Her Eyes #Wattys2018 Winner

deitoy tarafından

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... Daha Fazla

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 4

10.1K 364 158
deitoy tarafından

[Reed]

Nanatili ang ngiti ko kahit wala na sa paningin ko si Ryoichi. May naniniwala sa akin. Naniniwala siya. Pero may pagkamagulo ang lalaking yon, biglang susungit tas magiging palabiro. Tsundere kaya siya?

Maglalakad na sana ako ngunit may humawak sa braso ko. May ngisi siya na hindi mo maipaliwanag. "I found you," umakyat ang kilabot sa aking katawan nang magsalita siya. Malamig ang kanyang boses at may kakaibang nakatago roon.

Pilit akong kumalas sa kanya pero hindi niya ako binitiwan. "Sorry, hindi kita kilala," nang sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ay lalo niya itong ibinaon. Napaigik ako nang maramdaman ko ang kuko niya.

Nandoon ang nakakatakot niyang ngisi. "One of those who are given the Eyes of Gods."

"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

"Isa ka sa mga mayroon non diba?"

"Anong mayroon?" Alam ko na ang tinutukoy niya pero pilit kong tinatago kung ano ang ibig niyang sabihin. Tinignan ko ang parameters niya pero nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko makita ang kamatayan niya?!

"Hindi mo makita, tama ba?" Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya, kakaiba ang kulay nito, kaiba sa mga kulay ng normal na tao. May pagkapula ang kanyang mga mata. Naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa braso ko kaya sinamantala ko iyon upang mabawi ang braso ko.

"Reed Tyler, ang isa sa nabigyan ng mata ng mga diyos. Ang nakakakita kung paano at kailan mamamatay ang isang tao," tinakpan niya ang isa niyang mata. "Hindi ka nag-iisa."

"P-paano mo nalaman?" Nakita ko na lalong lumapad ang ngisi niya. "Sumunod ka sa akin."

Naglakad siya kaya sinundan ko siya. Pumunta kami sa likod ng paaralan kung saan wala masyadong estudyante. "Sino ka ba? Mayroon ka rin ba ng mata? Ano ibig mong sabihin na hindi ako nag-iisa?"

"Hindi lahat ng nakikita ay totoo," makahulugan niyang wika. "Nakuha mo, diba? Ang itim na rosas?" Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ko ang pinapakahulugan niya.

"May anim na rosas akong ipinakalat," naglabas siya ng anim na maliliit na ubod ng rosas. "Una ang puti, ang puti ay pumakakahulugan ng kapanganakan, buhay para mas maliwanag," ibinaba niya iyon sa lamesa na naroon.

Hinawakan niya ang pula. "Pula naman sa kapahamakan," katulad ng ginawa niya sa puti ay ibinaba niya rin. "Lila sa pagtatagumpay, rosas sa pag-ibig, bughaw sa kinabukasan, at itim sa kamatayan." Naibaba niya lahat ng rosas at nakatingin lang ako roon.

"Sino ka ba talaga at ano kailangan mo sa akin?"

"Ako? Isa ako sa anak ni Kamatayan, babalaan lang kita. Marami ang gustong gumamit ng mga kakayahan niyo, hanapin mo silang lahat bago magamit sa mali ang kakayahan ninyo," makahulugan niyang sabi. "Penelope Grim," inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Alam kong alam mo na ang pangalan ko," tumango lang siya.

"Mag-iingat ka Reed, isang pagkakamali mo katapusan at pagkawasak ang kalalabasan nito sa inyo."

"Bakit ka andito?"

"Para tulungan ka, kayo."

"Bakit ako?" Tinignan niya ako at ngumiti. "Nakita ni Ama na tama lang na sa iyo niya ibigay ang ibang parte ng mata niya, alam niyang magagamit mo yan sa mabuti."

"Pero di ko naman nailigtas ang buhay ni Vivien," yumuko ako nang pumasok ang imahe ni Viv sa isipan ko.

"Ah, Vivien Delgado, she's one rot soul," napatingin ako sa kanya at may hawak siyang notebook na itim parang planner kung titignan. "Mabait nga siya pero dad wants her on oblivion para malinis ang kaluluwa niya for rebirth."

"Huh?"

"Her past self is a prostitute," she laugh. "Kidding aside, medyo nahuli ka lang ng konti pero malaking pasalamat na rin iyon at nalaman ko kung nasan ka."

She cleared her throat. "I'll leave these roses to you, oras na naging malapit ka sa isa sa kanila mamumukadkad ang isa sa kanila," pinulot niya ang itim na rosas. "For example," lumapit siya sa akin at unti-unting bumukadkad ang itim na rosas.

"Kailangan mahanap mo na sila," kinuha niya ang kamay ko at iniwan sa palad ko ang itim na rosas. "Good luck, Reed." Ngiti niya at naglakad na palayo. Naiwan ako nakatingin sa rosas na andoon.

Where the hell would I look for them?! Hindi ko naman hiningi ang kakayahan na ito! Tumakbo ako papunta sa nilikuan niya pero wala na siya. What the?!

"Ano ginagawa mo rito?" Nagulat ako nang nakita ko si Ryoichi sa likod ko. "Ano yan?" Kinuha niya mula sa kamay ko ang itim na rosas at tinignan yon. "Dull color. Bakit ka nagtatago rito?" He asked.

"Hindi ako nagtatago!" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi siya ulit. "You know, you're in trouble when you're with me," makahulugan niyang wika. Nilagpasan ko siya at lumapit sa lamesa kung nasan ang mga rosas.

"Para san yan?"

"I thought I should not stick my nose on other's business, bakit di mo gawin yon sa sarili mo?" Mataray kong wika. Nilingon ko siya and he have a big "O" in his face.

"Is that really, Reed Tyler?" Halos matawa siya habang tinatanong ako. Ipinadyak ko ang paa ko kaya lalo siyang natawa.

"Stop making those cute gestures," aniya at pinitik ang noo ko. "Aray naman eh! Pangalawa na yan!"

Tumingala siya at lalong natawa. "Why so cute?" Pinisil naman niya ang pisngi ko.

"Weird ka!"

"Talaga?" He smirk. "Paano mo nasabi?"

"Parang nung nakaraan lang ang sungit mo sa akin, ngayon naman ganyan ka kakulit. May kumain ba na alien sa iyo at ibang ikaw na yan?"

"Look who's talking weird."

Tinignan niya ang mga rosas na hawak ko. "What are those roses for?" He asked. "Wala namang taniman ng rosas dito so imposibleng pinitas mo yan," tinuro niya isa-isa ang mga rosas. "Besides may pagka-weird yung kulay nung iba."

Wala to! Inilagay ko sa bag ko ang mga rosas pero napansin kong medyo nakamukadkad ang pula. Nasa paligid lang yung may hawak ng isang mata.

"Naniniwala ako sa iyo."

Biglang pumasok sa isip ko ang mga salita ni Ryoichi. "Ryoichi, totoo ba yung sinabi mo kanina?" Tinignan niya ako na para bang imposibleng magsinungaling siya sa akin. "Oo, bakit?"

"Paano kung lahat ng tao, as in 100% eh di maniwala sa akin?"

"Then maniniwala pa rin ako."

"Paano nga?" Pumadyak ako muli at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.

"Kung ayaw nilang maniwala sa iyo, wag mo kalimutan na ako ang isang porsyento ng populasyon na naniniwala sa iyo."

Sinsero ang boses niya at nang tumingala ako ay nakatingin siya sa akin. Ipinamulsa niya ang kamay niya at naglakad na palayo sa akin. "Halika na, mahuhuli tayo sa klase."

Agad akong sumunod sa kanya nang isukbit ko ang bag ko sa aking balikat. Itong snoberong to? Maniniwala sa akin? Wow, such a mercurial person. Capricious.

Habang nagkaklase ay halos mahulog-hulog ang talukap ko habang nakapalumbaba.

"Wag na tayo lalapit sa kanya, nakakatakot siya baka mamaya mamatay tayo oras na lumapit tayo sa kanya."

"Oo nga, is she some sort of a witch?"

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi sa akin ng tao sa paligid. Bakit pa ako magpapa-apekto? Simula kaninang umaga ganyan na sila.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nakita ko sa isang lilim ng puno si Ryoichi. Nagbabasa ng isang novel. He looks so cute while reading. Para bang walang mali sa kanya.

"Ms. Tyler, care to share what's more interesting? Watching outside or learning something from me?" I roll my eyes and look at my teacher. Tinignan ko ang parameters niya. Hindi ko napigilan mapangisi.

"Ma'am wag kayo masyadong mainitin ang ulo baka tumanda kayong dalaga, you still have twenty years to live," pranka kong sagot. I tried to make it sound as a joke and sardonic retort at the same time. "Aba! Loko ka ah!"

Narinig ko ang isang hagikhik mula sa sulok ng kwarto. Ngayon ko lang siya napansin. She have a jet black hair that is kept into a clean ponytail.

"Ms. Fuego, why are you laughing?" The girl shook her head.

"Well, I agree with her, Ma'am once na hindi naiba ang mataray niyong attitude there's a fifty percent chance you'll meet the one you're looking for." Humalukipkip siya at sumandal sa sandalan ng upuan niya.

She looks at me with a familiar look. Ngumisi siya at umiling tsaka tumingin lang sa teacher namin na ngayon ay nagpupula na sa galit.

"Ms. Fuego and Ms. Tyler out of my class! Now!" Turo niya sa pinto. Pinulot ko na lang ang gamit ko tsaka lumabas. Boring naman siya magturo. "You have it too, huh?" Bulong ng babae na kanina'y tumingin sa akin.

Binukas ko ang bag ko at nakita ko na namumukadkad ang bughaw na rosas. "The blue rose," she says and holds it out of the bag. Nang hawakan niya iyon ay namukadkad iyon tulad ng akin kanina. "Mukhang isa ka nga sa may mga mata," she plays with the rose. Inilugay niya ang buhok niya tsaka inipit sa kanyang tenga ang asul na rosas.

"I hold the eye of the future." She says. "You are, Reed, once I look at your eyes I can see your future and it holds a tragedy. Death to be particular."

"Well, I have the Eye of Death, what can I say?" Tinignan ko ang parameter niya. "Janice Fuego," bulong ko. She smiled.

"I am," nilahad niya ang kamay niya. "Nice meeting you."

Tinanggap ko ang kamay niya. Another things flashes on my mind.

Blue. Screams. Dextrose. Machines. Liquids. Syringe. Microchips. Black Out.

Napabitaw ako sa kanya. "You see something?" Iniiling ko ang mata ko. "Sorry, uhmm.. Medyo nabigla lang ako, kailangan ko pa masanay." Tinignan ko ang parameters niya, 123134. This year huh? Ano kaya ang mangyayari?

"The future may be altered by right or wrong decisions, yet once you reach it. It's dead end."

Tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin. "That is what's written on my note. Ano sa iyo?"

"Hindi lahat ng nakikita ay totoo," tumingala siya at nilagay ang braso sa kanyang batok na para bang nakahiga siya habang nakatayo at nagmuni-muni. "A puzzle, eh?"

Tinignan niya ako. "Hindi halata na meron kang mata, pero nung narinig ko yung sinabi mo kanina I figured you have one," humarap siya sa akin at ngumisi. "It's nice na meron akong katulad."

Umiling ako. "Masaya ka ba na nakikita mo ang future ng iba?" Lumabi siya at ngumiwi. "Oo, pwede ko pagkakitaan to, maaring yumaman pa ako."

"Nakikita mo ba ang hinaharap mo?" Bumaba ang mga braso niya sa gilid niya. "That's a problem, nakikita ko ang sa iba pero hindi ko nakikita ang akin."

"Same goes with me, nakikita ko ang kamatayan nila pero di ko nakikita ang akin, maging ang parameters ko."

"Parameters?"

Tumango ako.

"May lumulutang na numbers sa ulo ng bawat tao, nakikita ko ang lifespan nila." Turo ko sa parameter niya na lumulutang-lutang. Sinubukan niyang tumingala pero tinignan niya ako ng weird.

"Wala naman akong nakikita, maging sa iyo. Walang lumulutang."

"Eh?"

"Nakikita ko lang ang kinabukasan gamit ang mga mata pero hindi ko nakikita ang nakikita mo."

"Ako lang nakakakita ng nakikita ko?"

Tumango siya. Weird, akala ko ba meron din silang mata?

"I guess iba-iba ang mga mata na meron tayo," she shrug answering my unspoken questions.

"May alam ka pa bang merong kakayahan na katulad natin?" Tanong ko. Umiling siya, tila naman siya natigilan at natulala na lamang sa likod ko. Ano mali?

"Bakit nasa hall kayo?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses niya kaya nabitawan ko na lamang ang bag ko at kumalat lahat ng gamit ko. Agad kong inumpisahang damputin ang mga gamit ko sunod ang mga rosas.

Puti, itim, rosas, lila.. May nawawalang isa!

Nakita kong yumuko siya at kinuha at pinulot ang pulang rosas. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong pamumukadkad nito.

Isa siya sa mga katulad ko? Isa siya sa mga may mata at ang mata niya ay ang kapahamakan!

"Mayroon ka rin ng mga mata?" Tila ako binuhusan ng malamig na tubig at halos manlamig ako sa pwesto ko.

Tinitigan niya lamang ang rosas at tumingin sa akin.

"Danger comes on your way, find your way out and it's death you'll face."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

49.4K 1K 50
Lyca, a grim reaper, falls in love with a living human boy. Guess what? He's dying... yet she will go to any length, even if it means risking her job...
2K 91 22
Cordelia (means Daughter of the Sea) is the daughter of Aqautic Goddess Hydeline and a human Xyron. Just like her mom, Cordelia has an ability to con...
70.8K 1.5K 22
Dahlia's twin brother is missing and the only clue she has for his disappearance is a mystical golden key and a letter. With only those two things in...
89.3K 6.1K 73
WATTY AWARDS 2019 WINNER (Science Fiction Category) [The Felon Mark #2] • COMPLETED Ang kanilang bansa ay nasa alab na ng pagbabago. Dawn...