"Bye mom." sabi ko saka nag-ok sign kay mommy.
"Zar. You can do it." sabi ni mommy. Napangiti ako.
"Thanks mom." Bulong ko. Pero agad napawi yung ngiti sa labi ko. Kailangan wala akong iniisip na positibo ngayon. Di naman yung parang negative thinker pero kailangang wala akong maisip na magandang mangyayari ngayong araw na ito. Kahit ngayon lang... hanggang sa masanay ako.
"Zar. Let's go." aya sakin ni kuya. Tumango ako saka sumakay sa kotse ni daddy. Ito yung unang beses na sasabay kami sakaniya. Nahihiya kasi kami ni kuya na mapansin masyado kaya di kami sumasabay sakaniya. Ngayon lang siya nag-aya ulit.
Sumakay na ako. Pati di kuya. Parehas kaming nakadungaw sa bintana ngayon. Napakatahimik.
"Zar. Kami bahala sayo." Basag ni kuya sa katahimikan. Tinignan ko siya. "You don't have to, onii-san. I can manage."
"Ayokong mangyari ulit ang nangyari noon sayo. Kahit anong sabihin mo, di mo kami matitigilan." Seryosong saad ni kuya. Iniwas ko yung tingin ko.
"I envy you." Bulong ko.
Buti pa si kuya, kaya niyang kontrolin ang emosyon niya. Para siyang si mommy. Walang ekspresyon ang mukha niya. Samantalang ako naghihirap na baguhin ang personalidad ko. Kaya ako naaabuso dahil lagi kong pinapakita sakanila na wala lang sakin kahit saktan nila ako eh.
"Zar. If anything happens, tell me. Ako bahala sakanila." Seryosong sabi ni daddy
"Yes dad. Thanks." matamlay kong sabi
"Kung ano man ang desisyon mo, dun din kami." sabi ulit ni daddy saka ngumiti
"Thanks dad." ngumiti ako ng tipid
"We're here. Mauna na kayong bumaba. Alam ko naman na ayaw niyo ng atensyon." sabi ni dad saka tinigil ang sasakyan sa harap ng school.
"No dad. It's fine." sabi ko, "I can manage." seryoso ang mga mata ko. Takte. Ang hirap maging malamig. Hanggang 'seryoso' lang ako. Kaya ko ito. Sabi ni mommy hindi agad agad ang pagbabago. Unti unti ito. Napabuntong hininga ako.
"Are you sure, dear? How about you Zer?" tanong ni daddy. Napangiti ulit ako ng tipid. Zer kasi ang nickname ni kuya kay daddy nung bata. Nakita kong napayuko si kuya.
"I-It's ok dad." mahahalata mo sa boses ni kuya ang hiya. Kung ok lang ako ngayon, tawa na ako ng tawa. Pero hindi e. Wrong timing.
Nakita kong ngumiti si daddy saka pinaharurot ang sasakyan papasok sa school. Marami nang estudyante na nakatingin samin. Itinigil ni dad ang sasakyan sa harap ng mismong building na papasukan namin ni kuya. Agad kaming bumaba.
"Thanks dad." sabi ko saka ngumiti ng tipid. Pati si kuya. Tumabi sakin si kuya saka inakbayan.
"Bahala ka na sa kapatid mo Zer." bilin ni dad kay kuya saka umalis.
Napansin ko lahat ng estudyante nakatingin samin. Napahinga ako ng malalim saka napahawak ng mahigpit sa bag ko. Step 1: Try not to care.
Wag ko silang pansinin. Kahit anong sabihin nila... kahit masakit wala dapat akong pakialam. Yun ang pinakaunang sinabi ni mommy na dapat sundin ko. I will not fail her.
Naramdaman ko ang higpit ng pagkakaakbay sakin ni kuya. Napatingin ako sakaniya "Onii-san. Relax. I can manage this." sabi ko sakaniya.
"Hintayin lang natin na makumpleto tayo. Saka ko tatanggalin itong pagkakaakbay ko sayo."
"ZarZar!" Napatingin ako sa harap. Si Kenzie kumakaway samin. Kumaway din ako pero di nagbago ang ekspresyon ko.
Narinig ko ang bulungan sa paligid. Pero agad tinakpan ni kuya ang tenga ko. "K-Kuya." Tinignan ko siya. Matatalim na tingin ang ibinigay niya sa mga estudyante doon kaya agad silang napaiwas ng tingin saka dali-daling umalis.
"Andito na sila. Halika na Zar." Hinila ako ni kuya kasunod sila Yves na kararating lang.
"Wag kang hihiwalay sakanila kahit anong mangyari. Naiintindihan mo ako?" Seryosong sabi sakin ni kuya. Tumango ako.
"Zar. Kami bahala sayo." bulong ni Tristian sa tenga ko.
"Salamat." ngumiti ako ng tipid.
Nakarating kami sa tapat ng room na papasukan namin. Tinignan ni kuya sila Yves sabay sabing, "Kung maaari, bantayan niyo lagi itong si Zar. Kung may magbulungan man, takpan niyo ang tenga niya. Kayo na bahala sakaniya." utos ni kuya sakanila.
"Kami bahala." Sabi ni Yves saka ngumisi.
Tinignan ako ni kuya saka ngumiti "Ingatan mo ang sarili mo ha?" bilin niya sakin saka ginulo ang buhok ko. Tumango ako saka nag-ok sign.
"Kayo na ang bahala sakaniya. Magkikita tayo mamayang recess." sabi ni Yohan. Sumang-ayon lahat sila. Hinawakan ko ang pintuan saka binuksan ito. Lahat sila tumahimik. Try not to care. Iniwas ko ang tingin ko saka dere-deretsong pumasok sa loob kasunod sila Kenzie. Umupo ako sa upuan ni Sizon at dumungaw sa bintana. Ok lang siguro sakaniya kung magpalit muna kami ng pwesto.
"Zar, anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Dominic sakin
"Gazing." tipid na sagot ko
"Geez. You're so distant now." Rinig kong bulong niya. Tumulo ang isang butil ng luha galing sa kaliwa kong mata.
"Sorry." bulong ko, "Pero kailangan kong gawin ito."
Sorry guys. Ngayon ko lang iisipin ang sarili ko. Ayoko nang maabuso ulit. Sawa na akong magpakabait.
"Ehem. Ako nakaupo diyan."
Napatingin ako sa harap ko. Nakatayo dun si Sizon with his usual bored face. Iniwas ko ang tingin ko sakaniya. "M-Mind if I sit here? Just for a while." seryoso kong sabi. Nakita kong ngumisi siya saka tumango.
Umupo siya sa upuan ko saka sumubsob sa desk. Mabait naman siya e. May itsura na rin. Kaso feeling e. Kala mo kung sino. =___=
"Landi niya talaga."
Natigilan ako nung narinig ko yun. Napapikit ako. "Try not to care. Try not to care. Try not to care." I mumbled. Paulit-ulit kong binulong sa sarili ko ang pinakaunang sinabi ni mommy.
Hinawakan ni Sizon yung nakayukom kong kamay. Nanginginig ako pero sinusubukan kong kontrolin ang galit ko. "Calm down." Bulong niya sakin. Minulat ko ang dalawa kong mata saka tumungin sakaniya. Nakatingin siya sa harap pero hawak niya ang kamay ko. "I know it's not easy to control your temper. But please, calm yourself."
"I-I know." Mahirap lang kasi talaga baguhin ang nakasanayan kong ugali. Wala akong pinapalagpas kahit gaano kababaw. Yun ako noon. Pero sinusubukan kong baguhin ito ngayon.
"Thanks." Sabi ko sakaniya saka ngumiti ng tipid. Nagulat ako nung nilapit niya yung mukha niya sa kaliwa kong tenga saka bumulong, "If you really want to change... endure."
-----
"ZarZar. Kami na bibili ng pagkain mo sa baba. Wag ka nang sumama." sabi ni Zie sakin. Matamlay lang akong tumango saka dumungaw ulit sa bintana.
Di ko parin makalimutan yung binulong ni Sizon sakin. Endure? Kahit di niya ipahalata alam kong nag-aalala din yung gagong yun sakin eh. Pansin ko lang. Kanina pa siya umalis. Di niya hinintay sila Dominic. Alam kong may sarili siyang mundo pero pakiramdam ko iniiwasan niya kami. Pakiramdam ko lang. Iba kasi siya noon. Pero paano kung nagbago tingin niya sakin nung nakita niya akong magalit? Medyo nakita ko nun siya nung birthday ko e. Di niya kami tinitignan. Sa iba siya nakatingin. Parang nag-iba yung pakikitungo niya samin. Ewan ko pero parang ang dami kong napapansin kapag malungkot ako.
Napahinga ako ng malalim. Mas maganda palang mag-isa. Tahimik... Makapag-iisip ka ng mabuti... saka mapayapa.
Speaking of 'Mapayapa', Ba't kaya ganun? Noon maraming war ang nangyayari para makamit ang kapayapaan. Bakit kailangan maraming mamatay? Bakit kailangan maraming buhay ang masakripisyo? Kapag nanalo yung isa, gaganti din naman yung isa diba? Ano nga ba talaga ang kapayapaan?
Katulad ng nangyayari sakin ngayon. Noon, nagtiis ako para wala silang masabi sakin. Pero bakit marami paring tao ang sobrang mapanghusga? Ni hindi manlang nila ako binigyan ng chance para magpaliwanag. Ngayon, nagtitiis parin ako para ma-please ko lahat sila. Alam ko na ginagamit lang nila ako pero di naman ako magsalita, diba? Pero bakit ganun parin sila?
"Czarina."
Ang boses na yun. Napatingin ako sa harap ko. Nakatayo sila Yui, Orie at Misaki sa harap ko. Iniwas ko ang tingin ko, "What do you want?" walang halong emosyon na sabi ko. Nagulat ako. Yun lang pala yun e. Mommy. Naiintindihan ko na ngayon.
"Sorry." Bulong ni Yui. Napuno ng konsensya ang puso ko.
Pero naalala ko... dapat di na ako magtiwala sakanila ulit. Inisip ko lahat ng ginawa nila. Ang ginawa nilang pambabackstab sakin. Tingin nila may magbabago? Masakit kapag yung mga taong akala mo iba nahuli mong nambabackstab sayo. Ok lang sana kung sila sila lang eh. Ang problema kasi halos lahat ng estudyante siniraan niya ako eh. Lul nila.
Napuno ulit ng galit yung puso ko. Tinignan ko sila ng seryoso sabay sabing, "I don't care anymore. Say what you want to say about me. I will never give a damn anymore. I'm not dumb enough to trust you again." Walang emosyon kong saad. I'm getting the hang of it. Napangisi ako.
Nagulat sila. Di kasi ako ganito noon. Kapag nagsorry na sila sakin, papatawarin ko agad sila. Sensya na. Sadyang ayoko na ng mga plastic na tulad niyo.
"Z-Zar. Is that really you?" Tanong ni Misaki. Halata sakaniyang mga mata ang pagkagulat.
The real me? I smirked again. "I don't know. Thanks to all of you, I don't know who I am anymore." Tumayo ako saka kinuha ang bag ko. Naglakad ako palayo sakanila. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Napayuko ako. Isa sa ayaw ko yung pinagtitinginan ako eh. Lalo na pag ganiyan yung tingin nila... mapanghusga.
"Anak pa mandin ng Principal."
"Akala mo kung sino."
"Totoo nga ang sinabi ni Yui. Masama talaga ugali niya."
"What a pretender."
Natigilan ako. Nagbalik yung mga memorya ko na dapat di ko na maalala pa. Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Bigla akong napaluhod.
"Diba siya yun?"
"Oo. Yung babaeng pumatay dun sa anak ng mga Luna?"
"Ang bata niya pa nakapatay na siya."
"Wag dapat tayong lumapit sakaniya."
"Mamamatay tao."
"Akala mo kung sinong inosente."
"Tapos pinatay niya pa yung lalaki na pinagbibintangan niya na pumatay."
"What a jerk. As if naman na may maniniwala sakaniya."
"Shut the fuck up." Bulong ko. Unti unting tumulo ang luha ko. Di nila alam kung ano talaga ang nangyari noon. Napagbintangan lang ako. Napapikit ako, "I didn't kill her." bulong ko saka tuluyang napaupo. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko saka humagulgol. Isa sa pinaka-ayaw ko yung nakikita nila akong ganito. Pero tuwing naalala ko yung nangyari noon, lagi akong ganito. Nanghihina ako saka biglang iiyak.
Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin. Sobrang higpit... yung tipong di ako makahinga.
"Sshh. Calm down. They don't know the real you. Ignore them." Pagpapakalma niya sakin.
"C-Ciel." sambit ko. Kumawala siya sa yakap saka ako tinignan sa mata. Ngumisi siya saka pinunasan ang luha ko. "Unang beses na tinawag mo ako sa pangalan ko." Sabi niya saka ako binuhat.
"W-What the hell are you doing?!" gulat na tanong ko sakaniya. Pero di ako pumalag. Kailangan kong umalis dito.
I'm gonna confess something. Sa tuwing makakarinig ako ng bulungan sa paligid ko, bumabalik yung nakaraan ko... nakaraan na sobrang sakit. Lalo na pag tinitignan nila ako habang nag-uusap sila. Yung mga mata nilang mapanghusga. Na-trauma na ako noon. Kaya pinipilit kong maging mabait sa lahat para wala silang masabi sakin. Para di nila ako pag-usapan pa. Pero kahit anong gawin ko, meron at meron paring mga taong tatraydurin ako likud-likuran.
"Obviously, I'm carrying you. Just thank me later. I'll surely appreciate that." He rolled his eyes. Even though at times like this, he is still the arrogant sarcastic freak I know. =____=
"Tss."
Naglakad siya habang buhat niya ako. Tahimik lang siya, pati ako. Pumikit ako para di ko makita yung mga mata ng ibang estudyante. "Cover your ears." Utos niya sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Dinala niya ako sa rooftop ng school. Ibinaba niya ako sa sahig saka nag-inat. "Ang bigat mo. =____=" Biglang sabi niya. Napanguso ako.
"Thanks." Bulong ko, "Siguro kung di ka dumating dun, di ko na alam ang gagawin ko."
"Saan ba sila Kenzie? Iniwan ka nila?" tanong niya saka tumabi sakin
"Kind of. Bumili sila ng pagkain ko." nagkibit balikat ako
"Bakit ka umalis sa room natin?"
"Kasi baka lunurin ako ng konsensya at mapatawad ko sila Yui." Mahinang sabi ko.
"Masyado ka kasing mabait."
"Yun na nga eh. Masyado akong mabait..." Malungkot na sabi ko, "Kaya nga sinusubukan kong tigasan tong puso ko eh. Pinipilit kong magbago. Pero sadyang malambot lang itong puso ko eh. Lagi niyang binubulong, 'Bigyan mo ulit sila ng pagkakataon.' Napilitan akong lumabas ng room dahil ayoko pa silang patawarin."
"You are trying to change? Masyado ka kasing emosyonal kaya mahirap para sayo ang magtago ng nararamdaman."
"Oo nga eh. Ang hirap. Parang di ko kaya."
"Hm." Ngumisi siya saka ako tinignan, "But you are willing to change, right?"
Tumango ako saka bumuntong hininga. "I just can't do it." sabi ko, "I want to give up."
"Giving up already? You know what, Monzia? If you're about to give up, you should think the reason why you want to change."
Tumingin ako sakaniya... ang aking mga mata ay puno ng gulat. Sometimes, people tend to hide their true identity behind an evil mask. Literal siya. Pilosopo. Mahangin. Arogante. Pero lahat ng sinasabi niya... makabuluhan. Di mo aakalain na masasabi niya yun.
Napatingin din siya sakin kaya agad kong iniwas yung tingin ko, "T-Thanks." sambit ko.
"Masakit ba?" Tanong niya sakin.
"Oo. Sobra. Masakit ang matraydor."
"Gaano kasakit?"
Ngumiti ako, "Alam mo yung pakiramdam na parang nanghihina ka? Tapos yung puso mo parang di tumitibok. Parang namanhid pero medyo mararamdaman mo na parang may tumutusok na kutsilyo. Ganun. Ganun ang nararamdaman ko ngayon."
"Gusto mo yakapin kita?" Tanong niya sakin. Ngumiti ako. Pero malungkot ang mga mata ko. Bigla niya ulit akong yinakap ng mahigpit.
"Ciel." Bulong ko saka unti unting tumulo ang luha ko. Yinakap ko siya pabalik saka sinuksok ang mukha ko sa dibdib niya, "Thanks." sambit ko.
"Dapat di na ako nagtanong pa. Kasi alam ko naman na kailangan mo ito ngayon." rinig kong bulong niya.
Third Person's POV
"Nasaan si Zar?!" Nagpapanic na sabi ni Yves. Kagagaling lang nila galing sa canteen. Pagbalik nila wala si Czarina sa upuan niya.
"Puta. Dapat may naiwan dito para bantayan siya eh." sabi ni Tristian.
"Hanapin nalang natin siya. Pag nalaman to ni Kyz at Yohan lagot tayo." sabi naman ni Kenzie
"Si Ciel! Asan si Ciel? Baka kasama niya si Zar. Nauna siyang umakyat satin diba?" sabi ni Dominic na nagpapanic narin.
Tinawagan ni Bryle ang phone ni Ciel. Pero patay ito. "Takte. Mga brad. Nakapatay phone niya."
"Magtanong nalang tayo." sabi naman ni Clayton
"This is just messed up." bulong ni Keezer.
Kung kani-kanino sila nagtanong. Pero yung iba di nila alam. Yung iba ayaw sabihin. Yung iba namesmerized.
"Tofu naman." Kenzie whined, "Ba't kasi walang matinong kausap dito?!"
"Magkasama daw sila ni Ciel. Andun sila sa rooftop." Kalmado na sabi ni Keezer.
"Saan mo nalaman?" tanong ni Bryle sakaniya
"Narinig ko lang sa tabi." kaswal na sagot niya. Dali-dali silang pumunta sa rooftop. Nakita nila dun ang natutulog na Czarina at si Ciel na nakahiga lang sa tabi niya. Nagsilbing unan ni Czarina ang braso ni Ciel.
"Ciel. We owe you a lot. Thanks for taking care of her." sabi ni Yves
Tumingin si Ciel sakanila saka ngumisi, "No need to thank me. Kaya ko lang ginagawa ito dahil naawa ako sakaniya kanina." sagot naman ni Ciel
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Tristian saka umupo sa tabi nila. Nanatiling nakahiga si Ciel para di magising si Czarina.
"Nung paakyat ako papunta sa room, nakita ko siyang nakaupo sa sahig; Umiiyak siya. Nakatakip ang dalawang kamay niya sa mukha niya. Di ko rin alam kung anong nag-udyok sakin para yakapin siya at idala dito."
"Salamat tol. Salamat talaga." Sabi ni Kenzie
"Bakit tuwing nakaririnig siya ng bulungan nagkakaganito siya?" Biglang tanong ni Ciel. Nagkatinginan silang lahat, "Napansin mo yun?" Tanong ni Dominic sakaniya
"Oo. Nagiging iba siya." Kaswal na sagot ni Ciel
"Si Zar lang ang may karapatang ilahad sayo yan. If she trust you, she will tell you." Seryosong sabi ni Clayton.
"I'm not going to ask her. I guess it's better left unsaid." Sabi ni Ciel.
"We challenge you to a match."
Napatingin lahat ng lalaki sa nagsalita. Merong anim na lalaki. Lahat sila maangas. Isa sila sa mga gang dito sa school na di dapat binabangga.
"Black Tigers." Walang emosyong sabi ni Keezer saka seryosong tumingin sa mga kasamahan niya.
"Puta. Ba't ngayon pa?!" Sabi ni Yves saka sinuntok ang pader na katabi lang niya.
Kung kailan wala sa tamang kondisyon ang lider nila, saka may nanghahamon sakanila. Alam nilang kaya nila ito pero si Czarina ang iniisip nila.
"I accept it." Biglang sabi ni Czarina saka minulat ang mga mata. Tumayo siya saka seryosong tumingin sa 'Black Tigers' sabay sabing, "We won't loose."
-----------
Sorry sa mga nagbabasa nito. Matagal ang update ko kasi hinahabaan ko bawat chapter. :D Happy Valentine's Day! puso puso <3
Dedicated po itong chapter na ito kay ExtraOrdinaryGirl29. Ni-PM niya po ako para lang sabihin saking magaling daw po akong sumulat. Salamat po sa pagsuporta mo. Hart hart. <3 (Isusunod ko po yung isa na nagmessage ulit sakin. :D)
Promise ko ito guys, pagkatapos ng graduation magiging active na ako! :D Maraming salamat po sa mga naghihintay ng update nito at sa mga nagv-vote at nagc-comment! Kaibigan ko po kayong lahaaaat! :3
~SamanthaBruno