Be Mine Or Make Me Yours

By envieve

21.1K 650 34

"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. Yo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
EPILOGUE

Chapter 14

522 19 1
By envieve

Author's Note: Hi Ainon! I know you're reading :) Thank you ikaw lang ata nagbabasa nito haha



C h a p t e r F o u r t e e n


Rem and Lisa are secretly in a relationship.

~ * * ~

Kinabukasan, may TV guesting kami ng Style kasama ang dalawang sikat na artistang sina Lisa at Dars sa isang afternoon show. Ang tema nila ngayon ay about sa friendship. Noon ko pa kilala ang dalawa, ngunit ngayon ko lang sila nakasalamuha. They were nice though. Binibigyan nila ng compliment ang grupo namin at nakikipagbiruan pa sa amin.

But that was when infront of the camera. The moment na matapos ang show at nagpatayan na ang mga camera, napansin ko ang pag-irap sa akin ni Dars. Hindi ko nalang pinansin.

"Inom tayo," anyaya ni Yna. "Nakakamiss uminom kasama kayo eh."

"Baka magalit si Manager. Bangag na naman tayo bukas sa napakaagang voice lesson," ani Iasha.

"Hindi 'yan. Ngayon lang naman," giit ni Yna.

"Oo nga! Paminsan minsan mag-enjoy naman tayo. We deserve it for all our hardworks. Let's celebrate! Kampaii!!" masayang sabi ni Talia.

Nagpaalam kami sa mga staffs. Sinabihan ko rin si Rose na mauna ng umuwi sa dorm ko para ayusin ang mga gamit ko. Yung tatlo naman, binalaan ang mga PA's nila na huwag magsusumbong kay Madam G.

"Hayaan mong siya ang makatuklas." At tumawa ng pangdemonyo si Talia.

Palabas na kami ng stuido. Nauuna ang tatlo at ako ang nasa hulihan. Mabagal akong naglalakad dahil binabasa ko ang mga text messages ni Rem.

Bakit umalis ka nang hindi manlang ako ginigising? *crying emoticon*

Hey, Amea! Pinapanood kita sa TV! Ang ganda ganda mo talaga :)

Ang kukulit niyo jan ah! Hahaha mishuuu :*

It's time. Kanina pa ako tinatawagan ni Manager hehe kailangan ko nang pumunta sa Wings Ent bldg. Magpapaka-busy muna ako :D See you later, Amea! Wait mo ko sa bahay natin hahahaha ano pala gusto mong pasalubong?

On my way to the blg. Tanong ko lang kung bakit di mo ko pinapansin kagabi? Akala mo ba kung sino yung baby ko? Eh si Shiro lang naman yun. Yung aso ko :) baby ko yun. Kung gusto mo baby mo na rin :D

Natatawa talaga ako kagabi sa ginagawa mo! Hahahaha hihingi ako kay Direk ng copy nun at ipapa-burn ko sa disc. Alam ko may CCTV sa labas ng bahay eh. Baka nakunan yung ginagawa mo kagabi. Cute cute mo magselos eh. Nakaka-turn on.

Namula ako sa huling text niya. Nagreply agad ako in a not deffensive way!

HINDI AKO NAGSESELOS. ILUSYUNADO KA TALAGA ENO? OA MO! BAKLA!

Waaah. Hiyang hiya ako! Siya kasi eh! Pinaalala na naman yung kagagahan ko kagabi. Alas otso na kasi ng gabi wala pa siya eh hapon siya umalis. At oo, aaminin ko nag-alala ako kaya hinintay ko siya sa labas ng pinto. Nakaupo ako habang nakatulala sa may gate. Hinihintay kong may kotse na tumigil. Higit isang oras akong naghintay nang sa wakas may dumaang kotse. Tumigil ito at mayamaya, bumukas ang pinto ng van.

Napatayo ako at agad na lumapit sa may gate. Nagtago pa ako. Tumingkayad at tumingala ako para masilip ko siya.

Lumabas si Rem. Naningkit ang mga mata ko nung pinasok niya uli ang half body niya sa loob ng sasakyan. Para bang may kinukuha.

Naningkit ang mga mata ko nang maisip kong humahalik siya sa babae niya. At naramdaman ko nalang na kumuyom ang kamao ko. Tama nga ang nasa article na hinding hindi ko kailanman malilimutan. REM IS A PLAYBOY!

Inabangan ko ang paglabas muli ni Rem ng tuluyan. Halos magkandabali bali na ang leeg ko sa pagtanaw sa kanya. Ayan makikita ko na ang babae niya... yung baby niya... yung aso...

What the heck?

So hindi siya humalik sa babae, kinuha niya ang aso at binuhat. Yakap yakap niya ito habang naglalakad. Hinahaplos pa niya ang buhok nito gamit ang isang kamay tapos may kung ano siyang sinasabi rito.

"Hindi ka ba nahihirapan sa pwesto mo ngayon?"

ASDGFHJDFKGJ!@$#$#%$# !!!! Muntik na akong mapamura. Napatulala kasi ako habang dina-digest ang kahibangan ko at di ko namalayan na nasa tabi ko na si Rem. Nakapasok na siya ng gate at yung van na naghatid sa kanya dito nakaalis na. Oh jeez! Nakakahiya!

"Ah eh ano... naglu-look out ako baka may paparazzi sa labas." Nang nananatili sa posisyon ko, luminga linga ako sa paligid. Putek, sumasakit na leeg ko. Nangangalay na. At yung binti ko nagsisimula ng manginig.

"Oh tapos? Ano naman? Hindi ba't lalo ka nilang makukuhanan ng litrato nang nandyan ka kaysa nasa loob ka ng bahay?"

I step down on my heels. Shet, sumakit binti ko.

Ngumiti ako sa harap niya kahit na nasasaktan ang ilang parte ng katawan ko. "Oo nga, 'no?" Tumawa ako ng peke.

Pumalatak siya. "Ang sabihin mo, nagseselos ka lang. Akala mo babae si Shigatsu."

"Paki ko sa mga babae? Dyan ka na nga!" Tinalikuran ko na siya at nag-walk out. Diretso agad ako sa kwarto ko. Ni-lock ko pa ang pintuan ko. Ayoko siyang makita dahil hiyang hiya ako. Gossshhh!

"Hi, Kangji!" I was dragged out of my reminisce when someone called me. It's Dars. Katabi niya si Lisa na nakangiti sa akin in a friendly way.

I looked around, searching for my groupmates pero wala na sila. Ay, hindi siguro nila napansin na hindi na ako nakasunod.

"Since magkasama kayo ni Rem sa 1hundred Days, lemme share you a dark secret."

"Dars!" pigil ni Lisa sakanya.

"What? Mas maganda na rin naman na alam na niya."

I frowned. What were they talking about?

"Doon tayo sa walang tao."

Lumabas kami ng studio. Dinala nila ako sa VIP lounge. Pinaupo ako ni Dars sa malambot na couch. Tinabihan naman ako ni Lisa, na nakatingin sa akin as if naaawa siya or nagi-guilty.

"Ano ba yung sasabihin mo? Pakidalian kasi sigurado akong hinahanap na ako ng mga kaibigan ko," diretsang sabi ko sa kanya.

"OK, sabi mo eh. Di na ako magpapaligoy ligoy pa."

"Dars, you don't have to do this!" awat pa rin ni Lisa.

Ngunit hindi nakinig ang bruha. "Kung hindi mo pa alam, Rem and Lisa are secretly in a relationship."

Napanganga ako sa sinabi niya. Natulala ng ilang segundo pagkatapos tumingin ako kay Lisa, na nag-iwas ng tingin.

"Inamin ni Rem kay Lisa na kung nasa Golden Awards lang sana siya, siya ang pipiliin ni Rem."

Yeah. Kahit wala si Lisa sa awarding event na 'yon, marami pa rin ang nagsisigaw sa pangalan niya. Na-kwento ko na naman sa inyo na mayroong bali-balita na magsecret on sila, diba? At marami rin nagkalat na mga sweet stolen pictures and video clips nila which is hindi ako sure kung edited or totoo.

"His second option is you. Since binroadcast niya na he is admiring you. But don't get the wrong idea, hindi niya yun ginawa kasi totoo. Ginawa niya 'yon para pagtakpan ang lihim na relasyon nila ni Lisa. Para mag-divert ang atensyon ng mga tao sainyo kaysa sa kanila ni Lisa."

Si Lisa ay may love team partner. Sa henerasyon ngayon, ang loveteam nila ang pinakasikat at pinakapaborito ng mga tao. Even if hindi ipaliwanag ni Dars, naiintindihan ko ang sitwasyon. Kapag nalaman ng mga tao na may real boyfriend si Lisa at hindi si Jiro (ang long time ka-love team niya), maraming maiinis. Bababa ang popularity niya at may tendency na malaos bigla ang loveteam.

Yun nga lang mga nagkalat na issue sa internet na secretly dating sila ni Rem marami na ang nang-bash kay Lisa eh. Ano pa kaya kung magkaalaman na?

"Rem is already Lisa's boyfriend," pagdidiin ni Dars.

"Then why are you saying that to me?"

Natawa si Dars ng pagak. "How slow are you? Don't you get it? Sinasabi ko sa'yo ito para hindi ka mag-assume. Kita ko kasi sa'yo na feel na feel mo na may gusto sa'yo si Rem when in fact palabas lang ang lahat."

"Dars, stop it!" Tumayo na si Lisa at pumagitna sa amin.

Nanatili akong nakaupo habang salitan silang tinitingnan. Pareho silang nakatayo.

"Kangji, I'm sorry."

Nginitian ko si Lisa. I stood up in front of Dars then smirked at her evilly. "You don't have to be sorry, Lisa." Ngunit kay Dars ako nakatitig. "Cause I don't believe at all anyway."

Nalaglag ang panga ni Dars sa sinabi ko. Lalo tuloy lumawak ang ngisi ko. Nang lingunin ko si Lisa, nagkaroon ng awang sa labi niya. Nang matauhan, yumuko siya.

"I'm not the type of person who can easily believe in rumors especially when it came from the people who can't be trusted." In-up and down ko siya ng tingin. "Such a tupperware." Naglakad na ako. Sinadya kong bungguin ang braso niya nang madaanan ko siya.

Paglabas ko ng VIP lounge, saka ko nilabas ang phone kong kanina pa vibrate ng vibrate.

"KANGJI, ANO NA? NASAANG LUPALOP KA? NASA LIKURAN KA LANG NAMIN KANINA AH!"

Mabuti nalang nakutuban ko ang mangyayari kaya hindi ko na dinikit ang phone sa tenga ko. Kasi paniguradong bingi ako nito sa sigaw ni Yna.

"Gumawa lang ng eksena saglit. Palabas na ako ng building."

"Sige, pakibilisan. Inom na inom na si Talia-ng wasalak."

Sumunod kong narinig ay maiingay na kaluskos at ang sigaw ni Iasha na umaawat sa dalawa.

Bumuntong hininga ako at mas binilisan ang paglalakad. Hindi ako naniniwala. Kilala ko si Rem. Hindi siya ganoong klase ng tao.

Kapag ganitong may malalim akong iniisip, napaparami ang inom ko. Mukhang may malalasing mamaya.

Continue Reading

You'll Also Like

65K 157 15
SPG
6.3K 406 41
Man of the future, famous Matinee idol, Masungit, Englishero ,Gentleman pero medyo Bastos, Alluring at higit sa lahat, He believes that Love is Only...
103K 2.5K 72
#2 in inspired Lust runs through his body. For him, Love is lust, Love is all about money, and lust is an instrument to be happy. Lust is everythi...
572 110 23
Maagang namulat sa buhay si Jane, isang student photographer na bumubuhay at sumusuporta sa nakababatang kapatid na si Chase. Isang hindi inaasahang...