Hotdog Ni Jin

By mortiferox

77.7K 3.4K 1.3K

Daddy Kookie's fanfic featuring Jin and Pinky. More

Umpisa
HNJ 1
HNJ 2
HNJ 3
HNJ 4
HNJ 5
HNJ 6
HNJ 7
HNJ 8
HNJ 9
HNJ 10
HNJ 11
HNJ 12
HNJ 13
HNJ 14
HNJ 15
HNJ 16
HNJ 17
HNJ 18

HNJ 19

1.6K 87 87
By mortiferox

HNJ 19


Kung nakakalusaw lang siguro ang tingin, kanina pa ako nalusaw dito sa kinauupuan ko. Simula ng makarating si Jin ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang tumitig sa akin na parang hindi siya makapaniwala na nandito ako. Syempre, hindi ko pinahalata na tinitignan ko din siya pero siguro ay napapansin niya din. Medyo naiilang na kasi ako.


Siniko ako ni Bubble at nginuso si Jin na nakatingin sa akin habang umiinom sa baso na may laman na alak.


"Kanina pa siya nakatingin sa iyo." sabi ni Bubbles. Inirapan ko naman ang direksiyon ni Jin at sinabi kay Bubbles na hayaan nalang siya. 


Kasalukuyan kasing kumakanta si Taehyung. 


"Ako si Mister Suwabe! Habulin ng babae!" sigaw niya habang sumasayaw pa. Wala parin siyang pinagbago maliban sa lalo lang siyang gumwapo. Noon kasi ay mukhang dugyot sila, diba. Pare-parehas kaming mukhang dugyot noon. Pero ngayon, masasabi ko na marami na ngang nabago sa pisikal man o sa pag-iisip naming lahat.


Natapos kumanta si Taehyung kaya tumahimik nanaman ang paligid. Kanina pa ganito. Pilit na pinapagana ni Hoseok at Taehyung ang atmosphere ng buong kwarto. Siguro ay tahimik dahil sa akin. Bigla naman akong tinuro ni Taehyung kaya napatingin ako sa kanya.


"Hoy ikaw Pinky! Bakit hindi mo inaccept iyong friend request ko sayo noon ha?! Feeling famous ka na!" sigaw niya. Namula naman bigla ang pisngi ko sa hiya sabay nagtawanan silang lahat maliban ulit kay Jin na tumatagay ulit sa baso niya pero hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatingin nalang siya sa lamesa sa harap namin.


"Oo nga naman Pinky! Nag-sent din ako ng request sa iyo noon!" sigaw din ni Hoseok. 


"Ano ba kayo, busy ako noong mga time na iyon na umusad 'no!" bawi ko sakanila. Natahimik ulit sila kaya tumikhim ako at sinabi, "Pero moved on na ako! 'Wag kayong mag-alala!" sabay ngiti ng sobrang tamis. 


Nilapag ni Jin ang baso niya sa lamesa at medyo napalakas iyon kaya napatingin kami sa kanya.


"Bitter!" sigaw ni Jungkook. Nagtawanan naman ang ilan. Tumingin sa akin si Jin, sakto din na nakatingin ako sa kanya kaya nagtama ulit ang mga namin. Kumabog ang dibdib ko pero hindi ako nagpatinag sa pagtitig sa kanya. Hindi ko hahayaan na makita niyang may epekto pa siya sa akin sa walong taon na lumipas. Nginitian ko siya ng sobrang tamis kaya kumunot ang noo niya.


"Kumusta ka naman Jin?" tanong ko. 


Napahinto ang lahat sa pagtagay. Pati si Yoongi na muntik pang nabulunan kung hindi lang binigyan agad ni Bubbles ng inumin na tubig. 


Nakatingin lang ng diretso sa akin si Jin at binawian niya ako ng ngiti.


"Ayos naman." sagot niya. Hindi ko siya mabasa. Pero isa ang sigurado ako; hindi sumabay ang mata niya sa ngiti niya.


"Mabuti naman kung ganoon." iyon nalang ang nasabi ko bago tumagay ulit. 


Nahuli ko naman na nakatingin si Namjoon sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. Tumawa siya dahil siguro napatunayan niya na ako parin si Pinky na karibal ang turing sa kanya. Pero hindi na ngayon. Wala na akong kinalaman kung may girlfriend ba o may kafling na itong si Jin.


"Kumusta ang London, Pinky?" tanong ni Namjoon. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.


"Ayos lang naman. Masaya. Malawak." sagot ko. 


"Balita ko, Interior Designer ka na?" si Jimin.


Tumango ako kaya napa-wow silang lahat maliban ulit kay Jin na may kinakalikot sa phone niya.


"Edi malaki na ang kita mo?" tanong ni Yoongi. Tatango palang ako nang sumingit si Hoseok.


"Oo, siya na ang magbabayad ng lahat ng ito. Tara bill-out na." akmang tatayo na si Hoseok nang higitin siya paupo ni Jimin. 


"Ano ba 'to. May trabaho din naman tayo ah! At dahil iyon sa kagwapuhan ko." pagmamayabang niya. Sumagot naman si Hoseok.


"Pwede ba ha, Jimin? Hindi naman dapat papasa iyang height mo e! Buti at nakiusap si Jin noon!" 


Sinuntok naman ng marahan ni Jimin ang braso ni Hoseok.


"'Wag mong baligtarin! Kayo ang kinuhang modelo dahil sa akin!" sambit niya. 


Nagtawanan kami sa pagmamayabang nilang dalawa at nailing nalang. Wala parin talaga silang pinagbago. 


"Hyung ang tahimik mo naman." pansin ni Taehyung kay Jin. Umirap naman siya at binulsa ang telepono bago tumayo.


"Lalabas muna ako." malamig na paalam niya. Hindi niya na hinintay ang sasabihin ng iba, dire-diretso na siyang lumabas at bahagya pang binagsak ang pinto. Napabuntong-hininga naman ang mga kasama ko.


"Ano ba iyan, ang baho." singit ni Bubbles. Sinamaan namin siya ng tingin kaya nag-peace sign siya. 


"Paano mo niyaya si Bubbles na magpakasal ha, Yoongi?" tanong ko. 


"Hindi naman ako ang nagyaya. Si Bubbles ang nag-propose sa akin." sagot niya na parang bored na bored pa ang boses kaya nakatanggap siya ng sapak kay Bubbles. Napa-aray naman siya at tumawa pagkatapos.


"Simple lang. Hindi naman engrande ang pagyaya ko sa kanya. Lumuhod lang ako kasi sabi niya lumuhod daw ako dapat. Hindi ko talaga alam gagawin, kaya ayon. Sinuot ko na agad sa kanya iyong singsing. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam ko naman na hinding-hindi ako hihindian ni Bubbles." may tono ng pagmamayabang sa boses ni Yoongi na ikinatawa ng lahat. Umiling si Jungkook at winagayway ang mga palad niya sa hangin.


"'Wag ka ngang magsinungaling, hyung! Umiyak ka pa nga noong um-oo si Bubbles e!" pambubuking niya. Namula naman si Yoongi at tinignan ng masama si Jungkook.


"Sa labas ka matulog, ha." pagbabanta niya. 


Oo nga pala. Sa ibang lugar na sila nakatira. Dapat ko bang tanungin kung saan sila nakatira ngayon? Pinagmasdan ko sila na nagtatawanan ulit. Hindi na sila kasing-gulo tulad ng dati. Nag-binata talaga silang lahat. Bakas na bakas iyon sa pangangatawan nila. 


Nagpapasalamat din ako dahil hindi nila ako tinaboy. Hindi sila galit sa akin. Marahil ay naiintindihan naman nila kung bakit kinailangan kong lumayo.


"For good ka na ba dito Pinky?" tanong ni Bubbles. 


"Ha? Hindi. Two months lang kasi ang hiningi kong bakasyon sa boss ko." sagot ko naman sa kanya. Natahimik ulit ang iba at napansin kong bumukas ang bibig ni Namjoon para magtanong,


"Pinky, bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam?" 


"Hyung." pag-aawat ng marahan ni Taehyung. Walang bakas ng inis o galit sa mata ni Namjoon habang tinatanong niya iyon. Ang tanging nakita ko lang ay kuryosidad. 


"Hindi ko kasi kinaya. Lahat. Kaya nagdesisyon ako na 'wag na kayong kitain bago ako lumipad pa-London. Mahihirapan lang akong umalis." sagot ko. Totoo iyon. Alam ko sa sarili ko na baka mahirapan lang ako kung makikita ko ang Tropang Budots bago ako umalis noon, lalo na si Jin.


"Sa unang taon na wala ka Pinky, halos hindi na namin nakilala si Jin. Lagi siyang kung oras na umuwi at lasing-" bago pa maituloy ni Jimin ang sasabihin ay bumukas na ang pinto. Sino pa bang ibang papasok kung hindi si Jin? Nakapamulsa siya at dire-diretsong umupo sa pwesto niya kanina. Hindi niya pinansin ang mga titig namin sa kanya at kinuha agad ang telepono niya sa bulsa. 


Halos hindi makilala? Bakit kaya? Naintindihan ko naman kung bakit hindi na itinuloy ni Jimin ang sasabihin niya. Ayaw siguro niya na marinig ito ni Jin. Pero bigla akong na-curious. Ano nga ba ang nangyari kay Jin noong nawala ako? Dahil ako, naging miserable ako noong wala siya.


Ilang tagay at kwentuhan pa ang dumaan nang magsimula ng magyaya si Bubbles dahil nahihilo na daw siya. Nagsitayuan na kami at isa-isang lumabas ng pintuan. Si Yoongi na daw ang magdadrive sa sasakyan ni Bubbles dahil hindi niya dinala ang sasakyan niya. 


Lumabas kami ng bar at isa-isa namang pumarada ang mga sasakyan nila. Wow. Talaga ngang big time na ang mga ito ah. Pero kanino ako makikisakay? Nahiya tuloy ako bigla. Medyo nilalamig na din ako dahil sa suot ko at mabilis na namili ang mata ko kung kaninong sasakyan ba ako makikisabay. 


Nakarinig naman ako ng daing sa may kotse ni Bubbles. Nagsuka niya sa bullet seat. Kaya doon siya pinuwesto ni Yoongi sa likod. Balak ko pa namang makisabay sa kanila. Tatabi nalang siguro ako kay Bubbles sa likod. 


Naisip ko naman na magiging abala ako dahil narinig ko na doon itutuloy ni Yoongi sa apartment nila si Bubbles na malayo dito. Nahiya naman akong sabihin na ihatid muna nila ako. Babalik pa sila kung ganoon.


"Sa akin ka na sumabay, Pinky. Hatid na kita." alok ni Namjoon. Tumingin naman ako sa paligid at nakita kong nagsisimula nang umandar ang mga sasakyan ng iba kaya um-oo ako kay Namjoon. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ni Namjoon nang may tumulak para isara iyon.


"Sa akin na siya sasabay." utas ni Jin. 


Nanlaki ang mga mata ko at tumingin ako sa kanya pero nakatingin siya kay Namjoon. Tinignan kaming dalawa ni Namjoon at tinanong niya kung ayos lang daw ba sa akin. Sasagot na sana ako ng "Hindi." kaso naalala ko na dapat ko palang ipakita kay Jin na wala siyang epekto sa akin kaya um-oo nalang ako.


"Tara." sambit ni Jin. 


Biglang nagwala ang mga dragons sa tiyan ko pero lakas-loob akong sumunod sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at napabuga ako ng malalim ng hininga. Sumakay din siya agad. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko. Ganito ba iyon? Ganito ba talaga kapag nagkalayo kayo ng taong dati mong minahal ng sobra sobra?


Bumalik lahat sa akin ang nangyari. Alam kong hindi totoo ang mga nangyari kay Jin at Violet pero hindi ko parin siya mapatawad ng buo. Dahil siguro pinaramdam niya sa akin noon na kaya niyang mabuhay at magpatuloy kahit wala ako. Na wala siyang dapat gawin para bumalik ako sa kanya.


"Kumusta?" pang-babasag niya ng katahimikan. Tinignan ko siya ngunit diretso lang siyang nakatingin sa daan. Tumingin nalang din ako ng diretso sa dina-daanan namin.


"Ayos naman." tipid na sagot ko. 


"Paanong 'ayos naman'?" tanong niya ulit. Tumingin ako ulit sa kanya at nahuli kong nakatingin na siya sa akin kaya agad akong nag-iwas.


"Ayos lang. Ganoon parin naman." sabi ko. Pinagdadasal ko na sana ay wala na siyang tanong na isunod ngunit hindi natupad ang dasal ko.


"Ako ba? Hindi mo ba ako tatanungin? Hindi mo ba ako tatanungin kung kumusta na ako matapos ang walong taon na iniwan mo ako?" mabilis ngunit mababa ang tono ng boses ni Jin. Parang walang buhay, walang emosyon. Hindi siya si Jin. Dinig ko din ang sakit sa tanong niya. Pero sino ba siya para masaktan? Isa pa, ayos lang ang sinagot niya sa akin kaninang kinumusta ko siya.


"Tapos na iyon, Jin. Dapat ay limot mo na." 


Nag-igting ang bagang niya at napakapit siya ng mahigpit sa manibela. Wala na siyang susunod na sinabi kaya nabalot na kaming dalawa ng katahimikan. At sa loob-loob ko ay nagsisisi ako kung bakit sa kanya pa ako sumabay. 


"Hindi... hindi mo man lang ba ako naisip noon, Pinky?" 


Tumingin ako ulit sa kanya. Nakatingin nanaman siya sa akin. Balot na balot ng lungkot ang mga mata niya. Unang pagkakataon na nakita kong ganito ang mga mata ni Jin. Parang pagod na pagod.


"Naisip kita. Walang araw na hindi kita naisip noon."


Sa tingin ko, ito na iyon. Ito na iyong dapat kong gawin sa oras na ito. Ang ilahad lahat kay Jin. Para sa tuluyang pagtatapos naming dalawa.


"Ako din, Pinky. Walang araw ang lumipas na hindi kita naiisip. Walang oras ang nagdaan na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung babalik ka pa ba. Walang palya Pinky. Hindi ako pumalya sa kaka-alala sa iyo." paliwanag niya. May kung anong kumirot sa puso ko. Pero walang taon na iyon. Hindi na mababalik ang mga bagay na nasayang.


All that we're left with is our happy and painful memories.


Hindi na ako sumagot dahil nasa tapat na kami ng bahay namin. Ako na ang nagbukas sa pintuan at nagmadaling pumasok sa gate. Bumaba si Jin sa kotse niya at mata sa mata akong tinignan.


"Sinabi mo sa akin kanina na dapat limot ko na, diba? Tangina, Pinky. Oo nga e. Dapat limot ko na, dapat limot ko na din itong pagmamahal ko sa iyo. Pero hindi e. Eight fucking years, Pinky." may diin sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Umiling naman ako.


"Yes, it's been eight years Jin. Kaya kalimutan mo na iyang pagmamahal mo. Marahil ay nararamdaman mo lang iyan ngayon dahil nagkita tayo ulit. Mawawala din iyan-"


"Hindi, tangina. Hindi mo ako pwedeng pangunahan sa nararamdaman ko sa iyo!" 


Pumikit ako at nag-bow na sa harap niya.


"Salamat sa paghatid. Una na ako."


Tumalikod na ako sa kanya dahil baka hindi ko kayanin. Baka maluha ako at yakapin nalang siya bigla.


"Wala na ba, Pinky? Wala na ba?"


Pumikit ako at naramdaman na may umagos na luha sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim at sumagot.


"Wala na, Jin." matapang na sagot ko habang nakatalikod sa kanya.


Tumawa siya ng sarkastiko.


"Ganoon ba? Wala na? Sige. At least right now I know what I should do. You will fall for me again. Sa ayaw at sa gusto mo, mahuhulog ka ulit sa akin Pinky. Be ready, I'll make you fall for me harder than before. Good night."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...