Hello Stranger

By Mikxs20

7K 201 19

Dahil sa pagbubunggo mo sa akin sa daan muntik na akong mamatay at ng dahil sa ginawa mo hindi na tumigil ang... More

Prolouge
Chapter 1: Meet Shaina Marie Tolentino
Chapter 2: My Effort
Chapter 3: An Epic Surprise
Chapter 4: Sky Rocks
Chapter 5: For the second time
Chapter 6: What A Small World
Chapter 7: Mysterious Guy
Chapter 8: Fight
Chapter 9: Pride
Chapter 10: Meet the Mysterious Guy
Chapter 11: That Girl
Chapter 12: Bonding
Chapter 13: Pampanga Adventure
Chapter 14: Mt. Arayat
Chapter 15: She's Drunk
Chapter 16: Goodbye Kiss
Chapter 17: New Prof
Chapter 18: Roses
Chapter 19: Dinner
Chapter 20: Ginugulaman
Chapter 22: Sanchez's Reunion
Chapter 23: Almost
Chapter 24: Call Me Baby
Chapter 25: I Saw Them
Chapter 26: I'm Here
Chapter 27: Where Are You
Chapter 28: I Came
Chapter 29: Dirty Play
Chapter 30: Official
Chapter 31: Mars
Chapter 32: Moon
Chapter 33: Pyrofest

Chapter 21: Password

236 6 0
By Mikxs20

Shaina Pov.

"Ang sakit ng ulo ko Mama." pagrereklamo ko kay mama habang naka sandal ang dalawa kong kamay sa mesa.

"Ayan kasi, kung ano pa yang alam mong inom inom." 

Pinagalitan tuloy ako ni Mama.

"Ma, paano pala ako nakauwi?" alang emosyon kong sabi habang umiinom ng malamig na tubig.

"Hinatid ka ni Clark kagabi." sambit ni Mama habang hinahapag ang almusal.

Muntik ko ng maibuga ang tubig na nasa bibig ko sa pagkain. Lagot ako kay Mama kung natuloy man yon.

"Buti na nga lang at hinatid ka niya dito pauwi. Kung hindi baka napano kana sa bar na pinuntahan niyo ni Aira kagabi."

Isang tango nalang ang sinabi ko kay Mama.

Buti nalang at saturday ngayon. Gusto ko munang magpahinga ngayon. Medyo nararamdaman ko pa kasi ang hang over ko. Kainis kasi, uminom ba naman ako ng hard drinks. Selos kasi ng selos eh.

Nang matapos akong kumain ng almusal ay kaagad akong nagtungo sa kwarto ko upang magpahinga. Pero hindi pa man ako nakakahiga sa kama ko ay may biglang kumatok.

"Anak may bisita ka." sambit ni Mama.

"Sino daw po Ma?" inis na tanong ko kay Mama. "Baka bwisita po yan ah hindi bisita."

Isang makahulugan na ngiti lang ang sinagot sa akin ni Mama.

Hala sino kaya yun?

Sinundan ko nalang si Mama sa patungo sa sala upang makita ang bisita ko daw. Saturday ngayon? Hindi naman ako bibisitahin ng mga kaibigan ko. Lalo na't nalasing din mga yun. For sure nakanganga pa sila ngayon dahil sa kalasingan.

"Heto na sya hijo." sambit ni Mama kay Clark.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Clark at biglang namula ang mukha. Teka nga lang ano bang problema nito?

Umalis na si mama sa sala at iniwan kami ni Clark dito.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata, ano bang problema nito?

"Hoy. Alam mo ba dapat nagpapahinga ako ngayon. Letche ka! Bakit mo ako pinuntahan dito alam mo naman may hang over pa ako!" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya. Pero ang lolo niyo hindi man lang kumukurap nakatingin lang siya sa akin.

Kumunot naman bigla ang noo ko. Bakit todo makatingin si Clark sa akin ngayon.

A moment of silence...

Nang marealize ko na hindi mukha ko ang tinitignan ko kundi sa dibdib ko. Tinignan ko ang suot kong damit. What the fudge? Naka sleeve less lang pala ako at shorts.

Kaagad ko naman tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Bastos." singhal ko kay Clark.

Bigla naman siyang napangisi sa ginawa ko.

"Hindi mo ba malulugaran yang kabalastugan mo?!" inis kong sbai sa kanya.

"What?" painosente niyang sabi.

Bigla naman nag init ang ulo ko. Ang sarap tadyakan palabas ng bahay namin ang lalaking to.

"Ang ganda ng view bigla mo naman tinakpan." sambit niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Pervert!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Nanunuod kaya ako ng movie tapos bigla kang humarang, sino ba naman ang hindi matutulala sa ginawa mo." paplay safe niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin at tumalikod ako sa kanya upang tignan ang t.v kung nakasindi nga ito.

Napanguso naman ako dahil sa pinapanuod niya na movie. The heck?! Bakit nanunuod ng Despicable Me ang kumag. 

"Ate kelan kapa naging fan ng minions?" nakataas ang kilay ko na sabi.

"Ngayon lang?"

"Sus!" inis akong tumabi sa kanya sa sofa. "Ano pala ang ginagawa mo dito?"

"Sobrang sweet mo talaga sa akin no? Kinikilig tuloy ako." natatawa niyang sabi, bigla ko naman siyang sinapok. "I love you too." sambit niya.

Nanlaki naman bigla ang mata ko sa sinabi niya.

"Naka drugs kaba Clark?" 

Isang malakas na tawa lang ang sagot niya, bigla ko naman tinakpan ang bibig nya gamit ang kaliwang kamay ko. Baliw to. Nakikibisita na nga lang sa bahay namin, mag iingay pa.

"Andito ka pala." sambit ni Lance ng nakita kami sa ganong sitwasyon ni Clark. Halatang bagong gising palang itong kapatid ko.

Inalis ko bigla ang kamay ko kay sa bibig ni Clark.

"Yup." sambit ni Clark at lumapit siya sa kapatid ko at nakipag kamayan siya. Yung code nila sa group nila.

Pagkakataon ko ng umalis sa sala. Pero hindi pa ako nakakatuntong sa hagdan ng biglang magsalita muli si Clark.

"Hihiramin ko muna si Shaina sa inyo." sambit ni Clark.

Napabaling ako kaagad kay Clark. Halos laglag lang ang panga namin ni Lance dahil sa sinabi niya.

"Hindi laruan ang kapatid ko para hiramin mo siya." sambit ni Lance.

Burn kung burn.

Hindi ko alam, pero parang binara niya si Clark doon ah.

Natawa naman si Clark sa sinabi ng kapatid ko.

"I mean, ipagpapaalam ko sana siya sa inyo. May pupuntahan lang kasi kami at bukas na kami makakauwi."

"What?" sabay naming sabi ni Lance.

"Yup, I wish that you will forgive me." sambit ni Clark.

"Are you insane? Sa tingin mo papayag ako doon? No way. I know you bro!" sambit ng kapatid ko.

Bigla naman natawa ng bahagya si Clark sa sinabi ng kapatid ko.

"Iba ako kapag kasama ko si Shaina." sambit ni Clark.

Hindi naman kami nakaimit ng kapatid ko dahil sa sinabi ni Clark.

"Anong meron dito?" sambit ni Papa na kakababa lang at bagong gising lang.

"Good morning po Tito, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo. Isasama ko po sana si Shaina ngayon. At bukas na po kami makakauwi."

"Saan naman kayo pupunta hijo?" tanong ni Papa.

"Sa Pampanga po." 

At tumango tango naman si Papa. 

Napatingin naman ako kay Papa, pinapayagan niya ako?

"Sige. Basta huwag mong sasaktan ang anak ko ah. Ibalik mo siya ng buong buo dito." sambit ni Papa.

"Pa!" sigaw namin ni Lance sa kanya.

"Bakit ka pumayag pa?" sabay namin sabi muli ni Lance.

"Mukhang mabait naman itong si Clark, at ayaw mo yun babalik kang muli sa Pampanga."

Hindi ako sumagot sa kanya. At ang kapatid ko nawala bigla sa mood dahil dumiretso na siya sa kusina.

-

"Ano bang gagawin natin sa Pampanga?" tanong ko kay Clark habnag bagtas namin ang daan patungong express way.

"Namimiss kana kasi ni Mama." seryoso niyang sabi.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, namimiss ko na rin si Tita Carol.

Halos tatlong oras rin kaming bumyahe ng nakarating na kaming muli sa bahay este mansyon nila Clark.

Kaagad na sumalubong sa amin si Tita Carol.

"Shaina. Namiss kita hija." pagyakap niya sa akin.

Nahihiya man, ay gumanti rin ako ng yakap kay Tita Carol.

"Namiss ko rin po kayo Tita."

"Mabuti naman at pinagbigyan mo ang hiling ko bisitahin muli kami dito sa Pampanga."

"Syempre naman po." sambit ko sa kanya na may kasamang ngiti.

"Clarky boy ko. Namiss din kita hijo. Parang tumaba ka na." sambit ng Mama ni Clark sa kanya, "Umiinom ka na siguro muli ng vitamins mo no? Tsaka umiinom ka na rin siguro ng gatas bago matulog." tuloy tuloy na sabi ng Mama ni Clark.

"Mama!" sambit niya, "Nakakahiya kay Shaina." 

Natawa naman kami ni Tita Carol sa sinabi ni Clark. What the heck!

"Hala itong Clarky boy ko nahihiya sa girlfriend niya." sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang anak. Sobrang cute nilang tignan.

Napakamot nalang tuloy si Clark sa kanyang batok tsaka tumatawa dahil sa kanyang ina.

Ang swerte rin niya sa Mama niya. Sobra.

"Kumain na pala kayo ng tanghalihan, halina kayo." sambit ni Tita Carol.

Habang nagsasaluhan kami sa tanghalihan, sobrang dami namin napagkwentuhan ni Tita Carol. Halos ang kwento niya sa akin ay noong bata pa si Clark.

"Noong grade 3 yang anak ko, ay binigyan niya ng rose yung teacher niya at hinalikan pa nga niya ito sa cheeks." natatawang sabi ni Tita Carol.

"Mama, pati ba naman yan ikukwento mo pa kay Shaina." halos lumubog na si Clark sa kinauupuan niya.

"Ano ka ba Clark!" suway sa kanya ni Tita Carol.

"Bata ka pa lang talaga hokage kana no?" natatawa kong sambit kay Clark. "Tsaka bata ka palang madami kanang babae."

"Sus!" sambit niya. "Basic nalang yun." pagmamayabang niya.

Bigla ko naman siyang binatukan.

Natawa naman si Tita Carol sa amin.

Habang nagkakatuwaan kami ay biglang dumating si Tito Edgar.

"Pa!" bati sa kanya ni Clark at sinalubong ang kanyang Ama.

Sinundan ko rin si Clark upang mag mano sa kanyang ama.

"At buti naman ay pumasyal kang muli dito hija. Alam mo bang miss na miss kana ni Tita Carol mo."

"Oo nga po." nahihiya kong sagot.

Nang matapos ang tanghalian ay niyaya naman ako ni Clark. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. 

Pero bago kami mag tungo sa lugar na pupuntahan namin, ay tumigil muna ang saksakayan noii Clark sa isang flower shop.

"Wait for me here." sambit niya

Tinanguan ko lang siya.

Habang nasa loob ako ng kotse pinagmasdan ko lang si Clark na papasok ng flower shop. Napabuntong hininga nalang ako. Ano naman kaya ang gagawin niya sa bulaklak na bibilhin niya.

NNakita kong lumabas na si Clark na may dalang tulips na bulaklak.

Hindi naman ako mahilig sa bulaklak pero bakit ba ang hilig akong bilhan ng lalaking to?

Nang makalapit siya ng kotse ay binuksan niya ang pintuan sa back seat at nilagay doon ang bulaklak na binili niya.

Akala ko sa akin yon. Mali pala ako.

Ang assuming ko kasi.

"Okay ka lang?" sambit niya. Hindi ako sumagot sa tanong niya. 

Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at ilang minuto pa ay nagtungo kami sa cemetery. 

Kaagad naman akong napatingin sa kanya.

"Anong ginagawa natin dito?"

"May namiss lang kasi akong isang importanteng tao." ngumiti siya sa akin.

Alam ko na kung sino yon, nauna niyang nakilala yon kesa sa akin. 

Bumaba si Clark sa kanyang kotse, at pinagbukasan niya ako ng pinto.

"Salamat." tipid kong sabi sa kanya.

Bigla naman niyang kinuha ang tulips na bulaklak at hinawakan ang amay ko patungo sa isang puntod.

Nilapag ni Clark ang tulips na bulaklak sa lapida at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Namimiss na kita." panimula niya. "Dapat magkasama pa tayo ngayon eh. Hindi pa natin natutupad ang mga pangarap natin."

Bigla ko naman narinig na tila nababasag ang boses ni Clark.

"Miss na miss ko na yung pag luluto mo sa akin, mga halik mo lalong lalo na ang yakap mo." 

Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Bakit ganito? Akala ko ang kakumpetensya ko sa buhay niya ay ang mga babaeng naka aligid sa kanya, pero mali ako. Maling mali.

Dahil ang kakumpetensya ko sa buhay niya ang isang tao na hinding hindi mapapalitan sa puso't isipan ni Clark.

Si Amy.

"Bakit ganon Amy?" narinig ko na ang mahinang pag iyak ni Clark. "Hinding hindi ka maalis sa isip ko." 

Isa lang ang masasabi ko. Real Men Cry!

"Siguro nagtatampo kana sa akin no? Kasi hindi na kita nabibisita. Nandito na ako. Dinala ko narin ang favorite mong bulaklak."

Hindi ako makaimik dahil sa mga sinabi ni Clark kay Amy.

Mahal na mahal niya parin ito, kahit wala na si Amy.

Bigla naman tumayo si Clark at nilapitan ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo kami malapit sa lapida ni Amy.

"Amy, ito nga pala si Shaina." pang iintroduce niya habang nakatingin siya sa akin. "Huwag ka ng magtampo kung hindi kita nabibisita ah? Madalas kasi kasama ko siya."

"Clark! Baka multuhin naman ako ni Amy dahil sa sinasabi mo." pambabawal ko kay Clark.

"Hindi ka niya, mabait naman itong si Amy." sambit niya habang nakatingin sa lapida ni Amy.

Ilang minuto pa kaming nagstay sa puntod ni Amy ng napag pasyahan na namin ni Clark na umalis.

"Sige mauna ka na muna sa kotse." sambit ko kay Clark. "Gusto ko lang makausap si Amy." 

Tumango naman si Clark at nag tungo na siya sa kotse niya.

"Amy, sana kaya na muling magmahal ni Clark. Sana ako naman din ang mahalin niya. Napaka swerte mo dahil hanggang ngayon ikaw parin ang mahal niya. Pero sana soon ako naman?" napabuntong hininga ako. "Hindi ko naman siya inaagaw sayo, sana panahon narin niya para mag mahal muli ng seryoso." 

Iyon nalang ang sinabi ko at nagpaalam na ako kay Amy.

Habang nasa kotse kami ay wala kaming imikan ni Clark.

Hindi ko nga rin alam kung saan niya ako dadalhin ngayon. Nahinto kami sa isang park.

Nauna siyang lumabas ng kotse at pagkatapos ay pinag buksan niya ako ng pinto.

Sinundan ko naman siya patungo sa isang wooden bench at umupo kami don. 

Kahit na hapon na ay wala parin gaanong tao dito sa park. Napatingin naman ako sa phone ko upang magcheck ng social media accounts ko. Kaso nga lang ay walang signal sa park.

Ano ba yan.

"Walang signal talaga dito." sambit ni Clark at nigla niyang kinuha ang pocket wifi sa bulsa niya.

"Wow ah, may dala ka pala niyan."

Natawa nalang si Clark sa sinabi ko.

Kinuha niya ang phone niya at feeling ko ay ichecheck din niya ang social media accounts niya.

"Clark anong password nito?" tanong ko sa kanya.

Sumulyap siya sandali sa akin tapos ay bumaling ng tingin sa phone niya.

"kiss mo muna ako" seryoso niyang sabi.

"Ano? Seryoso kaba?" halos gulat kong tanong sa kanya.

"Oo."

"Clark naman, alam kong malandi ka. Pero seryoso akong nagtatanong sayo. Ano ngang password nitong pocket wifi mo?"

"Kiss mo muna nga ako." inis niyang sabi.

"Totoo?"

"Oo nga!" sigaw niya sa akin.

"Teka bakit ka ninigaw batukan kita diyan!" inis kong sabi sa kanya, "Ano nga kasi password nito?"

"Kiss mo muna ako." inis niyang sabi.

Bigla ko naman siyang hinalikan sa cheeks. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Para saan yon?" tanong ni Clark.

"Ayan hinalikan na kita. Sabihin mo na yung password mo bilis."

Bigla naman tumawa si Clark ng malakas at nakahawak narin siya sa tiyan niya dahil sa kakatawa niya.

Kunot noo ko naman siyang tinignan.

Anong problema ng gunggong na to.

"Hoy. Tumigil ka nga kakatawa!" pagbabawal ko sa kanya.

"Ang sabi ko KISSMOMUNAAKO ang password." pagpipigil niya ng tawa habang nagsasalita.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya, walang hiyang to. Hindi kasi ayusin ang pagkakasabi eh.

Malay ko bang iyon ang password niya.

"Ikaw pala ang dakilang hokage eh, hindi ako." pang aasar niya sa akin

"Malay ko bang iyon ang password mo."

"Sus, ikaw ah." pang aasar niya sa akin. Tinusok tusok naman niya ang tagiliran ko.

"Tumigil ka nga!" pagpapalo ko sa kamay niya.

"Kagabi kapa." natatawa niyang sabi. "May itatanong ako."

"Ano?"

"Ano pala yung word na ginugulaman?" pagpipigil niya ng tawa.

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Walang word na ganon." sambit ko sa kanya.

"Ikaw kasi sinabi mo yun kagabi."

"Wala akong sinabing ganon!"

Natawa nanaman bigla si Clark.

"Kapag hindi ka tumigil kakatawa diyan isasaksak ko sa bunganga mo yang cellphone at pocket wifi mo!" 

Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya, bilang pagsuko. Pero ang kumag at pilit parin niyang pinipigilan ang kanyan pagtawa.

Takte talaga ito.

Ang hilig mang asar.

"Shaina!" pagtawag niya sa akin. "Kiss mo muna ako" natatawa niyang sabi.

"Hayop ka!"

Hindi natapos ang araw na to. Inasar lang ako magdamag. Natawagan pa tuloy akong Ms. Hokage




Continue Reading

You'll Also Like

316K 10.5K 35
The Sokolov brothers are everything most girls want. Intimidating, tall, broody, they are everything to lust after. Not that they... particularly car...
1M 48K 28
1950s. ***Story contains mature scenes and Hindi phrases in initial chapters which are not translated in english*** Abhigyan Singh, a Sarpanch of the...
280K 19.1K 20
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...
186K 20.9K 56
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...