Chasing Hell (PUBLISHED)

By KnightInBlack

63.1M 2.2M 1.6M

Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you! More

Work of Fiction
Chasing Hell
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 34

1.1M 52.4K 47K
By KnightInBlack

Chapter 34: Pain

Raze's Point of View

"Thank you,"

Nakipagkamayan ako sa attorney bago ito naglakad palabas ng aking office. Finally, I am officially Raze Silvenia. Mananatiling bahagi na lang ng nakaraan si Lux. Nakaraan na humubog sa akin kung ano ako ngayon.

Napatingin ako sa sofa. Damn! Miss ko na si Dark. Binaon ko ang sarili ko sa trabaho para hindi sya maalala dahil 'pag nagiging bakante ako ay ang mukha nya ang nakikita ko.

Umupo ako sa sofa at tumingin sa kisame.

Sana, kung nasan ka man ngayon ay maayos ka. I'm proud of you. Maging mabuti kang ama sa siyam mong anak. Baka 'pag nagkita tayo uugod-ugod ka na.

Bigla kong naalala ng isang babaeng matagal ng hindi nagpaparamdam. Anong nangyari sa kanya? Sumabak na naman ba sa gyera? Damn! Kung ako ay ayoko sa trabaho nya.

Hindi sya nakakasiguro sa kaligtasan nya. Maraming magtatangka sa kanyang buhay at hindi ko alam kung anong trip nya kung bakit 'yon ang napili nyang tahakin. Sabagay, baliw 'yon e. Sabik sa dugo at putok ng baril.

Napatingin ako sa cellphone ko. Pati ang Alas na 'yon. Wala na rin akong balita sa kanya.

Hays.

Pakiramdam ko ay tinatalikuran ako ng mga tao sa paligid ko.

"Talikuran ka man nila, mananatili akong tapat sa'yo."

Bigla kong naalala ang isa sa mga tumatak sa aking isipan na sinabi nya. Kahit wala ka na ay putuloy mo pa ring ginugulo ang aking isipan.

Pero... Weird. Parang may mali sa kanya. Minsan... Madalas.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa dami ng umiikot sa aking isipan. Tapos na lahat ng pipirmahan ko at wala akong business meeting kaya bakante ako ngayon.

Tumayo ako at hinanap ang pangalan ni Ace sa contacts ko.

Nakailang dial ako ngunit walang sagot. Anak n--- Masyado ba silang busy? Nakalimutan na nila ako? Matapos ang lahat?

Ibinigay ko naman lahat, bakit ganito pa rin ang isinukli nila.

"Babangon ako at dudurugin ko kayo." wika ko sa salamin habang seryosong nakatingin sa aking reflection.

"Naks. Bagay talaga akong artista. Pang hollywood!" Kumindat ako sa aking sarili. "Pwede rin akong pornstar." bulong ko.

Natigilan ako nang mapagtanto ang isang bagay.

Bakit ko kinakausap ang sarili ko?

Natakot ako sa aking sarili. "Raze... Normal ka, okay? Sadyang wala ka lang kausap kaya maging ang sarili mo ay kinakausap mo na." pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Napagitla ako nang biglang may kumatok. Pumasok ang aking secretary na naka tsinelas na lang. Kinukuha ko kasi lahat ng heels nya para pag nagkita kami ni Allison, may collection na akong ibibigay sa kanya.

Nagtatampo pa rin kaya sya sa akin dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag?

Sorry na, baby ko. 'Wag ka nang magtampo.

"What?" iritang tanong ko.

Ayoko sa lahat 'yong ini-storbo ako sa kalagitnaan ng pagdadrama ko. Nakakabanas.

"May emergency mee---"

"Cancel it. Get out."

"But si---"

"Hays... Cancel nga 'di ba? Palit na lang kaya tayo? Gusto mo rin naman masunod."

Nakita ko ang pag-ismid nito sa akin bago nagmartsa palabas. Anak ng--- Nasungitan ang kagwapuhan ko.

I need to refresh... Chill.

Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan sa drawer ko bago sumisipol na lumabas. Lahat ng nadadaanan ko ay yumuyuko sa akin.

Kapag gwapo ka talaga, kailangang galangin.

Pumunta ako sa parking lot para kunin ang aking sasakyan. Sa susunod talaga, lalagyan ko ng control ang kotse ko. 'Yon bang papalakpak lang ako ng tatlong beses kusa syang lalapit. Dapat nilalapitan ang mga gwapo, pangit kasi 'pag kami ang lumalapit.

Habang nagdadrive ako ay sinasabayan ko ng kanta.

Slow motion...

"Baby, I just wanna get you out them clothes. I just wanna see you dance in slow motion..." kinagat ko ang labi ko matapos banggitin 'yon. Tumingin ako sa rear mirror para tignan ang aking mukha.

Okay... Enough. Tama na ang mga compliments. Naririndi na ako.

'Pagkapasok ko sa isang bar na malapit ay napapasayaw na ako dahil sa rock song na nakaplay.

Bakit kasi ang boring ng kapatid ko? Edi sana, kasama ko sya ngayon.

Binubuhay ng iba't-ibang kulay ng ilaw ang buong paligid. Nakaka chill talaga ang paligid dito kahit na konting galaw mo lang ay may nakatingin sa'yong babae. Ano bang magagawa ko? I'm damn hot.

"Raze?" Napatingin ako sa familiar na lalaking nasa harap ko. May kaakbay itong babae. "Gah... Mr. Sore eye!" masayang wika nya.

May ibinulong sya sa babaeng kaakbay nya kaya mabilis na umalis ito at iniwan kami.

"Kamusta na?" He asked.

"I don't talk to strangers." Malamig kong wika.

Umupo ako sa isang table at um-order ng hard drinks. Gusto kong makalimot ngayon. Gusto kong makalimutan si Dark.

"Kamusta na si Dark?"

Nakasunod pa rin pala ang gago. Feeling close. Nakiupo rin sa table ko. Ang kapal--- Hays. Saan ba galing ang lalaking 'to? Kung sya rin naman ang makakasama ko rito parang mas mabuting hindi na lang ako pumarito.

"Kaya mo 'yan. Ang bata mo palang magiging lolo ka n---"

"Oh, shut up. Dinaig mo pa ang stereo sa lakas ng boses mo." iritang wika ko.

Mabilis na nagsalin ako sa shot glass at nilagok 'yon. Napapikit ako nang gumuhit sa aking lalamunan ang init at pait no'n. Ilang buwan na rin akong hindi nakakainom kaya siguro ganito ako ngayon.

Pinanuod ko lang na lagukin ng lalaking ito ang isa sa in-order kong alak. Diretso 'yon sa bote.

"Bakit mag-isa ka?" tanong nya.

Sumandal ako sa upuan at pinagmasdan ang paligid. May kanya-kanyang ginagawa ang mga tao rito. Gaya ko ay malamang na nagpapalipas lang din ng oras.

"Hindi mo kasama ang kapatid mo?"

"No. Ayoko syang maistorbo."

Ako na ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa kompanya dahil ayokong problemahin 'yon ni Ace. Masaya akong kasama nya si Zein at 'yon lang ang nais kong problemahin nya.

Kumunot ang noo ko nang humalakhak ito. Nakakainsulto 'yon lalo na't wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Ganon mo kamahal ang kapatid mo?" Natatawa nyang tanong bago muling uminom sa bote.

Hindi ko na rin ginamit ang shot glass ko at diretso na rin ang paglagok ko sa bote. Mas maganda pala ang ganito kasi diretso na at hindi na ako magsasalin.


"You are?"

"Cedric. Gah... Paano mo nagawang kalimutan ang gwapo kong pangalan?"

Whoa. Angas ng isang 'to a.

"Kaano-ano mo si Ace?"

"Hmmm... Wala. Pero may crush ako sa girlfriend nya."

"Don't.you.dare." May pagbabanta kong wika.

Kung magiging sagabal ang lalaking 'to sa kanila ay ako mismo ang pipigil sa kanya.

Ngumisi ito at sumandal sa upuan. May kakaiba sa kanya at nararamdaman ko 'yon.

"Ang swerte sa'yo ni Ace."

Damn! May mga ipinapahiwatig ang kanyang mga salita. Hindi ko alam pero parang gusto ko na syang iwan sa mga sandaling 'to dahil ayokong may masabi syang hindi maganda.

"Sana ganyan din ang ginawa nya sa iny---"

"Crap! Hindi mo naman sisiraan sa akin ang kapatid ko, hindi ba?" mejo iritado kong tanong dahil pakiramdam ko ay sisiraan nya si Ace sa akin.

May hindi magandang pakiramdam ako.

"Hindi nyo man ako nakasama sa loob ng impyerno. May nalalaman naman akong hindi mo alam. Impormasyon na hindi mo kakayanin."

"You crazy. Lasing ka na ba? Iwan mo na ako. I don't need you, anyway."

"Ouch. Mah heart..." Humawak ito sa kanyang dibdib na animo'y nasaktan dahil sa sinabi ko. "You hurt mah heart." ulit nito.

Baliw nga...

Tumayo ito at tumalikod na sa akin.

"Kaya mo kayang mapatawad ang kapatid mo? Sana."

Iniwan nya ako matapos sambitin 'yon. Naiwan akong tulala sa bote ng alak sa aking harapan.

Ano bang problema nya? Anong ibig sabihin ng mga salita nya?

Hindi na rin ako nagtagal sa loob no'n. Hindi na rin ako nakainom nang maayos dahil sa binitawang salita ng lalaking 'yon.

Malalim na ang gabi. Naglalakad ako papunta sa parking lot. Lumilipad ang aking isipan. Damn! Sabi ko na nga ba at hindi magandang pinakinggan ko ang lalaking 'yon.

Ace?

Maging ako ay nahihiwagaan din sa'yo. Pakiramdam ko ay may itinatago ka sa akin.

May nagawa ka bang kasalanan sa akin? Kung oo, okay na 'yon. Hindi naman ako magagalit sa'yo. Pinapapataw--- Okay lang.

Natigilan ako nang makita ang isang babae na nakatayo sa tabi ng aking kotse.

"S-Samantha?"

Bumalin ito sa akin at parang pinagsakluban naman ako ng langit at lupa.

"Z-Zein. Ikaw pala." Huminga ako nang malalim. "Bakit andito ka? Nasan si Ace?" tanong ko.

Hindi ito sumagot.

Napatingin ako sa biglang dumating na babae. Nung makita ko sya ay isang milyong alaala ang bumalik sa akin.

"W-Winzy..."

"Kuya Lux!"

Yumakap ito sa akin. Natawa ako dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin sya nagbabago. Sya pa rin 'yong magalang na babaeng matalik na kaibigan ni Samantha.

"Teka... Bakit magkasama kayo ni Zein?" Nagtatakang tanong ko.

Nakita ko ang pasimpleng pagpunas ng luha ni Zein sa kanyang pisngi kaya mas naguguluhan ako.

"Asan si Alas?"

"Alas na naman!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Winzy. "Hanggang ngayon ay mas inuuna mo pa rin sya. Kuya naman. Isipin mo rin ang sarili mo." may halong inis na sambit nya.

Natawa ako. "Sus. Kunwari ka pa. May crush ka sa kanya, 'di ba?" panunukso ko.

Imbes na kiligin ito ay pumatak ang luha sa kanyang mata.

Alam kong may crush sya sa kapatid ko. Lagi ko nga syang inaasar dahil don e.

"Crush? Hindi. Kasi minahal ko sya." Natigilan ako sa sinabi nya. "Kaso... Mas minahal nya si Ate Sa---"

"Winzy!" Putol ni Zein kay Winzy. Umiling ito sa kanya.

Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa inaasta nila. Pakiramdam ko ay may itinatago sila.

"May kasalanan sa'yo si Ace." sabi sa akin ni Zein.

"Wala 'yon. Napatawad ko na sya."

"No! Fuck! Raze, wake up! Hindi lang basta-basta kasalanan 'yon."

Natawa ako dahil kahit na anong kasalanan pa ang nagawa ng kapatid ko ay hindi ko magagawang magalit sa kanya.

"I-It's about your past. It's not for Raze Silvenia. It's all about Luxury Valdez."

"Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?" Inis na tanong ko kay Zein dahil paligoy-ligoy ito. "Ano bang kasalanan?" Naguguluhang tanong ko pa.

Gaano kabigat at parang ang tingin nila ay malabong mapatawad ko ang kapatid ko?

"Sumama ka sa amin. Malalaman mo lahat." malamig na wika sa akin ni Winzy.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam pero masyado akong kabadong malaman 'yon. Hindi ko alam kung ano ang mga detalye na malalaman ko pero nangangatog na ang tuhod ko.

"S-Saan? Anong gagawin natin?"

Lumapit sa akin si Winzy.

"Tatapusin natin lahat ng nasimulan. Your pain... His pain... Her pain... Our pain... This Hell. We'll end it all."

***

A/N: Thank you so much for reading this story. Nakakatuwa ang suporta nyo. Kapit lang dahil malapit na tayo doon... Sa dulo. Again, maraming salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

82.2M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
103K 2.5K 21
May isang lalaking nakatayo sa ilalim ng arko. Ang lahat ng taong nandoon ay nakatingin sa sa kanya at pinag-uusapan sya dahil sa kanyang suot na hi...
20M 699K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...